Chapter 18
Gusto
"Gusto mo ba talaga Ava?" may ngisi sa labi ni Madam A. Tumango ako at inayos ang high heels na pula. Ang aking bagong dress na pula ay labas ang buong likod. May mahabang kwintas ako na nasa likod ang pendant. Ang pendant nito ay isang paru-paro. Inayos ko rin ang higpit ng aking maskara.
"K-Kailangan kong kumita kaya ayos lang."
"Paano 'yung si Fostiso? Mukha pa naman yung wrestler," sinundot ako nito sa gilid na ikina igtad ko.
"Ikaw ha! Siguro sabog na sabog ka sa kama habang binabayo nun' no?" Napapadyak pa ito. Tila iniisip ang mga sinasabi sakin. "Yung braso! Jusko day!-"
"Ihanda na yung musika Madam A,lalabas na ako," pinutol ko na ang pag iimagine nito.
"Naku itong si Ava! Porke' parang may lahi e' ang arte na!" pang aasar pa nito sakin.
Napangisi nalang ako at napailing. Ang floor show ay nasa unang palapag. Malapit sa mga VIP's table. Hindi kalakihan ang stage at may pole ito sa gitna.
Kumakalabog ang puso ko ng husto. Parang noong una ko lang. Ganun’ parin ang gagawin kong diskarte. Just blow job or kiss. Puwede ring lasingin ko sila muna.
Humawi ang makapal na kurtina na kulay itim at malamyos akong lumakad. Bawat lakad ko ay sabay sa mahinhin at senswal na tugtog.
Tila ka abang abang na eksena ang nagaganap at sobrang attentive ang mga nandito. Hindi katulad sa kabila ang mga nandito ay mga nakasuit. May mamahaling alak sa mesa. Ang usok mula sa kanilang sigarilyo ay nagbigay tensyon sa akin.
Humilig ako sa pole na nasa aking likod at gumiling pababa at binuka ang dalawang hita sabay pasada sa aking dibdib mula hita.
Napapaungol ang ilan at napapasipol. May nagsiwagayway na nang kani-kanilang mga nilibong pera sa ere. Nawala ang aking kaba lalo na nang may nilabas ang matandang lalaki mula sa kanyang bulsa nang isang cheke. Sa lahat..siya ang aking napuna. His eyes were different.
Ang kanyang mga titig sa akin ay tagos sa aking pagkatao.
"Akin na ‘yan! Thirty thousand ako!" sigaw ng isa.
Umikot ako sa pole at nakita sa ibabaw si Faustino na may hawak na alak. Hinanap ng mga mata ko si Genevive pero wala ito sa kanyang tabi.
Kumirot ang aking puso. Mas gumiling pa ako at narinig ang pagpalakihan nila ng presyo para sa akin.
"Me. One hundred thousand," sabi nang lalaking matanda. Halos mapahinto ako sa pagsasayaw. Agad tinapos ni Madam A ang musika at nilapitan iyong matanda.
Nang titigan ko ang ikalawang palapag ay nandoon parin si Faustino at nakatitig na sa lalaking sasamahan ko ngayong gabi.
"Ava!" niyugyog ako ni Madam A ng makapasok. Ang mga ibang nasa dressing room ay pinuri ako.
"May nadale ka na namang matanda ngayon ah! Sige na! Mag ayos kana!"
Tahimik akong tumango at nag ayos na nang gamit. Halos mag aalas dose narin. Mas maaga akong kumita ngayon.
"Ava!" bumalik si Madam A sa dressing room habang nakabihis na ako ng dress na kulay gray.
"Po?"
Namumutla ito. "E' kasi itong si Frotos ay tinumbasan yung pera nung' matanda."
Umawang ang labi ko. Bakit? Ano na naman bang kailangan niya? Sa ginawa niya palang sa akin kanina ibig sabihin tapos na. Ayoko na.
"Pakisabi bawal na niya akong ilabas simula ngayon. Exclusive na ako sa iba. Hindi ko kailangan 'yung mahabang sandata niya."
"Ay taray!" sagot sakin ni Madam A.
You deserved it. Hindi ko kailangan umasa saiyo Faustino. Katawan ko ang aking puhunan kung tutuusin,kayang kaya kong sumama sa iba.
Hindi ko maiwasan na kabahan. Ngayon ko lang nakita ang lalaking iyon.
Sa labasan ay may magagarang sasakyan na nakaparada. Pero may isang tingin ko'y bodyguard nang matandang iyon ang naglahad ng daan sakin papunta sa isang sasakyan.
Bumuga ako ng hangin sa sobrang kaba. Binuksan ng lalaki ang pintuan ng itim na sasakyan kaya pumasok na ako.
Hindi ako makatingin sa lalaking ito. Napawi ang aking kaba.
"Kamusta hija?" tanong nito sa akin nang paandarin na nang driver ang sasakyan.
Napatingin ako sa kanya. Tumagal ang aking tingin. "Uh, ayos naman po. K-Kayo?"
Ngumiti ito sa akin at binigay ang cheke sa akin. Kagat labi ko iyong tinanggap.
"Ilang taon kana sa club na iyon?" malalim ang boses ng lalaki.
"Dalawang taon na rin po," yumuko ako at tinago sa aking bag ang cheke.
Totoo nga. 100 thousand nga 'to.
"Nasa college ka na?" tanong ulit nito.
"Opo."
"Gamitin mo yan para sa pag aaral mo," may hinugot ito sa kanyang bulsa at nilahad ang isang calling card. "Call me if you need anything. I'm willing to help."
Napakurap kurap ako sa kanyang sinabi. Ang bait niya.
"Salamat po sir?"
"Hindi pa ngayon hija." Ngumiti siya sakin at suminghap. "You'll know my name soon.For now ay hahatid kita sa bahay niyo."
Yung pera ay tinago ko sa aking damitan. Hindi iyon madaling makikita dahil ako lamang nakakaalam kung saan ko iyon nilagay.
Palaisipan parin kung bakit ganun ang pakikitungo ng lalaking iyon sa akin. Mayaman siya at ngayon ko lang nakilala. Bihira ang katulad niyang rumirespeto pa sa isang katulad ko.
"Ava! Sa susunod na umuwi dito ang bwesit na Erning na 'yun huwag mong papasukin!"
Tahimik akong bumuntong hininga at inayos ang pagkakalapag ng mga ulam sa mesa. Ilang araw na kaming may maayos na kinakain. Minsan, si tatay ay umuuwi dito ,ayoko rin namang maging bastos sa kanya kaya pinakain ko parin dito. Kaya nagagalit si nanay sa akin.
Noon pa man ni hindi ko nakitang naging sweet sila sa isa't isa. Ang sabi lang ni nanay sakin ay kilala niya si tatay noong highschool sila.
Nasasaktan parin ako sa mga nalaman ko mula kay nanay. Pero hindi iyon makakatulong kung iyon nalang ang iisipin ko buong buhay. Kahit na tinataguyod ko si nanay at ang buhay namin dala ko ang sakit na iyon. Ngayong araw susubok ulit akong magtanong.
"Nay," tawag pansin ko sa inay habang kumakain kami. "Nasaan na po ang totoo kong ama?"
Umirap ito. "Hay naku Ava. Hindi ko nga rin alam e. Kung makikita ko siya hihilahin ko iyon patungo sayo. Kahit siya siguro hindi iyon maniniwala na anak ka niya kasi hindi niya alam na buntis ako. Kung hindi niya alam hindi niya aakuin na anak ka niya kasi marami akong lalaki noon! Pero ako, alam ko! Kasi siya ang una ko!"
Napalunok ako.
"Kung iniisip mo na malubha yang buhay mo ngayon," bumuga siya ng hangin at tinuro ang sarili niya. "Mas sobra ang naranasan ko noon. May kaya nga kami pero nagtrabaho parin ako sa club para lang mabuhay ka. Pinagkaitan ako ng aking mga karapatan. Bahala sila! Hindi ako luluhod para humingi sa kanila."
Hindi na ako nangahas para alamin kung sino pa ang ibang pamilya ko. Dahil nga hindi katulad ng iba ang nakagisnan kong buhay at maaga akong nagsikap ay nawala na sa aking isipan ang mga iyon.
Normal ang araw ko sa school. Ang aking cellphone naman ay tahimik at walang may magtitext. Parang agos ng ilog ang araw ko sa school. Tuloy tuloy at nang sumapit ang hapon ay nastress ako sa mga tatlong project na binigay.
"Nakakastress talaga tong' BSIT. Pero atleast four years lang." ang lakad ni Vicco ay panglalaki na naman.
"Baka gusto mong maging lawyer? Tatanda ka sa college," sabay tawa ni Kris.
"Walang clubbing for now. Daming pinapagawa! Sayang ‘yung weekend!"
"Dito na ako. Saan pa kayo?" tanong ko sa kanila at inayos ang aking bag na binili nung' kelan.
"Sweet leaf kami tsaka uuwi na. Ikaw?"
Tiningala ko ang kalangitan. Tag ulan na nga. Maitim na naman ang ulap at langit.
"Uulan na. Magta-traysikel pako papuntang sakayan ng jeep. Baka mabasa ako."
Nagpaalam na sila. Naiwan akong naghihintay ng traysikel. Nag-try akong pumara pero hindi ako pinasakay.
Napatingin ako sa aking tatlong guidelines na nasa kamay. Baka mabasa iyon dahil xerox copy lamang ito. May dalawang libro rin ako na medyo sira sira na dahil sa mga nagdaang ulan. Wala akong kahit anong pagsisidlan nito kaya pinilit kong ipagkasya iyon sa aking masikip na bag.
Tuluyan nang bumagsak ang ulan. Kahit may payong ka,mababasa ka parin. Parang pag ibig lang. Kahit anong iwas masasaktan ka parin.
Biglang nag ‘ring ang aking cellphone. Nakita ko ang pangalan ni Genevive. Napalunok ako bago sinagot ito.
"G-Genevivem" mahinang tawag ko.
"A-Ava," umiiyak na naman ito. "K-Kamusta ka?" kinabahan ako sa hindi malamang rason. Paanong hindi? Alam ko sa sarili ko kung paano ko siya tinraidor.
"A-Ayos po. U-Umiiyak ka?"
"Ang hirap. Alam mo bang ikaw lang mapagsasabihan k-ko?" Dinamdam ko ang lamig ng hangin sa aking balat.
"Mom is always busy. S-Si Faustino ay ilang beses ko siyang sinusumbatan tungkol sa babae niya pero parang wala lang sa kanya! Ilang taon akong nanahimik sa tuwing may babaeng nali-link sa kanya Ava! But this time is different! Hindi ko alam kung tungkol pa ito sa paghihiganti niya pero nagseselos ako!"
Sabay iyak nito nang mahaba. Nasapo ko ang aking labi at uminit ang aking mga mata.
Patawarin mo'ko Genevive pero gusto ko rin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co