Chapter 19
Binalewala
Dahil nga sabado papunta na ako sa mansyon nila Genevive. Nang makapag ayos ng gamit sa kuwarto namin lumabas ako para sana magluto na nang kanilang hapunan nang lapitan ako ni Genevive.
Alam kong isa siyang modelo. Mula ibang bansa hanggang dito ay sikat siya. Hindi siya nangengealam sa trabaho ng mama niyang si Senyora Agnes sa kompanya. Ilang hapunan naring nagrereklamo si Senyora Agnes na wala siyang mapapala kay Genevive dahil walang ka alam alam sa pasikot sikot sa kompanya kaya makabubuti kong mapadali ang kasal nila ni Faustino para si Faustino na ang mamamahala.
Ganon' pala ang mga mayayaman.
"Ava," Nakikita ko na naman ang namumugto niyang mga mata. "Uhm, iwan mo na yan." Ngumiti siya. "Samahan mo muna ako ngayong gabi."
Inayos ko ang mga sangkap at tinawag ang Mayordoma.
"Bakit Genevive? Ayos kalang?"
"Halika!" hinila ako nito patungo sa kanyang kwarto. Halos mamangha ako nang makita ang loob. Kulay pink ang kama at rose gole na ang iilan. Ang isang frame na kulay ginto ay nandoon ang litrato nilang dalawa ni Faustino. Mukhang nasa high school silang dalawa doon.
Nakaupo siya sa hita ni Faustino at si Faustino naman ay nasa leeg niya ang mukha.
Napalunok ako at umiwas.
"We'll party tonight!" she exclaimed.
"A-Ano?"
"Umupo ka muna diyan!" pinaupo niya ako sa malambot niyang kama.
Namamangha ako ng sobra sa kanyang kwarto. Parang dalawang bahay na namin 'to. Parang isang prinsesa.
May hinugot itong isang dress sa mula sa kwartong pinasukan niya. Pinakita niya iyon sakin.
"Ito! Bagay to' sayo!"
Silky iyon at labad ang likod. Mababa ang tabas nang v neck nito kaya alam kong labas ang aking dibdib nito.
"Baka pagalitan tayo ng mama mo," Nag aalinlangan ako.
"Nope," iling niya. "Ako naman sumasahod sayo kaya walang pagba-bash iyon sayo. Dahil kung siya sasahod sayo," Umirap siya. "Baka higpitan ka niya like ng mga katulong na iba."
Hindi na ako nagtanong kung bakit siya mag ba-bar. Ayoko ring tanungin ang mga iyon.
Wala na akong nagawa nung pinilit niya akong magbihis at kinulot ang aking buhok.
"You know what? Nagulat talaga ako nang makita ka sa club pero alam ko naman na kailangan mo talagang kumita kaya ganon."
Kinagat ko ang labi at pinagmasdan ang sarili habang inaayusan niya.
"I won't judge. Ganyan talaga ang buhay."
Ngumiti ako kay Genevive. Ang humble niya. Ang ibang katulong nila dito siya rin ang nagpapasok at ang iba nga ay studyante pa katulad ko.
Mabilis ang pangyayari at nasa bar na kami. Halos malula ako sa ganitong klaseng bar. Marami siyang kilala.
"Genevive! You're here! Where's your fiancée?" tanong ng isang babae. Nakaupo ang mga iyon sa U shape sofa at may kasama ring mga lalaki.
Ngumiti si Genevive at bumeso sa iba.
"I do not know. Baka nasa work?"
"Oh? Lovers quarrel again? Oh! Who's with you?" tanong nito.
"Oh. My friend, Ava. Ava si Mary." pakilala niya sa amin.
Ngumiti lang ako at nag iwas. Nababanas sa mga ganito ka sosyal.
"Oh okay! Talk to you later!" binalewala lamang ako nila at nagpatuloy sa kani-kanilang ginagawa.
"Dito tayo," hinila niya ako sa kulay gray na u shape sofa malapit sa dance floor. Tahimik lamang akong sumusunod sa kanya. Marami siya inorder para sa aming dalawa. Mga inumin na ang iba ay hindi ko pa natitikman.
"M-Mukhang maglalasing ka talaga Genevive. Baka pagalitan ka ni F-Faustino."
Umiling ito at pumait ang mukha nang tinungga ang kulay blue na nasa wine glass.
"He's cold to me. Wala na 'yung pake pa sakin. Kung ayaw niya akong bigyan ng oras hindi korin siya bibigyan. Hell I care."
Napilitan ako uminom nalang. Nabusog rin ako sa mga pulutan na nandoon.
Dalawang oras na yata ang lumipas at medyo may tama na si Genevive. Hindi siya umalis sa tabi kahit may iilang modelo na nag aanyaya sa kanyang sumayaw.
Nakahilig na sa balikat ko si Genevive at hinayaan ko siya sa mga sinasabi niyang paulit ulit.
"H-Hindi ko siyang kayang bitawan kaya nagpapaka martyr ako. Noon sinasabihan niya ako kung gaano niya ako ka mahal. Tuwing nilalagnat ako siya ang nag aalaga sakin n-noon. But these past months ang lamig niya s-sakin," she cried. Halos yakapin niya ako. Napalunok ako ng sobra.
Nasasaktan ako. Bakit ganito?
"Pinasusundan ko siya at nalaman kong meron na naman siyang babae. Hindi iyon simpleng babae lamang Ava dahil minahal nya iyon noon! Ang bata bata pa nila jusko! Bakit hindi ako?!"
Nanginig ako sa mga narinig. Hindi ko maproseso ang mga sinabi niya sa akin. Ramdam kong nasasaktan rin ako.
Nag angat ako ng tingin at napamulagat na makita si Faustino! Sa malayo alam kong galit na siya. Ang suit niya ay wala na at tanging naka gray t shirt lamang siya at black pants. Tanging relo lamang ang kolorete sa kanyang katawan.
Nakadiretso ang tingin niya sa akin at galit. Halos bitawan ko si Genevive. Akala ko ako ang kanyang lalapitan pero nagkakamali ako.
Hinaplos niya ang mukha ni Genevive na walang maya na sa balikat ko. Umawang ang aking labi at hindi makatingin sa kanila.
"Let's go home," malamig ang boses na wika ni Faustino. Ni hindi niya ako tinitigan. Binuhat niya si Genevive. Tahimik akong sumunod sa kanilang dalawa. May mga nagtatanong sa kanya at hindi niya sinasagot. Ganun siya ka gago.
Sa sasakyan ni Faustino ay tahimik kami. Nakasunod ang driver ni Genevive sa amin.
Hindi kumibo si Faustino at imbes na sa mansyon nila kami Genevive pumunta ay sa ibang bahay kami tumungo.
Tahimik parin ako. Wala akong sinasabi. Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko mawari itong aking nararamdaman. May poot akong nararamdaman sa bawat titig ni Faustino kay Genevive.
Walang tao sa white house na ito. May iilang guwardiya ito sa labas. Tanaw ko ang swimming pool sa likuran nang pumasok kami. Buhat buhat ni Faustino si Genevive at pinanhik sa itaas.
Mapait akong ngumiti at napaupo sa malambot na sofa. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Nasasaktan man ako pero hindi ko kayang balewalain itong nararamdaman ko para kay Faustino.
Lumabas ako upang makalanghap ng hangin. Dinamdam ko ang ginaw sa aking balat. Niyakap ko ang sarili at pumikit.
"Matulog kana." isang tinig ang nagpamulat sa akin. Nang tinitigan ko ay si Faustino nakahilig sa pintuan na babasaging nilabasan ko.
"Nandiyan 'yung driver ni Genevive, baka puwede naman akong umuwi?"
"Saan?" ang nakahalukipkip niyang kamay ay kinalas niya at nilapitan ako.
"P-Puwede naman sa bahay namin. Kung hindi pwede ay magtataxi nalang ako." nagbadya akong umalis nang hawakan niya ang aking braso para manatili ako.
"Ganon ka ba talaga Ava?" may bahid na pang insulto ang kanyang boses. "Kahit matanda sasamahan mo?"
Ngumisi ako. "Bakit ka pa nagtatanong? Sa club ako nagtatrabaho."
"Alam ko. Kaya kahit ako man ang nakauna sayo marami paring nakatikim sa katawan mo. Alam ko kung gaano ka karumi."
Napakurap kurap ako sa sakit.
"Hindi na ako nag isip na maganda ang tingin mo sakin. Wala e! Mahirap kami. Kung iyan ang tingin mo sakin wala na akong magagawa. Kaya puwede ba? Uuwi ako."
Tinulak ko siya pero buong higpit niya akong hinawakan ngayon ay dalawang braso na.
"Ano?! Ano pa ang sasabihin mo? Puntahan mo na si Genevive dahil nasasaktan siya sa ginagawa mo! Alam ko ang nararamdaman niya dahil nararamdaman ko rin yun!"
Napamulagat siya sa sinabi ko.
"Sa tuwing tinititigan mo siya nagseselos ako! Kaya alam ko kung gaano iyon ka sakit! Hindi niya deserve iyong ganong sakit kaya puntahan mo na siya!"
"Fuck! What?!" mura niya at halos mayupi ako sa sobrang lapit namin.
"Gusto kita. Pero hanggang doon nalang iyon. Hanggang gusto nalang kita Faustino."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co