Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Simula

heartlessnostalgia

REVISED EDITION [2025]

𓍝𓍝𓍝

Simula

Seducing the Lawyer

"FORTY-TWO, forty-three, forty-four." My breath caught in my lungs at kahit ayaw ko man ay kaagad akong bumagsak sa sahig at pinikit ang mga mata.

Damn, kaunti na lang! Bakit ba hindi umaabot sa fifty?!

Mabilis akong tumihaya habang nagtataas-baba ang dibdib ko dahil sa paghahabol ng hininga. I need to work out more! I need to achieve fifty push-ups next time! Tumataba na ata ako!

Mariing naipikit ko ang aking mga mata at naihilamos ko na lang ang aking kamay. Matapos ang ilang minuto ay naupo ako para uminom ng tubig.

I dried my sweat and shifted my gaze to the treadmill near the balcony. I spend minutes stretching and when I'm finally ready ay lumipat na ako roon. I started running slowly and plugged in my earphones to relax and feel the coldness of the fresh air.

"Ilabas mo ako rito! Ikaw na lang ang makakatulong sa akin, Thallia!" mahina pero mariing turan sa akin ni Ethan Castuares.

He's my dad, well, para sa akin dahil kahit kailan ay hindi naman ako naging anak para sa kanya.

Who would like a child from sin, anyway? I know I was born because of lust. I know I was made accidentally.

"Hindi gano'n kadali iyon," mahinang sabi ko at pinagtuunan ng pansin ang daliri ko.

"Then, think! Gumawa ka ng paraan para mailabas ako rito! You know I can't spend another day here, Thallia!" he hissed at me. Ang linya sa kanyang noo ay nagiging malinaw sa aking paningin.

"Pero malakas ang ebidensya—"

"Then get it! Mag-isip ka ng paraan, Thallia!" Nanlaki ang mata ko nang suntukin niya ang mesa na naglikha nang malakas na kalabog.

"Anong nangyayari riyan?!" Kaagad kong nakita na nagsitakbuhan ang mga pulis sa tabi namin at hinawakan agad ang balikat ni Dad para pigilan siya.

"Ilabas mo ako rito! Anak kita kaya tutulungan mo 'ko!" he shouted and violently pushed the police.

"Hawakan n'yo! Hawakan n'yo!" sigaw ng isa sa bantay roon at hinawakan ang kamay ng Dad ko patayo.

My heart's pounding fast and hard. Napahigpit ang kapit ko sa bag ko habang pinagmamasdan ang ama ko na nagpupimilit kumawala sa hawak ng mga pulis. He was shouting and pushing them. He was mocking me, calling me names.

"Wala ka talagang silbi! Parehas ka sa nanay mo!" He's glaring at me with those fierce black eyes, matapang at galit na galit ang tingin nito sa akin at pinipilit akong ilabas siya mula roon sa kulungan niya.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang ipinapasok siya sa selda at halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko.

"Miss, ayos ka lang?" Kaagad akong lumingon at napahinga nang maluwag nang makitang isang pulis pala ang nagtatanong sa akin.

"Yes, I'm fine."

"Sigurado ka, Miss? Hindi ka ba niya sinaktan o—"

"He's my father and he's not gonna hurt me," prente kong sagot at bago pa man siya makapagsalitang muli ay kaagad ko na siyang tinalikuran at nagmartsa ako paalis.

What should I do? How can I get the evidence quickly? He was rushing me in doing it pero hindi ako makakuha ng tiyempo!

Halos malaglag ako sa treadmill sa gulat nang biglang mag-ring ang phone ko, mabuti na lang at mabilis akong nakakapit at pinatay kaagad ang makina nito.

Boss calling...

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan niya sa phone ko, mabilis ko naman itong inabot. Huminga ako nang malalim bago ito sagutin.

"Boss!" hinahapo kong sabi bago inabot ang tuwalya at naupo sa sahig.

Matagal bago niya ako sinagot at tanging paghinga niya lang ang narinig ko sa kabilang linya. Pinunasan ko ang aking pawis at uminom na ng tubig pero wala pa rin siyang sinasabi.

"Boss?" Nangunot ang noo ko at sinilip pa ang phone ko kung pinatayan na ba ako pero nasa linya pa rin naman siya.

"Where are you?" His baritone and cold voice echoed kaya't napangiti ako at napailing. His voice still has this effect on me. Damn, ganito ako palagi kapag kausap siya sa telepono.

"Bahay pa po," sagot ko.

"What are you doing? Bakit hinihingal ka?" istriktong tanong niya. Matigas pa ang boses niya na animo'y may ikinagagalit.

"Po? Bakit n'yo natanong?" takang sagot ko.

"Just answer me, woman," he demanded impatiently.

Napairap ako.

"Nagwo-work out lang ako, bakit? May problema?" Tumaas ang kilay ko.

"Oh," mukhang natauhan siya at narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya. "I want you here in my office at nine, okay?" Kaagad akong bumaling sa orasan.

"Nine? Boss, ten pa po ang meeting n'yo sa defendant," sagot ko naman bago tumayo at ipinatong ang tuwalya sa ulo ko.

"Be here at nine," aniya at bago pa man ako makapagsalitang muli ay kaagad na niya akong binabaan ng linya kaya napasimangot ako, naiinis na itinapon ang phone ko sa kama.

"That man!" I hissed at napakamot ng kilay. Mas lalo akong napasimangot nang malamang alas-otso y' media na at tiyak na male-late na naman ako!

I ran to the bathroom at halos wisik-wisik lang ang ginawa ko para matapos lang kaagad. Hindi na nga ako masyadong nakapagkuskos ng balat pero pagkalabas ko ng banyo nakita kong nine na pala.

Late na ako!

I sighed and shook my head. Nagmadali naman ako, a? Bakit mahaba pa rin ang oras ng pagligo ko?

I checked the schedule—ten pa rin ang meeting ni Attorney sa kanyang kliyente. Ano bang problema no'n at maaga ako pinapapasok?

Napatingin ako sa salamin at pabalik sa orasan. I'm late so lulubusin ko na.

It's better to be late than going out ugly, right?

Napabuga ako ng hangin bago umupo sa vanity mirror at nagsimulang mag-blower ng buhok.

I checked my closet and wore the new clothes that I bought last time. I don't like repeating clothes kaya marami na akong hindi ginagamit. Nakaimbak na lang ang mga iyon sa isang closet ko at hindi na nagagamit pa. Maybe I'll just donate that or something.

Wearing my white button-down shirt, black pinstripe wide-leg pants and a three-inch stiletto, I walked to the building's entrance with confidence. Pagkapasok ko sa office namin ay kaagad akong natigilan dahil sa katahimikan ng mga kaopisina ko.

My smile faded when I saw the woman from the other department crying.

"Lagot ka kay Attorney." Lumingon ako at kaagad kong nakita ang kaibigan kong si Mary Jane habang nakahalukipkip sa tabi ko.

"Ako?" I pointed to myself, shocked.

"Yes, you. Late ka, kanina ka pa tinatanong sa akin ni Attorney. Si Mandy napagbalingan ng galit kanina kaya 'yan." Napatango naman ako at napangiwi habang pinagmamasdan si Mandy na umiiyak at nagpupunas ng sipon.

It's my fault, then?

"I gotta go!" Bigla akong nag-panic at nawala ang poise ko sa kaba. I can already imagine Iñigo's face! Ang pamumula ng tainga niya sa galit!

Halos takbuhin ko na ang daan papunta sa opisina ni Attorney sa pagmamadali. Hindi ko na nabigyang pansin ang ilang mga abogadong bumabati sa akin! I need to go there! Now!

Mabilis ang kabog ng puso ko habang tumatakbo palapit sa opisina niya.

Nasira na ang ayos ng buhok ko at nagulo na ang damit ko sa kakahawi ng tao na babati at sasalubong sana sa akin.

Tumakbo ako at nang makita ang pintuan ng opisina niya at kaagad akong kumatok at mabilis itong binuksan.

"Good morning, boss!" pinasigla ko ang boses sa kabila ng paghingal ko.

I found him sitting on his swivel chair habang nakapahalumbaba. Nang marinig niya ang boses ko ay ibinaba niya ang hawak na papel bago sumilip sa wrist watch niya.

"You're forty-five minutes late," he coldly answered me at halos mangilabot ako nang masalubong ang kulay asul niyang mga mata.

"S-sorry, boss. Traffic lang kasi..." I bit my lip at inayos ang nagulo kong buhok.

"Miss Raymundo, we both know that there's no traffic," he answered and stood up from his seat. Narinig ko pa ang tunog ng sapatos niya sa paglalakad at halos maputol ang hininga ko nang hawiin niya ang medyo kulay abong buhok at inayos ang tatlong nakabukas na butones sa kulay puting polo habang naglalakad palapit sa akin.

"What time did I tell you to go here?" He raised his brows habang naglalakad at napakurap ako. His scent's ruining my senses! I couldn't even think straight!

"Ten?" napalunok ako.

"Thallia, I'm asking you," he said darkly.

"Uh, nine?" Tumaas ang kilay niya at napanguso na ako. "Sorry na, sorry talaga, Attorney! Kasi naman biglaan 'yong palit ng oras, 'di ako prepared!" I said.

"Hindi prepared pero..." pinasadahan niya ako ng tingin at napailing. "Seriously?" iling niya.

"Sorry na, sorry! Kasi naman, 'di ba, ano—"

"Tss, stop. Nandoon 'yong necktie ko," he gave up at napangisi na ako. Napatingin ako sa polo niya at sa coat na hawak-hawak niya bago sa necktie na nakalagay sa lamesa niya.

"Akala ko ba late ka na, dapat nauna ka na sa meeting, boss," sabi ko bago naglakad palayo sa kanya at kinuha ang necktie niya.

"You know I can't go without it," tukoy niya sa necktie at kaagad na tumungo para maabot ko ang batok niya. I fixed his tie at nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Dapat kasi matuto ka na po maglagay nito, hindi 'yong aantayin mo pa ako para ilagay 'to," sabi ko naman.

"I'm busy, wala akong time," he answered me.

"Grabe, saglit lang naman 'to, boss! Sobrang busy n'yo naman!" naiiling kong sabi pero hindi na siya nagsalita. Nang maayos ko ang necktie niya ay kaagad akong nag-angat ng tingin at nahigit ko ang hininga nang magkasalubong ang mata namin.

"Bakit, boss?" pinanormal ko ang boses ko at tumikhim bago umatras palayo sa kanya.

"Nothing," tumikhim din siya at napailing bago tumalikod sa akin. "Fix your shirt, nakabukas na ang butones. Lalaki ang kliyente ko," aniya at kaagad na bumaba ang tingin ko sa aking damit. Mabilis ko itong inayos nang makita nga itong nakabukas.

He walked towards his vault at mula sa malayo ay sinubukan kong aninagin ang combination nito.

0—

Zero! Bigla siyang lumingon kaya napaubo ako at napahawi sa buhok ko.

"Get my things at the table para mabilis na tayo," he commanded at gusto ko mang makita ang iba pang numero ay hindi ko na nagawa dahil natakpan na ito ng likod niya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata at nakagat ang pangibabang labi.

Damn, ayon na! Makikita ko na, e.

Nakasimangot akong lumapit sa lamesa at kinuha ang mga folder na nandoon.

Just wait, Attorney Sandejas, I'll get that evidence, whatever it takes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co