Truyen3h.Co

Talk Dirty

Chapter 28

frezbae

Nawalan

Mabilisang binuhat si Genevive ng kanyang mga body guards nang makita siyang natumba.

Ako naman ay hindi alam ang gagawin at naiwang titig na titig sa dugo na nasa sahig.

Parang binagsakan ako ng mabigat na mundo habang pauwi sa bahay. Hindi ko sinabi kay nanay at nagkulong sa aking kuwarto. Halos walang humpay ang aking luha at nalalamangan ng takot.

Hindi ko iyon sinasadya. Diyos ko patawarin mo'ko.

"Ava!" ni hindi ko magawang tumingin kay nanay.

"Kumain na tayo! Naku! Hindi ako kumain ng tanghalian dahil hinintay kita!"

"M-Mauna na kayo nay." Nakatalikod parin ako at pinigilan ang pag hikbi. Umalis naman ito agad at nasapo ko ang aking labi.

Hindi ko magawang makatulog. Iniisip ko na sana maayos lang lahat. Pinapanalangin ko na maayos ang baby at si Genevive.

Halos hindi ako kumain nang araw na iyon. Hilong hilo ako sa kakaiyak. Nagising lang nang umalis si nanay.

Inaayos ko ang aking mga dadalhin sa eskwela maaga pa. Naririnig ko pa ang tilaok ng manok at malamig ang simoy ng hangin. Malapit na ang pagsara nang klase kaya marami nang gagawin at aasikasuhin.

"Ava?!" biglang may sumigaw sa aming pintuan kaya napatingin ako doon.

"Aling Resie? Ano po iyon?"

"Ah! Andiyan ba si nanay mo? Magpapalaba sana ako at 'yung kapitbahay ko."

Nakita ko ang halos anim na baldeng may laman ng maruruming damit ang nasa gilid nito.

"Umalis po e."

"Sige ikaw ko nalang 'to dito. Ang sipag talaga ng nanay mo kahit grabe ang ubo. Noong kelan nawalan siya nang malay! Mabuti nalang nakita ko siya-"

"H-ho?" hindi ko iyon alam at hindi niya sinabi!

"Hindi mo alam? Hay naku Ava,sobrang sipag naman kasi ng nanay mo kahit malakas mang insulto pero mabait!"

Kaya kahit gusto kong magalit hindi ko magawa dahil alam kong kahit ganon si inay, ay mabuti siyang tao. Isang mabuting tao na namali lang ang kapalaran dahil sa pag ibig.

Nagluto muna ako ng tocino at hotdog para kay inay bago umalis. Sinampay ko rin ang mga ibang damit na nilabhan niya kagabi para wala na siyang masyadong gagawin.

Balak kong umuwi mamaya sa condo
Gusto kong makita si Faustino.

Ang dami kong nakain nang ang inulam ko ay ang itlog na maalat. Kaya magaan ang pakiramdam ko pagpasok dahil sa busog ako.

"Naku ito si Ava ang daming absent, ang dami ding lihim! Ang blooming ni ateng! Dilig na dilig!" sinundot ako ni Kris.

Umiling ako at ngumiti. "Wala. Marami lang akong inaasikaso kasi."

"Nagka club ka parin ba Ava?" Tanong ni Vicco.

Umiling ako. "Hindi na masyado.Bakit?"

"Wala. Gusto lang kitang makitang gumigiliw e. Siguro sobrang landi ng pagsayaw mo no?"

Hinampas ko siya sa braso. "Gusto ko iyong gayahin!" dagdag ni Vicco.

"Bumulong ka sa hangin Vicco." pasaring ni Chelsea.

Nakinig nalang ako sa kanilang biruan habang nag aantay ng aming teacher.

Natapos ang araw na iyon na marami akong iniisip. May mga oras na nasisigawan na pala ako ng aming guro na hindi ko namamalayan. Iniisip ko yung mga pangyayari sa buhay ko.

"Ava? Diretso uwi kana?" Tanong ni Vicco.

"Oo! Ingat kayo!"

Umalis ako para makasakay sa jeep. Balak kong ipagluto si Faustino dahil baka uuwi siya ngayong gabi.

May binili muna ako sa baba nang isda. Puro nalang kasi karne ang mayayaman lalo na sila kaya isda naman balak ko ngayong lutuin.

Nang buksan ko ang pintuan ay nagulat ako na nandoon siya.

Natuod ako sa kinatatayuan. Subalit, pilit kong kinumpuni ang sarili at dinamdam ang puso kong naghahagupit.

"F-Faustino nandito ka pala."

Nakaupo lamang siya sa sofa at seryoso. May dalawang bote na siya nang alak sa mesa. Napalunok ako nang makita ang mga iyon.

Huminga ako ng malalim at nilapitan ang mesa na maraming kalat. Kukunin ko na sana ang bote nang may mahagip ako sa mesa.

Kumalabog ang puso ko. Mga litrato.

Ako at si Frosto sa bar noong inutusan ko siya. Inutusan ko siya noon kasi ilang beses ko na silang nakita. Ilang beses ko na silang nakitang dalawa.

Alam kong mahal niya si Genevive at desperada ako kay Faustino kaya ko iyon hiningi sa kanya.

"Explain Ava," may hinagis na namang pictures si Faustino. Sa mga oras na iyon ay kitang kita na nasi Frosto ang lalaking iyon.

Hindi ko alam kung anong sakit ang nararamdaman ngayon ni Faustino na malamang si Frosto ang gumawa.

"Alam mo ang mga iyan di'ba?" mapanganib ang boses niya na halos umatras ako nang tumayo siya.

Napalunok ako. Parang katapusan na ng aking hininga.

"Ava how could you..."

Isang demonyong Faustino ang nasa harapan ko ngayon. Namumula siya at gusot gusot ang polo.

Unti unti siyang lumapit sa akin na ikina atras ko.

"Paano mo iyon nagawa Ava?!" halos kidlat ang boses niya. Kinuha niya ang vase at hinagis. Halos mapasigaw ako dahil sa gilid ko lang iyon mismo! Hindi niya naisip na baka...baka masaktan ako!

Sa sobrang takot ay umiyak ako.

"Nang dahil sayo nawala ang bata  Ava." Hindi niya kinalas ang tingin niya sa akin. Halos hindi naman ako makatingin dahil alam ko ang kasalanan ko.

"Faus-"

"Hiningi mo ang pabor na iyon sa traidor kong kapatid? Para ano Ava? Para ikaw ang mahalin ko? Nag iisip kaba?!" dinuro niya ang aking ulo na ikinapikit ko.

"Patawarin m-mo-"

"How could you?!" napasandal na ako sa dingding.

"F-Faustino nagawa ko iyon d-dahil mahal kita."

Ngumisi siya at pumikit ng mariin. Akala ko hihinahon siya pero napaigik ako ng sinakal niya ako ng mahigpit sa leeg. Nanlamig ang aking paa at kamay dahil doon.

Sobrang sakit.

"You're just a whore!!" sigaw niya sa tenga ko at isang sakal pa nang sobra bago niya ako pinakawalan.

Parang nawalan ako ng lakas na napasalampak sa sahig. Nanginginig ako sa sobrang takot. Sa oras na ito, natanto kong gusto ko nalang umalis. Wala na akong pag asa.

Pero bakit ang sakit? Gusto ko nalang mamatay sa sobrang malas ko.

"Leave." tumingala siya at pumikit habang nakapamaywang.

Tumango ako at pinunasan ang luhang walang humpay.

"I said leave!!!" sigaw niya ulit sakin. Ngumiti ako nang mapait. Dahil oo, aalis na ako sa mundong ito.

Patuloy ang aking luha nang tumakbo ako paalis. Maraming napapatingin sa akin paglabas ko nang may mabangga ako.

"Senyora Agnes."

Nakita ko ang poot sa kanyang mga mata habang sinugod ako ng sabunot at sampal. Napasalampak ako sa sahig nang dinaganan niya ako.

Maraming nakatingin. Pero walang tumulong.

"Tama na!" sigaw ko nang hinila niya ang aking blouse sanhi nang pagkakakita ng aking dibdib.

"Muntik nang mamatay ang anak ko dahil sayong hampas lupa ka!" sinampal niya ako ng ilang beses at halos mapanot sa kakahila niya ng aking buhok.

"Tama na p-po!" pilit akong kumakawala.

"Bigyan mo'kong gunting!!" sigaw ni Senyora Agnes. "Papakita ko sayo kung saan ka nararapat!" sigaw niya at isang kalabit lang....ang aking mahabang buhok ay umikli.

"Ma'am!May dugo po." aniya ng kanyang body guard.

Nawalan ako nang lakas habang titig na titig sa kawalan. Pinagdarasal na sana matapos na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Umalis si Senyora Agnes sa pagkakadagan sa akin at napasinghap.

"H-Hindi ko s-sinasadya..." nautal ang kanyang boses.

Sa oras na ito alam ko na nawalan rin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co