Kabanata 22
Kabanata 22
"Si Angelo 'yan, ano...bagong pastol ng mga kalabaw." Ani Tatay kaya umawang ang labi ko.
"P-pastol?" hindi ko pa ata mahanap ang boses ko nang itanong iyon.
Nakita ko ang sikuhan ng mga magulang ko at nang bumaling ako kay Angelo ay gano'n pa rin siya pero natutulala na sa akin.
"Philie—" naputol ang boses niya nang mapahagalpak ako ng tawa.
"O-oh my God..." uttered and laughed loudly, even touching my stomach so I could breathe properly. "Pastol daw—" bumaling ako kay Angelo na mukhang nawawalang bata at may putik sa pisngi at pumalakpak.
It took me a while to recover, kumalma lang ata nang matantong ako lang mag-isa ang tumatawa habang nakatulala sila sa aking lahat kaya dali-dali kong tinikom ang bibig at nagseryoso.
"Nasaan ang camera?" I asked my parents, namamaywang pa.
"Huh?" ani Nanay.
"'Di ba nasa Wow Mali tayo?" I asked and looked around, "okay, tama na po 'yong video! Hindi ako masyadong natawa."
Naglakad ako palapit kina Nanay pero kaagad na humawak ang huli sa braso at kinunutan ako ng noo.
"Philie, ano bang—"
"Nay, gets ko na joke lang pero don't me. Alam kong hindi pa hibang si Angelo para sa sinasabi niyo ni Tatay." Baling ko kay Tatay na mukhang problemado sa akin. "Kaya ilabas niyo na ang camera, tama na joke time—"
"Nagsasaka na rin siya." What my father said stopped me, saglit akong natulala sa sinabi ng Tatay ko. Napatitig pa ako sa kanya at nang makitang seryoso ay napahagalpak pa akong muli at naiiling na nagsalita.
"Si Tatay...joker na." I said in a funny, amused tone. "Impossible, hindi pa naman nahihibang 'yan—"
"Shh, Philie!" halos ibulong na sa akin ni Nanay nang tawa pa rin ako nang tawa. "Hibang na ata 'yang asawa mo, gusto na nga ata magpaalipin dito!"
"What?" I chuckled again until Tatay spoke.
"Angelo, nalipat mo na ba ang mga kalabaw?" Tatay asked out-of-nowhere.
"Uh, yes po." Bigla akong nanigas nang marinig ang sagot nito kaya nawala ang ngisi ko at mabilis na lumingon sa pwesto niya at nakita ang titig niya sa akin habang nagsasalita. "I also did check the harvest yesterday."
What? What the hell?
"Oh, Alberto!" nakita ko ang pamilyar na kasama ni Tatay kapag nagsasaka siya at sa pag-aalaga sa mga hayop na patungo sa tabi ni Angelo at nahuli ko kung paano niya iyon akbayan. "Ayos na 'yong kulungan do'n ng mga hayop, buti na lang at masipag itong si Pareng Angelo maghabol kapag nakakawala 'yong mga kambing!"
"W-weh?" I can't help but say that out loud at nakita ko ang pagbaling nito sa akin at nagulat pa.
"Oh, si gandang Philie nandito na pala! Hija, kumusta? Aba't tamang-tama at may itsura itong bago niyong pastol! Bagay na bagay kayo, oh?"
Narinig ko ang ubo nina Nanay at Tatay sa tabi ko kaya bago pa man makapagsalita ang mga magulang ay bumuntonghininga na ako. Walang salitang lumabas ako, nakita ko pa ang gulat sa mata ni Angelo nang basta ko na lang siyang hinahin paalis mula roon.
"Oh, anong mayro'n—"
"Henyo, tara't kumain ka muna!" narinig ko tawag sa kanya ni Tatay hanggang sa mawala na ang boses nila.
Kunot-kunot ang noo ko habang hila-hila si Angelo, nang makarating kami sa may likod bahay palapit sa may puno ng Narra ay doon ko na siya binitawan at hinirap.
"Anong problema mo?" I asked bluntly and saw his jet black eyes just staring at my face.
"Philie..." he called my name again like he meant it.
"Bakit ka nandito?" matalim kong sabi, "ano, may problema pa ba—" words left my mouth the moment he walked closer to me.
Natulos ako at natulala nang mahigpit niya akong niyakap, ang mga kamay ay nasa likod ko.
"Y-you're here..." his voice broke, "you're here...you're here."
Kinondisyon ko na ang sariling magiging matatag pero ngayong nandito na naman siya at ganito ay nararamdaman ko na naman ang pagbabalik ng kirot sa dibdib ko.
"Let go." Mahinang sabi ko.
"No..." he whispered and hugged me more, "I-I'm sorry, babe. I'm sorry. N-nandito na ako."
I shook my head and lifted my hand, trying to push him away from me but he moved and cupped my cheek, staring directly into my eyes.
"Philie, please..." parang mas piniga ang puso ko nang makita ang pagsusumamo sa mga mata niya, itim na itim iyon pero nangingintab sa mga paambang luha. "I-I'm here now. U-uuwi na ako."
"Wala ka nang uuwian," mahinang sabi ko at inabot ang kamay niya sa pisngi ko para maibaba at mabilis na umatras.
"No..." he shook his head, "I was looking for you but I couldn't find you so I went here. I-I called you b-but..."
"You should go, okay?" bumuntonghininga ako at mabilis na nag-iwas, natatakot para sa sariling umiyak na naman.
"No, Philie, please..." he held my wrist but I pulled it harshly again.
"Ano bang kailangan mo, ha?" mariing sabi ko at humugot ng hininga. "Ibinigay ko na ang gusto mo, hindi pa? Ano pa, Angelo? May kulang pa ba?"
"No..." he shook his head and brushed his hair, "it's not that. Please? Can we please talk about this—"
"I signed it, Dean Angelo!" halos mapasigaw na ako. "Now, leave."
"Hindi..." umiling siya at binasa ang pang-ibabang labi, bakas ang sakit sa mga mata pero parang hindi ako makapaniwala habang nakatingin doon. "Ayoko...ayokong gano'n—"
"Oh, what? May kulang pa ba?" hindi ko na napigilan ang sarkasmo sa tono nang masabi iyon. "Can we process it sooner? Maybe. I can talk to my lawyer—"
"Philomena—"
"Oh, you want to marry her so fucking bad?" I gritted my teeth, "then go and fucking marry her, Angelo! Wala namang pumipigil sa 'yo, ha? Ano pa bang gusto mong gawin ko nang magawa ko na at mawala ka na sa paningin ko?"
To my shock, I saw how a tear fell on his eye.
"A-ayoko..." his voice trembled as he lowered his head, "a-ayaw kong maghiwalay, Philie. H-h'wag mo 'kong iwan..."
I stifled a laugh but it turned out bitter, "is that a joke?"
"No!" umiling siya at pilit akong inabot pero iniiwas ko ang kamay, "please, let me explain. H'wag naman ganito—"
"What game are you playing now, Dr. Samaniego?" I asked and closed my eyes—can't help it when my tears started falling. "A-anong laro na naman ba 'to? Sabihin mo na para matapos ko na kasi p-pagod na ako. A-ayoko na."
"It's not that," iling niya, muling umabante at pilit na tinutuyo ang mga luha sa pisngi niya. "Hindi sa gano'n..."
"Eh, ano?!" my voice filled with frustration rose as I pushed his chest away from me. "Ano pa bang gusto mo? Wala na akong mabibigay sa 'yo, Angelo, kasi ubos na ubos na ako!"
"Philie..." umiling siya at pilit na inalis ang luha pero nahulog na naman ang panibago. "Sorry...sorry. I-I know I've hurt you and I'm sorry..."
"That's too late for that now, Angelo." Mahinang sabi ko, "antayin na lang natin ang proseso sa Divorce papers."
"Ayoko," his voice trembled as he shook his head, "ayoko, Philomena. A-ayaw kong makipaghiwalay."
"Angelo, please." Mariing sabi ko at sinuklay ang buhok, kinakalma ang sumisikip na pakiramdam. "Tama na, okay? Tapusin na lang natin 'to."
"I don't want to!" he exclaimed frustratedly, "ayoko, Philie. Ayokong hiwalayan mo 'ko. A-ayaw ko..."
"What?" I puffed an exasperate sigh, "what makes you that way, huh? You can remember me now?"
"No..." iling niya, "hindi pa lahat p-pero pinipilit ko naman." Ang mga pagod niyang mga mata ay tumitig sa akin. "P-Philie, p-pinipilit ko naman, s-sana kaya mo 'kong antayin. P-please, babe. I beg you...wait f-for me, hmm? U-uuwi ako...uuwi na ako."
"You sounded like I was so important for you." Mapait kong sabi sa mahinang boses.
"Y-you are—"
"No, I am not." Iling ko. "I-I am not important to you kasi ako lang 'to, Angelo. Ako lang! Hindi si Samantha na mahal mo! W-wake up, okay? This is Philomena and not Samantha, you should be there for her."
"I know it was you, Philie!" he exclaimed, "ikaw 'yong gusto ko! I-ikaw 'yong mahal ko! Ikaw 'yong hinahanap nito!" he pointed his chest. "K-kahit anong gawin ko...i-ikaw."
"You expect me to believe that?" I asked with my cold, unemotional voice.
"Philie...please..."
"You expect me to believe that love of yours, h-huh? A-after you said those w-words to me, Angelo? I would never marry you! I don't get why I got married to you! You don't need me because I am just me! I wasn't really important to you!" I said the words he told me before.
"No!" he shook his head desperately, his eyes were tired and filled with tears. "I-I was an asshole. I-I was wrong saying those words to y-you when I know nothing—"
"It's okay," hinawi ko ang luha. "T-tanggap ko naman na ngayon na hindi ako, Angelo. Na hindi ako gano'n kaimportante sa 'yo. You were never really in love with me! I-I get now, hmm? D-don't stress yourself, umuwi ka na. Hindi ka para dito."
"N-no...hindi 'yan totoo..." mas umiling siya, "hindi 'yan totoo, Philomena! Mahal kita! K-kung alam mo lang, I swear to my life. I-I swear I'm in love with you!"
"Sorry for f-forcing you to know me before, Gelo." Tumungo ako, "s-sorry kasi sana noon pa lang pinakawalan na kita. S-sana 'di na kita pinilit. P-para 'di na tayo nahihirapan ng ganito."
I was startled when he dropped on his knees, napatakip ako ng bibig nang tumungo siya habang nakaluhod sa lupa.
"M-mahal kita..." he whispered, "'di kita maalala pero r-ramdam kong i-ikaw. M-mahal na mahal kita. I-I wanna go home now, Philie, please? P-please, accept me back. G-gusto ko na u-umuwi sa 'yo."
Kahit anong pilit ko'y 'di ko na napigilan ang paghikbi at gano'n din siya, gumalaw ang balikat niya kasabay ng pag-abot ng nanginginig na kamay sa akin.
My chest felt like squeezing when I saw our wedding ring on his finger.
"I-I wanna go home, P-Philie ko. P-parang-awa mo na, g-gusto ko na umuwi sa 'yo..."
"Hindi na...h-hindi na ikaw 'yong tahanan ko, Gelo." Mahinang sabi ko at mas umiyak siya habang dinadala ang palad ko sa labi niya.
I felt how his tears fell on my palm the same time I felt the small raindrops dropping from the sky on my skin.
"I-I love you..." he said, "I-I swear I'm in love with you. M-mahal na mahal ko ang P-Philomena ko..."
Napapikit ako ng mariin at mabilis na hinawi ang mga luha ko.
"T-then w-why did you chose her o-over me?" halos pabulong ko ng tanong. "H-how can you tell me you're i-in love with me when you just proved me you weren't?"
Inangat niya ang tingin at nakita kong hilam iyon ng luha kagaya ko.
"L-let me explain, please..."
I shook my head, "tama na, Angelo. 'Di ka ba napapagod? Kasi ako p-pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Please, go home."
"I-I am home..." he said while staring at me sadly and I bit my inner cheek to refrain myself from kneeling and crying with him.
"Y-you're not my home, Gelo. U-uwi ka na, please? B-baka hinahanap ka na nila T-Tita."
"A-ayoko..." iling niya. "T-this heart...this heart doesn't have a home without you in it."
Mas dumami ang patak ng ulan sa braso ko at malungkot lang siyang pinagmasdan.
"I-I'm sorry b-because I b-broke my vows, Philie. S-sorry if it t-took me too long to r-recognize you. B-babawi ako..."
"T-then I guess, I'm sorry too." I whispered. "I'm sorry because it wasn't you who failed. H-hindi ko na kasi kaya, G-Gelo. M-masakit na, sobrang sakit na." I touched my chest and closed my eyes, feeling the cold drops of rain falling.
"S-sorry because in the end, we ended like this with our broken vows. Let's end this." I said and pulled my hand from his grip. The moment I turned my back, the harsh rain fell on us, drenching us.
It was hard when he was looking at me before with no love on his eyes, it was hard knowing he couldn't recognize me, him pushing me away but never did I thought it was harder breaking and ending what we had.
Rinig na rinig ko ang desperado niyang pagtawag sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Dire-diretso akong papasok sa bahay, nakita pa ang gulat na gulat na mga magulang pero wala naman nang sinabi.
Nakita ko ang pagtayo ni Nanay at madalian niyang pagkuha ng twalya para ilagay sa ulo ko, hinatid pa nila ako papasok sa kwarto na walang sinasabi, nirerespeto ang katahimikan ko.
I thought I successfully managed to control my emotions during my short vacation but I was wrong—tila mas naging emosyonal pa ngayon.
After I took a bath, I tried sleeping but found myself crying on the side of the bed while looking at our photos together, burying my face on my knees while remembering the dreams we had before. Our wishes of a happy family and everlasting love. The vows we tried so hard to keep—only to end up breaking them.
Kaya noong umaga ay hilam na hilam ang mata ko, mukha tuloy akong sinuntok sa dalawang mata sa eyebags ko at si Nanay ay pabalik-balik ang tingin mula sa kape niya pabalik sa akin. umaawang ang labi na tila may gustong sabihin pero ititikom muli at susulyap sa pagkain.
"Nay, magtanong ka na, baka mautot ka pa." I said and that's when she laughed a little and spoke.
"Nangyari sa mata mo, Philomena? Para kang ginawang punching bag."
"Nanay!" I hissed and she laughed more, nakakahawa pa ang tawa kaya dapat sana seryoso ako pero natawa na rin sa kanya at nailing. "Ano ba 'yan si Nanay, kitang seryoso ako."
"Pinapatawa lang kita," she smiled. "Oh, 'di ba? Gumaan ang pakiramdam mo?"
Natahimik ako pero na-realize na medyo gumaan nga kaya tumango ako at kumain ng pandesal, "opo, salamat, Nay. Pero h'wag ka naman kasing nambibigla, nakakasira sa emo moment ng anak mong maganda."
"Oh, siya, sige." She smiled, "pero 'yang mata mo, halatadong umiyak ka. Ayos ka lang ba?"
"Sus, may pinanuod lang akong nakakaiyak na palabas, Nay." I said, "atsaka maganda pa rin naman ako kahit umiyak, haler?" I even flipped my bangs.
She just stared at me, her lips protruded.
"'Di ba, Nay?" I asked and she remained staring kaya suminghap na ako.
"Nanay, sagutin mo 'ko." Ngiwi ko na, "sabi mo noong bata ako maganda ako, ibig sabihin hanggang ngayon—"
"Past is past, Philomena." Ngisi niya at nang umirit na ako sa reklamo sabay pasak sa bibig ko ng buong pandesal sa inis ay tawang-tawa na siya at nagsimula na namang mang-asar.
Nanay talaga, napaka-bully sa magandang anak niya!
Kahit papaano nama'y sumaya ako sa pang-aaway sa akin ng Nanay.
I know she wanted to ask me about what happened last night pero hindi siya nagtanong at sa halip ay nagbigay lang ng advice.
"Hindi ko alam kung simpleng hindi lang pagkakaintindihan niyong mag-asawa ang nangyayari pero hinihiling ko n asana maayos niyo 'yan." Ani Nanay na pinisil ang kamay ko.
"Nay..." I sighed.
"Pero kung hindi, naiintindihan ko, anak." Napatitig ako sa kanya roon, "mahal namin ng Tatay mo si Angelo dahil napakabuting bata niyan pero mas mahalaga ka sa amin dahil anak at mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, hmm? Susuportahan namin ang desisyon mo, ano man 'yon. Palagi kaming nandito at makikinig sa 'yo kapag may problema ka pero h'wag padalos-dalos, ah? Basta nandito kami kapag kailangan mo."
Hapon na ako lumabas ng bahay dahil sa nahihiya ako sa mata ko at halatado ang pag-ngawa ko no'ng nakaraang gabi, umayos naman siya noong hapon at naubusan na kasi ako ng Kiwi kaya nagtutubig na naman ang bagang ko.
"Parang gusto ko rin ng chocolate..." bulong-bulong ko sa hangin habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri at papalabas. Naabutan ko si Nanay na nagwawalis kaya tinawag ko na.
"Nay, kumusta nga po pala 'yong apartment sa Bayan? Malaki ba kita?" tanong ko sa kanya.
"Ay, oo, anak." Ngiti niya. "Madalas mga dayo ang pumupunta kaya kilalang-kilala, bago kasi rin at maganda ang pasilidad. Bibisita ka ba ro'n? Isang tricycle lang naman."
"Opo, Nay. Baka sa sunod na araw." I said, "dadaan din kasi 'kong ospital ng San Isidro, may hiring kaya sila?"
Nakita kong natigilan siya at napasulyap sa akin, "oh? Bakit? Dito ka na ba talaga? Akala ko ba'y ayos ang trabaho mo sa Maynila?"
"Ayaw mo bang naghahasik ako ng kagandahan dito, Nay?" asar ko at suminghap siya at umiling.
"Aba't s'yempre hindi!" she said kaya bumusangot na ako at natawa siya at pabiro akong kinurot. "Biro lang, Philie, pero seryoso ka ba? Dito ka na ulit? Paano ang trabaho mo? Uh, si Angelo? Ang batang 'yon ay dalawang linggo na rito. Pinagpapahinga ko nga pero ang gusto raw mag-trabaho doon sa bukid! Kaya 'yan, gustong-gusto ng Tatay mong nakikitang putikan kaya todo utos!"
My heart pounded, "talaga po ba?"
"Oo." She nodded, "kaya nagtataka talaga ako, ano bang mayro'n kasi? Nambababae ba 'yang si Angelo? Aba't kung gano'n ay hiwalayan mo na!"
"Hindi po," umiling ako. "Ibang bagay..." I sighed, "basta, Nay. Sasabihin ko rin po sa inyo ni Tatay, aayusin ko po muna ang dapat."
Nagpaalam akong lalabas kaya hinayaan niya ako. Nagsuot ako ng tsinelas habang naglalakad sa aming payapang lupain na noon ay renta lang pero dahil sa kita ko bilang doktor, sa mga tanim at alagang hayop ng magulang ko at apartment sa Bayan ay sa awa ng Diyos, nabili namin.
Gusto ko talaga ng Kiwi! Mayro'n kaya rito?
"Hello po, Mang Henyo!" ngisi ko habang kumakaway sa kasama ni Tatay na paniguradong galing pa sa pag-aani.
"Oh, Philie! Hello, hija! Kumusta? Ang Tatay mo ba?"
"Ah, opo." I smiled, "atsaka po pala, may nagbebenta po ba ritong Kiwi?"
"Kiwi?" his forehead creased, "ah, 'yong sa sapatos?"
"Ay, hindi po. 'Yong green na prutas." I explained at napaisip siya saglit at napatango.
"Ah! Oo, naalala ko na. 'Yong prutas." Natawa siya, "bakit kasi kapangalan no'ng pangintab ng sapatos?"
Natawa rin ako sa naisip niya.
"Doon, Philie, itanong mo si Rosing, may mga dalang prutas 'yon kanina pambenta sa mga nagsasaka. Baka mayro'n siya."
I thanked him and left, ang laki pa ng ngiti ko habang naglalakad sa medyo maputik na daan. Miss na miss ang probinsya.
Pagkarating ko sa may bungad, sa may pahingahan sa sakahan ay halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ang mga pamilyar na mga kakilala, madalas ay mga ka-chikabells ni Nanay na matatanda rin.
"Philie-ganda!" they called happily and we all cheered and hugged each other.
Nagkumustahan kami, ang matatanda talaga'y masaya kausap. Sa bagay, wala rin naman akong kaedaran na mga kaibigan noon kaya mga tropa ni Nanay sa tsismis ay tropa ko rin.
"Kiwi ba, hija?" kaagad akong naglaway nang ilahad sa akin ni Aling Rosing ang plastic. "Oh, ito. Sakto at may anim pang tira! Hayaan mo't kapag kukuha ulit ako ng paninda, dadalhan kitang madami. Paborito mo?"
"Opo." I smiled happily, "salamat po! Sina Tatay po kaya?"
"Nandoon sa sakahan, patapos na ata at mag-gagabi na. Puntahan mo na lang doon, nando'n ang mga tropa mong sabungero! Kanina pa tanong nang tanong sa Tatay mo't narinig na nakauwi ka na raw!"
Matagal-tagal din akong nakipag-usap sa kanila, ilang taon ko rin kasi silang 'di nakita dahil nasa Maynila nga ako. 'Di ko nga sigurado kung may nakakaalam dito ng ganap ko sa Maynila dahil sina Nanay lang madalas kong bisitahin. Madalang lang din ako lumabas kapag nasa San Isidro kami dahil gusto namin ni Gelo noon na nasa bahay lang para ano...mag-usap.
I snapped my finger and almost slapped myself.
Focus, Philie.
Nagtungo ako sa sakahan, kaagad kong nakita si Tatay na namamahinga sa gilid, ngumisi pa sa akin. Ang mga tropa kong sabungero ay nagsigawan pa nang makita ako.
"Hala, ang Reyna ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro nandito!" Jojo exclaimed and I laughed, even teased them by walking slowly and lifting my hand in the air to wave like a beauty queen.
"Nandito na ang Reyna! Luhod!" I exclaimed and they jokingly knelt on the ground, making me laugh.
"Na-miss ko kayo!" I said merrily, "kumusta na ang sabong business niyo?"
"Naku, muntik na mahuli ng tanod!" Benjie said kaya natawa na ako. "Eh, ayon, tropa pala nitong si Jojo 'yong tanod, aba't isinama pa sa sabong!" nagkatawanan kami, si Tatay naman ay tumayo at tinawag pa ang pansin ko.
"Anak, uuna na muna ako sa bahay, ah? Tulungan ko lang si Rosita." He said and glanced at the boys, "dito muna itong Philomena ko, ah? Naku, alagaan niyo 'to, kapag ito sinaktan niyo papahabol ko kayo sa kalabaw kagaya niyan..." nguso niya kung saan kaya wala sa sariling napabaling ako roon at nalaglag ang panga nang makita ang pamilyar na bultong papalapit.
Dean Angelo is walking on our direction, his jaw clenching and his eyes are serious and honestly looking so annoyed.
"Uy, oo nga." Tawa ni Jojo, "upo, Tay. Kwentuhan lang muna namin dito si Philie na maganda! Takot lang naming mahabol ng kalabaw, magaya pa ako diyan sa masungit..."
When Tatay left, I was confused while looking at him seriously fixing the rope.
Hindi ba, pinauwi ko na ito? Bakit...
"Alam mo bang may partner ka na, Philie?" my eyes landed back to Benjie when he spoke.
"Huh?" I asked.
"Alam mo ba, may pageant dito sa San Isidro no'ng nakaraang taon." Tawa niya, "Lalaking version at alam mo sinong winner?"
Narinig ko ang tawanan ng mga lalaki nang ituro si Jojo.
"Sino pa ba edi itong may crush na crush sa 'yo! Si Jojo Mayer! Ang Hari ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro!"
Napabughalit ako ng tawa, para kaming tangang nagtatawanan doon sa aliw kay Jojo na namumula na sa hiya. Halos sapakin pa si Benjie na todo-asar sa kanya.
"Single ka pa rin ba, Philie? Aba't, hayaan mo nang manligaw itong si Jojo na patay na patay sa 'yo! Alam mo bang inspired 'yan makipag-sambong para sa future niyo?!"
"Loko..." I exclaimed and laughed more.
"Sige na, Philie. May ipagmamalaki na raw si Jojo at siya na ang Hari ng Dinibdibang Lupa—" biglang may malakas na bumagsak.
"Help me fix the carabaos." Nawala ang tawanan namin nang may malamig na nagsalita at napakurap-kurap lang ako nang makita si Angelo na naroon at malamig na nakatingin sa mga lalaki.
"Mamaya na, Angelo." Ani Jojo, "kinakausap pa namin si Philie—"
"There's no talking," I saw him moistened his lower lip, "we have some work to do. Sun's setting."
Hindi namin alam lahat paano magsasalita, lalo na nang maglakad siya palapit sa pwesto namin.
I was about to take a step back but it was too late, akala ko'y dadaanan niya lang ako pero ang kamay niya'y pumunta sa baywang sa may tiyan ko at napigil ko ang hininga nang maamoy pa rin ang pabango niya sa kabila ng pawis.
Tumungo siya sa may tainga ko at parang kinilabutan ako sa sunod na sinabi.
"I'll fix the carabaos first. Wait for me here, babe." He said and put some strands of my hair behind my hair before glancing at the boys followed by his sly smirk as he left.
What...the...holy...carabao was that?
We were followed by an awkward silence, nakanganga lang sa akin sina Jojo kaya umiling-iling ako.
"Ano mo..." baling ni Jojo roon.
"Uh..." parang nanuyo naman ang lalamunan ko, umiling pa ako at hindi mahagilap ang boses. "Ano—"
"What now? Let's move!" Angelo's voice roared kaya nagkukumahog ang mga lalaki na tumulong doon sa kanya.
Parang nag-jelly ang tuhod ko sa gulat, napaupo ako sa upuan doon habang pinagmamasdan ang mga lalaking kinukuha ang mga kalabaw na ginamit sa pagsasaka.
I opened my Kiwi nervously, planning to distract myself by eating pero isang kagat ko pa lang ay nahuli ng mata ko si Angelo sa hindi kalayuan.
His hair's messy, his was topless kaya kitang-kita ko ang katawan niya at ang mga muscles sa braso. He's naked on top at tanging maong na pantalon lang ang suot, ang puting twalya ay nakasabit sa kanyang balikat.
Behind him is the setting sun and I realized his skin turned sunkissed in just two weeks here and he still looks damn good. He pulled the carabao, I saw his muscles flexed kaya napasubo ako ng Kiwi.
Parang sumarap ata lalo?
Ang Kiwi! Ang Kiwi ang masarap, Philomena!
Our eyes met, I saw him licked his lower lip and tilted his head to look at me. His jet black eye's mesmerizing.
Sumubo akong muli ng Kiwi pero biglang naluwa iyon nang matantong balat ang nakain ko.
Santisima, Philomena? Gumising ka, hoy!
I rolled my eyes at him, I caught him hid his amused smile kaya nagbaba ako ng tingin at halos lamunin na ang lahat ng prutas sa plastic.
Hindi ko rin alam kung bakit inantay ko siya, nagpaalam na ang mga lalaking uuwi at saglit pang naligo si Angelo pero nandito pa rin ako.
Para saan? Kakausapin ko lang siya tapos papaalisin sa San Isidro.
'Yon lang.
'Yon lang talaga.
Oo nga kasi!
"Boba!" I screamed quietly and pulled my hair, even kicking my feet.
"Don't do that," mabilis akong napasinghap nang may humawak sa kamay ko at sa pag-angat ko ng tingin ay nakita si Angelo.
He's newly bath, he's now wearing a simple cotton white shirt and khaki shorts yet he still stands out.
"What are you doing here?" I asked and stood, kinuha ko ang kamay sa kanya at tumitig. "I asked you to leave, right? Bakit nandito ka pa?"
"Philie..." he sighed and licked his lip, "can we talk?"
"I said no, okay?" irita ko nang sinabi. "H'wag na paulit-ulit, Angelo, okay?" tinalikuran ko na siya at nagmartsa paalis pero ramdam ko ang mabilis niyang pagsunod sa akin.
"Philie,"
"Umuwi ka na, Dean Angelo. Doktor ka, baka nakakalimutan mo? Hindi ka magsasaka at taga-pastol ng kalabaw."
"I am now," biglang nasa tabi ko na siya at sumilip pa sa mukha ko. "It's fun, tho."
"What?" iritado ko na siyang nilingon. "Ayos ka lang ba? Baka may lumuwang na turnilyo sa 'yo at naisipan mong magtrabaho rito—"
"Why not? I'm working to help my wife's family." He said, stopping me.
"Angelo, napag-usapan na natin 'to, 'di ba?" singhap ko, "tapos na tayo. Antayin na lang ang proseso ng divorce—"
"I didn't file it." He shrugged.
"What?!" parang lumabas na ang lalamunan ko sa sigaw na 'yon.
"Why would I?" he asked, "I'm not agreeing to this divorce."
"This is what you want, Dean Angelo!" I hissed and walked out but he followed me again.
"No, this isn't." Aniya kaya kumunot ang noo ko, bubulyawan na sana siya pero muntik ng dumulas. Akala ko'y matutumba na ako pero mabilis pa siya sa mabilis para mahawakan ako.
"Oh, God!" I gasped and pulled his shirt, umikot naman ang kamay niya sa baywang ko at inalalayan ako patayo.
"Careful, Philomena." He scolded, "paano kapag nadulas ka riyan?"
"Tss..." I rolled my eyes and pushed him after, nagmartsa ako paalis pero hindi talaga siya papatalo.
"Kausapin mo naman ako, oh." He said in a gentle voice, "maawa ka naman—"
"Palaboy ka ba?" I hissed and glared at his way and I caught how his eyes widened.
"What? Palaboy? Me?" he pointed himself. "I'm not!"
"Kwento mo sa kuliglig." I hissed and walked but he stayed quiet for a while and spoke.
"And maybe I am?" he asked kaya sumulyap ako sa kanyang iritado.
"Ano?"
"Palaboy nga siguro ako," he shrugged and I was startled when he lowered his face and stared at me intently. "You're my home, babe, but I lost you. Now that you're gone, I am lost. Palaboy-laboy lang sa tabi hanggang kunin mo na pauwi."
My heart pounded but I showed him a mocking face.
"Ay, sorry, Mr. Samaniego, 'di ako nagtatrabaho sa child services. Atsaka kung ikaw lang din 'yong batang aampunin, salamat na lang sa lahat." Ngisi ko.
"Philie..." he groaned, "I am trying to be cute here—"
"Gago, 'di ako kikiligin sa 'yong batang palaboy na hamog?" I hissed and walked away but he followed me again, "sunod ka nang sunod. Be, wala akong mabibigay na pagkain."
"Ang sungit mo naman, Miss." He said kaya tumigil na ako sa paglalakad.
His forehead creased and I sighed and checked my small purse. "Philie, talk to me." Sinilip niya ako. "Philomena...babe ko. Philie kong mahal—"
"Oh!" hinarap ko na siya at inabot ang palad niya bago naglagay doon.
"What?" he glanced at his palm, "what am I going to do with this?"
"Oh, Totoy. H'wag ka na sad. Ito piso, bili ka kausap mo." I smiled sweetly at him and flipped my hair on his face before running away like a freak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co