Tempting The Heiress (Published Under LIB)
Kabanata 7
Kabanata 7
"HERE, drink this..." Inilahad niya ang baso ng tubig sa harapan ko kaya kaagad ko iyong kinuha at ininom, bago lumingon kay Iñigo.
"Salamat," I whispered. He nodded and smiled a little, hinawakan niya ang pisngi ko at napapikit ako nang punasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.
"Naistorbo ba kita?" mahinang sabi ko. "Sorry, Iñigo, I was just..." bumuntonghininga ako. "Scared."
"Ssh, it's fine. It's a good thing that you called me," aniya bago kinuha ang baso sa kamay ko at inilapag sa lamesa.
"I called the guards, pina-check ko ang CCTV. Sana pala, hinatid kita kanina papasok dito," marahang sabi niya.
"Ayos lang, you're here. Salamat..." tumango siya pero nabakas ko pa rin ang pag-aalangan sa mukha niya.
"Did you see the man's face?"
I nodded.
"Do you know him?" umiling naman ako at nakuyom ko ang kamay. Naalala ko ang takot na lumukob sa dibdib ko nang muntik niya na akong maabutan sa elevator.
"I don't, but I think I can remember him when I see him," sagot ko naman. Nang balingan ko ay nakita kong nakatitig siya sa kamay ko, mahigpit na pala akong nakakuyom sa palad ko.
"I rushed out of my car when you called me, good thing hindi pa ako nakakaalis sa parking," sabi niya habang inaabot ang kamay ko. I watched him as he touched my hand and how he removed my fingers one by one to caress my palm.
"Salamat, Attorney. I wouldn't know what would happen if you're not here," sinsero kong sabi at nagbaba ng tingin.
The way he touches my hand, it feels comfortable. I feel safe.
"I'm here now, okay? No one can hurt you..." marahang sabi niya at nakita ko ang sinseridad ng mga mata niya. He pulled my hand softly and made me rest on his shoulders. Napapikit naman ako sa bigat ng nararamdaman at hinayaan siyang pakalmahin ako sa pamamagitan ng hawak niya sa palad ko.
We're not talking, just sighing. Dinadama ko ang presensya at init na hatid ng katawan niya at nang may mag-doorbell sa pinto ay kaagad kaming napalingon doon. Mabilis namang hinawakan ni Iñigo ang kamay ko patayo at marahan akong hinila sa may pintuan.
We saw three guards outside, ang dalawa roon ay galing sa monitoring room kaninang umaga.
"Sir, Ma'am..." ani ng isa. "Wala pong nakuhang record sa tao ngayong gabi."
"What do you mean?" seryosong tanong ni Iñigo. Kunot ang noo nito at humigpit ang hawak nito sa kamay ko.
"Mukhang alam po ng suspek ang pwesto ng mga camera dito kaya naiwasan at doon siya dumaan sa blind spots. Mukha pong planado," sagot ng guard kanina.
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Iñigo. His eyes darkened. His lips were firm, in a line, pissed.
"Double your security, I will send CCTV cameras here tomorrow morning and watch her unit from time to time. Catch the culprit," anito bago ako nilingon.
Hindi naman ako nakapagsalita. I chewed my lips at umalma ang nagwawala kong puso sa ginagawa niya. Does he really have to do this? I'm just his secretary.
"Okay, Sir," sagot nito bago nagpaalam paalis. Nang tingnan ko sa labas ay may dalawang lalaking nakaitim ang nagbabantay sa pintuan. Naka-suit and tie ito at may earpiece sa isang tainga.
"Who are they?" tanong ko.
"Don't mind them," sagot naman niya at hinila ako papasok ng unit ko. He made me sit on the stool bago kunin ang phone niya sa bulsa.
"Fix your things, you're moving to my house," natigilan ako sa sinabi niya.
"Huh?" I thought he was just carried away kanina!
"You're moving to my house," he repeated. Napakurap naman ako at parang may nagkagulo sa tiyan ko.
"Why? I mean, I can stay here. They will strengthen their security and you said, magdadagdag ka ng CCTV. I—" binasa ko ang aking labi. "You don't have to do that, security will be fine with me. Don't spend your money on the CCTVs."
Pero sa dami ng sinabi ko ay simangot at taas ng kilay lang ang isinagot niya.
"You're staying with me," ulit niya na hindi pumapayag na umayaw ako.
"Pero kaya ko naman. Siguro maayos na ang security this time and p'wede naman akong magpasama na lang dito kay Mary—"
"I can't risk you, Thallia." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "I wouldn't be able to sleep, thinking someone might barge in here and do something to you. I will be so fucking worried, I might just sleep outside." Mas lalo akong hindi makapagsalita sa sinabi niya. Napakurap lang ako at nagsirko sa bilis ang puso ko.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at hinawi na ang buhok ko papunta sa likod ng tainga ko.
"So please," he breathed. "Don't be hard-headed, just come with me..." at sa lambing ng boses niya, sa pag-aalala sa mata niya at haplos ng palad niya, wala sa sariling napapayag ako. Tulala ako habang nag-aayos ng mga importanteng gamit ko and when I say importante, dalawang maleta na ang dala ko.
Everything is important to me, I've been thinking of keeping the closet, too.
"Are you done?" Napalingon ako nang may pumasok. I smiled at Iñigo, who's only wearing a shirt now.
"Almost," I answered at inilagay sa kit ang makeup ko. Tumabi siya sa akin at nakita ko ang unti-unting pagkakakunot ng noo niya.
"Almost?" takang tanong niya.
I smiled at him. "Oo, meron pang mga gamit sa banyo e tapos 'yong makeup ko pa tapos—"
"Stop," itinapat niya ang daliri sa labi ko kaya natahimik ako. "You'll just stay at my house, hindi ka magta-travel..." nakangusong sabi niya. Napanguso rin ako.
"But they're all important. I don't repeat wardrobes, Iñigo..." maktol ko.
He stared at me and I gave him a cute smile. I closed and opened my eyes at halos sampung segundo siyang nakatitig sa akin nang bumuntonghininga siya ay napahiyaw na ako.
"Okay, where's your pouch? Ako na ang mag-aayos ng gamit mo sa CR..." inilahad niya ang kamay at nakangiting iniabot ko ito sa kanya. He smirked and shook his head bago naglakad papuntang banyo.
"Are you sure na ayos ka lang?" tanong ni Mary Jane.
"Yes, ayos lang..." sagot ko. I stared at Iñigo who's driving, deretso lang ang tingin niya sa daan.
"What happened? Bakit kasi wala kang kasama diyan e!" she hissed at me.
"Ayos nga lang, don't worry," natawa ako sa inis sa boses niya.
"Don't worry, huh? Sinabi ko na kasi sa 'yong dito ka na lang matulog sa unit ko!" hirit pa niya.
"You wouldn't like my mind crowded, Mary Jane. Hindi ako masasanay sa mga pinaggagawa n'yo diyan and I need enough sleep," sabi ko naman.
"You want me to join you at home?" may pag-aalalang suhestyon niya. I laughed again and shook my head kahit 'di niya nakikita. Nakita ko ang paglingon sa akin ni Iñigo.
"No, no need to do that, Mary Jane. I'll be fine, I can handle myself," sagot ko naman. I saw Iñigo shook his head kaya nilingon ko siya.
"Handle yourself?" he mouthed. Napasimangot naman ako kaya napangisi siya.
"Sigurado ka?" Mary Jane asked me.
"Hmm," I nodded.
"Sige, sabi mo 'yan, huh?" Tumigil siya saglit. "Teka, nasaan ka ngayon? Sino ang kasama mo?" Napatingin ako kay Iñigo na sumusulyap-sulyap saglit at mukhang alam ang tanong ni Mary Jane kahit hindi naman ako naka-loudspeaker.
"I'm staying at..." Napatikhim ako at pilit na winala ang pagkakakita ko sa patagong ngiti ng lalaki.
"At?" tanong ni Mary Jane.
Napatikhim akong muli at binasa ang labi ko. "I'm staying at Iñigo's house," I answered.
Nawala ang boses sa kabilang linya and after almost three seconds, I heard a scream at kaagad na napangiwi sa malakas na boses ng kaibigan ko.
"Oh, my god! Oh, my God!" Tili niya, kaya kaagad kong pinatay ang tawag at inilapag sa dashboard ang telepono ko.
"So..." Iñigo started.
Sumimangot ako at mahina siyang natawa. Mabilis lang ang biyahe patungo sa bahay ni Iñigo, it was located at a well-known village in Manila. Nang makita ng mga guard ang sasakyan niya ay kaagad siyang pinapasok. Isang malaking gate ang bumungad sa akin pagkadating namin sa bahay niya.
The gate opened and I saw the mansion behind the tall gates. My mouth parted and blinked when I saw his house! It's bigger than I expected it to be! Ipinark niya ang sasakyan niya at nilingon ako nang namatay ang makina. Napatingin din naman ako sa kanya at ngumiti siya. Muntik pa akong mabulunan ng laway sa tingin niyang iyon.
His smile is bewitching. I might be under his spell now.
"This is your house?" I asked him.
"Hmm," he nodded. Nagulat ako nang lumapit siya pero napahinga ako nang maluwag nang tanggalin niya lang ang seatbelt ko.
"Wait here," aniya bago lumayo. Pinagmasdan ko siyang naglakad sa labas at napangiti ako nang pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Thanks," pasalamat ko. He nodded before looking around at mabilis na tinawag ang isa sa lalaking naka-suit sa isang tabi. Ni hindi ko namalayan na naroon pala ito.
"James," he called him out, lumapit naman kaagad ang lalaki sa kanya.
"Yes, Sir?" pormal na tanong nito.
"Get the bags from the compartment and bring them to the guest room," sabi niya.
"Okay, Sir..." inabot ni Iñigo ang susi sa lalaki bago ito umatras at nag-bow ng kaunti. Sinundan ko ng tingin ang lalaki habang papalayo pero nawala lang ang tingin ko roon nang may maramdaman akong paghawak sa kamay ko. Napamaang ako at napatingin sa seryosong mukha ni Iñigo, walang ngiti ang mukha niya at nakasimangot.
"Let's go," prenteng sabi niya at walang salitang hinila ako papasok ng bahay niya. Nagtataka man sa ekspresyon niya ay sumunod ako. Mula sa parking ay naglakad kami sa tapat ng bahay niya.
My lips parted when we entered his house, mula sa pwesto ay kita ko ang malaki niyang sala set. Mayroong isang malaking kulay itim na couch at dalawang loveseat sa magkabilang gilid. A mahogany round table in the middle and a flat screen television in front.
Umangat ang tingin ko sa itaas at napansin ang chandelier. May mga painting din sa pader na kulay itim at puti lang ang kombinasyon.
Wow! This is the most elegant mansion I've ever seen. I saw a couple of houses and mansions but this is the best one so far. The interior screams manliness and elegance.
"Iñigo," tawag ko sa kanya na nakamasid lang sa akin.
He shot his brow up, probably asking me why.
"How about your condo? P'wede naman kahit do'n, why..." inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
"Minsan lang ako tumuloy ro'n. I'm always staying here, so it's better if you're here," nakagat ko ang labi ko at napatango.
"Pero parang nakakahiya naman, I mean..." Napatikhim ako. "Nakikituloy lang naman ako at baka kung anong isipin—"
"Don't mind them, their opinion doesn't matter to me. If I let you live in my unit, then I'm here, what's the use of staying there? No one can keep you safe there," literal kong naramdaman ang pagtalon ng puso ko at ang dugo ko ay unti-unting umaakyat sa mukha ko.
I swallowed the invisible lump in my throat.
"Salamat," I smiled sincerely at him at bahagyang mas lumapit. Kinuha ko ang kamay ko sa hawak niya bago tumingkayad at hinalikan ang pisngi niya.
He was stunned by what I did but I couldn't care less. Kaagad ko siyang niyakap at sumubsob sa dibdib niya.
"Salamat," ulit ko. I felt the sharp intake of his breath and I felt his arms gently wrapping my body. No'ng gabing 'yon ay nagpaluto si Iñigo sa cook at naghain ito ng pagkain. I almost drool at the sight of the food. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom pero naalala ko ang diet ko, ang exercise ko.
Nanigas ang kamay ko na aabot sana ng kanin. Inilayo ko ang kamay ko roon at deretsong uminom ng tubig. Iñigo cleared his throat, so I looked at him. Seryoso ang mukha niya at kunot ang noo niya.
"Why?" I asked him. Bumaba naman ang tingin niya sa plato ko na may pipirasong gulay pabalik sa akin.
"Aren't you hungry?" tanong niya.
"Uh, sakto lang," tipid akong ngumiti at kinagat ang gulay na nasa tinidor ko.
Mas kumunot ang noo niya at napasinghap ako nang bigla siyang tumayo at napanganga lang ako nang ilagay niya ang mga pagkain sa plato ko.
"Iñigo!" Gulat kong sabi, pero nailing lang siya at kinuha ang plato niya. Naglakad siya patabi sa akin at naupo.
"Eat," he said. Napakurap naman ako at napatulala sa pagkain na nasa harapan ko.
"That's plenty," namamaos kong sabi. Napainom ako ng tubig.
Mas okay na tubig! Dapat mabusog ako sa tubig! The calories!
"Eat, Thallia. I know you're hungry," sagot naman niya bago nag-slice ng karne at sumubo.
"I'm fine with veggies."
Tumiim ang panga niya sa sinabi ko.
"Eat."
Umiling ako. He sighed bago bumaling sa pagkain niya. I saw him slice his meat at ang buong akala ko ay kakainin niya pero mukhang mali ako.
"Here, open your mouth."
Napatitig ako sa kanya pabalik sa pagkain. I blinked.
"What?" Gulat kong tanong.
"If you won't eat, then I'll feed you..." seryosong sabi niya at nang akmang iiling ako ay sumimangot siya, so I have no choice but to open my mouth. Sinubuan niya ako at ang akala ko ay isa lang pero nag-slice siya ulit at iniumang sa bibig ko.
"Akala ko isa lang," ungot ko.
Tumaas ang sulok ng labi niya kaya napanguso ako at tumawa naman siya.
"Come on. Eat, Thallia," paghihingkayat niya. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang kilay at ang pagsayaw ng emosyon sa mga mata niya and I wouldn't like to take away his happiness kaya sinubo ko ang ibinibigay niya. He watched me as I chewed the meat kaya ngumiti ako sa kanya at pinakialaman na ang karne sa plato ko. I sliced a piece of meat at iniumang ko rin sa kanya.
He was startled kaya nakatingin lang siya sa akin.
"Boss, kain ka rin..." Tumawa ako nang ngumuso siya. His pouty lips are hiding his sweet smile.
"You'll..." Tumigil siya saglit at hinuli ang mata ko. "Feed me too?"
I smiled and nodded.
Kumawala ang isang maluwang na ngiti sa labi niya at halos mapahiyaw ako nang ngumanga siya para tanggapin ang pagkain. Kahit na nakakain ako ay pakiramdam ko'y may kulisap na nangungulit sa sikmura ko.
Buong pagkain ay nagsubuan kami, which seems natural, ni wala akong nabakas na pagkailang. I admit, maybe it sounds silly and corny pero kinikilig ako. Natawa ako bigla nang dumighay siya at napatakip sa labi niya.
"Shit," he cursed at namula ang pisngi.
I laughed.
"Stop laughing," sita niya habang nakanguso, nakatakip pa rin ang kamay sa labi.
"You're so cute, Attorney," I giggled, pero nang mapatingin ako sa hapag at ubos na pagkain sa plato ko ay nakagat ko ang labi.
It has meat, veggies, steak, rice, salad, and iced tea! Natulala ako roon at sinimulan na ikalkula lahat ng mga calories nito. My diet is at risk! No!
"Shit," napangiwi ako.
"Why?" tanong niya kaya nilingon ko siya. I shook my head at nilingon ang hapag.
"Ang dami kong kinain, 'yong calories..." maktol ko. Napahawak kaagad ako sa tiyan ko, nakikihingi ng simpatya kay Iñigo. But instead of saying something, ay napahagalpak siya ng tawa. Nangunot ang noo ko.
"What?" sita ko. He eyed me as he was laughing. Halos mamangha pa ako nang ngumiti ang mata niya. Sumasayaw ang amusement sa mata niya at halos mahigit ko ang hininga nang ngumisi siya. It was a mischievous and a naughty one at napaatras ako sa upuan ko nang dumukwang siya palapit.
I am expecting that I would fall from the chair pero kaagad niyang nasagip ang baywang ko. He pulled me closer to him at natatawa pa siyang lumapit sa tainga ko at bumulong.
"Don't mind the calories, let's burn it together..." pilyong sabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co