Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 3
Kabanata 3
"S-SIR?!" I exclaimed in shock. Napabitiw ako sa leeg niya at napaatras. Dahil may bumangga sa likod ko ay muntik na akong matalisod pero mabuti na lang ay agad niya akong nasalo.
He held my waist when the people behind me started getting wild.
"Watch out!" he hissed at the guy who bumped against me. Nakita ko ang pagkakakunot ng noo niya at ang pagkakaigting ng panga niya.
The guy didn't listen at mas naging maharot pa ito sa dance floor habang may kasayaw na kung sino. Sa muli nitong pag-atras kasama ang kasayaw nito ay napangiwi ako nang matapakan ako ng heels nito.
I groaned when I felt pressure behind kaya muling napaabante't tumama ako sa dibdib ni Iñigo. Mabilis naman niyang hinatak ako paatras at tinakpan ang ulo ko.
"Shit! There are people here! Can't you see? May natatamaan kayo!" Iñigo shrieked kaya napalingon ang mga sumasayaw. Sa dilim ng paligid ay nakita ko ang galit sa mata niya.
"It's a dance floor! What do you expect us to do?" galit naman na turan ng kabila na nakabunggo.
Nagpuyos ang dibdib ko sa inis. Siya pa ang may ganang mag-ganyan e, siya ang may kasalanan!
I felt Iñigo's body tensed up at nang bitiwan niya ang baywang ko ay kinabahan ako. He's on the verge of attacking the bastard, kaya mabilis kong pinigilan ang braso niya.
"Sir," I stopped him.
"Let go," baling niya pero umiling ako. Nang pilit niyang tinanggal ang kamay ko para sugurin ang nakangising lalaki ay halos yakapin ko na ang braso niya na ambang sasapak.
"Sir! Hayaan mo na!" I begged.
"Thallia, let me! This bastard—" Mabilis akong umiling at lumapit sa kanya.
"Please, Sir, hayaan mo na. I'm not hurt or what, just..." Napapikit ako nang napabuntonghininga siya bago umiling.
"One more time I see you doing this, I'll sue you," mariing sabi niya at mabilis na kinuha ang kamay kong nakakapit sa braso niya at hinila ako palayo sa dance floor.
I almost stopped walking when he held my hand habang naglalakad kami. I stared at his back, pero sa bawat paglakad namin ay mga natitigilang babae ang nakikita ko. Most of them knew him, obviously. Sa bulungan at iritan nila ay nairita ako kaya hinawakan ko pabalik ang kamay ni Iñigo at nagsumiksik sa likod niya.
Hindi naman siya natinag pero natigilan sandali pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Once we left the dancefloor, ay kaagad akong nakahinga nang maluwag. Hindi ko alam kung ano ang mas nakaka-suffocate—the crowd or the man holding my hand?
Nang makawala roon ay kaagad niya akong nilingon. Napalunok pa ako nang bitiwan niya ang kamay ko.
"Are you okay?" he asked me. Kaagad akong tumango at umayos ng tayo para ibaba ang umakyat kong dress. He stared at me and shook his head.
He removed his coat, leaving him with his long-sleeved button-down shirt, wala na sa leeg niya ang kurbata. I blinked when he placed his coat on my shoulders at hinawi ang buhok kong nakatabon sa mukha.
"Thanks," sabi ko at marahang naglakad.
"Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya at umiling ako.
"Why are you here, anyway?" tanong niyang muli sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.
"May bridal shower kasi 'yong isa sa mga kaklase ko dati and I was invited," sagot ko naman. "Ikaw, Sir, anong ginagawa mo rito?"
"My brothers are here, sa taas kami ng VIP lounge, nag-iinuman then I went to the regular part dahil nandoon 'yong kliyente ko no'ng nakaraan. Then, I saw you." Natigil siya at sinuklay ang buhok niya ng daliri.
"Why are you dancing with that guy? Did you know him?" tanong niya. Umiling naman ako at mahinang natawa.
"Nah, I just love to dance." Tawa ko pero nanatili namang seryoso ang mukha niya kaya natameme ako.
"Hindi mo ba napansin 'yong titig sa 'yo? The other guys there were almost drooling at you," reklamo niya.
"They did? Not shocking, though," nang-aasar kong sabi at abot na ng paningin ko ang pintuan patungong VIP lounge.
"Whatever, Thallia. Paano kung hindi kita nakita ro'n?" Nagpamulsa siya at nakakunot ang noo.
Tumaas ang sulok ng labi ko at napangiti. "I'm not new to those moves, Attorney. Ilang taon din ako sa ibang bansa kaya sanay na ako diyan," sagot ko.
"Then, ayos lang sa 'yo na hawakan ka?" Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Hinarap niya ako kaya napalunok ako bigla sa intensidad ng titig niya.
He seems mad at me at igting ang panga niya habang nag-aantay ng sagot ko. "Answer me, woman. Do you like them, touching you?" mariing sabi niya.
"It's not like it's fine, I mean, normal lang naman. You know, it's part of dancing, getting intimate and—" Kumabog ang dibdib ko nang bigla siyang umabante kaya napaatras ako ng lakad.
He moved forward and gently pushed me towards the wall kaya tumama ang likod ko roon. Ramdam ko ang lamig ng pader na lumalaban sa init ng pakiramdam ko dahil sa pagkakalapit niya.
He smelled of liquor, seduction, and sin. Sa paglapit ng mukha niya ay umalon ang sikmura ko. He moved closer, and my heart jumped out of my throat with the eye contact and close proximity.
"You don't just get intimate with someone you barely know," he whispered at doon ko lang ata naramdaman ang aftermath ng alak.
This isn't right, Thallia! Lasing ka! Your principles! Wake up!
My inner self was rebelling, but all my inhibitions disappeared with the light touch of his lips on mine. It was so light, so smooth, so fast that I almost didn't feel it.
Namamalikmata lang ata ako. I blinked and he's still there. Natigil ako.
Did he really kiss me?
May kumalampag sa puso ko nang titigan ng namumungay niyang mga mata ang kamay niyang nakatukod sa taas ng ulo ko hanggang sa unti-unting bumaba sa balikat ko. Right there, I know he would kiss me again pero bago pa niya nagawa 'yon ay bigla kaming natigilan nang may kung anong bumagsak.
Sabay kaming napalingon at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Mary Jane na nakanganga at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa amin.
Mabilis kong natulak palayo si Iñigo sa akin at walang salitang tumakbo paalis sa lugar na iyon sa kabila ng magulong pagkabog ng dibdib ko.
Damn you, Thallia! Ang tanga-tanga mo!
Bakit ko 'yon nagawa? Because I'm tipsy? Is that it? Halos ilang beses ko nang nasabunutan ang sarili ko habang nakatulala sa parada ng mga sasakyan.
Bakit niya iyon ginawa? Why the hell did he kiss me? Sa huling pagkakaalam ko ay boss ko lang siya, just an accessory to my mission!
My phone rang and I quickly stood up to answer it. It was Attorney Velgas, my father's Attorney.
"Yes?" I cleared my throat.
"Thallia, how's your mission?" he sounded curious. "May improvement na ba?"
"Still none," sagot ko naman. "But I think I know the first number of his vault."
"Good, I visited your father earlier at sinabi niyang inip na inip na siya roon. He was a wreck there, Thallia. Ikaw lang ang pag-asa niya." I sighed and nodded. Parang nanakit ang ulo ko sa mga sinabi niya.
"I know, that's why I'm here. I will get the evidence, Attorney. Akong bahala," I answered him.
"How long do you think before you can get it?" tanong niya.
"It will take time," sagot ko naman bago naupong muli. I somehow can get his trust but not fully, hindi pa niya ipinagkakatiwala sa akin ang importanteng mga kaso niya.
"How long? Your father's trial is scheduled months from now," he answered me.
"I think that's enough time," sagot ko nang may naisip. "I think I can get more information and evidence in no time."
"That's good to hear. We'll keep our trust in you, Thallia," masayang sabi nito at umangat ang labi ko sa isang ngiti.
A plan slowly formed kaya nang mawala sa linya si Attorney ay napag-isipan ko.
The kiss, I think, I could take advantage of. Attorney Sandejas won't just kiss me for nothing. Siguro ay lasing lang siya pero hindi lang iyon, what if he's lusting over me? Then, that's a plus!
I can easily get him. He will trust me, and I can get what I want.
I nodded and smiled.
Damn, Sandejas, I'll do everything I can to do this job and plans.
I went back to the party at doon ko nakitang nagsasaya na ang mga babae dahil sa mga naghuhubad na lalaki. Okay, the men got looks and the body pero wala muna roon ang atensyon ko. My friend was sitting in the corner with his boyfriend at nagbubulungan sila. Mukhang hindi nila ako nakita kaya lumabas akong muli para pumunta sa bar counter para magbakasakaling nandoon si Iñigo.
I found Zeijan mixing drinks and talking to a woman. Lumapit naman ako at nang makita ako ay kaagad siyang ngumiti.
"Thallia!" he called when he saw me again. I smiled and nodded, kaagad naman siyang nagpaalam sa babae at lumapit sa akin.
"Drinks on the house." Ngumiti niya bago naglagay ng shot glass sa harapan ko.
"Thanks," pasalamat ko bago tumungga. I felt him staring at me kaya binalingan ko.
"Why?" I asked him. Tumaas naman ang sulok ng labi niya na parang may nalamang kung ano.
"So, you already saw Kuya Iñigo?" he asked me habang nakatingin sa balikat ko kaya kaagad akong napatingin doon at napahawak sa coat na galing kay Iñigo.
"Yes," tumikhim ako at sumagot. Inilibot ko saglit ang paningin ko bago siya tingnan. "Where is he?" I asked him at mas lalong lumawak ang ngiti niya.
"My brother is there," turo niya. Nang lumingon ako ay nakita ko siyang naglalakad papalapit. Nanuyo ang lalamunan ko nang bumaling ako sa labi niya.
I think I just tasted that. Kumalabog ang dibdib ko na animo'y sasabog kumalma para hindi mahalata ang kahibangan ko.
"Hey," he greeted and swiftly sat beside me. Nagulat ako nang mabilis niyang naagaw mula sa akin ang panibagong shot na iinumin ko sana.
"Sa 'kin 'yan!" My eyes widened at kahit na ubos na ang inumin ay hindi niya tinanggal sa labi niya ang shot glass bago ako tingnan. He raised his brow, asking me what the matter was at inginuso ko ang ininom niya.
"That's mine," I answered.
"Oh!" Inilayo niya ang baso sa kanyang labi bago inilapag sa lamesa. "Sorry, nainuman ko na," he smiled but he didn't look sorry at all. Sa halip ay kinausap niya lang ang kapatid na ngingisi-ngisi.
Zeijan, on the other hand, placed a bottle of drink in front of us and gave us an empty shot glass. Isa lang!
Napatingin ako roon at pabalik sa walang pakialam na si Iñigo at pinakialaman na ang baso.
"Why one? Dalawa kami," I told him at nailing lang siya bago natawa.
"Nah, ikaw lang naman halos ang iinom," tawa niya. "Sige, maiwan ko na kayo at may customer pa ako," he waved his hand before turning his back on us at nawala sa paningin ko.
"Thallia." Mabilis akong bumaling kay Iñigo. I cleared my throat before answering.
"Yes, Sir?" Tumitig din ako pabalik sa kanya. I caught him looking at my lips kaya umayos ako ng upo at nag-iwas ng tingin.
I quickly took the shot glass from him and filled it with liquor bago deretsong ininom. Medyo nahilo ako sa biglaang ginawa kaya naubo ako.
"Ayos ka lang?" he asked me.
"Yeah," tikhim ko bago siya balingan. I need to divert his attention so he can stop staring at me. He always gives me this feeling where I feel giddy. I don't know!
I will seduce him but not the other way around!
"Ang astig n'yo sa trial kanina, Sir!" pag-iiba ko sa usapan bago tumungga.
"Hmm," he nodded and smiled at para naman akong nausog dahil sa ngiti niya. "Iñigo," biglang sabi niya.
"Huh?" takang tanong ko.
Why is he calling his name?
"Iñigo, Miss Raymundo. Call me Iñigo," he said at saglit na ipinikit ang mata at ngumiwi.
"But you're my boss, siyempre dapat tawagin kitang Sir, o kaya Boss, o kaya—"
"Iñigo sounds good, wala naman tayo sa opisina and I haven't heard you call me by my name yet," sagot niya. Saglit akong nag-isip. It's a good start, right?
"Come on, say it," he urged me at binasa ko muna ang labi ko bago nagsalita.
"Iñigo." There, I said it! I caught a glimpse of his ghost smile bago tumango at kinuha mula sa akin ang shot glass.
Pagkainom niya ay mas lalong nalukot ang mukha niya. Nangunot ang noo ko nang makita siyang hinihilot ang kanyang sentido.
"Are you alright?" tanong ko. He nodded at naalala ko ang sinabi ni Zeijan. Ako lang daw ang iinom.
Tinitigan ko si Iñigo at nakita ko ang pagpula ng mestiso niyang pisngi, ilong, at tainga. Nakapikit din siya at sapo ang kanyang ulo. Bigla akong may naisip at para masigurado ay tumungga muna ako ng shot bago siya balingan. I filled the glass with liquor before calling him.
"Iñigo," tawag ko.
His eyes popped open.
"Shot tayo?" I asked. He stared at me while I continued talking. "Alam mo na, celebration kasi nanalo ang kaso kanina?"
"I'm fine, ikaw na lang," mahinang sabi niya. Kita ko ang pamumula ng leeg niya nang sumandal siya sa counter.
"Why?" Napapangiti na ako. I think tama ang hinala ko. "Are you liquor intolerant?" I asked again, at doon siya napaayos ng upo. Nawala ang pagkakaantok sa mata niya at naging seryoso iyon. His jaw clenched at kumunot ang noo niya.
"What?" matalim na tanong niya.
Ganyan nga, Mr. Sandejas, sungitan mo ako. Don't you ever smile at me dahil hindi ako natutuwa sa epekto.
"I'm just guessing, you see, kaunti pa nga lang ang naiinom mo ayaw mo na and you're flushing. Imposible namang ayawan mo kaagad ang alak at mabilis kang mamula," I stopped and stared at him deeply. "Unless you have liquor intolerance."
"Of course not!" he hissed. I raised my brow, hindi naniniwala.
Mas lalong pang kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Umayos siya ng upo at mas lalo lang namula ang pisngi niya.
"Hindi ako liquor intolerant!" sikmat niya.
Bigla niyang inagaw mula sa hawak ko ang shot glass at kaagad na nagsalin ng alak. He drank it all bago itinaas ang shot glass at tumingin sa akin.
"See?" he said, namungay lalo ang mga mata niya. Napangisi ako.
"Hindi ako naniniwala, Iñigo," tawa ko.
"Hindi nga sabi!" naiirita niyang sagot. Nang tumitig siya sa akin ay natulala akong bigla. He unbuttoned the first three buttons of his polo nang hindi humihiwalay ng tingin. My heart twitched, my stomach clenched.
"Let's have a deal," he said habang itinataas ang sleeves ng suot hanggang siko.
"Deal?" kumunot ang noo ko.
"Let's drink," he said. "And the first one to sleep will lose."
"Pero anong parusa?" Hindi siya nakasagot. "Dapat meron! Madaya naman kapag gano'n!" sita ko.
Tinanggal ko ang coat ni Iñigo na nasa balikat ko at ibinalik ko sa kanya.
"Ganito na lang, the loser will do anything the winner wants him to do!" sabi ko pero wala sa akin ang atensyon niya. Nakatingin siya sa coat na nasa hita niya pabalik sa akin at sa paligid.
"Wear this." Itinapon niya sa akin ang coat at napangiwi ako sa pagtama nito sa mukha ko.
"Bastos naman! Ayoko nga, ang init-init!"
"Mainit? Kita na nga 'yang likod mo tapos mainit?" sabi niya habang nanliit ang mga mata. Itinabi ko naman sa isang bahagi ng leeg ko ang buhok para ipakita sa kanya ang likod ko.
"Design 'yan!" tawa ko. "Ano bang pinoproblema mo?"
"Nothing," tikhim niya pero kunot pa rin ang noo.
Napanguso naman ako. "So, ano, Sir? Deal?"
"Sir? 'Di ba sabi ko—"
"Iñigo, sorry," I cut him off. Napatango naman siya at nagpahalumbaba sa counter. "Ano nga, deal?"
He stared at me again, malalim ang titig ng mga namumungay na mata at napangisi ako nang marahan siyang tumango. I shrieked and straightened my back.
I called Zeijan's attention.
"Sir Zeijan!" tawag ko at mabilis siyang lumapit.
"Zeijan na lang, Thallia, wala naman tayo sa office," ngiti niya. "Bakit? Anong meron?"
"Mag-iinuman kami ni Iñigo!" nakangisi kong sabi sa kanya.
"What?!" His eyes widened at hindi makapaniwalang napatingin sa kapatid niya. "You're drinking? Teka, how about—"
"Just prepare the drinks!" bagnot na sabi ng huli at napakamot ng kilay. "I will drink!"
"Pero—"
"Just do it, Zeij! Kaya ko!" reklamo ni Attorney at naaaliw akong tumingin sa kanya. Sakto namang pagdating ng alak sa gitna naming dalawa ay napahagikhik ako.
Naguguluhan pa rin si Zeijan habang naglalagay siya ng tig-isang baso sa harapan namin.
Iñigo ordered one bottle of hard liquor na hindi ko na alam ang pangalan. Zeijan asked his brother one more time if he was sure. Naiinis lang ang huli na tumango at mabilis na naglagay ng alak sa baso niya.
"Thanks," ngiti ko nang lagyan niya ang baso ko. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na itinaas ang baso.
"Cheers, Iñigo!" I cheered.
"Cheers!"
We clinked our glasses and drank straight from the glass, bottoms up!
Napangisi ako habang nakamasid sa kanyang tuloy-tuloy na nilulunok ang alak sa kanyang baso. Habang ako naman ay paunti-unting tumutungga. Habang focus siya sa pag-inom ay marahan kong binubuhos ang alak sa isang gilid.
He groaned when he finished the glass at tumingin sa akin. Nanliliit na ang mga mata niya kaya ngumisi ako at itinaas ang baso ko bago ininom ang kaunti.
"Isa pa!" Ako naman ang nagbuhos ng inumin sa mga baso at natatawa ako habang umiinom sa baso ko. Gulo na ang buhok ni Iñigo at may binubulong na siya sa sarili niya.
I don't know if it's just liquor pero mas nagmumukhang gwapo sa paningin ko ang boss ko but for our third glass ay natulala ako nang bumagsak si Attorney Iñigo Sandejas sa lamesa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co