Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 13

heartlessnostalgia

Kabanata 13

"THAT'S why I don't love," sambit ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko. She was combing my hair, we're getting ready to finally meet my Dad.

"'My, you know love is the foundation of all, kung bakit nandito tayo ngayon," I said. Isang mahinang tawa ang kumawala sa kanya bago naiiling na tumingin sa akin sa salamin. She was grinning mischievously, na para bang katawa-tawa ang sinasabi ko.

"Thallia... My dear Thallia." She shook her head and placed my hair on the side of my shoulder.

"Love is bullshit, you see," natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi ka na mapapakain ng pagmamahal na sinasabi mo sa panahon ngayon. Love doesn't revolve in our lives now, hija. We were left and thrown away; they disposed of us like trash. Where's love there?" matamang tanong niya.

"But we're meeting my Dad now, hindi ba't tatanggapin niya tayo? We're his family, right?" tanong ko naman. Nanatili siyang nakatitig sa akin, bakas ko ang tapang at mga hindi kagandahang plano sa mata niya.

"You still don't know how life really works, Thallia. Hindi na kailangan ng pagmamahal ngayon para mabuhay, we have to be practical."

"Practical? What do you mean by that?"

Ngumiti siya sa akin at humiwalay para kumuha ng upuan at hinila ito papunta sa may harap ko.

"Thallia," inabot niya ang dalawang kamay ko at sinalubong ang mata ko. Her sharp eyes are sharp with a glint of something I couldn't explain.

Looking at her, I know how strong my mother is, but despite that strong persona, there was a soft side to her. Behind those sharp eyes is a loving and sincere one. I know my Mom is only doing what's best for me.

"Don't you ever let the scary feeling eat you. Remember this, love will only drag you to your own grave. H'wag na h'wag mong hayaang maloko ka ng pakiramdam na 'yan. To live, you have to be ruthless," hinaplos niya ang daliri ko.

"You have to show no mercy. You have to claim what's rightfully yours. You have to be strong. Don't you ever show someone the soft side of you. Never," umiling siya at mas tumalim ang mga mata niya. "You have to live the life you desire, Thallia, kill if you must."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya at nanigas ang katawan ko. Nanatili akong nakatulala sa kanya at isang nakakakilabot na ngiti ang ibinigay niya sa akin. She raised her hand and touched my cheek.

"Do you understand me, Thallia?" she asked me softly and caressed my cheeks.

Wala sa sariling tumango at ipinikit ang mata at gano'n na lang ang gulat ko sa malakas na pwersa na natanggap ko sa pisngi ko.

"Ilabas mo ako rito! Do your job!" nanlaki ang mata ko nang makita ang Dad ko habang dinuduro ako.

The scene changed! I was in my room then; why am I in prison now?!

"Anak ba talaga kita?! You useless prick!" he shouted. Napahawak ako sa pisngi ko at nakatulala habang pinagmamasdan siyang pinapakalma ng mga pulis.

"D-Dad..."

"H'wag na h'wag kang lalapit sa akin! Hindi kita anak! Hindi!" he shouted, exasperatedly. Sa bawat abante niya ay pinipigil siya ng mga pulis.

"D-Dad, i-aalis kita rito. Just-just give me time," nanginig ang boses ko at inabot siya pero umiwas siya.

"Time?! Binigyan na kita ng oras pero sinayang mo! You never tried getting me out of this hell! Sinayang mo ang oras na ibinigay ko!"

"N-no, hindi po," nauutal kong sabi at umiling. "D-Dad, please..."

"Mamatay ako rito dahil sa 'yo!" nagwala siya at siniko ang isang pulis. I screamed when he grabbed my arm.

"D-Dad! H-hindi po!" There's a commotion, marami ang nagsitakbuhan palapit sa ama ko pero wala na talaga siya sa tamang wisyo. I was crying hard, ni wala ng pakiramdam ang pisngi kong sinampal niya at ang braso kong hawak niya.

"You are not my child! Wala akong anak na walang-kwenta! Wala!" sa isang sigaw niya ay itinulak niya ako at halos mabingi ako sa isang malakas na putok.

I screamed when my body fell on the concrete floor. Naramdaman ko ang pagkakamanhid ng baywang ko at ang magulong ingay sa paligid. Luminga ako at nagpumilit gumalaw at napapikit nang makita ko ang madilim na kalangitan. Inilibot ko ang paningin at natigilan nang makita ang pag-iiba ng lugar.

From the prison ay kaagad kong napansin ang pamilyar na rooftop ng bahay ni Iñigo. May kung anong takot ang bumalot sa dibdib ko.

Sinubukan kong tumayo pero nanlamig nang paglingon ay nakita ko si Iñigo na walang malay na nakahiga sa tabi ko.

"Iñigo!" I screamed and reached him. Mabilis kong inabot ang pisngi niya at sinuri ang mukha niya.

"Iñigo! No!" Nanlalabo ang mata ko habang pinagmamasdan ang namumutla niyang mukha. His lips are pale, ang kulay puti niyang damit ay unti-unting nagiging pula dahil sa dugo.

"Iñigo! Iñigo, wake up!" I shouted desperately at tinapik ang pisngi niya.

"Iñigo, p-please, don't leave me, wake up!" Niyugyog ko siya at pinilit na takpan ang sugat niya para hindi lumabas ang dugo. He was getting weaker and weaker as the minutes passed by at unti-unting nanghihina ang katawan ko.

Ang kirot sa dibdib ko ay unti-unting kinakain ang lakas ko. My stomach was crumbling, my body was shaking. Unti-unting nawawala ang lakas ko at ang boses ko.

"I-Iñigo, p-please..." I sobbed quietly and hugged his lifeless body. I heard footsteps at gano'n na lang ang pagtigil ng puso ko nang maramdaman ang malamig na metal na nakatutok sa sentido ko.

I stilled. Mahigpit na niyakap ko si Iñigo at humikbi. Please, please just kill me. I don't want to live anymore.

"Goodbye, Miss Raymundo..." A scary voice filled my ears. I knew I wouldn't make it when he pulled the trigger.

𓍝𓍝𓍝

"THALLIA!"

Ipinaling ko ang ulo at kinuyom ko ang kamay.

"Thallia! Wake up!"

I know this is my end right now. Karma's after me.

"Thallia! Wake up!"

Nagbukas ang mata ko at isang kulay asul na mata kaagad ang nasalubong ko. Umawang ang labi ko at kaagad na umupo at yumakap sa leeg niya.

What happened?

"I-Iñigo..." bulong ko at kumapit sa leeg niya.

"Baby, you're having a bad dream," bulong niya at hinaplos ang likod ko. "Ssh, calm down," aniya at niyakap ako pabalik.

Was it a dream?

A sense of dread and relief washed through me as I recalled the nightmare.

Ang mga magulang ko, the rooftop, the man in black, and the gunshot. Mabilis akong lumayo sa kanya at nagmamadaling hinawakan ang pisngi niya. I checked his face, looking for any bruises, to calm my mind, it was indeed a nightmare.

"Ayos ka lang? Are you hurt?" Lumayo ako at pinasadahan ng tingin ang shirt niya. I reached for his back and I was relieved when there was no sign of blood.

"May masakit ba sa 'yo? Tell me," hinawakan ko ang pisngi niya at pinakatitigan ang mata niya. He shook his head lightly, probably confused with my actions pero hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya at dinala ito sa labi niya.

"It's just a dream, baby," malumanay niyang sabi at ang paghinga na kanina ko pa hinihigit ay lumuwang.

"I-it's just a dream?" nanginginig kong sabi. He nodded at kaagad na hinapit ang baywang ko payakap sa kanya.

"Yes, you've been screaming my name. What happened?" Hindi ako nakasagot at umiling ako sa balikat niya. I hugged him tight and kissed his ear.

"I-I thought, something happened to you," bulong ko sa nanghihinang tinig.

"No, nothing will happen to me, and to you either," aniya. "I'll keep you safe, Thallia," bulong niya pabalik bago humiwalay at hinalikan ang noo ko.

"Stay here, kukuha ako ng tubig," sabi niya bago tumayo at iniwan ako roon sa loob ng kwarto. Napabuntonghininga ako at napatingin sa sarili ko. I'm wearing his shirt and still inside of his room. Napatingin ako sa oras at natigilan nang makitang alas-singko pa lang ng madaling araw.

I remembered my dream. It's this hour, too. Napahawak ako sa dibdib ko at humugot ng hininga. Nagulo ko ang buhok sa frustration at mariing napamura.

What does that dream mean? Is that a warning? A threat? A reminder about my forgotten plans?

"Here, drink this," I snapped back from my reverie when I heard Iñigo, nilingon ko siya tinanggap ang baso ng tubig. I drank it all at once at nakamasid lang siya sa akin habang umiinom ako. His hair was disheveled, his eyes still sleepy but he's always been very handsome.

"Thanks," sabi ko nang maubos at inabot ito sa kanya. He sat in front of me and removed the hair from my face.

"Are you okay?" masuyo niyang tanong. I nodded and touched his hand.

"Did I go out? Or maybe sleepwalk?" tanong ko sa kanya. He shook his head and searched for my eyes.

"No," he answered. "I just woke up when I heard you calling my name. I've been trying to wake you up," he sighed. "Tell me, baby, what's your dream all about?"

I stilled, not able to answer him instantly. Sa pag-angat ko ng tingin at nasalubong ko ang asul niyang mga mata ay napuno ng pangamba at takot ang puso ko.

What if my dream came true and Iñigo were in danger because of me? What if my father died in prison because of me?

Nakasalalay sa akin ang lahat. To save both of their lives, to guarantee their safety, I need to move. Right, I have to continue what I've started.

"I-I forgot about it," pagsisinungaling ko. His forehead creased at mahinang umusal ako ng panalangin na sana ay h'wag na siyang magtanong at mukhang dininig naman nang tumango siya at ngumiti.

"Okay," may bakas ng pag-aalinlangan ang kanyang mga mata. "Let's just sleep again. I won't ask you about it," sabi niya bago tumabi sa akin.

He offered his arm and pulled me towards it kaya yumakap ako sa dibdib niya at ipinatong naman niya ang kamay sa baywang ko.

"Sleep now, baby. Forget your bad dream and sleep tight. I'm just here." His warmth comforted me. Sumiksik ako sa dibdib niya at dinama ang kaligtasan sa bisig niya.

"I love you," bulong ko sa hangin bago bumigat ang pilikmata ko at nakatulog.

I woke up at nine without Iñigo beside me. Nangunot ang noo ko at kaagad na napaupo. Kaagad akong kinabahan at napatayo. Saan siya pumunta? Is he hurt? Panaginip lang ba talaga iyon? I was about to panic when I saw a flower beside me.

Baby, I just went out to jog. You're so beautiful when asleep, so I didn't dare wake you up from your slumber.

- Iñigo

Nakagat ko ang labi ko. Marahang dinala ko ang rosas sa ilong ko at sinamyo ang amoy nito.

Nakangiting bumalik ako sa kwarto ko at naligo. The pain between my legs was still lingering pero mas masakit pa rin iyong kagabi. It'll be gone soon. Lalo na kapag nasanay.

Nasanay?!

Napairit ako at umiling. Nababaliw na ata ako talaga sa Sandejas na 'yon!

I wore comfy clothes before going down. A-absent siguro na lang ako ngayon. I can't walk properly in this state, baka magtaka pa ang mga katrabaho ko kapag ika-ika ako maglakad.

I checked my phone and saw multiple texts from Attorney Velgas. My forehead creased.

He's been reminding me about my job again. He said Dad wants out quickly. He wants to discuss the progress and my plans.

I dialed his number. He answered it instantly.

"Thallia!"

"Attorney? Why?"

"I need to ask you about the progress. Your Dad might not be safe in jail anymore."

"Po? Why?" May forehead creased.

"Mukhang may nakatunog sa ginagawa mo kaya gumawa ng paraan ang kabilang kampo para patigilin ka," hindi kaagad ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"Your Dad's not telling me anything so I can't really help him, he's been hiding something, Thallia. Hindi ko alam kung ano. Miski ako ay hindi niya kinakausap," inantay ko ang susunod niyang sasabihin. "This is just my assumption, but I think ang kabilang panig ang nagpadala ng gunman sa kulungan. A source also told me you have received a threat?"

Who could possibly tell him that?

"Yes po."

"And you've been living with the target?" Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya.

"Uh, y-yes," napatikhim ako.

Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. "You're good at doing things, Thallia. Now that you're with him, mas mapapadali na ang plano natin. I am expecting a quick result, hija, kung gusto mong mailigtas ang ama mo."

I faked a laugh and bit my lip. "Yes, of course!" I exclaimed. "Mapapadali ang lahat, Tito. Don't worry," I whispered. Napatungo ako pagkatapos at nagulo ang buhok ko.

It starts here, Thallia.

I have already thought about it. Kailangan kong tapusin ang nasimulan ko. I will get the evidence from Iñigo and know what he's up to about the case so we can be ready for it. I know getting the evidence would end it all. I'm sure he has more backup. I should be two steps ahead of him.

I love him, but I need to get my father out of jail and then leave. If those people who are after my dad will be after me now, I shouldn't get anyone involved in this mess. Lalo na si Iñigo.

I will keep him safe, then I will leave Iñigo. Hindi siya p'wedeng madamay sa gulong ito na sinimulan ng ama ko.

He's an Attorney; he has to do his job, and that is to protect and defend his client. I'm a daughter who needs to fulfill my responsibility to save my remaining family and to get what I need. I will get the evidence, make sure he can't use it against Dad, and I'm out. That's the only way to save them both. I wanted to keep my father and Iñigo away from danger.

Kaagad na nakuha ng pansin ko ang isang kulay pulang ilaw na tumatama sa kamay ko. Nangunot ang noo ko at pinakatitigan iyon. From my hand, it went up to my shoulder and stopped on my head. Natulala ako sa gulat at nang sinubukan kong sundan ang pulang ilaw ay bigla itong nawala, kasunod nito ay ang pagbubukas ng gate at ang pagpasok ng naka-earphones na si Iñigo.

Mabilis akong napatayo at hinanap ang pulang ilaw pero wala akong naabutan.

"Thallia!" Iñigo smiled when he saw me. Meanwhile, my heart's still pounding harshly. Muli kong iniikot ang paningin at nang makitang walang kahina-hinala ay mabilis akong naglakad palapit kay Iñigo at yumakap sa baywang niya.

"Woah!" Iñigo was shocked by my sudden action but chuckled and hugged me back afterward.

"What's with the hug, baby?" bulong niya sa akin habang niyayakap ako.

I shook my head at naramdaman ko naman ang kamay niya sa buhok ko. He caressed my hair bago ako marahang ilayo sa kanya. He tapped my chin, so I stared at him.

"Are you fine?" tanong niya. Tumango naman ako. Tumaas ang sulok ng labi niya at nang dumukwang siya ay kaagad kong inabot ang labi niya. He smiled in between our little kisses and kissed the side of my lip.

"Come on, let's go inside," pag-aya niya. Tumango ako at napatitig sa kamay niyang umabot sa kamay ko at hinila ako papasok. Habang papasok kami ay inilibot ko ang paningin ko. I was looking for anything suspicious. I stared at the exact place where the red light came from.

I am not dumb enough not to know what that light is. This house isn't that safe anymore.

Kaagad kaming dumating ni Iñigo sa kusina at kaagad naman siyang naupo sa stool. Humiwalay naman ako at kumuha ng malamig na tubig para ibigay sa kanya. Muntik ko pang malaglag ang baso ng tubig sa nalantaran ko pag-ikot. Iñigo is naked in front of me!

Tinutuyo niya ang pawis niya gamit ang shirt niyang hinubad. Ang earphone pa niya ay nakasabit sa leeg at panaka-naka pang binabasa ang labi niya. Nanliit ang mata ko nang nag-akyat baba ang Adam's apple niya sa ginawang paglunok at napaatras ako nang lingunin niya ako.

He raised his brow kaya napaubo ako at inabot sa kanya ang tubig. I heard him chuckle at ako naman ang napalunok nang magtama ang kamay namin. He drank the water at once and I couldn't help but gawk at him. Bumababa ang pawis mula sa noo niya papunta sa panga niya. His arms were flexing at bumaba pa ang tingin ko sa sweatpants niya.

"Eyes up, baby," he muttered. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nag-angat ng tingin. I saw amusement dancing on his eyes at kinakagat-kagat pa niya ang labi niya na parang nananadya at nang-aakit.

"Stop that," sita ko sa kanya.

"Stop what?" tanong niya, nagkukunwari.

"Stop biting your lips. It's seducing," walang preno ko namang sagot. Umawang ang labi niya sa diretsa kong sagot at yumugyog ang balikat dahil sa pagtawa.

"God, you," hindi niya matapos-tapos ang sinasabi dahil sa pagtawa. I pouted at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko para mahila at mayakap niya.

Napanguso 'ko, feel na feel ang dibdib niya. Parang ang sarap abutin at tusukin.

"Papasok ka ba sa office?" tanong ko at mahina siyang napalo dahil sa paghalik niya sa leeg ko.

"Hmm, no," he whispered and kissed my skin again. Lumayo naman ako sa mukha niya at sumimangot.

"I'm not fully recovered but you..."

Isang maliit at mapanuksong ngiti ang ibinigay niya at akmang hahalik pa siya sa akin kaya umatras ako at sa baba ko tumama ang halik niya.

"Twenty-nine years, baby," he groaned at napakamot ng kilay pero inismiran ko lang siya. Sa huli ay hinalikan ko ang noo niya at inayos ang buhok niya.

"Why there? Sa lips, gusto ko," binasa pa niya ang labi at inginuso ang labi kaya binelatan ko lang siya at kinurot ang pisngi niya.

"Attorney Sandejas, I didn't know you're this childish," biro ko sa kanya.

Nagseryoso bigla ang mukha niya sa sinabi ko at biglang tumayo kaya napaatras ako at muntik nang mabuwal pero nasagip niya ang baywang ko.

"Childish?" malamig niyang sabi. Napalunok naman ako at mabilis na nag-angat ng tingin sa kanya.

Nanliliit ang mata niya habang pinagmamasdan ako kaya umiling ako kaagad.

"It's not what I—" His lips stopped me from talking at nabigla ako sa bigla niyang paghalik kaya umawang ang labi ko. He took that as an opportunity and swiftly deepened the kiss. I felt his tongue knocking my teeth and I gladly gave in. Halos mapugto ang hininga ko sa halikan namin. Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa konkretong pader at kaagad na bumaba ang kamay niya sa pang-upo ko.

I moved away to breathe and noticed the lust in his eyes. My lower lip twitches when he spanked me at kaagad na kumapit sa leeg niya para talunin siya. I encircled my legs around his waist at kaagad namang umalalay ang kamay niya sa baywang at pang-upo ko.

He held me closer and tighter, not letting air cross between us habang malalim niya akong hinahalikan. Our tongues fought in a private dance. The butterflies–no, I think they're monsters now inside my stomach's fluttering, my heart's unstable, hyperaware of his deep breaths as his kisses fell on my cheek to my jaw. Ibinaba ko ang kamay ko sa dibdib niya para damhin ang katawan niya at isang impit na ungol ang kumawala sa labi ko sa ginawa niyang pagkagat sa likod ng tainga ko.

Walang sawang naghinang ang labi namin at nang akmang i-aangat niya ang damit ko ay kaagad akong napatalon sa gulat nang mag-ring ang telepono sa kusina. Mukhang si Iñigo ay nagitla rin dahil sa pagtigil niya.

"Shit!" malutong na mura niya at tinanggal ang ulo sa leeg ko. Ako naman ay nag-iinit pa ang pisngi sa nangyari pero dahan-dahan ding bumaba sa baywang niya. Nakakunot ang noo niya habang nakalingon sa nag-iingay na telepono pabalik sa akin.

"Baka importante," mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin. Hindi naman siya sumagot pero ang kamay niya ay nanatili sa loob ng shirt ko. My eyes widened when his hand moved up kaya mabilis kong pinalis ang kamay niya.

"Iñigo!" I hissed. Humaba naman ang nguso niya sa pagsita ko pero napailing at iniwan ako roong tulala at sinagot ang telepono. Nakita ko kung gaano ang inis at bitin niya habang kausap ang kung sino mang naroon kaya inabot ko ang shirt niya sa counter at lumapit para punasan ang likod niya.

Hinayaan niya naman akong gawin iyon pero lingon nang lingon siya sa akin. His eyes are begging for something pero iniilingan ko lang siya at napapasimangot lang siya lalo.

"I have to go to the office," biglang sabi niya nang maibaba ang tawag.

"Huh? Bakit?"

"Muntik na raw mag-suicide ang kliyente ko nitong nakaraan," napabuntonghininga siya at nawala ang ngiti ko.

"Ngayon ka na aalis?" tanong ko. Tumango siya at pinasadahan ng kamay ang buhok. Mukhang nalungkot siya bigla sa nangyari kaya bumigat ang dibdib ko.

"Sige, maligo ka na, mag-aayos na rin ako para sabay na tayo sa opisina," sagot ko naman at tumalikod para sana umakyat at makapag-ayos.

Kaagad niyang pinigilan ang kamay ko. "No."

Nilingon ko siya.

"You stay here, rest, hindi maayos ang pakiramdam mo."

"I can work, this is just nothing—"

"Sshh," he hushed me. Lumapit siya at kaagad akong inakbayan. "I can work alone, Thallia. Stay here and rest, h'wag mong pwersahin ang sarili mo."

"Pwersahin na?"

"To walk, while you're still sore from last night." My jaw dropped. His lip twitched. Sinapok ko siya pero nangingising hinuli niya lang ang palad ko.

Kaagad kaming dumeretso sa kwarto niya at pinaupo niya ako sa kama bago dumeretso sa closet. Nanatili lang naman akong nakaupo at pinagmamasdan siya.

"Ako na lang hahanap ng susuotin mo, maligo ka na."

"Okay, thanks," sagot niya at kumuha ng tuwalya bago pumasok sa banyo. Tumayo naman ako para sana kumuha ng damit niya nang biglang lumabas muli si Iñigo.

"Thallia," tawag niya sa akin. "I have a favor."

"Hmm? What?" tanong ko naman. He didn't answer right away, just watching me intently until he nodded.

"Behind my closet is a safe box," natigilan ako roon. "Can you please search for a file with the name Jacinto Santos?" sabi pa niya. Umawang ang labi ko.

"Sige," kaagad kong sagot. "What's the-uh, password?"

"102697," sagot niya. Napakurap ako at tinandaan ang mga numerong iyon.

"O-Okay," sagot ko naman at tulala pa rin habang pumapasok siyang banyo.

Did he just tell me the password? May kung anong kaba at saya ang naghalo sa puso ko. Makukuha ko na ba? Dito rin ba nakatago ang sa Dad ko? Mabilis akong naglakad patungong closet niya at pumunta sa likod na bahagi nito. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang kulay itim na pader, katulad ng kanyang pader at nang itulak ko iyon ay bigla gumalaw at umikot at lumantad sa akin ang safe box niya.

Mabilis akong lumapit doon at nagmamadaling inilagay ang combination. Sinalubong ako ng iba't ibang folder. My heart's pace doubled.

This is it! I must find my father's file no matter what.

I quickly removed a couple of folders and it took me a couple of minutes to find the file he asked me to look for. Mabilis kong ibinaba iyon sa lapag at kaagad na lumingon sa pintuan ng banyo sa hindi kalayuan.

Mas dumoble ang tibok ng puso ko at kaba ko. I breathed hard and stared at the vault at mabilis ang kamay na hinanap ang pangalan ni Dad. Ibinababa ko lahat ng maling file at hinanap pa ang pangalan niya. I found a couple of Castueras pero iba naman ang pangalan.With every tick of the clock ay mas nagiging kabado ako. I swiftly scanned the envelopes and searched faster.

Castuares Bernadette, Castuares Delmar...

Napalingon muli ako sa oras, pabalik sa banyo at inilipat ang mga envelope.

Castuares Elmer, Castuares Edmond...

Castuares, Ethan.

Nanlaki ang mata ko at nahigit ko ang hininga nang makita ang pangalan ng ama ko. Nabitiwan ko ang ibang envelope at mabilis na kinuha ang sa Dad ko. Pinagmasdan at sinigurado ko pa ang pangalan niya bago ko iniharap at binuksan. Maingay at mabilis ang tahip ng dibdib ko habang binubuksan ang envelope at kaagad kong nakita ang litrato ng ama ko.

Nanlaki ang mata ko at umangat ang kamay para ilabas ang mga dokumento pero natigilan ako.

"What are you doing?" malamig na tinig ang pumaibabaw sa silid kaya nanigas ang katawan ko at unti-unting nilingon ang malamig na tingin ni Iñigo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co