Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 30

heartlessnostalgia

Kabanata 30

I woke up in a quiet and dark room. I could only hear the faint sound of the whistling wind from outside.

Binalot ng takot at kaba at ipinalibot ang paningin sa paligid pero wala akong maaninag na kahit ano maliban sa bintana at sa maliit na siwang sa pintuan.

I tried moving my hands and feet pero hindi ko iyon maigalaw. They tied me up! I tried moving, but the rope was tightly wrapped around my wrists and feet.

Mariing ipinikit ko ang mata at bumuntonghininga, nangingilid ang luha sa takot pero pilit kong tinatatagan ang sarili ko. I have to be strong to save myself and my child. I shouldn't let those people see me cry and scared. Kailangan kong makatakas dito!

Sinubukan ko ulit na hilahin ang kamay ko sa likod paalis sa tali pero sa bawat paghila ko ay mas humihigpit ito sa pulso ko kaya napadaing ako. Ipinalibot ko ulit ang paningin ko at sinubukang tumayo mula sa pagkakasalampak pero natumba lang akong muli dahil nakatali rin ang paa ko.

Naramdaman ko ang pagkirot ng balakang ko kaya napailing ako at sumulyap sa tiyan ko.

No, I have to think! Hindi ako dapat magpadalos-dalos, my baby's safety is in my hands. I should never do anything reckless that can risk his life!

Habang nag-iisip ay natigilan ako nang maalala ang kwintas na ibinigay sa akin ni Iñigo. Napaayos ako ng upo at iginalaw ang kamay ko pero hindi ko pa rin matanggal.

Iñigo! I have to tell Iñigo!

Nagkahalo-halo ang mga pangamba ko–ang kaligtasan ng anak ko, si Iñigo! I have to press this! I have to tell Iñigo where to find us!

Sinubukan kong abutin ang kwintas sa leeg ko gamit ang bibig ko pero hindi ko magawa. I tilted my head to take the necklace with my mouth but I couldn't reach it!

I tried standing cautiously, maingat na sumandal ako sa pader para makabalanse at kinapa ang ito kung may p'wede akong magamit. Naupo akong muli at may nakapa sa likod ko na kung ano. I moved!

Alerto kong tinitingnan ang paligid kung may kahina-hinala at pinagpatuloy ang ginagawa.

I have to get out of here before they know I'm already awake.

"Shit!" napasinghap ako nang may matulis na humiwa sa daliri ko. Natigilan ako sa hapdi pero kaagad ding kinapa ito at kaagad na napangiti nang mapagtantong isang maliit na kutsilyo ito, marahin ay gamit pantalop ng pagkain o hindi ko alam. I didn't even dare to waste my time thinking about where they used it.

I don't know where it came from but this will be a big help! Kaagad ko iyong kinuha at ginamit para putulin ang tali sa kamay ko. Ilang beses pa akong nahiwa nito sa kamay at balat pero hindi ko na ito ininda.

Mabilis kong nabitiwan ang kutsilyo nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan. Naipikit ko ang mata sa ilaw na tumama sa mukha at sa aking pagmulat ay tumambad sa akin ang dalawang lalaki na nakatayo sa harapan ko.

"Sino kayo?" mariin kong sabi at umatras sa isang gilid. Walang nagsalita sa kanila at lumapit sa akin kaya kumabog ang dibdib ko. Umatras pa akong muli at nang hawakan ng isa ang braso ko ay mabilis ko siyang sinipa.

"Tang ina!" he cursed, nakita ko ang galit sa mata niya na para sa akin at nang umabante siya ulit palapit ay umiling ako.

"Don't touch me!" I hissed. Pumalag ako nang hawakan nila ang braso ko at pilit na itinatayo. "Let go!"

Ang isa ay tinanggal ang tali sa paa ko kaya malaya ko silang nasipa pero nasasalag nila ang bawat sipa ko.

"Tang ina, manahimik ka!" Pumaling ang mukha ko nang sampalin ang pisngi ko.

"Fuck you!" mariing sigaw ko at hindi sila hinayaang hawakan ako. I kicked and shouted pero sinasalag lang nila ako.

"Putang ina, sinasabi ko sa 'yo, kapag hindi ka nanahimik papatayin na kita!" sigaw noong malaki ang katawan.

Nagulat ako nang hatakin nito ang braso ko kaya tumama ang ulo ko sa may pader sa likod ko at nakaramdam ako ng sakit dahil do'n. Malakas na hinatak ng isa ang braso ko patayo at kahit anong pigil ko ay kinakaladkad nila ako.

"Bitiwan n'yo ako!" sigaw ko pero humigpit lang ang hawak nila sa magkabilang braso ko. Ginalaw ko ang kamay ko na nakatali at naramdaman kong medyo lumuwang iyon.

They pulled me harshly, halos matapilok ako sa paghila nila kaya pinirmi ko ang sarili para di magpumiglas. I might risk my child's safety if I tried pushing them again.

Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko at ang bahagyang pag-ikot ng paningin ko.

I need to call Iñigo!

Wala na akong nagawa nang napunta kami sa isang malawak na lugar at isinalampak nila ako paupo sa isang silya. The place was full of boxes, madumi na ito at mukhang pinaglumaan na. The place was eerie and a bit dark, tumayo sa magkabilang-gilid ko ang dalawang lalaki at nakita ko na may tinawagan ang isa habang ang isa ay nawala na lang bigla.

"Ma'am, gising na siya." Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad kong pinagtuunan ng pansin ang kamay kong nakatali sa likuran.

I wiggled and did my best to remove the rope and when I did, kaagad kong inabot ang kwintas ko pero. I wasn't sure if I pressed it entirely in dahil may biglang humatak nito.

"Ano 'to?!" Nanghihina man ay pilit kong inabot ito sa lalaki pero hindi ko nagawa dahil sa itinapon niya iyon palayo. Hindi niya ako nagawang pigilan nang bigla akong tumakbo para kunin ang kwintas. Napasigaw ako nang maabutan niya ako at mahila ang buhok ko.

"Tatakas ka?!" Isang sampal ang natanggap ko at hinatak niya ang braso ko. Sinalag ko siya at sinubukang sipain, napaatras naman siya at akmang aabante pero sinipa ko ang hita niya at ang maselang bahagi niya.

"Putang ina mo!" he groaned in pain at pilit akong inaabot pero nakatakbo ako.

My heart was beating wildly, scared of being caught and risking the safety of my child.

I need to get out of here! I need to save my child! Hindi ko ininda ang sakit ng ulo ko at ng katawan ko but the sound of a gunshot stopped me. Natigilan ako at napatingin sa braso ko at halos matulala nang makita ang dugo na umaagos mula roon.

"Catch her! Idiots!" matalas na boses ang narinig ko kaya mabilis na hinawakan ko ang nagdurugong braso at nagtago.

I hid behind those boxes, malakas ang kabog ng dibdib ko. Napadaing ako sa hapdi ng braso ko at napahawak sa tiyan ko.

My baby, please, baby... Stay strong, anak! I will get you out of here! Maliligtas tayo!

Mabilis kong pinunit ang laylayan ng damit ko at ipinambalot sa tama sa braso ko para matigil ang dugo. Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko at nang makakita ng kahoy ay mabilis ko itong kinuha at itinago sa may likod ko.

"Nasaan siya?! Hanapin n'yo! Kapag nakawala siya, papatayin ko kayong lahat!" Isang nakakabinging putok ng baril na naman ang narinig ko kaya napatakip ako sa tainga ko.

"Nandito siya!" Nanlaki ang mata ko nang makita ako ng isa pero bago pa man niya ako matutukan ng baril ay nahampas ko ang ulo niya. Natumba siya at kasabay noon ay hinahabol na ako ng iba pang mga kasamahan niya.

They fired their guns at me but I luckily was too quick to evade it. Nagtago ako sa isang siwang ng kwarto at nakita ko silang tumatakbo palagpas sa akin. Lumabas ako ng kwarto at ipinalibot ang paningin ko. Mahigpit ang hawak ko sa kahoy at marahang naglakad para hindi makaagaw ng pansin.

I cautiously moved my eyes to see every side, nararamdaman ko ang pamamanhid ng braso ko at ang pagkirot ng ulo ko. Humigpit ang hawak ko sa kahoy habang naglalakad at impit akong napatili nang may tumakip sa bibig ko at ipinasok ako sa isang silid.

"It's me." Natigil ako at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino nasa harapan ko.

"Vaughn," nanubig ang mata ko at kaagad niyang hinawakan ang braso ko at hinanap ang mata ko.

"Sshh, its me," alo niya. Napatungo ako at kaagad niyang iniangat ang baba ko. "I'm not the enemy. Hindi kita ipapahamak."

Hindi ako nakapagsalita at naisip ko ang mga nangyari nitong nakaraan. What if he'll bring me back to Maica? Paano kapag mapahamak ang anak ko?

"Hindi ako kasama sa plano ni Dad," he said. "I-I promise, Thallia," he assured me. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nang makita ang sinseridad sa mata niya ay kumalma ako.

"Believe me, please... I'll never do that to you. Please come with me, I'll get you out of here," sabi pa niya.

Nagdalawang-isip muna ako noong una pero kalaunan ay nagsalita ako. "Can I trust you?"

"Yes, you can," sagot niya. Hindi na ako nakapagsalita nang marahan niyang hawakan ang braso ko at inilagay ako sa likod niya.

"Just follow me and look and be cautious. See if someone is sneaking from our behind." Tumango ako at kumapit sa damit niya. Kahit papano'y medyo kumalma na ako.

Vaughn is here, I am not alone. We just need to escape from here tapos ay malaya na kami. Nagtatago kami kapag nakakakita ng mga bantay at nag-iikot-ikot.

Nakita ko rin si Maica na nakatayo at sumisigaw sa mga tauhan niya.

"Find her! She shouldn't leave this place breathing!" she shouted. Humigpit ang hawak ko sa damit ni Vaughn at napalingon siya sa akin. He pointed on the other side, tatawid kami roon para mas malapit sa exit. We need to be more quiet dahil baka makita kami nila Maica.

Tatawid na sana kami sa kabila pero pumunta roon ang isa sa mga tauhan ni Maica kaya napatigil kami. He motioned me to walk backwards and I did.

Nakamasid lang kami sa mga lalaki roon na nakabantay na sa p'wede naming paglabasan.

Damn! We need to find another way!

Marahan akong umatras pero napatalon ako sa gulat ng may maatrasan ako. Mabilis na lumingon si Vaughn at tinutukan ng baril ang nasa likod ko at mabilis din akong pumihit. Nabitiwan ko ang kahoy na hawak ko nang makita si Iñigo na nakatayo at nakatutok din ang baril kay Vaughn.

"Iñigo," I called. He froze when it dawned on him that it was me.

"Fuck," mariing mura niya at hinawakan ang kamay ko palapit sa kanya at itinago ako sa likod niya. Nang lingunin ko si Vaughn ay ibinaba niya rin ang baril at nagulat ako nang biglang iniangat ni Iñigo ang baril at itinutok kay Vaughn.

"What did you do to her?!" mariing sabi niya at itinutok sa sentido ni Vaughn ang baril. Nanlaki ang mata ko at mabilis na humawak kay Iñigo.

"H'wag!" I whispered, stopping him. Iñigo's jaw remained clenched, his expression grim.

"What the fuck did you do to her?!" galit at mariing tanong ni Iñigo sa kalmadong si Vaughn.

"I didn't do anything," kalmadong sagot ni Vaughn.

"Fuck you!" mas idiniin pa ni Iñigo ang baril sa sentido nito kaya mabilis kong hinawakan ang braso niya.

"He's not the enemy! Iñigo, put the gun down!" I whispered.

Malalalim na paghinga ni Iñigo ang naririnig ko. Mariing nakatikom pa rin ang bibig niya sa galit.

"Iñigo, please, calm down," bulong ko, napuno ng takot ang puso ko. "Vaughn saved me, wala siyang ginawa," pero hindi siya gumalaw.

Naipikit ko ang mata ko at napaatras kaunti nang pumintig ang ulo ko kasabay ng pagsakit ng braso ko.

"P-please, Iñigo. Put the gun down, please, I'm scared." Doon na siya natigilan at tumango, ibinaba ang baril.

He moved his gaze back to me. Napalunok ako. Naipikit ko ang mata nang mahilo ako at mabilis namang nasalo ni Iñigo ang baywang ko.

"W-what happened?" puno ng pag-aalala niyang tanong at nang bumaba ang tingin niya sa braso ko ay nabakas ng magkahalong takot at galit ang mata niya.

"Y-you—"

"I'm fine," I answered quickly. Humawak ako sa braso niya para makaayos at huminga nang malalim para kumalma.

"J-just... let's get out of here." Saglit siyang natigilan pero kaagad ding tumango at humawak sa kamay ko.

"I'll get you out of here," mahinang sabi niya bago nilingon si Vaughn.

"My team is outside, may mga pulis na rin doon, may mga tauhan din ako dito sa loob. We need to get Thallia out of here—safe. You stay there. Ikaw magbantay riyan sa likod at ako naman dito."

"Got it." Ikinasa ni Vaughn ang baril at nag-stay sa likod ko. Mabilis namang nilingon ako ni Iñigo at matagal na hinalikan ang noo ko bago nagsalita.

"I'm sorry, baby. I'm sorry. I'll keep you both safe, we'll get out of here," sabi ni Iñigo sa akin. Tumango ako at mabilis niyang iniabot sa akin ang baril.

"For safety, shoot everyone you see, kapag may nakita kang kahina-hinala, pull the trigger," utos niya. Tumango ako at mahigpit na hinawakan ang baril. Kinuha naman niya ang baril sa likod ng pantalon niya at kinasa.

"Just stay behind me, if you need to run, run. Run fast! I'll cover you." Mahigpit akong humawak sa kamay niya at umiling.

"N-no, hindi na p'wedeng maulit 'yong nangyari—"

"It won't happen again, trust me, I promise." Tumango ako at malalim na huminga bago kami nag-umpisang maglakad.

Alerto si Vaughn at Iñigo habang naglalakad, panaka-naka ang pagtingin nila sa paligid at nagtatago kami kapag may dadaan na maaaring makakita sa amin.

"Ayon sila!" Biglang may nagpaputok ng baril kaya mabilis na humarang si Iñigo at binaril ang isa roon. Tumakbo kami nang magpaputok sila at si Vaughn at Iñigo ay salitan sa ginagawang pagputok. Habang tumatakbo ay may sumalubong sa amin kaya mabilis kong binaril ito at natumba habang hawak ang binti niya.

"Run! Ako na ang bahala rito!" Vaughn shouted before shooting the men that was following us. Si Iñigo naman ay bumabaril din at tinatago ako sa likod niya.

"Let's go!" hinawakan ni Iñigo ang braso ko at mabilis akong hinila palayo. Nagtago kami sa mga kahon nang makitang marami ang dumating.

Iñigo quickly reloaded his gun, looking around cautiously for any sign of threats. He pressed the comms on his ear and spoke.

"Dash, malapit na kami sa exit. Inform them, nakapasok na ba ang mga pulis?" he whispered. "Vaughn was left there. I'm with Thallia. Tell Zeijan na hanapin si Maica."

"Can you run?" he asked me. Kaagad akong tumango. He tiptoed and touched my face.

"Stay strong, okay? Ilalabas kita rito. You'll both be safe," aniya sa marahang tono at nang may tumamang bala malapit sa amin ay napamura siya at mabilis akong itinago sa likod niya.

"Escaping?"

Mabilis na itinaas ni Iñigo ang baril nang lumabas si Maica kung saan.

"Do you think I'll let you leave after betraying us?" malamig na sabi ni Maica. She laughed at parehas kaming natigilan ni Iñigo nang mapalibutan kami ng mga tauhan niya.

Biglang nawala sa paningin ko si Maica at nagkagulo.

"Fuck!" he cursed, the grip of his hand tightened at pilit akong itinatago. Nagpaputok ang isa sa pwesto namin at kaagad na nakaiwas si Iñigo. He cursed and shot him at natumba ito sa lapag. Nanlamig ang buong katawan ko nang may maramdamang malamig na bakal sa ulo ko.

"Throw the gun or I'll shoot her!" Nakita ko ang takot sa mata ni Iñigo nang makita si Maica na nakatutok ang baril sa likod ng ulo ko. Nabitiwan ko ang kamay ni Iñigo nang hatakin ako ni Maica. Mabilis na inilipat niya ang baril sa sentido ko at inagaw naman ng isang lalaki ang baril sa kamay ko.

"Bitiwan mo siya!" Iñigo demanded pero humalakhak lang si Maica at idiniin ang baril sa sentido ko.

"Throw the fucking gun!" Color drained from Iñigo's face. Binitawan niya ang baril.

Kasunod nito ang pagputok ng baril noong nakaitim at napasigaw ako nang tumama ito sa balikat ni Iñigo.

"Iñigo!" sigaw ko at nanatiling nakatayo si Iñigo, hindi alintana ang tama niya sa balikat.

"Let her go!" mariing sigaw niya pero humalakhak lang si Maica at hinila ako kung saan. Napasigaw ako nang dambahin ng suntok si Iñigo ng mga lalaki.

I saw him fighting, pilit niyang inagaw ang baril at nakikipagpalitan ng suntok. He was shouting my name pero sa bawat paggalaw ko ay mas idinidiin pa ni Maica ang baril sa akin.

"See that? Tingnan mo kung paano maghirap si Iñigo. It's because of you, dahil tinulungan ka niya," aniya. Umiling ako.

"Maica, just take me! Sa akin ka galit 'di ba? Pakawalan mo si Iñigo!" sigaw ko at napaluha habang sinisipa ang tiyan ni Iñigo. He was fighting pero napakadaming lalaki ang sabay-sabay na sumuntok sa kanya kaya hindi siya makalaban.

"Just wait, Thallia. After him, ikaw na susunod. No one will leave this place breathing! Lalo na ikaw!" Ibinaba niya ang baril at bigla akong itinulak. Dagling itinukod ko ang kamay para naroon ang impact at hindi sa balakang ko.

Maica walked towards me, napaatras ako ng upo habang nakatutok sa akin ang baril.

"I want you dead and I'll be the one to kill you. Kung hindi ako magiging masaya puwes, hindi ka rin magiging masaya!"

Naipikit ko nang mariin ang mata ko nang ngumisi siya at kinasa ang baril niya. She smiled wickedly and shook her head.

"Goodbye, Thallia," ngumisi siya at kasunod nito ang pag-alingawngaw ng putok ng bala. Mabilis kong naimulat ang mata ko at nakitang wala na si Maica sa harapan ko.

Umawang ang labi ko nang makita siyang nakadapa sa sahig at umaagos ang kanyang dugo sa kamay na tinamaan sa sahig.

"Thallia!" Gulat na napatingin ako kay Iñigo na ibinaba ang baril at hinawakan ang braso ko at inalalayan ako patayo.

Nakita kong nakahandusay at walang mga buhay ang mga lalaki kanina, nandoon na rin sina Dash at Zeijan kasama ang mga pulis.

Habang nakatingin sa kanya ay napaluha ako, may dugo ang mukha niya at may pasa ang pisngi niya. Ang dugo galing sa tama ay umaagos sa braso niya at habang tinititigan ko ang mukha niya ay nanginginig ako. Ibinagsak niya ang baril na hawak niya at mabilis akong kinabig at niyakap.

I cried. Yakap ko siya nang mahigpit habang siya nama'y sumubsob sa balikat ko.

"I-Iñigo—"

"Sshh, baby, we're safe now," bulong niya sa nanginginig na boses. Mas humigpit ang yakap niya sa akin sa takot at bumulong.

"I-I was scared, I was so fucking scared," bulong niya. "I thought I'll lose you, I—" Humiwalay ako at hinawakan ang pisngi niya at napatungo ako habang naluluha.

"Thank you for saving us—" Natigilan ako at binalot ng takot nang makita ang pag-angat ni Maica, nakita kong inaabot niya ng pilit ang baril gamit ang isang kamay at nang maiangat iyon ay itinutok sa amin.

"Iñigo!" I screamed at mabilis na hinawi si Iñigo para hindi siya tamaan ng bala.

Kasunod nito ay ang malakas na putok ng baril at natulala ako nang makitang bumagsak muli si Maica sa lapag at nabitiwan ang baril nang tamaan muli ang kamay niya.

She screamed in pain.

I saw the police running towards her, nangunguna roon si Zeijan na kaagad na sumaludo sa akin habang natatawa sa sigaw ni Maica.

"Sorry, Miss," he smirked. "Mukhang tinamaan ko 'yong buto. Putulin na lang siguro 'yan."

"Fuck you!" she screamed, crying.

Biglang may humawak sa balikat ko at nakita ko ang galit na mata ni Iñigo.

"Are you nuts?!" galit na sigaw niya sa akin, namumula ang mata sa pag-iyak. "How dare you save me—" Napahawak siya sa buhok sa frustration at napahikbi ako. "Why did you push me?! Paano kapag may nangyari sa 'yo! Paano kapag—"

"S-sorry." Napayuko ako at napaiyak. "I just... Ayokong mapahamak ka."

"D-don't risk your safety for me! What do you think will happen to me kapag napahamak ka?" Iniangat niya ang baba ko at tinitigan ang mata ko.

"Y-you..." bumuntonghininga siya at hinawi ang mga luha ko. Pagkatapos ay niyakap niya muli ako at humalik sa ulo.

"S-sorry, hindi ko sinasadyang sigawan ka. I was so damn scared for that stunt..."

"Sorry, Iñigo."

Tumango siya at kumapit ako sa damit niya at yumakap. Habang yakap siya ay rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. He was scared of losing us. I could feel his body tremble. Ang higpit ng yakap niya ay nagpapahiwatig ng takot at pag-aalala.

Sa kabila ng ingay ay nanatili akong nakasubsob sa dibdib niya at siya ay mahigpit akong yakap. He was talking to his brothers, narinig kong dederetso kami sa ospital at hindi ko na maintindihan ang iba dahil sa panghihina ng katawan ko.

I felt more dizzy. Naipikit ko ang mata ko nang pumitig ang ulo ko sa sakit at marahang itinulak ko si Iñigo para magsalita.

"I-Inigo," I called him pero sa huli ay napakapit lang ako sa braso niya bago tuluyang bumigay ang paa ko at nawalan ng malay.

𓍝𓍝𓍝

I stayed in the hospital for weeks hanggang sa gumaling ang tama ko, mabuti na lang at hindi ako masyadong nawalan ng dugo. I fainted because of the wound at the back of my head.

Maica was hospitalized first and then jailed afterward. Her other hand had to be amputated, while the other, I'm not sure. Maybe it's under observation.

Not that I am wishing ill for other people but for her? I'll be a bitch. I hope her other hand gets cut, too.

Karamihan sa mga tauhan niya ay namatay sa engkwentro laban sa mga pulis at ang iba ay nahuli at ikinulong. Fernan Perez was still in prison, patong-patong na kaso ang isinampa sa kanya maliban sa kaso na isinampa namin dahil sa naglabasan din ang mga taong naloko niya.

When his trial came, the verdict was guilty.

Vaughn was visiting me sometimes, he was well, may kaunting galos pero hindi naman malala. About his dad, Attorney Velgas, sinampahan namin siya ng kaso sa panloloko at pakikipagsabwatan sa mga Perez.

He apologized but a sorry will never be enough to take back the trust he broke. Pinaglaruan niya kami ng dad ko. I will never forget that.

Dad trained me pero hindi madalas, minsan ay sa bahay at online lang ako nagte-train dahil sa hindi ako maaaring maggagalaw dahil maselan ang kalagayan ko.

Thankfully, my child is safe. However, we still don't know the gender kaya minsan napapanguso na lang si Iñigo at excited na talaga siyang bumili ng gamit.

In fact, he started hoarding abroad. Ewan ko kung anong mga kulay ang binili niya at surprise raw.

"How are my babies?" Nabitiwan ko ang donut na hawak ko at kaagad na ngumiti nang makita si Iñigo na pumasok sa loob ng bahay. Mabilis akong tumayo at naglakad palapit sa kanya at kaagad naman niyang sinalubong ako ng yakap.

I sighed and inhaled his scent. Ang bango-bango talaga niya! Ang sarap i-kiss!

I tiptoed and kissed his lips. Napangiti naman siya noong una pero kaagad na binitiwan ang dala at hinawakan ang baywang ko para gantihan ako ng halik. Natatawang humalik siya sa panga ko at hinawi ang buhok ko paalis sa balikat ko para mabigyan siya ng espasyo.

"Saan ka ba galing? I woke up without you beside me," bulong ko. Lumayo naman siya sa leeg ko at dinungaw ako.

"I just bought something for you." He grinned. Lumayo siya para may kunin. Napangiti ako at may humaplos sa puso ko nang makita ang dalawang pumpon ng bulaklak. One with red roses and the other one with white.

"This is for you." He gave me the red roses. "And this one is for our angel, but since she's still inside you, I'll give this to her beautiful mom." Napangiti akong lalo at inabot ang isa pang bouquet.

"She?" I smirked. "Sure na sure ka ng may baby girl tayo, ah?"

Tumaas ang kilay niya.

"I can feel the Thallia-liit in there," he reached for my stomach. "Ready na rin ang savings ko kapag nagmana siya sa mommy niya."

I giggled.

"Thank you, baby!" I cheered at tumango naman siya at humalik sa pisngi ko.

"Anything for you," he whispered softly before biting the skin behind my ear kaya napasinghap ako at nahampas siya.

"Ang landi ni Iñigo!" giit ko. He chuckled at napatili ako nang bigla niya akong pangkuin. Dumeretso kami sa sofa habang buhat niya ako at naupo siya at ako nama'y nasa hita niya nakapwesto.

"What are you watching?" tanong niya bago sumilip sa TV.

"I am watching a K-Drama, baby," sagot ko sa kanya. "Grabe, 'yong lalaki kapag mahal na nila 'yong isa't isa saka lang p'wedeng mahugot ang sword," pagkwento ko sa kanya.

"Hmm? Why is that?" tanong niya, umalis ako sa hita niya at naupo sa tabi niya at siya nama'y hinubad ang shirt galing sa likod at itinapon sa kabilang sofa.

"Kasi, ano, immortal 'yong lalaki, libong taon na siyang buhay tapos..." Bumaling ang tingin ko sa hubad niyang pang-itaas at napalunok. "Ang hot..."

Bigla siyang napatingin sa akin kaya nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig.

"What's hot, hmm?" he teased.

"Uhm, 'yong ano, dito sa bahay mo. Ang init! Uh, lakasan natin ang aircon?" Napangisi siya sa sinabi ko at napailing. My eyes widened when he leaned in and kissed the tip of my nose.

"You wanna make love?" Umawang ang labi ko sa gulat at napatikhim.

"Hoy, Iñigo! Kung ano-anong iniisip mo diyan!" tinulak ko ang noo niya nang humalakhak siya.

"What? Ayaw mo ba? No one's here except us, day off ng maids, remember?" he wiggled his eyebrows at pumungay pa ang mata.

"Uhm, ano?! Ayoko nga!" Nag-init ang pisngi ko nang dilaan niya ang labi niya.

"Really?" he teasingly let his lips touch mine.

"Uh, o-oo! Saka 'di ba may party mamaya? Baka ma-late tayo!"

"Na-uh, it's later tonight, baby. It's just noon; we'll get ready at five and we still have four hours to burn calories. You told me you don't wanna get fat, right?" Natigilan naman ako at mabilis na bumaling sa TV, nag-iinit ang mukha.

"Ay ayan, huhugutin na niya 'yong sword!" I exclaimed. Puputok na ang pisngi ko sa init dahil sa sinabi niya kaya napainom ako ng tubig habang nakatitig sa TV.

"Hmm, 'yong sword ko ayaw mo hugutin?" Nabuga ko ang tubig at napaubo at humagalpak naman siya habang tinitingnan ako.

"You jerk!" sigaw ko at mabilis siyang lumayo sa akin at tumakbo paakyat sa hagdanan bago ko pa siya mabato ng unan.

𓍝𓍝𓍝

MAGKAHAWAK kami ng kamay ni Iñigo nang pumasok sa mansyon nila. Last night we flew from Manila to Sta. Monica, their province, para i-celebrate ang pagbubukas ng mining company nila rito. Sakay ang chopper nila ay pumunta kami rito para sa gathering. It was just a small gathering with his family at ang ilang mga business partners nila.

Noong una ay hindi dapat kami pupunta pero napilit ko si Iñigo kaya pumunta kami rito.

Sa hacienda nila sa probinsya gaganapin ang party, may ilang journalist na imbitado sa party na kinuhaan kami ng litrato pagkapasok. Nakakapit ako sa braso ni Iñigo at siya nama'y nakaalalay sa baywang ko habang naglalakad. May itinanong sila tungkol sa kaso ng Dad ko at kung ano man pero hindi ko sinagot at ngumiti lang ako.

"Ano pong relasyon n'yo ni Ms. Castuares, Attorney Sandejas? Totoo po bang ikaw ang naging abogado nila sa kaso?" tanong noong isa at sumunod sa amin. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil si Iñigo. Hinarap niya ang reporter at nagulat ako nang sumagot siya.

"Yes and she's my soon-to-be wife," he answered. Natigilan naman ako at nakita ko ang pagkabigla ng reporter sa sinabi niya pero kaagad ding napalitan ng interes kaya sumunod sa amin at nagtanong pa pero hindi na nagsalita si Iñigo at umiling. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palayo sa madla.

Pigil ang ngiti ko habang naglalakad kami ni Iñigo papalapit sa mga magulang niya.

"You're soon to be my husband, right?" Ngumiti ako. He smiled and glanced at me.

"It was a plan from the get-go. Hmm, yes, my soon to be Mrs. Sandejas." He winked. Napangisi lang ako at humawak sa kamay niya bago kami dumeretso sa pamilya niya.

"Good afternoon po." I smiled when I saw his Dad, Ejercito Sandejas.

"Hija!" He smiled. "I'm glad you two made it!" Yumakap siya sa akin at napabaling ako kay Tita, Iñigo's mom, na nakaupo sa wheelchair.

"Hello po, Tita," makita ko ang pagngiti niya.

"T-Thallia," she called my name, napangiti ako at humila ng upuan para makausap siya.

"Kumusta na po? Ilang linggo ko kayong hindi nabisita," sabi ko sa kanya. Inabot ko ang kamay niya at hinaplos.

"A-ayos, ikaw?" pautal niyang sabi. Masaya akong makita siyang nakakapagsalita na kahit paunti-unti. She's doing very well sa kanyang therapy at madalas na nakakausap na siya nina Iñigo.

"Ayos lang po ako, itong apo n'yo po, lumalaki na kaso feeling ko pasaway kagaya ng tatay niya," napatawa ako at napangiti naman siya.

"What's the commotion about, ladies?" Lumitaw si Iñigo na ngumiti nang maabutan akong nakatingin sa kanya bago balingan ang Mom niya.

"Hey beautiful," he called his mom. Napangiti ako nang makitang iniabot ng Mom niya ang kamay nito kay Iñigo na kaagad nitong kinuha at hinalikan.

Nag-usap kami nina Tita panandalian dahil tumawag ang Dad ko na parating na siya kaya sinalubong namin siya ni Iñigo sa pintuan.

He was with my sister, Allison, at kasama rin si Natalie at ang mga asawa't anak nila. I greeted them and kissed their cheeks bago ko sila hinatid sa upuan nila. Nakangiti ako habang kausap ang Dad ko na sinusungitan si Iñigo kapag ako ang topic nila.

"Tito, 'yong sinabi ko, a?" Iñigo asked him.

"No," my Dad answered at nakita kong bumagsak ang balikat nito.

"Anong meron?" I asked pero umiling lang si Dad at sumimangot si Iñigo.

Saglit nila akong iniwan at pumunta sa parents ni Iñigo. I saw his Mom and Dad talking to my Dad. Nahuli ko pa ang pagsipat ni Tito Jer kay Dad na malaki ang ngiti habang nakatingin kay Tita Lena.

May sinabi si Tito Jer na 'di ko nakuha at nahuli ko ang bahagyang iling ni Tita Lena at tawa ni dad.

Did they know each other?

Nakita ko ring nagsasalita si Iñigo at may sinasabi kaya nanatili lang akong nakaupo sa tabi ng kapatid ko.

Saglit kaming nagkwentuhan at nagkumustahan, kinulit at kinausap ko rin ang mga pamangkin ko at natigil lang kami nang tumayo sa gitna ang tatlong magkakapatid.

Iñigo was with his brothers Zeijan and Dash, they all looked dashing in their suits. They all screamed wealth and power, seryoso si Iñigo na may tipid na ngiti sa labi habang si Zeijan naman ay naglalaro ang mga ngiti. Bumaling ang tingin ko kay Dash na tahimik pero may maliit ding ngiti.

"For a more fruitful year to Sandejas' Mining Corporation!" Iñigo exclaimed.

Itinaas namin ang mga wine glass para makisabay sa kanila at sabay-sabay na uminom. Nakita kong napatingin sa akin si Iñigo matapos na uminom at napatingin siya sa wine glass na hawak ko.

Napatingin ako roon bago bumaling muli sa kanya at ngumiti. I shook my head and mouthed "Iced tea" kaya nanahimik siya at ngumiti.

Nagsalita ang head ng pamilya nila, si Tito Ejercito. They thanked all the guests at ang tumulong sa kanila para mabuo ang panibagong negosyo.

"That's all, thank you. Now, I want to give the stage to my eldest son," aniya. "Iñigo, come here, son." Tumayo si Iñigo at kinuha ang mic.

"Thank you, Dad." He smiled. Pinasadahan niya ng kamay sa buhok at ang pag-ayos niya ng tayo. Kaagad na iniikot niya ang mata sa lugar at natigil iyon ng magakasalubong ang mga mata namin.

He then smiled and heaved a deep sigh.

"Now, I want to inform you that this celebration isn't only about our company. I also wanted to use this gathering to finally tell you all that I'm going to get married," he announced. Umawang ang labi ko sa sinabi niya at napaayos ng upo.

"Thallia." My heart jumped at his sudden mention. "Come here, baby."

Naguguluhan man ay mabilis akong tumayo. Nagulat pa ako nang dumating si Dad at inalalayan ako sa pagpunta sa harapan. Narinig ko ang impit na tili at bulungan pero natulala lang ako habang naglalakad. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nanginginig ang kamay ko.

"Be happy, anak," bulong ni Dad kaya nangilid ang luha ko at mabilis namang bumaba si Iñigo at inabot ang kamay ko.

"Come here, baby."

"Guests, everyone, I want you all to finally meet my fiancée, Thallia Josephine Castuares."

Pumalakpak sila at umawang ang labi ko habang nakatingin. Mabilis na humawak si Iñigo sa baywang ko at lumapit para bumulong.

"Let me hear your yes, formally," he whispered at humiwalay sa akin at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko, wala na ang mikropono kaya kaming dalawa na lang ang nakakarinig sa sinasabi niya.

"Baby," mahinang sabi niya, kami lang ang nakakarinig. Nangilid ang luha ko nang makita ang paglabas niya ng isang kulay pulang kahita.

"I-I know this is too late, we've suffered enough, we faced different challenges together pero nandiyan ka pa rin sa tabi ko," panimula niya.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa mga luha.

"I-I have done things, like you, that hurt you. I made you cry, I broke your heart. I am really sorry." He closed his eyes, and a tear escaped.

"I am broke, I am broke because I've hurt you. Nasasaktan ako at nagsisisi dahil nasaktan ko ang pinakamamahal kong babae." Napahikbi naman ako at napatungo sa sinabi niya.

"I-Iñigo,"

"B-but you gave me a chance. You made me a part of your life again. You forgave me. Thank you very much..." Huminga siya nang malalim. "Now, let me be a part of your life till the day we stop breathing. Let me be your shelter, your home; let me be the light of your home... Please..."

Napahagulgol ako nang buksan niya ang kahita at tumambad sa akin ang isang kumikinang na singsing.

"I-I love you so much, baby..." His eyes were bloodshot when he stared at me. "Please, just please..." Nalaglag ang luha sa mga mata niya at hinanap ang mata ko. "Please marry me, baby... I am so in love with you..." he smiled. "So much..." Napaghagulgol ako at mabilis na tumango.

"Y-yes..." I stuttered and cried.

My heart was filled with overwhelming happiness. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ako. Mabilis na inilagay niya sa daliri ko ang singsing at napaiyak siya nang yumakap sa akin. Kasabay no'n ay ang malakas na palakpakan.

"Thank you, baby..." suminghap siya at napaiyak habang sumusubsob sa leeg ko. "Mahal na mahal kita."

Matapos ang celebration ay hindi mahiwalay si Iñigo sa akin. Napasabak lang siya sa inuman nang mang-asar ang mga kapatid niya tungkol sa pagiging liquor-intolerant niya.

"Hindi ako malalasing!" he hissed at deretsong ininom ang alak sa shot glass. Napailing naman ako habang nakatingin sa kanya habang naghahagalpakan naman ang magkapatid.

He never learns.

"Iñigo, stop drinking," pigil ko sa kanya nang makaisang baso na siya.

"No! I—" bigla siyang sininok. "I won't get drunk!" Namumula na ang mukha niya hanggang sa tainga niya.

"Just admit it, Kuya. Tulog ka kaagad!" Dash teased him at namura sila ng kapatid. Naghagalpakan naman ang dalawa nang bahagyang sumandal sa akin si Iñigo at hinawakan ang kamay ko.

"B-baby," magulo na ang boses niya.

"Hmm?" Iniangat ko ang kamay ko para haplusin ang buhok niya. "Stop drinking, baby... Inaasar ka lang ng mga kapatid mo," sabi ko. Pero umiling lang siya sa akin at bahagyang yumakap sa baywang ko.

"Ganda mo."

"Gwapo ka rin." He smiled and kissed my cheek at nagulat ako nang bahagya siyang lumayo at tinuro ang mga kapatid niya.

"H-hear that?! Mas gwapo ako sa inyo!" he exclaimed. Ngumisi ang mga kapatid niya at naglokohan na.

"Wooh! Gwapo raw siya! Cheers tayo, Kuya!" Pinuno na nila ang baso at iniabot kay Iñigo na kaagad namang ininom ng huli at napapikit na ang mata niya pagkatapos pero sinabi pa rin na ang gwapo niya. Napa-face palm na lang ako at napatawa sa asaran ng tatlo.

"Lasing ka na, Iñigo Rafael," sita ko.

"Hindi ako lasheng!" he snapped, at the same time Dash and Zeijan did to mimic him. Nasapo ko ang noo.

Ang ending, halos humilata na si Iñigo sa lapag ng bahay nila at kailangan pang buhatin ang braso ng mga loko-lokong kapatid paakyat sa kwarto namin.

"Look what you've done to your brother."

"Thallia, never kaming matatalo ni Kuya sa inuman," tawa ni Zeijan sa akin.

"Tss, oo na... Inasar n'yo kasi, alam mo namang ma-pride 'yan."

"Too bad, you can't celebrate your engagement because of Kuya—being drunk!" humagalpak ito at nag-apir pa ang dalawang mokong.

"Kasalanan n'yo!" Sumimangot ako sa kanila at dinala na nila si Iñigo sa kwarto at inihiga sa kama.

"Ikaw na bahala rito, huh?" Zeijan told me at tumango ako habang pinagmamasdan ko ang fiancée ko na natutulog.

"Sige, thank you," I smiled.

"No problem, congrats, Thallia," Zeijan smiled.

"Welcome to the family!" Dash cheered at may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi nila.

"Salamat!"

They hugged me and left. Nakangiti lang ako nang hinatid sila sa may pintuan. Kaagad kong nilapitan si Iñigo na nakahilata sa kama at naupo sa tabi niya.

"Napakakulit kasi," tawa ko at nag-ayos muna bago siya asikasuhin. Naupo ako sa kama sa tabi niya at marahan kong tinanggal ang necktie niya at kinalas ang butones ng damit niya.

"N-no," biglang banggit niya. Natigil ako nang hawiin niya ang kamay ko sa damit niya. "I-I'm engaged," he groaned.

"Engaged ka na?" pagsakay ko sa sinasabi niya. Hinaplos ko ang mukha niya at natatawang humalik sa labi niya pero umiwas lang siya kaya tumama ang halik ko sa panga niya.

"F-fuck off!" he hissed.

Nagmulat ang isang mata niya at itinaas ang kamay niya para ituro ako.

"Y-you! Shoo!" ginalaw niya ang kamay niya na parang pinapaalis ako at napailing ako. "N-no?" Tumawa siya na parang baliw at ako nama'y napahalukipkip.

"Ikakashal na mga ako!" bahagya pa siyang umupo pero natumba ulit na ikanatawa ko.

"Oo na, ikakasal ka sa 'kin," I told him.

"N-no! Kay Thallia!" bigla siyang sininok kaya napahagalpak na ako at napahawak sa tiyan ko dahil sa kakatawa.

"Come on, baby, lasing ka na. Sleep na..." pag-aalo ko sa kanya pero nangunot lang ang noo niya at pinilit na namang maupo.

Iminulat niya ang isang mata niya at ipinalibot ang tingin pagkatapos ay napayuko pa saglit.

"Bakit ako nandito? Ashan ako! Si Thallia!" his voice was slurred and a bit hoarse, sininok din siya kaya naiiling ako at napatawa na naman.

"It's me, Thallia..." I answered him. Nilingon niya naman ako at nanliit ang mga mata na parang minumukhaan ako.

"T-Thallia?" sumara ang mata niya at bumukas ang isa.

"Hmm, yes?" malambing kong sabi.

My childish Iñigo. Hindi ko alam pero palagi niya akong napapatawa kapag ganitong lasing siya. He's just so cute and adorable! Ang sarap kagatin!

"Love you," he murmured. Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

"I love you, too. Sige na, bihis ka na kasi tutulog na tayo..." malambing kong utos sa kanya. Umiling siya at bigla akong tiningnan ng antok niyang mga mata.

"Ayaw!" he exclaimed, pulang-pula na ang mukha. "Me-make love tayo kasi ikakasal na tayo," sagot niya.

Natigil ako sa pagsasalita at mabilis siyang nakaabante palapit sa akin. Nanlaki ang mata ko nang mabilis niyang maabot ang baywang ko kaya napaupo ako sa hita niya.

"Iñigo!" gulat kong sabi. Pilit naman niyang iminumulat ang mata at mapungay akong tinitigan.

"Kiss mo 'ko," he whined. Hindi ko alam kung kakabahan ako sa sinabi niya o matatawa. He's just so drunk!

"Kiss!" he pouted his lip at napakapit ako sa balikat niya bago siya hindi makapaniwalang tingnan.

"Seriously?" He nodded at inilapit pa sa akin ang nakanguso niyang labi.

"Hay naku, Attorney." Iling ko pero sa huli ay dumukwang ako at sinalubong ang labi niya. Magkadikit lang ang labi namin noong una pero makaraan ang ilang segundo ay hinawakan niya ang batok ko at gumalaw ang labi niya.

His lips moved slowly with mine, ang isang kamay niya'y bumaba sa baywang ko at naramdaman ko ang pagpasok niya ng kamay niya sa shirt ko. Nasalubong ko ang kulay asul niyang mga mata, malamlam ito at puno ng pagkasabik. He nipped my lip as I opened my mouth to give him access. Napakapit ako sa braso niya nang lumalim ang halik niya at pagkatapos ay bumaba iyon sa panga ko.

He kissed and licked my jaw, napaungol ako nang bahagya niya iyong kagatin kaya nahila ko ang buhok niya. Wala pang ilang sandali ay mabilis niya akong naihiga sa kama. Mabilis siyang pumaibabaw sa akin at tinulungan ko siyang tanggalin ang damit niya.

I was blinded by his delicious body, which was well-sculptured and built! Gumagalaw ang muscles niya sa bawat paggalaw niya at nang maitapon ang damit niya kung saan ay tumungo siya at humalik na naman sa akin. Nakalmot ko ang likod niya nang bumaba ang halik niya sa may dibdib ko. Mabilis niyang itinaas ang shirt na suot ko at humalik sa gilid ng dibdib ko.

"B-baby..." Hinanap niya ang mata ko at humalik sa noo ko. Nakatukod ang kamay niya sa itaas ng ulo ko para sumuporta. "Love you," ulit niya. Namumungay at antok pa rin ang mata.

"I love you, too." Inabot ko ang pisngi niya at humaplos sa may labi niya. "Hindi ka ba lasing?" Umiling siya at halos manliit ang mata.

"Hindi ako nalalashing sabi," reklamo niya at bigla siyang lumingon sa may tabi ko at may kinapa.

"What's that?" tanong ko at halos lumuwa ang mata ko nang makitang hawak-hawak niya ang necktie na tinanggal ko.

"Iñigo?" Napakurap ako.

"Hmm?" Inayos niya ito at hindi makapaniwalang napanganga ako.

"Don't tell me—"

"I'll tie you," biglang kumislap ang kapilyuhan sa mata niya at napaayos ako ng higa.

"What—" Umawang ang labi ko nang hulihin niya ang dalawang kamay ko at itinali iyo sa may uluhan ko.

"Iñigo!" I hissed at ginalaw ang kamay ko pero humalik siya sa labi ko kaya nawala ako sa sarili. He kissed me as he was tying my hand using his tie. Nang humiwalay siya sa akin saka ko lang nakitang nakatali na sa headboard ang kamay ko.

"Hot," Iñigo whispered while looking at my hands tied above my head.

I wiggled pero hindi ko magalaw ang kamay ko. Sinipa ko si Iñigo at sinamaan ng tingin pero ngumisi lang siya.

"Beautiful," he said before claiming my lips for a deep kiss. Halos hindi na kami maghiwalay para makahinga dahil sa halik na pinagsasaluhan namin. I wanted to touch his hair and pull him closer to my lips when he kissed my cheek pero hindi ko magawa dahil sa nakatali ito.

Sa halip ay impit na ungol at igik lang ang nagagawa ko nang haplusin niya ang katawan ko. He kissed my neck, he bit it plenty of times. He teasingly bit and licked my neck kaya napaigtad ako at napaungol.

"I-Iñigo," hinahapo kong sabi. He touched my stomach and caressed it lightly. Gusto ko namang gumalaw para mahalikan siya, pero hindi ko magawa.

"K-kiss me, kiss me more," bulong ko and he did. He kissed my mouth full, ang kamay niya'y humahaplos sa katawan ko. Ipinaling ko ang ulo ko para mahagkan niya ang leeg ko.

I was anticipating his touch, his every caress, his kisses. Kahit hindi ko siya mahawakan ay gusto ko siyang maramdaman!

I was expecting his bite on my neck pero natigil ako nang biglang wala na akong maramdaman sa leeg ko. Nangunot ang noo ko nang bumigat ang katawan niya at ibinaba ang tingin ko nang biglang mahulog ang ulo ni Iñigo paalis sa leeg ko.

"What the hell?" napamura ako nang makitang nakaawang na ang labi niya. Ginalaw ko ang kamay ko pero nakatali ito kaya napamura akong muli.

"Iñigo!" I hissed at nalaglag lang ang panga ko nang bigla siyang humilik. Habang nakatitig sa mukha niyang tulog ay bigla na lang nawala ang pagkainis ko at napatawa.

"So, mga ilang beses mo akong tutulugan?" reklamo ko na natatawa.

He's cute. I can never believe he's mine. My armor, my knight, the light of my dark world. He saved me from misery and loved me for who I am. He held my hand and saved me from the monsters inside my head. I can never believe I have this wonderful man in my life.

He's my wonderful karma, my most beautiful downfall.

As I looked at him, hindi ako makapaniwala sa lahat. I can't believe I will start a family with him, with our child. I realized how lucky I am that despite of anything ay nakatagpo ako ng isang taong kagaya niya. I have learned that there was always that someone that is meant for you, na may isang tao talaga darating para sa 'yo—para iligtas ka sa magulong mundong kinasadlakan mo.

I have learned that love conquers all, that because of my love for my father ay nakilala ko siya. Because of my love for him ay hindi ako gumawa ng masama para masaktan niya. Because of his love for me ay nagsakripisyo siya at dahil sa pagmamahal namin ay may nabuong anghel na habang-buhay naming mamahalin.

And lastly, I just want to thank the Almighty up there, na kahit may nagawa akong mali ay napatawad Niya ako. It is love, indeed. Because of His love for me. I finally found my happiness and the right man for me.

Pero seriously, paano ako makakawala nito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co