Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 25

heartlessnostalgia

Kabanata 25

UMAWANG ang labi ko sa gulat at hindi nakapagsalita. He offered his hand to me pero hindi man lang ako nakagalaw sa pwesto ko. Puno ng pagtataka ang utak ko at malakas ang kabog ng puso ko.

"Thallia," nang magsalita si Attorney Velgas ay saka ko lang mabilis na tinanggap ang kamay ni Iñigo na nakalahad. I am aware how cold my hand is at nang nahawakan ko ang kamay niya ay humigpit ang hawak niya roon.

My forehead creased at mabilis na hinanap ang mata niya pero wala naman siyang reaksyon na ibinigay sa akin.

Standing in front of me was a cold Attorney Iñigo Sandejas.

"N-nice meeting you," nakagat ko ang dila ko sa pagkautal at dahan-dahang humiwalay sa kamay niya. Nang sulyapan ko si Attorney Velgas ay nakangiti siya sa akin at mabilis na lumapit at mahinang bumulong.

"You know him, too, right, Thallia? I know you wouldn't doubt his abilities anymore," sabi niya bago humiwalay at nakita ko ang pag-ngisi niya kay Iñigo.

"Attorney Sandejas," tawag niya sa pansin ni Iñigo na nakatayo lang at nakamasid.

"Attorney," he acknowledged.

Attorney Velgas offered his hand to him na kaagad namang tinanggap ng huli. I stared at them as they shook hands. Malaki ang ngiti ni Attorney Velgas habang si Iñigo naman ay puro tango lang ang sagot.

"I'm glad you made this meeting possible." Naglakad sila pabalik sa lamesa kaya sumunod ako kahit na nalilito.

My mind's flooded with countless questions pero hindi ko mahanap ang boses at makapagtanong sa kanila.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa siko ko at napabaling kay Iñigo. Ipinagbuhat niya ako ng upuan pero nag-aalangan pa ako noong una pero sa huli ay naupo rin ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang tao na nakaupo sa harapan ko, naguguluhan pa rin.

"What's happening?" I never had the chance to stop myself from asking. Sabay silang napalingon sa akin at may bakas ng ngiti sa labi ni Attorney Velgas.

He probably thinks na maayos pa kami ni Iñigo! But why him? Nilingon ko si Iñigo at kinunutan ng noo but he didn't even flinch.

What is your plan, Iñigo?

"He's Perez' lawyer, isn't he?" I voiced out.

"I am not," he answered me.

"Huh?" naguguluhan kong sabi. Napalingon ako kay Attorney Velgas at nag-antay ng sasabihin niya pero nagsalitang muli si Iñigo.

"I rejected the case," he said. "But I can be a big asset to you since I have a background regarding the case."

Napatango ako at buong pagtataka bumaling kay Attorney Velgas.

What's happening? How is this possible?

"He contacted me last time and asked if he could set a meeting dahil may gusto siyang sabihin. He asked me if he could be your Dad's lawyer instead." Iñigo nodded and played with the pen in his fingers.

"So..." huminga ako nang malalim at inilipat-lipat ang tingin sa kanila. "Iñigo—I mean, Attorney Sandejas will be my Dad's lawyer?"

"If you permit," prenteng sabi ni Iñigo at tinagilid pa ang ulo para tingnan ang reaksyon ko.

"Uhmm," I cleared my throat at napatingin ako sa balikat ni Iñigo. Hindi ba masakit iyon?

"Ano kasi," hindi ako makapagdesisyon habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Paanong si Iñigo ang magiging abogado namin kung ilang araw na lang ay trial na ng kaso ni Dad?! I won't question his abilities pero siya ang abogado ng kabila! At least sa mga naririnig ko! Sa rumors! Nasabi rin ni Atty. Velgas kaya nga siya ang punterya ko!

But I did hope he won't take it which he didn't now, kaya siya nandito Paanong sa amin na ngayon? Is that even possible?

"You know how much I despise myself for being careless. I let them steal the evidence. I feel like I'm incapable of defending this case with the high hopes of winning, Thallia. So please, give him a chance," ani Attorney Velgas sa akin at para sa tahimik na si Iñigo habang nakamasid lang.

"T-the trial will be days from now," sabi ko at nilingon si Iñigo.

He nodded. "I know and I have studied the case well," he assuringly answered.

Saglit akong nag-isip at sumulyap kay Attorney Velgas na tumango sa akin. I still have doubts and questions, pero sa huli ay nakita ko na lang ang sarili kong pumapayag sa gusto nila.

Was this the reason why Iñigo told me to trust him?

They ordered food noong pumayag ako. There was a triumphant smile on Attorney Velgas' face habang seryoso naman at walang imik si Iñigo. I need to talk to him privately later. Kailangan kong maintindihan ang mga nangyayari.

"Uhm, can I ask if..." Nilingon ko si Iñigo. "Who's Perez's new lawyer?"

"Someone I don't know," Iñigo answered. "Dalawa kaming gusto nila pero hindi ko kilala 'yong isang abogado na kinuha nila."

The food was served at kaagad akong natakam nang makita ko ang mga ito. My stomach almost groaned at binasa ko ang labi ko bago nagsimulang kumuha ng pagkain.

Mabilis akong sumubo pero natigil ang pagnguya ko nang makitang sinusundan ni Iñigo ang galaw ko. Nakita ko ang pag-ngisi niya bago umiling at nagulat na lang ako nang kumuha siya ng pagkain at inilagay sa plato ko.

"Iñigo! Marami na 'yan!" Umiling ako at sinubukang pigilan siya pero hindi siya pumayag at sumimangot sa akin.

"Let me, you should eat a lot." Hindi na ako nakaangal nang hawiin niya ang kamay ko na pumipigil sa kanya at siya na ang naglagay.

He even poured juice on my glass saka siya kumain. Napalingon ako sa walang imik na si Attorney Velgas at nang mapansin akong nakatingin ay ngumiti siya sa akin. I smiled back at him bago nagsimulang kumain na rin.

Mabuti na lang at hindi ako nasuka sa mga pagkain. It was delicious, ni walang reklamo si baby sa kinain namin pero kalaunan ay hindi ko rin naubos dahil busog na ako. Ininom ko ang juice na nasa baso ko at napatingin kay Iñigo na ngumunguya. Tumikwas ang kilay niya nang makita ang plato ko. Nilingon niya ako ay ngumuso lang ako at umiling.

Nagbaba ako ng tingin at tumingin sa tiyan ko.

I am still craving donuts and uhm, Iñigo.

"Excuse me, restroom," paalam ni Attorney Velgas sa aming dalawa.

Silence filled us when we were finally left alone. Nakita ko ang pagpunas niya sa labi niya gamit ang tissue at gusto ko namang magsalita at magtanong ay hindi ko nagawa nang bigla siyang lumapit sa akin upang punasan ng tissue ang gilid ng labi ko.

"Messy," he said after cleaning the side of my mouth. Ang lapit din ng mukha niya sa akin kaya napatikhim ako at umayos ng upo.

"Bakit hindi mo inubos?" tanong niya habang nakamasid sa pagkain ko.

Narinig ko ang pag-usog niya ng upuan niya palapit sa akin at ipinatong niya ang braso sa likod ng upuan ko kaya mas natigilan ako.

"Huh?" napakurap ako.

"You're full?" sinilip niya ang mukha ko. Ang kaninang walang emosyong mga mata ay lumamlam at malambing.

"Huh? Uhm, oo." Tumango ako. "Your shoulder?" Napasulyap ako. "Is that fine?"

"Kinda," he answered me, then smiled.

Halos hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Nang mapansing natulala ako ay napatawa siya nang mahina at dumapo ang kamay niya sa balikat ko.

"You're nervous?" bulong niya.

"Naguguluhan kasi ako, I'm—" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil napansin kong natahimik si Iñigo at iniikot ang tingin niya.

"Fuck!" he cursed at biglang nawala ang kamay niya sa balikat ko. "They're here," he whispered.

"Here? Sino?" Lilingon sana ako pero kaagad na bumalik ang kamay niya sa balikat ko para pigilan ako.

"Act natural," bulong niya sa akin.

"What natural?" I asked him, confused.

"Act sweet. Come on," sabi niya.

"Sweet? Ano? Paano?" nalilito ako.

"Kiss me." Napaayos ako ng upo at napalingon sa kanya.

"What?!" I exclaimed. Ngumuso siya at natawa pero kita ko pa rin ang pagiging alerto sa mata niya.

"Come on, baby. I know how much you missed my lips." Natigalgal ako at halos mahila ang buhok niya.

"You!" Sumimangot ako at napapikit nang pitikin niya ang noo ko.

"I miss yours, too, actually," he leaned in and gave me a smack. Mas nanlaki ang mata ko at nagwala ang puso ko sa ginawa niya.

"Iñigo!" sita ko.

"Hmm? Yes?" Nakita ko ang pagsilip niya sa may likod ko nang panaka-naka.

"What exactly is going on?" He didn't answer me but instead, he leaned in and kissed my cheek.

"I miss you so much, Thallia. Damn, everything. I just want to be with you," bulong niya.

"I'm confused, Iñigo. Please, hindi ko talaga maintindihan. Paanong ikaw na ang abogado ng Dad ko sa kaso niya?"

At bakit mo sinasabing nami-miss mo ako kung narinig ko mula sa 'yo na laro lang ang meron tayo?

"They're playing with us. Those fucktards won't stop until you're gone," sagot niya. Inatake ng kaba ang puso ko pero kaagad akong kumalma nang haplusin niya ang balikat ko.

"Forgive me, baby... Please, let me explain," he whispered like an oath.

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya pero ang sumalubong sa akin ay ang malungkot at pagod niyang mga mata.

"I will explain everything. I promise," mahinang sabi niya bago lumingon ulit nang pasimple.

"Sige," tumango ako habang nakatingin sa kanya, may kung anong nakaharang sa lalamunan ko.

"Explain everything, okay? Kasi masakit, Iñigo, sobra," muntik na akong pumiyok nang maramdaman ang pagsikip ng paghinga pero agad akong tumikhim at tumungo para itago ang sakit sa mga mata ko.

"I will." Kinabig niya ako para mas mapalapit ako sa kanya at bumulong sa akin. "Just trust me, baby. Trust that I'll do everything for you." Tumango ako at hinawakan ang laylayan ng coat niya.

I trust you, Iñigo. Naniniwala ako sa 'yo.

Tahimik kami sa mga sumunod na sandali habang nakasandal lang ako sa kanya. Siya naman ay patuloy sa pagmamasid sa paligid.

"Attorney Velgas is still not here," sabi ko pagkaraan.

"Don't easily trust anyone, Thallia," bulong niya. Natigilan naman ako at lumayo para tingnan siya.

"What? Why? That's Attorney Velgas we're talking about, I trust him," sabi ko sa kanya pero umiling siya sa akin. His face darkened and his jaw clenched.

"I stole your evidence," halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.

Paanong ninakaw? Bakit?

"What are you talking about?" naguguluhang sabi ko. He shook his head and sighed.

"I had to do that," aniya.

"But why?"

"I will explain later. Now, act sweet, okay? Let them see na ayos na tayong dalawa," sabi niya sa akin. Nalilito man ako sa nangyayari ay inabot ko ang kamay niya para hawakan.

"Hindi ko alam kung anong ginagawa mong ito pero may tiwala ako sa 'yo, Iñigo. I am trusting you with all of me." Hinaplos ko ang kamay niya.

"I am trusting you'll keep your faith in me, Thallia. I will keep you safe no matter what," napangiti ako at nakita ko rin ang pag-angat ng labi niya para ngitian ako. I felt my heart calm. Something inside me is telling me to trust him with all of my heart, na may dahilan lahat ng ginagawa ni Iñigo.

Isang tikhim ang nagpahiwalay sa amin at kaagad akong napalingon nang dumating si Attorney Velgas.

"Sorry, may nakita kasi akong kakilala," there's a wide smile on his face when he said that bago ako balingan. "Hija, is everything okay?"

Tumango naman ako at bahagyang lumayo kay Iñigo.

"I see." He grinned and looked at Iñigo. "I see everything's doing just great," aniya at nang tingnan niya ako ay hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at natakot.

His smile seems different now o baka para sa akin lang. Maybe my perspective of him got somehow tainted? Am I seeing him in a different light now?

Kung sa tingin ko ay maayos naman bakit ngayon ay parang natatakot ako sa ngiting ibinibigay niya? Kaagad kong sinulyapan si Iñigo at kita ko ang pagiging malamig muli ng mga mata niya.

"Maybe, I should leave," turan niya bago ngumiti. "Nice meeting you again, Attorney Sandejas," he extended his hand towards him na kaagad namang tinanggap ni Iñigo.

"Nice meeting you too, Attorney Velgas," sagot niya at nang maghiwalay ay binalingan ako ni Attorney

"Hija, call me if you need something, okay? Though I know our lawyer here can take care of everything," tumango siya sa akin at tinapik ang likod ko bago naglakad paalis.

I watched his back as he walked towards the exit at ang tahimik na Iñigo kanina ay inabot ang kamay ko at nakita kong lumapit siya para bumulong.

"They're still here," sabi niya.

"Sino nga?" sumulyap ako sa paligid.

"Perez's men, they're here." Nawalan ako ng imik sa sinabi niya. "Now, I want you to go to the restroom and stay there. Wait for me." Tumango naman kaagad ako at kunwaring nagpaalam sa kanya na pupunta akong banyo.

I walked slowly but cautiously towards the restroom. Habang naglalakad ako'y kinakabahan pa ako dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Pagkapasok ko ay walang sino mang tao sa banyo kaya tumayo lang ako roon at naghugas ng kamay. I stared at my face in the mirror and saw how worn out I am.

I've been really stressed this week. Hindi ako makatulog nang maayos dahil inaalala ko ang Dad ko, ang tungkol sa kaso, ang mga Perez at si Iñigo. What I need right now are explanations.

I want to know what triggered Iñigo to do that? What's stopping my Dad from confessing?

Marahas akong napalingon sa pintuan nang may tumulak nito pabukas at nagulat ako nang makita ang nakasimangot na si Iñigo na mukhang nagmamadali. Kaagad niyang ini-lock ang pinto at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa. Mabilis niyang hinawakan ang balikat ko at kaagad na isinuot sa ulo ko ang isang kulay itim na cap.

"We have to get out of here. The fucktards almost followed me in the restroom! Mabuti na lang at hindi nila napansing dito ako pumunta." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at mabilis niyang hinawi ang buhok ko sa may mukha at inayos sa ulo ko ang cap.

He pulled away at kaagad niyang hinubad ang coat niya. Leaving him on his white button-down shirt, pero kaagad kong napansin ang pula sa may balikat niya.

"Iñigo, 'yong balikat mo!"

Nilingon niya iyon pero umiling lang at kaagad na inabot ang kamay ko.

"Let's go," he said.

"Pero..." Kumunot ang noo niya at hindi na ako pinagsalita at mabilis na sinuot ang sumbrero niya. Marahang hinila niya ako palabas ng restroom at kaagad na umikot ang paningin niya. Nang masigurong walang kahit anong naghihintay sa amin sa labas ay kaagad niya akong inakay palabas.

We walked towards the exit, may nakakasalubong kaming iilang tao at nang makita ko ang lalaking kahina-hina na nakaabang sa isang lamesa ay tumungo ako at ibinaba ang cap ko. Marahang binitiwan ako ni Iñigo para hindi mahalata at kaagad akong nauna palabas. Mabilis na nakita ko ang sasakyan ni Iñigo kaya lumapit ako roon pero hindi pa man ako nakakalapit mismo ay napansin ko na ang itim na van sa may tapat nito.

May iilang lalaki ang nakasandal doon, ang isa'y naninigarilyo at ang isa'y may kausap sa telepono. Nang maramdaman ko ang presensya ni Iñigo sa likod ay kaagad kong hinarap siya at inilingan.

Nangunot saglit ang noo niya sa ginawa ko pero nang magawi ang tingin niya sa pwesto ng sasakyan ay nagmura siya at hinawakan ang kamay ko.

We slowly escaped the scene. Magkahawak kamay kaming naglakad palayo sa restaurant. He stood behind me, checking for something suspicious at agad naman akong nagpara ng taxi para makasakay kami.

"Hindi talaga sila titigil," mariing giit ni Iñigo at tinanggal ang cap niya. He frustratedly ran his hands over his hair at sumilip sa bintana ng taxi. Nadaanan namin ang van at ang mga lalaking nakaabang doon. Napansin kong may kausap na sila. Tinitigan ko ang kanilang mukha at mapagtantong sila 'yong nasa restaurant kanina.

Napasulyap ako kay Iñigo, I saw him getting his phone at may tinipa roon.

"Zeij, double Hubert's security," kausap niya sa linya. Natigil ako nang marinig ko ang pamilyar na pangalang iyon. Mabilis kong tinanggal ang cap para mapagmasdan siya.

"Yes, they're still trying to catch us," sabi niya. "Add more securities sa ospital, sa pamilya niya, and please send spies to jail," umayos ako ng upo nang ibaba niya ang telepono.

Nang balingan niya ako ay kaagad akong nagsalita.

"You know Hubert? You sent him?"

He nodded.

"The witness?" Pero sa halip na sagutin ako ay hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya.

"Hmm," he nodded and hummed against my hand.

"Why?" tanong ko. "Paano mo siya nakausap? Paanong—" Kaagad niyang hinuli ang baywang ko kaya napausod ako sa kanya at mabilis niya akong pinasandig sa balikat niya.

"I will entertain questions later, baby," bulong niya sa buhok ko. "Now, rest."

Tumango naman ako at ipinikit ko ang mata pero nang maramdaman ang pagke-crave ko ay nagsalita ako.

"Iñigo, can I have donuts?" sabi ko.

"Donuts? Sure, I bought some, nasa bahay."

Napangiti ako sa sinabi niya at kaagad na ipinaikot ko ang kamay ko sa baywang niya. Inamoy ko ang leeg niya at lumuwag ang paghinga ko.

"Our baby wants donuts, hmm?" Ang ngiti sa labi ko ay kaagad na nawala at natulak ko siya sa gulat. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero tinagilid niya lang ang ulo niya habang nakamasid sa akin.

"You—"

He smiled and I saw how his blue eyes brightened.

"Of course, I knew," sagot niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at kinabig niya lang ako pabalik sa kanya.

"You see, the two of you are my strength," he whispered and caressed my stomach. "I wanted to stay quiet and move on my own and try to keep you safe. Gusto kong ako lang ang may alam ng lahat sa ngayon para hindi ka madamay but I don't want you to get stressed," bulong niya.

"I have done things too, Thallia. I hurt you so bad, see how fucking asshole I am? I just want to keep you both safe. I can't risk your safety anymore. So, please let me fight for your Dad's innocence."

Tumango ako nang maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko sa sinabi niya.

"If they want to play with us, then let's play with them," he said cunningly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co