Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 1

heartlessnostalgia

Kabanata 1

"MISS Raymundo." I quickly removed my gaze from the folders and stared at him.

"Yes, Sir?" I asked him habang tumatayo siya mula sa pagkakaluhod galing sa vault niya.

"Did you reschedule my meeting tonight?" tanong niya at kaagad akong natigilan at mabilis na hinagilap ang phone ko.

"No?" he asked again. Hindi naman agad ako nakasagot sa kanya. Napansin ko ang titig niya sa akin pero hindi ko iyon binigyang pansin at sa halip ay mabilis akong nag-scroll para makita ang memo.

I almost shrieked when I saw my notes. Na-reshedule ko!

"Done, Sir!" I smiled at him. Tumaas lang ang kilay niya sa ginawa ko bago binasa ang labi at tumango-tango.

"Good," umangat ang labi niya at binigyan ako ng matipid na ngiti. "Akala ko nakalimutan mo na naman."

"Sorry, kasi noong nakaraan hindi kita narinig masyado." My lips protruded.

"Kaya ka tumango na lang?" dagdag niya pa at wala na akong lusot kaya tumango na lang ako at alangang ngumiti.

"Sorry, Attorney," I smiled a little. Saglit niya akong tiningnan bago suotin ang coat niya at pinasadahan ng kamay ang magulong buhok.

"Alright," he muttered. I saw a ghost smile on his lips.

Pinagmasdan ko siya habang kinukuha ang attaché case niya sa lamesa at diretsong naglakad palabas. His perfect and edible back is now decorating my view. Napangiti ako at binasa ang aking labi.

Iñigo Rafael Abelló Sandejas seldom smiles, and that's my advantage dahil magaan ang loob niya sa akin. It all started when I saw him having difficulty fixing his tie. It was months ago, two weeks after I got hired. Tinawag niya ako sa intercom para magpagawa ng kape. Mainit na naman ang ulo niya, ano pa bang bago?

He never smiled at me, he never talked to me in a friendly way, casual lang. 'Yong tipong hanggang boss-secretary relationship lang and from that day, nasabi ko sa sarili kong mahirap ang pinasok ko.

How can I tame him? How can I make him trust me? Paano ko matutulungan ang Dad ko? Kaunti pa lang iyan sa mga katanungan ko.

I stirred the coffee at mabilis na nilagay sa maliit na tray para dalhin sa kanyang opisina. I even tasted the coffee para tingnan kung maayos ang pagkakatimpla and I think I got it right. He likes it black, no cream, strong.

Carrying the small tray, I walked towards his door and knocked. I even saw my friend, Mary Jane, showing me a fighting sign dahil alam niyang beast mode na naman ang boss ko.

I smiled and shrugged my shoulders bago ko balingan muli ang pintuan. I knocked for the second time.

"Sir?" I called him pero walang sagot. Nakailang tawag pa ako sa kanya pero walang sumagot kaya nairita na ako.

What's taking him so long? Bumuntonghininga ako at kumatok na muli. Bakit ba ayaw niyang buksan?

Can't he sense na napapagod din ako? It's been five minutes since I stood here! Gustong magwala ng tinatago kong pagkamaldita pero hindi ko magawa.

I need to act well, I need to act patient! Hindi ako p'wedeng magkamali sa larong 'to dahil kalayaan ng ama ko ang kapalit dito!

"Come in!" I almost rolled my eyes when he shouted inside. Ako na nga ang nag-antay siya pa ang galit?

"Good morning, Sir." I smiled sweetly when I entered the room.

"What are you doing here?" he asked while focusing his attention to his tie that he's trying to fix. May salamin pa sa harapan niya habang sinusubukang buhulin ang necktie niya.

"Coffee?" Iniangat ko ang tray at nag-angat siya ng tingin para sulyapan ako. He stared briefly at the coffee before turning his gaze back to the mirror.

Nakakainis! Bakit hindi man lang niya ako malingon? Saglit lang!

"Alright," he answered at dahan-dahan akong lumapit para ilapag sa lamesa ang kape.

Napasulyap ako sa kanya na naghihirap sa pag-ayos ng necktie. His pouty red lips were in a firm line, kunot ang kanyang noo, at dahil sa pagbasa niya ng labi ay napansin ko ang cleft chin niya.

He's dashing and handsome, I admit. Wala akong masasabing masama sa panlabas niyang itsura. Nakatulala lang ako sa baba niya at nang umangat ang tingin ko sa nakaawang niyang labi ay napalunok ako. My gaze landed on his pointed nose and I almost lost my balance when my eyes met his blue ones.

"What?" he stared blankly at me. I snapped.

"Sir!" Napatikhim ako. "I, uhh..." Sumilip ako sa kanya at nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. "Uh, you want help? Para kasing nahihirapan ka sa necktie mo."

I almost laughed awkwardly when I thought of an excuse. Kagatin mo, please! 'Yong labi mo, este—'yong palusot ko!

"H'wag mo akong pakialaman," he said kaya natigilan ako. Napaawang ang labi ko at napalunok.

"Uh, sorry... I'll just go." Kinagat ko ang aking labi at humakbang patalikod.

"Just please find the file for tomorrow's case on the shelf," aniya at tumango lang ako at nagsimula nang maghanap doon. I can see from my peripheral vision how he's struggling to fix his tie at gusto ko man mag-offer muli ay hindi ko na ginawa.

I was rejected and I'm fine with it! No big deal! Hindi nasaktan ang pride ko!

Mabilis kong kinuha ang folder na pinapahanap niya at dagling naglakad papunta sa kanya.

"Here, Sir." Inilapag ko ang file sa lamesa niya at tumungo. "If you don't need anything, aalis na po ako," diretsang sabi ko at hindi na siya pinansin nang lingunin niya ako.

I walked towards the door na bagsak ang balikat. Seriously? Wala pa akong isang buwan dito, susuko na ata ako! I can't stand his bossiness anymore! I might bitch him out kapag napuno ako!

Natigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng tikhim at tunog ng upuan.

He cleared his throat, trying to get my attention pero hindi ako lumingon. Baka mapahiya pa ako so, I continued walking. He cleared his throat again, mas malakas pero hindi ko pa rin siya nililingon at pinihit ko ang seradura palabas.

"Wait, Miss Raymundo," he demanded with panic. A sly grin formed on my lips.

Got ya, Iñigo.

"Yes, Sir?" Humarap ako at tumuwid ng tayo. Nakita ko ang paghihirap sa mukha niya kaya natuwa ako.

Now, where did your ego bring you, Attorney?

"I—" Napakamot siya ng kilay at umayos ng tayo. He placed his hand in his pocket and licked his lips as a faint blush stained his cheek. Damn, he's hot.

"Can you—" Umiling siya at bumuntonghininga. "Can you?" tinuro niya ang necktie na nakasabit sa leeg.

"Can I, what?" I teased pero seryoso ang mukha ko.

Tumitig siya sa akin at mayamaya pa ay napaayos ng tayo at nagulo ang buhok.

"Damn, I can't say it!" he hissed at doon ako napabuhaglit ng tawa.

His eyes widened when I almost died of laughter. He's so cute! The way his cheeks flushed was adorable. Never knew that this mad Attorney had some cuteness hiding beneath that tough persona he's been wanting everyone to see.

"Okay, Attorney. Aayusin ko na," pigil ko na lang sa kanya matapos ang tawa ko. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko bago nagmartsa palapit sa kanya at bahagya siyang itinulak.

Tulala siya at napaatras kaya napaupo siya sa gilid ng lamesa niya.

Nang magpantay ang mukha namin ay lihim akong napangiti. Iniabot ko ang necktie niya at sinimulang buhulin sa mabagal na paraan.

I lowered my head to focus on his tie, but that's not my agenda. Tumungo ako para masilip niya ang cleavage ko and my inner goddess laughed in victory when I saw his Adam's apple move up and down.

Attorney Sandejas, Iñigo Sandejas. You're a man, after all; I can get you with my charm.

Sa huling buhol ay iniangat ko ang mukha ko at nasalubong ko ang malalim at asul niyang mga mata—sa pangalawang pagkakataon ay muli akong natigilan. Nagwala ang sistema ko.

Damn his blue eyes! Pakiramdam ko ay bigla akong nalunod sa lalim nito.

His lips formed a smirk kaya napakurap ako. Mas lalo lang akong natigilan nang umangat ang kamay niya sa may dibdib ko at sa gulat ko ay iniangat niya ang polo ko para matakpan ito.

He smiled faintly at me bago ako marahang itulak para makaayos siya ng tayo. Dinungaw niya ako bago ngumiti na naman sa akin, parang namaligno ako bigla.

"Thank you for fixing my tie, Thallia," he said. "But next time," pinasadahan niya ako ng tingin sa katawan. "Wear the most conservative office wear you have. Sasama ka na sa mga meeting ko, my clients are mostly male. I don't want them drooling over my," he smirked. "Secretary."

"I—" napamaang ako.

"Thank you, and sorry for my attitude, Miss. Ganito lang talaga ako sa umpisa, well, mostly," tawa niya at pinasadahan ng kamay ang buhok. "Let's get back to work. I'm looking forward to our future transactions and future tie-fixing-stuffs," diretso habang may ngisi niyang sabi bago bumalik sa swivel chair niya at tumalikod para pagmasdan ang siyudad sa salaming pader.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co