Chapter 23
Genevive
Akala ko dito lang kami sa loob ng resort mag uusap pero nagkamali ako ng lumabas kami ng resort at tinungo ang kanyang itim na kotse. Napalunok ako ng bitawan niya ang aking braso.
Binuksan niya ang kanyang kotse.
Ang kanyang damit ay tanda lamang na kakagaling niya sa opisina.
"S-Saan tayo?" nag aalinlangan akong pumasok. Naalala ko ang aming mga ginawa sa loob ng kotse niya.
"I'm tired," tamad niyang sagot sakin bago humalukipkip at tinaasan ako ng kilay.
Pumasok na lamang ako sa kanyang kotse. Matagal kaming hindi na nakapag usap. Hindi niya rin ako tinitext. Hindi ko siya nakikita ng ilang araw kundi si Frosto lang.
"S-Si Genevive?" nag aalinlangang tanong ko. Nagtagpo ang kilay nito. Hindi nagustuhan ang aking tanong.
"Hindi siya kasama sa usapan Ava. Don't ask about her," malamig niyang sagot at lumiko sa may mga matataas na buildings.
Nanlamig ang pakiramdam ko at parang sinaksak ng punyal ang aking dibdib. Nagtatanong ako dahil nagtataka ako kung bakit siya nandito.
Tulad nang dati ay nagcheck in kami sa isang mamahaling hotel dito sa Tuy Batangas. Hindi ito nalayo sa dagat dahil sakop parin nito ang Hotel na pinasukan namin.
"Faustino.Man. " may biglang tumawag sa kanya. Nag fistbump silang dalawang at tumawa bago bumaling sakin.
Nagkatinginan sila bago siyang tinapik sa balikat ng lalaki. "Marami sana akong tatanungin pero next time nalang? I gotta' go."
Tumango lamang si Faustino bago kumuha ng suit. Ni hindi na kami naghintay ng matagal dahil pumasok kami agad sa elevator.
"Umorder na ako ng pagkain." Sabi niya tsaka inayos ang pagkakagusot ng kanyang polo. Naamoy ko kaagad sa kanyang hininga ang amoy ng alak.
Tumango ako sa kanya. Ang dami kong gusto itanong sa kanya pero nakaramdam ako ng takot. Sa huli, umuurong parin ang tibay ng aking loob.
Sa loob ng suit na kinuha niya ay tahimik kaming dalawa. Naghubad siya ng pang itaas at may isang bag pack siyang nilapag sa ibabaw ng kama at humugot doon ng kanyang damit.
Hawak niya ang kanyang cellphone.
"Babe." sagot niya sa tawag.
Umiwas ako at pinili nalang ayusin ang pagkain na pinasok sa aming kwarto. May dalawang wine doon. Kahit hindi pa masyadong nakakain ay inuna ko iyong tikman. Ilang minuto pa hindi pa nakarating si Faustino kaya nagdesisyon akong hanapin siya. Hinawi ko ang kurtina at nakitang kakagaling niya lang sa pagtawa. Humawak siya sa barandila kaharap ng dagat.
"One week nalang kasal na natin.Why you're still jealous?" malambing ang boses niya at napatunayan ko na si Genevive ang kanyang kausap.
Ano ang silbi ko? Ano pa ang silbi ko sa kanya bukod sa katawan ko? Gusto pa ba nilang durugin ako kahit durog na durog na ako.
Hindi ako kailanman nasaktan ng ganito. Katunayan na mahal ko nga siya ng sobra.
Anong laban ko? Hindi maganda ang aming nakaraan. Hindi ko na alam pa kung hahayaan ko nalang bang madurog ng tuluyan sa kanya?
Hindi ko na siya hinintay at nag umpisa nalang akong kainin ang para sa akin. Bakit niya pa ako kinuha doon sa resort?
Antok na ako ng makitang bumalik siya. Nilinis ko na ang aking pagkain at ang aking sarili. Hindi ko na siya tinitigan pa. Naghilamos ako sa loob ng banyo at may nakitang may malinis na tuwalya doon. Nagsuklay lang ako ng buhok gamit ang daliri at lumabas na ako.
Nakailang ingay narin sa text ang aking mga kaibigan na hindi ko pa nababasa.
Hindi siya kumakain kundi nakatingin lang sa mga kilos ko. Ang mesa ay meron lamang dalawang couch na magkaharap. Doon ako umupo sa harapan niya.
"Uhm, anong pag uusapan natin? Kailangan ko naring bumalik kasi."
Binasa ko ang mga mensahe ni Vicco sa akin.
Ayos lang kung siya na kasama mo umuwi bukas- Vicco.
"Kapag ako ang kasama mo sa akin lang ang atensyon mo. Stop using your phone." strikto ang boses niya. Halos tusukin ako ng kanyang mga tingin.
Umubo ako at umayos. "Uh, sabi ni Frosto-"
"Na minahal kita noon?" putol niya sakin.
Napakurap kurap ako. "We will talk about it right now.Ask me Ava." nilaro laro niya ang kopitang hawak.
"M-Minahal mo ba talaga a-ako?" kinakabahang tanong ko.
Ngumisi siya tsaka pinakawalan ang mala demonyong tawa.
"Paano ako magkakagusto sa isang bata?" parang gusto niyang iduro iyong bata. Mapait akong tumango. Tinatanggap ang bawat pang iinsulto niya sa akin.
"Swerte kapa dahil sa ganitong paraan kami naghihiganti. Paano nalang kung dalhin namin sa kurte Ava? Anong gagawin mo? Gagamitin mo na naman katawan mo para magkapera? Ganoon Ava?"
Dahil sa sakit na nararamdaman ay uminit ang bawat sulok ng aking mga mata. Alam kong kitang kita niya ang nagbabadyang luha sa aking mata.
Hindi ako makasagot dahil marahil ay ganoon nga.
Pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay at tinitigan ako.
"Bumili ako ng condo para saiyo. Doon ka titira. Mag aaral ka ng mabuti at kung gusto kong kamahin ka pupuntahan kita. Ayokong malaman ito ni Genevive."
Humi
nga ako ng malalim at tumango.
"Good. If I'm done with you then you're free to leave when I say so.Parang basahan ganoon Ava."
Tumango ako at pinalis ang luhang dumaloy sa aking pisngi.
"P-pwede bang tama n-na?" inayos ko ang aking sarili. "Ayos lang gamitin mo ang katawan ko Faustino pero h-hindi ako bato." nanginig ang aking boses.
"O-oo. Ikaw na masusunod kahit kailan mo gusto. Hanggang kailan na kung sa tingin mo'y bayad na kami sa kasalanan namin. At kahit man may gusto ako saiyo hindi ako lalamang sa pagiging parausan mo Faustino! Dahil alam kong hanggang doon nalang ako."
Maging siya ay tila naapektuhan ng aking sinabi. Nang tumayo ako ay tumayo rin siya para pigilan ako sa braso. Walang humpay na ang aking luha. Walang pakealam kung kanya man iyong nakikita.
"Ano pa? Ano pa ang mga sasabihin mo Faustino?" sabay punas ko sa aking mga luha. Alam ko sa sarili na hindi lamang ito ang aking iniiyak kundi dahil alam kong isang linggo nalang ay ikakasal na sila ni Genevive.
Tumingala siya at napahilamos ng mukha. Nang magtama ulit ang aming tingin ay kanya akong kinabig sa baywang at sinalubong ng halik ang aking labi.
Napapaatras ako sa bawat lakas ng kanyang halik hanggang sa natumba ako sa kama kasama siya.
Mga tagpong makasalanan ang nangyari ulit sa amin. Bawat himaymay ng aking balat ay kanyang tinikman. Kung hindi ako si Ava at nasa ibang sitwasyon ako ay aakalain kong may pagmamahal ang kanyang bawat haplos at halik sa akin.
Isang araw ang lumipas ay nahirapan akong sabihin kay inay na lilipat na kami. Hindi ko alam kung ano ang irarason ko at kung kailangan ko pang magsinungaling.
Kakarating ko lang mula eskwelahan at nag aayos na ng aking mga gamit sa aking kuwarto ng makita ko ang pills na nasa aking damitan.
Kumalabog ang puso ko. Hindi ako nakainom nito. Magdadalawang araw na. Nakaramdam ako ng kaba at kumuha doon ng dalawa tsaka lumabas para makainom ng pills.
"Oh Ava?" nagulat ako ng biglang pumasok si nanay.
Halos mabulunan ako sa ininom na pills. "N-Nay?"
"A-Ava.Pwede bang ikaw na ang bumili ng uulamin natin sa palengke?" namumutla na naman si nanay at umuubo.
"Nay! Inuubo ka na naman?"
Umiling siya. "A-Ayos lang ako. Inumaga ako kanina sa kakalabada ng damit nila Bosyang. Sayang rin ang kita."
Natahimik ako. Hindi ko alam kung saan na ginastos ni inay ang perang tinabi ko.
Ako nalang ang bumili ng aming bigas at uulamin. Lumakad lang ako patungo sa sakayan ng traysikel. Naalala ko na kailangan ko palang bumili ng dalawang notebook at bagong karagdagang ballpen kaya pinahinto ko ang traysikel malapit sa tindahan ng mga school supplies.
Inayos ko ang bayong na dala nang may mahagip ang aking mata. Hindi maaari.....
Si Genevive? Bakit? Ano ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co