Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 17

heartlessnostalgia

Kabanata 17

"Sign it," he said in a low, nonchalant voice. "I want a divorce."

Durog na ako pero hindi ko alam na may mas ikadudurog pa ang puso ko nang marinig iyon mula sa asawa. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko sa pisngi habang umiiling, hindi makapaniwalang nakikita ko ang pirma niya sa ibabang parte ng dokumento.

"No...Gelo, please." I begged, almost a whisper.

"Sign it." He said harshly but I shook my head harder this time.

"N-no. Why?" My voice trembled, "Angelo, I-I'm your wife—"

"Wife, huh?" Narinig ko ang pait sa kanyang boses. "After you cheated on me?"

Nagitla ako sa narinig, kaagad na umawang ang labi ko at napailing-iling.

"W-what? What are you saying?" I asked, "I don't...I never cheated on you!"

I noticed how his eyes darkened even in his drunk state. Malamlam ang kanyang antok na mga mata pero kitang-kita ko ang diin at galit doon.

I remained staring at him, lumuluha at nagugulat sa naririnig.

"You cheated on me, right? And I only married you because of my family." Matabang niyang sagot kaya umiling akong lalo at sinubukan siyang hawakan pero lumayo siya.

"T-that wasn't true, okay? Who told you that?" I asked, "Gelo...please, listen to me..."

Napatitig siya sa akin pero dagli ring nag-iwas ng tingin, "just sign it and let's end this shit. I don't want to play bullshits with you—"

"I would never cheat on you, Dean Angelo!" Despite the tears hovering my sight, I managed to say that in a tough voice.

"Stop lying!" his voice roared.

"I am not lying!" I exclaimed frustratedly, "h-how could I do that to you—"

"Sign the damn papers, Philomena!"

"I won't!" I've never heard my voice with this much conviction before. "I would not sign these papers, Dean Angelo!"

Tinapon ko sa kanya ang envelope pero kaagad niyang kinuha at ibinalik sa akin, halos magusot na iyon. Nakaigting ang panga at malamig ang antok na mga mata.

"I said sign these..." I saw him even took a pen on the side table to let me sign it pero mabilis akong lumayo at umiling.

"No—"

"Philomena!" His voice roared angrily, "why don't you just sign these and end this all for once! Tutal naman ay masaya ka sa lalaki mo! You even had fucking dinner with him!"

"Jonathan is my colleague, okay?" I explained, halos mahila na ang buhok para maintindihan niya ako. "I helped him in a presentation for the board!"

"Stop lying—"

"Ikaw lang ang mahal ko, Dean Angelo!" halos 'di ko na nakilala ang boses nang sabihin iyon at mas umigting ang kanyang panga, mas umiling sa akin.

"You're lying. Sam said—"

"Sam? Sam again?! And you believed her?!" I squinted my eyes closed, marahas na hinahawi ang mga luha. "He's your ex, Angelo! How sure are you she's telling the truth?!"

"I believed her—"

"W-what about me, then?! I am your wife, Gelo! Why can't you try and believe me?!" humihikbi kong sabi, nanginginig ang boses at pagod siyang tinitigan. "A-asawa mo ako, eh...bakit...b-bakit ako ayaw mong p-paniwalaan?"

"Because you fucking cheated—"

"How many times do I have to tell you I'd never do that to you! Sobrang mahal kita para magawa pa 'yon!" halos isigaw ko na 'yon sa kanya. "M-mahal kita, Gelo...m-mahal kita..."

Hindi siya nakapagsalita roon, I caught him staring at me, his eyes turned a bit softer than it was earlier kaya kumuha ako ng lakas at sa kabila ng nanginginig na kamay ay inabot ko ang kanyang pisngi.

"Please...please give me a chance to let you know me better. Please give me a chance to prove myself and my love for you." Mahinang sabi ko, punong-puno ng pagsusumamo.

His drunk and exhausted eyes remained staring at me kaya mas hinaplos ko ang kanyang pisngi ng puno ng pagsuyo, ang mga luha'y hinayaang mahulog sa pisngi.

"Listen to me. G-get to know me, Gelo, please? Babe...give me a chance to fulfill my vows to you." I whispered and I saw how his eyes turned a bit teary, kumislap iyon pero mabilis niyang ibinaba ang tingin.

"But you cheated..." his voice's now low and exhausted, mas nababakas na ang antok at kalasingan. "She said you cheated on me...that I married you for our parent's sake."

"You won't stay with me for three years if I really did that, don't you?" Kahit nanghihina ay pinanatili kong malambing ang boses. "Hindi ka tanga, Gelo...para mag-stay kung niloko kita."

Hindi siya umimik, I saw how his breathing labored. I caught how he closed his eyes, as if lost in something else kaya unti-unti'y inilapit ko siya sa balikat ko.

I thought he'd push me away or be angry at me, perhaps, but he didn't do it. Instead, he let me pull him closer towards me, resting his forehead on my shoulders.

"Give me a chance...give me time to prove to you my love." I whispered. "Gelo, please...sana kilalanin mo ako."

He remained silent and what I heard next shattered me but I remained strong for myself, for him...for our marriage.

"Then, what about the divorce?" halos bulong na iyon, tila pagod na.

"I promise..." mahina ang boses na sabi ko at hinaplos ang batok niya kahit nanghihina na, "the moment I proved this won't work anymore...or you really can't bear to be with me or our marriage anymore...I'd sign these. I swear."

Slowly, I hugged him back. He didn't give it back to me but the fact that he let me do it to him is enough, it's improvement. As if he's slowly letting me in.

We stayed like that for a few moments, yakap-yakap ko ang kanyang katawan habang siya'y nakasubsob sa balikat ko, walang salitang namumutawi sa mga labi pero ramdam ko ang pagiging komportable ko sa kanya.

Suddenly, I felt his head getting heavier and heavier every passing second kaya marahan ko siyang tinawag pero hindi siya nagsalita.

Gently, I pushed him away from me. Inalalayan ko ang kanyang ulo pahiga sa unan at napaluha na lang muli nang makitang nakatulugan niya ang pagsubsob sa balikat ko.

"Mahal na mahal kita, Gelo." I whispered and caressed his hair. "This marriage...ipaglalaban ko 'to k-kahit maubos ako."

I watched him sleep peacefully that night, remembering how we used to sleep and cuddle before. Pinunasan ko siya, para kahit papaano'y mawala ang kalasingana at pagkatapos ay pinanuod ang malalim niyang pagtulog sa tabi ko.

"I missed you, babe." I whispered upon caressing his cheek.

I stared at his face, to his thick brows, long eyelashes and reddish lips—memorizing it again and again.

I found myself crying again and to ease my longing, I moved closer and moved his head up so he could rest on my arms and cuddle. Gumalaw siya, akala ko'y magigising pero tumagilid lang siya ng higa at umikot ang kamay sa baywang ko.

Parang may humaplos sa puso ko at natawa sa nangyari pero sa kabila no'n ay namasa ang pisngi sa mga luhang nahulog.

"Y-you missed me too, hmm?" I asked and he only groaned, mas humigpit ang yakap niya sa aking baywang at unti-unting nagsumiksik sa leeg ko, tila ayaw akong pakawalan.

"I'll wait for you, Gelo ko. Dito lang ako palagi sa tabi mo." Bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya, "this...I vow to you."

Iyon ata ang unang beses kong nakatulog ng mahimbing sa mahabang panahon. That night, I slept well. I slept at peace, malalim pa nga ata ang panaginip ko noong gabi.

I woke up smelling a familiar scent. Iginalaw ko ang katawan at nang maramdaman ang init ay mas naging komportable.

I slightly opened my eyes and saw my husband staring, making me smile.

"Morning, babe." I said and closed my eyes again, mas nagsumiksik pa sa kanyang leeg at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. "Did you sleep well?" I whispered but I heard no answer.

Doon na nawala ang ngiti ko, bigla akong natigilan at tila binuhusan ng tubig, gulat na napalayo sa kanya at nanlalaki ang matang napatitig kay Angelo na walang sinasabi at reaksyon habang nakatingin sa akin.

"G-Gelo..." I blinked, "sorry—"

"You're heavy," he said blankly and sat on the bed quietly.

Napaupo rin ako nang mabilisan, namimilog pa ang mata nang matanto ang nagawa kong walang-hiyang pagyakap sa kanya.

"Sorry..." I bit my lower lip and he didn't answer me, pinagmasdan ko siyang tumayo sa kama, saglit akong binalingan.

"I'll jog first," aniya, hindi naman ako nakasagot doon pero nanatili siyang nakatingin kaya napasinghap ako at tumango-tango, kinakagat ang labi.

"S-sure!" halos malakas na sabi ko sa manghang nagpapaalam siya ngayon, hindi kagaya nitong nakaraan na wala na siya palagi sa bahay pagkagising ko.

Doon na siya nag-iwas ng tingin, I saw how he licked his lower lip, brushing his disheveled hair and walked towards the door pero sa sobrang saya ko ay nagsalita pa akong muli.

"I-I'll cook breakfast!" masayang sabi ko at nakita ko kung paano siya tumigil sa paglalakad. "Uwi ka pagkatapos, ah? Antayin kita kumain! Promise, sasarapan ko!"

He didn't answer me and left after that pero alam kong pinakinggan niya iyon dahil sa pagtigil niya, sapat na para muli akong mabuhayan.

I was smiling while fixing the bed pero nawala nang makita ko ang pamilyar na envelope sa gilid ng kama.

Slowly, I took it. Masakit man sa pakiramdam at sadista man kung iisipin ay binuksan ko iyon.

I read it and pain struck my chest upon seeing his signature below.

"I won't make this happen," halos pabulong ko nang sinabi at ibinalik ang mga papel sa loob.

I'll make sure to get my husband back, I won't give him away because I know...kapag bumalik ang ala-ala niya'y hahanapin niya ako and I wouldn't leave.

I'll make sure to be true to his vows to him and that is to love him, for better or for worse.

It was my first time after months smiling while cooking for us, noong una kasi'y nagluluto ako pero hindi naman siya kumakain kaya nitong nakaraan ay 'di na ako masyadong nagluluto, minsa'y hindi na rin ako kumakain ng agahan dahil ang lungkot-lungkot kumain mag-isa.

The house...for the first time felt so homey. Mamaya pa ang pasok kong tanghali kaya malaki ang ngiti ko habang nagtatanggal ng apron.

"Good morning, Gelo!" halos isigaw ko na 'yon nang makita ang pagpasok ng asawa ko sa bahay.

He's wearing a plain white shirt and sweat pants, magulo ang buhok at ang malamig na mata'y bumaling sa akin kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"How's jog?" I asked in a happy tone, even hop towards him and he tilted his head, pulling his earpods out of his right ear.

"What?" he asked me coldly.

"Lamig naman..." I smiled sheepishly and I caught him staring intently to my face. "I mean, how's jog? Okay naman? The weather's great! Saan ka banda nag-jog?"

Nanatili siyang nakatitig, I swear I saw something on his eyes while staring at me pero biglang kumunot ang noo niya at nag-iwas ng tingin.

"I'm gonna take a bath," he said after clearing his throat, trying to walk away pero bago pa niya iyon magawa ay dali-dali kong inabot ang braso niya.

"You should eat breakfast first!" I stopped him and he glanced my way, his reddish lips slightly parting.

"I'm sweaty, Philomena." He said pero umiling lang ako at mas lumapit sa kanya, pasimple pang umaamoy at pinakitaan siya ng thumbs-up.

"Nah, mabango pa rin naman ang Gelo ko." I said, "you don't have to take a bath, mamaya na pagkatapos ng pagkain."

"No..." halos pabulong na iyon kakatitig niya sa mukha ko.

"Come on..." halos lumiit na ang boses ko, "hindi natin p'wedeng hayaang lumamig ang agahan. Special pa naman 'yon! Niluto ko 'yan nang punong-puno ng love! Swerte mo at nilutuan kita! Boys would cry just to taste the foods cooked by me. Ang Reyna—"

"...ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro," he smirked and glanced at my chest. "I know, woman. But I couldn't see anything."

Namangha pa ako sa pagtaas ng sulok ng labi niya, I saw how the amusement played on his jet black eyes, making my heart thump.

"Akala mo lang wala pero mayro'n! Mayro'n!" I said with conviction and chuckled, gently lowering my hand on his palm ang gripped it, nakita ko ang pagbaba ng tingin niya roon pero wala namang sinabi kaya hinila ko na. "Kaya tara na, para hindi maglaho ang sarap sa magic sarap."

"The fuck?" he cursed at napatawa na ako at hinila siyang lalo.

Wala siyang naging reklamo kaya para lumulutang ako sa ere sa tuwa, I pulled him towards the stool, smiling widely upon looking at his confused look, tila hindi alam ang gagawin.

Napansin kong pawis nga siya kaya hinawakan ko ang likod niya para damhin.

"Philomena—"

"Stay put ka lang diyan, let me do the magic!" I said with a smile and quickly took a small towel, mabilis ko siyang nilapitan at nakita ko ang pagtalon niya nang basta ko na lang iangat ang kanyang shirt.

"Philie, what are you doing?" nilingon ako ng malamig niyang mata, pilit umiiwas pero hinawakan ko ang braso niya at pinirmi siya sa upuan.

"Upo ka lang, punusan ko likod mo kasi basa ka ng pawis. Ayaw ko namang magkasakit ang asawa ko." Lambing ko at nakita ko kung paano siya matulos sa kinauupuan pero hindi na nagreklamo, sa halip ay tumikhim lang at nakita ko ang pagsuklay niya bahagya ng buhok.

I dried his sweat, pinunasan ko rin ang batok niya at tahimik lang siya roon, hinahayaan ako sa ginagawa kaya napangiti ako.

"Harap ka nga, Gelo." I said and he slowly glanced my way. Unti-unti, pinunasan ko ang noo niya. Magkalapit na magkalapit kami kaya damang-dama ko ang init na hatid niya.

I can feel his intense stares at me, bahagya akong humawak sa shirt niya, ibinaba ang bimpo sa leeg niya para punasan 'yon at nakita ko kung paano tumaas-baba ang adam's apple niya.

I lifted my chin up and caught his eyes and I am lying if I tell myself I did not feel the tension. His black orbs stared at me like he's looking deep within and I swallowed.

Ang mga mata niya'y unti-unting bumaba sa labi ko, dahilan para mas humigpit ang hawak ko sa shirt niya. He tilted his head, mas lumalim ang paghugot ko ng hininga, lalo na no'ng bahagyang bumaba ang kanyang mukha.

I found myself closing my eyes, waiting for my kisses but then I felt a flick on my lips.

"Sunog na ang bacons mo, Reyna ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro." He whispered against my lips kaya nanlaki ang mata ko at dali-daling lumayo, halos madapa pa kakatakbo papunta sa nilulutong bacons.

"Santisima!" I screamed when I saw it's now color black, nagkukumahog akong kumuha ng tongs para iahon ang naghihingalo kong bacons pero tumama ang kamay ko sa kawali.

"Ouch!" I gasped and frowned but still trying to take it out pero sa gulat ko ay may umagaw sa akin ng tongs at nagpatay ng kalan.

Nanlalaki ang matang sumulyap ako sa likod at nakita ang kunot na noo ni Angelo.

"Gelo?" I called but he didn't say anything, hinuli niya ang kamay kong dumikit sa mainit na kawali at napasinghap lang ako sa gulat nang hilahin niya ako patungo sa faucet at binuksan iyon binasa ang kamay ko ng tubig.

"You're careless!" pagalit niya habang binabasa ang kamay ko. I flinched when it hurt a bit.

Kinuha niya rin iyon pagkatapos, nakita ko ang mabilis niyang pag-galaw at pagbalot ng kamay ko sa bimpo at hila sa akin pabalik sa hapag.

Kunot na kunot pa ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang kamay ko kaya ngumuso na ako.

"Salamat, Gelo." I thanked him kaya bumalik siya sa akin at sumimangot.

"Ano? Sakit?" he asked, halos tunog sermon kaya tumango ako at umigting ang panga niya, kinuha ang kamay ko sa bimpo para tignan ang paso at kumalabog ang puso ko habang dinadama ang palad niyang nakahawak sa akin.

"Hala, magic..." I uttered and his confused eyes glanced at me, "no'ng hinawakan mo biglang gumaling!" namamangha kong sabi bago cute na ngumiti sa kanya at doon na siya napailing at nakabusangot na binitawan ang kamay ko.

"Damn, girl." He whispered, his cheeks blushed a bit, earning a giggle from me.

"Got you, Mr. Yelo!" Tawa ko at sumimangot lang siya sa akin at pinitik ang noo ko bago naiiling, mahina pang natawa.

"You're silly, hindi ba masakit?" aniya, muling hinuli ang kamay ko para tignan pero ngumuso lang ako at nagkibit-balikat.

"Kanina pero pinagaling ng pagmamahal mo..." I even winked and he just stared at me, tila pagod na makipag-asaran kaya natatawang kumapit ako sa kanya at pinaupo siyang muli sa stool.

"Dean Angelo niyo...pagod na." Asar ko pa at nang samaan niya ako ng tingin ay mas lumakas pa ang tawa ko, kinuha ang kutsara at pinahawak na sa kanya. "I'm fine, Gelo ko. Hindi naman first time na masaktan ako."

Natahimik siya, gano'n din ako kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"I mean..."

"I'm sorry..." what he said stunned me, tumitig siya sa akin kaya damang-dama ko ang malakas na kalabog ng puso habang nakatingin sa kanya. "I let my emotions get ahead of me, I'm sorry for being grumpy and rude to you, Philomena."

Namilog ang mata ko at umawang ang labi at tumikhim siya, kasabay ang pag-iiwas ng tingin na tila nahihiya.

"Where's the food? I'm hungry." Aniyang malamig na naman kaya napangiti ako, halos sumayaw na sa tuwa at inabot ang ulam, nakangiting pinaghahainan siya.

"Masarap ba 'to?" he asked and glanced at my special piniyahang manok, taking the glass of fresh orange juice and sipped on it.

"Naman!" I said proudly, "Philomena meal 'yan. Makakalimutan mo sarili mo sa sobrang sarap. Sa unang kagat, do I know you agad!"

He choked on his drink at mas lumakas ang tawa ko habang hinahaplos ang likod ng asawa ko.

Ako lang ang madalas na nagsasalita habang kumakain kami pero sapat na sa akin ang makitang nakikinig siya para maging masaya ako. He may not speak that much but like before, I know he's listening, I know him too well that I can read the expressions on his eyes while listening to my not-so-interesting stories.

When we finished eating, ako na ang nagpresintang maglinis ng pinggan. Tumalikod na siya para umalis at maligo pero humabol pa ako at humawak sa braso niya.

"Gelo!" I called and he glanced my way, waiting for me to speak kaya ngumiti muna ako bago nagsalita. "I believe we have the same schedule today, right? Sabay tayo pumasok, please? Ayaw ko kasi mag-commute ngayon?"

Wala siyang sagot, nanatili siyang nakatitig sa akin at mayamaya'y kumunot na ang noo.

"Do I know you?" he asked, startling me.

"Huh?" naguguluhan kong tanong, nakatitig lang sa kanya. "I'm...Philie? Bakit mo tinatanong—"

I suddenly stopped upon realizing something. Nakita ko ang unti-unting pag-angat ng sulok ng kanyang labi para sa tagong ngiti, dahilan para lumabas ang maliit niyang dimple.

"Ikaw..." I gasped and he chuckled lowly, lowering his head to see my face and licked his lower lip.

"Got 'ya..." he said and tapped the tip of my nose playfully, amused, before turning his back at me.

"Dean Angelo!" I screamed while watching him going up our stairs. "Kainis ka! Gwapo mo, syet! I love you, pa-kiss!" sigaw ko pero tanging thumbs-up lang ang pinakita niya, ni hindi ako nilingon bago namulsa at nawala sa paningin ko.

S'yempre, whenever I am happy. My mouth is unstopabble na kahit sumabog na ang tainga ng asawa ko'y sige pa rin ako sa kakadaldal.

"You're loud, woman." Reklamo ni Angelo habang nagmamaneho. "My fucking ears are bleeding."

Napabughalit ako ng tawa, umayos ako ng upo at hinawi-hawi ang buhok ko, popormal sana pero may naisip na namang sabihin.

"Kaya nga bagay tayong dalawa, Gelo..." I said, "tahimik ka tapos maingay ako. Listener ka tapos speaker ako—"

"What is this, huh? A fucking radio?" tanong niyang naka-poker face kaya napatakip ako sa bibig ko para mas hindi matawa.

"Hindi! Ang ibig kong sabihin, bagay na bagay tayo kasi kaya kong i-convert ang pagka-Mr. Yelo mo sa pagiging maingay. I will melt you with Philie's warmth, Gelo."

Tumaas lang ang kilay niya roon at hindi nagsalita kaya umentrada na naman ako.

"So, what do you think of my offer, then?" I asked, "since you don't remember me...let me introduce myself again, okay? I'm Philomena Dianne Suarez-Samaniego. I am a registered Nurse and I studied well to became a doctor, a pediatrician. Mahilig kasi ako sa mga bata, Gelo, tapos ikaw din, 'di ba?"

He glanced at me sideways and spoke, "how do you know that?"

"Of course, I'm your wife!" I explained, "sabi mo noon sa akin, you became an OB because you always wanted to listen to babies' heartbeats! You find it fascinating kaya parehas na parehas talaga tayo! Meant to be tayo kasi parehas tayo ng gusto."

"Uh-huh, I'm still wondering why did you became my wife. I hate loud women, Philomena." Aniya at iginalaw ang daliri niya ng bahagya sa manibela, bumabaling na sa akin dahil medyo traffic.

"Philie lang kasi malakas," I flipped my hair playfully. "I melted you with my charms! Patay na patay ka kaya sa akin, Gelo. Simula doon pa lang sa convention na sinasabi ko sa 'yo abroad hanggang sa nabigyan ako ng chance na magtrabaho sa ospital niyo hulog na hulog ka. Crush na crush mo kaya ako."

He eyed me, hindi ko alam kung ano ang iniisip pero kita ang amusement sa mga mata niya.

"Really, huh?" he asked, resting his head on his seat while lazily placing his palm on the steering wheel, watching me.

"Yes!" I said confidently, "Like I told you before, reyna nga ako sa San Isidro. Cute ako no'ng bata pero sabi ni Nanay past is past pero you know? Naniniwala pa rin ako talagang sobrang ganda ko!"

"Sino bang nagsabing hindi?" nanigas ako bigla nang marinig iyon.

My heart pounded harshly that I almost felt it went out of my ribcage.

Umawang ang labi ko para magsalita pero mabilis siyang umiwas ng tingin, bumaling sa daan habang kunot ang noo at seryoso.

"Fucking traffic." He whispered, annoyed.

Wala na atang mas ikagaganda ang mood ko pagkarating naming dalawa sa ospital. Masayang binati ko ang mga staff na mukhang gulat din na magkasama kaming dalawa ng asawa ko ngayon na paniguradong madalang na lang nilang nakikita.

My husband's serious beside me, tahimik pero unang sulyap mo pa lang ay mapapatagal ang tingin mo sa kanya.

He's wearing a simple dark gray dress shirt tucked on his trousers, the first three buttons of it are open. Nakataas ang sleeves nito sa kanyang siko at ang kulay itim na relo ay nasa kanyang pulsuhan habang nakapamulsa siya at hindi umiimik.

Malinis ang ayos ng kanyang buhok, nakapirmi ang pulang labi at diretso ang tingin ng malamig at walang emosyong mga mata kaya kapag 'di mo talaga siya kilala'y nakakahiyang lumapit dahil baka sungitan ka lang.

"Good morning, Dra.! Maganda ang mood, ah?" bati sa akin ng kaibigang lalaking Nurse mula sa department ni Phoeve.

"Good morning! Maganda talagang sisimulan ang umaga ng maganda ang mood para buong araw!" kindat ko pa sa kanya kaya natawa na siya at napansin ko ang pagbaling sa akin ng asawa ko at sa kausap, kunot na ang noo at nakatiim-bagang.

I glanced at him with a smile but he just looked away, walang-imik na inunahan ako sa paglalakad kaya nagulat ako at mabilis na kumaway sa kausap para magpaalam at makasunod kay Gelo.

"Babe! Wait!" I said, inabot ang kanyang braso para kumapit. "Ikaw naman, 'di moa ko inaantay. Akala ko ba sabay tayo?"

"You seemed to be having fun," malamig niyang sabi. "Why don't you just laugh with that boy—"

"Seloso..." bulong ko at doon siya mas sumimangot.

"I'm not. I'm not that petty to be fucking jealous." Iritado niyang sabi pero mas natuwa lang ako at kumapit pang lalo sa kanya, wala nang pakialam kung sobrang lapit ko na.

"Weh?"

"I said I'm fucking not." He frowned more and I looked at him with a grin, "sabing hindi nga—"

"Oo na...oo na, hindi." Natawa na ako at umiling. "Pero ano nga? 'Yong topic natin kanina sa byahe? What do you think of restarting? Manliligaw ako sa 'yo."

"That's what boys do, Philomena. You're acting like a man now." Aniya na nakasimangot pa rin, kasabay ko sa paglalakad.

"What? What boys do could also be done by us, girls, don't you think?" tanong ko, "kaya sige na, try mo lang. I-girlfriend mo na ako agad tapos kapag gusto mo, i-level-up na natin sa asawa."

"You're hopeless..." he shook his head.

"Oo nga! Hindi ka magsisisi sa kagandahang ito, Angelo!" I said cheerfully, "look at me, babe." Humiwalay na ako sa kanya kaya napabaling siya sa akin.

"What?"

"Do you know what I am made?" I asked and his forehead creased more, "this is made of girlfriend material." Turo ko sa sarili, pagkatapos ay binigyan siya ng pamatay na kindat kaya napapikit siya ng mariin, namumula ang tainga at nasapo ang noo.

"Okay, I'm done here." Aniya bago tumalikod at doon na ako napatawa, muli siyang hinabol at kumapit.

"How about lunch, Gelo? Sabay tayo?" I asked pero 'di siya sumagot, may binuksan at kinuha ang braso mula sa akin, marahang tinulak ako papasok at doon ko lang natantong opisina ko na pala 'yon.

"Ang bilis naman?" nguso ko at sumulyap sa asawa na sumusulyap sa loob ng opisina ko. "Pasok ka, Gelo? Ngayon mo lang ata nakita ang office ko, 'di ba?"

"No thanks," he glanced at his watch, "I have to go. I have patients to attend."

"Ah, gano'n ba?" marahang hinawi ko ang buhok at malambing na ngumiti na naman sa kanya. "Pero babe, lunch? Come on, sabay tayo?"

"I'm busy—"

"Please? Pretty please?" I gave him a cute smile with my puppy eyes, ipinagdikit ko pa ang palad at tumitig sa kanya. "I wanna have lunch with you, Gelo. Please? For your pretty Philie?"

"No..." tanggi niya pero mas ngumuso ako, pinalungkot pa ang mata.

"Philie, no..." kumurap-kurap ako at kunwaring naluluha na at nang bumuntonghininga na siya ay lumaki ang ngiti ko. "Alright..."

"Yehey!" I chirped, parang hindi nagda-dramang pumalakpak pa sa tuwa, niyakap ang batok niya sabay halik sa pisngi. "I love you, pogi! Sabi na't 'di mo talaga matitiis ang alindog ko, eh!

The side of his lips rose, pumirmi ang kanyang kamay sa baywang ko bago ako marahang inilalayo sa kanya.

"My ears are bleeding, I need a check-up." He sighed and shook his head when I began laughing. "I gotta go, woman. Stay quiet here. Baka sumabog ang ospital sa bibig mo."

"Kiss muna?" I even teased and closed my eyes, waiting for him to kiss me on the cheek, at least, but moments had passed but nothing came kaya unti-unting nagmulat ako ng mata at nawala ang ngiti nang matantong salaming pintuan na ng opisina ko ang halos nakadikit na sa mukha ko.

It was a small thing but a big improvement for me, comparing to how we interact these past few weeks. He never smiles at me, he never eats with me before but now...after our talk last night, kahit nagkasakitan ay nalinaw sa akin ang nangyari.

He acted that way because of what Sam had told her and I wanted to see that woman right now and confront her for ruining my reputation to my husband.

Why would she do that? Isn't she a girl like me? Bakit niya iyon gagawin sa amin ni Angelo?

I got pretty occupied with my cases and playing with the kids that when thirty-minutes before lunch came and I decided to take a nap, it accidently turned to an hour kaya halos sumigaw na ako pagkakita sa oras at nagmamadali.

"Hala, pasensya na, Dra., akala ko po kasi nagpapahinga ka kaya 'di na kita ginising. Dumaan din po si Nurse Phoebe pero tulog ka kaya sabi niya mauuna na raw po siya sa lunch." Ani ng secretary ko at hindi naman ako galit dahil kasalanan ko naman kaya sinabi kong okay lang.

"Ang asawa ko, napadaan ba siya?" I asked, panicking, brushing my mangkukulam look hair.

"Kanina po, Dra., noong nakikipaglaro ka sa mga bata sa playroom. Sumilip lang, walang sinabi pero sinabi ko nasa playroom ka tapos umalis na."

"Eh, ngayong lunch?" I asked, hinuhubad ang doctor's coat na suot at basta na lang inihagis sa upuan ko.

"Ay, hindi po, Dra." Aniya at halos lumipad na ako patungong cafeteria.

My heart's beating rapidly while looking around, trying to look for my husband. Dire-diretso ang lakad ko para makita siya pero ilang ikot ko ng mata sa harap at 'di ko pa rin siya nakita ay humugot na ako ng malalim na hininga.

"Ano ba 'yan, Philomena..." I sighed audibly and touched my hair frustratedly, sighing in disappointment for myself. "Bobo ka, sarap na sarap sa tulog?"

Bumagsak ang balikat ko, napapatungong paatras na sa pwesto para puntahan siya sa opisina.

"You done talking to yourself?" that voice made me still, biglang umikot ang tingin ko sa upuan sa tabi ko at namilog ang mata nang makita ang asawa kong nakaupo roon at nakataas ang kilay sa akin.

"You're late, Philomena. My butt's getting numb now. Come here and sit, our food's getting cold." Aniya habang nakikipagtitigan, ang dalawang tray ng pagkain ay nasa lamesa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co