Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 8
Kabanata 8
"YOU can have your day off today." Naibaba ko ang kape ko at kaagad na napalingon kay Iñigo.
"What?" ulit ko. He smiled and took a sip from his coffee.
"Off mo ngayon."
Nanlaki ang mata ko at napangiti. "Seryoso, boss?" I exclaimed.
"Hmm," he nodded.
"But how about my work? May hearing ka ngayon, 'di ba?" tanong ko.
"Yes," he answered.
"Paano 'yon?" tanong ko naman.
"Don't stress yourself about it, I'll be fine," pangungumbinse niya. "You can shop or something. Let Miss Tancio come with you," suhestyon niya.
"No, ayos lang na mag-isa ako. I'll go to my unit later. Kukunin ko 'yong ibang gamit," sagot ko naman at nakita kong natigilan siya. Inilapag niya ang baso ng kape sa lamesa niya bago ako tingnan.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin. "You're going there?"
Tumango ako sa kanya.
"Let the guards come with you, tatawagan ko sila..." aniya at nang akmang kukunin niya ang phone niya ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.
"No!" pigil ko. Nagtatakang napatingin siya sa akin. "I mean, I can do it on my own, kaya ko naman..." sagot ko.
Hindi siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa akin. Nadi-distract pa ako sa buhok sa noo niya ngayon. He's hot whether he's on his just-woke-up hair or on his newly styled hair. Ang asul pa niyang mata ay nakakabusog kahit agahan pa lang.
The seriousness of his gaze made me tremble. I almost lost my senses when he licked his lips before speaking.
"Let me come with you," sagot niya na siyang ikinagulat ko.
"What? You don't have to!" sagot ko kaagad. Mas nangunot naman ang noo niya bago umiling. "I can handle myself, Iñigo..." dagdag ko.
"The last time you told me you can handle yourself, I found you crying on the floor," sabat niya habang nakataas ang kilay. Napanguso naman ako at hinawi ang buhok na tumama sa pisngi ko.
"Kaya ko naman talaga," giit ko.
"Then, mas sasama ako," sumimsim siya sa kape.
"But—" itinaas niya ang daliri kaya natahimik ako.
"No buts, Miss Raymundo. Sasama ako," muli niyang sabi. Hindi na ako nakaimik at napakamot na lang ng kilay. He saw my face and the side of his lips twitched, probably amazed by my facial expression. Mas inirapan ko siya pero na-distract ang dapat pagtataray ko dahil mahina siyang tumawa. Wala sa sariling napangiti ako.
"Good girl. Now, eat..." itinulak niya nang bahagya ang pagkain palapit sa akin.
Nakatitig lang ako sa pancake na luto niya.
"Not eating it?" tanong niya sa akin.
Hindi ako umimik.
"You want me to feed you?" muli niyang sabi kaya't napaubo ako at nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"What?" tanong ko. The offer sounds tempting and...
"You want it?" Halos kumurap lang ako, ay nasa tabi ko na siya. Nakatitig pa ako sa firm na braso niya na kita sa suot niyang sando na nagpe-flex dahil sa pagsa-slice niya ng pancake sa plato ko.
"Here," inuumang niya ang kutsara sa aking bibig kaya naman nawala ang tingin ko sa biceps niya at napunta sa kamay niya.
Is he really feeding me?! Napatingin ako sa pancake, sa mukha niyang nag-aantay sa pagsubo ko at sa braso niya na naka-extend dahil sa ginagawa.
Bigla akong naguluhan. Nasaan ang tunay na pagkain?
"Eat and I will let you touch it..." he said naughtily. Napalunok naman ako at pasimpleng hinawi ang nagmamahaba kong buhok.
"Talaga?" Wala sa loob kong sabi. He laughed hard na nagpabalik sa katinuan ko, nabakas ko ang pagsayaw ng pagkaaliw sa asul niyang mata. His shoulders were shaking at naibaba niya ang kutsara sa hapag.
"Y-You, you're one of a kind!" natatawa niyang sabi sa akin. Pinasadahan pa niya ang buhok niya bago nailing sa akin.
"I—Hindi, hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" Halos mag-init na ang mukha ko sa pagtawa niya. Parang gusto ko na lang na kainin ng lupa!
Your mouth, Thallia! Bakit walang preno?!
"No, it's fine..." tawa niya bago lumapit at nanlaki ang mata ko nang haplusin nito ang pisngi ko.
He caressed my cheeks while smiling softly, halos langgamin ako sa tamis ng ngiti niya.
Damn your smile, boss. Gusto kong sabihin pero walang lumabas sa labi ko.
I saw him staring at my lips. Napalunok ako at nag-party ang kulisap sa sikmura ko.
Naalala niya kaya ang halik noong gabing iyon?
When his lips moved closer to mine ay nawala ako sa wisyo, mas lumapit pa ito kaya napapikit ako. Ang palad niya ay unti-unting bumaba sa leeg ko. He caressed my neck, making me close my eyes. I felt the shivering of my skin, the loud beating of my heart. I moved my head closer to his that I felt his breath on my face.
Iniawang ko ang labi ko at lumapit, I'm anticipating his kisses but my hopes died and my fantasies shattered when I felt his lips on the tip of my nose. Napamulagat ako at nakitang kong sobrang lapit ng mukha niya sa akin. His lips are still on my nose.
Nagkakagulo na ang sistema ko, hindi na ata tama ang pagkabog ng dibdib ko.
Pinatakan niya ulit ng halik ang dulo ng ilong ko habang nakatitig sa mata ko kaya nakuyom ko ang kamay sa pagpipigil na hagkan ang namumulang labi niya.
"Not now, baby..." pabulong niyang sabi at naramdaman ko ang palad niya sa batok ko at nakita ko ang unti-unting pag-angat ng mukha niya para hagkan ang noo ko.
Iyon lang ginawa niya pero halos mahimatay na ako sa nararamdaman. Lumayo siya sa akin pero may ngiti pa rin sa mukha. He pinched my nose before lifting my chin and making me look at the food.
"Eat, Thallia. You'll need a lot of energy for the whole day," he said at nang iangat na naman niya ang kutsara palapit sa akin ay mabilis ko itong kinuha at kumain akong mag-isa at tuliro sa nangyari.
Tulala lang ako habang nagmamaneho si Iñigo pahatid sa akin sa mall, kagagaling ko lang sa unit ko para kumuha ng iilang importanteng bagay. He's making important calls. His persona changes in the blink of an eye. Honestly, I couldnt even imagine if he had any sweet bone in his body but realized lately that he definitely had.
Naka-earpods lang siya habang may kausap kaya hindi ko alam ang pinag-uusapan nila sa kabilang linya pero alam ko namang business lang iyon. His strict aura is coming back, matigas na Ingles ang lumalabas sa bibig niya sa bawat pagsagot. It made me think how hot the whole thing was while he was driving his Mazda.
He's multitasking. Bigla akong naaalala; off ko pala ngayon.
H'wag na lang kaya? Should I just come to work? Paano 'yon, wala siyang kasama sa hearing? Walang mag-aayos ng kurbata niya na madalas niyang hilahin sa tuwing umiinit na ang usapan?
I sighed and shook my head.
"Are you fine?"
Nabaling ang pansin ko nang magtanong niya.
"You're not saying anything, kanina pa. Ayos ka lang?" he asked.
Binitin mo kasi ako! I wanted to exclaim but it's better to just shut my flirty mouth.
"I'm fine," sagot ko bago kyemeng ngumiti. Hindi na ako nagulat nang makitang hindi siya naniwala dahil sa pagkunot ng noo niya.
"I know you, Thallia. What's wrong?" tanong ulit niya. Lumilingon siya sa akin kaya nag-iiwas ako.
"Hey," halos mapatalon ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Wala, I'm fine..." nilingon ko ang kamay niya sa braso ko at tumingin sa harapan. "Eyes on the road!" I exclaimed when I saw another car going our way.
"Shit!" Mabilis na bumitiw si Iñigo at iniliko ang sasakyan para maiwasan ang kasalubong na sasakyan. Nahigit ko naman ang hininga ko sa biglaang pagpreno at napakapit nang mahigpit sa seatbelt.
"Fuck! Fuck!" walang tigil na pagmumura ni Iñigo. Mabilis niyang kinalas ang seatbelt at lumingon sa akin. "Are you alright?" tanong niya bago lumapit sa akin. Mabilis niyang kinalas ang seatbelt ko at hinawakan ang balikat ko. Hindi pa rin matigil ang tibok ng puso ko sa bilis, I can feel my blood rushing. My face is cold.
"Are you hurt? Okay ka lang?" Hindi magkandaugaga niyang tanong. Hindi naman ako nakasagot at nakuyom ko lang ang kamay ko.
I remembered what I did in the past. Si Natalie, ang anak ni Eduardo, ganito ba ang naramdaman niya? May kung anong guilt ang kumain sa akin.
No, hindi lang iyon! You hired someone to hit her! You're a murderer! Naririnig kong usig ng konsensya ko.
Mas nanigas ang katawan ko nang hulihin ni Iñigo ang mata ko. "May masakit ba sa 'yo? Answer me..." marahang sabi niya at nang hindi ako sumagot ay napabuntonghininga siya at mabilis akong hinigit payakap.
"Damn, I'm sorry, Thallia. I will find the fucking driver, don't worry..." aniya at hinaplos ang buhok ko. Hindi naman ako nakasagot at tumango na lang bago siya unti-unting niyakap.
Kung wala ako sa sarili kanina ay mas lalong wala na ngayon. My mind's floating, parang napuno ng hangin ang ulo ko sa mga tanong at pagsisisi.
Karma's after me, nakakapit na sa katawan ko, sa pagkatao ko.
I almost suffered karma with a good man, muntik ko na ring ipahamak si Iñigo! Dahil sa pagkakatulala ay hindi ko napansing narito na pala kami sa mall ni Iñigo. Kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko mare-realize na nakatigil na ang sasakyan.
Tunog ng pagpatay ng makina ang narinig ko bago ko lingunin ang seryosong mukha ni Iñigo. Kunot ang noo niya pero may lambot ang asul niyang mata.
"Do you think you can shop alone now?" tanong niya sa akin, narinig ko ang pagkalabit niya sa seatbelt ko para matanggal.
"Yes, I'll be fine..." ngumiti ako at hinawi ang buhok ko.
"Are you sure? Do you want me to come with you?" aniya kaya mabilis akong umiling.
"No!" sita ko sa kanya. "Kaya ko, Iñigo, okay? You don't have to stress over me. You have a hearing today..." sagot ko.
"But I can cancel it—"
"No!" umiling ako sa kanya at mariing pumikit. Nang magmulat ako ay nakita ko ang pag-aalala sa mata ni Iñigo. It feels sincere and warm, na minsan ko lang noon makita. "I was just shocked," sabi ko nang marahan bago inabot ang buhok niya at inayos ito.
"Natakot lang ako pero ayos na ako ngayon. H'wag ka nang mag-alala," sabi ko at nang magsasalita na naman siya ay itinapat ko ang daliri sa labi niya.
"Ssh, ayos lang talaga ako. Pumasok ka na at baka mahuli ka sa hearing, huh?"
Ngumuso siya at hindi nagsalita kaya ngumiti ako nang mas malaki at pinisil ang matangos niyang ilong katulad ng ginawa niya sa akin kanina.
"Okay," he sighed. Kinuha niya ang kamay ko sa ilong niya at bumaba ang tingin ko roon nang pisilin niya ito.
"Can you fix my tie? You're not with me today. No one will bother fixing my tie when I mess it up later," sa halip ay sabi niya kaya tumawa lang ako bago gamitin ang isang kamay ko para buksan ang aking bag para kuhain ang necktie na pinili ko kanina.
"Sure," ngiti ko. Kinuha ko mula sa hawak niya ang kamay ko kahit na tumututol ang kalooban at puso ko para ayusin ang kwelyo ng long sleeves niya.
"Galingan mo mamaya, okay? Isipin mo nandoon ako," ngiti ko habang inilalagay sa may batok ang necktie.
"Hmm," tango niya. "But not as good when you are there."
"Talaga?" tumawa ako at itinali ang tie. He was looking intently at me. He reached for my arm.
"Talaga, walang magche-cheer ng ginagawa ko..." sagot naman niya sa akin.
"Ngayon lang naman, and this is your fault, pinag-off mo ako..." pinasadahan ko ng palad ang polo niya bago inayos ang buhok niya.
"There!" I exclaimed bago siya pasadahan ng tingin.
Perfect! Edible! p'wede ng pagkain mula umaga hanggang midnight snack!
"Can I take it back? Sama ka na lang sa akin sa korte..." ungot niya kaya mas napatawa ako.
"Na-uh, Attorney, you gave it to me and nasa mall na ako o. Tatanggi pa ba?"
He groaned and scratched his brow.
"Damn, ang bilis ko kasi magdesisyon!" bulong-bulong niya sa sarili. I stared at him na ngumunguso at kunot ang noo. Napapangiti ako sa mga pinanggagawa niya. He's acting like a schoolboy na ayaw magpaiwan sa mama niya sa first day ng klase.
How can he be cute and manly at the same time? How can he be serious but still looks adorable? I remembered his good deeds and kindness, kung paano siya mag-alala sa akin kanina at kung paano niya ako yakapin at pakalmahin ang nararamdaman kong takot at kaba.
As I looked at him, I realized one thing: I like him, I really do.
"Salamat, Iñigo..." I whispered softly, pero mukhang narinig niya kaya lumingon siya.
"What?" umawang ang labi niyang malambot dahil sa pagtatanong. Nag-slow motion ito sa paningin ko, is this normal?
"Salamat," I repeated and before I could stop myself, I leaned in to kiss the side of his lips. 'Yong sobrang lapit na sa labi niya.
He stilled. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya sa ginawa ko. Napaawang ang labi niya at puno ng pagtataka ang mga mata.
My heart skipped a beat while looking at him. Is this bad?
"Why'd you—"
Napangiti ako lalo nang mamula ang pisngi niya at ang tainga niya.
"You're blushing!" I exclaimed.
"I'm not!" matigas na tutol niya but he blushed even more.
"Don't me, Attorney!" asar ko sa kanya. "Seriously? Why are you like that? When was the last time you kissed someone? Matagal na 'no? Huh?" asar ko pa but it's more than just a joke.
Sa halip na maasar sa akin ay nakita ko ang pag-iiba ng reaksyon niya. His blushing turned into a malicious grin. He's grinning like crazy and shook his head.
"Na uh, I kissed someone days ago..." he answered me with a sly grin on his face.
Natigilan ako at kumabog ang dibdib ko sa kaba o sa excitement? Hindi ko alam! Nagwawala na ang sistema ko, paano ko ito pipigilan?
"Days ago?" kinakabahan na nae-excite kong tanong.
Did he remember? 'Yong halik naming iyon?
"Really?" tumikhim ako at dumeretso ng upo.
"Hmm," he nodded at binasa ang labi niya. "It wasn't just a smack, just so you know, it's more than that. We kissed passionately and deeply. I got to touch her skin and tasted it..."
Napalunok ako sa sinabi niya. Lalo pa akong na-distract nang paglaruan niya ang pang-ibabang labi niya gamit ang daliri. I am fighting the urge to bite my lips!
"D-do you happen to know her?" tanong ko. Halos manuyo pa ang lalamunan ko nang kagatin niya ang pang-ibabang labi niya.
I swallowed and stared at his sleepy eyes! Damn! Damn! Come back now, senses!
"Hindi, I don't know her..."
Nawala ang ngiti ko at parang na-drain ang energy ko. My shoulders dropped at masama akong tumingin sa kanya.
"What? Hindi mo kilala?!" I shouted pero sa halip na magulat ay ngumisi siya na ikinairita ko.
"Hmm, just some random girl. I don't remember the face but I met her in the bar, then it happened..." sagot pa niya. Nawala ang katiting kong saya noong oras na iyon.
"Ah, gano'n ba?" walang gana kong sabi. So, it's another girl? Hindi niya maalala ang halikan namin noong gabing iyon?
"Hmm, yes..." Nakangiting sabi niya pero 'di ako makaganti. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at hinagilap ang bag ko.
"Uh sige, salamat sa paghatid. Pumasok ka na," I flashed a small fake smile before turning my back. Ni hindi ko siya nilingon pagkalabas ko ng kotse pero kaagad niya akong tinawag kaya lumingon ako.
"Come home early! Let's eat together!" he exclaimed pero hindi ako tumango. Inirapan ko lang siya bago ko pabalibag na sinara ang kotse niya. Nakakainis!
Hindi maalala? Lelang niya!
I've been thinking of cooking later, sasabay kasi si Iñigo. I am not good in cooking! I am really bad at it, really bad. Noong nasa unit ko pa ako mag-isa ay madalas na delivery galing sa isang kilalang restaurant ang kinakain ko. I don't eat breakfast. Sometimes, coffee and a piece of bread are fine with me but things changed when I lived with Iñigo. Ni ayaw niya akong paalisin sa lamesa kapag kaunti lang ang kinakain ko, madalas pang nakakunot ang noo niya kapag nag-iinarte ako. For the three days that I've been staying at his home, medyo nasanay na rin ako.
Ang medyo nakakainis lang, sa tatlong araw na iyon ay hindi kami nagkakasabay ng hapunan, madalas kasi ay late na siyang kumakain dahil sa mga kaso niya. Ayaw naman niya magpaantay at pinapauna na lang ako. T'wing breakfast lang kami sabay kaya sinusulit ko na.
At sabi niya sabay kami mamaya? I feel giddy about it, so maybe I can cook or something, para thank you gift.
Kaagad akong pumunta sa pasta section pagkapasok ko ng supermarket, I got a pack of lasagna noodles para sa after ng kain. Nabasa ko sa isang magazine na na-feature siya noon na gusto niya ito. Para sa ulam, I bought a kilo of veal, mag-ninilagang baka ako mamaya.
I was smiling while walking, kahit naman nakakairita 'yong pinagsasabi niya kanina, gusto ko pa ring magpalakas! Aba, kung hindi niya maalala ang kiss namin e 'di ipapaalala ko!
At talagang may kahalikan siyang babae noong nakaraan, huh? Naiisip ko pa lang ay gusto ko ng manghambalos!
"Ouch!" Natigil ako sa paglalakad nang may marinig na boses at pagkalampag ng cart ko. Napatingin ako sa sahig at nanlaki ang mata ko nang makita ang nakaupong batang babae roon.
My eyes widened when I saw my niece—Allison's daughter! She was still young since the last time I saw her! Maliit pa siya noon! The last time I saw my sister was at her wedding so it's been a long time.
Tila may humaplos sa dibdib ko. Nanatili akong nakatitig sa pamangkin, kamukhang-kamukha niya ang Mama niya.
How was your mother, little girl? Is she doing fine now?
Tila dinaganan ang puso ko sa naisip.
Does she think about me?
"Miss Ganda, why are you crying po?" she asked and that's when I realized that I was crying.
"Nothing," ngumiti ako para pigilan ang luha ko. "Can I hug you?" tanong ko sa kanya.
"Po? Sige po..." Naguguluhan niyang sagot sa akin pero mabilis ko siyang hinigit at niyakap. I miss them, I miss my sister so much. Gusto ko silang harapin pero hindi ko alam kung paano.
I came to my sister's wedding, pero hindi niya ako nakita. I was just watching her from afar, proud of what she'd become. Masaya na akong masaya ang kapatid ko sa pamilyang meron siya. I won't drag her to the hell with me, marami kaming atraso ni Mommy sa kapatid ko. Nahihiya ako sa sarili ko.
"Nasaan ang Mama mo?" tanong ko sa kanya pero sa halip na sumagot ay naramdaman ko ang maliit niyang daliri sa pisngi ko.
"Sad po kayo, why?" ngumiti ako at umiling.
"Nothing, baby. Napuwing lang ako," ngiti ko bago tumayo at hinawakan ang kamay niya. "Punta tayo sa Mama mo?" tanong ko.
"Sige po, nasa meat section po sila kanina nina Papa then si Kuya po, hinabol niya ako kasi inagaw ko 'yong chocolate niya tapos po nawala ako..." mabilis niyang paliwanag kaya natawa ako.
"Okay, okay, let's go..." sabay kaming naglakad at nang makarating sa meat section ay naabutan namin sina Allison na kausap ang panganay nilang anak na si Chance.
"Where's your sister?" kunot ang noo na tanong ng kapatid ko. May mainit na lumukob sa loob ko habang nakatingin sa kanya. She's more beautiful now, kahit na simpleng jeans at shirt lang ang suot niya ay ang ganda niya tingnan.
"I lost her po, sorry, Mama..." Nagyuko ng ulo ang panganay at nang akmang magagalit na si Allison ay hinapit siya ng asawa at binulungan.
"Go na, they're looking for you..." sabi ko kay Eirene na ngumiti at tumango.
"Salamat po, Miss!" she cheered at pinagmasdan ko siyang tumakbo palapit sa pamilya niya.
"Rene!" Allison exclaimed nang malapit na ang anak at mabilis na ineksamin ang mukha nito. Nakita ko na may binulong ulit ang asawa nito sa kanya kaya natigil ang kapatid ko.
Si Greg, her husband, masaya akong nasa mabuting kamay ang kapatid ko.
Nagulat ako nang lumingon sa pwesto ko si Greg, he smiled. Nang lingunin ko si Allison ay nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.
"Ate!" she called me kaya ngumiti ako at tumango at bago pa man siya makahakbang ay tumalilis na ako ng lakad palayo.
Soon, Allison. We'll meet again soon.
𓍝𓍝𓍝
"YOU cooked dinner?" Napangiti ako sa tanong ni Iñigo at tumango.
"Yup, you told me na sabay na tayo kakain so I cooked," sagot ko bago pumunta sa likod niya para tulungan siyang hubarin ang suit na suot. Pumunta rin ako sa harapan niya para marahang kalasin ang necktie niya.
I giggled inside. I feel like a housewife!
Ganito rin kaya kung magkaka-asawa ako?
What now, Thallia? Nasa asawa na ang utak mo, ah?
"I did my best not to ruin my tie," aniya habang pinagmamasdan ako sa ginagawa.
"Hmm? Talaga? Kumusta ang hearing?" tanong ko naman. Nagkibit-balikat naman siya bago pasadahan ng kamay ang buhok.
"Good, but not as good when you're watching..." sagot niya sa akin. Halos mabulunan ako sa sariling laway sa sagot niya. Naghaharumentado na ang dibdib ko sa kilig dahil do'n.
"Oh?" 'yon lang ang nasagot ko. He let out a chuckle at mas lalo akong natuod nang akbayan niya ako.
Damn, damn, kumalma ka, Thallia!
"So, what did my secretary prepare for me?" aniya sa nakangiting tono. Mas humigpit ang akbay niya kaya tumama ako sa tagiliran niya.
"Uh, your favorite?" alangang sabi ko.
"Really? Then, let's eat..." masayang sabi niya bago bumaba ang kamay niya mula sa pagkakaakbay para hawakan naman ang kamay ko.
Nakita ko ang pagkalas ni Iñigo ng butones ng polo niya habang inaantay ako para mailagay ang kutsara, pinipigilan ko lang ang sarili kong silipin ang nakatago roon. Nakahain na ang pagkain sa lamesa at nag-aantay na lang na kainin.
Bigla akong naguluhan sa sinabi ko.
Tanga, Thallia, ano ba ang pagkain diyan?
"Taste it," excited kong sabi habang umuupo sa tabi ni Iñigo na nakatitig lang sa akin, ni hindi kumukurap! "Uy, hindi ako ang pagkain..." asar ko pa at ngumisi siya bago umiling sa akin at pinakialaman ang kutsara sa hapag.
Ano kayang lasa? Hindi ko pa natitikman ang niluto ko dahil sa takot na magkamali ako at ma-realize na walang kwenta ang ginawa ko. I let the chef taste it pero ang salitang "masarap" at ngiwi lang ang natanggap ko.
Fuck! Paano kung sinungaling pala 'yon?!
Grabe ang pagkabog ng dibdib ko habang pinagmamadan siyang nags-slice ng lasagna sa plato. Nakasunod ako sa kamay niya hanggang sa kainin niya iyon.
"Uh, masarap?" tanong ko.
Uminom siya ng tubig at ngumiti. "It's fine..."
Fine lang? Hindi ko mabakas kung oo o hindi ang sagot niya kaya kinuha ko ang kutsara ko at mabilis na kumain din.
Isang nguya pa lang ang ginawa ko pero napaubo na ako napangiwi.
It tastes bad! Pagkain ba 'to, huh? Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napatikhim. Buti at nakaya ko pang lunukin 'yon!
"Fine? Ang sama ng lasa..." baling ko kay Iñigo na nakatitig na naman sa akin.
"Hmm? Not really, sarap kaya," he smiled again. Napabuntonghininga naman ako at napailing sa kanya.
Tignan mo, sinungaling nga ang chef! Tapos siya! Anong masarap dito eh, lasang weapon of distraction?!
"You don't have to eat this, it tastes really bad! You don't have to pretend..." mahinang sabi ko at napatungo sa kahihiyan. I failed again. Sana kasi hindi na lang ako nagmagaling. I should have tasted it right away para hindi ko na napakain sa kanya ang pagkaing ito. Mabilis akong tumayo at sinimulang ligpitin ang pagkain.
Tanga ko talaga! Housewife ka pa, ah! Anong housewife, lalasunin mo pamilya mo sa dinner?! Baka kapag kakakasal mo pa lang biyuda ka na!
"Don't eat this, ano, I'll call the chef na lang..." sagot ko.
"Thallia," he called me.
Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. "Uh, ano, papa-take out na lang kaya?" suhestyon ko pero naninikip ang dibdib ko.
"Hey..." Hindi ako lumingon kahit pa hinawakan niya ang kamay ko.
"Baka gutom ka na, I'll call the delivery..." sinubukan kong hilahin ang kamay ko paalis sa hawak niya pero nahatak niya lang ako pabalik kaya napasalampak ako pabalik sa high chair. Nagtatakang napatingin ako sa seryosong mukha niya. Tumayo siya sa harapan ko kaya iniangat ko ang ulo.
"B-bakit?" napalunok ako sa intensidad ng titig niya. I felt different. Ang mga mata niya ay nagsasabing may mali akong sinabi.
I bit my lip unconsciously when I saw him staring at it. He stared deeply into my eyes and reached for my chin. He held it up and my heart started to fasten its pace when he moved his head closer to me. Palipat-lipat ang tingin niya sa labi ko at sa mata ko. He moved closer again at halos nahigit ko ang hininga.
"The taste isn't that bad..." he whispered and before I could process it, he leaned in and captured my mouth for a kiss. Nanlaki ang mata ko sa gulat pero nang maramdaman ko ang pagkagat niya sa labi ko ay napapikit ako at sumabay sa kanya.
Ang kamay niya ay pumunta sa batok ko, urging me to kiss him deeper and harder. I felt him biting my lip and tasting my mouth. Sa bawat paglalim ng halik niya ay ang paghila ko naman sa buhok niya.
Naramdaman ko ang pagsandal ko sa counter at ang kamay niya sa likod ko. Nagtatayuan ang balahibo ko sa init at sarap ng halik niya. I moaned when he licked my lips at halos habulin ko ang labi niya nang humiwalay siya. We were breathing hard when we stared at each other. Nanatiling nakatitig siya sa akin at nakaawang lang ang labi ko. I saw a glint of naughtiness on his eyes while staring at me.
"Especially when it's on your lips..." malambing niyang pagtutuloy. He chuckled at hinaplos niya ang pisngi ko. Halos panawan pa ako ng malay nang patakan niya ulit ng maliit na halik ang labi ko.
"I was just teasing you earlier," mahinang sabi niya at nag-init ang pisngi ko. He moved closer and gave me a smack again.
"I remember the girl I kissed days ago," halos marinig ko na ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
"W-Who?"
He smiled, a very sweet one. "You," before giving me a quick kiss again.
"I remember the kiss, baby..." Hinaplos niya ang labi ko gamit ang hinlalaki niya at nakita ko ang paglamlam ng mata niya.
"How could I forget these lips?" bulong niya bago salubungin ang mata ko. Tumaas ang sulok ng labi niya at bago pa man maproseso ang nangyayari ay hinahalikan na niya ako ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co