Chapter 9
Katawan
Bago pa makapasok si Genevive dito sa kusina ay naitulak ko na si Faustino at nagkunwaring naghuhugas ng mga pinggan.
Ni hindi man lang gumalaw si Faustino doon.
"Babe," nagtatakang bungad ni Genevive. Halos magdasal ako sa harapan ng mga pinggan.
"Hey," paos na sagot ni Faustino.
"Hindi ka makatulog?" ramdam ko ang titig ni Genevive sakin. Halos magkumahog ang aking dibdib.
"Masakit ang ulo ko. I just want some pale pilsen."
"Meron sa fridge," sagot ni Genevive. "Ava, magpahinga kana. Sobrang pagod kana."
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Opo, Genevive."
Ngumiti rin siya sakin. Narinig ko ang pag ingay ng dalawang boteng inumin na kinuha ni Faustino sa fridge at ang pag alis nilang dalawa.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naligo ako at nagsuot ng pangkatulong na uniporme.
Kanya kanya nang pag aayos ang kapwa ko katulong. Habang ako hindi alam ang dapat unang gagawin dahil ang bawat lilinisan ay may nakaatas nang maglinis doon.
Ngumiti ako at naisipang magluto nalang na tiyak kong magugustuhan nilang lahat. Pakiramdam ko, hindi pa nila natitikman yung pancit bihon na ang sahog ay sardinas!
"Mayordoma, ako na ho ang magluluto nang kanilang almusal."
Tumaas ang kilay sakin ng mayordoma. "Talaga? Magaling ka magluto?"
"Opo naman." pagmamalaki ko.
"Oh siya, ikaw na. Maglilinis pa ako sa hardin."
With feelings pa ang paggawa ko nun'. Kaya nang sumenyas na ang mayordoma sa pagsapit ng kanilang pagkain ay nag ayos na kami ng pagkain at nilapag sa mesa. May niluto rin akong pritong tilapia doon ,ham, at hotdog.
Tulad kagabi nasa gilid na naman kami nag aabang ng kanilang kautusan.
Unang bumaba ay si Senyora Agnes na nakaroba pa. Kahit sa edad niya, ang ganda niya parin. Mukhang ilang agwat lang ang edad ni nanay sa kanya.
Napaiwas ako ng bumaba narin si Faustino at Genevive. Hinihimas ni Genevive ng braso ni Faustino at nakangisi naman ito.
"Good morning mom," bati ni Genevive sa ina. Ganon rin ang ginawa ni Faustino. Mukhang madalas nga dito si Faustino. At basi palang sa label nila, magpapakasal nga silang dalawa.
Ramdam ko ang tingin nito sa akin kaya hindi na ako nag atubiling tumitig pa.
"Sus maryosep! Anong pagkain ito?!" dumagundong ang sigaw ni Senyora na ikinagulat namin. Nasapo rin ni Ora ang kanyang bibig sa pigil na pagtawa.
Nakagat ko ang aking labi nang paasik akong tingnan ng mayordoma.
"Teresita! Sinong nagluto nito? Where's my pancake and milk?!"
Napapikit ako ng mariin ng marinig iyon.
"Paumanhin Senyora. Aayusin ko nalang." sagot ng mayordoma. Hindi ako nilaglag.
"No! I am asking you kung sino ang nagluto?! Bakit ang langsa nito?" sabay titig doon sa pancit bihon na may sardinas.
"Mom, umorder nalang tayo." suhestiyon ni Genevive.
Hindi nakasagot ang Mayordoma kaya wala akong nagawa. Ayokong siya ang maparusahan lalo na't matanda na siya.
"S-Senyora ako p-po," pag amin ko.
"Sinasabi ko na nga ba!" sigaw nito.
Nakaramdam ako ng takot.
"It taste good," biglang sabi ni Faustino na sarap na sarap sa niluto ko. Wala namang nasabi si Genevive at kumain rin nun.
"Wow, ang sarap nga!" masayang aniya at tiningnan ako. "Mom, you should taste it!"
"Over my dead body!" sabay tapon nito ng table napkin at tumayo. "I lost my appetite. Bring me my milk in my room Teresita." mando nito at tumalikod na.
"Tanga tanga kasi. Anong klaseng pagkain iyon? Pang kalye?!" sabay tawa ni Ora at ng isa pa. Tahimik lang akong naghugas ng mga pinggan pagkatapos nun.
Nang umalis sila,pumasok naman si Genevive sa kusina.
"Hey.."
"Oh, Genevive bakit?"
Malapad itong ngumiti at may hinugot sa kanyang bag. Mukhang aalis sila.
"We're going out. Aalis na si Faustino e. Minsan lang kasi dito iyon. Kaya naisip kong ibigay na saiyo ang iyong sahod dahil bukas may pasok na di'ba? Kaya ito!"
Nilahad niya sakin ang limang libo. Tinanggap ko iyon agad.
"Maraming salamat!" parang ang lahat na pagod ko nawala. Naisip ko palang na may pang dagdag ako sa bayarin sa hospital ni nanay ang saya ko na.
"Sana makatulong yan kay mama mo. Pasensyahin mo narin si mommy. She's like that eversince at lahat ng katulong dito napagdaanan na yan."
"Wala naman iyon. Salamat dito ha. May pasok narin ako bukas e."
"Oo nga, baka gusto mo munang puntahan sila mama mo? We're going out. At baka may gusto karing bilhin? Sumabay kana."
Hindi ako nakatanggi lalo na ang kulit ni Genevive. Sa saya ko ang dami kong iniisip na bilhin muna kay nanay bago doon pumunta.
Lulan na kami ng magarang sasakyan ni Faustino. Tahimik lang ito at nakapormal na suot. Halatang didiretso sa opisina. Habang si Genevive naman ay nakaseksing dress . Bagay na bagay sila. Maraming tumatawag kay Faustino sa cellphone na mukhang trabaho. Nagkunwari akong tinitingnan ang dinadaanan namin.
Nakasuot ako ng fitted black jeans at white t shirt lang. Dala dala ko narin ang aking isang bag.
Huminto ang sasakyan sa sinabi kong mall. Sinulyapan ako ni Faustino sa salamin. Madilim ang titig nito sakin.
"So, dito kana Ava? Mag ingat ka ha." bilin sakin ni Genevive.
"Opo, salamat rin!"
Lumabas na ako at hindi na sila binalingan pa. Dumiretso ako papasok sa mall at binili ang iilan na pasalubong kay nanay. Pagkatapos 'nun lumabas na ako na may dalang dalawang papebags.
Alas dose na. Baka inaasahan na ako ni nanay ngayon. Tirik na ang araw kaya sumilong ako sa gilid at naghintay ng jeep. Pumagilid pa ako ng may humintong kotse sa aking harapan. Hindi na ako tumingin doon at sinapo nalang ang aking kumakalam na sikmura.
Sa sobrang tipid ko hindi na ako kumain. Mamaya nalang kapag may free food na ang hospital ,iyon nalang ang kakainin ko.
Napapitlag ako ng bumusena ang kotse sa aking harapan.
Teka, kay Faustino to ah.
Nangunot ang aking noo at tinuro pa ang sarili kung ako ba? Napaigtad ulit ako ng bumusena iyon ulit.
"Tsk!" asik ko at lumapit doon. Bumukas ang pintuan nito sa shotgun seat. Si Faustino nga!
"Hop in." malamig na sabi nito sakin.
"S-Si Genevive-"
"Get in and let's have lunch." matigas na english nito sakin. Umirap ako.
"No thanks-"
"Faster, I'm hungry." putol nito sa sasabihin ko bago hinilot ang kanyang batok. Medyo, naawa ako. Mukhang stress na stress ito sa trabaho.
Bumuga ako ng hangin at pumasok nalang. Ang kaninang nakalugay kong buhok ay pinusod ko na at nagsuot ako ng croptop na itim na jacket dahil sa init.
"B-Bakit mo pa ako binalikan? Ayokong magalit sa akin si Genevive."
"You think I really care?" suplado nitong sagot sakin.
"Napakasama talaga ng ugali mo!"
"And I can do worst."
Umirap nalang ako at hindi na nakipagtalo pa.
Dinala niya ako sa isang mamahaling hotel doon palang kumalabog na ang puso ko.
Binati kami ng nasa front desk. Tila kilalang kilala na talaga siya.
"Here's your key sir! Enjoy your day!"
Nakagat ko ang labi ng gumapang ang kamay niya sa aking baywang at mas nilapit ako sa kanya.
"A-akala ko kakain tayo?" kinakabahan kong tanong.
He smirked, "Huwag kang mag alala. Kakain lang tayo."
Tila wala akong tiwala sa hinayupak na ito. Pero nang makapasok na kami sa isang kwarto ay bumungad sa akin ang malapad na sala at may mesa doon na babasagin.
Hinubad niya ang kanyang coat at sinabit doon sa rack. May tinawag siya kaya nagkusa na akong umupo sa sofang mahaba sa harapan ng mesang babasagin.
Ilang sandali pa ay may pumasok at naghatid ng iilang pagkain na mamahalin at may wine pa.
Humilig ako sa sofa, "Hindi mo na kailangang isama pa ako dito. Kaya mo naman kumain mag isa e."
Binuhos niya ang wine sa aming wine glass at halos inisang inom niya lang iyon habang ang akin ay hinawakan ko lang.
"I have proposal." Aniya nito at nilagay sa bulsa ang kamay. Humilig siya sa dingding sa aking harapan at mataman akong tinitigan.
"Proposal?" nangunot ang aking noo.
Ang wine sa kamay niya na kakasalin niya lang ay ininom niya ulit. Napalunok ako nang makita kung gaano siya ka hot sa ayos niya.
"Yes." he drawled.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Narinig kong nasa hospital ang nanay mo at sa club ka nagtatrabaho."
Hirap akong tumango. Lumapit siya sa akin at bawat tunog ng kanyang sapatos ay nakakaintimate.
Lumubog ang parte ng sofa sa gilid ko ng umupo siya doon. Natulos ako sa kinauupuan ng maamoy ang alak mula sa kanyang hininga.
Nilagay niya ang kanyang palad sa aking hita. Kahit naka jeans ako, ramdam ko ang kakaibang kurente doon.
"Maaaring makatulong ito saiyo para umalis sa club na iyon." paos nitong sabi sa aking tenga. Umiwas ako at inis siyang binalingan.
"Diretsuhin mo na ako kailangan ko nang umuwi!"
Ngumisi siya at nilagay ang iilang hibla sa aking tenga.
"Stop working in the club. Work to me," hindi nakaligta sakin ang malandi niyang boses. Nilalandi ako. Animal.
Pumikit ako, "Ano nga yun?"
"I want you."
Umawang ang aking labi. Natahimik, may ideya ako pero gusto kong siyang luminaw nun.
Iilang hibla nalang ang aming layo. Langhap ko na ang hininga niya at ang aking kamay ay nagpipigil na sa kanyang dibdib.
"I'll give you space in my suite. I'll give you money. Gusto kong makita ka sa kama ko tuwing gabi. Take my offer ,I'll give you anything you want."
Naguguluhan akong tumingin sa kanyang nga mata. Napapikit nang lumapat ang kanyang labi sa aking labi.
"Gustong gusto ko ang katawan mo Ava."
Napapikit ako sa kirot na naramdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co