Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 15

heartlessnostalgia

We're halfway na sa TBV!!! Yehey!!! Enjoy!

--

Kabanata 15

"What are you saying? Don't tell me you're doubting my love for you?" nawala ang pag-nguso ko, kaagad na nilingon ang fiancée na kunot na rin ang noo habang dinudungaw ako roong nagda-drama.

"Hindi," I sighed, "I'm just...sure na sure ka na sa akin, ah? Walang bawian, Angelo?"

He remained staring at me and underneath the stars and the cold wind around, he licked his lip, his serious eyes are staring at me like I'm ridiculous.

"Are you insecure?" he asked, "those girls are just colleagues, babe."

"I'm not!" I snapped, "I'm not the type to get insecure! I know my worth, ano. Tinuruan ako ni Nanay na maging proud sa sarili ko kaya gano'n ako. Kung maganda sila, pwes at maganda rin ako! Paki ko ba kung ngumingiti ka sa kanila kanina?"

He remained staring at me, watching my reaction then suddenly, he stifled a gentle laugh.

"Oh, yeah? And yet your eyes are wide and open, Philomena. My babe won't act that way if she has no worries."

"H-hindi—" natahimik ako nang walang salitang dinukwang niya ang ulo para hulihin ang labi ko kaya nagitla ako at nanigas sa kinatatayuan.

He opened his eyes again and watched my wide ones, mayamaya'y naramdaman ko ang paghulog ng kanyang kamay sa baywang ko para hapitin ako, unti-unting isinasandal ako sa barricade ng terrace para ikulong bago inilayo ang mukha.

"I know you damn well, Philomena."

"Hindi nga—" his lips stopped me again from talking, placing his finger on my lips.

"Shh, no talking or I'll kiss you." His dark eyes stared at me.

"Gusto ko—" he kissed me again kaya kumalabog na ang puso ko at nagsalita. "Na ano—" another kiss at nang lumayo na siya ng tuluyan at sinamaan ako ng tingin ay napatawa na ako.

"You liked it," busangot niya kaya mas natawa ako, unti-unting niyakap ang kanyang batok para pagmasdan ang mga mata niya.

"Of course," I whispered, stealing a kiss and grinned when he blushed a bit with my action. "What an adorable ice man. Hindi nga kasi ako insecure na nginingitan mo sila, ano...medyo nagseselos lang. Ewan ko, they're pretty and they came from a good family."

"You came from a good one too, a great one perhaps." What he said stopped me, "and you're prettier, Philomena. Kahit piringan pa ako, ikaw lang hahanapin ko."

My heart jumped, I know we're comfortable with each other for being together for years now but there are still a lot of times na grabe akong kiligin sa mga sinasabi niya.

"Hmm? Talaga? 'Di ka maghahanap ng iba?" I asked and he nodded, tila batang nakatingin sa akin ang malambing na mga mata at sa akin lang iyon. Sa akin lang siya tumitingin ng ganyan.

"Can I even find someone greater than my babe?" he teased, "I got the best, why would I look for another? And don't be insecure, please. Sa 'yo lang naman ako tumitingin."

"Gelo ko..." my heart softened, "mahal na mahal kita, alam mo 'yon, 'di ba?"

"And I'm in love with you too," inangat niya ang kamay para haplusin ang pisngi ko. "I'm sorry if there are times I am not that vocal with you. Guess my attitude runs in my veins."

"Well..." I laughed before smiling. "You are vocal, babe. Oo, sige. May times na hindi pero galaw mo pa lang ay nakikita ko na love na love mo 'ko. Madalas kang tahimik lang pero kapag magkasama naman tayo parang machine gun 'yong bunganga mo."

"Oh?" he smirked, "what kind of machine gun, huh? Speaking or in terms of...eating you?"

"Hoy!" doon na namilog ang mata ko, pinapalo ang balikat niya. "Ang bastos-bastos ng bibig mo!"

Tumawa siya, he only does that with me kaya para akong lumulutang sa ere.

"Only to you, babe." He moved his face closer and move his nose to touch mine. "I love you so much, Philomena. I may not show it to you all the time but I do...deep inside, I can't imagine waking up knowing you weren't beside me."

Idinikit ko ang noo sa kanya, mas humigpit ang yakap sa kanya at gano'n din siya sa akin.

"I love you, Gelo. Sana ako lang, ah? Kasi...ako...ikaw lang."

"Ikaw lang, Philomena." He whispered. "It's only you I wanted to marry. It's only you I wanted to spend my lifetime with. Ikaw lang palagi. I vow this to you."

Kumakapit ako roon, Angelo. Kumakapit ako sa mga pangakong 'yon. Alam kong hindi mo 'yan sasabihin kapag naaalala moa ko, hinding-hindi kaya bakit ako nasasaktan ng ganito?

"Looking at you, I won't even dare liking you...pakasalan pa kaya? Stop daydreaming, woman."

Nahulog ang luha ko, nakita ko kung paano siya natigilan sa nakita. Confusion filled the hollow of his empty black eyes and his mouth parted.

"I..." he licked his lower lip, mukhang nabigla rin sa nasabi.

"Sorry..." I chuckled lowly, mabilis akong nag-iwas at hinawi ang luha ko paalis. "Tara na, baka mahuli pa tayo sa flight."

"Philomena..." he called kaya bumaling ako sa kanya at maliit na ngumiti.

"Ayos lang, crush kasi kita kaya medyo masakit pala talaga kapag na-reject 'no? Pero sa bagay, may point ka." I even joked but I saw no humor on his eyes, he remained staring at me intently, as if trying to look for something on my face.

Napatitig ako sa mata niya at pakiramdam ko'y maiiyak akong muli nang matantong ang dating malambing na mga tingin niya'y kasing lamig na ng yelo ngayon kaya nag-iwas ako.

"Let's go inside," marahang sabi ko at tahimik na naglakad.

Naramdaman ko ang pagsabay niya sa paglalakad sa akin at ang panaka-nakang tingin pero wala akong lakas para sumulyap pabalik, natatakot na ba umiyak lang ako sa sakit na nararamdaman.

Nasaan na ang Gelo ko? Ang Gelo kong ayaw na ayaw na umiiyak ako? Ang Gelo kong mahal na mahal ako? Wala ka na ba diyan?

Wala na akong lakas na umimik nang pagkapasok ay kaagad lumapit si Samantha kay Angelo para kausapin. Ramdam ko ang hapdi at paninikip ng dibdib kaya binalingan ko na lang ang staff na dumalo sa amin para sabihing ilang saglit lang ay p'wede na kaming pumunta sa private jet.

I kept on noticing Angelo glancing my way every time, kinakausap siya ni Sam pero napapabaling siya sa akin at sa takot kong maiyak doon ay sumulyap na lang ako sa phone at nagsabi sa mga kaibigan na pauwi na ako.

Everyone is excited for us and I'm excited too—of course, of going home but I don't know. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Paano pala pagbalik namin ay wala na pala talaga akong uuwian?

"Dean, careful." I heard Samantha saying kaya napabaling ako sa kanila. I saw her helping Angelo up from his seat kaya napatayo na rin ako para sana tumulong nang magsalita si Gelo.

"I'm fine, babe." He answered and it was as if I got struck by a lightning, hearing that.

My heart pounded loudly, nakita ko ang pagkakatigil ni Samantha roon. Miski si Angelo ay natigilan at bahagyang kumunot ang noo.

Napabaling sa akin ang nanlalaking mata ni Samantha, ako nama'y 'di alam ang ire-react, lalo na nang medyo nahulog si Angelo sa kanyang upuan at mayamaya'y sapo na ang ulo.

"Dean!"

"Angelo!" I called, kaagad na binalot ng kaba at pag-aalala. Mabilis kong tinungo ang asawa ko, wala pagdadalawang-isip na naupo sa kanyang tabi at inabot ang kamay niya.

"G-Gelo..." I called and when I saw him buried his face more on his palm, my heart ache.

"D-don't..." he shook his head, lumalayo sa akin. "D-don't touch me..."

"W-we have to go to the hospital!" I said, mabilis na iniikot ang tingin at inabot ang phone para tumawag ng ambulansya pero mabilis na inabot ni Gelo ang kamay ko para pigilan ako.

"I-I'm fine..." he sighed, I saw the pain on his eyes kaya hindi ako mapakali.

"But—"

"S-Sam..." bumaling siya kay Sam na mukhang takot din doon, "c-come here, hon."

"Philie..." Sam spoke, "ako na lang muna." Aniya sa akin kaya bumaling ako kay Angelo na nakapikit ang mata at nakasandal sa upuan ay suminghap ako.

"Are you really okay?" I asked and he didn't answer me, si Sam na ang tumawag sa akin kaya napabaling ako sa kanya.

"Ako na muna ang bahala, Philie." Aniya, "I guess his head is aching upon seeing you."

My forehead creased, nakita ko ang mabilis niyang pag-iiwas sa akin ng tingin kaya kinalma ko ang sarili para hindi makapagsalita ng mali at mai-stress ang asawa ko kaya tahimik akong tumayo mula sa tabi ni Gelo at dumaan sa gilid ni Samantha.

"We'll talk, Sam." Marahang sabi ko at nakita ko ang gulat sa mata niya roon pero 'di ko na inantay ang sagot niya.

It hurts seeing her with him, it felt like I was being stabbed on the chest. It hurts seeing his head resting in someone else's shoulder because it should be me.

Ako dapat...ako lang.

I was tired and weak when we got inside the private jet, nakita ko ang hawak ni Angelo sa siko ni Sam na naupo pa sa tabi niya sa two-seater na upuan sa loob kaya naiwan akong nakatayo roon at wala sa sarili.

"Ma'am, we're off to go in fifteen." The crew called my attention kaya pinilit ko ang magbigay ng maliit na ngiti sa kanya.

"Thanks, Miss." I said and when she nodded and left, tahimik akong naupo sa upuan katapat lang ng inuupuan ni Sam at ng asawa ko at inabala ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga magazine na nakalagay doon.

Isinandal ko ang ulo sa gilid at tahimik na pinagmasdan ang pagtakbo ng eroplano sa runway. I watched how the airplane rose from the ground, ang sinag ng liwanag mula sa araw ay tumama sa mga mata ko kaya napapikit ako saglit pero naramdaman din kahit papaano ang init na dal anito.

New day. New hope. Everything will be better in time. It will.

Nakikita ko ang pagke-kwento ni Samantha kay Angelo, I heard her telling him things about her work and all but I couldn't bear hearing it kaya sumubok akong tumulog pero ang hilo ko t'wing nasa eroplano ay hindi pa rin nawawala.

Hindi ba ako masasanay?

Ilang saglit pa ay nakita kong lunch na kaya kinuha ko ang paper bag na inihanda ko kanina laman ang pagkain na niluto ko para sa asawa ko.

I stood from my seat and went to get it from the small pantry, with a smile, I walked towards them to give him the foods I cooked but stopped midway when I saw Samantha extending a paper bag to him.

"Dean, sorry. You know I really don't know how to cook but I did my best to cook for you." Sam said shyly, smiling. "I cooked you lunch, hope you enjoy this."

My smile vanished when Angelo took it, even chuckling lowly.

"Thanks, hon. I'll definitely eat this." Aniya, tumaas ang sulok ng labi para ngitian siya pero biglaang napabaling sa akin.

Kumunot ang kanyang noo pagkakita sa akin kaya napabaling din si Sam at umayos ng upo.

"Philie, kain." She offered and gave me a smile but saw the paper bag on my hand, bumaling din doon si Angelo kaya unti-unti ko iyong itinago sa likod ko at ngumiti ng maliit.

"Thanks for the offer," I said. "Sige, doon na ako. Kain kayo ng marami."

Hindi ko na nagawang lumingon pa nang maglakad ako pabalik sa upuan ko, pagkaupong-pagkaupo ko at pagkatapos ilagay sa tabi ang paper bag ay ipinikit ko ang mata at sumandal.

When did I become this weak-hearted? I am not like this. I am always strong but when it comes to him, it's different. No matter how much I told myself to be strong, I couldn't. It's hard.

Sumabay ang madalas kong pagkakahilo sa flight at pagluha kaya dali-dali akong tumayo, halos takbuhin na ang banyo at dali-daling pumasok doon.

"Gosh..." I gasped, hating flights even more because it's making me dizzy.

Hindi kagaya noon, kapag nasa biyahe ay nand'yan ang Angelo ko para libangin ako para 'di makaramdam ng hilo pero ngayon...ibang-iba na. No one would comfort me right now. No one.

Ako na lang mag-isa...

I tried vomiting but nothing came out kaya naupo na lang ako sa saradong bowl at sinapo ang mukha ko, ipinipikit ang mata para hindi tuluyang maiyak sa halong hilo sa biyahe at sa sakit sa nakikita.

We're supposed to be celebrating our marriage now! We should be on our honeymoon! We planned everything and promised each other to enjoy nothing but each other for a month and here we are now.

The scenarios I imagined were nothing but plain imaginations now.

Lord...Lord, please. Please bring my husband back to me.

My hands are shaking as I washed my face to try and hide the fact of crying.

"It's okay, Philie." I whispered to myself and stared at the reflection in the mirror. "You are strong, you can't give-up on Gelo. You're together for years, you can't give-up on him. He's just sick, he can't remember you but he will...soon. Everything will be better tomorrow, okay? Self? Lalaban tayo."

I tapped myself in assurance and sighed loudly. Tinuyo ko ang mukha ng bimpo at lumabas pero nagitla nang masalubong ang mga mata ni Angelo na nakatitig sa akin.

He was resting his back on the wall, napaayos siya ng tayo pagkakita sa akin kaya humigpit ang hawak ko sa panyo at nagbaba ng tingin.

"CR ka? Sorry, matagal." I said and glanced at him a bit, "sige na, pasok ka na. Una na ako."

He didn't answer but I can feel his stares, tahimik akong tumalikod pabalik sana sa upuan pero may pumigil sa braso ko. My eyes widened when he gently pulled me closer to him and tilted my chin. Nasalubong ko ang seryosong mata niya at parang natuyo ang lalamunan ko pagkakita roon.

"You cried." He concluded, stopping me. "Why are you crying, Philomena?"

"Masama lang ang pakiramdam ko," mahinang sabi ko, nangingilid na naman ang mga luha dahil sa aming pagkakalapit na dalawa.

Nanatili siyang nakatitig. It was curious and confused, tila may gustong mahanap sa mukha ko, tila kinakabisado iyon at ayokong ipakita sa kanyang iiyak na naman ako kaya marahan ko siyang itinulak palayo sa akin at umatras saglit.

"Excuse..." I said and left abruptly, walking towards my seat. I saw Samantha stood when I got back to my seat, sinilip ata si Angelo kaya mas nanghina ako at napailing.

I have to fix this, I have to fix us. I won't let go of my husband. I would never.

Mayamaya'y nakita ko ang paglabas ni Angelo, kausap niya ang isa sa crew doon. Even Samantha is standing beside him, tila nakikinig pero kumunot ang noo at sumulyap sa pwesto ko at nang nakita akong nakatingin ay nagbaba ng tingin.

She then went back to their seat, leaving Angelo speaking with the attendant.

I was a bit worried but seeing him conversing professionally in there, alam kong ayos naman ang pakiramdam niya kaya medyo nabawasan ang iniisip ko.

However, this flight is making me dizzier every time. This the reason why I hate flying, hindi pa rin kasi talaga ako sanay sa ganito kaya para akong pagod na pagod na nakapikit at nakasandal sa upuan ko.

"Here, take these." Bigla akong napamulat pagkarinig ng boses na 'yon, mabilis akong napalingon at pumilantik ang puso nang makita ang asawa kong nakaupo sa tabi ko, inilalahad ang kamay at nang ibinaba ko ang tingin ay nakita ko ang gamot doon.

"G-Gelo?" I called, mesmerized.

"Take these, woman." Aniyang kunot ang noo, binuksan pa ang tableta para sa hilo at inilapit sa akin kaya dali-dali ko iyong kinuha at ininom. Nagbukas din siya ng bote ng tubig na ibinigay sa akin kaya namamangha pa akong ininom iyon.

As I was drinking, I keep on watching him. Seryoso lang siya at pinapanuod din ako sa pag-inom kaya halos mabulunan ako pagkatapos.

"Tss, careful." he scoffed when I began coughing a bit, inabot niya ang tissue at inilapit ang kamay sa bibig ko para punasan ang tubig habang ako'y di alam paano magre-react.

In a blink of an eye, the pain vanished inside me. Parang may humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan siyang pinupunasan ang gilid ng labi ko—seryoso man ay huling-huli ang pag-aalala sa mga kisap ng mata.

Mukhang napansin niya ang titig ko kaya napasulyap siya sa mga mata ko at nagkahulihan kami ng tingin. My heart pounded, I saw how his reddish lips slightly parted while looking at my face pero kaagad siyang nag-iwas ng tingin.

My heart fell when he moved his hand away from me and I thought he'd leave but he took the paper bag from the seat and opened it, making me gasp.

"That..."

"This is for me." He announced and opened the built-in table in front, inilabas niya ang Tupperware doon kaya umawang na ang labi ko.

"How did you know?" I asked, namamangha pa na inaayos niya ang kutsara't tinidor doon.

"You told me earlier before you leave," he answered seriously.

"You...heard it?" tanong ko at marahan lang siyang tumango at hinayaan akong nakaupo roon at namamangha habang pinagmamasdan siyang kinakain ang hinanda ko.

I am feeling emotional, gusto kong sumigaw sa tuwa at paghahalikan ang asawa ko habang kinakain niya ang handa kong pagkain pero ayaw ko siyang biglain. Pinanuod ko lang siya ng ilang minute at nanahimik, itinatatak sa utak ang nakikita ko ngayon.

"P-pasensya na kasi mabilisan ko lang niluto," I explained, wala mang siyang sinasabing kahit ano ay tumatalon pa rin ang puso ko sa 'di maipaliwanag na saya. "I know you like beef kaya ayan ang niluto ko."

"So, you really know me?" he stopped from eating and glanced at me, his serious cold eyes felt like it could see deep within me.

Hindi naman ako nakapagsalita kaagad, hindi alam ang sasabihin kaya suminghap at kinagat ang labi.

"So, you liked the foods?" I asked, iniiba ang topic at nakita ko ang pagpaling ng ulo niya at mayamaya'y umiling at inabot ang tissue.

"I gotta go, my girlfriend's waiting for me." He stood from the seat after closing the lid. "Thank you for the foods."

And I just stared at him sadly as he turned his back on me.

Please, be back to me, babe. Please, miss na miss na kita.

'Yon na ata ang pinakamahabang biyahe sa buong buhay ko at laking pasalamat nang maratin na namin ng tuluyan ang Pilipinas pagkatapos ng ilang oras sa eroplano.

I immediately attend to my husband when we reached the country, sumikip pa ang dibdib ko ng bahagya nang makitang nakasandal si Samantha sa kanyang balikat at natutulog.

"We're here," I called their attention at sumulyap lang sa akin si Gelo, walang reaksyon bago bumaling kay Sam na nasa tabi niya.

"We're home, hon." I heard him say.

Home...I thought I was your home. Nandito ako, oh. 'Di mo ba ako naaalala?

May hapdi man sa puso ay hindi ko iyon hinayaang maging dahilan para magalit at iwan si Angelo kay Samantha kaya inaantay kong magising ang babae at umayos ng upo.

"Thanks, Dean. I had a great sleep. Ang bango mo." She chuckled lowly and I frowned, remembering the perfume my husband is using is my gift for him in our wedding day.

I cleared my throat loudly, nagulantang naman doon si Samantha at mabilis na napatayo.

"Philie, nand'yan ka pala..." she even called my attention.

"Yes, I'm here." I smiled coldly at her.

"Uh, Dean..." she called my husband. "Tulungan na kita—"

"Excuse me, tabi. Ako na." I said coldly at mabilis na napaatras si Samantha roon para bigyan ako ng daan.

"I'm sorry..." she gasped.

"Philomena..." Angelo warned pero hindi ako umimik, nilapitan na ang asawa ko at kinuha ang braso niya. "I told you already—"

"I'm a doctor, Dean Angelo." I said seriously, "Tita Natalie asked me to take care of you and I will. I'd never risk your health so I will take care of you, okay?"

His jaw clenched, I know he's pissed again at me pero hindi ko na pinansin at inalalayan siya habang papalabas kami ng eroplano.

"Dean, uuna na ako." Sabay kaming natigilan nang tawagin ni Sam ang atensyon ng asawa ko.

"Come with us," he offered her but she smiled and shook her head, pointing at somewhere at nang sundan ko 'yon ng tingin ay nakita kong may nag-aantay sa kanya.

"No, may sundo ako. Didiretso kasi ko sa meeting." She smiled, avoiding my gaze. Naka-focus lang sa asawa ko.

"Hon—"

"Ayos lang talaga, Dean!" she glanced my way this time. "Philie, una na ako. Alagaan mo itong si Dean."

Hindi ako nagsalita, kinagat naman niya ang labi at saglit na lumapit sa asawa ko para magpaalam but as she was about to go, Angelo gently pulled her back and kissed her forehead, stopping me.

"Take care, hon. I love you. I'll see you tomorrow." He said sweetly.

"I-I love you too, Dean." She said and immediately turned her back, almost running to get away.

Fuck...

Gusto kong mapaupo sa lapag at umiyak nang umiyak pero tinatagan ko ang loob.

Sinalubong kami nina Tita Natalie pagkalabas namin sa arrival area pa lang. Amber waved and ran towards me to give me a quick hug before proceeding to her brother and ask about his condition.

"How's America, sister-in-law?" pilit akong ngumiti kay Blaze na inakbayan ako pagkakita at tumiim ang panga niya roon nang matanto ang ekspresyon ko.

"Hindi mo pa rin sinasabi?"

"H-he can't remember me, Blaze." Halos bulong na iyon, "e-even a bit, he couldn't."

"Fuck," he suddenly cursed. Nagtaka ako roon pero nakita kong napabaling siya sa akin mula sa kapatid niyang nakamasid sa amin at mas umakbay. "Don't tell me Samantha was fucking there?"

I nodded and when a tear fell, I heard his unstoppable curses, humahawak na sa braso ko at nagulat ako nang basta na lang niya akong hinila paalis.

"Blaze?" gulat kong sabi habang hinahawi ang luha ko.

"Sabi sa akin nina Phoebe na sabihin ko kung nandiyan ka na. It's better if you'll meet with them now." Aniya habang binubuksan ang sasakyan para papasukin ako.

"But your brother..." I trailed off.

"He'll be okay," aniya sa akin. "Kami na ang bahala, go and meet with them first. They were worried of you, sa bahay muna si Kuya ngayong gabi para makausap nina Mommy. Dadalhin namin siya bukas sa bahay niyo."

"T-thank you, Blaze." I uttered, inaabot ang panyo para punasan ang pisnging namamasa na naman sa mga luhang kanina ko pa itinatago.

"No worries, Philie. You're our family now. If we need to protect Kuya, we will protect you too, okay? We should really tell him about your relationship, this won't be good if he kept on remembering Samantha."

Laking pasalamat ko nang makitang muli ang mga kaibigan. I was crying hard as I was hugging Cairis and Phoebe who had an early off just so they could be with me.

"Sinasabi ko na nga ba't...'di talaga maganda ang pakiramdam ko no'ng nalaman kong naaalala ni Angelo si Samantha, eh!" Phoebe ranted. "And he said those words to you? Shit, I know he is sick and he can't remember you but that's too much, Philomena and you didn't even dare speaking up?!"

"H-he might got hurt." Bulong ko.

"Paano naman ikaw, ha?" humalukipkip na siya. "Kaya mong tiising gano'n si Angelo? Ilang linggo na 'yon! Halos buwan na nga, paano mo nakakayanan?"

"I-I don't know..." I lowered my head. "I-I just don't want my husband to get hurt."

"You should tell him, Philie." Cairis sipped on her drink and glanced at me. "He speaks like that because he's like that before, lalo na no'ng sila pa ni Sam. He became toxic to himself too. I know that would be risky pero paano naman ang relasyon niyo? Asawa mo 'yong tao, Philie. I think he deserves to know the truth."

"He freaking told her he'd never marry our friend, Cai!" busangot ni Phoebe. "That hurts, of course!"

"Angelo during those days are unreasonable, Philie. His family couldn't even control his temper, nag-lie low lang 'yan no'ng naghiwalay na sila noon. How about Samantha, then? Nakausap mo na ba?" Cai asked and I shook my head.

"Not yet...I don't know what to do, k-kailangan ako ng asawa ko pero m-masakit." Napatungo na ako at nasapo ang mukha at naramdaman ko ang mahigpit nilang yakap sa akin, dahilan para mas mahulog ang mga luha sa pisngi ko.

I was lucky to have them with me in times like this, their comfort made me feel at ease. Nag-inuman pa kami at sa dami siguro ng naiisip ay hindi ko na nalimitahan ang sarili.

"A-akin si Angelo, okay?!" sigaw ko at itinaas ang kamay.

"Philie..." Phoebe tried calming me down but I only chuckled.

"Phoebe, akin Gelo ko, 'di ba?" I asked in a small voice, nanlalabo na ang paningin.

"Oo, sa 'yong sa 'yo, Philie." She hummed, "pero h'wag kang sisigaw—"

"S-saan Gelo ko? Saan asawa ko?!" I groaned and I became dizzier, nakatulog ata ako o ano pero ang sunod ko nang naalala ay lumulutang ako sa ere.

Wait...multo na ba ako?

Mabilis akong nagmulat ng mata at namilog lang sa laki nang makitang may nagbubuhat sa akin.

"G-Gelo? Bakit ka..." my voice trembled.

"Tss..." he scoffed, "Mom said you'll be here to take care of me and now I'm doing it instead. My personal doctor my ass."

"W-what..." suminghap ako at sinubukang gumalaw pero pinirmi niya lang ako.

"Don't wiggle too much," he hissed, stopping me.

"Gelo..."

"Shut up, you're too loud." He uttered at kahit nanlalabo ang paningin ay sinubukan ko siyang titigan.

He was serious as he carried me, ang makapal na kilay ay halos salubong na. Pansin ko kaagad ang pamilyar na daan at alam ko kaagad na ito ang bahay na pinagawa naming dalawa noong bago kami ikasal.

"Open the door," he said and I reached for it. Pagkapasok pa lang namin ay kaagad niya akong ibinaba sa kama pero ang kamay ko'y nanatiling nakakapit sa kanyang batok.

"Philomena...let go."

"I...won't." I said gently and smiled at his serious gaze, "h-hinding-hindi kita bibitawan, Gelo ko."

"You're fucking drunk, woman." Aniya at inabot ang braso ko sa batok niya, "you're supposed to be my personal doctor and now—"

"Gelo, love na love kita." I said and even in my drunk state, I noticed his eyes dilating, natigilan siya at napatitig sa akin. Ang kanyang kamay ay nasa gilid ko, our faces are inches apart. "Babe..."

Natigilan siya, "what did you call me?"

"B-babe..." I whispered again, "I-I missed you so much..."

"Babe..." he said those words like before and it made my stomach churned, "why are you calling me babe?"

"B-because...you're m-my babe." My voice trembled. "I-I'm Philie, remember? Your little piglet?" I asked desperately, "oink-oink, naalala mo?"

Mas naguluhan siya, kahit anong higpit ng yakap ko sa batok niya ay nakawala siya sa akin at lumayo. Mabilis siyang naupo sa gilid ng kama at mariing pumikit. Sa kabila man ng hilo ay bumalikwas din ako ng upo para lumapit at abutin siya.

"A-Angelo..." I called, "h-hindi mo ba talaga ako naaalala—"

"Don't touch me. Stop lying! Ilang beses ko bang ipapamukha sa 'yo? I'd never like you." He retorted and stood, bago ko pa man siya maabot ay galit siyang lumabas, halos mapatalon pa ako sa malakas niyang pagsara ng pinto.

My lips trembled, hindi ko na kinaya at mabilis akong naghilamos sa banyo para kausapin na ang asawa ko habang may lakas pa ng loob. Mabilis akong lumabas ng kwarto, medyo nahimasmasan sa nainom at narinig ko ang boses niya sa may kusina kaya naglakad ako palapit para tawagin ang atensyon niya.

"Gelo..." but my voice vanished when I saw him talking to someone on the landline.

"Sam, where are you? I missed you, hon. I wanna see you." He said, his voice's gentle and longing, completely breaking me this time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co