Truyen3h.Co

Talk Dirty

Chapter 11

frezbae

Just Fuck

Hindi ako nagsalita lalo na't batid ko ang galit niya. Bakit na naman niya ginawa 'to? Sabi ko nang ayokong saktan si Genevive. Ang hirap lalo na't nangangailangan rin ako ngayon. Wala nalang akong magawa dahil kailangan ko ng pang bili ng gamot ni nanay.

Ang isang niyang kamay ay nakatukod sa bintana at nilalaro ang labi habang ang isa ay nasa manibela,tila malalim ang iniisip nito.

"You like my twin huh?" kalauna'y sinabi nito sakin.

Nakagat ko ang labi, "M-Mabait siya." sagot ko nalang at nakitang tumingin siya sakin sa rearview mirror.

"Nagkakamali ka. You do not know him well." paglalaglag pa nito sa kapatid. Ang sama talaga ng ugali niya.

"Kambal mo yun, sinisiraan mo."

"I'm telling the truth," malamig niyang sabi at umiwas. Mapinong tumatakbo ang kanyang sasakyan. Ilang minuto pa nakita ko nalang na sa isang matayog at mamahalin yatang tower na kami.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko na binalewala niya. May kinuha siyang coat sa backseat at binigay sakin.

"Cover yourself." aniya. Kinuha ko iyon at sinuot. Nakaroba pa pala ako.

Sa bukana palang ang dami nang tumitingin sa amin. Si Faustino naman ay mabilis ang lakad at walang lingon. Ako naman ay kinakabahan dahil baka mamukhaan ako!

Yumuko ako at naramdaman ang pagkabig niya sa aking ulo papuntang dibdib niya nang may biglang umilaw.

Kabadong kabado ako. Napabuga nalang ako ng hangin ng makapasok na kaming dalawa elevator.

"B-Baka n-nakuhaan ang mukha ko Faustino! B-Baka makita ni Genevive!" sabi ko agad ninenerbiyos.

Umiling siya at pumikit. Kinuha nito sa bulsa ang cellphone at may tinawagan. Hindi na ako nakinig pa dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Sumunod ako sa kanya ng lumabas na siya at iniwan ako basta basta. Ang kinis ng sahig! Umiingay ang takong ng sandals ko!

Huminto kami sa kulay pulang pintuan at may nakalagay na 112 na numero. May iniswipe siyang gold card doon. Kung ang alam ko lang ay susi ang ginagamit ng iilan doon ngayon sa kanya ko nakita na pwedeng card pala! Wow. Hightech?

Naamoy ko kaagad ang mala strawberry na amoy ng loob. Hinubad niya ang kanyang suit at nilapag iyon sa likod ng sofa na kulay puti. Ang interior dito sa loob ay cream. Pate ang kurtinang makapal ay cream din.

Umupo ako sa sofa at pinagmasdan siyang may tinawagan. Nakapamaywang ito habang hinahawi ang kurtina para lang makita ko ang nag iilawang mga gusali sa ibaba. Pagkahawi niya ng kurtina ay binuksan niya iyon at nagulat akong may veranda pala doon.

May dalawang couch doon na magkatabi at may mesa. Sinenyasan niya akong lumapit doon kaya lumapit ako.

Nakaroba nalang ulit ako dahil tinanggal ko ang coat niya.

"Seat," aniya.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. Hinipan ng malamig na hangin ang aking buhok kaya inayos ko ito. Tumaas naman ang kanyang kilay.

"Talk about my proposal." sabi niya. Humilig siya palapit sakin at umakbay. Nakadikit na ako sa gilid niya. Ang kanyang kamay ay humahaplos na sa akinh kanang balikat. Tumindig ang balahibo ko.

"It will benefits us both," bulong niya.

Umiwas ako. Kapag siya ang kasama ko nawawala ang bigat na nararamdaman ko. Baka dahil sigurong alam ko na may makukuha akong pera sa kanya. Dahil sigurong alam ko na gusto niya ang katawan ko?

Hindi ako nakasagot nang may nag doorbell. Umalis siya sa tabi ko. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang wine at ang kasama niyang bellboy ay may tray ng pagkain. Pagkain na gulay.

Nilapag iyon sa mesa sa aming harapan. Kumalam ang sikmura ko ng maamoy yung amoy nang vegetables salad at may beef steak pa.

Nasa kagitnaan na ako ng pagkain ng maunang siyang matapos. Binuksan niya ang wine at nagsalin sa aming wine glass. Napapikit ako ng ang labi niya ay humalik sa aking leeg.

"Decide now,Ava." bulong niya at dinilaan ang aking tenga. Binaba ko ang tinidor na ginagamit at uminom sa wine. Medyo tinulak ko siya para makausap ko siya ng maayos at para maharap ko siya.

"Marami akong ginagastusan Faustino. Ang pag aaral ko, ang dialysis ni nanay, minsan ako ang sinisingil sa mga natatalo ni tatay sa sugal o utang niya, tsaka ang bayarin namin sa ilaw at tubig, tsaka iyong hospital pa ni nanay, private kasi iyon." tuloy tuloy ang pagpapaliwanag ko. Nang tingnan ko siya nakaawang na ang labi niya.

"Naiintindihan mo ba? Baka yung araw ko sayo ay fifty thousand! Kaya mo ba iyon?" irap ko at uminom ulit ng wine.

"Nag iisang anak ka pala?" pambalewala nito sa paliwanag ko. Tila hindi big deal ang fifty thousand sa kanya araw araw!

Teka, araw araw ba kami?

Feeler...

"Uhm, oo e."

"I can't make it everyday," halos mamula at mahiya ako sa sinabi niya. Ang assumera ko talaga. "I have some works, errands, sometimes I work abroad but I'll make it every saturday night until sunday,"

Kinagat ko ang aking labi at uminom pa sa wine.

"Okay." sagot ko.

"What, okay?" gusto niyang manigurado.

Nagdalawang isip pa akong ulitin ang sinabi. Naisip ko si Genevive. Nakakakonsensya. Naisip ko si nanay at tatay, kung wala ako saan sila pupulutin?

"P-Payag ako."

Suminghap siya at dalawang kamay na ang sa backrest ng couch, bale pinatong niya ang ulo niya doon at pumikit.

"Good." he muttered.

Kinakabahan ako ng sobra. Hindi ko alam kung anong klaseng kaba lalo na nang nanahimik na siya at tila cool na cool na hindi katulad kanina na badtrip siya.

"Hindi kana magtatrabaho sa club," dugtong nito kalaunan.

"Sasabihan ko si madam A. Pero tingnan ko ha. Kailangan ko kasi ng cellphone at pang araw araw na gastos kay nanay."

"Bibigyan kita mamaya,magkano?" walang alinlangan nitong tanong.

Hay, kung ibang pokpok napulot nito ang swerte swerte na nun!

"K-Kahit magkano," sabi ko nalang.

Hindi siya sumagot. Ininom nito ang natirang laman ng unang wine na nabuksan niya. Binuksan niya na naman ang isa at nagsalin sa wine glass naming dalawa. Ako naman tila tatamaan na. Siya naman parang wala lang.

"Pero hindi ako pwedeng umalis sa mansyon nila Genevive." Shit.Nalimutan ko.

Tumigil siya tila iniisip rin iyon.

"Ang set up kasi namin ni Genevive ay saturday and sunday rin. Siguro, sa gabi nalang tayo m-magkita. S-Sa araw ako sa kanila."

Tila wala itong nagawa kundi ang tumango nalang.

Halos paubos na ang bote nang wine ang halik niya sa aking leeg ay bumaba na sa aking dibdib. Liyong liyo naman ako at hinahayaan lang siya.

"You'll see your doctor tomorrow. Atleast take a pill or something," sabi nito sakin.

Hirap akong tumango sa kanya.

Ilang sandali pa ay habol habol ko na ang hininga ko. Nasa ibabaw ko siya at pinagkasya ang sarili namin sa sofa. Ang roba ko ay nakabukas na hindi man lang iyon naalis sa aking katawan. Siya naman ay wala nang polo at hanggang tuhod lamang ang kanyang pantalon at boxer.

Masakit parin iyon. Nakakalmot ko ang kanyang likod at napapaluha sa sakit. Hindi parin ako sanay sa ganito.

Nakahiga ako sa kama nang lumabas siya sa banyo at nakatapis lang ng tuwalya. Ako naman nauna na akong naligo at nakasuot na ng bestidang hinatid kanina dito sa loob. Sakto naman sakin. Kulay pink lang ito na simple. Akin nalang ito, hindi ko na isusuli.

Sinagot nito ang cellphone na kanina pa nagriring. Ni hindi niya ako tiningnan. Palalim na ang gabi. Mag aalas dose na.

"Genevive." narinig kong sagot ni Faustino sa kanyang cellphone. Tumalikod ito at binuksan ulit ang veranda. Hindi pa ito nagsasalita tila hinihintay na matapos si Genevive sa sinasabi.

Nasapo ko naman ang dibdib sa kaba na nararamdaman. Isa akong traidor.

"Let me explain," seryosong aniya.Hinilot nito ang batok tila problemado. "I love you and you know that."

Napalunok ako. Sa hindi malamang dahilan ay uminit ang gilid ng aking mata. Nasapo ko ulit ang dibdib tila uminit ito at naninikip?

"Mag ayos kana. Ihahatid kita." aniya kalaunan. Nagbihis na ito at naglapag ng bundle na pera sa aking harapan. May nakalagay doon na fifty thousand.

Tumalim ang titig ko sa pera. Parang doon ko lahat binuhos ang sama ng aking loob. Hindi ko namalayan na tumulo ang aking luha.

"Anong ibig sabihin ng mga luhang iyan Ava?" Malamig na wika ni Faustino ng makita iyon. Umiling ako at kinuha ang pera.

"W-Wala."

"Don't let yourself fall in love with me. There's no feelings attach but just fuck  Ava," umalis agad ito sa aking tabi at nauna sa pintuan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co