Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 29
Kabanata 29
"HEY!" pagkapasok ko pa lang ng kwarto ay naabutan ko na si Iñigo na nakahiga sa kama at tulog na tulog pa rin. Nakadapa siya at walang pang-itaas kaya kitang-kita ko ang likod niya mula sa pwesto ko. Nakakumot din siya sa pang-ibaba at gulong-gulo pa ang buhok niya.
Inilapag ko ang pagkain niya sa may gilid ng kama, well, tinulungan ako ni Manang magluto. Sort of, 'di ko lang alam kung magugustuhan niya ang lasa nito. Sinilip ko ang mukha niya at nakita ko na bahagyang nakaawang ang labi niya. Ang buhok niya ay natatabunan ang isang bahagi ng mata niya kaya napangiti ako.
Lumuhod ako sa gilid ng kama para titigan ang mukha niya.
"Baby," I whispered as I touched his cheeks. Hindi naman siya gumalaw man lang kaya lumapit ako at humalik sa noo niya.
"Hmm?" he hummed at nagmulat siya ng mata. "Why? Tulog pa tayo," bulong niya bago pumikit na naman.
"Pagod ka?" I teased at sinilip pa ang mukha niya. Iminulat niya ang isang mata niya para silipin ako bago tumango ata ngumuso sa akin.
"Hmm, pinagod mo 'ko."
I scoffed.
"Wow, huh! Ako pa talaga ang pumagod sa 'yo?" I can't believe what I'm hearing! Natawa pa ako nang ngumisi siya habang nakapikit.
"You were so insatiable last night," he said huskily. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya napahawak ako rito.
"Iñigo naman!" inarte ko. He laughed, tumagilid siya at tinapik ang tabi niya.
"Lie down here, baby."
"Kakain tayo."
"Hmm, later, please, tabi ka muna sa akin." Napangiti ako sa lambing ng boses niya kaya dahan-dahan akong umakyat sa kama para tumabi sa kanya. He immediately caught my waist when he reached me. Niyakap niya ang baywang ko at humalik sa noo ko.
"Kumain ka na?" Tanong niya at hinanap ang mata ko.
"Hmm, inubos ko lang 'yong donut sa baba tapos uminom ako ng gatas."
"You're really fond of eating that, anong ipapangalan natin sa baby natin niyan?"
"Uh, Bavarian?" Bumusangot ang mukha niya kaya napatawa ako at yumakap sa kanya. "Joke lang!" tawa ko at tinitigan ang mata niya. "Ikaw, ano bang gusto mo?"
"Hmm, any name would be fine. As long as she's healthy, then I'm good."
"She talaga, a? You like it to be a girl?"
Inilipat niya sa pisngi ko ang kamay niya. "It doesn't matter if. However, if it's a girl, I want her to look like you."
"Bakit kamukha ko?"
"Nothing, I just want to see a little version of you," aniya. "You know, Thallia-liit?" he grinned.
That term again. Thallia-liit.
"Sure?" My lips protruded. "Naku, sige, a. Ang kulit mo. Let me remind you, baby. I don't repeat clothes. Kapag may Thallia-liit, kumusta ang wallet mo?"
He chuckled huskily, his eyes twinkling.
"I told you I'd work harder," he mumbled. "I won't mind spending much if it's for my wife and her mini-me."
Itinaas ko naman ang kamay ko papunta sa may malapit sa mata niya.
"A boy or a girl will be very fine with me, I just want them to get your eyes." Pumikit siya nang haplusin ko ang mata niya.
"You like my eyes?"
I hummed. "It's just that, everytime I look at your eyes, I feel like I'm drowning. Drowning into a deep sea that I can't be saved anymore." Kunwari'y makata kong sinabi, natatawa pa.
Hinuli naman niya ang kamay ko sa may mata niya at dinala sa labi niya. Then, he opened his eyes and smiled at me.
"That's what I like, I want you to get drowned like me. Let's drown together like no one can save us," bulong niya. I nodded and kissed his lips.
"I'm drowned since the first time I met you. Dine-deny ko lang sa sarili ko kasi may kailangan ako gawin. I kept telling myself na ang kaligtasan muna ni Dad bago ang puso but look what happened? I fell for you without thinking of the consequences... I forgot about everything, about my mission, because I love you." He smiled and held my cheek.
Malalim at malambot ang mga titig niya, maamo. Ibang-iba sa usual na ipinapakita niya sa office. Sa iba. I felt like the luckiest girl because of this wonderful man, na sa kabila ng mga ginawa ko noon ay nakatagpo pa ako ng isang katulad niya.
"I'm sorry, baby," panimula niya. "I'm sorry sa lahat ng kagaguhan ko. For everything that I have said that night, I am so sorry."
"It's not your fault..." Dinampi niya ang daliri sa labi ko kaya natahimik ako.
"Sshh, it is my fault," aniya. "If only I had a choice. I shouldn't have said that I never loved you, that I only played with you."
Nakita ko ang pamamasa ng mata niya kaya nakagat ko ang labi ko.
"I felt like I am the biggest asshole and jerk that ever existed for saying that about you. I saw how you cried. I saw how you got drunk to forget what I said." Nangunot ang noo ko at mula sa pagkakahiga ay naupo ako at pinaupo ko rin siya.
"You knew?"
"I followed you that night. I watched over you. I saw how that asshole harassed you." Napabuntonghininga ako at tinitigan siya at nakita ko ang galit sa mga mata niya, ipinikit pa niya ang mata para hindi ko makita ang emosyon niya.
"That's over, I'm well and good."
"I sent him to jail." I stiffened. Nangunot ang noo ko.
"What? How?"
"Do you think I will just stand there and watch him harass you? Damn no, the moment you left, the fucker paid," mariin niyang sabi.
"A-anong ginawa mo?" napakurap ako at iniisip na ang ginawa niya bago napuntang kulungan ang lalaki.
"You don't need to know."
"Iñigo, tell me, I won't get mad."
"I—" he sighed. "I beat him up."
"He deserved that," sabi ko, nag-angat siya ng tingin at humalik sa kamay ko.
"Still, I am sorry. I hope you'll forgive me for everything I've done, for the words I've said, none of it was true. I have loved you ever since the day that you smiled at me. I loved you since the first time you fixed my tie..." Mahina akong natawa at tumango.
I noticed he's been extra emotional these days. Hindi naman sa masama iyon pero nakakapanibago.
Minsan nagigising akong pinapanuod niya lang akong matulog tapos naluluha siya. Kapg tinatanong ko, humikab lang daw siya.
Like now, he's crying, kitang-kita ko ang pamumula ng mata niya at ang basa sa gilid ng mata niya kaya pinahid ko iyon.
"Please give me a chance, baby... Please accept me..." He lowered his head as his shoulders shook.
Inabot niya ako at marahang niyakap ang katawan ko.
"S-sorry, sorry..." he chanted repeatedly habang ang mukha ay nakasubsob sa balikat ko.
He was squeezing me, I could feel his tears warm against my skin at hindi ko na napigilang mapaiyak. Mahigpit ko siyang niyakap pabalik at naiyak din ako sa balikat niya. I can feel the warmth of his embrace and the beating of his heart.
My heart pained as I heard him sobbing. I clutched his shirt and cried with him. I can't even imagine how in love I am with this man.
"Y-you don't have to apologize, I understand," bulong ko pero umiling lang siya at suminghot pa.
"N-no, I want you to accept my apology. I-I need that so I won't be paranoid that you'll leave me..." Ipinikit ko ang mata at nanahimik saglit.
I am feeling his body against mine, his feelings for me, all the words and the sacrifices, all the things he did for my sake and that's what made me fall for him even more.
So, I pulled away from the hug and gently cupped his cheeks. I caressed it while looking straight into his eyes. There, I saw the longing, the fear, the passion, and the love he has for me. I couldn't ask for more. Just his heart beating for me and his lips calling my name is more than enough.
"A-apology accepted," I muttered against my breath.
A genuine smile appeared. Kaagad na sumayaw ang kasiyahan sa mata niya at mabilis na hinalikan ang labi ko bago humalik ng matagal sa noo ko.
"Let's get married, baby..." he whispered.
Tumango ako at nakita ko ang panlalaki ng mata niya.
"What—"
"I said yes!" Natigilan siya at mas lalong namula ang mata niya at nagulat ako nang bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo.
"She said yes!" he exclaimed kaya natawa ako. Para siyang batang tatakbo sana palabas ng kwarto pero mabilis ko siyang nabato ng unan kaya natigil siya.
"You're only wearing your boxers, Iñigo! Saan ka ba pupunta?" natatawa kong sabi. Nilingon niya ako at napakurap.
"Sasabihin ko kina Manang—"
"Get back here!" Mabilis siyang bumalik sa harapan ko.
"W-why? Babawiin mo?" Nanigas siya at nakita ko ang pamumutla niya. Natawa ako at mabilis na tumayo sa kama para maharap siya at natatawang humalik ako sa noo niya.
"Where's my ring, Attorney?"
He froze again. Napakamot siya sa batok.
"Uh, nasa pagawaan pa."
Nangunot ang noo ko. "Huh?"
"Kasi..." Tumikhim siya at naupo sa tabi ko, hinila niya ang kamay ko kaya naupo ako sa may hita niya. "Pinapagawa ko pa at wala pa sa 'kin ngayon." Nahihiya siyang tumawa.
"Pinagawa mo pa? P'wede namang bumili na lang—"
"No! I want it to be especially made for you."
"Sus!" Natawa ako at naramdaman ko ang kabog ng puso ko. Pinisil ko ang ilong niya at humalik sa pisngi niya.
"Then why did you ask me right away? You can ask me later naman kapag nasa sa 'yo na 'yong singsing," sabi ko pero ngumiwi lang siya at pinihit ako paharap sa kanya kaya napakapit ako sa braso niya.
"I was just too excited to, uhm..." Tumikhim siya. "I just wanna make sure."
"Make sure of what?"
"Na, ano, uhm..." tumikhim siya. "Na papakasal ka sa 'kin."
"Then what makes you think I won't marry you?" I am curious.
"Nothing. I was already making plans internally. Plan number two. If you do not agree, then I will do something."
"Like?" Tinagilid ko ulo ko. Nakita kong natigil siya at maya-maya ay namula ang mukha.
"W-wala naman," bigla niya akong niyakap.
"Weh? Iñigo? What is it?" Umiling siya sa leeg ko. "Iñigo!"
"Wala 'yon."
"Ano nga?" Pilit kong tinatanggal ang ulo niya sa may leeg ko pero ayaw naman niyang humiwalay.
"You won't like it."
"Ano nga? Tell me, so I can tell you kung gusto ko o hindi."
"You really want to know?" Tumango ako. "I was just thinking that if you won't accept my proposal, then I'll—"
"I'll?" nambitin pa!
"I'll tie you to bed..." Nawala ang ngiti ko. Bigla siyang humiwalay sa akin at nakita ko ang nang-aasar niyang ngisi.
"Then, I'll tie your hands using my necktie above your head and I'll cover your eyes—"
"Stop!" Tinuro ko siya. Sasabog na sa init ang pisngi ko.
"I'll remove your clothes by ripping them and—"
"Iñigo!" I screamed at kumawala pero mas lumaki ang ngisi niya at hinapit ang baywang ko. He's enjoying it!
"Then it won't be a hassle 'cause you usually don't wear brassiere, so I can just kiss your tits—" Bigla akong sumigaw at tinakpan ang tainga ko bago ipinikit ang mata ko.
"Let's see if you'll agree while I'm pleasuring you–" Mas lumakas ang tili ko, naeeskandalo sa bunganga niya!
God, I can imagine his plan! Me being tied up and blindfolded in bed with him above me.
Parang uminit ata ang kwarto? Malakas ang aircon, a?!
"Don't tell me you're imagining it?"
Marahas akong napalingon sa kanya at muli sumigaw at pumikit. Narinig ko ang hagalpak ng tawa niya bago ako niyakap at isinubsob sa leeg niya.
Maluha-luha pa siya nang matapos at marahan akong inalis sa leeg niya. He was chuckling habang hawak ang pisngi ko at nilalamutak ang mukha ko ay tumatawa siya.
"You want to do that?" hamon ko. Natigil siya pero ngumisi.
"Sure? Now?" he wiggled his eyebrow, nakita ko ang kapilyuhan sa mga mata niya and I bet kung ano-ano ng tumatakbo sa utak niyan.
"Gusto mo?" tinaasan ko siya ng kilay, walang pagdadalawang-isip na tumango siya.
"Then should I say no to your proposal now?" Siya naman ang natulala ngayon at napakurap-kurap.
"Fuck! Sino bang nagsabing may iba akong plano? Sino ba may gusto no'n?" Tumikhim siya't nag-iwas ng tingin. "You said yes, walang bawian." Marahan niya akong binuhat paalis sa kandungan niya at tumayo.
"Halika na nga," aniya. Naglakad na siya kaya tumayo ako habang natatawa at pinalo ang pang-upo niya.
"Ayan kasi!" humagikhik ako. Masama niya akong tiningnan at nagulat ako nang gumanti siya ng palo sa pang-upo ko at bigla akong napaabante sa ginawa niya.
Umawang ang labi ko at sinamaan siya ng tingin.
"You!" Bigla siyang humalakhak at kumindat at parang model na naglakad papunta sa niluto kong agahan.
"Halika na at kainin na natin ang sunog na luto ni Miss Secretary," he mocked me.
"Iñigo!" sigaw ko bago siya sugurin at parang batang tumakbo siya palabas habang naka-boxers.
𓍝𓍝𓍝
THE next day ay sa condo kami ni Iñigo nag-stay, papasok siya sa opisina ngayon kaya inaayos ko ang necktie niya.
"Thallia, Mommy's undergoing therapy again," sabi niya. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti.
"Really?"
He nodded. "Sana maka-respond na siya nang maayos sa therapy ngayon, I want to hear her voice again."
Last time ay pumunta kami sa mansyon nila Iñigo, there I met his father, noong una ay kinakabahan talaga ako, it feels like na nasa paghuhukom ako but when I got to know his Dad personally, kaagad na nawala ang kaba ko. He's great and a good man. He treated me like a daughter noong ipakilala nila Iñigo ako sa kanya. Kaagad na naging magaan ang loob ko habang kausap ko ang Dad niya.
I also met his Mom and as he said, she's paralyzed and couldn't speak. Though wala kaming naging pag-uusap ay alam kong napakabait nitong ina.
She is a good and loving mother, I am sure of that. Ang asal pa lang ng mga anak ay kitang-kita na ang paraan ng pagpapalaki niya. I wish to be like that in the future with our children.
Noong ipakilala nga ako ni Iñigo ay nakita ko ang pagsayaw ng tuwa sa mata ng Mom niya. Noong nalaman din nito na may apo na siya ay bigla na lang tumulo ang luha niya.
I hugged her and told her stories noong nandoon ako, kinausap ko siya at pinakilala ko ang sarili ko and I felt the warm welcome she has for me. She was attentive, nagre-respond din siya minsan sa mga sinasabi ko sa pamamagitan ng pag-ungol nang bahagya at paggalaw ng mga mata niya.
I told her things about me and about her son, kung gaano kagaling si Iñigo at ka-cool kapag nasa korte. I also told her what her other sons, Dash, and Zeijan are doing. Meeting his family feels ecstatic, heartwarming, and great.
"I wish I could hear her voice again," he said wistfully.
"Let us pray and hope for the best. I know she can do it."
"Yes, we will," sabi niya at nakita ko ang saya sa mata niya. Nang maayos ko ang kwelyo niya ay hinawi niya ang buhok ko.
"Aren't you going to come with me to the office? I need a secretary, you know."
"Hmm, we won't finish work if I'm there. Siguradong maghapon lang tayong maglalandian," tawa ko. "Besides, pupunta rin pala ako sa office ni Dad today. Mag-i-start na ang training ko."
"Today?" I nodded. "What time?"
"Hmm, one or two?" Bumaling siya sa orasan at bumuntonghininga.
"Hindi kita mahahatid, I have a meeting with my client at 12:45," aniya. "Padala na lang ako ng driver galing bahay? Para ihatid ka?"
"No, I'll be fine," umiling ako at kumapit sa leeg niya. "I can commute or drive my car. Sa opisina lang naman ni Dad."
"Ingat ka, ha?" He pushed the strands off my face.
"Hmm, of course."
"Text me, okay? I'll check from time to time, so keep your phone with you, okay?" Tumango ako at ngumiti.
"Yes, Attorney." Ngumuso siya at ngumisi sa 'kin. Tiningnan niya ang leeg ko at nang makita ang kwintas doon na binigay niya ay ngumiti siya.
"Take care, baby, okay? Dalawang baby ko kayo na maiiwan ngayon," bulong niya. I nodded and tiptoed to kiss his lips. Tumawa naman siya at napatili ako nang bigla niya akong buhatin. Napakapit ako sa leeg niya at mabilis niyang ipinaikot ang hita ko sa baywang niya.
"Ang clingy po ni Attorney," I teased him pero tumawa lang siya at humalik sa labi ko. Naglalakad siya paatras papuntang pintuan habang buhat ako kaya tawa ako nang tawa habang humahalik din pabalik sa labi niya.
"Should I leave the house or..." Humalik ako sa labi niya.
"No, you'll go to work," I stopped him. He groaned at kinagat ang labi ko.
"Parang ayoko na."
"Iñigo..."
He sighed pero humalik nanaman sa mukha ko. "Okay, okay, I love you."
"Talaga?" I kissed his jaw.
"Thallia..." I hummed. "Do you really want me to go to work?"
Tumango ako at ibinalik ang halik ko sa labi niya.
"I love you," ulit niya pero humagikhik lang ako.
Nanggigigil ako kay Iñigo!
"Thallia!" Lumaban siya ng halik sa 'kin. "Answer me."
"Hmm?" Ngumiti ako sa labi niya. He groaned again kaya humiwalay na ako sa kanya habang naghahabol ng hininga.
"Answer me back," hinihingal niyang sabi. I winked at him and kissed his forehead.
"I love you too, baby!" That's when he grinned at marahan akong binaba. Inayos niya ang shirt ko at ang buhok ko bago humalik sa pisngi ko.
"I'll leave now." I nodded. "Take care."
"Ingat din, h'wag pakapagod saka kumain sa tamang oras, huh?"
"Yes, Ma'am!" Inayos ko ang buhok niya at ang kwelyo niya. He gave me and my stomach a kiss before waving me goodbye.
After Dad was released from the jail ay inasikaso niya kaagad ang kompanya. It was hard at first since ang mga Perez ang may hawak ng pinakamalaking shares sa kompanya pero kalaunan ay naayos na namin.
With the help of our lawyer, my Iñigo Sandejas, ay naiayos ang lahat. Now, my Dad is fixing our company, getting the investor's trust back, then he's training me para ako raw ang papalit sa kanya. I am fine with my life right now, I am contented saka may pera naman ako sa trustfund na iniwan ni Mom dati pero ayokong iwan si Dad.
Kaming dalawa lang ang magkakampi ngayon dahil kung kailan napatunayan ang kainosentihan ni Dad ay saka lang nagdagsaan ang mga kamag-anak namin sa side niya.
It was irritating. Like what the fuck? They're nowhere to be found when we need them tapos ngayon magsusulputan sila? Of course, no! Hindi namin sila tinanggap. No, never.
My Dad told me that I was his only heiress kaya ako ang magmamana lahat ng meron siya. I was startled, nag-aalangan pa nga ako pero wala naman akong choice. Alangan namang hayaan ko ito sa mga kamag-anak niya? They will just waste his efforts in building this company so a big no.
Now, kailangan kong magpunta sa opisina ni Dad para maipakilala na ako sa mga stockholder at staff nang pormal. Nakabihis na ako pero bago ako umalis ay nagtalop muna ako ng mansanas para kumain. Nakaupo lang ako sa counter at tine-text si Iñigo na nakakapuslit pa rin habang may meeting.
Natawa ako nang mag-send siya ng picture niya na nagpapa-cute na kaagad kong ginawang wallpaper.
To: Iñigo
May meeting ka ba talaga?
From: Iñigo
Yes, baby. I can't understand what he's talking about 'cause I'm missing you. Secretary na lang ulit kita. :(
I laughed and bit my apple before typing.
To: Iñigo
We won't finish any work, baby. Papunta na ako sa office
Natigil ako sa pagta-type nang biglang may mag-doorbell. Ibinaba ko ang phone ko na hindi pa nase-send ang message ko at binitiwan ang pagkain ko. I walked towards the door, sumilip pa ako sa peephole at nakitang walang tao roon.
My forehead creased at sumilip ulit. Who was that?
Marahang binuksan ko ang pinto pero walang tao sa labas. Is this a prank? Lumabas pa ako para sumilip sa hallway pero wala akong nakita kaya umabante pa ako pero natigilan ako nang may nasagi ang paa ko.
I lowered my gaze at kaagad akong natigilan ng may makitang kulay itim na kahon sa baba. Kaagad na namawis nang malamig ang kamay ko at napigil ko ang hininga. Ipinalibot ko ang tingin ko at nanginginig man ang kamay ay kaagad kong binuksan ang kahon. Mabilis kong dinampot ang mensahe na naroon at natigilan.
I won't stop while you're still breathing.
Nahigit ko ang hininga ko at binuksan ang laman ng kahon at malakas akong napasigaw ng makita ang patay na itim na pusa. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang palad ko. I immediately ran towards the door at natulos ako sa kinatatayuan nang biglang lumitaw si Maica sa gilid ko.
"Happy seeing me?" She smirked. Mabilis akong napahawak sa tiyan ko at kahit nanghihina na ako sa takot ay matapang ko siyang tiningnan.
Where are the guards?
But I remembered they were limited now because my dad's case was done! Nasaan na ang iba?
Pasimple akong lumingon at paulit-ulit na nagmura nang makita ang dalawa na nakahandusay sa may elevator.
"What do you need?" mariin kong sabi. She laughed hysterically. My eyes widened when she pointed a gun at my head.
"What I need?" She smirked and shook his head. "I need your... cold and lifeless body." May malakas na tumama sa likod ng ulo ko at naramdaman ang pagkahilo sa tamang iyon.
Ipinikit ko ang mata ko at napahawak sa likod ng ulo ko.
Nagdodoble man ang paningin ay nakita ko ang sariwang dugo sa mga kamay ko at unti-unting bumagsak ang talukap ng mata ko bago ko naramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na sahig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co