Chapter 29
Ulan
Mali bang ipaglaban ang iyong nararamdaman hanggang dulo? Mali bang umasa dahil alam mo ang totoo? Wala bang karapatang magmahal ang taong namali ng direksyon?
Ito ba ang kahihinatnan ng babaeng lumalaban?
Ang matagal ko na pagtulog ay tinapos ko. Kung puwede lang na matulog ako ng buong buhay ko para lang hindi na maramdaman ang takot na nararamdaman ko ay gagawin ko na sana.
"Anak bumangon ka. Kumain ka na nitong cup noodles."
Si nanay ay mag hawak na umuusok na cup noodles. Hinintay ko iyong mga pangangaral niya, ang mga galit niya sa akin pero hindi dumating.
Pinaupo niya ako nang maayos at naramdaman ko ang kirot sa aking puson. Kumirot ng husto ang aking puso.
"Pwede kanang lumabas mamaya. Nagdurugo ka parin pero pwedena raw sabi ng doktor."
Nagkunwari itong maraming ginagawa. Nagligpit ng kalat at damit at iniiwasan ang aking tingin.
"B-Buntis ako nay." mahinang bulong ko.
Natigil si nanay sa kakawalis at tinitigan na ako. Bumaba ang kanyang tingin sa aking tiyan na natatakpan ng kumot.
"Hindi ka na buntis." umiwas siya nang masabi iyon. Kinagat ko ang aking labi.
Hindi mawala sa sistema ko ang galit nila sa akin.
"N-Nay makukulong ba ako?"
Suminghap siya at lumapit sa akin. Tinitigan niya akong mabuti.
"Nangyari saiyo ang nangyari sa akin noon." kumislap ang kanyang mata.
Gusto kong umiyak. Umiyak ang aking puso at walang luhang dumaloy. Takot ako sa kanila. Nanginginig ang kalamnan ko sa tuwing nakikita ng pa ulit ulit ang mga nangyari sa aking isipan.
Gusto kong magtago sa isang madilim na lugar. Gusto kong lumayo sa lahat nang ito.
Hinaplos ni nanay ang aking buhok na maikli. Kumuyom iyon.
"Wala akong ititira kahit isang kusing sa kanila Ava. Ibabalik ko sila sa taeng kanilang pinagmulan. Walang awa ko silang ibabagsak sa isang kisap mata lang. Sinusumpa ko Ava pagsisisihan nilang nilapatan ka nila ng kanilang kamay." dumaloy ang luha ni inay sa sobrang galit. Ang kamay niya ay nanginig.
Kinagat ko ang aking labi. "Nay, w-wag na. Kaya nating magsimula sa wala. Magsimula tayo na hindi natin sila nakilala. Ayoko na nang kahit anong koneksyon sa kanila. N-Nay, papatayin nila ako." pagmamakaawa ko sa ina ko. Hindi niya alam ang takot na nararamdaman ko ngayon.
Takot at pighati ang aking nararamdaman. Hindi ko lubos maisip na dinadala ko ang isang anghel na walang ka muwang muwang sa mundo.
"N-Nay nakunan si Genevive dahil sakin."
"Hindi siya nakunan," siguradong sagot ni nanay. "Ikaw ang nawalan Ava."
Natahimik ako.
Hinawakan niya ang aking kamay. Ngayon nakitaan ko siya ng kakaibang emosyon na naglulusaw sa aking damdamin.
Wala man ako nang meron sila. Pero may ina akong nag iisa.
"A-Ang perang k-kinukuha ko sayo b-binili ko nang lupa at maliit na bahay lang ang naipatayo ko doon.."
"P-Po?"
Tumango si inay. May pinatayo siyang bahay?
"S-Sa Negros. M-May matalik akong kaibigan doon sa Kabankalan. Hindi iyon kalakihan na lupa pero makakatulong iyon saiyo."
"N-Nay sasama ka sa akin."
Umiling siya. "May mga dapat akong gawin dito Ava."
"Nay may sakit ka."
"At mamamatay ako kapag hindi kapa umalis dito. Konsumisyon ka."
Gusto kong ngumiti. Inalala ko ang mga nangyari doon. Mahal ko parin ang taong nagdulot sa akin nang lahat nang ito pero natatakot ako. Natatakot ako sa lahat lalo na sa isang kisap lang ay pwede niya akong patayin.
Gusto kong iwasan ang mga taong nagdulot ng malaking sugat sa aking puso. Mamahalin ko nalang siya nang tahimik at hindi na aasa pa.
Hanggang pagmamahal nalang anh dapat ko gawin at hindi na doon hihigit pa.
Kinabukasan mismo pinaalis na ako ni nanay. Ang dami nang pera niyang binigay sa akin. Sabay nang pag alis ko sa aming munting barong barong ang pag alis rin doon ni nanay.
Hindi niya sinabi ang plano niya pero panatag ako dahil umalis siya sa bahay namin na sira sira. Iniwan ko doon ang lahat na gamit na nabili ko dahil sa pera ni Faustino. Damit, alahas, cellphone at card ay iniwan ko.
Isang maliit na bag lang dala ko laman ang mga damit na paulit ulit ko nang sinusuot. May binigay si inay sakin na cellphone na bago at bagong number rin ito.
Malapit raw sa Balicaocao Resort ang nabiling lupa ni inay doon kaya malilibang raw ako doon sa dagat.
Ilang oras ang aking binyahe. Hindi maiwasan na tumakas ang mga luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan.
Kung nabuhay sana ang supling na nasa sinapupunan ko,gagawin ko rin lahat para lang bigyan siya ng maayos na buhay. Kaya ko iyong gawin dahil alam kong hindi ako kailanman pananagutan ng lalaking minahal ko.
Gusto kong magalit dahil sa nangyari pero walang ninuman ang sa amin ang alam na buntis ako.
Hindi ko inisip na sumuko pero ngayon susuko na ako bilang taong nasaktan.
Hindi ko na iisipin ang nakaraan. Hindi ko na iisipin ang mga bangungot na iyon.
Sobrang mali magmahal lalo na't alam mong hindi saiyo. Pinilit kong ipaglaban pero sadyang mahirap lumaban kapag may mahal siyang iba.
Nagmahal lang ako.
Masakit ang aking ulo at nang makarating sa Bacolod. Mula Bacolod sasakay pa akong bus papuntang Kabankalan ng dalawang oras.
Simple ang probinsya na ito. Hindi tulad sa Manila. Mula sa bus terminal nang Kabankalan ay nagtanong ako kung saan yung Balicaocao. Nalaman konh sasakay pa palang trysikel papunta doon.
Konti lang ang aking dala kaya hindi ako nahirapan. Bumili rin ako sa mg nagtitinda sa gilid ng iba't ibang pagkain at mineral water.
Sumakay akong traysikel papunta doon. Halos papalubog na ang araw at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Ang ganda nang hangin dito sa Probinsya.
Puro palayan ang aking nakikita at mula kanina sa Kabankalan na purong malalaking building ay ngayon naman puro bundok bundokin na malapit sa dagat.
"Salamat ho manong!" pasalamat ko sa manong nang binuhat niya ang bag ko.
"Ah taga manila ka miss?" iba ang kanilanh lengguwahe.
Tumango ako. "Opo."
"Ah amo gali ka guwapa saimo. Sige halong!" umalis ito pagkatapos nun.
Ano raw iyon?
Nangunot ang aking noo. Nang makakita ako ng matandang babae ay lumapit ako doon para magtanong.
"Ale kilala niyo po ba dito si Aling Pena?"
"Ah! Oo! Tagalog ka? Ikaw guro atong ginahulat ya halin pa kagina sang aga."
Hahahha. Ano raw?
"P-po?"
Tumawa ito. "Ay! Ibig kong sabihin ikaw yung hinihintay niya mula pa kanina! Halika ka!"
Napangiti ako dahil ang babait pala ng tao dito.
"Pena! Ari na ang bata sang miga mo!"
May nagmamadaling babaeng lumabas sa bahay na semento pero ang kalahati ay mga kahoy.
Ngumiti ako sa babaeng kasing edad ni nanay.
"Ikaw na ba ang anak ni Rosa?" Hinawakan niya ang balikat ko. "Sinabi sa akin ni nanay mo ang lahat. Halika ka, hinanda ko na iyong bahay ninyo na maliit dito. Asawa ko 'yung gumawa pero wala iyon dito nagpapasada pa."
"S-Salamat po tita.."
"Tita Pena ang itawag mo sa akin. Naku! Alam kong pagod ka. Halika na!"
Medyo malayo ang aming bahay mula sa kanila. Ang bahay ay malapit sa dagat at sa naglalakihang rock formation sa gilid ng dagat.
Simple ang bahay na pinagawa ni nanay. Kumpleto narin sa gamit. Ito pala ang dahilan kung bakit ang mga perang binigay ko sa kanya ay bigla nalang nawawala.
"Ayan. May bigas ka na diyan at gasul. At wag' kang mag alala walang masasamang tao dito. Pumunta kalang sa amin kung may kailangan ka."
"Opo. Salamat po talaga."
"Iiwan na kita ha?"
"Opo."
Umalis si Aling Pena at naiwan akong mag isa. Binuksan ko ang bintana na kaharap mismo ang dagat.
Ito na ba ang mapayapang buhay na hinahanap ko? Natulala ako muli at nahulog ang isipan sa mga taong nanakit sa akin. Sa mga nangyari sa akin. Hindi ko maiwasan na hindi umiyak at tingnan ang ulan na unti unti pumapatak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co