Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 12

heartlessnostalgia

Kabanata 12

"DAMN baby, panagutan mo 'ko..." Nanlaki ang mata ko at nangunot ang noo ko.

"Ano?" gulat kong sabi at inalis ang mukha niya sa leeg ko. Nang masilip ko ang mukha niya ay ngumuso siya.

"Nothing," he answered at sumiksik na naman sa leeg ko. Nagsitaasan ang balahibo ko sa ginawa niyang halik doon pero pilit akong gumagalaw.

"Iñigo," I called him.

"Hmm," he hummed at wala sa sariling naipikit ko ang mata at napakapit sa leeg niya dahil sa pagkagat niya sa balat ko.

"What do you mean by that?" tanong ko. He stopped nipping my skin. I almost stomped my feet but I needed to hear his answer. Lumayo siya sa akin at itinukod ang kamay sa gilid ng ulo ko para masilip ang mukha ko. I saw amusement in his eyes, may nabakas din akong hiya roon.

"Do you really wanna know?" tanong niya bago itagilid ang ulo. Marahan akong tumango. Napabuntonghininga siya at yumuko para bigyan ako ng patak ng halik.

"Sure?" ulit niya. Napanguso ako bago at pinagmasdan ko siyang pabagsak na humiga sa tabi ko. He stared at me at kaagad kong naramdaman ang pag-init ng pakiramdam ko dahil sa pagtaas niya ng kumot sa katawan namin.

"What do you mean?" ulit ko.

Kumunot ang noo niya at binasa ang labi. Umiling siya. Natigilan naman ako at napaisip.

What is it? Ayaw ba niya noong nangyari? May kung anong kirot ang gumuhit sa dibdib ko.

What did he mean by that? I admit I was drunk but I'm in the right state of mind to still want this to happen! Nasa tamang wisyo pa rin ako para umiwas sa kanya pero hindi ko ginawa kasi gusto ko siya kahit hindi p'wede!

"I-I can't," tikhim niya. Tumango naman ako at nag-iwas ng tingin. The bitter feeling started creeping from my stomach up to my chest.

"It's fine, just... just forget about this," may pait ang tono na sinabi ko. Mabilis akong umikot patalikod mula sa kanya at kahit na masakit ang pagitan ng hita ko ay pilit akong umupo.

"Thallia," he called me. Tumango lang ako at hindi lumingon.

I know, Iñigo. Mali ito.

"It's fine, nadala lang naman tayo," malamig kong sabi. Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo ay napasinghap ako nang mabilis na nahatak ni Iñigo ang kamay ko kaya napaupo ako muli.

"Ouch," singhap ko sa hapdi na naramdaman ko.

"Shit!" narinig ko ang malutong niyang pagmumura at ang pagkalampag ng kama sa tabi ko dahil sa pagbalikwas niya. Naipikit ko ang mata sa iniindang sakit sa baba.

"Baby," he breathed. Mula sa kamay ko ay naramdaman ko ang haplos niya sa pisngi ko. "Are you okay?" Ngayon ay nakaluhod na siya sa harapan ko at hinahanap ang mata kong umiwas.

"Yeah," sagot ko at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. "I'm fine now, sige, lilipat na ako sa kwarto ko," sagot kong muli at hindi ko na siya hinayaang hawakan ako. I swiftly took the blanket to cover my body at humakbang paalis.

It was a mistake, I know, pero wala akong maramdamang panghihinayang. Sakit, oo, pero walang pagsisisi. I wanted to be alone, to cry silently because I was thrown away again by the man I loved. Una si Dad, pagkatapos ngayon...

Oh, hell. I loved Iñigo? That easy? I thought it was just a mere attraction... or maybe it was, right?

Napangiwi ako sa sakit sa pagitan ng hita ko but I still tried to walk away. Napahawak ako sa pader para makalakad muli pero nang akmang hahakbang na ako ay napatili ako sa gulat ng umangat ako sa lupa.

"What?!" Umawang ang labi ko habang nakatingin kay Iñigo na seryosong binubuhat ako palapit sa kama niya.

"What are you doing?" gulat kong sabi. "I'll go back to my room, I—"

"Sssh," he hushed me kaya natigil ako. Lumuhod siya sa kama at marahan akong ibinaba roon.

"Stay here," aniya sa marahang tono. Naupo siya sa tabi ko at iniangat ang kumot na tabon ko hanggang leeg.

"You're thinking nuts, baby. That's not what I mean," aniya.

"Anong ibig mong sabihin kung gano'n?" tanong ko. "If it's about what happened, I can forget it—" His lips stopped me from speaking.

Marahang dumampi ang labi niya sa akin at marahang kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"This," bulong niya sa tainga ko. "You should never forget this."

Napamaang ako sa sinabi niya kaya dinampian niya muli nang magaan na halik ang labi ko.

"I don't regret this," aniya at ngumiti sa akin. "Hindi ko lang masabi sa 'yo na..."

"Na?" tanong ko. He sighed again at noong iiwas siya sa akin ay mabilis kong hinatak ang kamay niya. "Iñigo!" I hissed.

He pouted. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok, sumunod pa ang tingin ko sa muscles niya na nag-flex sa ginawa.

"What is it?" tanong ko at sinubukang maupo kaya inalalayan niya ako. The moment my back touched the headboard ay mabilis ko siyang hinila palapit sa akin.

"Anong sasabihin mo?" tanong ko. I saw how his cheeks flushed at naging malikot ang mata niya. "Boss," I tugged his cheek at hinawakan ang panga niya.

"I'm embarrassed," nguso niya sa akin. "You could forget what I've said."

"You will tell me or I'll sleep in my room?" nang hindi siya umimik ay aalis na sana ako nang bigla siyang yumakap sa akin at isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"I'm shy," he whispered.

"Shy? Bakit?" umiling siya bago lumayo at hinanap ang mata ko. I stared at him intently at pinagmasdan kung paano siya humugot ng hininga at mamula.

"I... I was a virgin," he confessed at kaagad na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. My eyes widened at bigla akong napaatras.

"Y-you mean—" Tumango siya.

"I was but you took my innocence away." Halos sumabog na ang pisngi ko sa init at wala akong masabi.

Is that even possible?! What? Twenty-nine years, but still...

"That's why I'm embarrassed..." he said, nahihiya.

"But you're already twenty-nine and—" Tumango siya at inabot ang labi ko. I felt his lips move from mine. Sa bawat marahang pagkagat niya ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali kaya kumapit ako sa leeg niya at gumanti ng halik.

He groaned and gripped my waist tightly bago ako idiin sa headboard. His hand caressed my waist as his lips travelled down to my jaw. He kissed and nipped my skin at lumapit pa kaya napaupo ako sa hita niya.

I gasped when I felt him hard again. Mabilis akong nag-angat ng tingin mula sa boxers niya pabalik sa mata niya.

"You're..." He chuckled and kissed the tip of my nose.

"That's what you do to me, baby," aniya bago muling sakupin ang labi ko. "Baby, panagutan mo ako..." bulong niya sa labi ko at mahinang humalakhak.

Tinakpan ko ang mukha ko sa hiya at yumakap sa leeg niya para magtago.

"Parang ikaw lang ang nawalan dito kung makapagsalita ka!" I hissed.

"Hmm," tango niya at hinalikan ang balikat ko. "We lost each other's innocence, baby..." bulong niya at hinaplos ang balikat ko. We stayed like that for a couple of minutes at nang makaramdam ako ng lamig ay kaagad naman siya umalalay sa akin at mabilis na kinuha ang kumot at itinabon sa katawan ko.

Tinulungan niya akong makahiga sa kama at kaagad siyang tumabi sa akin. Nakangiting tiningnan ko siya habang itinataas din ang kumot sa katawan niya at iniangat ang ulo ko pahiga sa braso niya.

"Seryoso ka?" tanong ko habang nakamasid sa kanya. Nag-isang linya ang labi niya bago bumuntonghininga.

"I shouldn't have told you. I knew you'd tease me," maktol niya. Natawa ako at nagsumiksik sa katawan niya. I kissed his chin at umangat para ang labi naman niya ang mahagkan ko.

"How come? Is it possible? I mean, paano?" tanong ko pa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

"What kind of question is that?" naiilang na tanong niya. Namumula rin ang pisngi niya kaya pinisil ko ito.

"Just answer me, baby..." natigil siya sa sinabi ko at napabalikwas ng higa.

"What?" nangunot ang noo niya.

"Sabi ko sagutin mo na ako," sabi ko.

"Bakit nanliligaw ka ba?" hirit niya at nanlaki ang mata ko at nahampas ang dibdib niya.

"That's not what I mean!" I hissed at mabilis naman niyang hinuli ang kamay ko at iniikot sa leeg niya.

"Basta, ayoko na ipaliwanag. I'm embarrassed enough to even tell you about it," bulong niya bago abutin ang ilaw sa gilid ng kama upang patayin saka niya niyakap ang katawan ko. "And you called me baby, that's a first..."

𓍝𓍝𓍝

IT'S now five in the morning but I'm wide awake. Walang ingay at marahang tinanggal ko ang kamay ni Iñigo sa baywang ko at umupo sa gilid ng kama bago siya pinagmasdan.

Last night was great. I gave myself to him pero ni wala akong makapang panghihinayang sa sarili ko. It was like my body was reserved for him. I don't know, it feels like it actually is. Iniangat ko ang kumot sa katawan niya nang masilip ko ang nakakasilaw niyang abs. Napangisi ako nang wala sa sarili habang inaangat ko ito hanggang dibdib niya.

Iñigo Sandejas was a virgin? My Attorney lost his innocence to me? Not that he's really innocent, pero nakakagulat.

I lost mine with him and he lost his to me. Dumukwang ako para halikan ang labi niya bago tumayo at kinuha ang shirt niya sa may sofa. I also wore his bathrobe bago lumabas para pumunta sa rooftop.

The moment the cold air touched my skin ay napapikit ako. I hugged myself and settled in the chair. In just a few days, many things have changed. Ang Dad ko, si Iñigo, ang misyon ko. Hindi ko na alam kung ano ang p'wede kong gawin.

I wanted to help my Dad so bad at ilayo siya sa panganib but I can never hurt Iñigo. Iñigo is a part of my life now. I don't know if I can risk him. Alam ko namang maaaring init ng katawan at temptasyon ang naging dahilan kagabi pero hindi maiwasang umasa akong may nararamdaman siya para sa akin. Na parehas kami ng nararamdaman.

My heart never stops beating whenever he's around. I'm looking for his warmth and voice all the time. I need him so damn much beside me. I need him to make me feel safe.

I think I love him!

Realization hits me like thunder. It shook me to the core. Nagulo ko ang buhok at hinilot ang sentido ko. What now? How will I execute my plans? How can I save my Dad? How can I not hurt Iñigo? Tumayo ako para dumungaw sa ibaba at kinuha ang phone ko.

I received a message from my uncle, asking me to meet him later para pag-usapan ang progress sa kaso ng Dad ko. Nanghihinang inilapag ko ang phone ko at ipinaikot ang paningin. I glanced at the dark sky.

Confusion drowned me in a pool of thoughts: the decisions I had to make, the person I had to risk to keep the other safe. If I chose one, then it would be over. One would be safe, and one would get hurt.

Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa isang kulay itim na sasakyan sa labas ng gate nila Iñigo. The headlights are on pero nanatili lang itong nakaparada sa tapat ng bahay. The door on the driver's seat was open and a man was standing beside it. Nangunot ang noo ko at pinilit aninagin ang tao roon pero hindi ko makita dahil malayo.

My heart started thumping hard when the man removed his black cap and shades. Nag-angat siya ng tingin sa pwesto ko na aniya'y alam niya kung nasaan ako. I knew our eyes met, pero hindi malinaw ang mukha niya dahil sa dilim doon. Sinubukan kong umatras pero nang sumilip muli ako ay nakatingin pa rin siya.

This time, the headlights are off at parang anino na lang siya roon.

My eyes widened when he raised his hand, waving at me. The scary feeling crept inside of me. My body trembled when he raised his other hand ay nakita kong may baril iyon. He pointed the gun at my direction at nanlaki ang mata ko sa sumunod na napakalakas na putok.

A loud scream escaped my mouth, and as I was readying myself to welcome the bullet but, in a snap, I was lying on the floor with a man covering me, protecting me from the bullet.

"Iñigo?" Singhap ko at mabilis na niyugyog si Iñigo.

He's not moving!

"Iñigo!" I screamed at hinawakan ang likod niya. "Wake up! Iñigo!" sigaw ko at nang may makapa ako ay pakiramdam ko'y nawala ng kulay ang mukha ko. A thick, red liquid was on my hand. Nanginig ako sa nakita at napailing.

"N-no, no!" sinubukan kong tumayo. "No! Iñigo!"

Nagsibagsakan ang luha ko at niyugyog siya.

"Hindi! Iñigo!"

Nakarinig ako ng kalampagan at nang makita ang mga guard ay sumigaw ako at lumapit.

"Tulong! Tulungan n'yo kami!" I screamed before losing my voice. Umawang ang labi ko sa naramdamang malakas na tama sa balikat ko. Nang abutin ko iyon ay napuno ng dugo ang kamay ko. Nanlabo ang paningin ko at namanhid ang katawan ko.

I tried touching Iñigo, but before I could do it, my body fell on the concrete floor.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co