Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 4
Kabanata 4
"TUMBA? Agad?" Napatawa ako at ibinaba ang baso ko. Kahit medyo nahihilo na rin ako ay pumahalumbaba ako at sinilip ang mukha niya.
"Uy! Attorney!" garalgal kong sabi, tinatamaan na rin ako dahil medyo nagiging apat na ang mata niya.
Dinutdot ko ang pisngi niya. He groaned and removed my hand.
"Iñigo!" Tumawa ako at pinunasan ang pinapawisan kong noo. "Paano ba 'yan, talo ka!" I cheered pero hindi siya umimik. Nakalaylay na ang kamay niya sa may gilid at nakatagilid ang ulo sa lamesa. He looks cute lalo na nang ngumuso siya.
Inihiga ko ang mukha ko sa tabi niya bago siya tinitigan. Kahit na medyo dalawa na ang mukha niya ay napakagwapo pa rin niya. The pointed nose, the reddish lips, the sharp jaw. Halos mapamura ako sa isip habang ninanamnam ang kagwapuhan niya.
The Attorney just lost the deal! Ibig sabihin, susundin niya ang lahat ng utos ko! I laughed evilly internally, nagsimula nang mag-lumikot ang utak ko sa mga gagawin ko.
"Shit, bagsak na?" Narinig ko ang boses sa may gilid ko kaya nag-angat ako ng tingin at napaayos kaagad ako ng upo.
"Sir Dash!" bati ko sa kanya at pumikit 'tsaka dumilat muli para maayos ko siyang tingnan.
"Thallia," ngiti niya. "Ano? Bagsak kaagad?"
Natawa ako at tumango.
"Oo, Sir! Pangatlong baso pa lang namin!" sagot ko naman. Tumawa naman siya at lumapit sa kapatid niya.
"Kuya Raf," Sir Dash tapped his cheeks at napaungol lang ang isa at tinulak ang kamay ng kapatid. "The fuck, Kuya? Tulog ka kaagad?" gulat niyang sabi at nilingon ako.
"Seriously? Is that only your third glass?" I nodded at umawang ang labi niya. Sumayaw ang mata niya sa tuwa at napahagalpak lalo ng tawa nang makitang bumubulong mag-isa si Iñigo.
"Damn, akala ko, joke lang na liquor intolerant 'to!" Hindi niya makapaniwalang sabi bago luminga na parang may hinahanap.
Tatlo lang sila na magkakapatid. The first one is, obviously, Iñigo Rafael. The second one is Zeijan Ruais and the third one is Dash Rakiel. He's the youngest among the two, pero sa tingin ko ay mas matured siyang mag-isip kaysa kay Zeijan na medyo may pagkaloko sa babae.
Playboy, I can say.
I met these two when they visited Iñigo at his office. They talked to me while he was gone, kaya kilala na nila ako.
Iñigo's mature and serious, too, like Dash, pero mukhang nawawala na ang aura niyang gano'n dahil sa kalasingan niya.
"Hey ass, ano 'yan?" Sabay kaming napalingon ni Dash nang maglakad palapit sa amin si Zeijan.
"Kuya's asleep in just three glasses," natatawang sabi naman ni Dash.
"Oh?" Mabilis na napunta sa tabi namin si Zeijan na napahagalpak din ng tawa. "I know he's intolerant but I never expected him to be down at three!"
"Sir, 'di ba nag-iinuman kayo?" Napalingon ang dalawang magkapatid sa akin at sabay na tumango.
"Yep," they answered.
"But he never drinks that much, maybe a shot or two tapos siya na ang lalantak ng pulutan. That's what he does, palagi," sagot naman ni Dash. "Teka," he stopped.
"How did you make him drink this?" Turo niya sa paubos na bote ng alak.
"We had a deal," nakangisi kong sabi at sabay silang napatingin sa akin. Kitang-kita ko ang resemblance nilang tatlo ngayong malapit lang sila sa akin.
While Iñigo is oblivious about what's happening at ngumunguso lang habang nakahiga, ang dalawa naman ay nag-aantay ng sasabihin ko. Zeijan was just wearing a casual polo habang si Dash naman ay kumpleto sa suit and tie, kuhang-kuha niya ang ayos ng Kuya Iñigo niya.
"What deal?" ani Zeijan.
"I saw how flushed he was kanina nang uminom siya, then, niyaya ko pa ulit pero umayaw na siya. He seems uneasy kaya tinanong ko kung liquor intolerant ba siya."
"And he denied it?" manghang tanong ni Dash. I grinned and nodded.
"The first one to sleep after drinking will lose. Tapos ang parusa, kahit anong gustuhin ng winner," nakangising sabi ko. "So..." tiningnan ko sila.
"You just stepped on his ego, woman," tawa ni Zeijan at binasa ang labi niya. "Kahit kailan talaga, hindi papalamang ang isang 'to! Look, siya na ngayon ang naging patawa. Look where his ego brought him," turo niya sa tulog na kapatid.
"Great!" nakangisi si Dash at magsasalita pa sana nang bigla naming marinig na magsalita ng malakas si Iñigo.
"Hindi pa ako lasheng!" Bigla siyang umupo ng tuwid at nagmulat ng mata. Nakatitig lang kami sa kanya at gano'n na lang ang pag-awang ng labi namin nang bigla na naman siyang bumagsak sa lamesa.
We laughed in unison at halos sumakit na ang tiyan ko. Nawala ang epekto ng alak sa sistema ko. I never knew that Iñigo would be this funny when drunk!
"Wait! Wait!" itinaas ni Zeijan ang kamay bago mabilis na kinuha ang phone sa bulsa.
"Let's take advantage of this moment! Minsan lang 'to!" he cheered, at pigil na pigil lang ang tawa ko habang kinukuhaan niya ng litrato ang mukha ng kapatid.
I saw how others were staring at us, ang iba ay nakikitawa pero ang mga babae naman ay nakairap sa akin. Nang lingunin ko sila ay tumaas ang kilay ko. Nag-iwas sila ng tingin at nagbulungan pero nangisi lang ako.
"God! Damn, Kuya! Humanda ka bukas diyan!" tawa ni Dash pero nakikisilip din sa phone ni Zeijan.
"Hayaan mo na! May pangganti na rin tayo rito! I never saw him at this state, palagi kasing pormal but now," tumawa siyang muli. "God, I love this day!"
"Hey, Thallia, look," ipinakita niya sa akin ang picture ni Iñigo na nakasubsob sa lamesa habang nakanguso at meron ding medyo nakaawang ang labi. Umalog ang balikat ko sa kakatawa noong ipakita nila sa akin ang bawat anggulo nito at zi-noom pa.
"Grabe! Papasa!" Mabilis kong kinuha ang phone at maluha-luha pa habang tinitingnan ang phone ko na may picture ng boss ko.
We stayed there for several minutes bago nila napagdesisyunang umuwi. Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos kay Mary Jane na aalis na ako at sa halip ay nag-text na lang.
"Ihahatid ka na namin, Thallia," ani Dash habang naglalakad kami sa parking lot patungo sa sasakyan nito.
"Nako, h'wag na, Sir. Ayos lang ako." Ako ang nagbukas ng pintuan sa backseat para maipasok nila si Iñigo sa loob.
"No, we insist. You're a woman and a little drunk," ani muli ni Dash. "May mga mapang-abuso na mga driver diyan; we will never know. We'll take you home, 'tsaka baka mapakulong pa kami niyang Attorney mong boss kapag may nangyaring masama sa 'yo." Saglit akong napaisip pero sino pa ba ako para tumanggi?
This is a free ride! Sayang din ang fee sa taxi and this is an advantage, napapalapit na ako sa kanila. I can go easy with my plan.
Magkatabi kami sa backseat ni Iñigo, habang ang dalawa naman ay nasa harapan. Napatingin ako sa tabi ko at lihim na napangiti nang makita ang mahimbing na pagkakatulog ni Attorney.
He looks kind and vulnerable when asleep. Nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng sasakyan at nakalaylay ang kanyang kamay sa isang gilid.
"He's dead drunk," ani Zeijan. "I never thought I'll see him like this, he's always composed, ni hindi matibag ang pagkapormal but because of you," sumulyap siya sa amin sa likod. "Napainom mo siya? Wow, that's another, Thallia!" tawa niya.
Ngumiti naman ako at bumaba ang tingin ko sa aking kamay nang makita ang susi ng sasakyan ni Iñigo na nasa lamesa kanina.
"Uh, Sir, ito nga pala 'yong susi ng sasakyan niya," inabot ko sa front seat ang susi pero tinuro lang sa akin ni Dash ang kapatid niya.
"Kindly put it in his pocket," natigil naman ako at napatingin sa katabi ko na walang pakialam sa paligid.
Pocket? Napatingin ako sa boss ko at napalunok. Sumandal ako nang bahagya sa upuan at marahang inilagay ang kamay sa hita niya para ilagay ang susi. I felt him stir, pero nawala ito kaagad kaya nakampante ako.
Gamit ang kanang kamay ko ay inabot ko ang bulsa ng pantalon niya. I softly and quietly put the key in his pants' pocket at napahinga ako nang maluwag pagkatapos.
I am on the verge of pulling away from him nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa palapulsuhan ko and before I knew it ay mabilis niya akong nahatak kaya napasubsob ako sa leeg niya at bahagya akong napakandong sa kanya.
Bahagya akong napatili sa ginawa ni Iñigo dahilan para makuha ko ang pansin ng dalawa.
"What the fuck?!" gulat na sabi sa harapan.
"Huh? Bakit?" sagot naman ni Zeijan o Dash?
Nanlaki ang mata ko lalo na nang maramdaman ko ang braso ni Iñigo sa baywang ko at ang paghigpit ng hawak niya sa pulso ko. My heart began to beat rapidly, lalo na nang sumubsob ang mukha nito sa leeg ko.
"Thallia! Shit, anong ginagawa niya?" sabi sa harapan. Pilit kong itinaas ang kamay ko para mapansin nila.
"Help!" I managed to say in between chills at naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan
"The fuck, Kuya? Anong ginagawa mo sa secretary mo?" tanong ni Dash habang pinipilit ko namang itulak ang dibdib ni Iñigo para makawala ako.
"May balak atang maka-chansing!" hagalpak ni Zeijan kaya napangiwi ako. They helped me push Iñigo away at si Zeijan naman ang humatak ng braso ni Iñigo sa baywang ko.
"Grabe 'to malasing!" ani Zeij nang makawala na ako. Malalim naman ang paghinga ko at mabilis na ibinaba ang laylayan ng dress ko. Halos mamula na ako sa kahihiyan dahil sa nangyari at lalo na rin dahil sa ayaw bitiwan ni Iñigo ang pulso ko.
"Ayaw matanggal 'yong kamay niya," ani Dash habang inaangat ang daliri ng kapatid mula sa pulso ko pero bumabalik lang iyon.
"Hayaan n'yo na lang," napapagod at nahihiya kong sabi.
"Sure?" tanong ni Zeijan at tumango na lang ako kaya sa buong biyahe ay nakatanghod lang ako at nangangalay habang nakaupo.
Why not? Iñigo's left hand was gripping my right one! Hindi ako makaayos!
Bigla rin niyang hinila ang kamay ko kaya mas napausog ako sa kanya. I groaned. Lalo na nang nalaglag ulit ang ulo niya sa balikat ko. Nagkandabali-bali ang leeg ko sa kakalingon sa kanya.
Is he really drunk? O nagjo-joke lang? Damn, he's really gonna pay for this! Lagot sa akin 'to bukas.
We reached the building of his unit na nangalay ang buong katawan ko. Pahirapan pa na makalabas kami sa sasakyan dahil sa nakapulupot sa akin si Iñigo.
I don't know what to feel! Maiinis ako? Maiilang? Kikiligin? Pero mas nangibabaw ang bitin, lalo na nang maialis na siya sa sasakyan. Nasa likod lang ako habang inaalalayan ng magkapatid ang Kuya nila. Matawa-tawa pa kami nang bumubulong pa siya.
He was murmuring about a deal, case, sue, or whatever, kaya naging comedy ang pag-akyat. We reached his unit and I admit, napakaganda nito. Lalaking-lalaki ang dating, it's my first time going here kaya nakakamangha. Umakyat naman kami sa ikalawang floor ng unit niya para ihatid siya sa kwarto.
They put him on bed at parehong nakangiwi pagkatapos. "Ang bigat!" reklamo ni Dash.
"We shouldn't really get him drunk again! Nakakapagod but well, it's fun. Nagiging comedian si Kuya Iñigo nang hindi niya alam," tawa niya bago guluhin ang buhok, then, he looked at me.
"Ano, Thallia? Let's go? Hatid ka na namin," sabi niya. Napatingin naman ako kay Iñigo na mukhang laruan na basta na lang ay inihagis at inabandona kung saan.
Napangiwi ako sa itsura niya. Nakataas ang dalawang kamay niya at nakadekwatro ang paa dahil sa kagagawan ni Zeijan na tatawa-tawa.
"Pero si Iñigo, ganyan lang siya?" Turo ko sa kapatid niya at nang lumingon siya at napahagalpak siya sa itsura ni Iñigo.
"Gago! Anong ginawa mo?!" Binatukan ni Dash si Zeijan pero nakitawa rin at nilabas pa ang phone para kuhaan ito ng litrato.
"Sssh, he wouldn't know this, anyway," sabi niya. "Unless," he glanced at me kaya agad akong ngumiti at umarteng sini-zipper ang bibig.
"Great!" Lumaki ang ngiti niya bago binatukan pabalik si Dash na nawiwili sa kalokohan. "Let's go, Zeij. Uwi na tayo." Nilingon niya ako at tinanguan din.
"How about him?" turo ko.
"Hayaan mo siya," tawa niya. "Kaya naman niya 'yan."
Seryoso? Iiwan lang nila ng ganyan si Iñigo?
"But he's drunk and—"
"Sus, you're so thoughtful, Thallia, but as you can see, your boss can do anything kapag hindi na siya lasing. Let him be, nagpakain kasi sa ego niya. Ayan, bagsak," naghagalpakan na naman ng tawa ang dalawang ugok at nag-fist bump pa sa harapan ko.
"Come on," nauna nang maglakad paalis si Dash habang si Zeijan naman, sa kabila ng kalokohang ginawa ay naisip pang kumutan ang Kuya niya. He even tapped his head bago siya tumalikod at nginitian ako.
I glanced back at Iñigo bago sumunod sa dalawa pero kinain naman ako ng awa sa kalagayan nito kaya hindi ako sumama.
"Are you sure?" Tumango naman ako.
"Aayusin ko lang si Attorney then siguro, uuwi na rin. Kawawa naman," sagot ko.
"It's your choice then, ikaw bahala," sabi niya bago bumaling sa orasan pabalik sa akin. "But I suggest, h'wag ka nang umuwi. It's late, you can stay at the guest room, doon sa katabing kwarto ni Kuya Iñigo."
"Sige po," tumango ako.
"Okay, Thallia. Take care of Kuya and yourself too." Tumango naman ako at kumaway sa kanila paalis.
Nang mawala sila sa paningin ko ay kaagad akong pumasok sa loob at pumanhik sa kwarto ni Iñigo.
Umupo ako sa tabi niya at hinawi ang kumot paalis sa katawan niya para isipin kung paano ko lilinisan o mapapalitan man lang ng damit ito.
Nang tingnan ko naman ang leeg niya ay basa ito ng pawis kaya napailing ako. Hindi na siya masyadong namumula pero mukhang naiinitan kaya binuksan ko ang aircon.
Iniikot ko ang paningin ko at kaagad na nakuha ng pansin ko ang isang bagay sa may gilid. I glanced at Iñigo who was sleeping quietly.
Dinungaw ko pa siya at nang makitang tulog ay kaagad akong lumapit doon.
It's a vault! Napuno ng excitement ang katawan ko sa nakita. I stared at the combination at sinubukang pumindot.
I put the zero first at sinubukan kong manghula ng sunod but I failed. Napasinghap ako at napaupo sa lapag sa sobrang inis.
But this isn't the only vault here, right? Kaya mabilis akong nag-ikot sa kwarto niya. I checked his bed and the back of the other side of the room but there was none.
Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama at inihilamos ang mukha ko. Paano ko malalaman ang combination? I stared at Iñigo again at nang mapansin kong hindi siya mapakali sa pagkakahiga ay napailing ako.
I must fix him first, then, saka ako maghahanap pa ng iba.
I went to his bathroom bago kumuha ng palanggana, tubig at tuwalya. Pinakialaman ko na rin ang closet niya bago kumuha ng isang shirt at shorts mula roon.
Then I went on his side at pinunasan ang pawis sa noo niya. Napatingin ako sa mukha niya at iniangat ko ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. His thick eyelashes moved dahil sa pagkunot ng noo niya.
His lips parted and then he said something na nagpatawa sa akin. "T-Thallia, 'y-yong deal," pumiling ang ulo niya. "H-hindi pa ako lasheng!" I laughed with the conviction of his voice.
"Attorney, tumba ka na," tatawa-tawa kong sabi at tinapik ang pisngi niya. I ran my hands to his hair para mawala ito sa noo niya.
"Gwapo ka sana, kaso madalas seryoso ka," I whispered bago ko balingan ang damit niya. I gulped multiple times while unbuttoning his polo. I suddenly remembered what Mary Jane had told me. Yes, it's true.
I'm fantasizing about this man! Kahit hindi p'wede! Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at nang magmulat ay halos mag-init ang pisngi ko at pinagsawa ang mata ko sa hulmang abs niya.
Everything is in the right place! Kumunot ang noo ko nang mapunta ang kamay ni Iñigo sa may abs niya at kinamot iyon. Dahan-dahan ko namang inilagay ang kamay ko sa kamay niya para maialis iyon.
Aalisin ko lang! I wouldn't do anything! I am more like convincing myself! Damn it!
I sat properly before holding the hem of his polo. "Iñigo, palitan kita ha?"
No answer.
Lumuhod ako sa kama para patagilirin siya at matanggal sa braso niya ang polo. I am fighting the urge to drool and touch his body. I've seen a bunch of male bodies but not like this kind!
Hindi ko ma-imagine ang workout na ginagawa niya sa kabila ng kanyang trabaho! When I removed the sleeves on his right arm ay napahinga ako. Now, the other one, pero hindi ko naayos ang atensyon ko nang tumihaya siya at nakita ko ang pagdila niya sa kanyang labi.
The living temptation is in front of me, parang may nakahaing masarap na putahe sa harapan ko ngayon! And who am I to resist that? Babae lang ako! Nanghihina ako sa gwapo!
And so, I leaned into his hard rock chest and moved closer to his face to have a quick, closer look.
P'wede na ito i-display sa museum bilang main attraction!
As I was having the time of my life getting fascinated by his face, his face moved.
Nagulat ako sa biglaang pagdikit ng labi niya sa 'kin.
Nahulog ang ulo niyang muli pero nanatiling nakaawang ang labi.
Suddenly, the memory of our kiss earlier came back and...
I swallowed the lump in my throat.
"Hmm..." he hummed. "Kiss..."
Kiss? Kiss ko siya o...
No, damn it, Thallia! No!
But then he made a slight movement and our lips touched again. Was it the liquor or the lust? Hindi ko na alam.
I moved closer and when I touched his lips again, this time, I lost it.
I bit his lower lip at marahang idiniin ang labi ko sa kanya.
It was an impulsive move. If I was sane, to hell I'd do that! Kaya nang nag-process sa akin ay kaagad akong natauhan at muntik nang masapok ang ulo.
I blinked and decided to stop being stupid and move, pero gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang biglang gumalaw ang labi niya.
He then opened his eyes at nang magsalubong ang mata namin ay hindi na ako makagalaw. His lips moved at sa gulat ko ay bigla niyang naabot ang baywang ko kaya napapatong ako sa kanya. He stared deeply at me na parang hindi na siya lasing at marahang iginalaw ang labi niya.
The softness of his lips made me lose my sanity. My heart started beating rapidly, my breathing hitched and so I kissed him back.
Our tongues fought in unison; we battled with our lips without breathing at ang kamay niya ay umakyat sa bukas kong likod. With every touch of his hand, it feels like I'm burning.
Bigla siyang umikot kaya napailalim ako sa kanya sa biglaang pagpapalit namin ng puwesto. He stared again at me habang naghahabol ako ng hininga. Malamlam at may kislap ang mata niya at walang sali-salitang inabot niyang muli ang labi ko na tila uhaw.
I encircled my arms on his nape and kissed him back, deeply. Ang kamay niya'y naramdaman kong umakyat sa balikat ko para tanggalin ang damit ko.
I moaned when he bit my lip at mas lalo akong nagunyapit sa leeg niya. He moved away from my lips to kiss my cheeks pababa sa leeg ko. I touched his torso ang encircled my legs to his waist bago siya hilahin palapit. He groaned when our bodies touched. Hindi na ako mapakali sa bawat pagdila at marahang pagkagat niya sa leeg ko.
"A-attorney," hinahapo kong sabi pero nanatili lang siya sa may leeg ko. I can still feel his lips on my skin pero parang nawala ang paghalik niya.
I stayed still. Doon ko rin napansin na medyo bumigat na siya sa pagkakadagan. Ang kamay niya ay naiwang nakapatong sa hubad kong balikat pero hindi na siya gumagalaw.
"What?" Natigil ako at pinilit na tingnan ang mukha nitong nakasubsob sa leeg ko. "Attorney!" I called him but no response.
Nagsalubong ang kilay ko at sinubukang gumalaw para makawala sa kanya pero wala akong reaksyong natanggap at ang apoy ay unti-unting namamatay.
"Iñigo Sandejas!" I hissed at him. I am expecting him to kiss my neck again but instead, isang mahinang hilik ang natanggap ko.
I hissed and stomped my feet.
Tinulugan ako!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co