Simula
Simula
Marriage is a lifelong commitment, hindi lahat ay sineswerte pero kung papalarin nga naman ako at jackpot na jackpot pa!
"Ang swerte mo pala, ano?" Mula sa pagkakasiksik sa leeg niya ay nag-angat ako ng tingin.
"Hmm?" he then gently tilted his head to stare back at me and I saw his jet black eyes filled with amusement.
"Ang swerte mo kasi crush mo lang noon, asawa mo na ngayon." He grinned kaya umawang na ang labi ko at biglang natawa.
"Wow, ang yabang naman po pala ni Mr. Samaniego!" I exclaimed, laughing at him.
"What?" he smirked and kissed the tip of my nose. "Hindi ba?"
"Oh, edi ikaw na ang gwapo!" I kissed the tip of his nose this time kaya muli siyang napatitig sa akin.
"Buti na lang pala gwapo ako," he said out of nowhere while reaching for my fingers inside the comforter.
"Conceited si Mr. Yelo." I chuckled, "porket gwapo akala mo--"
"I should thank my parents for this face, I guess." He shrugged, nang mahuli niya ang kamay ko ay naramdaman ko ang init doon.
"Why?" I asked, slowly feeling his fingers filling the gaps in between mine.
"Kasi naakit kita sa mukhang 'to." He winked kaya napatili ako at pinatakan siya ng halik.
"Mr. Samaniego! Noong naging tayo bakit ang landi mo na? Yelo ka lang dati, ah? Bakit ngayon mais na?'"
"I didn't know either," his black eyes stared intently. "Maybe because I'm with my Mrs. Samaniego?"
My heart quickened, nag-init ang pisngi ko, lalo na nang makita ang pag-angat niya ng magkahawak naming kamay sa ere.
"What a lucky bastard I am, I guess." He said, hinahaplos ang wedding ring sa daliri ko. "Sinusungitan ko lang noon, asawa ko na ngayon?"
We both ended up laughing.
Nanliit ng bahagya ang mata ni Angelo sa tawang iyon at ang dimple na maliit sa gilid ng kanyang labi na nakuha niya kay Tita Natalie ay lumitaw.
"We're lucky with each other, I guess, Dr. Samaniego?"
"I guess so, Dra. Samaniego." He answered me back, bringing my hand near his lips.
Nakita ko ang pagtitig ng mga mata niya sa akin at mayamaya'y hinalikan ang mga daliri ko, nakasentro sa singsing ko.
"I love you, Philomena." He said seriously at hindi pa rin siguro ako sanay na ganoon kaya kumakalabog ang puso ko at dinig na dinig ko iyon.
"I love you too, Dean Angelo." I said sweetly before reaching for his cheek. "I love you, babe."
Nang ibaba niya ang kamay ko ay muli niya akong niyakap, I lifted my head to settle on his arms as we cuddled, both naked under the sheets.
We just got wed this morning...malamig sa bansang ito pero hindi ko iyon ramdam sa higpit ng yakap sa akin ng asawa ko.
"How many kids do you want to have?" I asked while he's busy kissing my shoulder blades, ang kamay niya'y naglilikot na naman sa dibdib ko kaya pinalo ko na.
"Dean Angelo, katatapos lang natin!" I smacked him.
He groaned, "how about another one--"
"Answer me muna kasi, how many kids do you want us to have?" I asked kaya inangat niya ang mukha para tignan ako.
"Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan, Philie. Kakayanin mo ba?" He sounded boastful kaya umawang ang labi ko.
"Excuse me? Hinahamon mo ba ako?!" Laban ko at tumawa pa siya, bahagyang dumadapa para mapagmasdan akong lalo.
"I wanted a basketball team--"
"Mukha ba akong inahin?!" I exclaimed in horror and he's laughing again kaya 'di ko na maseryoso.
He's rarely like that with other people...sa akin lang kaya nakakataba ng puso.
"Kaya ko namang buhayin, Philomena, kaya nga ikaw ang tinatanong ko kung kaya mo ba?"
"Of course not! As if we're young. Hoy, lalagpas na ako sa kalendaryo."
"That's why we have to rush things, para maihabol ang team Samaniego ko." He even teased at nang samaan ko na ng tingin ay nanahimik at ngumisi.
"Let me ask you this time, babe. Ilan ba ang kaya mo?" Aniya kaya napanguso ako, nag-iisip.
Nakadapa siya sa tabi ko, ang isang braso ay nakayakap sa baywang ko habang pinapanuod ako na akala mo'y pelikula.
"I guess, ayaw kong isa kasi mahirap walang kapatid, two to three children are fine with me."
"How about six--"
"Samaniego..." I warned.
"Okay, okay...two to three it is. Whatever my wife wants." He moved closely to my face to steal a small kiss.
"Ang asawa ko, napaka-clingy. What's with you, huh?"
"Nothing, I'm just pleased having you here beside me. Sino ba naman ako para mapakasalan si Philomena?" He teased kaya hinaplos ko ang buhok niya.
"Ikaw lang naman si Dean Angelo Samaniego, ang mahal na mahal ko." I winked at him and he was stunned but then, I saw him avoided my gaze.
"Kinikilig ang asawa ko...pa-kiss nga!" I exclaimed and caught his lips kaya mabilis siyang gumanti sa akin.
"Mahal na mahal kita, Philomena. Akin ka lang, ah?" He said in a gentle voice.
"Sa'yo lang palagi, ikaw ba? Are you mine?" I asked.
"Sa'yo lang. Gusto mo magdikit pa ako sa noo ko ng Philomena's property?" biro niya.
"Sige nga! Kaya ba?"
"One condition," he said.
"What?"
"Let's continue making baby number one, Mrs. Samaniego?" he said a low, hoarse voice, handa nang dumagan pero tinulak ko ng bahagya at tumikhim.
"Promise me first," I said.
"Promise you what?"
"Na...ako lang ang love mo habang-buhay." I showed him my pinky finger and he looked amused seeing it pero mayamaya'y inangat ang kamay at sinagot ako.
"I promise, babe. I'll only love you...no one but you. Like what I vowed earlier, I'll forever cherish you. We'll build a happy family together."
"Si Angelo ay kay Philomena lang?"
"Yup, and...Philomena is for Angelo." He said while staring at me. "That, I vow to you."
It was one of the happiest and greatest day of my life and I cherished it so much. I slept on his chest while he's cuddling me, whispering his sweet I love yous.
It was a lucky night for me, being in his arms for real and I looked forward for more nights with him...not knowing that the beginning of our married life will also be the end of it.
The next morning, I got a short letter from my husband saying he'll just buy fresh breads in the bakery shop across the hotel where we'll staying for me to eat but hours came and he still isn't back.
I was worried, naiwan niya rin ang phone niya at nang bumaba ako at nagtanong sa front desk ay sinabi nilang lumabas nga si Angelo.
I don't want to alarm Tito and Tita Natalie kaya naghintay ako sa lobby hanggang sa tumunog ang telepono ko at nang sulyapan ko iyon ay galing sa isang unknown number.
"Hello?" I said.
"Hello, is this Mr. Angelo Samaniego's guardian?" my heart hammered when I heard his name.
"Y-yes..." my voice quivered. "I-I'm his wife."
"Oh, Mrs. Samaniego." She sighed. "We need you here in the hospital, your husband's a victim of a hit and run."
Parang nawalan ng kulay ang mukha ko. Mas nanghina ako, bumagsak ang telepono sa kamay ko at parang nauupos na kandilang bumagsak ako ng upo habang walang pasubaling nahuhulog ang mga luha sa mata ko.
Wala ako sa sarili, nang bumagsak ako sa lobby ay tinulungan ako ng staff at binigyan ng tubig para kumalma. I was hysterical, nag-presinta silang dadalhin ako sa ospital na minessage ng nurse na nakausap ko at halos hindi na ako makausap ng nurse pagkadating ko sa ospital.
Tito Terrence and Tita Natalie came to my rescue, nabalitaan din sila kaya nagmamadali silang pumunta. I am crying hard, hugging my in-laws.
Si Tita ay nanghihina rin pero pilit na nagiging malakas para sa akin. Tito Terrence is talking to the doctor, my husband is still in the ICU. Mabuti na lang daw ay nadala kaagad sa ospital at naagapan.
Nang matapos makipag-usap si Tito ay bumuntong-hininga siya at naupo sa harapan namin.
"Are you okay, Philie?" he asked in a low, concerned tone.
I slowly shook my head, nang tumulo ang luha ay mabilis ulit 'yong pinalis.
"N-no...I'm not." My voice shook.
"I talked to the doctor, Philie," aniya at sumulyap sa akin bago kay Tita Natalie. "Babe..."
"Ano raw sabi? Kumusta ang anak natin?" Tita asked in a worried tone, namumula na rin ang mata sa kakaiyak.
"It's a possible head injury and trauma." He sighed. "For now, he'll be in the ICU first for observation kapag stable na ang lagay niya 'tsaka siya ililipat sa private room."
"H-how about the car, Tito?" I asked worriedly. "'Y-yong nakasagasa sa asawa ko..."
"I'll do anything to find the fucking driver," he sighed and glanced at his wife. "This is a familiar scene, Sena..." mahinahon pero bakas ang lungkot sa kanyang boses.
"Angelo will be fine," Tita sighed. "Let's not think negative."
Mas niyakap ako ni Tita at napaiyak ako sa presensya niya.
Days passed and my husband is still unconscious and unresponsive. He had a head injury because of the accident, malakas ang pagbagsak ng kanyang ulo sa daan kaya halos maubusan siya ng dugo. He's in a coma-state right now and I don't know what to do to help myself ease the pain.
Until now, we still don't know the aftermath of this accident and while he's still unconscious, I have to take care of him. Doon na ako natutulog, sa isang linggong nakalipas ay maraming bumisita sa private room nang ilipat ang asawa ko.
His friends and relatives came, some of our visitors too. Dumaan din ang Nanay at Tatay pero kinailangan ding umalis dahil sa kailangan na dahil sa flight nila at hindi na kaya ang lamig dito.
Only my in-laws and his sibling were left here with me to take care of him, minsa'y pumupunta at bumibisita rin si Samantha.
Sa tuwing gabi, ako ang kasa-kasama ng asawa ko. Sa umaga, kapag maayos ang tulog ko sa gabi ay ako rin. Hindi ko alam kung ilang beses akong umiyak habang pinagmamasdan siyang walang malay at may benda sa ulo.
"Gising na, sungit..." bulong ko at marahang pinaglaruan ang daliri niya. "Miss na miss na kita."
I slowly lifted his hand and planted a quick kiss on his knuckles.
"Angelo ko...gising ka na." I whispered and touched his cheek. "Mahal na mahal kita, nalulungkot na ako. 'D-di ba, ayaw mong malungkot ako? G-gising na, oh."
I stared at his face and saw the faint bruises and wounds he had on his handsome face.
"K-kahit may sugat ang gwapo pa rin ng asawa ko, a-ah?" I smiled despite the tears falling down my cheek. "G-gising ka na, Gelo. P-promise kapag nagising ka, bibigyan kita ng maraming kiss na paborito mo, 'tsaka hindi na ako choosy kapag gusto mo mag-make love."
I sighed and moved a bit to stand and gave him a peck on the lips.
"I love you, Gel. Gising ka na." Bulong ko bago haplusin ang kamay niya at pisilin.
I smiled, aalis na sana para mag-agahan pero 'yon na lang ang gulat ko nang maramdamang pumisil ang kanyang kamay sa akin.
My eyes widen and it landed on his hand, akala ko'y nag-iimagine lang akong gumalaw ang kamay niya but then, I felt the squeeze and I saw how his finger moved a bit.
"O-oh...God. Oh my God." I muttered and gasped.
Marahang binitawan ko ang kamay niya at mabilis na pinindot ang emergency button sa gilid, patuloy na nahuhulog ang luha ko habang pinagmamasdan ang pagkunot ng kanyang noo at muling paggalaw ng kanyang daliri.
"B-babe..." I called. "Gel...wake up."
Not a moment later, the doctor and nurses came, nakita kong nanlalaki ang mata nina Tita Nat at ni Tito na nakasunod na pala sa mga doktor, sa likod nila ay nakita ko rin si Samantha na nagtataka.
"What happened?" I heard the doctor asking.
"H-his hand moved, I s-saw it..." I said.
They checked his vitals, nagkatinginan kami ni Tita at mabilis siyang tumakbo sa akin at yumakap.
"P-Philie, d-did you..."
"I-I saw it, Tita." I muttered. "I-I felt him."
The doctor placed a small light and checked his eyes, si Tito Terrence ay tumabi sa may pwesto namin ni Tita at si Samantha ay nag-aalalang nakatingin din sa ginagawa ng doctor.
"He's awake," I puffed a relaxed sigh when the doctor smiled, nakita namin ang muling pag-galaw ni Angelo at pagkunot ng noo.
"O-oh my God, a-anak ko..." Tita sobbed and Tito immediately hugged her and kissed her head, his eyes are filled with unshed tears.
We all gasped when Angelo opened his eyes, muli pa siyang pumikit na tila nasisilawan at halos takbuhin ko na siya.
Ilang beses kong hinawi ang luha ko, kinagat ko ang labi at humawak sa kamay ko si Tita at ngumiti.
The doctor helped my husband sit, kaagad kaming nagkatinginan at ngumiti ako sa kanya.
His forehead creased, I was looking forward for his warm smile but the only thing I got is his cold stares at me.
"M-mom..." he called and I heard Tita gasped, mabilis siyang lumapit para yumakap at gano'n din si Tito Terrence sa kanyang tabi. "Dad..."
"Are you okay, Gel?" Tito asked, "masakit pa ba ang ulo mo, anak?"
"No..." he shook his head and glanced at my direction, I gulped and smiled but he glanced at the other direction and then stared back at his mother.
"My girlfriend..." Angelo said.
"O-oh, sure, anak." She chuckled. "Sure."
Tita glanced at me and nodded, napalunok naman ako at mabilis na naglakad patungo kay Angelo. My lips quivered and my eyes stung while shedding another bunch of tears, napahikbi na ako nang makalapit at walang sabing niyakap ang nakatinging asawa ko.
I sat on the bed, hugging his nape. I felt how he tensed up but he didn't move. He just let me sob and hug him.
"T-thank God...thank God you're awake." I cried.
I heard his audible sigh, nang tumahan ay lumayo ako sa kanya at hinawi ang luha. I was still teary-eyed while looking at his face.
"I-I missed you, babe...I'm so glad you're awake." I cupped his cheek while looking at his eyes but he remained stoic, I saw how confusion played on it and my heart hammered in nervousness.
"A-Angelo—"
"I'm sorry," he licked his lip and stared at me with his cold eyes. "But who are you?"
I froze in shock, it was as if I was slapped across the face while looking at his confused eyes. Narinig ko ang komosyon sa gilid ko pero natulala lang ako.
"I-I'm your—"
"Excuse me, Miss, but uh, let's talk later. I have to greet my girlfriend first." Aniya at sumulyap sa gilid.
I felt the sharp pain struck my heart, my mouth parted while looking at the woman he's looking at.
"Hey, Sam. Come here, hon." He extended his hand to the shocked woman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co