Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 19

heartlessnostalgia

Kabanata 19

"AYOS ka lang?" Naglakad ako palapit kay Iñigo nang maabutan ko siya sa kusina. I woke up without him beside me so I assumed na nasa kusina siya and I was right, naabutan ko siyang nakasubsob ang ulo sa counter. Mula sa pagkakasubsob sa counter ay nag-angat siya ng tingin sa akin, napanguso siya at bumagsak ulit ng higa roon.

Natawa ako at parang nahihiyang kinamot ang batok niya at itinago ang mukha mula sa akin.

"Nahihiya ka?" natatawa kong sabi bago umupo sa tabi niya. Natatawang hinawakan ko ang buhok niya at hindi naman siya nagsasalita. Sa halip ay bumaba ang kamay niya sa baywang ko at bigla na lang yumakap sa akin.

"I'm just dreaming, right?" paos niyang bulong bago sumiksik sa balikat ko.

"Dreaming?" napahagikhik ako. "No, you actually got drunk last night, baby."

"Shit," he groaned kaya napatawang lalo ako at niyakap din siya. Malalalim na paghinga niya ang naririnig ko at ang panaka-naka niyang paghalik sa buhok ko.

"Who sent us back home?" bulong niya.

"Dash did, he drove us home last night. Mabuti na lang at nandoon ang kapatid mo, dahil kung wala 'di ko alam paano tayo makakauwi," nakangiti kong sabi. Iniangat ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang buhok niya.

"What time?"

"Mag-o-one na 'yon," sagot ko. Humiwalay siya sa akin na nakakunot ang noo.

"What? Bakit one na? Didn't Dash offer to take you home early? Kung ako lang sana, ayos lang. Pero kasama kita and I'm fucking drunk. Paano kapag may nangyari sa 'yo ro'n?" mariing sabi niya.

"Dash offered to take us home instantly when he saw you asleep pero nakakahiya naman. He's enjoying the party tapos bigla na lang ako papahatid?"

"But—"

"He insisted but I didn't. I told him to just enjoy the party at kapag uuwi na siya at saka tayo ihatid," sabi ko naman pero hindi natinag ang pagkakakunot ng noo niya. Nakapirmi rin ang labi niya kaya inangat ko ang kamay ko para hawakan ang linya sa noo niya.

"Don't be upset. Siyempre, nakakahiya naman sa mga kapatid mo," malumanay kong sabi. He relaxed and closed his eyes when I touched his cheeks.

"Then what did you do while I was asleep? I'm sorry for being drunk last night," aniya.

"Nothing, binantayan kita noong natutulog ka. You're unusually clingy pa naman kapag tulog," tawa ko. Nagmulat naman siya ng mata at itinagilid ang ulo niya.

I watched his neck as it moved. Pansin na pansin pa ang ugat niya roon na gusto kong hawakan bigla.

"Really?" nakanguso niyang sabi. Tumango ako at pinisil ang ilong niya.

"Hmm, you're hugging me the whole time and whispering words na hindi ko na maintindihan but it's cute," tinanggal ko ang buhok sa noo niya. "Namumula rin ang mukha mo and your ears din. Gwapo mo kapag lasing," asar ko.

Gumuhit ng ngiti sa labi niya at umayos ng upo. Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang upuan ko at bigla niyang inilapit ang mukha sa akin. I stilled. My face burned.

Namumungay pa ang mata niya na may halong kapilyuhan habang nakatitig sa akin. "How about now? Am I not handsome when I am not drunk?"

"Uhmm," I scanned his face. Mula sa mata niya pababa sa ilong niya at sa labi niya na nakaangat ang sulok dahil sa pinipigil na ngiti.

"Uh ano, gwapo naman," wala sa sarili kong sabi. He moved his face closer and gave a peck on my jaw. Nag-init ang mukha ko.

"Uh-huh?" Gumapang ang kamay niya sa baywang ko at ang halik sa panga ko ay napunta sa gilid ng labi ko.

"Y-yes, uhh..." Bumaba ang tingin niya sa labi ko at halos kilabutan ako sa haplos na ginawa niya sa baywang ko.

He caressed it. I lost my sanity. He touched it and I felt like I'd gone crazy! Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa labi niya. It looks delectable and alluring.

Lumapit ang mukha niya sa akin, inilapit ko rin ang akin. Mas pumirmi ang kamay niya sa baywang ko at bago pa man siya makalapit ay inunahan ko na siya, only to get disappointed when he avoided my face, dahilan para tumama ang halik ko sa panga niya.

Kaagad na bumagsak ang balikat ko sa ginawa niya habang siya ay nakangisi sa akin.

"I was just teasing you." Tawa niya pero hindi ako tumawa pabalik. I maintained my straight face and shut him up by removing his hand from my waist and moving away from the counter.

"Baby!" biglang tawag niya sa akin nang maglakad ako paalis pero hindi ko siya nilingon. Naglakad ako patungong sala nang hindi siya sinusulyapan.

"Thallia! Baby!" he shouted pero kunwari ay hindi ko narinig. I walked faster but got startled when I felt his hand on my arm. Nang ipihit niya ako paharap ay iniangat ko ang kamay ko para itulak siya palayo pero kaagad niyang nahuli ang dalawang kamay ko.

"Get off me!" nakasimangot kong sabi pero mas hinawakan niya lang ang braso ko.

"Baby," he pouted and smiled. Inirapan ko siya at hinila ang kamay ko.

Paasa!

"Thallia, sorry na," he said sweetly. Umirap akong muli at pilit na hinila mula sa kanya ang kamay ko.

"Bitiw!" Pumalag ako.

"Ayaw!" he stubbornly smiled again.

Nakakainis, nagpapa-cute pa!

"Isa, Iñigo Rafael!" Sa pagsita ko ay siya ring paghuli niya sa baywang ko pahatak sa kanya dahilan para dumikit ako sa katawan niya. My hand went straight to his neck na parang alam nito ang dapat niyang kalagyan. My eyes widened. He grinned.

"Why, Thallia Josephine?" he huskily asked me. Kumabog nang malakas ang dibdib ko at tinanggal ang kamay ko sa leeg niya.

I moved a bit but his arms were firm on my waist. Mas idiniin pa niya ako sa katawan niya at napigil ko ang hininga nang sa muli paggalaw ko ay nagawa niya akong isandal sa pader.

"Is my baby mad at me?" Lumamlam ang mata niya.

Kinagat ko ang labi para magpigil ng kilig.

"Hmm? Are you mad?" Tinagilid niya ang ulo at sinilip ang mukha ko. Nang hindi pa rin ako nagsalita ay iningat niya ang baba ko para magsalubong ang mata namin.

"I love you, Thallia..." Mabilis na nag-angat ang tingin ko sa kanya at umawang ang labi ko.

"Huh?" gulat kong sabi. Literal na nararamdaman ang pag-ikot ng sikmura ko.

"Do you love me too?" Hinaplos niya ang labi ko.

"I-I told you already, I love—" Dumampi ang halik niya sa labi ko. Mapanuya ito at nang-aakit. Mabilis ko namang ipinaikot ang kamay ko sa leeg niya para gantihan ang ibinibigay niya. He wrapped his arm around my waist to pull me closer.

"What, baby? I wanna hear it again," bulong niya sa pagitan ng labi ko. Nag-init ang pisngi ko at mabilis na tumingkayad para bigyan siya ng banayad na halik. He didn't fail me, kaagad niya iyong ginantihan. Each smack gave me goosebumps, ang panaka-naka niyang pagkagat sa labi ko ay nagdudulot ng kakaibang init at panatag sa pakiramdam ko.

He sucked my tongue while French kissing me as I pulled his hair to kiss him deeper. He moaned when I touched his back. His hands found their way to my nape, urging me to kiss him more. He held my jaw and his kisses went to the side of my lips, nipping my skin.

"I-I love you, Attorney," bulong ko habang naghahabol ng hininga. Idinikit niya ang noo sa akin, ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya sa labi ko. The moment I opened my eyes, nalunod ako sa lalim ng mga mata. It held different emotions I couldn't name. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang kasama siya.

The decision I made was right—to not hurt him and I am happy he loves me too. Matamis ko siyang nginitian at mahigpit na niyakap. This is my home. I will keep loving him no matter what.

I promised my Dad that I would look for evidence to prove his innocence and resolve his problem.

𓍝𓍝𓍝

WE'RE in court again and I can't help but be proud to see him work with passion. The good thing about my boyfriend is that he doesn't just easily accept cases without further deliberation.

He was lucky because he had his own firm and he got to decide what he would take or not. But in reality, in most practices, not everyone could choose who they wanted to represent. Most people didn't even have the chance to afford their own lawyers.

He researches before saying yes and I helped him out. That's why I know how hard it is for him to keep up with his job. He wanted his work clean and smooth. It's hard but I can see his determination to win any case for his client. He really loves what he's doing; that's why no one can blame him for working this hard.

I just hope he'd consider it before finally accepting Perez's offer to represent Fernan Perez and be their lawyer against my Dad.

Matagal ko nang naririnig at iniyayabang nila na kukunin nila si Iñigo, kaya nandito ako ngayon, but I hoped he wouldn't.

I hope...

He's a successful lawyer at his age. Mana siguro sa daddy niya, Atty. Ejercito Sandejas, a pro-bono lawyer also has these skills, too bad he has to quit to take care of his wife. Nakapamulsa si Iñigo at gamit ang isang kamay ay pinasadahan ang buhok bago hilahin ang necktie niya.

'Di ko maiwasang mangiti nang tumabingi na naman iyon.

It was Mr. Jacinto's case, the innocent man who was framed for doing illegal drugs. Siya rin iyong muntik nang magpakamatay. Nang kinailangan ni Iñigo ang mga ebidensyang hawak ko ay kaagad akong tumayo at lumapit.

Tumayo ako at inabot kay Iñigo ang envelope para sa mga resulta. Inilahad ko ang kamay ko para iabot sa kanya pero hindi naman niya tinanggap kaya nagtaka ako. Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya kumunot ang noo ko. He pouted and nodded his head kaya mas lumapit pa ako sa kanya.

Iniabot ko ulit sa kanya ang envelope at natigilan ako nang humaplos ang kamay niya sa kamay ko. Napaismid ako at nagpigil ng ngiti sa ginawa niya. Seryoso naman siya at parang walang ginawa kung makaasta.

"Thank you, baby," mahinang sabi niya na kami lang ang nakakarinig. Ngumiti ako at tumango bago bumalik sa upuan ko.

Damn, Iñigo. Nagtatatrabaho ka pero bakit sobrang kinikilig pa rin ako, huh?

The trial ended well. Napatunayan na inosente ang kliyente niya kaya masaya ako. Iñigo was also in a good mood at ayaw bumitiw sa kamay ko kahit na nagda-drive.

"Attorney, mag-drive ka nang maayos diyan," natatawa kong sita nang pinisil niya ang kamay ko.

"What? I'm driving just fine, baby," sagot niya sa akin bago kumindat.

Deretso kami sa condo niya pagkatapos. We decided to stay here for the night kaysa sa bahay niya. Matagal na rin kasing hindi niya napupuntahan ito kaya nag-suggest siyang dito muna kami magpalipas ng gabi.

Siyempre ay hindi ako tumanggi. Why would I? I want some private time with him!

Napigil ko ang ngiti ko at nag-init ang pisngi ko.

"Why?" sinilip niya ang mukha ko kaya ngumisi ako at umiling. Umusog ako sa kanyang gilid at pinagapang ko ang kamay ko sa baywang niya. I held his waist at natatawang inakbayan niya naman ako.

Nang makalabas kami sa elevator at makarating sa unit niya ay kaagad kaming pumunta sa kusina at inilabas ang pinamili namin.

"You want to cook?" habang nagtitimpla ako ng juice ay biglang nagsalita si Iñigo.

"You bet." I wiggled my brows at him.

Tumawa naman siya at itinuloy ang paghihiwa ng rekado para sa ulam namin ngayon.

"Kapag ako ang nagluto, magtatao ka sa banyo," sabi ko naman bago naglakad palapit sa kanya. Sinilip ko ang ginagawa niya mula sa balikat niya.

"Why? Your food's good," sinilip niya ang mukha ko.

"Good?" Inirapan ko siya. "Is that an insult or a compliment?"

"Uh, hmm, both?" Hinampas ko ang likod niya. "But hey, the food tastes good on your lips!" he exclaimed, kaya natawa ako at sinundot ang tagiliran niya.

Matapos kumain ay kaagad kaming dumeretso sa kwarto niya para manuod ng movie na pinili ko. We laid down on his bed habang may popcorn naman sa gilid ko.

"Times like this with you will always be my favorite," bulong niya sa pagitan ng panonood namin.

"Me too," I whispered back. Inabot ko ang popcorn bago ko isubo sa kanya.

Habang nanunuod kami ay napakalambing ni Iñigo. Mukhang ako na nga lang ang nanunuod at natatawa sa rom-com na pinapanood dahil panay ang yakap at halik niya sa pisngi ko. He's also playing with my hands o hindi kaya ay ipapasok ang kamay sa loob ng damit ko.

"Iñigo!" I warned him. Tumawa naman siya at mabilis na pinatakan ng halik ang labi ko.

I wish our time would always be like this. I wished we could stay like this forever. I wished I could stay with him without complications.

"Iñigo," mahinang tawag ko sa kanya nang manahimik na siya at pinaglalaruan na lang ang buhok ko.

"Hmm?" he hummed.

"I have something to tell you," mahinang sabi ko. Tumagilid ako ng higa sa braso niya at ibinigay niya sa akin lahat ng kanyang atensyon.

"What?"

I thought about this for days now and I think this is the proper time to separate.

"I think I should go back to my place." The ghost smile on his lips faded as he listened to me. Nagsalubong ang kilay niya at sa kabila ng kadiliman sa kwarto ay nabakas ko ang takot sa mata niya.

"What?" mariing sabi niya.

"Babalik na ako sa unit ko," I answered him.

"No," kaagad niyang sagot and I expected it. I sighed and touched his cheeks.

"Iñigo, listen..."

"No, you're not leaving me," matigas niyang sabi.

"I'm not gonna leave you!" Pag-iling ko. "Hey, Iñigo, baby." Umupo ako sa kama at kaagad din siyang naupo.

"I'll just go back to my place, that's it, hindi naman ako lalayo sa 'yo," pagpapaliwanag ko.

"Why? I have my house, and we can live there together! Bakit kailangan mo pang umalis?" Pumirmi ang labi niya.

"You don't get it! Siyempre, what would people think if they discovered that we're living together under one roof?" sabi ko.

"Fuck them. I don't care about what they will think! So what, you're my girlfriend!" he insisted. Natabunan na ang ingay ng pinapanood namin dahil sa pag-uusap.

"Iñigo, hindi naman sa ganoon," sabi ko. "I am crazy, maybe, because ngayon ko lang 'to naisip pero nag-aalala lang ako sa 'yo. You're a respected lawyer, ano na lang iisipin ng iba kung malalaman nilang may babae ka sa bahay?"

"And what is it to them? You said it yourself, we're in the twenty-first century. And babae? You're not just a mere woman, Thallia! Girlfriend kita!" he insisted. Napapikit ako at napasuklay naman siya ng buhok, frustrated. "And ano naman ngayon kung kasama kita sa bahay? Is that wrong?"

Hindi ako nakaimik.

"I care for you, Thallia. I don't care what they say about us! You will stay with me no matter what!" giit niya. "And your place isn't safe! What would I do kapag may nagtangka na naman sa 'yo? What can I do to save you?"

"Iñigo, nothing will happen anymore," mahinang sabi ko.

"How can you be so sure?" tugon niya.

"I will keep myself safe, Iñigo. Walang mangyayaring masama sa akin," I assured him.

"You can just stay in my house. I will keep you safe. Bakit aalis ka pa? We can live there! I'll take care of you."

"I can't just depend on you, Iñigo!" frustrated kong sagot.

"That's bullshit! Why can't you? I—"

"Hindi naman habang buhay ay kailangang dumepende ako sa 'yo! I have my own life too, Iñigo! I need to fight for myself too! Hindi p'wedeng ikaw lang ang poprotekta sa akin! Kailangan ko ring lumaban para sa sarili ko!" putol ko sa sinasabi niya.

And for your safety, too!

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Nakita ko ang pagsasalubong ng kilay niya at mayamaya pa ay nag-iwas siya ng tingin. Umigting ng panga niya at ang kumuyom ang kamay.

"Then, is it a bad thing that I am depending too much on you, too?" he said. I sighed.

"Iñigo," inabot ko ang kamay niya pero iniiwas niya ito. Kumirot ang puso ko.

He only cares for me, kaya ayaw niya akong paalis sa tabi niya and I cared for him, too. Ayokong madamay muna siya sa kaguluhan ng buhay ko.

Attorney Velgas asked me to lie low my connection with Iñigo. Now that I have decided not to do our plan ay mas gugulo pa ito. Ngayon pa na alam na ni Maica Perez na malapit ako kay Iñigo. It may take some time pero madadamay siya. I don't want them to use him to get through me.

I can't risk his safety too, as much as I want to stay with him ay hindi na lang iyon basta-basta. Baka maisip nila na kasabwat ko si Iñigo at mapahamak siya kagaya ko. I don't want that.

"Iñigo, hey." Maingat kong hinawakan ang pisngi niya. Nakakunot man ang noo at seryoso ang tingin ay tumitig siya sa akin.

"I love you, okay?" Hindi siya nagsalita. "Hindi ako lalayo sa 'yo, I promise. Babalik lang ako sa tinutuluyan ko."

"Paano kapag—" tumikhim siya at mariing pumikit. "Can you always tell me what you're doing if you leave my place?"

"Of course," ngumiti ako at hinaplos nang marahan ang pisngi niya.

"Paano kapag wala kang load? How can you call me?" Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Naka-line ako," hirit ko. Nagmulat siya ng mata pero hindi siya tumawa.

"Can you really call me right away if you're in danger? I bet you can't," inabot niya ang kamay ko sa pisngi niya.

"Look," mabilis kong inabot ang phone ko at ipinakita sa kanya. "Ikaw ang nasa speed dial ko, I can call you quickly."

"I'm not contented," malamig niyang sabi. He bit his lip at naihilamos ang kamay. Mayamaya pa ay tumayo siya at pinagmasdan ko siyang may kunin sa vault niya. He came back with a box in his hand at mabilis siyang lumuhod sa harapan ko.

"What's that?" nangunot ang noo ko nang makita ang hawak niya. Naupo siya at inilabas ang isang kwintas mula roon. It was a gold necklace. Ibinagsak niya iyon sa harapan ko at kaagad akong namangha sa pendant nito.

It has a crystal stone sa gitna at may hugis pakpak sa magkabilang gilid. Napakaliit lang no'n kaya 'di pansin unless ay malapit na titigan.

Pinagmasdan ko siya habang inilalagay niya iyon sa leeg ko. Nang mailagay ay kaagad ko itong hinaplos at nag-angat ng tingin sa kanya.

"Zeij gave it to me. Said this could come in handy if I need it and it is now. It's a tracker," imporma niya. Nangunot ang noo ko at ineksamin ang kwintas pero wala naman akong nakitang kakaiba.

"Tracker? What? I can't carry this around just like that, Iñigo," naguguluhang sabi ko.

"Of course," he answered. "It was turned off at gagana lang kapag ginusto mo," aniya. "You can use this when you're in danger," paliwanag niya.

"Here, press this," bigla niyang pinindot bahagya ang crystal sa kwintas at nakita ko ang pagtunog ng phone niya.

"It's connected to my phone and could access your location kaya mahahanap kaagad kita." Umawang ang labi ko at sinubukang gawin ang ginawa niya at nawala ang ilaw at tunog ng phone niya.

"Iñigo, this is too much," mahinang sabi ko.

"No, that's my assurance that you're safe. I can't risk you, Thallia," sabi niya. Hinaplos niya ang panga ko at nagsalita. "Please keep it, Thallia. Activate it when you're in danger, please. I will find you kahit saan pa 'yan. I promise," he murmured.

Tila may humaplos sa puso ko.

Kung mahal ko na siya, mas minahal ko pang lalo pagkatapos nito.

"Salamat, Iñigo," mahinang sabi ko. "Please keep yourself safe as well, baby. I can't risk you, too." Hinaplos ko rin ang mukha niya. Suminghap siya at mabilis akong hinigit para sa isang mainit na yakap.

"Fuck this feeling, it feels like I'll lose you anytime," mariing sabi niya at mabilis kong ipinulupot ang braso ko para yakapin siya pabalik.

I am afraid too, Iñigo. I'm afraid I will lose you anytime soon, too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co