Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 21

heartlessnostalgia

Kabanata 21

"Vows," I chuckled painfully. "T-turns out those vows were mere empty words, A-Angelo. Those vows, no matter how much we tried saving will only end up being broken. I'm sorry, p-please, don't call me again." Bulong ko at pinatay ang tawag.

I sounded so tough when I said those words but I wasn't...I never was.

When I dropped the call, I ended up crying hard. Kahit anong pilit kong maging tahimik, nahihiya dahil nasa isa akong pampublikong sasakyan ay 'di ko pa rin napigilan.

I covered my mouth, sobbing. Nakita ko ang muling pag-ilaw ng phone ko dahil sa mga tawag ng asawa pero dali-dali ko 'yong pinatay kahit nanginginig pa ang mga kamay.

I closed my eyes tightly and felt the pain creeping inside my chest, wanting so much to consume all of me.

I was just really thankful when the people around did not question or scold me for crying like a weirdo. Sumisinghot pa ako nang kumalma, natigilan lang nang tumikhim ang katabi ko.

"Miss, ayos ka lang?" she asked and I glanced her way and saw her giving me a piece of tissue.

"T-thank you..." I uttered and accepted it. Nahihiya pa akong nagpunas ng sipon at nakita siyang pasimpleng umiikot ang tingin sa paligid at inaayos ang kanyang buhok.

"Saan banda, Miss?" she suddenly asked kaya naudlot ang pangmalakasan kong pagsinga sana.

"'Yong?" I asked and she lowered her head and whispered.

"Asus, si Miss. Sabihin mo na saan banda para maka-emote ako." Aniya kaya unti-unting nalukot ang noo ko.

"Saang ano, Miss?" I asked, muling umaambang sisinga pero muli siyang bumaling kaya natigilan na naman ako.

"'Yong camera?" she asked kaya parang nagkaroon ng question mark ang ulo ko.

"Camera? For what?" I asked at nagulat ako nang pasimple niya ako siniko at ngumiti.

"Si Miss naman, okay na. H'wag ka na iiyak, kunwari 'di ko alam ang ganap today."

"Huh?" I asked, confused. "Sorry, Miss, but I really don't know-"

"Soap opera ba? Teleserye? Anong channel?" she asked, tuloy-tuloy pa kaya namilog na ang mata ko.

"What?" napakurap ako, "hindi 'yon kagaya sa iniisip mo-"

"Camera 'yong doon sa unahan, ano?" she pointed a CCTV camera at to my shock, she waved there with a smile. "Ano title, Miss? Baka may exposure ako at maging artista bigla."

"What?" hindi ko alam kung bakit pero doon na ako natawa. Napalakas ata ang tawa ko, parang nahigop pabalik ang luha ko habang humahalakhak.

Nakita ko kung paano kami balingan ng mga tao, paniguradong mukha na akong baliw dahil kakahagulgol ko lang ay ngayon nama'y tumatawa ako.

I saw the lady staring at me like I'm some kind of freak, confused.

"Bakit ka naman natatawa, Miss? Ano ba role mo rito? Baliw?" she even asked me innocently kaya napatakip na ako sa bibig ko at mas natawa.

"I-I'm sorry..." naputol pa ang boses ko, "I'm sorry...I'm just..."

"Off cam na, ano?" she whispered again. "Sino manager mo, Miss? Baka naman p'wede mo 'ko ma-refer? Talented ako, kahit dancer na lang ni Kuya Will."

Para na ata akong tanga, mukha namang nako-confuse lang 'yong babae kaya dali-dali akong umiwas, tuluyan nang suminga at pagkatapos ay tinuyo ang luha ko.

"Tubig?" she asked and I smiled and nodded, taking it.

"Salamat, Miss." I said and she stared at me intently and looked around again.

"So, nasaan ang camera, Miss? Anong channel 'tong shooting niyo? Teleserye o soap opera?" she asked, making me chuckle.

"Mali, hindi..." iling ko at natatawa na naman kaya tumikhim na. "Sorry, Miss, pero..."

How would I tell this?

Nakita ko ang liwanag sa mata niya kaya ngumuso ako at muling uminom ng tubig.

"Hindi 'to teleserye or soap." I explained, nahihiya na naman dahil mukhang agaw pansin ang paghagulgol kong malakas kanina.

"Oh, true to life?" she asked and I nodded, expecting her to be embarrassed but she covered her mouth.

"OMG, wish ko lang?!" she exclaimed loudly at nagulat ako roon, nang patayo na siya ay dali-dali ko siyang hinila kaya napaupo siya sa tabi ko.

"Miss, hindi!" nanlaki ang mata ko roon, medyo nahihiya na kasi kaming dalawa na ang agaw eksena rito.

"Edi, may kabuhayan showcase ka?" she asked and I gasped and shook my head.

"Hindi...teka, paano ba 'to?" napahawak ako sa batok at muling naalala ang madrama kong pag-iyak kanina.

"What I mean is..." I bit my lower lip, "uh? 'Yong pag-iyak ko kanina tapos 'yong...tawag. Uhm, real life. I mean...it's not scripted, not a part of teleserye, soap or even wish ko lang."

"Oh..." nakita ko ang unti-unting pag-bilog ng bibig niya. "Ibig mong sabihin-"

"Yeah," I nodded and sighed, "pasensya na sa drama pero...uh, totoo 'yon." I explained and she gasped, nagulat ako nang tumayo pa siya at pumalakpak sa akin.

"Galing!" she exclaimed.

"Miss! Hala!" namilog ang mata ko at muli siyang hinila paupo, napapatingin sa mga taong kasabayan namin na tinitignan kami, nakakunot ang noo ng iba, tila nawe-weirduhan sa aming dalawa.

"Shh, ingay. Kanina pa 'yan, ah?" nag-init ang pisngi ko nang sitahin na kami ng konduktor.

"Pasensya na po," tumayo na ako at medyo tumungo sa mga pasahero. "Sorry po, sorry." I said, embarrassed and sat back to my seat and saw the girl still looking aghast.

"Totoo ba?" she asked me again and I nodded, nang nadaanan kami ng konduktor ay pasimple kong tinakpan ng buhok ang mukha, nahihiya sa nangyari.

"Oo," I nodded. "Uh, m-maingay baa ko masyado? S-sorry. Shit, nakakahiya naman." I closed my eyes tightly and she chuckled, dahilan para mapamulat ako at tinignan siya.

"So, ibig sabihin 'yong line mo, impromptu 'yon?" she asked and my forehead creased.

"My line?"

She smirked, I saw her took her phone and put it on her ear, as if imitating someone.

"Vows," she chuckled. "T-turns out those vows were mere empty words, A-Angelo. Those vows, no matter how much we tried saving will only end up being broken. I'm sorry, p-please, don't call me again." Bulong niya at kunwaring pinatay ang tawag.

Nahulog ang panga ko, napatawa naman siya at siniko ako.

"Galing ng line mo, sis! Grabe, 'di ka nahirapan mag-drama nang nag-e-english?"

Bigla akong napatawa, napatakip ng mukha at hiyang-hiya. Gusto na lang lamunin ng lupa habang nai-imagine ang itsura ko kanina.

"P-pasensya na..." iling ko at mas ibinaon ang mukha sa kamay. "Shit, sana lamunin na lang ako ng lupa."

"Okay lang 'yan, at least ikaw, nalalabas mo 'yong nararamdaman mo, hindi ba?" aniya kaya unti-unti, binuksan ko ang siwang ng mga daliri at pinagmasdan siya.

She's pretty, matapang ang itim na mata. Short hair pero sopistikada ang dating kaya nagtaka na ako.

"Bakit naman?" I asked and lowered my hand, "mas nakakahiya nga ako..." I looked around. "S'werte lang kasi walang nagtawag ng atensyon ko kasi ang ingay ko ata umiyak?"

"'Di naman masyado, Miss." She smiled, "very very sakto." She even showed her fingers para ipakitang kaunti lang kaya natawa na ako.

"Pero kahit na..." kinagat ko ang labi at muling pinunasan ang mata. "Halata bang umiyak?"

"Oo, sis. Halatang-halata." Ngiti niya, "pero okay lang 'yan, maganda ka pa rin."

"Salamat," I smiled, "ikaw din, ang ganda mo. What's your name?"

"Davina," she offered me her hand. "Dav na lang for short, pero 'di 'yong lumilipad, ah? Meaning ng name ko beloved or love."

"Philie," I accepted it. "Love rin ibig sabihin ng name ko."

"Uy, sakto!" ngisi niya, "pareho ng meaning ang name natin tapos parehong pretty pa?"

Nagkatawanan kami at nang abutan niya ako ng pagkain ay nagulat ako.

"Oh, kain ka muna. Kanina ka pa umiiyak, eh. Baka napagod ka."

I was shy but my stomach felt like churning so I took it and thanked her.

"Salamat, Dav." I said and ate the burger she gave me, mabilis pa ang pagkain ko na parang 'di nakakain ng tatlong araw kaya kinalma ko ang sarili.

"Naku, ayos lang. Sige, kain ka lang, Philie." She said, "okay ka na ba?"

"Oo, salamat." I said and remembered the scene earlier pero kaagad ko iyong inalis iyon sa isipan.

"Naku, pasensya na rin, ah?" she said, "akala ko kasi talaga may teleserye kaya dramang-drama rin ako. Kanina pa nga ko naghahanap ng tiyempo bigyan ka ng tissue para may exposure ako kaso..." namula siya. "Sorry, nakakahiya rin ako."

"Okay lang." Ngiti ko, "nakakahiya rin naman ako kaya parehas tayo?"

"At least napatawa kita kahit papaano!" she grinned at me, "um-okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Oo, medyo." I said and touched my chest. "Salamat, Dav. Nakakahiya pero thank you, pasensya na nga lang kasi 'di ka ata nakapagpahinga sa kakangawa ko rito."

"Ayos lang, ito naman parang others." Siniko pa niya ako, "feeling ko parehas lang tayo, eh. Parehong may tinatakbuhang problema?"

Doon na ako napatingin sa kanya at nakita ang malungkot niyang ngiti, "you do too?" I asked and she nodded at me.

I didn't know why but it was such a comforting feeling to talk to a stranger or someone I barely know my problems and she listened to me. She was nodding her head, papaiyak pa nga madalas kaya naiisip kong bagay nga sa kanyang mag-artista kasi mabilis siyang maiyak.

I told her everything and to my shock, we were almost the same.

"Ayon, todong alala pa ako tapos 'di naman pala totoo." She sighed and gave me a small smile, "kaya 'yon, umalis na lang ako."

"Sa akin naman totoong nagkagano'n kaso..." I shrugged and sighed, "maybe we weren't really meant to be?"

"Grabe talagang mapaglaro ang tadhana, ano?" she sighed. "Medyo magkaiba nga lang tayo kasi 'di ko kaya mag-monologue ng English na diretso kapag confrontation."

Doon na ako muling napatawa at nakita ko ang ngisi niya habang umiiling at muli akong inaabutan naman ng candy na dala niya.

"Sorry but the way you described that man is quite familiar," I said. "If it's okay and if komportable ka, can I ask what the name is?"

I saw how the pain filled her eyes and she heaved a deep sigh and spoke.

"Si Bla-"

"Oh, Miss. Dito na babaan mo, 'di ba?" nabitin ang sasabihin niya nang lumapit na ang konduktor, tinatawag siya kaya ngumuso siya at malungkot na kumaway sa akin.

It was sad but Davina had to go when she reached her destination, she even gave me her number and said I could contact her if I needed something which made me happy.

Sometimes, meeting strangers is great.

Natahimik akong muli at nakatulog sa sobrang pagod sa byahe, mabigat ang pakiramdam ko at natatakam sa pagkaing 'di ko alam kung ano kaya pagkarating sa destinasyon ay nag-ikot-ikot ako roon sa mga stall sa may market.

"Miss, may kiwi po kayo?" pagbabakasali ko sa ikalimang store na napuntahan ko.

"Ah, ano? 'Yong pampakintab ng sapatos?"

"Ay, hindi po." I chuckled, "prutas po sana? 'Yong green?"

"Ah," she nodded. "Sandali, mayro'n ata roon 'yong kasama ko. Diyan ka lang, tanungin ko."

I patiently waited for her and my eyes brightened when I saw her with a plastic bag on her hand, my eyes widening and almost danced in glee when she gave it to me.

"Salamat po!" I smiled, "tanong ko lang po pala, Ate. May malapit po ba ritong mga resort or hotel?"

"Ah, oo." She said. "May dagat diyan malapit, may resort. Malapit din sa airport kaya mabilis kang makakaalis kung sakali. Sakay ka lang ng tricycle diyan sa may pilahan sa labas tapos sabihin mo."

I nodded and thanked her, medyo hirap pa akong hilahin ang maleta ko papunta sa may tricycle at pagkalabas ko pa lang ay unahan na ang mga driver na kumaway sa akin.

I smiled and almost flipped my hair.

Grabe talagang kagandahan 'to!

Ayaw pa maniwala ni Gelo na pansinin ako!

Bigla akong natigilan, parang natigil ata ang mga tao sa paligid kaya umiling-iling ako at sinampal ang mukha.

Hindi ako iiyak...hindi ako iiyak.

Doon ako sumakay sa una sa pila, ngiting-ngiti pa siya nang lumapit ako at hinatid naman niya ako kaagad sa hotel. I was thankful because he even taught me where the entrance and necessary places around the area na malaking tulong kaya binigyan ko ng tip at nagpasalamat.

When I got inside, I was easily accommodated. I was grateful when they gave me a room with a balcony overlooking the ocean kaya ipinikit ko ang mata at dinama ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat.

I can almost taste the salty waters, kita ko ang paglipad ng mga kalapati kaya kahit papaaano'y gumaan ang pakiramdam ko.

I changed my clothes into a comfy dress and slippers and sat on the chair in the balcony, just watching the calm ocean.

Napatitig ako sa papalubog na araw at unti-unti'y kumalma, humawak ako sa dibdib ko at ipinikit ang mata.

Sa bawat paglubog ay pagsibol ng panibago. Pagkatapos ng dilim ay liwanag at magiging mas maganda ang magiging bukas.

Tomorrow will be better, Philie. Hindi man bukas talaga'y may darating na isang umagang maayos na ang lahat.

I rested my head on the seat and because of exhaustion, my eyes dropped closed.

"Anong ginagawa mo riyan, Angelo?" bulong ko nang mahigpit na naman siyang nakayakap sa likod ko isang gabi pagkauwi namin at isinisiksik ang mukha sa leeg ko.

"Guess what?" he whispered and kissed my skin.

"What?" bulong ko at nagpigil nang ngiti, medyo lumalayo pa dahil nakikiliti ako.

"I remembered that time when we were in the car," he whispered.

"Really?" my smile escaped. "What are we doing?"

"Hmm..." he chuckled, "you're riding me."

Doon na namilog ang mata ko, mabilis ko siyang nilingon at nakita ang natatawa niyang mukha.

"Angelo!" I hissed, "sa lahat ng maaalala mo 'yon pa?!"

"Why? Is it wrong?" he chuckled and caught me again, "know where did I remembered it?"

Nag-iinit ang pisnging umiling ako kaya pilit na naman niyang ibinalik ang ulo sa leeg ko para 'di ko siya malingon.

"When I was parking the car," bulong niya. "Tapos no'ng may kinuha ako sa backseat, bigla kong parang narinig 'yong ungol pa-"

"Dean Angelo!" hinampas ko ang hita niya sa sobrang hiya at mas humalakhak siya at mas yumakap.

"Don't be shy, Philomena. Akala mo naman hindi pa mag-asawa." He whispered.

My heart pounded, couldn't believe I was hearing those words from him. Humawak ako sa braso niyang nasa may tiyan ko at hinaplos iyon.

"Have you remembered everything?" I whispered and I felt him shaking his head, accompanied by his exasperate sigh.

"Not yet, just glimpses...but I'm trying." Bulong niya.

I felt like something tugged my heart upon hearing it kaya inabot ko ang kanyang ulo at hinaplos ang kanyang buhok.

"Just don't stress yourself, Gelo." I whispered and closed my eyes when he moved his head closer to me.

"But I want to remember you, Philie." He whispered and took my hand, medyo iniusog niya ang katawan at napatitig na ako sa kanya ng tuluyan nang iparamdam niya sa akin ang dibdib.

"Gustong-gusto ko na...gusto ko nang masabi sa sarili ko ang dahilan kaya ganito 'to." Aniya habang nakatitig sa mukha ko.

"Gelo..." my voice broke when I saw the determination on his eyes.

"I wanted to remember it so bad, Philie. Gusto ko na." Ipinikit niya ang mata at muling yumakap sa akin. "Sana...sana kapag bumalik na ang lahat, nandito ka pa rin sa akin."

"Of course," I said in a low voice. "Bakit naman ako mawawala, Gelo? Hindi sabi kita susukuan, 'di ba?"

I woke up catching my breath and crying hard.

I covered my face and pulled my hair, calming myself down to forget that dream I had of him.

"Shh...calm down." Bulong ko sa sarili at muling humawak sa dibdib. "Calm down, Philie."

It took me some time to finally stop from crying kaya matapos 'yon ay gutom na gutom naman ako. Doon na ako nagdesisyong bumaba sa hotel para kumain, bumili pa ako ng bagong sim para ma-contact sina Nanay matapos kumain.

I spent my time on the shore, watching the harsh slaps of the ocean water. Ang mapayapang tunog ng bawat paghampas nito sa dalampasigan ay nakakapagpagaan ng loob ko.

Huling-huli ko kung paano dalhin ng agos nito ang iilang buhangin mula sa dalampasigan, kinukuha iyon-tila walang balak ibalik.

I almost felt the loud and painful tug of my heart as I clutched it.

My heart is like that of the sands in this beach, kinuha mula sa akin at ngayo'y nagdarasal na sana'y makuha ko na pabalik.

Wasn't it hard loving so much that the moment they took your heart with them, you couldn't get it back anymore?

"Hello, Nanay?"

"Philomena!" halos mapapikit ako sa lakas ng boses ng Nanay pagkasagot sa tawag ko.

"Grabe namang sigaw 'yan, Nay." I teased but she wasn't joking around at all.

"Anong sigaw? Ikaw na bata ka...peste, saan ka, huh? Kanina pa kami nag-aalala rito!" she scolded and I chuckled. "Aba-aba, anong tinatawa mo riyan? Saan ka nang mapalo ko 'yang pwet mo?!"

"Nay..." I smiled while saying that, "ayos lang po ako."

"Anong ayos?! Bakit 'di ka sumasagot ng tawag? Aba't out of coverage ka! 'Di ka nagsasabi, kung 'di pa tumawag ang asawa mo'y 'di namin malalaman na umalis ka?!"

Parang tumigil ang puso ko roon, "he called?"

"Aba, oo!" she sighed, "ano bang nangyari sa inyong dalawa, ah? Tumawag iyon kanina, umiiyak daw ata sabi ng Tatay mo!"

"It's...nothing, Nay." I sighed, "misunderstanding-"

"Anong mayro'n? Bakit ka basta na lang ba umalis? No'ng tumawag ka no'ng nakaraan sabi mo'y ayos na kayong dalawa? Anong mayro'n? Sinaktan ka ba nitong-"

"Nay, ayos lang po." I said and smiled, "kung tatawag ulit h'wag niyo na lang sabihing nakausap niyo ako. May 'di lang pagkakaintindihan."

"Oh?" she sounded confused, "bakit gano'n? Kwento ng Tatay mo nagmamakaawa raw sa kanya, nagtatanong nasaan ka, gano'n ba ang 'di lang pagkakaintindihan?"

"Gano'n lang kasi talaga kasobra ang kagandahan ko, Nanay-"

"Aba't, nasaan ka at kukurutin ko 'yang singit mo, Philomena?!" she scolded and I chuckled, I brushed my hair with my fingers and glanced at the water touching my toes.

"Papaliwanag ko na lang po sa sunod, Nay." I said gently, "h'wag niyo na lang po sabihing tumawag ako. Nagbabakasyon lang ako rito, mga dalawang linggo lang siguro tapos uuwi akong San Isidro."

Natahimik siya, "sigurado ka bang simpleng 'di pagkakaintindihan 'to?"

"Papaliwanag ko na lang, Nay." I said, "medyo magulo lang po kasi..."

"Sige," narinig ko ang buntonghininga niya, "'di ko sasabihin kung sakaling tatawag ulit pero sana maayos niyo 'to, normal lang na mayro'n talagang 'di pagkakaintindihan ang mga mag-asawa pero h'wag papatagalin, huh? Pahinga ka lang muna riyan, Philomena at umuwi rito."

"Opo, Nay. Salamat." Mahinang sabi ko, "mukhang miss na miss mo na ako, excited ka na ba muling makita ang liwanag ng kagandahan ng San Isidro?"

"Santisima, Philie." Natawa na siya, "naku, kukulimlim na naman ang probinsya natin kasi dadating na ang bagyong Philomena."

"Nanay nga!" reklamo ko lang, nakanguso dahil nagiging hobby na ni Nanay awayin ako. "Bully ka talaga, si Tatay nga fan ko!"

"Ay, hindi fan ang Tatay mo, anak. Tao 'yon." Pambabara pa niya kaya mas bumusangot ako.

Kahit papaano'y ayos naman ang naging bakasyon ko. Parang nag-detox pa nga ata ako dahil wala akong social media at ibang kausap na kakilala.

I only texted Nanay once, telling her I am fine and that's it. Nag-deactivate ako, nakita ko pa ang mga chat messages sa akin mula sa mga kaibigan pero wala akong lakas na sagutin ang mga iyon.

The new environment freshened me up and relaxed my mind but there is no day I haven't thought about him and Stacy.

Napatitig ako sa sunflower sa kamay ko mula sa bangka na nirentahan ko noong nasa gitna na kami ng dagat.

"Stacy, wherever you are...Mama Philie loves you, anak." Bulong ko sa hangin at ngumiti, unti-unting ibinaba ang bulaklak at pinagmasdan kung paano iyon kunin ng mga alon sa isang lugar na walang nakakaalam.

These days, I realized I've been craving for Kiwi so much. Noong papauwi na ako sa San Isidro ay binisita ko pa ulit sina Ate roon sa tindahan para makakain man lang ako sa biyahe.

As usual, hilong-hilo na naman ako, hindi pa rin sanay sa mga eroplano kahit ilang beses na rin akong nakasakay.

"Ma'am, sandwich?" my eyes widened when I saw a familiar woman who looks startled too when she saw me. "Philie?"

"Daru..." I uttered and gasped, "nandito ka pala?"

"Ah, oo." She smiled at me, "are you okay? Where have you been? Angelo's been looking for you."

Hindi ako kaagad nakapagsalita roon, kumuha muna ako ng lakas ng loob bago siya kausapin.

"Can you please not..." hindi ko na naituloy iyon nang umiling siya sa akin.

"Tell him?" she asked and I nodded, biting my lower lip. "Of course, I won't. This isn't my story to tell. I'll keep this a secret, kahit kay Chance. Just take care of yourself, ah?"

Doon na kumalma ang puso ko, "salamat, Daru."

"No worries," she uttered and hand me the sandwich again. "Kain ka muna."

Kakakuha ko pa lang ay kaagad na akong natigilan, mabilis na inilapag ang sandwich at napatayo para tumakbo sa banyo.

I saw the shock on Darshana's face when she saw me, ni hindi na ako nagulat nang nasundan niya ako habang nagsusuka ako sa banyo ng eroplano, hinahaplos pa niya ang likod ko.

"Are you okay?" she asked and offered me a warm water which I gently took from her.

"Yeah..." I nodded and gave her a faint smile, "medyo ganito lang ako sa mga flight, mabilis mahilo 'tsaka masuka."

"How about some meds?" she smiled kindly and I shook my head.

"No, ayos lang, Daru." Ngiti ko, "may chocolate ba kayo riyan?"

"Yes, we do. Gusto mo?" she asked and I nodded and thanked her.

Inalalayan niya ako pabalik sa upuan ko, I even saw her checked if I'm comfortable on my seat and when she gave me a small paper bag, I took it and saw different chocolate bars inside.

Hi, Philie! Cheer up! Tomorrow will be better.

I didn't even get to say goodbye to her when we reached our hometown.

Gabi na nang makarating kami. Ang sariwa at pamilyar na samyo ng hangin ay ang kaagad kong napansin noong pagkababa, malaki pa ang ngiti ko habang naglalakad palabas ng airport, halos isaboy-saboy pa ang palda ng dress ko.

San Isidro! My hometown!

I wore my glasses, kunwari'y feeling amerikana pa at feel na feel na pinagtitinginan.

Ang Reyna ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro ay nagbabalik. Luhod!

Bigla akong natawa sa sarili at nagtawag ng tricyle. Nababaliw na ata si Philomena Dianne.

"Oh, Philie?!" kitang-kita ko ang pamimilog ng mata ng isa sa kaibigan ni Tatay na tricycle driver nang makita ako.

"Manong!" I greeted at napasinghap siya.

"Aba't, ngayon ka lang ulit napauwi, ah?!" I noticed the amusement on her voice. "Ang ganda mo na lalo, hija!"

"Salamat po!" I grinned at him, "kayo rin po sobrang gwapo na lalo! Anong sekreto niyo?"

"Aba, ang sariwang hangin lang ng San Isidro sulit na sulit na! Ikaw ba?"

"Sus, Manong. 'Di na kailangan ng secret kasi natural na kagandahan kaya 'to?" turo ko sa mukha kaya tawa kami nang tawa, nag-apir pa bago niya ako tinulungan sa pag-akyat ng gamit ko sa loob ng tricyle.

"Ikaw talaga at 'di nagbabago ang pagka-positibo mo." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko, "bakit 'di ka sinundo ng Tatay mo?"

"Ah, secret lang po muna na uuwi ako." I smiled at him, "supresahin ko lang po sina Nanay."

"Oh, siya. Tara na't medyo malalim na ang gabi. Panigurado akong miss na miss ka na ng mga trop among sabungero diyan sa may bahay niyo." Aniya.

"Oh? 'Di pa rin po ba nawawala ang sabong?" tanong ko.

"Aba'y oo, alam mo naman ang mga kabataang 'yon." Iling niya, "bukas kapag nakita mo sila mag-hello ka, miss ka na ng mga 'yon."

"Oo nga, Manong. Miss na nila ang kagandahang 'to, ano?" biro ko sabay hawi ng buhok kaya mas natawa siya sa akin.

Habang nasa biyahe, binusog ko ang mata sa tanawing na-miss ko sa probinsya, medyo matagal na rin pala no'ng huli akong nakauwi kaya ang saya-saya sa pakiramdam.

I wonder if San Isidro Hospital is still accepting doctors right now? Wala pa akong desisyon tungkol sa trabaho pero habang nandito ko't nagsisimula ng panibago ay gusto kong makita ang facilities namin doon ngayon at balita ko'y may bago silang pinagawa.

I didn't know why but my heart's been beating unknowingly fast when our house from the distance can be seen. Nang maihatid na ako ni Manong ay nagpasalamat ako at kumaway bago marahang binuhat ang maleta ko papasok sa bahay.

The house is open when I got inside and I saw how my Nanay's eyes widened when she saw me entering the house.

"Santisima! Philomena!" sigaw niya at nakita ko kung paano napatalon si Tatay mula sa panunuod ng TV, napahawak pa sa dibdib sa gulat sa sigaw ni Nanay.

"Anong..."

"Alberto, ang anak mo, nandito na!" Nanay exclaimed at nabitawan ko ang hawak kong maleta, nagtititili papasok ng bahay ay niyakap ang Nanay ng mahigpit.

"Nanay! Tatay!" I exclaimed happily and lifted my other arm so I could hug Tatay, "na-miss niyo ba ang pinakamaganda niyong anak?!"

"Ikaw lang anak namin, Philie." Ani Nanay kaya napabusangot na ako, si Nanay naman ay humahakhak habang si Tatay ay nailing na lamang sa amin.

"Si Nanay, napaka-KJ, ngayon niyo lang ulit nakita ang kagandahan ko tapos babarahin niyo kaagad?" busangot ko.

"'Di ka kasi nagsasabing ngayon ka uuwi," iling niya at hinawakan ang kamay ko, nakita ko ang sulyap niya kay Tatay na nakangiti sa akin at nagsalita. "Kitang nandito si-"

"Oh, siya. Rosita kong mahal, dalhin mo na itong ating pinakamagandang anak kahit isa lang siya sa kusina." Ani Tatay doon.

"Tatay, bully ka na rin? Hawa ka na kay Nanay?" busangot ko kaya natawa siya at inabot na ang braso ko.

"Hindi na, joke lang. Ikaw naman talaga ang pinakamagandang anak namin. Reyna kaya 'to ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro?"

"Naman!" I said happily and put my arms on his, gently pulling the both of them to our kitchen. "Nay, Tay! May dala pala akong pasalubong galing do'n sa pinagbakasyunan ko."

Nakita ko ang bulungan no'ng dalawa kaya kumunot ang noo ko, "bakit? Anong mayro'n? Bulungan kayo riyan, ah? Share-share naman."

"Wala, Philie." Ani Nanay na siniko si Tatay.

"'Di 'yan, gabi naman ngayon. Hindi 'yan pupunta rito-"

"Sinong pupunta?" I asked.

"Wala!" sabay nilang sabi kaya nagulat ako at sa takot na mabulyawan ay unti-unti na lang bumaling sa lamesa.

Si Nanay ang naghain, sitting pretty naman ako dahil sinabi ni Tatay na h'wag na akong tumulong kaya habang inilalapit nila ang sinigang na baboy ay nagtutubig ang bagang ko.

"Nanay, gusto ko sobrang asim, ah?" I said and she chuckled and nodded, inilalagay sa tapat ko ang lagayan ng sabaw.

"Kailan ka pa nahilig sa sobrang asim?" tanong niya pero nagkibit-balikat na lang ako.

Habang kumakain ay nakita ko ang palihim na bulungan ng mga magulang ko, sinusundan ko lang sila ng nanghihinalang mga tingin at kapag nahuhuli nila 'ko'y popormal sila.

Fishy...

Our dinner ended with me showing them pictures of the view for my quick vacation. Si Nanay ang nagpresintang maghuhugas ng pinggan kaya kami ni Tatay ang nasa sala at nanunuod ng TV.

"Kumusta naman ang bakasyon, Philie? Nasayahan ka ba?" ani Tatay kaya ngumiti ako at sumagot.

"Opo," I said, "naku, Tay. Bibisita ako ulit doon tapos sama ko kayo-"

"Alberto, tara nga rito!" narinig kong tawag ni Nanay kaya tumayo ang Tatay at pumasok sa kusina.

Nilibang ko ang sarili kaka-scroll sa youtube, naglalaway habang nanunuod ng mga taong kumakain ng kiwi.

I heard a knock on the door, sumilip ako at nakitang nagbubulungan na naman ang mga magulang sa kusina kaya ako na ang naglakad para magbukas.

"Nanay, saan ba p'wedeng makabili ng kiwi-" nabitin ang boses ko nang pagkabukas ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukhang may putik pa sa pisngi.

"Philie..." he called and my eyes widened like he did, sa sobrang gulat ko ay naibagsak kong muli pasara ang pinto at napahawak sa dibdib ko.

"What?" I uttered, "bakit..." muli kong binuksan ang pinto, hindi makapaniwala at nakitang nakatulala pa rin sa akin si Angelo.

"Philie-" I closed the door again on his face and gasped.

"What the heck?" I gasped under my breath and screamed, "Nanay, bakit may palaboy dito?!"

Nakita kong nagkukumahog na tumakbo ang mga magulang ko, nanlalaki pa ang mata sa gulat.

"Ano? Bakit, Philomena?" ani Tatay kaya suminghap ako, mabilis na binuksan ang pinto para ipakita sa kanila ang nasa labas ng pintuan namin.

"B-bakit may hamog? 'Di sinabi kong..." I asked, almost in a whisper and pointed Angelo looking confused and lost outside.

"Ah!" si Tatay na ang nagsalita nang hampasin ni Nanay. "Si Angelo 'yan, ano...bagong pastol ng mga kalabaw."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co