Truyen3h.Co

Talk Dirty

Chapter 24

frezbae

Napaparanoid

Hindi ako makapaniwala. Lumipas ang dalawang araw na gabi gabi akong sinusundo sa hindi kalayuan ng aming bahay ni Faustino. Nagtatanong siya kung kaylan kami lilipat.

"Hindi kasya sa oras ko ang palaging pagsundo sayo Ava. "

Pumikit ako. May hang over parin ako sa mga nakita ko. Parang ang bigat sa aking pakiramdam.

"Faustino kasi malabo," sagot ko. Isang gabi nasa hindi kalayuan lang kami ng aming bahay. Sa madilim na espasyo ng daan na walang ilaw.

Umigting ang panga niya at napahilot ng sentido.

"Si nanay kasi malabong sumama iyon. Tsaka may sakit siya hindi ko mapabayaan."

Tumango siya, "I understand."

Napasinghap nalang ako. Anong oras na baka magsara na yung bibilhan ko nang iilang colored paper para bukas.

"M-may kailangan ka pa ba? May bibilhin pa kasi ako. Iyong project."

Nangunot ang noo niya at pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan.

"Saan?" sabay paandar niya ng kotse. Natuod ako at hindi makapaniwala.

"D-Diyan lang sa ikalawang kanto iyon. Kaya ko namang lakarin."

"No." umiiling siya at pinaandar na ang sasakyan.

Madalang ang pagtrabaho ko sa club. Alam niyo kung bakit? Tuwing nasa club ako siya parin yung mag aout sakin. Sinabihan niya akong wag' nang pumasok dahil siya naman ang kukuha sa akin.

Tahak namin ang ikalawang kanto ngayon. "P-Pwede naman na ako nalang doon sa kinuha mong condo.Malapit iyon sa school."

Wala siyang pakeng tumango. "Do what you want Ava."

Tumango ako. Mas lalong lumambot ang aking puso para sa kanya. Ang makita ang pagod niyang mga mapupungay na mata.

Huminto ang kanyang kotse sa sinabi kong tindahan. Lumabas ako para kunin ang nakita kong mga kailangan at huli ko nang namalayan na sa pagmamadali ko kanina hindi ako nakapagdala ng kahit ilang pera man lang.

"Miss bibili kaba?" aniya ng binatilyong nagbabantay.

"Uh wait lang. N-nakalimutan ko kasi yung pera." pagak akong tumawa. "Babalikan ko muna."

"Sus! Kunware pa. Type mo lang ako e. Eto numero ko. Nagpapapansin kapa sakin."

Umawang ang labi ko sa walang hiyang assumero na to.

"H-Hindi. Totoo ang sinabi ko." tumalikod ako para umalis nang bumangga ang aking noo sa isang dibdib. Nakita ko agad ang gray t shirt ni Faustino.

"How much?" tanong ni Faustino sa binatilyo.

"Ha? A-Ah." kitang kita ko kung paano nangatog ang tuhod ng lalaki. "35 pesos lang t-tol!"

Naglapag si Faustino ng 500 sa mesa at hinila ako paalis.

"Teka 'yung barya mo!" pinigilan ko siya.

"Huwag na." binuksan niya ang sasakyan at padaskol akong pinaupo doon. "Pambili niya na 'yung toothbrush. Mukhang hindi naman nagtotoothbrush ang lakas pa ng loob..."

Bumulong bulong siya na hindi ko maintindihan.

Bumalik na kami sa dating pwesto ng sasakyan niya. "Pasok na ako. Maaga pa ako bukas."

Tumango lang siya sakin. Hindi ko na kinaya ang makita ang puyat sa kanyang mukha kaya tumingkayad ako at inabot ang kanyang ulo para imasahe iyon. Natuod siya sa aking ginawa pero kalaunan ay hinayaan ako.

"M-Masakit ba ang ulo mo?"

"Yeah. Hectic sched."

Ngumiti ako. Sa dilim ay kita ko parin ang pagtitig niya sakin.

"Pag nasa condo na ako,doon ka na matulog. H-Hihilutin kita palagi." bulong ko sa kanya.

Ang aming usapan ay nauwi sa halikan. Hindi na nagsimula sa kahit anong usapan iyon dahil kusang nagtagpo ang aming labi. Hindi na sumobra pa doon dahil hanggang sa aking dibdib lamang ang kanyang paghalik. Halos mamantal ang aking labi sa walang humpay na paghalik niya.

Ramdam ko ang namumukol sa loob ng kanyang pantalon. Pero hindi nauwi sa sobra ang aming ginawa kundi halikan lamang.

Noong gabing iyon binigay niya ang susi ng condo. Nang umaga ay nahirapan ako kung saan uumpisahan ang pagsabi kay nanay. Maaga akong nagising at bumili ng gamot ni nanay at ulam na kanyang pwedeng lutuin. Nakabili na ako ng fridge para dito sa bahay kaya nag iimbak narin ako ng karne at gulay.

"Nay? Nandito na po ang gamot niyo." hinawi ko ang kurtina sa kuwarto niya pero walang tao. Saan na kaya si nanay?

Mula pa noon ang bahay at kuwarto ko lang ang nalilinisan ko pero hindi ang kuwarto ni inay. Dahil sa kuryusidad sa kulay brown na parang baul ay pumasok ako at umupo sa kama niya. Tanging siya lang ang kasya sa kama niya. Inayos ko ang kanyang ibang damit. Inayos ko ang nebulizer sa gilid at ibang gamot niya.

Tila hindi ko mapigilan ang sarili kaya kinuha ko ang baul na iyon at binuksan. Maraming papel doon. Mga resibo at kanyang resita pero ang nakakuha ng aking pansin ay ang isang malaking envelope. Binuksan ko rin iyon. Sa amoy palang hatalang ilang taon na ito.

Isang magazine iyon ng nagdaang taon pa. Mga litrato at iba pa. Halos hindi ako makapaniwala.

Model si nanay noon? Shit!

Magkahawig kami sa iilang anggulo niya dito sa litrato!

Binalik ko na ang mga iyon bago pa ako makita ni nanay. Kahit kailan hindi niya iyon sinabi sakin. Magtataka pa ba ako? E' kahit kailan hindi naman iyon nakukwento sakin ng kusa.

Bawat araw hindi na ako mapakali. Hindi ko na alam kung kasal na ba si Faustino kay Genevive. Saan na ako? Pagpapatuloy pa ba namin o ititigil na?

Parang ayoko pa. Hindi ko kayang makita si Faustino na bumubuo ng pamilya kasama si Genevive.

"Ava?!" halos mapaigtad ako sa sigaw ni nanay.

"Nay! Papasok na kasi ako. Saan kayo galing?" nakita kong may bitbit na naman itong mga maduming damit ng kapitbahay.

"Maaga akong maglalabada ngayon para mamaya matutulog nalang ako ulit." Pinunasan niya ang pawis sa noo. Kinuha ko ang panyo sa malapit at nilagay sa kanyang likod.

"Nay, may sasabihin sana ako."

Namaywang siya at sinipat ako. Tumaas ang kanyang kilay. "Ano? Gumanda lalo ang katawan mo ah. Ganyan talaga kapag alaga sa sex, gumaganda ang katawan. Kumikinis karin Ava. Pero ang sinasabi ko sayo...layuan mo ang kambal Ava. Wala tayong kasalanan."

Ito na nga ang sinasabi ko kaya kailangan ko talagang magsinungaling.

"M-May kinuha kasing condo yung si C-Chelsea malapit sa school nay. Gusto niya isama ako-"

"Walang problema basta pag aaral mo Ava. Kaya ko naman sarili ko basta dumalaw kalang ha."

Ngumiti ako ng mapait. Hindi ko kailanman nayakap si nanay ng matagal. Kulang kami sa yaman at kahit kailan hindi niya ako binilhan ng kahit anong bagay pero tuwing kailangan ko nang ina ay hindi siya mawawala.

Gusto ko siyang yakapin pero umiwas siya agad at inayos ang mga maduming damit.

"Pumasok kana. Anong oras na."

Pinalis ko ang luha at kinuha ang aking bag at cellphone. Ang cellphone ko ay iphone na binigay ni Faustino. May mga numero na doon ng mga taong importante.

Lumabas na ako ng bahay at lalakarin lang sana ang papuntang sakayan ng jeep ng may sasakyan akong nakita.

"Genevive?"

Bumaba ang bintana nito at nakumpirmang siya nga iyon. Ngumiti siya sakin at tumagos ang tingin sa aming bahay.

"Genevive..." lumapit ako sa sasakyan at binuksan niya iyon para makapasok ako.

"Hahatid na kita.Dito pala ang bahay niyo? Yun' bang maliit?"

Nakapasok na ako sa kanyang kotse. Meron siyang driver kaya magkatabi kami sa likod.

"Opo.N-Nakakahiya." hindi ko maiwasang maging malamig sa kanya.

"Okay lang. Sayang hindi ko nakita ang nanay mo. Tsaka gusto kong ibigay to." inabot niya sa akin ang sobreng puti at may lasong pula.

Kinabahan ako. Parang ayokong hawakan ang invitation card na ito.

"Pumunta ka ha? Isama mo nanay mo." mahinang sabi niya.

"Umiyak ka na naman." bigla kong namutawi.

Kita ko ang namumugto niyang mga mata. "Kasi panay ang away namin ni Faustino. Gustong gusto kong malaman kung sino ang babae niya. Gusto kong ipamukha na ikakasal na ang lalaking inaangkin niya."

Sumikip ang aking dibdib. Hindi na ako makatingin sa kanya.

"Pero ganito siguro kapag naglilihi. Maselan ang pagbubuntis ko. Napaparanoid ako."

Fuck.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co