Truyen3h.Co

Talk Dirty

Chapter 8

frezbae

Kaming Dalawa

Umiling-iling ako. Gusto kong magpaliwanag pero dahil nga mas naunahan ng kaba at takot hindi ko magawa.

"Baguhan kalang dito! How could you do this?!"

"Mom, hindi iyan magagawa ni Ava!"

Ni hindi ako makatingin kay Faustino. Nagbulong bulongan ang iilang pamilya nila at katulong.

"Paano ka nakakasiguro? Are you that close with her Genevive?!" dagdag pa ng mama niya.

Huminga ng malalim si Genevive at tumingin sakin.

"Alam mo ba kung gaano ka mahal iyong earrings ko?!"

Hinila ko ang tapang na loob at ikinubli ang takot.

"S-Senyora,hindi k-ko po talaga alam kung bakit napunta iyon sa bag ko." Tumakas sa aking pisngi ang luha dahil sa samu't saring emosyon.

Ang hirap pala no? Ang hirap pala sa mundong ito. Gusto ko ng maayos na trabaho pero tila'y kapait ng tadhana. Kung sa bar naman malaya kong nagagawa ang aking gusto pero mali naman sa mga mata ng tao.

Walang tama at mali para sa mga tao ngayon. Lahat may negatibong komento kahit hindi alam ang totoo.

Tila diring diri itong tumingin sa akin. Tila kahit boses ko ay isang basura para sa kanya.

Suminghap siya. Pinigilan naman ito ni Genevive.

"Paano mo maeexplain kung bakit nasa bag mo ang aking earrings ha? Anong palusot ang sasabihin mo?"

Napapahiya na ako ng sobra. Lahat nakatingin sa akin pero ni walang nang ahas na magsalita.

"Marahil nga mahirap ako pero sanay akong kumain kahit asin lang ang ulam namin. Sanay p-po ako sa hirap kaya hindi ko p-po kailangan ng bagay na mamahalin. Pasensya po pero h-hindi ko po talaga kinuha."

Napakurap kurap si senyora at namula. Namula dahil sa galit. Tila mahihimatay na ito dahil sa pag sagot ko.

"Aba't! Sumasagot sagot ka pa sa akin!"

"Madam, I think she's telling the truth." Tanging si Faustino lamang ang nang ahas na magsalita. Napatingin kami sa kanya. Hindi natinag ang aming titigan.

"Isa nga siyang mahirap kaya hindi niya kailangan ng mamahaling bagay. Napaka importante ng oras para lang aksayahin sa mga walang kwentang bagay." Dagdag pa nito na nagpakirot sa aking damdamin.

Umiwas ako nang dumaloy na naman ang aking luha. Naging kalmante na ang lahat at nagpatuloy na sa pagkain. Habang ako natulala lamang na nag aantay kung sinuman ang may nais na utusan ako. Ang hirap pala ng ganito kaysa sa trabaho ko sa club. Kung hindi lang mahal ang pang dialysis ni nanay hindi na sana ako naghanap ng exrra job.

"Ava puwedeng pakuha pa ng wine glass please?" utos sa akin ni Genevive kaya tumango ako at tinungo ang kusina. Walang tao dito kaya napahinga ako ng malalim at umiyak ng tahimik.

Nanginginig ang aking kamay na inaabot ang wine glass na nakasabit at nilapag.

"Ava.." napapitlag ako ng marinig ang boses ni Genevive sa aking likuran.

"G-Genevive."

"Are you okay?" alalang tanong nito at inayos ang aking buhok. Bigla man ako sa kanyang kilos ngumiti ako.

"A-Ayos naman Genevive," paos na aking sagot.

Ginanap niya ang aking kamay at hinawakan. "Pasensya kana. Ganyan talaga si mommy. May tiwala ako saiyo," luminga linga siya bago ako binalikan ng tingin.

"Si Ora 'yung isang katulong na katabi mo sa kwarto.  Hindi maganda ugali nun. Ayoko mang siya ang pagbintangan pero alam kong hindi mo iyon magagawa. Sorry ulit."

Bakit mas lalong kumirot ang puso ko? Bakit ko nga ba tinatraidor ang babaeng kasing bait ni Genevive? Wala siyang ginawa kundi ang tumulong sa kapwa niya. At eto ako, natutukso sa kanyang fiance na hindi dapat.

Naging maayos na ang pagtatapos ng kanilang hapunan. Halos galit ang ibang katulong sa akin. Ang mayordoma lang yata ang maayos ang pakikitungo sa akin. Kahit si Faustino, hindi ko na rin nakita. Doble ang pagod ko lalo na nang kumain na ang mga katulong sa kusina naghuhugas parin ako ng pinggan.

"Merna, tirhan mo si Ava ng ulam." striktang aniya ng mayordoma. Umirap naman iyong katulong na katabi ni Ora. Inirapan nila akong dalawa. Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan kahit humahapdi na ang aking tiyan sa gutom.

"O ayan, hugasan mo na iyan ha!" Nilapag ni Ora ang mga pinggan nila sa lababo. Sinegundahan naman iyon ng malakas na tawa ni Merna. Silang dalawa nalang ang natira pagkatapos umalis ng apat na katulong para maglinis ng sala at matulog.

Tiningnan ko ang lamesa, maraming natirang baso at iilang pinggan doon. Ang lababo ay puno pa ng binabanlawan na pinggan. Ang sahig ay maraming tapon ng juice at tubig.

Humilig ako sa lababo at nangilid ang luha. Umiling ako agad, ayaw nang pahirapan ang sarili. Wala akong makukuha kapag umiyak.

Nilinisan ko iyong lahat. Halos alas dose na ako natapos at wala nang ibang gising kundi ako nalang. Patay na ang ilaw at dito nalang sa kusina ang bukas.

Ako naman ay halos madumi pa at gulo gulo ang mukha. Nagpunas ako ng kamay at kumuha ng pinggan bago naghalungkat sa refrigirator nila kung anong merong pagkain. Halos walang ingay ko iyong binuksa at nakita ng fried chicken na ulam at may cake pang natira!

Halos maging pagkain ang mga mata ko!

Nanginginig akong nilapag iyon sa mesa at kumuha ako pa ako ng fresh milk doon at ininom!

Halos hindi ako humihinga kakakain. Halos hindi magkasya sa aking bibig pero go lang!

"Baka mabilaukan ka niyan."

"Ay tite ni Faustino!" naisigaw ko iyon sa sobrang gulat! Hindi ko iyon alam kung saan ko iyon napulot kung bakit ko iyon naisigaw. Natakpan ko ang bibig wala sa oras at halos batukan ang sarili!

Nangunot ang noo ni Faustino at binalewala ang aking gulat. Hubad baro siya naka pajama lang! Dito pala siya natulog?

Oo nga pala, magpapakasal naman sila ni Genevive kaya normal na nandito siya.

Umubo ako ng peke at inayos ang sarili. "G-Gising kapa pala."

Madilim ang paligid namin at iisang ilaw lang ang bukas. Halos hindi ko na makain ang masasarap na pagkain sa aking harapan dahil sa hiya.

"So you're hungry," kumpirma nito. Nahihiya naman akong tumango.

"At tite ko ang nasa isip mo,ganon Ava?" maloko nitong tanong at may malokong ngisi sa labi.

Ngumiwi ako at umiling. "Hindi." nagbago na ang isip ko. Bukas nalang ulit ako kakain. Nawalan na ako ng gana.

"Bagay ka dito," Humilig siya sa gilid ng pintuan at tinitigan ako ng madiin. Habang ako eto, nasasaktan sa mga pang iinsulto niya.

"Bagay ka sa kusina. Nagluluto-"

"Ang sama mo talaga!" mahinang singhal ko. "Oo mahirap ako pero hindi ko deserve ang pang iinsulto mo sa akin! Kanina kapa!"

Mas lalong nagdugtong ang kilay niya tila hindi iyon ang kanyang punto.

"That's not what I mean-"

"O edi' wow. Ganyan naman kayong mayayamang maitim ang budhi. May pera lang kayo pero pareho pareho lang tayo."

Sa kanya ko na yata lahat binuhos ang sama ng loob ko mula pa kanina.

"Kung magkakapera lang ako hindi na ako lalapit dito! Lalayo ako sa mga tulad niyo. Mabuti pa si sir Frosto mabait! Siya lang lalapitan ko!"

Himutok ko habang nililigpit ang mga natirang pagkain at lumapit sa lababo para maghugas.

"Talaga," napapitlag ako ng maramdaman ang kanyang hininga sa aking tenga. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin at ikinulong ako gamit ang kanyang bisig. Naamoy ko pa ang alak sa hininga niya.

"Why? Just admit it Ava. Gusto mong sabay kaming dalawa di'ba? You want me and my twin in  bed?"

Pakiramdam ko lahat ng init umalsa papuntang utak ko. Hinarap ko siya at sinampal.

Naiiyak akong tinitigan siya. Gusto ko siyang sampalin ng ilang beses.

"S-Sabihin na natin na madumi ako d-dahil sa club ako n-nagtatrabaho pero hindi ikaw ang nagsilang sakin para insultuhin ako. Oo!  Binigyan mo'ko ng pera pero pinaghirapan ko rin iyon!" Tinulak ko siya para makadaan ako. Punong puno na ako. Sobrang pagod na ako.

Isang hila niya ang nagpabalik sa akin at bumalik ako sa kanyang bisig. Naglapat ang aming labi. Ang aking kamay ay nakagapos sa kanyang isang kamay.

"Faustino?!"

Pareho kaming napatigil ng marinig ang boses ni Genevive.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co