Truyen3h.Co

Talk Dirty

Chapter 17

frezbae

Sakit

Palabas na kami nang skwelahan kasama ko si Chelsea , Vicco at Kris. Pinipilit parin nila akong sumama sa kanilang mag bar.

"Hindi talaga ako pwede. Next time nalang!"

Sabay sabay pa silang tatlong umirap. "Kikitain mo na naman 'yung guwapong sa bar no?"

Napahagikhik rin sila ni Kris. "Hala  namumula si Ava!"

"Kinikilig ang gaga! Che!" hinampas pa ako ni Vicco. "Sige, mauna na kami!"

Kumaway ako sa kanila nang magsisakay na sila sa kani-kanilang sasakyan.

Sa kabilang daan nakita ko ang pamilyar na sasakyan. Napangiti nalang ako at umiling. Inayos ko ang pagkakabitbit sa aking libro at lumapit doon.

Humilig si Frosto sa kanyang sasakyan at tinapon ang sigarilyo.

"Cigarettes is bad for your health," bungad ko sa kanya.

"You care for me now huh? Seems you're busy." pangungutya niya sakin.

"Ewan ko saiyo," napangiti ako. Nakatingin parin siya sakin habang iniihip ng hangin ang aking buhok. Hapon na at kailangan ko na namang umuwi at magtrabaho sa club.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko.

"Ihahatid kita pauwi."

"May bibilhin pa'ko sa mall e." Nang magkapera ako natuto akong bilhan ang sarili ko nang gamit tulad ng bagong bag na hindi kamahalan. Ngayon, balak kong bumili ng panties na bago. Isang taon narin akong hindi nakabili ng panty bukod sa thongs at lingere na kailangan ko sa club.

Tumango siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. Napangiti ako.

"Let's go?"

Ngumuso ako at tumango. Naramdaman ko pang dinikita niya ang katawan sa akin nang dumaan ako sa kanyang gilid para makapasok. Nilalandi niya ako.

Dinala niya ako sa pinakamalapit na mall. Binalikan ko pa siya nang tingin kong lalabas pa siya at hindi ako nagkamali.

"Samahan kita sa loob." aniya.

"Puwede namang wag' na. Saglit lang ako." Dahil nga pangpribado yung' bibilhin ko!

"I'm done with my work so-"

"Ayos lang talaga. Tsaka  mga panties yung bibilhin ko at iba pa," matutop ko ang labi nang nasabi ko iyon.

Kinagat niya ang labi at bumuga ng hangin. Hinila niya ang aking braso para makapasok.

"It's okay. Hindi mo na naman kailangan ng pampabango kasi nakakaadik naman 'yung amoy mo diyan."

Uminit ng husto ang aking mukha. Letse. Kinurot ko na ang gilid niya nang hindi ko mapigilan. Napapatingin pa 'yung mga nakakasalubong at nadadaanan namin kaya dumistansya na ako sa kanya.

Inuna ko yung sa mga napkin. Kinuha ko yung Modess na kulay violet yung pang night habang si Frosto ay nasa likod ko at may hilang cart.

"Bakit ang haba niyan?" Seryosong tanong ni Frosto sa aking likod,walang bahid nang panunukso. Tila walang alam sa mga bagay na 'to.

"G-Ganun talaga."

"Ang liit naman ng iyo kaya dapat maliit na size rin yung piliin mo," sabay tulak nito sa cart palapit sa akin. Umawang ang bibig ko ng tumawa ang tatlong dalagang nasa gilid namin. Narinig nila ang sinabi ni Frosto!

"Frosto naman!" napapadyak na ako sa inis. Humalakhak siya at kinagat ang labi sabay taas ng isang kilay.

"Come on. Pumili kapa. Ako nang bahala para hindi ka maboring."

Inirapan ko siya nang makakuha ako ng apat na pack ng modess. Lumipat ako sa mga nasa ph care.

"Is that a shampoo?" tanong niya. Ang dami niyang tanong!

"Hindi. P-Pampabango to-"

"Ah! Ph care. I know that one," tumango tango pa siya. "But I still like your natural scent though."

Kinuha ko ang ph care at hinampas siya sa braso. "Ba't kapa kasi sumama!" gitil ko sa kanya.

Ang sarap nang tawa niya nang makitang naiirita ako sa kanya. "Damn, you're still so hot kahit galit. Mas hot ka kung wala kang damit kasama ko-"

Diyos ko po. Mawawalan ako ng dugo kay Frosto. Siya yung tipong maangas na magaan ang ere habang yung kakambal niya ewan!

Pagabi narin ng umuwi kami.Siya rin ang nagbayad ng mga pinamili ko. Nakita ko rin kung paano siya medyo nairita ng malamang kay Faustino nanggaling ang napepera ko. Ihahatid niya pa ako sa bahay. Medyo pagod na ako mula pa kanina sa skwelahan. May naalala akong bagay na gusto kong itanong sa kanya.

"P-Pwede bang magtanong Frost?"

Tumango siya at tahimik na nagddrive.

"Narinig ko kasi kay G-Genevive na p-patay na raw ang mama niyo?"

Natuod ito saglit.Hindi siya agad nakasagot tahimik lang siyang tumango.

"B-Bakit?"

"Ava kung gusto mong maging mabuti pa'ko sayo wag' mo na akong tanungin tungkol diyan."

Natahimik ako. I've gone too far. Dapat pala hindi ako dapat nagtanong nun. Nakalimutan ko yung mga hindi ko dapat pakealaman. Hindi kami magkaibigan. Alam ko kung ano yung turing nila sa akin.

Hindi narin ako nagsalita pa.Nakaramdam ako ng pader sa aming pagitan dahil doon. Kahit anong gawin ko, hindi yata ako kakasya sa mundo nila. Sa mga taong normal katulad nila. Yung walang ka hirap hirap na makuha ang gusto nila. Hindi katulad ko na kailangan pang gamitin ang anumang parte ng aking katawan para malutas ang problema at para mabuhay.

Huminto ang sasakyan niya malapit sa ihawan. Tahimik kong kinuha ang mga pinamili ko.

"Salamat sir." Hindi ko na siyang hinintay na makasagot at umalis na ako agad.

Nang makapasok ako sa bahay namin ay nakita kong nagluluto na si nanay. Ang aming bubong ay pinaayos na niya. Ang aming banyo ay hindi narin nakakatakot tingnan.

"Nay, nakauwi po ba si tatay?"

"Hindi. Bahala siya sa buhay niya. Kung patayin man siya ng inuutangan niya e'di bahala siya." kumibit balikat pa siya.

"Nay! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!"

"Totoo naman ang sinasabi ko Ava. Bakit? Papatayin mo na naman ang sarili mo para magkapera para ibayad sa mga gagong inutangan ni Erning?! Naku huwag na! Mabuti pang mamatay na siya!"

"Nay! Ba't niyo yan sinasabi-"

"Hindi mo siya tatay kaya wag' mong ipagtanggol! Narinig mo'ko? He's nat yor pakeng pader!" sabay balibag ni nanay sa sandok na hawak.

Dumaloy ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Ano nay?!" iyak ko at pinunasan ang luha.

Namaywang siya at pinagmasdan ang aking mukha. Pinakalma niya ang sarili at malumanay akong tinitigan.

"Maganda ka. Namana mo sa tunay mong ama."

Umiyak ako nang umiyak habang inaayos ni nanay ang aking buhok.

"Kung hindi lang ako pinagkaitan noon sana nakapagtapos ako at nabigyan kita nang magandang buhay Ava," namula ang mukha ni nanay tanda na iiyak na siya. Agad siyang tumalikod at pumasok sa kanyang kwarto.

Pumasok ako sa club na lutang. Tila napuna nang mga kasamahan ko ang pamumugto ng aking mga mata.

"Ayos kalang Ava?" tanong ni Krisanta.

Tumango ako at pinagpatuloy ang aking pagmimake up sa sarili. Sinuot ko narin ang akong red dress at heels. Simula nang pumayag ako sa set up namin ni Faustino ay hindi na ako nabilang sa mga tinitable na mga babae. Bale, isa nalang ako sa mga nagseserve. Hindi ganung malaki ang kinikita. At exclusive naman ako ni Faustino.

"Ava! Ikaw na sa VIP sa second floor. Kunin mo order nila." si Madam A ay hindi na magkandamayaw sa dami nang custumers.

Tumango ako at kinuha sa counter ang isang maliit na notebook at ballpen. Suot ko rin ang aking itim na maskara. Ang maskara na para sa akin lang ang disenyong may pulang butterfly. At alam ni Faustino at Frosto iyon.

Sa malayo natatanaw ko ang mga nakasuit at tantiya ko ay nasa walo silang lahat. Sa malayo kitang kita kong hinahalikan ni Faustino ang leeg ni Genevive. Si Genevive naman ay ngumingiti naman sa kanya at tinutulak siya. Napalunok ako.

Sobrang kaba ng aking dibdib. Mas lalo akong kinabahan nang makita si Frosto na tahimik lang sa gilid. Nakakaintimida ang kanilang ere. Parang ayokong lumapit pero alam kong hindi matatapos ang gabing ito kung wala akong gagawin.

Ang aking mata ay uminit sa luha. Nakaramdam ako ng inggit kay Genevive. Nakaramdam ako ng kudlit sa dibdib. Nasasaktan ako ng sobra.

Inayos ko nang mabuti ang maskara at lumapit sa kanila. Ang kanilang usapan ay natigil. Nakarinig rin ako ng pagsipol.

"W-What's your order s-sir?" nanginig ang aking boses.

Hindi ko tinitigan ang sinuman. Nakahanda lamang ang aking ballpen at notebook para sa kanilang order. Isa isa kong nilista ang mga iyon. Mga mamahalin at tila magtatagal pa sila dito.

"Miss for table kaba?" Tanong ng isa.

"No sir." madaling sagot ko at isang guhit pa at tapos na akong maglista. "Just wait for a sec sir."

Nilisan ko sila doon at nakita kong titig na titig sa akin si Faustino at si Frosto naman ay nakatulala lang.

Inantay ko sa counter ang kanilang order na tatlong wine at isang bucket ng pale pilsen. Sanay naman akong mag multitask magkarga nang mga orders kaya hindi ako nahirapan. Pero nang nasa malapit na ako sa kanilang table ay unti unti akong nanginig sa kaba.

Halos sumabog ang puso ko sa kaba. "Here's your o-order ma'am and s-sir-shit!"

Nabuhos ang isang bucket na pale pilsen kay Genevive ng hindi ko sinasadya!

"Oh my! It's cold!"

"S-sorry po!" nagkandaugaga sila sa pagtayo para daluhan si Genevive. Nakita ko kung paano mag alala si Faustino sa kanya.

"Hindi mo ba maayos ang trabaho mo Ava?!" galit ni Faustino sakin.

Tinulak ako ni Frosto para punasan ang basang hita ni Genevive kaya halos matisod ako.

"So clumsy." Narinig kong sambit ni Frosto.

"W-What? Ava? Si Ava 'to?"

Tumaas baba ang aking dibdib dahil sa sakit at pagbabadyang pag iyak. Nilapitan ako ni Genevive para hawakan ang aking maskara pero winaksi ko ang kanyang kamay.

"A-Ava?" nangunot ang kanyang noo.

Tiim na titig ang ginawad sakin ni Faustino at Frosto. Tumango ako kay Genevive at yumuko.

"I'm sorry ma'am. P-Papalinisan ko n-nalang ulit at papalitan ang b-bucket." mahinang sambit ko at umalis doon na naninikip ang dibdib.

"Oh Ava? Basa ka ah? Oh, may dugo ang tuhod mo!"

"A-Ayos l-lang," sagot ko at kinalas ang aking maskara. "Madam A. Ready my number for sexy dance please." nanginig ang aking boses.

"Ano? Di'ba exclusive ka kay Fostiso?"

Umiling ako.

"Ava pag nag sexy dance ka ibig sabihin pepresyuhan ka at isasama."

"Sasama ako sa iba." pinal na sagot ko at pumasok sa dressing room para ayusan ang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co