Truyen3h.Co

Talk Dirty

Chapter 12

frezbae

Want Us

Naging abala ako sa pag aaral ganon' rin si Faustino. Yun na ang huli naming pagkikita dahil nang sumapit ang sabado at linggo hindi ko na siya nakita sa mansyon nila Genevive.

"Hay! Nakaraos tayo sa exam!" si Vicco yung bakla naming leader noon sa group work. Kasama ko rin si Kris, Chelsea at Vicco na ka klase ko rin.

Kinakalikot ko ang aking cellphon na android. Nagpatulong pa ako kay Vicco para lang makabili nito. Marami akong mapag gamitan pala. Nakakatulong sa school at pagkontak sa kanila tatay.

"Tara Tea Leaf tayo?" tanong ni Chelsea. "Pampawala ng kaba at stress! Hello! We need to unwind!"

Umiling ako at nanahimik. Isang linggo palang ako sa kanilang sumasama at nahihiya parin ako. Nakita ko nalang ang sarili kong sumasama sa kanila at wala naman silang naging komento. Hindi tulad ng ibang studyante dito.

"Mag bar nalang kaya tayo?" Aniya ni Kris.

"Ay bet!" sabay taas baba ni Vicco ng kanyang kilay.

"Ikaw Ava? Wanna come?" tanong ni Kris.

"Makakapasok ba tayo doon?"

Tumawa sila, "Ay! Loka! Sa club ka nagtatrabaho tas hindi mo alam?"

Napangiwi ako.

"Sasama na iyan si Ava. Text text tayo mamayang gabi huh?"

Sumapit na nga ang gabi at lumiban ako sa pagtatrabaho sa club. Gusto ko ring bigyan ang sarili ko ng kalayaan tulad ng mga kabataan ngayon. Kahit ngayong gabi lang.

"Nay," tawag ko kay nanay nang mapakain ko siya. "Ilan nalang po pera natin?" tanong ko dahil sa kanya ko binibigay ang perang binigay ni Faustino sakin noon.

"Meron pa. Bakit?" tanong niya at umayos ng upo. "At bakit nandito kapa? Di'ba dapat nasa club ka?"

Pumikit ako, "Nay, kasi nagyaya ang mga ka klase ko-"

Natapos ang anumang sasabihin ko nang may nilabas na si nanay at nilapag sa gilid ko.

"Ayan, 1k lang yan ha. Aba mahal ang gamot ko," mataray niyang aniya pero napasinghap rin kalaunan. "Mag enjoy ka. Wag' rin puro trabaho walang bubuhay sakin kung magkasakit ka no!"

Masaya akong sumama kina Vicco. May sasakyan sina Kris at driver na nagsundo sakin sa labas ng hospital. Nagsuot ako ng black na dress. Sila naman ay sexy rin sa kani kanilang suot. Si Vicco naman ay naka black shirt at pants rin. Lalaking lalaki parin siya ngayong gabi.

"Hay, don't ask me. Hindi ko maisusuot ang best dress ko tonight dahil alam ni daddy na aalis ako! Baka mamaya may bg's are here baka mabuking ako!"

"No one ask, Victoria!" Tawa ni Chelsea at hinila ako papasok.

"Nice!" narinig kong sagot ni Vicco at pumasok narin.

Maingay na nang pumasok kami. Halos magsigawan na kami para lang marinig ang isa't isa.

"Dito tayo," turo ni Kris sa sofa na pabilog malapit sa dance floor.

"Bakit hindi VIP?" Chelsea asked.

"You know naman! Mas maganda dito kasi malapit sa crowd kapag sa VIP hindi tayo madali makita! Wala tayong malalandi tonight!" sagot ni Kris.

"Talino mo talaga!" Sang ayon ni Vicco at umakbay sa akin. Hinila niya ako at may binulong.

"Pakshet! Naspottan ko ang isang body guard ko! Dapat malapit ka sakin Ava ha! Baka magtaka na puro babae kasama ko! Dapat sweet tayo. Kunwari magjowa. Yuck."

Nasuka pa siya na ikinatawa ko. Kahit sila Chelsea at Kris alam na ganun muna si Vicco sa akin. Natanto korin na mas sosyal itong bar. Base palang sa mga taong nandito malalaman mo na hindi basta basta.

Nakakita pa ako ng mga nakasuit sa banda ng VIP. May mga nagsasayawan rin sa dancefloor na halatang may class.

Nilapag ng waiter ang tatlong Jack Daniels at mga shot glass. Meron rin silang inorder na sisig at nachos.

"I saw my ex! God,ang pangit ng pinalit!"

"Bitter parin ba Kris? Siya nakauna?" si Vicco ang nagtanong habang ako tahimik lang. Ang mga mata ko naman ay naglakbay.

"Nope! Virgin pa'ko no. Naghuhunting pako tonight ng mabibigyan ko,"

Napailing ako.

"Wow ano yang pepe mo? Free sandwich? Cheap." aniya ni Chelsea kaya hinampas siya ni Kris.

Hinila ako ni Vicco bigla. "Let's dance!"

Tumango ako ng nakita kong tumayo narin ang dalawa. Sanay ako ng ganito sa club kaya todo sayaw ang aking ginawa. Nakainom na ako ng pang tatlong shots ng Jack Daniels.

Pumikit ako at dinamdam ang sariling nalalasing sa musika. Kakaiba pala ang ganito no? Yung hindi muna iniisip ang kahit anumang problema. Gumuwang ang aking dibdib sa saya at mas kumembot pako.

May humawak sa aking baywang bigla. "Vicco-"

Natigil ako ng makita sina Vicco, Chelsea at Kris na nakaawang ang labi habang tinitingnan ang lalaking may hawak sa akin.

"You're done tonight," Bulong ni Faustino sa akin na ikinahimasmasan ko.

Halos hindi ko maramdaman kung paano kami nakalabas sa bar dahil sa kaba ko. Pagkatapos ng ilang linggo na hindi siya nakikita kakaiba ang dating sa akin.

"S-Saan tayo?" tulad ng inaasahan ko hindi niya ako sinagot.

Sumakay kami sa kanyang sasakyan na tahimik lang. Nagkalat sa loob ng sasakyan niya ang amoy ng alak at mint. Hindi ko alam na nandoon rin siya.

Biglang nagring ang aking cellphone kaya inangat ko iyon. Si Vicco ang nagtext pala.

Ingat!

Nasundan pa iyon ng heart heart. Baklang bakla talaga.

"So you have a phone huh?"

Tahimik parin itong nagddrive. Tumango naman ako sa kanya. May kung ano sa akin na ikinatingin ko sa kanya.

"Uh, bumili ako ng binigyan mo'ko ng pera."

Dinilaan niya ang labi at sa daan parin nakatutok.

"Hindi ko alam na nandoon karin pala sa bar."

"Pumunta ako sa club wala ka," napamulagat ako sa sinabi niya. Nag panik ako ng husto.

"Kasi nagyaya ang mga kaklase ko."

Hindi na ako nakarinig pa ng sagot niya at nanatili siyang tahimik. Nakita ko na tumigil kami sa hotel na pinagdalhan niya sa akin dati.

Mula sa elevator at nang pumasok na kami sa room namin ay hindi siya nagsalita.

"Uh, naging busy ka nga talaga sa t-trabaho no?" paunang topic ko at umupo sa sofa. Hindi siya umimik at lumapit sa fridge at kumuha doon ng wine. Nilapag niya iyon sa mesa , sa aming harapan.

"I went abroad,"

Kaya pala. Ni wala siyang sinabi sakin. At bakit niya naman sasabihin?

Tumango ako at kinuha ang binigay niyang baso na may wine.

"I have visitor tonight," aniya at tumayo at lumapit sa glass window.

"S-sino naman?" tanong ko,kinakabahan. May bisita siya, so bakit ako nandito?

"Tell me, Ava. Do you like my twin?" seryoso nitong tanong at nagsindi ng sigarilyo. Napalunok ako.

"M-Mabait siya,"

"So you like him?" he spat. Napalunok ulit ako.

Hindi na ako makasagot pa. Bigla nang nag buzz ang pintuan kaya lumapit doon si Faustino para buksan.

Nang nilingon ko iyon ay nakita kong si Frosto iyon.

Ano to? Bigla akong napatayo.

Ewan. Kung noon ay ayos lang sa akin pero ngayon parang hindi ko kaya!

"Faustino-" sabi ko habang umatras ng lumapit sila sa akin. Si Faustino ay umigting ang panga habang si Frosto ay hindi ko mabasa ang iniisip.

Doon ko na nakuha nang hinubad ni Frosto ang pang itaas na polo ng paunti unti.

"Sir F-Frosto-"

"You want us right?" paos na tanong ni Faustino. Nasapo ko ang labi nang dumampi ang aking likod sa malamig na dingding.

Hindi ako makasagot! Hindi ko alam na dadalhin niya ako dito at alam ni Frosto! Alam ko na ang gusto nilang gawin! Hindi ko alam kung bakit nanlumo ako. Parang nawala ang kakaibang nararamdaman ko kay Faustino. Parang hindi na ako safe. Parang hindi na ako nakakita ng pag asa kapag nandiyan siya.

"Uh, F-Faustino..babalik nalang ako," Nagmamadali akong tinungo ang pintuan para makalabas ng hinuli ni Faustino ang aking baywang at pininid ako sa dingding.

"Why?" Ngumisi siya. "You want us di'ba? Gusto mo siya?"

"Faus-"

"You shut up!!" sigaw ni Faustino kay Frosto. Umiling si Frosto at tiningnan ako.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ni Faustino.Hindi ko alam.

"Tell me! You like my twin even when you were young right? You like him better than me! Dammit!" mura niya at mas hinigpitan ang pagkakapinid sakin.

Umiling ako habang napuno ng luha ang aking pisngi. Hindi ko masabayan ang mga ibig niyang sabihin.

"You're hurting her Faus!"

Hindi ko namalayan ang higpit na hawak ko sa polo ni Faustino. Parang nagmamakaawa ang aking paghawak sa kanya.

"We will fuck you," malutong niyang sabi.

Napamulagat ako at mas umiling pa. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang braso at umiling.

"A-ayoko." umiling ako ulit. "Ayoko nang ituloy ang u-usapan natin. Itigil n-na natin."

Nabigla siya sa sinabi ko at umawang ang kanyang labi. Pinunasan ko ang aking luha at nagpatuloy sa pag iyak dahil wala siyang balak na bitiwan ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co