Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 16

heartlessnostalgia

Kabanata 16

 "I'M sorry," I whispered as I gently caressed his hair. Iñigo fell asleep while crying, pagod siya sa ginawa niyang pag-iyak at paglabas ng sama ng loob kaya inalalayan ko siya pahiga sa hita ko. I smiled bitterly while staring at his peaceful face.

He loves me. I heard him loud and clear.

He loves me. Hindi ko magawang maging masaya, sa halip ay napuno ng takot, pagkakagulo, at pagsisisi ang puso ko.

I'm a bitch. I am fucking worthless!

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil wala akong maisagot sa kanya. I cried with him; we cried together. Iñigo cried because of his family, and I cried because of my mission and feelings for him. How can I love and hurt him at the same time? He trusts me, yet I am betraying him.

How can I be this selfish?

Hindi ko namalayan na napuno na naman ng luha ang mata ko. Napahawak ako sa bibig nang may kumawalang hikbi at napasandal ako sa headboard ng kama. Nanginginig man ang kamay ko ay inalalayan ko ang ulo niya pahiga sa unan ko bago tumayo pero hindi pa man ako nakakalayo ay kaagad na may humawak sa kamay ko. I was startled and moved my sight towards him. Only to find him staring at me, napigil ko ang hininga ko at umawang ang labi ko.

"Why are you crying?" he asked me softly. Hindi ako nakasagot at mabilis na nag-iwas ng tingin. I swallowed the lump in my throat and tried getting away from his grip but before I could even get away ay mabilis niyang nahila ang baywang ko kaya napaupo ako.

"Thallia," I heard him.

"I-I'm fine," bulong ko bago mabilis na hinawi ang luha ko. I turned my head to his side before smiling. "Ayos lang ako," ulit ko nang makita ang hindi pagsang-ayon sa mga mata niya.

Umayos siya ng upo at kaagad na hinawakan ang magkabilang braso ko para paharapin ako sa kanya.

"What's wrong?" marahang tanong niya. I shook my head and smiled.

"Nothing," sagot ko naman at nagbaba ng tingin dahil sa pag-amba ng luha sa mata ko.

"Look at me," he said pero nanatili lang akong nakatingin sa takot na makita niya ang mga lihim at hinanakit ko. I felt him cupping my cheek and the moment I got drowned in his blue eyes, I cried. Kumunot ang noo niya at mabilis na sinalo ang luha ko.

"Sshh," he hushed me at kaagad naman akong yumakap sa kanya.

"I-I'm sorry, Iñigo... I'm sorry," I sobbed and clutched his shirt. He tugged me closer to him.

"Why?" tanong niya. Hindi ako sumagot at mas yumakap sa leeg niya, naramdaman ko naman ang pag-angat niya sa akin kaya napaupo ako sa binti niya.

"H-hindi ko na uulitin, I'm sorry," ulit ko pa.

Hindi naman siya sumagot pero hinaplos niya ang likod ko. My heart clenched in pain.

I can't do this anymore. I can never hurt Iñigo.

I will do my best to help my Dad but not like this. There must be another way, right? I can help him without hurting anyone, especially this man.

I can't. I didn't have the heart to.

Wala akong imik matapos kong umiyak. Iñigo let me fix myself at siya naman ay naghanda sa trabaho. I was preoccupied the whole ride, napapansin ko naman ang panaka-nakang sulyap ni Iñigo pero hindi ko siya binabalingan.

The sound of the wind from the open window is our only noise. Inigo's heavy sighs and clearing of the throat are another one.

"Thallia," he whispered. Napasandal ako sa headrest. "Thallia." His touch woke me up.

"Iñigo..." I called him, then pursed my lips. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya sa braso ko bago lumipat ang tingin ko sa mukha niya.

"We're here."

"Huh?" Iniikot ko ang tingin ko at napatango ng nakitang nandoon na nga kami. "I didn't notice."

"You seem preoccupied. Are you okay?" he asked.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Kinalabit ko ang seatbelt ko bago ko hinawakan ang kamay niya gamit ang aking dalawang kamay.

"I'm sorry, Iñigo. I'm just not in the mood today," pagod kong sabi. He stared at me and touched my cheeks. Napapikit ako at inihilig ang mukha ko sa palad niya.

"If something's bothering you, you could always tell me," aniya. "I will try to understand you, I promise I will listen."

"Thank you," I whispered before kissing his hand.

Nauna si Iñigo sa opisina dahil nagbanyo muna ako para mag-ayos ng sarili. Kanina sa kotse ay iniisip ko na kung paano ko sisimulan ang paghahanap ng kasagutan sa kaso ng Dad ko.

I know there is no final decision yet. I wasn't even sure if Iñigo would take the case against my father. I was just here because Attorney Velgas believed he'd take it and we have to be two steps ahead of him.

Tumayo ako at pumunta sa pantry para magtimpla ng tea para kay Iñigo. He needs to reduce his coffee intake, baka magkasakit pa siya sa lagay na 'yan. I was on my way to his office when a girl caught my attention. She went straight to his office without me knowing!

Nangunot ang noo ko at mabilis na pumunta sa pwesto ko para tingnan ang schedule ni Iñigo at wala siyang dapat i-meet sa oras na 'to! Nagmartsa ako papunta sa opisina ni Iñigo bitbit ang tea na hinanda ko. I find it weird but my way to his office seems odd and scary.

Binasa ko ang labi ko at mahigpit na humawak sa tray na dala ko. I took a deep breath before knocking three times and opened it a little without waiting for his response.

"That man needs to rot in jail!" ang mataas na boses ng babae ang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang. Nakatayo siya sa harapan ni Iñigo na malamig na nakatingin sa kanya.

"I am doing it slowly, Miss Perez. The investigation is still ongoing. We can't just put him in jail forever without further evidence," sagot nito.

"What?! He stole! Embezzled the company's money for Pete's sake! Hindi niya ibinalik and you're telling me to just wait for the fucking evidence?!" sikmat ng babae, nakapulang dress ito at nakatali ang buhok.

Hindi ko gaanong makita ito dahil nakatagilid ito sa akin.

"You know how I work, Miss Perez. I always work clean. I don't expect you to wait and if you're like this, nagging me about what to do, then don't expect me to take your father's case," sagot sa kanya ni Iñigo. Halos kilabutan ako sa lamig ng sagot niya.

"But that Castuares should rot in jail! Hindi na dapat siya makalabas! He stole everything! He has to be locked up in that hell!" angil muli ng kausap ni Iñigo.

Nanigas ang katawan ko sa narinig at napaatras habang hawak ang tray, dahilan para mahulog ito na naglikha ng ingay.

The lady turned to me, her high cheekbones made her look intimidating and strict. Mukhang nagulat siya nang makita ako pero mas nagulat ako nang magkasalubong ang mata namin.

Nanlamig ako.

Maica Perez, Fernan Perez's daughter. The man who put my father in jail.

Iñigo rose up from his seat and quickly stood beside me. Nagulat ako sa ginawa niyang pagkuha ng kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Are you okay?" he asked. Mabilis na bumaba ang tingin ko sa kamay ko na basa dahil sa mainit na tea. Mula sa kamay ko ay bumaling ako pabalik sa babaeng narito. Her mouth was slightly open with the sight of me at halos tumigil ang puso ko sa pagkabog dahil sa pagtaas ng sulok ng labi niya.

"Who is she?" she asked Iñigo mockingly.

"Please get out, Miss Perez. We'll talk next time," Iñigo answered urgently.

"You're an employee here, huh?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at halos manginig ako.

No, no. I am just dreaming!

"Attorney Sandejas, do you know her?" tinuro niya ako at nakita ko ang pagkakatigil ni Iñigo sa tabi ko.

"She's my secretary. Now, I want you to get out of here!" Iñigo's voice is sharp and cold.

Maica's grin widened and she shook her head. Hindi naman ako nakapagsalita at napuno ng puot at takot ang dibdib ko. She remembered me!

"Do you know your employees well, Attorney?" sikmat niya. Inayos niya ang buhok niya bago nanunuyang tumawa. "I guess you don't."

"Get out!" his loud and angry voice bombarded the whole room. Halos hilahin na rin ako ni Iñigo pero hindi ako makagalaw.

"A secretary," tawa niya bago naglakad palapit.

"Get out!" sigaw ni Iñigo, hinawakan niya ang palapulsuhan ko na parang pinoprotektahan ako palayo sa babae pero hindi ako nakaiwas nang sadyaing banggain niya ako.

"Pathetic," nanunuyang diin niya bago nagmartsa palabas. Tulala ako sa kawalan pagkalabas niya.

Shit. One word from her and my world would turn upside down! One word and it's all over for me, for us!

"Let's take a look at your hand," malamig na sabi ni Iñigo na hawak pa rin ang pulso ko. Napatingin ako sa kamay ko na namumula pero wala akong maramdamang kahit anong sakit.

"I'm fine," malamig na sagot ko bago sinubukang kunin sa kanya ang kamay ko.

"No, let's have it checked," ulit niya at sinubukan akong hilahin pero nagmatigas ako.

"I said, I'm fine!" I pulled my hand but his grip tightened. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang pagdilim ng mukha niya.

"Let's see—"

"Ayos na sabi ako!" sigaw ko at marahas na hinila ang kamay ko mula sa kanya. Nang akmang kukunin niya ulit ay winasiwas ko ang kamay niya paalis.

No, I can't face you, Iñigo!

"Don't touch me! Ayos lang ako!" sigaw ko at naiwan siyang gulat sa ginawa ko. Mabilis na tumalikod ako para maglakad paalis pero natigilan ako nang magsalita siya.

"Do I really know you, Thallia?" tanong niya. Natigil ang paa ko sa paglalakad. Kumirot ang dibdib ko bago nangilid ang luha ko at nakagat ko ang labi ko.

I heard his footsteps behind me pero hindi ako makagalaw paalis. His words struck me. Does he really know me?

No, you don't know me.

Namasa ang pisngi ko sa luha at napapikit dahil sa lamig ng boses niya.

"What are you hiding, Thallia?" walang emosyon niyang sinabi at nakuyom ko ang kamay ko sa takot na kumawala ang hikbi sa bibig ko.

"Can I really trust you?" dagdag pa niya. Gumuhit ang kirot sa dibdib ko at napahawak ako roon bago kumawala ang pinipigil kong hikbi.

No, you shouldn't trust me but I love you so much. I promised myself that I'm not gonna hurt you but how can I do that if everything around us is not in our favor? I want to do my mission... But now that I fell for you, how can I keep my dark past from you?

Nanghina ang tuhod ko pero bago pa man ako mapaupo ay may mga braso na mabilis na sumalo sa baywang ko. Mas lalo akong napaiyak at mabilis na pumihit paharap kay Iñigo. I sobbed and hugged him as my world depended on him. Like my life will be a waste without him.

Kumawala ang malalakas na hikbi sa akin, lalo na nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa baywang ko.

"Shh, you can tell me everything," mula sa lamig ay naging mahinahon ang boses niya.

"I-Iñigo," that's all that I could say. Napakapit ako sa leeg niya nang pangkuin niya ako paupo sa sofa. Kaagad siyang lumuhod sa harapan ko pagkaupo ko sa sofa. His finger slightly touched my cheek, removing the teardrop that was falling shamelessly.

"Look at me," he said. Nalipat ang tingin ko sa kanya at sa kabila ng panlalabo ng mata ko sa mga luha ay nakita ko ang hindi mabasang emosyon sa mata niya.

I was sad and confused, I don't know. I am not sure.

What have I done? What if he discovers my true identity? Will he leave me? Will he be mad at me?

Halos matawa ako sa sarili kong tanong.

Of course, Thallia! What the fuck are you expecting? That he would open his arms to welcome you back again?

"Damn," he cursed when another set of tears rolled down from my eyes. "Hey, calm down." Umayos siya ng luhod at hinawakan na ang magkabilang pisngi ko. "Thallia, baby..."

Napayuko ako at tumaas-baba ang balikat ko sa kaiiyak. I heard his curses at mabilis siyang naupo sa tabi ko. Kinabig niya ang balikat ko hanggang sa mapasandal ako sa dibdib niya. I clutched his suit and felt his heat.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang masigawan ka kanina," mahinang sabi ko. "I-I was just confused at the moment," dagdag ko.

Narinig ko ang marahas niyang paghinga sa sinabi ko at hinawi niya ang buhok ko. He tapped my chin, so I looked at him. Nakita ko ang pagod niyang mata at ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi na parang may gustong sabihin pero hindi niya ginawa.

"Stop crying," he said. Tumango ako at marahang lumayo sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang daliri ko pero tinanggal lang niya ang kamay sa mukha ko para punasan ito ng panyo. Napatingin naman ako sa kamay ko nang hawakan niya ito. Doon ko lang naramdaman bigla ang sakit kaya napapiksi ako.

"Sorry," sabi niya bago lumipat ang hawak sa palapulsuhan ko. "Stay here," aniya bago tumayo at pumunta sa may telepono.

Nakatingin lang naman ako sa kanya na nakatitig din sa akin habang inaantay ang pagsagot ng tinawagan niya.

"Good morning," aniya sa kausap niya. "Send the emergency kit here, my secretary's hurt."

"Bathroom?" Mula sa akin ay napunta ang tingin niya sa banyo bago tumango. "Okay, I'll check it." Ibinaba niya ang telepono bago naglakad papuntang banyo.

Nang makalabas siya ay dala na niya ang first aid kit at mabilis siyang naupo sa tabi ko at inabot ang kamay ko. Mapula na ang kamay ko at may paso dahil sa mainit na tsaa. Napalingon ako sa pintuan kung saan nahulog ang tasa at nakakalat pa rin ito at ang basag na baso.

"'Yong basag, lilinisin ko mamaya," sabi ko. Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya.

"Leave it there, ipapalinis ko na lang 'yan," sagot niya bago umiling at ipinagpatuloy ang pag-ayos ng kamay ko.

He seems so eager to clean my hand that my heart constricts in pain as I look at him.

Why are you so kind and so good, Iñigo? Why are you so lovable that my plan backfired on me? It was you who should fall but instead, I fell for you deeply.

"I love you, Iñigo," I said. Natigil siya sa ginagawa sa kamay ko at nagkatinginan kami.

I saw how shocked he was and almost saw the waves in his bluish eyes. It was like his eyes were as peaceful as the clouds but as wild as the fire.

"I love you," ulit ko. Umawang at sumara ulit ang bibig niya. Gamit ang isang kamay ko ay inabot ko ang pisngi niya at ngumiti ako.

"I'm sorry for keeping so many secrets but please trust me," bulong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co