Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 1

heartlessnostalgia

Kabanata 1

"Philomena, ang baunan mo, anak?!" Sigaw ni Nanay mula sa kusina kaya natatawang isinara ko ang bagahe at dinungaw siya roon.

"Nay, ayos lang!" sagot ko, "panigurado namang may pagkain doon sa eroplano.

"Aba, hindi! Hindi!" mabilis siyang lumabas at natawa ako nang ilahad niya sa kamay ko ang baunan. "H'wag kang aasa sa libreng pagkain at magdala ka ng iyo, paano kung wala? Edi nga-nga ka?"

"Mayro'n 'yan kasi, Nay." Sagot ko, "pero matatanggihan ko ba ang luto mo?"

Inilapit ko ang baunan sa ilong ko at inamoy, "hmm, bango naman! Amoy palang ay nabubusog na ako! Amoy pagmamahal!"

Mas lumaki ang ngiti ko nang makita ko ang Nanay na nangingiti na at inabot niya ang pisngi ko, "ikaw talagang Philomena ka, bolera ka, ano?"

"Hindi kaya," sagot ko. "Totoo naman, amoy pa lang na humahalimuyak mula sa luto ng aking pinakamagandang Nanay ay sulit na ako!"

"Hay naku, Philomena." Tinapik niya ang pisngi ko kaya humaba na ang nguso ko.

"Nay naman, sabi ko nga Philie, 'di ba? Ganda-ganda ng nickname ko tatawagin moa ko ng buo?"

"Aba't, mas maganda kaya ang Philomena. Alam mo bang ang ibig sabihin niyan ay pagmamahal? Kaso kabaligtaran ng ugali mo, matamis dapat kaso bolera ka lang."

"Excuse me, Nay, ako kaya ang pinaka-sweet sa balat ng lupa?" sabi ko, unti-unting ibinaba ang baunan na hawak sa may malapit sa bag ko para mayakap siya.

"Oo na, sige na, ikaw na ang pinaka-sweet sa balat ng lupa." Ngumiti siya at tumambol ang puso ko nang yakapin niya akong pabalik. "Mag-iingat ka roon, anak, ah?"

"OA naman ang Nanay, isang linggo lang ako sa ibang bansa." Tawa ko pa pero napadaing nang kurutin niya ang tagiliran ko.

"Ikaw, pasaway ka! Sinasabihan ka lang na mag-ingat at ngayon ka lang magtutungong Amerika!"

"Don't worry, Nanay. I can speak English." I said in a British accent pero napadaing nang paluin niya ang pwet ko. "Nanay nga!"

"Ikaw na bata ka, akala mo ba ay nagbibiro ako?" aniya kaya natatawang umiling ako.

"Opo, Nay. H'wag kang mag-alala at aalagaan ko ang sarili ko. 'Tsaka sigurado akong magiging masaya 'yon. S'werte na lang at matalino ako, oh?"

Lumayo siya sa akin at ngumiti ako nang sapuin niya ang pisngi ko para tignan ako. Malambot ang mga mata ng Nanay, bakas na ang katandaan doon dahil sa pagdaan ng panahon pero hindi pa rin mawawala ang gandang taglay.

"Naku at mabuti na lang, laking pasalamat namin ng Tatay mo na masipag ka at madiskarte." Ngiti niya, "isipin mo, paano kung hindi ka siguro ma-tyaga mag-aral? Paniguradong mahihirapan tayong maipasok ka sa medisina."

"S'yempre naman ay para din sa inyo ni Tatay, Nay." Nakangiti kong sambit, "'tsaka h'wag na tayo mag-emo, doktor na rin naman ako, oh? Hayaan mo, real soon ay pediatrician naman!"

"Naku, ikaw at ang hilig mo sa mga bata..." tapik niya sa pisngi ko, "hindi ka na bata, Philie. Kailan mo balak mag-boypren?"

"Ay, kailangan ba?" I asked at nang samaan niya ako ng tingin ay napatawa na ako ng malakas. "Joke lang, Nay!"

"Hindi ka naman namin pinipilit ng Tatay mo, ikaw na ang bahala sa lovelife mo. Ayos lang naman din kung 'di ka mag-asawa, ang mahalaga sa amin ay nakatapos ka at may diploma."

"Ang tanong, mayayakap ba ako ng diploma sa gabi?" tanong ko kaya natulala na si Nanay.

"Aba't—"

"Mahahalikan ba ako at mahahaplos ng diploma sa tag-lamig—"

"Philomena Dianne!" biglang sigaw niya at napatili na ako nang i-angat niya ang hanger na nakita niya para habulin ako.

"Nanay! H'wag! Joke lang!" sigaw ko.

"Anong joke! Tumataas ang presyon ko sa'yong bata ka! Ang bastos ng bibig mo—"

"Ikaw kaya nagsimula—" mas lumakas ang sigaw ko nang tumama ang hanger sa pwet ko kaya pala akong sinilihang tumakbo.

"Anong nangyayari sa inyong dalawa riyan?" narinig kong may nagtanong kaya nanlaki ang mata ko at suminghap.

"Tatay! Tatay, si Nanay inaaway ako!" sigaw ko at parang marathon na tinakbo ang Tatay at nagtago sa kanyang likod. "Tay, save me!"

"Anong nangyayari ba at naghahabulan na naman kayong dalawa?" tawa ni Tatay habang tinatanaw si Nanay na nakahawak na sa kanyang baywang, hinihingal.

"Ayan kasing anak mo," napahawak siya sa noo. "Aba't, ang bastos ng bibig."

"Hindi kaya," sagot ko. "Alam mo Tatay, tinatanong niya ako kailan ako magbo-boyfriend tapos biglang sabi okay lang daw pala na h'wag na, at least daw ay may diploma kaya tinanong ko kung mayayakap ba ako no'n sa gabi?"

"Oh, 'di ba? Napakabastos ng bibig—"

Biglang tumawa si Tatay doon at naiiling na sumagot, "oo nga naman, mayayakap ba siya sa gabi?"

"Alberto!" Nanay called his name.

"Bakit, Rosita kong mahal?" ani Tatay at natigilan si Nanay.

"Yieee..." I whistled after that at nang tapunan ako ng talim ng tingin ay natikom ko ang bibig.

Nagkape muna ang Tatay bago ako ihatid sa airport para sa flight ko pa-Amerika, abala si Nanay na inaayos ang pagkain niyang pabaon sa bag ko na akala mo'y magpi-fieldtrip ako at gusto ko mang sabihing h'wag pero nakakatakot na baka ma-hanger ako kaya itinikom ko ang bibig ko.

Sinuklay ko ang buhok kong medyo kulot habang nakatingin sa salamin at inaayusan ang sarili. Bilugan ang itim kong mga mata, mapula ang pisngi sa tint na manipis at ang labi dahil sa lipstick na inilagay, maliit ang mukha ko, sabi ni Nanay ay baka raw nakuha ko sa mga totoo kong magulang.

May bangs din ako kaya ang ganda-ganda ko sa paningin ko habang nagsusuklay, kumurap-kurap pa at ngumunguso para magpa-cute.

"Ano na namang kalokohan mo riyan sa salamin, Philomena?" ani Nanay na pinagmamasdan ako kaya nilingon ko siya.

"Maganda ako, Nay, 'di ba?" I asked at bigla siyang natawa, kasabay nang pag-ubo ni Tatay sa kapeng iniinom.

"Hala...ano 'yan? Hindi ba?!" singhap ko at natawa si Tatay at sumagot.

"Maganda nga," aniya at ngingisi na sana ako pero umentrada ang Nanay ko.

"P'wede na," sagot niya kaya bumusangot na ako.

"Nanay nga, ang bully mo." Reklamo ko pero tinawanan niya lang ako kaya humawak ako sa pisngi ko. "Pero 'di ba, no'ng bata ako, sobrang ganda ko? Ako nga nanalo sa Miss Dinibdibang Lupa ng San Isidro?"

Mas lumakas ang tawa ni Tatay at si Nanay at namula roon kaya ipinaikot ko ang dulo ng buhok sa daliri ko.

"Bakit ngayon, Nay? 'Di na ba ako maganda? Bakit noon?" tanong ko.

"Gano'n talaga, Philomena, past is past." Sagot niya at nang halos ngumawa na ako sa pang-aasar niya ay mas lumakas ang tawanan nila ni Tatay.

Inihatid ako ni Tatay sakay ang traysikel na iminamaneho niya papuntang airport dito sa amin pagkatapos ng dalawang page na back-to-back habilin ng aking butihing ina.

Halos kabisado ko na nga ang bilin niya dahil paulit-ulit na sinasabi kapag umaalis ako pero ayos lang, masaya naman ako na marami siyang bilin at ramdam kong mahal niya ako. Nga lang, minsan gusto ko na lang magsulat ng kasulatan ng may habilin niya, paniguradong perfect ako ro'n, kahit nakapikit pa.

"Mag-iingat ka roon, anak, ah? Alam kong paulit-ulit na ang sinasabi ng Nanay mo sa'yo pero uulitin ko ulit, alagaan mo ang sarili mo, ah? Alam kong competitive ka at masipag pero mas isipin mo ang pagkain."

"Okay po, Tay." I smiled gently, "kakain ako sa tamang oras."

"Oh, siya, sige at baka mahuli ka sa flight mo." Ngiti niya.

"Ay, sandali po." Sabi ko kaya pinagmasdan niya ako, binuksan ko ang bag at kumuha sa wallet ko at inabot sa kanya.

"Naku, h'wag na, anak." Aniya at ibinalik sa akin. "Ayos na kami ng Nanay mo at kumikita naman ang sakahan."

"Sige na, Tay." I smiled and opened his palm. "Ayos lang po at kakasweldo ko lang sa ospital."

"Pero pocket money mo na dapat ito at hindi mura ang pagkain sa ibang bansa?" aniyang nag-aalangan pa.

"Ayos lang, may ipon naman po ako." Ngiti ko. "Hayaan mo, 'tay at gagalingan ko sa convention, ang alam ko'y nagrerecruit sila ng mga doktor para magtrabaho sa mga malalaking mga ospital sa Maynila. Malay mo at swertehin itong anak mong reyna ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro."

Bigla siyang natawa at ginulo ang buhok ko, "ikaw talagang bata ka at ang hilig mong magbiro. Sige, tatago ko ito, gamitin ko kapag kailangan namin ng Nanay mo. Basta ba, mag-iingat ka roon, anak, ah?"

"Opo, 'tay. Ingat din po kayo ni Nanay."

Nagyakap kami at pagkaraan din ay pinakawalan niya ako kaya pumasok na ako sa local airport ng probinsya.

Nang makarating ako sa arrival ay kaagad kong nakita ang mga kasamahan kong doktor na nagtutumpok at nag-uusap. Nasalubong ko ang mata ng isa kaya ngumiti ako pero kumunot lang ang noo niya at bumaling sa mga kasama.

"Si sipsip, nand'yan na." Dinig kong bulungan kaya nawala ang ngiti ko.

I sighed, ipinagwalang-bahala ko ang usapan nila at hindi na nagsalita, sanay na na nilalayuan nila ako. They think may kapit ako sa head ng ospital kaya ako gusto ng mga senior namin pero wala naman talaga, nagtatrabaho lang akong maigi at maayos kaya nakaka-close ko sila.

Anyway, their opinions shouldn't matter. Hindi naman nila alam ang totoo. They will always talk behind other people's back kahit anong paliwanag mo.

Basta ang mahalaga'y alam ko sa sarili kong wala akong maling ginagawa.

Iniikot ang tingin para maghanap ng p'wedeng maupuan pero halos lahat ay may nakaupo na. Ngumuso ako, sumulyap sa flight ticket ko at tinandaan ang numero bago medyo nag-ikot.

Ilang row pa ang nadaanan ko hanggang sa may makitang empty bench.

I saw a man leaning in on a seat, may suot siyang puting plain shirt at gray na coat, gray din ang slacks na suot at kulay puting sneakers. Hindi ko makita ang kanyang mata dahil sa suot na shades, may neck pillow sa leeg niya at ang maliit na itim na travel bag ay nasa gilid.

"Uy, pogi..." I said in a small voice bago tumikhim at bahagyang lumapit, inaayos ang bangs ko.

"Hello, good morning!" I greeted at nakita ko ang pag-ayos niya ng upo at pagbaba ng shades.

I almost gasp when I saw his jet black eyes staring at me, it was deprived of any emotions pero nang tumaas ng bahagya ang isang kilay niya ay ngumiti na ako.

"P'wedeng makaupo sa tabi mo? Wala na kasing mauupuan doon banda." I pointed somewhere with a wide, sweet smile on my lips.

He stared at my face, I saw a visible faint stubbles on his chin, ang panga niya ay mas nagpa-foreign sa kanyang mukha. Oh, hindi ba ito Filipino? Mukhang foreign?

Hindi siya sumagot kaya mas ngumiti ako pero walang salitang ibinalik niya lang ang shades sa kanyang mata at sumandal na parang walang nangyari kaya mas naguluhan ako.

"Is...that a yes?" I asked at mukhang oo naman kaya marahan akong naupo sa tabi niya at tumikhim.

"Salamat, pogi." I said at wala siyang imik. "Ah, alam mo kasi walang upuan doon kaya dito na lang ako."

I saw his forehead creased, nakita kong may pinindot siya sa phone at umawang lang ang labi ko nang makitang may earpods pala siyang suot.

"Oh...sorry, sorry." I said in a low voice and just minded my own business.

I can smell a whiff of his manly perfume, lalaking-lalaki ang amoy at parang ang sarap lumapit para mas maamoy pero isang lingon ko lang sa kanya ay mahihimatay na ata ako.

Wala akong boyfriend pero I have good eyes when it comes to men and this one's definitely my type. Gwapo at mukhang tahimik lang.

His red lips are slightly parted, I saw him licked it at mas namula iyon kaya napalunok ako. He has pointed nose and sharp and prominent jaw, his hair is in a short blowout with tampered sides, making him look clean.

We stayed that way for almost an hour at pasimple lang ako sumusulyap at mukha naman wala siyang pakialam sa paligid. Tahimik lang siyang nakikinig ng music at suot-suot ang shades niya.

When my flight number is called, mabilis akong tumayo at bumaling sa kanya.

"Salamat sa pagpapaupo rito, pogi." I said, smiling. "Bye! Punta na akong plane!" I waved like a fool pero he's unmoving, nakashades pa rin at nakasandal kaya nagkibit-balikat na ako at tumalikod.

Nasa may hulihan na ako ng pilit bitbit ang hand carry kong maleta. I was smiling brightly when the attendant verified my ticket at habang sumusunod sa mga kasama papunta sa plane ay halos mapatili na ako sa excitement.

First time kong makakasakay sa eroplano! Gusto ko sa bintana!

I was hopping happily while I'm walking, todo picture ako sa dinadaanan ko para i-send kina Nanay at Tatay at nang makarating kami sa may hagdan paakyat sa aircraft ay itinago ko ang hawak na phone para buhatin ang maleta pero napangiwi ako nang matantong medyo may kabigatan nga iyon.

Ano kayang inilagay ni Nanay na mga pagkain dito?!

Dalawang kamay na ang dala ko habang paisa-isang umaakyat sa steps, nakangiwi dahil hindi naman ako ma-muscle na tao.

Buti na lang huli ako, kung hindi ay nakakahiya sa mga kasama!

I took a single step with both of my hands on the handle but suddenly, it was snatched on my hand.

"Bakit..." umawang ang labi ko nang makita sa tabi ko ang lalaki kaninang may itim na mga mata. "Why?"

Hindi niya ako sinagot, natulala lang ako habang pinagmamasdan siyang binubuhat ang bag ko sa isang kamay habang buhat sa kabila ang travelling bag niya paakyat sa eroplano na parang wala lang.

Bigla akong tumakbo pahabol sa kanya at pagkapasok namin ay kaagad kaming binati ng flight attendant, I saw the man glanced at me coldly kaya ngumiti ako at kinuha sa kanya ang maleta.

"Thanks!" I said sweetly and he didn't say anything, nakita kong bumaling siya sa flight attendant na may sinabi.

"Mr. Samaniego?" tawag nito sa kanya at nakita ko ang pagtango niya. "You can call me Darshana, the director is calling for you."

Ngumuso na lang ako at diretsong naglakad para hanapin ang seat na gusto ko, it took me a while to get there dahil ang mga kasama ko'y excited din kagaya ko kaya maingay sila at nagpi-picture din sa daan.

I smiled sweetly, nakaka-excite naman ito! Sana ay masaya ang flight!

Nang makita ko ang seat number ko ay binuksan ko ang compartment sa itaas kagaya no'ng ginagawa no'ng iba at binuhat ang baggage para i-angat sana pero hindi ko kinaya.

Ano ba iyan!

Halos bumusangot na ako sa irita roon, dalawang kamay ang ginamit ko at nag-feeling may super muscles nang inaangat iyon pero nanginig lang ang kamay ko.

My God!'

Halos mapamura na ako sa irita, akala ko'y mahuhulog ko ang hawak na maleta pero sa gulat ko'y may sumalo mula sa likuran ko.

I felt someone's chest behind me, nanlaki ang mata ko nang makitang may kamay na sumasalo ng hawak kong maleta at tinutulungan ako sa pag-angat kaya wala pang ilang sandali ay ayos na.

Pagkatapos ay mabilis akong lumingon, "salamat—OMG! Si Pogi!"

His forehead just creased at me kaya tumikhim ako, "dalawang beses mo na akong tinutulungan, salamat! Uh, and...sorry din sa abala?"

He briefly nodded, muling ibinaba ang shades na nasa ulo kanina at dumiretso ng lakad papunta sa seat, sa may bintana.

Hala, we're seatmates too?!

My heart is hammering inside my chest pero may naalala kaya ngumuso ako, "uh...hello? Pero kasi, ako diyan sa may bintana." Kapal ng mukha ang katapat para masabi ko iyon at nakita ko ang paglingon niya sa akin.

"Uh, hello, sorry sa abala pero kasi...ako sa window. Kasi, ano, first time ko sa plane, gusto ko sanang makita ang langit." I said at kumunot ang noo niya.

"Miss? Ano bang ticket number mo?" ani ng nasa may pinakagilid na lalaki kaya binalingan ko siya at inabot ko ang ticket ko.

I saw him removed his black mask, tinanggal niya rin ang cap na suot bago medyo ginulo ang buhok.

Tumitig siya roon at ngumiti, "sa gitna ka namin, Miss. Si Dr. Samaniego ang sa bintana." Sagot niya, lumubog ang dimple.

Namilog ang mata ko at tumikhim, hindi alam kong mahihiya na pinagpipilitan ko ang seat.

Akala ko p'wede kahit saan basta sa number lang? I didn't know may number! And...doktor siya?

"Sorry!" mabilis kong sambit at binalingan siya, "pasensya, uh...sorry, Doc?"

To my shock, bigla siyang tumayo sa upuan at naupo sa gitna, walang salita kaya napakurap-kurap ako.

"Anong..."

"Ibig sabihin no'n, doon ka na." Biglang tumawa 'yong lalaki na may dimples at umiling, "go on, Miss. Upo ka na, ayos lang 'yan."

I was really confused, napahawak ako sa maliit kong handbag bago marahang naglakad palapit doon sa gilid, napapalunok pang naupo at binalingan 'yong si Doc.

"Salamat pala, uhm, Philie." Pakilala ko bigla at bumaling siya sa akin bago tumango at sumulyap sa phone na hawak.

Is he mute?

"Ah, pagpasensyahan mo na at may buwanang dalaw." Biglang sabi niya kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Fuck you," I heard the handsome man said, halos ihampas ang phone sa lalaking katabi pero tumawa lang ito at umiling.

"Joke lang, Miss, tamad lang siya magsalita." Ani no'ng lalaking may dimples kaya nagtatakang tumango ako, nangingiti.

"Gano'n ba?" I asked, "pero salamat pa rin, ang bait mo. Tapos gwapo..."

Biglang naubo 'yong lalaking may itim na mata kaya napasinghap ako, "I'm sorry, are you okay?!"

Natatawang binigyan no'ng katabi niya ng tubig 'yong lalaki at umiling lang ito at basta na lang tumayo, nakatakip sa bibig niya. I watched him go kaya mas naguluhan ako at bumaling sa lalaking isa.

"Oh my gosh, ginalit ko ba siya?!"

"Hindi," tawa niya. "Magbabanyo lang 'yon at nagulat ata sa sinabi mong gwapo siya." He smiled and he looked handsome too.

"Totoo naman kasi, pati nga ikaw, gwapo. I like your dimples." I said with a smile at mas ngumiti siya at inilahad ang kamay sa akin.

"I'm Chance." Aniya kaya nagulat ako at mabilis na tinanggap ang kamay niya.

"I'm Philie, Doctor ka rin? Pupunta ka rin bas a convention?" I asked and he shook his head, smiling.

"No, nakisakay lang ako rito. I'll go down to Manila for the connecting flights tapos doon lang, kayo lilipat pa ng eroplano, right?" he asked kaya tumango ako.

"Oo," I answered before withdrawing my hand. "So...sa Manila ka lang bababa? 'Di ka didiretso sa Amerika?"

"No," ngiti niya. "I'm an artist, may pinuntahan lang ako rito." I saw him glanced at the hallway and slowly wore his cap. "Ikaw?"

"I'm a doctor," I answered him. "Convention lang din sa America."

"Oh, I see..." he smiled kaya mas nakita ko ang kanyang dimple. "I'm sorry for my cousin's attitude, he's just like that."

"Cousin?!" my eyes widened and he chuckled, nodding.

"Yeah, that's Angelo. He's a doctor too, attending something...I think parehas kayo? Wala ka bang kasama sa papunta? Maybe you can tag along with him. Hindi lang 'yan pasalita at medyo tahimik pero mabait naman."

"Wow..." my mouth parted, "ang galing naman, hindi naman niya ako siguro susungitan, ano?" I asked.

"No, hindi naman..." ngiti niya, "kulitin mo lang at malambot naman 'yan. Ingat ka lang kasi minsan dragon."

Nagkatawanan kaming dalawa pero isang tikhim ang nagpatigil sa amin, sabay kaming bumaling at nakitang si Angelo ay mukhang inis na bumaling kay Chance kaya natawa ang huli.

"Oo na, sorry na..."

"Tss, shut up or I'll tell Darshana you're here stalking her—"

"Gago, oo na! Dali, upo ka na!" Chance hissed, biglang hinila si Angelo kaya padarag iyong napaupo sa tabi ko at nagsalubong ang mata namin.

"Hi, Angelo, I'm Philomena Dianne Suarez! Ang future mo--I mean, Philie na lang for short!" I greeted him and offered my hand.

Tumitig siya sa akin, I saw the coldness slowly disappearing on his eyes while staring pero biglang tumikhim at sumandal sa upuan, iniiwas ang tingin.

"Oh, hi, Philie. I'm Angelo." I mimicked in a manly voice, inangat ang isang kamay para makipag-kamay sa sarili at binalingan ako ni Angelo na mukhang iritado at si Chance ay natatawa.

"Damn, girl, I like you." Chance smirked, "bagay kayo ni taong yelo—"

"Darshana—" Angelo cut him off, annoyed.

"Fuck! Oo na!" Chance exclaimed and punched him annoyingly. "Tatahimik na."

During our flight, I was all smiles. Hindi ako kinakausap ni Angelo kahit kanina pa. Puro lang siya phone o makikinig pa ng music, hindi nagsasalita, mabuti na lang ay kausap ko si Chance na naka-mask at tagong-tago ang mukha habang nasa biyahe, I noticed him quiet and looking nervous when a certain flight attendant is asking and roaming the crowd.

I was almost nauseous kaya sinusubukan matulog at medyo successful naman dahil pagkarating ng Maynila ay kumalma na ako.

Nagpaalam siyang mauuna na sa amin bago naglaho kaya sinundan ko siya ng tingin. I saw Chance then surprised the flight attendant, mukhang girlfriend niya at sabay silang bumaba ng eroplano.

I opened the compartment, akmang kukunin ko na iyon pero sa gulat ko'y mabilis na kinuha ni Angelo ang gamit ko. I followed him and I saw him carried it habang pababa kaya umawang ang labi ko.

He's a gentleman too...

Nanay, Nanay, may crush na ako! Hindi na lang ako diploma! Baka may future yayakap na sa akin sa gabi!

Sinundan ko siya pababa sa eroplano at buhat-buhat niya ang maleta ko pagkababa kaya tinakbo ko na siya.

I was hoping he'd speak to me pero to no avail, mukhang walang pag-asa. Puro lang siya tango at minsa'y walang pakialam. Just...one word, say something!

"Salamat!" I said happily when he lets go of it. He nodded briefly, walang-imik akong nilagpasan kaya umawang na ang labi ko.

"Angelo! Sabay na tayo!" I exclaimed, "sabay din ba tayo sa connecting flights—Angelo!"

Iniwan niya ako.

I was pouting while looking around, nagsabi ang head namin na magkikita-kita kami ulit after one hour pagkatapos kumain at ayoko namang mawala sa airport kaya sumunod ako sa mga kasama kahit may kanya-kanya silang grupo.

They went to a local fast food na mayroon sa airport, pumila ako para sa pagkain kagaya nila at nag-order ng kahit ano.

"Hoy, bilisan mo, dali! Mag-isa si Dr. Samaniego sa upuan, makiupo tayo!" masaya nilang sambit kaya bumaling ako at nakita si Angelo sa pinakagilid ng fast food, may sariling mundo.

May earpods sa kanyang tainga, ang isang libro ay nasa gilid ng lamesa habang may hawak na kape, mukhang hindi pa ginagalaw.

He looked immaculately handsome and reserved. Crush ko na ata talaga.

Bumili lang ako ng burger at kape, naglakad ako palapit kay Angelo at nakitang ang iba kong mga kasamahan ay naroon sa kanyang gilid at nakikiusyoso, nagtutulakan sino ang magsasabing makikiupo.

At papatalo ba ako? I am the most competitive Philomena Dianne Suarez!

And so, confidently, I walked towards them, malaki ang ngiti kong naglakad at nagsalita.

"Hi, Angelo, wala ng upuan, eh? P'wedeng makiupo?" I asked cheerfully.

"Anong...nauna kami, ah?" Ika said in a whisper, "doon ka na, pilingera ka na namang close!"

"Bakit? Nauna ako magsabi, ah?" I answered back and glanced at Angelo. "Gel, patabi ako, ah!"

I was about to sit when he glanced at me coldly and spoke.

"No." He said coldly and I was stunned.

I heard Ika and her friend's chuckling, "sabi ko sa'yo, eh..." aniya sa maliit na boses kaya parang nahiya naman ako kaya tumikhim ako.

Slowly, I took a step back. Humigpit ang hawak ko sa tray at akmang aalis pero nagitla nang may magsalita.

"I mean you girls," he said coldly at the girls kaya marahas akong napalingon at nakitang nakatitig ang itim at seryoso niyang mata sa akin.

"H-huh?" Ika asked.

"Philomena, go back here and sit. My coffee's cold." Aniya habang nakikipagtitigan sa akin kaya napanganga na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co