Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 24
Kabanata 24
"WHAT'S the matter?" inaantok na tanong ni Ally habang inaayos ang robe niya pagkatapos kong katukin ang kwarto nilang mag-asawa.
"I-I need help," nagmamadaling sabi ko at nang makita ko na lumabas ng kwarto nila si Greg na nagsusuot pa ng shirt ay kaagad akong nagsalita.
"Greg, I need help." Nangunot ang noo nito at kaagad na tumabi sa asawa.
"Help? Bakit nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Ally pero kaagad akong umiling at hindi ko matapos ang sasabihin ko.
"S-sa kwarto, I—" tumikhim ako at humugot ng malalim na hininga. "I-Iñigo's there, please," hindi mapalagay na sabi ko at nilingon ang kwarto ko.
"Iñigo? Who's that?" gulong tanong ng kapatid ko pero hindi na ako nagsalita at mabilis na naglakad at ramdam ko na sinundan nila ako. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko habang naglalakad patungo sa kwarto ko.
I left Iñigo there to ask for some help. He's bleeding!
Nanginginig na binuksan ko ang pintuan ng kwarto at kaagad na binuksan ang ilaw, sumunod sila sa akin at narinig ko ang pagsinghap ng kapatid ko nang makita si Iñigo sa kama.
"God!" Ally exclaimed.
"Fuck!" biglang mura ni Greg at nagmamadaling tumakbo patungong kama. "What happened?" mabilis akong nilingon ni Greg at mabilis niyang inabot ang leeg ni Iñigo para tingnan ang pulso.
"H-he was shot," nanginginig kong sabi. Hindi naman niya ako sinagot at mabilis na tiningnan ang tama ni Iñigo sa balikat.
"We have to stop the bleeding! May tela ka ba?" mabilis akong tumakbo pagkatapos akong makadampot ng damit malapit sa bag ko at mabilis niya iyong kinuha at idinikit sa sugat ni Iñigo.
"I need my things." Lumingon si Greg.
"U-uh, nasaan? I'll get it!" Nagmamadaling sabi ko at halos mataranta na sa kaba at takot habang nakatingin kay Iñigo.
"No, you stay, Thallia. Don't panic," paghihinahon niya sa akin pero nanatili lang ang tingin ko sa balikat ni Iñigo na tinatakpan niya. "Ally, baby, you know where my things are, right?" ani Greg sa asawa niya.
"Yes, ako na ang kukuha," aniya at mabilis akong napalapit sa pwesto ni Iñigo.
"Is he in danger? W-what can I do?" nanginginig kong sabi habang nakatingin kay Iñigo na wala nang bakas ng kulay sa labi. Inabot ko ang malamig niyang kamay at hinigpitan ang hawak ko roon.
He was pale and I was scared something might happen!
"For now, hindi ko pa alam," sagot niya. "Gaano na katagal ang tama niya?"
"K-kanina, I—" naputol ang sasabihin ko at napatungo. "It's m-my fault, he-he saved me!"
"Calm down, Thallia." Napahilamos ako sa mukha at napahikbi habang tinitingnan si Iñigo.
"K-kung hindi niya ako niligtas sana hindi siya..."
"He'll be fine," Greg assured me.
"H-he was bleeding! What if he lost a lot of blood and—"
"He'll be safe, Thallia," pag-aalo niya sa akin.
Napahikbi ako at umiling. "It's my fault..."
"I promise, Thallia. I'll keep him safe." Napaangat ako ng tingin sa kanya at kahit nanlalabo ang mata ko ay kita ko ang kasiguraduhan niya.
"Greg! Here!" Isang humahangos na Allison ang pumasok at naglapag ng gamit sa kama.
"Careful," pigil niya sa nagpa-panic na si Allison at nakita ko ang pagtigil nito at ang pagbuntonghininga.
"Sorry," she apologized.
"Fine, you should go outside first. Bring Thallia with you, she can't see this." Nilingon ako ni Ally at kaagad siyang lumapit.
"N-no, I'll stay."
"Ate." Nilapitan ako ni Ally at kaagad na hinaplos ang likod ko. "Let's go." Pero umiling ako at nang tingnan ko si Greg ay nagsalita siya.
"Are you sure?" napatingin ako kay Iñigo na kunot ang noo at mukhang hirap na hirap. My heart ached when he groaned, obviously in pain. Ang lamig sa kamay niya ay mas nagpapakilabot sa akin.
"I have to remove the bullet and this will include a lot of blood," aniya. "Are you sure?"
"Ate, let's go out. He will be safe. Think of your child, don't stress yourself," pagpilit ni Ally sa akin.
Mula kay Iñigo ay napabaling ako sa kapatid ko na nag-aalala at kaagad na hinawakan niya ang braso ko.
"Please keep him safe," sabi ko kay Greg na nag-aantay sa desisyon ko at may kung anong kapanatagan ang naramdaman ko nang tumango siya sa akin at ngumiti.
"I will. What's his blood type?" he asked.
"AB," sagot ko naman.
Habang nasa labas kami ng kapatid ko ay hindi ako mapakali. Nakaupo lang kami sa sofa at nanunuod ng TV pero wala roon ang atensyon ko.
It's with Iñigo. How is he? Is he safe?
My sister did her best to distract me, hawak-hawak niya ang kamay ko at kini-kwentuhan ako pero hindi mawala ang kaba ko para kay Iñigo. Napapansin ko ang paglabas-masok ni Greg sa kwarto, I think he's in contact with the hospital at may kinukuhang gamit sa labas na inihatid.
"Uhm, Ate, mind if I ask you something?" ani Ally.
"Hmm, what is it?" I nodded at bumuga muna siya ng hangin bago nagsalita.
"Uhm, is Iñigo, the man upstairs, the father?" tanong niya at walang pag-dadalawang isip na tumango ako at humaplos sa tiyan ko.
"He is," I answered. Napatango siya at ngumiti sa akin.
"Sa susunod, can you tell me your story? That is if you're fine with it." She asked me. "I haven't seen you for years. The last time I saw you was at my wedding and hindi pa kita nakausap," malungkot na sabi niya.
"Sige," I smiled. "I will tell you everything once I fix it all, okay?"
"I'm looking forward for that," aniya. "But I am curious, how did he enter the house? Through your room?" Bigla kong naalala ang nangyari kanina.
"He probably got in through the window," sagot ko sa kanya. "Or maybe because he knew the bodyguards. Basta, nagising lang ako sa kaluskos tapos nasa tabi ko na si Iñigo. After he made sure that I was safe ay nawalan na siya ng malay," mahinang sabi ko.
Saglit akong nanahimik at sumilip sa itaas para makita kung nandoon na ba si Greg at tatawagin ako pero wala.
How is he? Did he lose a lot of blood? Is he alright?
"Ate, he'll be safe," ngumiti ako at tumango sa sinabi ng kapatid ko. I pursed my lips to speak but before I could even utter a word ay kaagad akong natigilan nang may narinig na boses.
"Thallia." Mabilis akong nag-angat ng tingin at napatayo sa sofa pagkarinig sa kanya.
"Is he?" He nodded at mabilis kong nilingon ang kapatid kong nakatingin sa akin at ngumiti ako bago tumango. Mabilis akong umakyat pataas at kaagad akong sinalubong ni Greg.
"He's fine," sabi niya. "Follow me." Kaagad ko siyang sinundan at pagkapasok namin sa kwarto ay kaagad na kumirot ang dibdib ko nang makita siya.
He's asleep, pale, and looks so tired. May benda rin ang balikat niya at may IV na nakakonekta sa kamay niya.
"Are you sure?" nilingon ko siya. Natawa siya nang mahina at tumango.
"Yes, I am."
"S-salamat," parang may mainit na humaplos sa puso ko sa ginawa niya. Napatingin ako kay Iñigo at pabalik sa kanya.
"It's alright," ngiti niya at nakita ko ang paglubog ng dimples niya. "But we have to transfer him to the hospital tomorrow. He needs facility and also to assure his safety and for further check-ups," aniya. "It was a gunshot, so he needs to be checked. Also to avoid infections." Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Salamat," I said sincerely.
If it wasn't for him, I don't know what would have happened to Iñigo.
"No problem," ngiti niya bago tumango. "Rest, Thallia," tumalikod na siya mula sa akin pero bago pa man siya makalabas ay tinawag ko siyang ulit.
"Greg," natigil siya at nilingon ako.
"What?" tanong niya. "Any problem?"
I shook my head and smiled. "I'm just glad someone like you takes care of my sister. I am glad she's in good hands. Thank you for making her happy."
A small, sweet smile engraved his lips na animo'y natutuwa siya sa narinig niya.
Tumikhim siya para itago ang ngiti niya bago tumango. "It's an honor to be able to keep and love her. I'm a lucky jerk, after all. I am beyond ecstatic to have her," he sincerely said.
"Salamat."
"Salamat din, sister-in-law?" Natawa ako bago tumango at natawa rin siya bago lumapit.
We shook hands and when he left, nakangiting lumapit ako kay Iñigo pagkatapos kong mahila ang isang upuan bago umupo sa tabi ng kama. I am glad someone made my sister happy while I was gone. Masaya akong namuhay siyang normal at payapa.
"Iñigo," inabot ko ang kamay niya pagkatabi ko sa kanya. Nakangiti ako at magaan ang pakiramdam ko ngayong alam kong maayos na siya. I am so damn scared, seeing him bathing with his own blood. I was scared I might lose him kahit hindi naman siya sa akin simula una pa lang.
"I love you," bulong ko habang hinahaplos ang kamay niya. It was not that cold anymore, 'di tulad kanina. "Kahit masakit, mahal na mahal kita."
"Thank you for saving me, for making me feel loved kahit panandalian. You cared for me and I am really thankful for that," hinaplos ko ang noo niya at humalik doon.
"Sana sa susunod h'wag mo na akong iligtas, huh? Don't try to risk your life for me anymore tapos bakit pumunta ka pa rito? I thought, Zeijan rescued you? Bakit hindi ka pa rin nagamot?" hinawi ko ang buhok niya at hinalikan ang kamay niya.
Kung tutuusin ay tulog siya at hindi ako naririnig pero gusto ko pa ring sabihin sa kanya lahat ng naiisip ko.
I may look stupid talking to a sleeping man but who can blame me? I just want to tell him everything, everything I can't tell him when he's awake. Who knows what will happen?
He doesn't love me anyway; he might leave me when he wakes up. He might ignore me, he might abandon me. I know how scary that shit is pero parang sanay na rin ako na maiwan mag-isa. I lived my life alone and I survived it pero hindi ko lang maisip kung paano ako kung tuluyan na siyang wala.
Weeks without him were already torture and the upcoming days or years without him will be—I don't know. Kung tatanungin man ako ng ibang tao, wala akong nararamdamang galit sa kanya dahil sa ginawa niya ring pagpapanggap.
Why? Because he only wanted to protect his work. He threatened me because he wanted to stop me from my bad intentions.
Magkatulad lang kaming dalawa pero mas mabuti siya kaysa sa akin. Samantalang ako, halos buong buhay ko nanloko lang ako at nanakit.
"When you wake up, are you going to leave me?" mahinang sabi ko bago tumungo. I brushed my tears and smiled at him. "I may look strong for resigning pero masakit sa akin 'yon. Ayoko lang na mahirapan kang pakisamahan ako, ayoko ring isipin mo na tinutuloy ko ang plano kong pakialaman ka. I am a bitch for doing that. I have done things, Iñigo, you couldn't even imagine what I am capable of," malungkot kong sabi.
Kaya nag-backfire lang sa akin ang plano ko. Na ngayon ay ako naman ang nahihirapan at naiipit sa sitwasyon. I can't say life is unfair dahil ako naman ang gumawa ng dahilan para pagkaitan ako ng pagmamahal sa mundong 'to.
"I love you, Iñigo. Please believe me," tinitigan ko ang maamo niyang mukha at may kung ano sa lalamunan ko habang nakatingin sa kanya.
I looked at Iñigo—my boss, my love, my Attorney. If I could only turn back time, I'd still want to meet you but in different circumstances and timelines.
I touched his cheeks and then smiled. "I know it's impossible but if you wake up, please don't leave us," I almost begged.
I leaned closer to him and stared at his face before giving him a soft, chaste kiss on the lips. Hinawakan ko ang kamay niya at hinagkan bago ako umub-ob sa tabi niya para magpahinga.
𓍝𓍝𓍝
"...YOU..." My forehead creased when I heard a voice and felt a soft and hot thing touching my forehead. At first, I ignored it and groaned, for I might be just dreaming. Gumalaw ako nang kaunti at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa kamay ko.
Mabilis akong napamulat at nanlaki ang mata ko nang masalubong ang kulay asul na mga mata ng lalaki sa tabi ko. My mouth parted at mabilis na napabalikwas ng upo.
"Iñigo! You're awake!" I exclaimed in shock. Mabilis akong napatingin sa orasan pabalik sa kanya na tahimik na nakamasid sa akin at kaagad kong nabitiwan ang kamay niya.
"Si Greg," biglang nasabi ko at akmang tatayo para tawagin ito pero hindi pa man ako nakakagalaw mula sa pagkakaupo ko ay may humila sa baywang ko, dahilan para mapaupo ako sa kama.
"Wait! I'll—" Umawang ang labi ko nang marahan siyang umangat sa pagkakahiga at napigil ang aking hininga nang unti-unting umangat ang braso niya papulupot sa baywang ko. I lost the words I was about to say when he hugged my waist. Marahang umangat pa siya at halos magsitayuan ang balahibo at mawala ang tibok ng puso ko nang isiniksik niya ang ulo sa leeg ko.
"I-Iñigo?" nauutal kong tawag.
"Hmm?" he hummed and his grip tightened.
"W-what are you doing? I-I should call Greg. You're injured." I felt him shake his head on my neck.
"Hmm, no. Who's that?" I felt his breath fanning my skin.
"Doctor?"
"No, you stay here," bulong niya at hindi ako mapalagay sa kaba dahil sa yakap niya sa akin at sa mukha niya sa leeg ko.
What is he doing? Why...
"Ouch," he groaned when I touched his shoulder.
"God! Oh, my, I'm sorry!" mabilis kong nabitiwan ang balikat niya at marahan siyang tinulak gamit ang kabila niyang balikat.
"Wait!"
My heart is palpitating hard! Damn! Nahiwalay ko siya sa akin at buong pagtataka at kaba ko siyang tiningnan.
"What are you doing?" Gumalaw ang labi niya sa ismid at napansin kong nagkakulay na iyon hindi katulad kaninang madaling-araw.
"I need your warmth, I'm cold," napatingin ako sa shirt niyang suot at nang akmang lalapit na naman siya ay napaatras ako.
Wait, what the hell is happening?
"Wait! Iñigo! Teka! Ano, hindi ba masakit? 'Yang sugat mo?" nakita kong napatingin siya sa balikat niya at nang balingan muli ako ay umiling siya.
"No," he answered me at umatras ako nang lumapit siya pero kaagad niyang nahila ang palapulsuhan ko kaya napalapit ako sa kanya. Napasinghap ako nang tumama ako sa dibdib niya at nang nag-angat ako ng tingin ay nabakas ko ang ngiti na kaagad na nawala nang mapansin ang tingin ko.
"Come on, let's sleep," aniya at naguguluhan pa rin ako. Namaligno ba siya?
"Sleep? Huh? Saan?"
"Sleep beside me," mahina niyang sabi at nauna nang humiga pero hawak pa rin ang kamay ko. "I need some warmth," hinila niya ako pahiga at napalingon ako sa kanya sa gulat.
I met his blue ones, hindi makapaniwalang nakatingin lang ako sa kanya at nakatitig lang din siya sa akin. Halos hindi na kami kumukurap habang magkatitigan at hindi ako makapaniwala.
Is this really him?
"Rest, baby, you shouldn't be sleeping on a chair," napasinghap ako sa gulat sa sinabi niya at para may bukol sa lalamunan dahil wala akong masabi.
"And I removed the IV," marahan niyang itinaas ang kamay para ipakita sa akin. "It fucking hurts," he shrugged.
"Punta tayong ospital," biglang nasabi ko.
"Why? Are you hurt?" Napaupo siya at hinawakan ang braso ko pero mabilis akong umiling at naupo rin.
"Hindi! Ikaw, ano, pa-check up tayo?" Nakita ko ang maluwag niyang paghinga at ang pagbasa niya sa kanyang labi.
"I thought," he cleared his throat before shaking his head. "Ayos lang ako, let's rest. Come on."
Nang hindi ako gumalaw sa pwesto ko ay ngumuso siya at itinaas ang kamay.
"I'm all good. See?" He stretched his arm pero napangiwi kaagad at napamura. "Fuck!" he groaned at may ngiti nang namuo sa labi ko sa ginawa niya.
Is this a dream? Reality check: he will not act like this now that he knows everything.
"Iñigo," saway ko ng pilit niyang ginagalaw ang kamay.
"Okay, okay, I'm sorry." Tumikhim siya at ngumuso bago humiga at dahan-dahan din naman akong nahiga. If this is a dream, susulitin ko na ito.
Pumihit ako paharap sa kanya at ganoon din ang ginawa niya. We stared like crazy again into each other's eyes at literal kong naririnig ang mabilis na kabog sa dibdib ko.
"Can you hug me?" he whispered.
"Ako?" He nodded and flashed a small smile.
"Hmm, I can't move this fucking arm, I'm sorry." Napangiti ako at unti-unting umusog sa kanya. Iniangat ko ang ulo ko nang ipaunan niya sa akin ang kaliwang braso niya at unti-unti kong niyakap ang katawan niya.
Sumubsob ako sa may leeg niya at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.
Long, sharp breaths escaped my lips habang yakap siya.
"Do you trust me, Thallia?" mahinang sabi niya at walang pagdadalawang isip na tumango ako.
"I do," I answered.
"Good. I'm glad you do and I'm sorry, I really just have to do that." Ipinikit ko ang mata ko at tumango. "We still have so many things to talk about but can we stop for now? I just want to have a peaceful day with you. Is that fine?" Tumango ulit ako at hinila na ng antok ang mga mata ko.
That day was a peaceful one for us. Walang tanong na namutawi mula sa isa't isa. Parang kami ulit kung umasta sa isa't isa. Matapos kasi niyang makipag-usap sa kapatid ko at kay Greg ay inihatid ko siya sa bahay niya.
Zeijan and Dash were furious when they saw him entering the house. Tumakas daw pala si Iñigo pagkadating sa ospital at tinanong kung nasaan ako pero hindi raw sumagot ang mga kapatid niya kaya siya ang naghanap sa akin nang hindi iniisip ang tama niya. We ate dinner with his brothers at kita ko ang ngiti sa mukha ni Iñigo.
Ni hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, kung bakit biglang ganito siya ulit sa akin pero hindi na ako nagtanong o nagbukas pa ng usapin. I trust him. I know he has his reasons.
Noong gabi ay inihatid ako ni Zeijan sa condo ko at hindi ako umangal nang may dalawang bodyguard na iniwan siya sa labas ng pintuan ko. For the first time in this stressful week, I slept well.
The next day, hindi ko na naman mahagilap si Iñigo. Noong dumaan ako sa bahay niya ay wala siya roon at sabi ni Mary Jane ay wala rin siya sa opisina noong dumaan siya.
Suspended kasi muna ang pasok sa buong building dahil sa nangyari pero wala namang alam ang karamihan doon. Si Mary Jane lang at iilang naiwan ang nakakaalam pero hindi na sila nagsalita.
Iyong guard na nagbabantay nang mga oras na 'yon sa opisina naming ay injured lang, may tama pero nailigtas and that's a relief. Samantalang ang iba? Wala akong balita.
The next day, Attorney Velgas called me with bad news. Nalooban ang office niya at nawala lahat ng ebidensya na nakalap namin against Fernan Perez.
"What are we going to do now?" nanlulumo kong sabi bago napahilot sa sentido ko.
"I'm really sorry, hija," paumanhin niya. "Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari. I kept it safely in my vault pero kinabukasan..."
"How about any backup copies? I'm sure you have one?"
"It was also wiped out. I'm so sorry." Nagbaba siya ng tingin. Nasapo ko ang mukha. "Sorry, hija.
"It's okay, Attorney," I answered. "I believe we can still find ways. I know there's still a way."
"Sorry, sorry talaga, hija. I've been so careless, sorry. I don't know what to say," his voice sounds off and sad.
"They're playing dirty," mariing sabi ko bago napailing. "We have to do something, wala na tayong ebidensya," mahinang sabi ko.
"We still have our witness," aniya. "And the man he said that was protecting him is really something."
"What do you mean?"
"No one is touching him and his family. He has bodyguards 24/7."
Who might be this man? Why is he helping us?
"Hija, I think I'm incapable of doing this anymore," natigil ako sa sinabi ni Attorney.
"Po? What?" naguguluhang sabi ko dahil sa pagkabigla.
"I have lost the evidence. See? I've been so careless," mahinang sabi niya. "I did everything to help and find these evidences pero naiwala ko dahil sa masyado akong naging kampante."
"What are you trying to say, Attorney?" kinakabahang sabi ko.
"I-I'm sorry, Thallia but I don't think I can handle this case anymore. I'm withdrawing, I can't represent your Dad any longer."
Napasinghap ako at napatayo sa gulat. "No! Attorney, wait—"
"S-sorry, hija," sabi niya. "But I know someone who can help you."
"Attorney, no... Please, don't give up on my Dad's case. It's you that I only trust on this!" nagpa-panic kong sabi.
"Listen, hija, there's this lawyer who talked to me. I know he could help you more than I do," sabi niya pero iling lang ako ng iling.
"N-no, I don't trust him, please, Tito. Para po kay Dad," nanginginig kong sabi at napahawak sa railings ng terrace.
"Hija, listen."
"N-no, hindi po," umiling akong muli at sinubukang humagilap ng hangin.
"We already talked personally and I knew this man, we can trust him," pero iling lang ang sagot ko kahit hindi niya ako nakikita.
"Attorney, my Dad's trial will be in a few days! How can that lawyer help—"
"Hija, trust his skills." Umiling ako.
"Attorney, please. Tito, parang-awa mo na. Don't give up on my father's case." If I had to kneel to beg, I'd willingly do so.
I didn't make it this far just to lose! Just for him to give up on my father!
"Hija, I'm sorry." His words broke me. I physically felt the pain and defeat.
Napahikbi ako kaya napaupo ako pabalik sa upuan at napatakip sa bibig ko.
"Tito," I begged.
How can I do this?
"Hija, calm down, okay?"
How can I? How can I fucking calm down?! He was my Dad's last shot! But he's giving him up!
"Let's see and talk to him tomorrow, okay?"
Hindi ako nakasagot at hikbi lang ang lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asa.
"Ganito na lang," he heaved a deep sigh and talked. "It was difficult thinking of giving up your Dad's case because I'm incapable of protecting my assets but I really trust this man. I talked to him and he's really capable of saving this case."
Hindi ako nagsalita.
"We can talk to him tomorrow and be the one to judge whether you can trust him or not," sabi niya. "If you think you can't trust him, I promise I will fight for your Dad's case no matter what," he added to assure me.
The next day ay wala ako sa sarili habang nag-aayos para sa meeting na iyon. Nagkita kami ni Attorney sa labas ng building ko at kaagad naman kaming nagtungo sa meeting place. We were silent the whole ride. Paumanhin at paghingi ng tawad lang ang sinasabi niya at puro tango at buntonghininga lamang ako.
I am sad and disappointed. I am starting to lose hope for my Dad.
Wala ako sa mood at nagke-crave rin ako ng donuts at crabs. I want to see Iñigo, too.
Walang ngiti at taas noong pumasok kami sa isang Thai restaurant at kaagad akong natakam habang sinasamyo ang amoy pero nawalan din ako ng gana nang magsalita si Attorney.
"Hija, there he is," habang naglalakad palapit ay matalim ang tingin ko sa lalaking iyon pero nawala ito at nangunot ang noo ko habang papalapit pa lalo.
"Attorney, good morning, I'm with Miss Castuares." Tinapik niya ang likod ng lalaki at tumango ito. He rose from his seat at unti-unting nanlaki ang mga mata ko pagkaharap ng lalaki.
Napaatras ako at nalaglag ang panga ko nang masalubong ko ang malamig nitong kulay asul na mga mata. His eyes were emotionless at deretso lang ang tingin niya sa akin.
No, this is not happening! How...
"Good morning, Miss Castuares," malamig nitong sabi. Napailing ako at napaatras sa gulat.
"I'm Iñigo Rafael Sandejas," tumigil siya sa pagsasalita at inilahad ang kamay. "Your new attorney."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co