Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 18

heartlessnostalgia

Kabanata 18

EMBEZZLEMENT.

Just hearing that word makes me weak. Napatingin ako sa papel na hawak ko pabalik kay Attorney Velgas na nakaupo sa harapan ko.

"You're aware of that, right?" he asked. Hindi ako sumagot pero tumango.

That's the case they like to file against my father.

I don't want to believe it.

He may not be as present and expressive as a father but I still believe he wouldn't do such a thing.

He won't embezzle funds in a company he worked so hard for.

This is all a setup. They're pinning their crimes on him and I have to prove it.

"What can we do about this?" problemadong tanong ko bago pinagmasdan na naman ang papel. It was the document I got from Iñigo's vault. The moment I saw this ay kaagad kong tinawagan si Attorney.

I need to start moving again from scratch.

"Here, look at this." Iniabot sa akin ni Attorney ang isang envelope na kaagad kong tinanggap. I opened it and saw that it was the same as Iñigo's files, only that it contained printed files that were more focused on my Dad's.

The date he was accused was here, the statement of the witnesses, and the complainants. There's also a picture from the CCTV where he was caught. May mga dokumento ring nagpapatunay daw ng transaction niya sa paglilipat ng mga pera sa offshore accounts.

"Was he really caught doing this in the act?" tanong ko.

"No." Umiling siya. "The CCTV only caught him when he went to the main office and brought the documents of the investments."

"Why would he steal the documents from his own office?" pagdidiin ko. Umiling naman si Attorney at bumuntonghininga.

"Your Dad has the largest percentage in the stocks but suddenly, the Perez's got more stocks before this incident happened," imporma niya sa akin. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"How can that happen? You mean, my Dad isn't the company's CEO anymore?" Napaayos ako ng upo at tumalim ang tingin.

"Basically, yes." Tumango siya. "But he was still not appointed since hindi pa nagme-meeting ang board," Attorney Velgas said. Napapikit ako at bumagsak ang tingin ko sa kamay ko. How can things quickly turn upside down?

"The funds for the SLX Housing Project were missing; there are a lot of discrepancies. Your father was the only person overseeing and managing everything. The funds, the materials, the workers. There was also evidence na nililipat patago ang pera sa proyekto sa isang sekretong bank account and based on the investigation, it was named after your father," paliwanag niya sa akin.

"Also, one of your father's personal assistants was found dead in his house. It was suicide, but the prosecution was suspecting foul play."

"And Dad was their suspect?"

Tumango siya.

"Walang ebidensya pa sa ngayon na direktang nagtuturo sa Dad mo but it's only a matter of time before they could find one–or if not, make one."

I groaned.

"Are there other options para hindi makulong si Dad? If ever it was proven he wasn't involved with his PA's death?"

"Yes," sagot niya. Umahon naman ang pag-asa ko sa sinabi niya. "Kapag napatunayan ang embezzlement, he could pay for the money with interests," paliwanag niya.

Akala ko ay matutuwa ako sa sinabi niya pero hindi.

"I believed my Dad wouldn't commit such a crime."

"I think so, too," aniya. "I have known Ethan for a long time. He may not actually seem to be a good father to you but he's a good person," pampalubag niya sa loob ko.

"The investigation is still ongoing?" Tumango siya.

"Then, can we have a way to take him out of jail in the meantime? Like, bail him out?"

"We can if he denied the accusations but he didn't."

"Why isn't he saying anything? Have you asked him, Attorney?"

"Yes, I did but he remained silent and asked me to tell you his plans," sagot niya. "He never denied the accusations and didn't say anything, so it won't be easy to prove his innocence. Idinidiin siya dahil sa kanya nakadirekta lahat ng ebidensya. If he denies it and we have something to use to refute their accusations, then we can work on his release since the case is still ongoing but there is none. Because he never said anything, he has to remain in the hands of the authorities."

"How about the plan? Is it progressing?" tanong niya sa akin at ito ang pinakakinakatakutan kong pagkakataon sa oras na ito.

This is the time when I should tell him my decisions and thoughts about this case.

"I'm not doing it, Attorney," sagot ko sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko.

"What?" he was caught off guard.

"I don't think I can do this. This is not right, my conscience is tugging me everytime I'm thinking about doing it," pag-amin ko. Nakita ko ang pag-relax ng mukha niya sa kabila ng pagtataka.

"I can't even think of releasing my Dad with that evidence I'm about to steal and obtain. I can't release my Dad from a crime by committing another one myself," mahinang sabi ko. "I hope you understand me." Nag-angat ako ng tingin at nakita ang panatag niyang ngiti sa akin.

"I know you're a good woman, Thallia. I knew it from the very start," aniya pero sa halip na matuwa ay mas bumigat ang dibdib ko.

You're wrong, Attorney. I am no good. I am like them; I committed crimes you wouldn't even imagine. My conscience struck, killing me inside. Karma's coming right back at me. Burning and destroying my life just like how I destroyed other people's lives. Hindi ko na makakaya pang harapin ang balik nito sa akin kung sakali.

"But I'll do whatever I can to help him. I know he's innocent. I just have to do this right this time."

I was confused and kind of relieved when he didn't push through it. Isang pagod na ngiti ang ibinigay ko kay Attorney bago ako tumingin sa labas. My head creased when I felt like someone was watching me.

Iniikot ko ang mata ko sa paligid at pumirmi ang tingin ko sa kulay puting sasakyan sa kabilang parte ng kalsada. It was heavily tinted but I can feel na may nakatingin sa amin. Hindi ako mapirmi habang naiisip ang kung ano-ano kaya nag-iwas ako ng tingin at kinausap nang pormal si Attorney.

"Vaughn's birthday will be on Saturday, would you like to come?" biglang tanong sa akin ni Tito.

"Yes, Tito," sagot ko. "He texted me yesterday about it." Ngiti ko.

Vaughn Velgas is my colleague from way back in the US. He's a good friend of mine and he happens to be the Attorney's son.

Mula kay Tito ay bumaling muli ang tingin ko sa labas at maluwag akong napahinga nang makitang wala na roon ang puting sasakyan.

Baka napadaan lang, 'no? I'm just paranoid.

Dala ang sasakyan ko ay bumalik ako sa opisina namin. Nagpaalam lang ako saglit kay Iñigo na kikitain ko ang kaibigan ko. Noong una ay mukhang ayaw pa niya pumayag at gustong sumama pero sa huli ay napapayag ko rin. Dala ang lunch at drinks na binili ko para sa kanila ay dumeretso ako sa opisina niya. I knocked on the door thrice at kaagad kong narinig ang ingay roon pagkapasok ko.

Iñigo's sitting on his swivel chair while Dash and Zeijan are talking to him.

"Kuya ang KJ mo!" reklamo ni Zeijan na nakapamaywang at nakatayo.

"I told you, I have things to do," malamig lang na sagot ng huli bago sumimangot.

"Good afternoon?" tawag ko sa pansin nila. Napalingon sila sa akin at kaagad kong nakita ang pagtaas ng sulok ng labi ni Iñigo.

"Ate Thallia!" Zeijan exclaimed jokingly. Natawa naman ako at napatingin kay Dash na nakangisi at kumaway sa akin. I nodded and smiled at nagulat ako nang maglakad palapit sa akin si Zeij.

"Today's my birthday, Thallia! Greet me!" he exclaimed.

"Really?" pagkumpirma ko. Tumango siya at bumilog ang bibig ko. "Happy Birthday!" bati ko.

Lumaki ang ngiti niya at naglakad palapit sa akin at akbayan ako.

"Dahil diyan, pupunta kayo sa birthday party ko mamaya!" Pinihit niya ako paharap kay Iñigo na napawi na ang ngiti at nakaigting na ang panga.

"Pupunta ka, 'di ba?" pangungulit niya.

"Huh?" Napatingin ulit ako kay Iñigo na nakatayo na at deretso ang tingin sa kapatid niya.

"Ano, Kuya? Thallia's coming!" ani Zeijan na may nang-aasar na ngisi. He pulled me closer to him at nang sumulyap ulit ako kay Iñigo ay wala na itong emosyon habang nakamasid sa kapatid.

"Put that fucking arm down," matigas niyang sabi pero tumawa lang si Zeijan na nang-aasar. I tried moving away, pero hindi ako hinayaan ni Zeijan at bumulong pa.

"Let's tease him." Halakhak niya pero bago pa man ako makahindi ay may marahas nang humatak sa akin. Nanlaki ang mata ko nang tumama ang katawan ko kay Iñigo na kaagad akong hinawakan sa baywang.

"Fuck you!" matigas na sabi ni Iñigo sa humahalakhak na si Zeijan.

"I'm just teasing you!" sagot pa ni Zeijan. Lumayo ako saglit kay Iñigo at nakitang nag-apir pa ang dalawang kapatid niya.

"Teasing my ass," Iñigo hissed bago bumaba ang kamay sa leeg niya para hilahin ang necktie niya. His hand found its way to mine, na kaagad naman niyang pinagsaklop.

"What's that?" Tukoy niya sa paperbag na dala ko.

"Your food, have you eaten yet?" tanong ko. Umiling siya at umangat ang labi niya sa ngiti at inabot ang dala ko.

"Alright." He kissed my cheek bago ako marahang hilahin.

"Boo!" Dash teased. Nalingon ko siya at umismid si Iñigo.

"Get out of here!" pagtataboy niya.

Lalong namang tumawa ang dalawa. Zeijan played with one of the earrings he's wearing habang si Dash naman ay nakangiti habang nakahalukipkip.

"Ano nga, pupunta kayo?" baling sa amin ni Zeijan. Naupo si Iñigo sa swivel chair niya bago itinabi ang papel na binabasa niya. Kinuha ko naman ang lagayan ng pagkain niya at nilabas ang shake para sa kanila.

"No," malamig na sabi ni Iñigo. Zeijan groaned and childishly stomped his feet.

"Kuya!"

Inabot ko kay Dash ang shake na binili ko sa kanya at pati na rin kay Zeijan.

"Thanks, Thallia!" magkasabay na sabi ng dalawa bago ngumiti. I nodded and shifted my gaze to Iñigo na hindi na umiimik. Nanatili ang tingin niya roon sa dalawang binigyan ko ng shake pabalik sa akin.

"Where's mine?" Nakangusong sabi niya.

Napangisi ako.

"Wala," asar ko.

"Then, bakit sila meron, ako... wala?" He sounded disappointed.

"Yuck, Kuya! Nakakangilo ka!" Dash hissed na hindi pinansin ng Kuya niya.

"Kidding," biglang ngiti ko nang mukhang nanlumo na siya. "Here's yours." Kinuha ko ang paperbag na isa at inilabas ang sa kanya. Literal kong nakita ang pagliwanag ng mata niya at mabilis niyang inabot iyon at tiningnan.

"Thank you," he said while smiling. Napangiti ako at may kung anong humaplos sa puso ko. His cheesiness made his brothers smirk.

"You should go," sabi ko kay Iñigo.

"Huh? Ayoko," aniya.

"Kuya naman!" Zeijan hissed.

"It's your brother's birthday, you should go," paghihikayat ko.

"No, wala kang kasama sa bahay," aniya na ayaw papigil.

"Ayos lang ako, I can handle myself," sagot ko naman.

"Sasama ka, Thallia, 'di ba? Sumama ka na, Kuya. Bring Thallia with you," ani Zeijan kaya umiling kaagad ako at ikinumpas ang kamay ko.

"No! I mean, I can't. Your family's in there. I just can't—"

"They're not coming. It's not a formal party and besides, sa bar lang naman ako magse-celebrate," sagot naman niya.

"She's not coming without me," sita ni Iñigo sana hinila ang swivel chair na inuupuan ko para mapalapit ako sa kanya.

"Kaya nga pumunta ka na, your college friends will be there, too. Makipagkatuwaan ka naman minsan," ani Dash.

"I don't want to. I told you, I have things to do—"

"Weh? O, baka naman ayaw mo mapahiyang muli sa girlfriend mo? The last time you went to my bar, you had a bet with her and you lost," lokong sabi ni Zeijan.

Wait, what? Girlfriend?

"What?" Natigil siya sa paghiwa ng karne. His mouth formed a line at kumunot ang noo niya.

"You had a bet with her, the first one to fall asleep while drinking will lose and guess what?" Tawa ni Zeijan bago ako nilingon. Napangisi ako at inilingan siya para tumigil na sa kakaasar pero wala siyang balak na gawin ang gusto ko.

"Ang guess who won?" sabat ni Dash at nang lingunin ko si Iñigo ay tikom na ang bibig niya at bahagyang namula ang tainga. Kulang na lang siguro ay maibaliktad niya ang lamesa sa kalokohan ng mga kapatid.

"Thallia!" They both exclaimed na nagpatawa sa akin. Nilingon ako ni Iñigo pero hindi ko mapigilan ang tawa ko kaya napatakip ako sa bibig ko.

I remembered it clearly! How he passed out after a few drinks! Ni hindi nga siya makaubos ng tatlong baso!

"I will go!" he hissed. Natigil kami sa pagtawa. "I will drink!" seryoso niyang sabi bago sumimangot at mahinang nagmura. "Now, get the fuck out of here and leave me and my girlfriend!" Mas nanahimik kami at napakurap ako bago siya sulyapan.

"I'll see you, then?" Sabay na tumayo si Dash at Zeijan na animo'y mga tupa. Itinaas ni Dash ang shake bago tumango at malaki naman ang ngiti ni Zeijan na kumindat pa bago akbayan ang kapatid at umalis.

We were left with deafening silence. Ako na nakasulyap lang sa kanya at siya na nakatulala lang sa pintuan. Napatikhim siya at nang magtama ang mata namin ay kumunot ang noo niya at bumaba ang tingin ko sa labi niya nang basain niya ito. I unconsciously bit my lip too at nang magtama ang mata namin ay tumagilid ang ulo niya.

He stared at me like I had done something wrong. Ngumiti ako nang maliit pero hinigit niya lang ang hawakan ng swivel chair ko na nagpalapit ng mukha ko sa kanya.

He bit his lip and stared at mine. Ramdam ko na ang hininga niya sa ilong ko at sa muling pagbaba ng tingin ko sa labi niya ay bahagyang idinampi niya ang kanya sa labi ko.

"You're my girlfriend, right?" malambing niyang sabi. Napangiti ako at nag-init ang mukha ko bago ako bahagyang tumango at dinampian din ng halik ang labi niya.

"Then you're my... boyfriend, then?" I asked. He let out a sweet chuckle before nodding and claiming my lips.

𓍝𓍝𓍝

"NO too revealing dress for you, Thallia," paalala ni Iñigo nang ihatid niya ako sa aking kwarto para makapag-ayos pero sa huli ay hindi ko sinunod ang gusto niya dahil sa gusto kong suotin ang bagong damit na binili ko.

He was being a conservative oldie! Bahala siya d'yan!

I am wearing a black Fit & Flare choker dress. It was a tube-like dress, simple lang ang disenyo nito at bahagyang kita lang ang balat sa tiyan kapag malapit dahil sa lace lang ang tela roon. My shoulder is exposed and a little bit of cleavage, this is the most conservative dress I have so far. Most of my party dresses have either a sweetheart, round neck, or a plunging neckline dress, kaya ito lang talaga ang masasabi kong maayos.

"Ano bang ibig sabihin para sa 'yo ng tago?" Nabakas ko ang inis sa boses niya. Pinasadahan niya ako ng tingin at hinaplos ang baywang ko. "Look at your stomach, bakit ganyan? Kita ba talaga dapat?" simangot niya.

"It was covered with lace, baby! Kaya ganyan," natigilan siya sa sinabi ko pero umiling pa rin.

"How much did you buy this? Kulang sa tela! Why does this lace even exist? Walang kwenta!" mariing sabi niya at hindi ko napigilang mapangiti. "And why the hell are your arms exposed?" Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko, naghahanap ng eksplenasyon ko.

"Napaka-OA mo!" Natawa akong lalo. "Come on, baby. We're in the 21st century! Ano 'yon, naiwan ka pa sa 1840? Ano, gusto mo magpunta tayo do'n naka-Filipiniana ako?" I asked.

Mas sumambakol ang mukha niya, ayaw patalo.

"Sige, nakatakip buong katawan ko pero dapat naka-barong ka?"

He scoffed. I laughed.

"Ayaw mo, 'di ba? Same as me! This will be ugly if it was covered," sabat ko pa ulit, tinutukoy ang sa braso ko.

"Then why don't you take advantage of the fucking lace? They made it possible with your stomach, so why not put it in your arms? They should have covered the arm part too!" Halos masugod na niya ang kompanya ng damit sa dami ng reklamo niya.

But he has a point. It's possible pero ayaw kong sabihin at baka may gawin pang kalokohan.

"This is fine, Iñigo..." sabat ko ng makitang problemado siya sa suot ko.

"Don't you have any other dress?" Tanong niya at hinawi ang buhok ko papunta sa likod galing balikat ko.

"I do. I can wear my plunging neckline dress instead–" Nawala ang ngiti niya.

"Just wear this!" He scoffed kaya natawa ako at napayakap ako sa kanya.

"I'll be fine, Iñigo. I am used to wearing this kind of dress," bulong ko.

"But..."

"You're so oldie, it's okay to wear dresses like this now." Lambing ko at tumikhim siya at mas humaplos sa baywang ko at tumango.

As if he could stop me from wearing what I want.

My body, my rules!

If he loves me, he'll respect it.

"I'm sorry," he sighed, lowering his head and putting his forehead against mine. "I'm sorry, baby. Am I being so possessive?" I heard the hesitation in his voice.

"A bit but I understand. I'm with you so you don't have to worry," pag-aalo ko sa kanya. That calmed him down at hinalikan niya ako sa noo pagkahiwalay ko.

"'Di naman dahil sa damit kaya nababastos," I told him.

"I know," he nodded. "Unless they're a damn fucking pervert. Of course, fine, wear what you want. I'm sorry for being a nonsense asshole. Just please, don't stop me if I punch anyone trying to touch and hit on you. Okay?"

I smirked and nodded.

Pinilian ko rin siya ng damit na babagay sa kanya at napansin ang kanyang tattoo sa likuran.

"What?" tanong niya. Hinaplos ko naman ang tattoo sa likod niya na nakita ko na noong nalasing siya.

"What is this all about?" tanong ko sa kanya bago pinagmasdan ang likod niya. It looks good on his back; it adds a lot of sexiness and manliness to his skin. Hindi niya muna ako sinagot kaya iniakyat ko na ang polo niya sa balikat niya. When it was fixed, ay humarap siya sa akin kaya ang butones naman niya ang inasikaso ko.

"It means freedom," aniya.

"Freedom?" Tumango siya at ngumiti.

"It doesn't have a deeper meaning, honestly. I just find it fascinating. A feather can fly everywhere it wants, it just follows wherever the wind takes it. They go with the flow, they never have any idea about what will happen to them. They're free," paliwanag niya sa akin. Napangiti ako sa sagot niya at tumango. Inayos ko ang kwelyo niya pagkatapos at nag-angat ako ng tingin.

I found him staring at me, malamlam ang mata niya at may maliit na ngiti sa labi. I touched his cheeks and kissed the valley of his mouth.

"You look handsome, baby." Muntik ko na siyang maasar nang lumawak ang ngiti niya at bahagya siyang mamula. I laughed when he hugged me. Humalik siya sa balikat ko bago humalik nang maliit sa pisngi ko.

"I know," antipatiko niyang sabi. Nanlaki ang mata ko at napaasik pero tumawa lang siya. "You look delicious, too. What about we stay here and rip your dress?" Kumindat siya.

"Iñigo!" I hissed at him.

𓍝𓍝𓍝

ALAS nuwebe na kami dumating sa bar na pag-aari ni Zeijan. It was closed in public tonight since it's his party. Nakakapit ako sa braso ni Iñigo nang makapasok kami sa bar. Kaagad na naagaw namin ang pansin ng mga tao sa paligid.

Maraming tao ang sumalubong sa amin papasok. May mga kalalakihan pero may iilan ding mga babae. I also met his friends at 'di mapuknat ang matamis na ngiti ko nang ipakilala niya akong girlfriend.

Noong akmang lalapit ang mga babae sa boyfriend ko ay kumakapit na ako nang maigi kay Iñigo at malamig na tinitingnan ang mga babae kaya't napa-atras sila. I am aware that men here are staring at me. If it was just a regular night, I bet kinausap na nila ako pero dahil nandito si Iñigo ay walang nagtangka.

"Are you fine?" bulong niya nang mapansing nanahimik ako.

"Yes," sagot ko naman. He smiled and kissed my temple bago hinawakan ang kamay ko.

"Come on, let's find my brother."

Natagpuan namin si Zeijan sa gitna ng dance floor. He was holding a glass of wine, a bit tipsy and drunk. Nang makita kami ay itinaas niya ang baso bago may sabihin sa mga kasama at lumayo roon para dumalo sa amin.

"You came!" masayang sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango.

"Happy birthday, Zeijan!" bati ko.

"Thank you!" ngisi niya. Akmang yayakap naman siya sa akin ay tinulak kaagad siya ni Iñigo.

"Don't you dare, fucker. Namumuro ka na sa akin," banta ni Iñigo pero mas humalakhak lang ang kapatid.

"Easy! I was just kidding!" Iginaya niya kami sa isang couch doon.

Kaagad siyang nag-order ng inumin at pulutan at mayamaya rin ay dumating si Dash na nakisalo sa amin. Magkatabi kami ni Iñigo sa isang couch habang ang dalawa naman ay nasa harapan namin. Nagsalin ng inumin si Dash bago inilapag sa harapan namin.

"So, Kuya, iinom ka?" tanong ni Zeijan. Napalingon ako kay Iñigo na tumango at parang wala lang na tinungga ang isang shot ng alak doon.

"Of course, I don't easily get drunk," mayabang niyang sabi. Natahimik naman ako at nagpigil ng ngiti.

Mukhang nahuli ni Dash ang ngisi ko kaya ngumisi rin siya at inginuso si Iñigo na nagyayabang na naman. Inilingan ko si Dash, telling him that Iñigo will be drunk right away at tumango siya at nag-thumbs up sa 'kin bilang pagsang-ayon.

Paunti-unti rin akong umiinom dahil sa kailangan kong bantayan ang boyfriend ko na ngayon ay namumula na matapos ang tatlong shot.

"Hilo ka na, Kuya?" halakhak ni Zeijan. Nakita ko ang pagsimangot ni Iñigo at nang akmang iinumin ko ang panibagong shot sa baso ko ay inagaw niya ito mula sa akin at deretso itong ininom. Nanlaki ang mata ko at naghagalpakan ang dalawa sa harapan.

"Palaban!" Zeijan cheered. Hindi naman makapaniwalang napatitig ako kay Iñigo na ngayon ay nananahimik na. Kita ko ang pagpula ng labi at mukha niya sa mga nainom, medyo natahimik.

"Iñigo, you'll get drunk!" sita ko. Humalakhak siya at doon pa lang ay alam kong sobrang tinamaan na! Uminom pa siyang muli at kinuha rin ang akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko at nadama ko kaagad ang init ng katawan niya.

"I-I won't get d-drunk," putol na ang boses niya at tunog antok noong bumulong siya pagkatapos sumandal sa balikat ko. Natigil ako nang marahan niyang haplusin ang hita ko paakyat.

"Iñigo!" I hissed at pinalo ang kamay niya pero senswal lang siyang tumawa at hinaplos lang muli ang hita ko.

"Ah-huh..." tumawa siya at humalik sa balikat ko. "I-I'm not drunk! See!" itinaas niya pa ang kamay niya na bumagsak din. Tumawa siyang muli at sa tingin ko'y hilong-hilo na siya.

"Iñigo..." bulong ko.

"H-hmm?" paos niyang bulong. Pinisil niya ang hita ko at humalik sa gilid ng tainga ko. "Yo-you want to go home?" bulong niya. "L-let's go, We'll make love and... and I'll fuck you hard when we reach my room."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Kung! Kung iniisip m-mong lasheng ako! Hindi!" magulo na at sininok na siya bigla. Napatingin ako sa dalawa na nagmamasid lang habang tinitingnan ang bulungan naming dalawa.

"Stop drinking, 'di mo na kaya!"

"Hindi!" Umayos siya ng upo at kinuha pa ang baso roon at doon na siya uminom. Sabay-sabay kaming napasinghap at napahawak ako sa bibig ko sa gulat.

"S-see? Kaya ko!" bumalik siya ng siksik sa leeg ko. "G-go home then, I'll—" sininok na naman siya. "I'll rip your clothes and make—" sininok na naman siya. "Love and..."

Inantay ko ang susunod niyang sasabihin pero wala na kaya nagtaka ako. Napansin ko ang pagpirmi ng kamay niya sa hita ko at muntik nang bumagsak ang ulo niya pero mabilis ko itong nasalo at inalalayan pabalik sa balikat ko.

"Iñigo, uwi na tayo—" Umupo siya ulit at nagulat ako nang bahagya niyang itulak ang noo ko gamit ang palad niya.

"S-staph!" Natameme ako. "Hindi! H-hindi ako lasheng!" Natumba siya sa balikat ko kaya mabilis ko siyang hinawakan.

"Iñigo! Ano bang—" napaawang ang labi ko nang humilik siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co