Chapter 20
Mistress
Iniwan ko sila noong gabing iyon at umuwi ako mag isa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong saktan si Genevive pero gusto ko ang lalaking mahal niya. Hanggang doon lang naman kaya ayos lang. Hindi ako mangangahas na humugit pa sa pagiging salawahan.
Mabagal ang bawat kilos ko ng linggo. Hindi na ako bumalik sa mansyon nila Genevive. Inaayos ang aking mga damit sa damitan at naisipang tingnan ang aking pera. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang wala doon!
"N-Nay!" nanlamig ako ng sobra. Hindi pwedeng mawala iyon! At sino ang kumuha nito dito?!
"Oh?!" si inay ay may hawak na namang sandok. Lumabas ako ng aking silid at hinarap siya.
"Ang pera po kasi nawawala." halos maiyak ako.
"Ah iyon ba. Hiniram ko lang. May pinanggamitan lang kasi ako-"
"Nay! Pinanggamitan? Ni hindi ko alam? Akin iyon!"
"Aba!" namaywang ito. "Ibig mong sabihin hindi mo na ako bibigyan? Pinagdadamutan mo na ako ha Ava?!"
Umurong ang kaninang galit ko. Umiling ako kay nanay. Hindi naman sa ayaw ko siyang bigyan pero ni hindi man lang nagsabi sakin?
"Hindi po ganon'."
"Oh edi' wag ka nang magtanong. Tapos. Tapusin mo na iyan at kumain kana."
Bumalik ako sa aking kuwarto na hinang hina. Napahilamos nalang ng palad sa sobrang frustration. Ang dami kong plano sa perang iyon!
Nasa harapan namin ang tatlong sunny side up,longganisa at hotdog. Mayroon ring gatas para sa akin at kape kay nanay.
"Matanong nga kita," napatingin ako kay nanay.
"Ano 'yun nay?"
"Ngayon ba ay may gumagambala sayong kambal? O mga kahinahinala?"
Nangunot ang aking noo. "S-Si Faustino at Frosto lang ho ang kilala kong kambal nay."
Napaisip si nanay. "Anong apelyido nila?"
Napaisip ako. Mula pa noong una hindi ko iyon alam. Hindi ko alam apelyido nila!
"Ava kahina hinala ba sila para sayo? Sagutin mo nang maayos!"
"N-Nay hindi ko rin a-alam e. Basta sila iyong kadalasang sinasamahan ko-"
"Yung lalaking may sabit?"
"Engage lang n-nay,"
"Iwasan mo ang mga iyan Ava. Ayokong sumasama ka sa kanila."
"P-Po?"
"Wag ka nang magtanong. Hindi magandang naidulot natin sa kambal na nilalapitan mo noon kaya pag may kilala kang kambal..lumayo ka."
Shit! Ano ba naman ito? May naalala akong mga kaibigan ko noon na panandalian pero hindi ko naalala yung mga nakaraan ko. Bata pako' noon at may alaala talagang nalilimutan.
Nagt-text sakin si Genevive nung' gabing iyon. Humingi siya sakin ng pasensya at bakit raw' ako umuwi. Hindi ko magawang replyan. Hindi ko na yata magawang maging mabuti sa kanya gayong alam ko sa sarili ko ang mga nagawa ko.
Tulala ako habang papuntang school. Nilalakad ko ang papuntang sakayan ng jeep nang may apat na lalaking humarang sa akin.
Nangilabot ako ng maalala ang mga ito. Ito 'yung mga inutangan ni tatay.
"Hindi nakabayad ang tarantado mong ama kaya sumama ka samin."
"P-Po?" hindi ko na alam ang gagawin nang marinig iyon. "H-Hindi po puwede-"
"Wag' ka nang umangal kung ayaw mong mamatay ka ngayon at isusunod namin yung tatay mong baldog!"
Sabay hila nila sa akin. Nagpumiglas ako pero wala iyong kwenta lalo na't apat sila.
"Tulong!!" Sigaw ko nang may dumaan pero tila iyon ay natakot rin at tumakbo. "Tulungan niyo 'ko!!"
Sinabunutan ako ng lalaking maraming balbas. "Tumahimik ka!" Kinaladkad nila ako sa isang abandonadong palengke.
Nawala ko ang aking bag na naglalaman ng aking cellphone. Halos makusot na ang aking uniporme at kalat kalat na ang buhok dahil sa paghila nila sakin.
"Wala ka nang magagawa babae. Tiyak namang magugustuhan mo ang gagawin namin sayo. Pumayag kalang maging salawahan namin ang katawan mo para hindi ka namin patayin ngayon," may nilabas pa itong isang sachet ng shabo. Namilog ang aking mga mata.
Ang isa naman ay naglabas ng tali.
"Patikimin 'yan para maging wild!"
"Hindi!"
Nalunod ang aking sigaw ng kanilang tawanan. Nasa punto na ako na tatanggapin ang kapalaran. Nasa punto na ako na hihingi nalang ng himala.
"How much?" may biglang nagsalita sa aming gilid. Si Frosto na may sigarilyo at simpleng t shirt na puti at pantalon lamang ang suot. Kahit na may cap ito sa ulo ay kilalang kilala ko siya.
"Sino ka?!" tanong ng isa sa mga lalaking kumuha sakin.
"Don't talk to me. I am askin' you if how much? Yung' utang ba nila?" seryosong tanong nito.
Tumawa sila at lumiwanag ang mukha. "Eighty thousand po boss baka naman."
"Frost..." pigil ko.
Naglabas ito ng cheque at may sinulat doon bago hinagis basta basta sa maduming sahig.
"Alis!" malamig ang boses nito. "Bibilang ako hanggang tatlo-"
"Yes boss!" Agad kinuha ang cheke sa sahig at tumkbo sila paalis. Kinuha ni Frosto ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.
"Palabas na sila. Ihatid agad sa kulungan. Wag' hayaang makawala ang isa man sa kanila. Clear?"
Nang tanawin niya ako,hindi ko na mawari kung siya pa iyong Frostong' nakilala ko. Nag iba siya. Wala na 'yung ngiti sa kanyang mga labi. Mas lalong tumibay ang pader sa aming dalawa.
"Salamat Frost."
"Get up. Ihahatid kita. Malapit ng umulan." Supladong nitong aniya at tinalikuran ako. Kahit gusot ang aking uniporme wala na iyon sa akin importante makapasok ako.
Nanginginig ako habang hindi makapaniwala sa nangyari sakin. Gusto kong makahanap ng maiiyakan. Gusto kong sumigaw sa sakit at hirap. Paano?
Uminit ang aking mga mata. Maitim na ang ulap sa kalangitan. Pumasok na ako sa sasakyan ni Frosto na nakaantay.
"Maraming salamat." mahinang sabi ko. Binigay niya sa akin ang aking bag na nahulog kanina. Napalunok ako.
Mina-ubra niya ang sasakyan nang tahimik. Sa salamin ng sasakyan kita ko ang pag bagsak ng pinong ulan.
Niyakap ko ang aking bag at dumaloy ang aking luha. Sa sobrang daming problema at emosyon ko ngayon ako umiyak. Ayokong umiyak sa harapan ng aking ina. Kahit gaano ko man tibayin ang sarili ko hindi ko maikakailang bugbog na ako sa emosyon at pagod.
"Frost may problema ba t-tayo?" nalilito kong tanong. Hindi ko masabayan ang pinapakita nila sa akin. Isa lang ang maliwanag kundi ang kanilang uhaw sa aking katawan.
Umigting ang panga niya. Mas lalo pang kumapal ang ulan dahilan nang lamig sa loob ng kotse niya.
"O-Okay naman tayo n-nung kaylan. Bakit bigla-bigla?"
Ngumisi siya. Ngising may halong pait. Kitang kita ko iyon mismo sa aking mga matang hindi matanggal sa kanyang mukha.
"You really do not know? You really don't remember?" halos galit ang boses niya. Ang kanyang adams apple ay gumalaw. Ang kanyang sasakyan ay mas bumilis pa ang pagtakbo. Hindi ko na makita kung saan na kami.
Nalilito parin ako. Anong ibig niyang sabihin?
"Frost ang alin?"
"Gustuhin ko man Ava na maging ayos lang ako saiyo pero hindi. Hindi ko kaya lalo na't ang laki ng binunga mo sa amin. Isang hamak na Ava ang nagbigay ng sugat sa amin na hanggang ngayon ay aming dalang dala."
Umawang ang labi ko.
"Lalo na sa kakambal ko."
"A-Ano?"
"When you were...nine? Thirteen? Oo siguro hindi mo maalala no? You were too naive and innocent."
Siguro nga. Ngayon..ramdam ko na parte sila nang aking nakaraan. Bata pako' noon!
"Your mother," mas bumilis ang takbo nanh kanyang sasakyan. Nangilabot ako. Parang ayokong marinig. Ayoko.
"Killed our mother."
Sinapo ko ang aking tenga.
"Hindi!!"
"At ikaw isang bata ay tinuro si Faustino na siyang pumatay sa sarili naming ina," halos patayin niya ako sa titig niya. "Just for the sake of your mother. Nakulong si Faustino dahil sayo. Pinaniwala niyo ang aming ama na si Faustino ang pumatay. Imagine how many years sa loob siya ng kulungan dahil sa ginawa niyo? Si Faustino na minahal ka Ava."
Nanginginig ang aking kalamnan. Panay ang buhos ng aking luha.
"Your mother was my father's mistress."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co