Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 23

heartlessnostalgia

Kabanata 23

I'm annoyed.

"Oh, Philomena, ang aga-aga't nakabusangot ka riyang bata ka? Anong nangyari?" ani Nanay pagkakita pa lang sa akin.

Hindi ako sumagot, kinagat ko na lang ang pandesal na mainit-init pa at mas humaba ang nguso.

"Hoy, Philie." She called again, "anong nangyari't mas madilim pa sa langit ng San Isidro 'yang mukha mo?"

"Nanay, wala na akong Kiwi..." I said in a small voice and she stared at me for a while, as if she couldn't believe it and then laughed.

"Oh, ano naman? Mayro'n naman siguro sa Bayan?" she asked and I shook my head after sighing heavily.

"Wala na raw sabi ni Aling Rosing," malungkot kong sabi. "Nanay, parang mamatay na ako sa lungkot." I touched my chest and gave her a sad look.

"Ka-dramahan nga naman ng anak ko," she uttered and chuckled, "magkakaroon din 'yan, h'wag kang mag-alala. Baka nawalan ng stock kasi pinapatos mo lahat."

"Nay, one day na akong walang Kiwi!" napasipa pa ako, "gusto ko na..."

"Ano bang nangyayari sa 'yo at nag-aadik ka niyan, huh?" she asked, "kahapon, nakita kitang lumalantak ng chocolates. Naubos mo ata 'yong isang pack ng Kisses, ano?"

Natahimik ako at napaisip bago tumango, "substitute kasi 'yon, Nanay." I said, "kapag walang Kiwi, gusto kong chocolates pero medyo nagsasawa na ako. Gusto ko na ulit ng Kiwi."

"Ano ba sabi ni Rosing?" she asked.

"Baka next week pa raw magkaroon." Malungkot kong sabi, "'yong may available raw na Kiwi sa kabilang bayan pa, tatlong oras byahe kaya 'di sila makapunta kaagad."

"Ah..." she nodded, "antayin mo na lang, kaya mo naman sigurong pigilan 'yang katakawan mo."

"Nanay!" I glared at her at tinawanan lang ako, "bakit mo ako inaaway palagi?"

"Kasi ang tahimik mo minsan. Kaya inaaway kita para magdaldal ka. Ayos ka lang ba talaga?" she asked me, "hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya ng Tatay mo at gano'n kayo ng asawa mo. Hindi kita pinipilit na magsabi, Philomena, pero isipin mo rin ang sarili mo. Kapag itinatago mo 'yan mas lumalalim ang sakit, mas mahihirapan kang makabangon."

"Nay..." sa sinabi niya'y parang may humaplos sa puso ko.

"Nandito lang naman ako, Philomena. Alam ko madalas tayong naglolokohan pero seryoso akong makikinig ako, naiintindihan mo?" she tapped my hand kaya ngumiti ako. "Si Angelo, nakikita kong seryoso ang pagsuyo sa 'yo. Kinausap ko na 'yan noong nakaraan na umuwi na lang at ayaw mo siyang kausapin pero sabi niya'y ayos lang daw. Aantayin ka raw niya at hindi guguluhin, gusto niya raw tumulong doon sa sakahan natin."

"Nanay, kapag...kapag kunwari sinabi ko sa 'yong maghihiwalay kami, ayos lang ba?"

Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mata roon, ang sakit ay namuo kaya napalunok ako.

"K-kunwari lang..." I trailed off, thinking of more ways to tell them the truth of us, separating.

"Masakit, s'yempre." She lowered her head, "parang naging anak na rin namin 'yang si Angelo sa tagal ng relasyon niyong dalawa. Nanay ako at may asawa rin. Nakikita ko namang maayos ang batang 'yon at ramdam kong mahal na mahal ka pero...ano bang magagawa ko kung ayaw mo na?"

Sumikip ang dibdib ko at mas humigpit ang hawak sa kanyang kamay.

"Ano ba talagang nangyari, Philie? Baka naman makatulong ako? Nangaliwa ba 'yan? Kung oo'y sinasabi ko sa 'yong hiwalayan mo na."

"Hindi naman, Nay." I shook my head, "remembered when he had his amnesia? The moment he woke up...hindi ko lang po sinasabi pero nawala po ako sa kanyang ala-ala ng tuluyan. As in, wala. The woman he remembered he had a relationship with was his ex years ago."

Nakita kong bumilog ang bibig niya, "ano? Bakit 'di mo sinasabi iyan, Philie? Anong nangyari? Ano, sumama siya roon sa babae tapos iniwan ka?"

"Hindi po," iling ko. "Noong una'y 'di niya ako makilala, he thought he still have a relationship with that woman and pushed me away."

I ended up telling the whole story to my mother and felt great after seeing her listening intently. Natatawa pa ako sa side comments niya pero alam kong seryoso siya sa mga sinasabi ko.

"When...Stacy died, napagod na lang ako, Nanay." Mahinang sabi ko, "kaya...kaya pumirma na rin po ako t-tapos...ayoko na, Nay."

Tumayo ang Nanay. Hindi ko alam ang gagawin niya noong una pero parang may humaplos sa puso ko nang basta na lang siyang tumabi sa akin at niyakap ako.

I closed my eyes tightly, mahigpit ko siyang niyakap bago sumiksik sa kanyang leeg, dinadama ang init niyang nagiging kalma ko.

"Naiintindihan kita, anak." Bulong niya, "miski ang kalabaw kapag napapagod ay tumitigil, ikaw pa kayang Reyna ng Dinibdibang Lupa?"

"Nanay nga, ikumpara ba naman ako sa kalabaw..." natawa ako habang umiiyak at narinig ko ang mahina niyang tawa at mas hinaplos ang likod ko.

"Basta, naiintindihan kita. Ako man din ay disappointed kay Angelo pero sa totoo lang ay naiintindihan ko rin siya. Kayong dalawa ay naiintindihan ko."

Doon ko na siya hinarap at ngumiti siya sa akin, ang daliri niya'y ipinunas niya sa pisngi ko para tanggalin ang mga luha roon.

"Wala akong kinakampihan, ah? Mahal ko kayong dalawa bilang mga anak ko. May dahilan ka at valid iyon, Philie. Ayos lang na napagod ka. Sa kabila no'n ay naiintindihan ko rin siya, walang maalala 'yong tao, ang sabi mo'y ang relasyon niya noon ay hindi naging maganda kaya marahil naging gano'n ang ugali niya. Sabi mo, sumubok naman kayong dalawa na ayusin at akala mo'y iyon na pero wala pala?"

I nodded at her.

"Naitanong mo na ba sa kanya kung bakit siya hindi nakapunta?" she asked and I shook my head.

"Gusto kong malaman, Nanay, kaso...kaso natatakot din akong masaktan muli. Pinili niya si Sam kaysa sa akin. K-kung kailan kailangang-kailangan ko siya ay wala siya." Suminghot ako.

"Naiintindihan ko, anak. H'wag ka na umiyak." She said gently and dried my tears again, "pero kapag handa ka na'y sana sumubok kang pakinggan man lang ang paliwanag no'ng tao. Hindi kita pinipilit, ah? Pero bilang Nanay mo, sana ay mabuksan mo ang isipan mo para man lang makinig."

"P-paano kung gano'n nga, Nay? T-tapos...masaktan lang ako?"

"Nandito kami ni Tatay mo, poprotektahan ka namin sa lahat, Philomena. Pagkatapos mong pakinggan siya'y kahit anong desisyon mo'y ayos na kami ng Tatay mo, ah?"

"Opo, h-h'wag mo po muna sabihin kay Tatay, ah?" bulong ko at muli siyang niyakap.

"Oo pero mahirap masaktan, hija. Naramdaman mo na ang pakiramdam na 'yon kaya..." she said those words and I know it meant something else.

I am having self-pity after that breakfast dahil wala man lang akong Kiwi na makain. I finished half of my packs sa chocolates ko at naisip ko na namang tataba ako kaya ang lungkot-lungkot lalo.

"Gusto ko na Kiwi..." bulong ko sa hangin at bagsak ang balikat na bumaba nang tawagin ako ni Nanay para maghatid ng tanghalian ng mga nagsasaka sa bukid.

Wala si Tatay ngayon at nasa Bayan daw para mag-asikaso ng mga ani dahil supplier kami sa malalaking palengke sa kalapit.

"Ayos lang bang ikaw, Philie?" she asked and I nodded.

"Ayos lang, Nay. Wala naman akong ginagawa." I said and took the plastic bags she gave me for the foods.

"Talaga?" she glanced at me sideways, "nandoon si..." she even wiggled her brows.

"Duh, ako pa ba papaapekto?" I playfully flipped my hair and she laughed at me.

"Asus, Philie. Eh, patay na patay ka nga roon." She even teased.

"Not anymore, Nanay." I said confidently, "hindi ako kagaya mo na rumurupok ng mabilis kapag tinawag ka ni Tatay na Rosita niyang mahal."

"Philomena!" bumusangot na siya at namula kaya humahagalpak akong umalis doon habang kumakaway pa sa iritado kong Nanay.

I felt like I'm having severe mood swings and it is irritating.

Malaki ang ngiti ko habang papunta sa sakahan pero 'yon na lang ang busangot ko nang makita ang mga dalagita na sasabak ngayong taon sa Miss Dinibdibang Lupa ng san Isidro ay narito para mag-photoshoot.

Seryoso ba? Sa palayan ba talaga? Anong gagawin nila rito? Mag-i-swimming sa basakan?

"Oh, Philie! Ito na pala ang mga candidates natin ngayong taon!" masayang pakilala ni Benjie sa iilang dalagita roon na nandito, ang iba'y nandoon sa may bench at may pini-picturan sa malayo kaya sinundan ko iyon ng tingin.

Mas kumunot ang noo ko, lalo nan ang makita si Angelo na feel na feel ang paghila ng kalabaw niya. Walang damit pang-itaas at pawisan pa dahil sa init ng araw.

"Excuse me, bakit kayo nakahubad diyan?!" I exclaimed and the men working there stopped from working. Nakita ko ang pagbaling sa akin ni Angelo, gulat pa ang mata niya pero napatitig sa akin kaya dali-dali akong nag-iwas.

"Bakit, Philie?" ani Jojo na kumaway pa sa akin.

"A-ah, magbihis kayo!" I raised my voice, "may mga dalagita rito at nakahubad kayo diyan! Napakainit pa ng panahon, oh!"

"Bakit?" ani Jojo na natawa pa, "okay lang naman sa kanilang may mga macho ritong nagsasaka, 'di ba, girls?" he even jokingly raised his arms, earning cheers from the girls kaya sumimangot na ako.

"'Di ba, Philie?" tawa ni Benjie, "atsaka crush nila 'yon si Pareng Angelo!" turo ni Benjie kay Angelo na nakatitig pa rin sa akin.

"Ano?" kumunot ang noo ko.

"Bigyan namin ng chicks si Pareng Angelo, baka kulang sa kiss kaya masungit—"

"Vegetarian si Angelo!" I can't help it when my voice raised, "hindi siya kumakain ng manok!"

Natahimik silang lahat, napalunok naman ako at mabilis na nilingon si Angelo at nakita siyang inaabot na ang shirt niya.

"Ano..."

"Totoo ba, pare? Vegetarian ka?!" tawa ni Jojo roon at nakita ko ang pag-ngisi ni Gelo ng bahagya.

"Not really, I don't like chicken much but I do eat some piggy." He glanced my way, "those with bangs—specifically."

What the...

"A-aba't, hoy! Kakain na ng tanghalian!" I cut everyone off, "girls, sige na at sumabak na kayo riyan sa picture sa putik. Good luck! Galingan niyo tapos sakay kayo sa kalabaw mamaya!"

"P'wede bang 'yong humihila na lang sa kalabaw ang sakyan, Miss Philie?" biro pa no'ng isa sabay sulyap sa putikang si Angelo kaya tinasaan ko siya ng kilay.

Aba't...baka gusto mong ikaw ang gawin kong kalabaw...

"Sapakan—"

"Philie, nandito na si Aling Rosing!" nawala ang inis ko, kaagad na nagliwanag ang mata ko nang marinig iyon at nakangising tumakbo pa para salubungin siya.

Kiwi...baka may Kiwi!

Pero sinalubong ako ng bad news. Walang Kiwi kaya ang haba ng nguso ko habang inaayos ang pagkain ng mga trabahador namin para sa lunch.

"Oh, bakit malungkot ang aming magandang Philie?" ani Jojo pagkarating at napansin ata akong tahimik.

"Huh?" I smiled, "wala naman. Sige, kain na muna kayo. Tawagin mo na rin sina Benjie, kanina pa 'yon nag-aasikaso sa mga babae kahit 'di naman siya staff."

Nagtawanan sila, "alam mo na, kapag may maganda talaga nando'n 'yan. Ako nga rin, eh. Kapag may maganda nando'n ako kaya ayon...nandito ko." baling sa akin ni Jojo kaya naghiyawan sila at nailing ako.

"Si Jojo talaga, oh." Tawa ko, saglit na sumusulyap sa gilid nang makitang papalapit si Angelo na kakalinis lang ng putik at bago ang damit.

"Bakit kasi 'di mo na lang hayaang manligaw 'yang si Jojo sa 'yo, Philie?" ani nila, "crush na crush ka niyan, oh. May boyfriend ka ba?"

"Wala po," tawa ko at umiling, pilit na umiiwas sa usapan dahil kunot na ang noo ni Gelo nang mapunta sa may gilid ko.

"Oh? Baka naman asawa?" biro pa nila kaya napatikhim ako, ramdam na ramdam ang presensya sa tabi ko kaya mabilis akong umiling.

"Wala, wala po akong asawa." I said and gave them a fake smile.

I can feel the stares beside me but I didn't look at him, tumulong ako sa pagbibigay ng mga plato sa mga lalaki at sa pagsulyap ko kay Gelo ay tahimik lang siya pero may 'di ako mapangalanang emosyon sa mata niya.

The ladies joined us after a while, I sat beside Aling Rosing while watching them eat and saw some girls flocking around Angelo, trying to talk to him but he's just his usual self. Quiet and composed.

They even tried teasing him but he'd only shake his head.

"Ang choosy ni Pareng Angelo!" tawanan nila Benjie, "ayan oh, si Luningning. Mabait iyan at maalaga!"

"Oo nga, pogi." One of the candidates, Luningning smiled at him. "Bago lang kita nakita rito, ah? Ikaw pa pinakapogi." Aniya pang nang-aasar at naghiyawan na naman sila.

"Not interested, Miss. Sorry." Angelo answered in his cold voice but the lady chuckled.

"Ang lamig mo naman masyado, Angelo. Bakit? May girlfriend ka na ba? 'Di naman malalaman kung—"

"I have a wife, Miss." He said and raised his hand to show her his ring, making my heart pound. "I'm married and in love with her. So, please, stop this. It's annoying."

Mabilis akong bumaling sa baso ko, nanginginig pa ang kamay ko nang abutin iyon at mabilis na ininom para ikalma ang puso.

Mabilis naman silang lahat naka-move-on doon. Ang ibang lalaki naman ang binibiro ni Luningning kaya parang wala lang sa kanila 'yon.

Angelo remained quiet, ni hindi nililingon ang mga dalagang kinakausap siya, seryoso lang sa pagkain.

I couldn't believe I'm seeing him like this. He's always formal before, wearing his coat, dress shirt and his doctor's coat. Palaging malinis at maayos pero ngayo'y naka-shirt lang, maong at tsinelas. Magulo pa ang kanyang buhok at may bakas pa ng putik ang mga paa, medyo naging moreno dahil sa pagbibilad niya sa araw.

"Hayaan mo, Philie, mga next week ay talagang hahanapan kita ng Kiwi sa kabilang bayan." Ani Aling Rosing kaya napabaling ako sa kanya.

"Wala na raw po ba talaga sa Bayan?" I asked sadly, "ubos na?"

"Oo, hija." She sighed, "naghanap ako kaso wala talaga, eh, kami ni Henyo next week pa makakadayo roon para kumuha ng supply."

"Bakit, Rosing? Naghahanap si Philie?" ani Manong Henyo na naupo sa tabi ng asawa.

"Oo, nahihilig itong batang ito sa Kiwi." Aniya kaya natawa na ako, lalo nan ang balingan ako ni Manong Henyo.

"Kung malapit lang ang kabilang Bayan, talagang kukunan kita, hija. Kaso tatlong oras kasi ang biyahe kaya sa sunod na linggo pa kami makakadayo ni Rosita."

"Okay lang po," I smiled softly, "salamat po, nakaka-excite naman tuloy kumain."

Muli akong bumaling sa harapan at nahuli ang mga mata ni Angelo na nakatingin sa akin, kumunot lang ang noo ko at hindi nagsalita. Tahimik na nagbaba ng tingin para pakialaman ang mangga na naroon sa tapat, nawiwili sa lasa dahil sobrang asim.

Umalis sina Aling Rosing kasama ang mga modelo pagkatapos ng lunch para manuod ng photoshoot. Ang mga lalaki'y nauna na sa sakahan kaya naiwan ako roon para magligpit ng mga pinggan.

Ayos lang naman pero hindi ayos ang makitang nanatili roon si Angelo at tumayo pa para tumulong.

"Ayos lang, ako na." I said but he didn't answer me. Kinuha niya ang mga balat ng mangga na naubos ko at inilagay iyon sa plastic.

I saw the utensils, inabot ko 'yon para kuhain pero saktong inabot niya rin iyon kaya nagdikit ang kamay namin.

I swear I felt how the electricity from his hand travelled to mine. Mabilis akong nag-angat ng tingin at nakita ang malalim niya ring tingin sa akin.

My heart pounded harshly again and I panicked, mabilis kong hinila ang kamay ko sa kanya at nag-iwas.

"S-sorry..." I uttered lowly and proceeded to fixing the table.

"Have you eaten yet?" hearing it, I lifted my head and saw him staring at me.

"Hmm?"

"I didn't see you eating, 'yong mangga lang ang kinain mo."

"I'm full," I said, "nakakabusog din ang mangga."

"Maasim 'yon, Philomena." He glanced at the table, "you finished three pieces, your stomach might hurt."

"Ayos nga lang," I sighed, "kaya ko ang sarili ko, Angelo. Bakit nandito ka pa rin ba? Hindi ba pinapauwi na kita?"

"Nandito ang inuuwian ko," he said.

"What?"

"How would I go home if my she's here, right?" he asked and I sighed and shook my head.

"Angelo, please? Tama na 'to." I said, "hindi ka pa ba napapagod?"

"I'm not," he said. "I understand you're already tired of me kaya ako naman 'yong lalaban."

Natulala ako sa kanya roon, "you worked so hard for this relationship not to fall apart so it's my time to work for it now. Kung kailangan kong magpahabol sa kalabaw niyo, kung kailangan kong magising ng madaling-araw para magbilad sa initan sa pagsasaka then I'll do it whole-heartedly."

"Angelo..." I called.

"I'll do whatever it takes to show you this is still me...your husband." He moistened his lips, "I still can't remember it all but I know in my heart it's you, Philie. It's always you."

"You're...not my husband anymore, Gelo." Mahinang sabi ko, "j-just process the divorce and—"

"I may not be your husband but you're still my wife," he took the plastic from my hand. "Alam kong pagod ka na kaya ako naman ngayon, Philie. I'll accept everything...just so you could hold me again. Just so...I could come back home to you."

Hindi ako umimik, tumabi siya sa pwesto ko para tapusin ang nasimulan at nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang hapdi sa dibdib ay bumabalik na naman.

Eksperto niyang nilinis ng madalian ang mga naiwan na kalat, parang lutang naman akong nakatitig lang sa kanya kaya pag-angat niya ng ulo at nagkabangga ang katawan namin ay natulos ako sa kinatatayuan.

"Gusto mong Kiwi?" he asked and my eyes widened in shock.

"H-huh?"

Inangat niya ang kamay niya, napapikit ako nang saglit niyang suklayin ang bangs ko gamit ang daliri niya bago kinuha ang kalat na buhok sa pisngi para ipitin iyon sa likod ng tainga ko.

"When was the last time you had your period?" he asked kaya mabilis akong napamulagat.

"A-ano?! Bakit mo..."

He stared at my eyes, kinilabutan ako nang bumaba ang kamay niya sa braso ko at sa baywang ko, pumipirmi roon.

"When was the last time you had your period, babe?" he asked again kaya ngumuso ako at natigilan habang nag-iisip pero mabilis na bumaling sa kanya.

"Last week lang, bakit?!" iritadong sabi ko na, kunwari'y seryoso para lang matanggal ang kamay niya sa baywang ko.

"Mood swings," he uttered and tried holding me pero umatras na naman ako. "You liked Kiwi ang chocolates—"

"What's your point?" tinampal ko na ang kamay niya at namaywang na. "A-are you saying I'm freaking pregnant?"

His brow raised, I saw him moistened his lower lip and glanced at my stomach.

"If I have my things here, I'll probably do an ultrasound—"

"Excuse me?! I-I just my period last week!" my brow raised and he smirked, "I don't know, I can't say now. You're not my piglet if you won't eat foods that much—"

"Aba't ang kapal mo?" suminghap ako at kumunot ang noo pero tumaas lang ang sulok ng labi niya at inabot ang kamay ko.

"Kidding, you sit here like a Queen. Mag-aani muna ako ng palay para may kainin ang mahal kong asawa." He said and took something from his pocket, nagulat ako nang paglabas ng kamay niya ay may hawak na siyang chocolate bar doon.

"What am I going to do with this?"

"Eat it?" he asked as a matter-of-fact kaya umirap na ako.

"Malamang?" I frowned, "I mean, bakit mo ako binibigyan nito? Para saan? Do I know you, Sir? Wala akong kilalang batang hamog na palaboy, Totoy."

"Palaboy nga lang ako kasi hindi mo pa ako kinukuha pauwi." Sagot pa ng gago, kumunot na ang noo ko nang bahagya pa siyang dumukwang sa may gilid ko at hinuli ang kamay ko.

"Angelo!" I groaned, "ano bang—"

"Ang sungit naman ng mahal ko," bulong niya habang unti-unting humahalik sa likod ng palad ko habang nakatitig sa aking mga mata, dahil may lamesa sa tapat ay 'di siya nakikita ng mga tao sa kabila kaya ang lakas ng loob.

"Dean Angelo!" I pulled my hand from him, "sabing bitawan ako!"

"You're so cold, I'm shivering." He even faked a shiver at napatawa pa ang gago nang sipain ko na.

"Isa, sinabing umalis ka riyan!" I hissed, "you're annoying, Angelo. Nakakairita 'yang mukha mo. Ayaw ko sa makulit at maingay—"

"Miss Yelo," he chuckled kaya mas nangunot ang noo ko.

"Ano?!"

"Guess we switched roles now, eh?" he brushed my fingers with his thumb, "Miss Elsa, I'm Olaf and I like warm hugs." He said in a small, teasing tone.

"Gago." I glared at him, "hindi mo ako mauuto sa ganyan mo, Dean Angelo. Lumayas ka nga rito bago pa kita makutusan."

"I just want a hug..." he said and moved his body closer, "just quick—"

"You're annoying. Shut it." Busangot ko.

"Philie—"

"Lalayas ka o ipapahila kita sa kalabaw?" irita kong sabi, naiinis na naman sa mukha niya kaya natawa na siya bago tumayo at ginulo ang buhok ko.

"Philie?"

"Oh?!" padarang kong tanong.

"Do you wanna build a snowman?" I showed him my poker face, inabot ko na ang tsinelas ko at inambahan siyang hahampasin kaya natatawa na siyang umatras.

"Okay, fine..." he even teased playfully with a tone kaya tumayo na ako at nag-init ang pisngi.

"Ikaw..." banta ko pa.

"The cold never bothered me anyway," he smirked at doon ko na hinagis ang tsinelas pero hindi siya tinamaan, natatawa pa habang papalayo, mukhang masaya na kinuha ang kalabaw niya pero sa sobrang saya ay minalas.

I saw how he pulled the carabao but it got stuck, causing him to lose his balance at wala nang mas ilalakas ang tawa ko nang tuluyan na siyang madapa sa putikan. Itim na itim ang buong katawan.

Gago ka, ha?

"Buti nga! Bleh!" I screamed and laughed, sticking my tongue out to tease him when he glared at me.

Tumulong ako sa pag-asikaso ng mga modelo roon na nagsu-shoot na para sa pictures nila. Ang balita ko'y isang linggo pagkatapos ng sa mga girls ay boys edition naman, medyo nahihirapan din sila dahil kaunti lang ang sumali sa mga lalaki kaya magre-recruit pa.

Medyo gabi na nang makauwi ako dahil nalibang, kumakaway ako para magpaalam pa sa kanila nang may umagaw sa hawak kong mga plastic.

"What?" malamig kong tanong nang makitang si Angelo na naman iyon, he's wearing a black shirt and jacket, fresh na fresh pa dahil bagong paligo, akala mo'y hindi sumubsob sa putikan kanina.

"You're so cold," he smiled upon looking at me, "what happened to my smiling Philie?"

"Wala, deds na." Ngiwi ko at inagaw ang plastic sa kanya, "bakit ka ba sunod nang sunod? Uuwi na ako. Hindi mo na kailangang—"

"Ihahatid lang kita," humawak siya sa braso ko at nagitla nang pagpalitin niya ang pwesto namin, akala ko kung ano lang pero natanto ko may mga traysikel pa lang dumaraan.

"Kaya ko mag-isa." Paliwanag ko, "ayos lang."

"Bakit kita hahayaang umuwi mag-isa kung nandito naman ako?" he asked kaya sinulyapan ko na siya. "Taking you home won't harm and I wanted to see you home safe."

"What would actually get from coming here?" mahinang sabi ko at humawak sa braso dahil tumama pa sa balat ang malamig na hangin.

"My wife?" napasulyap ako sa kanya na nakatitig sa akin. "Hopefully."

Humugot ako ng malalim na hininga, "eh, ayaw na niya sa 'yo, paano 'yon?"

I saw him stared at me, humawak siya sa braso ko at nagitla pa nang patigilan niya ako sa paglalakad. I saw him removed his jacket before placing it on my shoulder,

"I understand, after I hurt her? Who would even take someone like me back? Mahal na mahal ako no'n tapos nasasaktan ko siya but I won't give up on her. She did our best to save our marriage so I am doing the same thing now."

"Giving up is easier, it's not like you could fix it. Maybe...maybe you weren't really destined. Maybe, you two aren't fated to be together."

"Then, fuck fate." He shrugged, his forehead creasing. "It was easier to just give up but my wife didn't and why would I? Madaling sumuko pero hindi ko susukuan ang asawa ko, kahit malugmok pa ako. Kahit madurog pa ng paulit-ulit, wala akong pakialam. Gusto ko lang makauwi sa kanya."

A tear fell kaya dali-dali akong nag-iwas. Naglakad ako pauna sa kanya pero kaagad niya akong naabutan, nang humawak siya sa pulsuhan ko ay kaagad ko iyong iwinaksi paalis.

"Don't touch me," mariing sabi ko.

"Philie..." he called again, "I-I love you..."

"P-process the divorce, Gelo." Sinulyapan ko na siya, hindi na maitatago pa ang mga luha.

"I love you..." bulong niya at muling inabot ang kamay ko, "mahal na mahal kita..."

Ipinikit ko ang mata at mas sumikip ang dibdib nang may maalala.

"W-why did y-you tell Sam those words..." my voice trembled, "bakit...bakit mo sinabi sa kanya 'yon? M-mahal mo ba siya?"

"No..." he shook his head, the tears on his eyes are now back, begging me to listen. "I-it was such an asshole move."

"T-then why..." halos bulong na iyon, "b-bakit h-hindi mo ako pinuntahan? K-kailangan k-kita, Gelo..."

"Hey..." he held my wrist tighter, ang isang kamay ay inaabot na ang pisngi ko. "When I woke up, I-I kept on looking at you and saw you staring at me and your eyes...I know, I know there's something in it."

Hindi ako umimik at mas tumungo pero muli niya akong hinawakan para matignan siya.

"I-I still didn't know you're my wife, Philie. I've been asking you...you asked me if what if you're my wife but I don't believe it. I tried masking those weird feelings because I thought it's still Sam. I-I wanted to know why I am feeling that way to you, I wanted to know if you l-liked me, at least. I thought it was wrong because Sam's my girlfriend, that's what I know but I was so curious of you. G-gusto ko malaman kung bakit ka...bakit gano'n ang tingin mo sa akin, kung bakit mo ako inaalagaan. Kung bakit nandoon ka."

"T-tama na..." iling ko at sumubok umalis pero muli niya akong hinawakan pabalik.

"You have this effect on me, Philie." He reached for my hand and placed it on his chest, making me feel his beating heart. "Y-you make my heart this fast whenever I see you. I-I wanted to see if you really liked me so I-I said those words to her."

"F-for what?"

"T-to see if you're hurting," bulong niya at tumungo kaya mas nahulog ang luha ko.

"Let me go," bulong ko at hinila ang kamay ko sa kanya, "your reason's bullshit."

"I felt it, Philie, please...m-mahal kita. I was confused feeling that way to you when I saw you the first time again and I'm sorry...I was an asshole to even try that trick just to see if y-you're really into me...I was fucking jealous of those men around you so I don't want to believe it."

"That's enough, Gelo." Mahinang sabi ko at hinawi na ang mga luha, "I understand your doubts, of course, you can't remember me. I-I understand, it's just that...nagkakasakitan na rin naman na tayo."

"Philomena..." he shook his head harshly. "Babe—"

"We might have fixed it but it'll still end up like this one way or another." I lifted my head to look at him. "Just...process the divorce papers, please? Ayoko na..."

Tumalikod ako at mas binilisan ang paglalakad. I can hear his desperate voice calling me but I didn't look at him. Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa matanaw na ang bahay pero naabutan na niya ako bago pa man makapasok.

"Philie," he called and softly pulled me. Nang magtagpo ang mga mata namin ay kita ko nang hilam ng luha ang kanya kagaya ng akin.

His was soft, longing and filled with regrets and sadness. My heart squeezed, as if it would be too hard to breathe normally again.

"P-please?" I whispered. "J-just process the divorce, a-ayaw ko na. Itigil na lang natin 'to."

"I-is it really what you want?" the pain in his broken voice is obvious and it pained me more as I nod my head.

"Y-yes," mahinang sagot ko at tinitigan ang mga mata niya. "I want you gone. P-please, let me go. Umalis ka na..."

One by one, tears fell on his cheek and I looked down. Unti-unti, kinalas ko ang daliri niya na nakahawak sa pulsuhan ko at tumalikod, hindi na muling lumingon pa sa kanya.

It was harder to sleep that night, pabiling-biling ako sa higaan. Malalim ang iniisip hanggang sa napagod na lang at nakatulog nang sumapit na ang madaling-araw.

I woke up off the weather, I felt sick and even vomited. Masakit ang ulo ko nang bumaba at naabutan ang mga magulang na inaantay ako.

"Oh, Philie, ayos ka lang?" ani Tatay kaya tumango na ako at tahimik na nagtungong kusina pero natigilan nang makita ang dalawang malalaking plastic.

My forehead creased, I took one and opened it—only to get shocked there were Kiwis inside.

"Galing iyan kay Angelo, anak." Ani Nanay kaya natigilan ako at nilingon siya.

"Bakit..."

"Nakita namin sa labas, anak." Ani Tatay, "mukhang kaninang madaling-araw pa 'yan. Tignan mo't mukhang may sulat."

I immediately opened the other plastic and saw a folded paper, kaagad ko iyong kinuha para basahin at ayaw ko mang maramdaman ay sumikip ang dibdib ko.

To my Philie,

Hi, babe! I bought you Kiwis last night, I'm so sorry if it's just that since they have no stocks left. Don't worry, I talked to the owner and asked if they could give you supplies every week to eat and they agreed. You can just wait there every week for your Kiwis.

Anyway, I'm so sorry if I couldn't say goodbye to you. I'm on my way to Manila now to process our divorce papers. I'm sorry for stopping you to process this, don't worry, your lawyer would inform you about the process and updates.

I love you, Philomena. I may be an asshole but I know now why I married you. It was because you're amazing, beautiful and I'm in love with you so much. Hindi ako si Gelo na maingay at bastos kung wala ang Philie ko. You'll always be the only woman I would love this much. Eat well, my babe piglet. I hope you won't lose your smile again because of me.

No matter what, you'll always be my wife. I'm always your Mr. Yelo, Philie ko. Sa 'yo lang ako palagi. Sa 'yong sa 'yo lang. Mahal kita. Sobra.

Sincerely yours,

Gelo ni Philie

Bumagsak ako ng upo sa upuan at napatungo.

This is what I like...this is what you want, Philie.

It was hard but I know this is what I wanted to do. Nasasaktan ako dahil nasanay na akong nand'yan palagi si Angelo kaya ngayon ay naninibago pero kahit mahirap ay unti-unti rin akong nasanay.

From: Atty. Sandejas

Greetings, Miss Suarez! I just wanted to inform you about the divorce updates. I will send it in the email you provided. Thank you.

Napatitig ako sa Kiwi na kinakain, dalawang linggo na ang nakaraan no'ng umalis siya at ito ako ngayon—tulala at tahimik na kumakain.

"Kaya naman natin 'to, baby, 'di ba?" bulong ko at saglit na humaplos sa tiyan ko.

Nahulog ang luha ko at ipinikit ang mata, sumasandal sa upuan namin at muling hinaplos ang tiyan ko. Muling sumagi sa isipan ko kung paano ko nalamang buntis ako tatlong araw na ang nakakaraan.

I noticed I was moody and emotional, mabilis akong mairita at kung ano-anong pagkain ang hinahanap. I am vomiting for some mornings but it wasn't regularly kaya noong una'y akala ko wala lang pero nang mapansing grabe ang bilis kong magalit ay kinabahan na ako.

I took pregnancy tests, five to be exact and found out I am indeed pregnant. Kaagad akong bumisita ng OB sa kalapit at nalamang mahigit dalawang buwan na akong buntis.

"Kaya naman," bulong ko at maliit na ngumiti. "Of course, kakayanin ni Mama Philie para kay baby."

"Oh, Philie! May bisita ka." Mabilis kong hinawi ang luha at umayos ng tayo para sumilip at nakita ang head ng barangay ng San Isidro, niyaya ako kung p'wede ba akong maging hurado sa contest at sino ba naman ako para tumanggi?

Former Reyna ng Dinibdibang Lupa ako kaya sobra ang privilege nila para mapapayag ako.

I laughed and shook my head.

Pero totoo naman? Marami nang naging bagong Reyna pero ako ang 'di makakalimutan? Paano ba naman kasi at todo-awrahan ako noon, English spokening pa buong contest para magpapansin sa Judge kaya 'yon—sa sobrang papansin ko'y 'di na nila ako nakalimutan.

"Thank you for coming, Dra. Suarez!" bati sa akin ng Captain sa Barangay namin habang nakikipagkamay.

"Walang anuman po, Cap. It's such an honor." I smiled.

"Oh, nasaan na ang upuang maganda? Ibigay iyan sa Reyna ng Dinibdibang Lupa ng Isidro!" sigaw pa niya at natawa ako nang nagkukumahog ang mga kasama namin doon para bigyan ako ng upuan sa may table ng Judges.

Last week, I was a guest para sa Miss Dinibdibing Lupa kaya ngayon dito sa mga lalaki'y Judge ako at naniniwala silang maganda raw ang paningin ko at tama sila diyan!

When the introduction number from a dance troop was finished, I was thrilled and excited. Nagtawag na ang host ng mga contestants at ang dadaming gwapo kaya napapatango ako.

"Sinong bet mo sa kanila, Madame Philie?" my gay co-judged asked kaya napaisip pa ako.

"Wala pa, eh."

"Paano sa mukha? May bet ka na bang pinakagwapo?" she asked kaya sumulyap ako sa limang candidate na nauna nang lumabas at medyo napailing.

"Wala pa, eh. 'Di ko pa sure, mamaya antayin ko kapag lalabas na lahat." I said.

"Aba't, iba talaga ang mapanuring mat ani Madame Philie!" kalabit sa akin ng isa, "sanay na sanay na ba makakita ng super gwapo sa Maynila?"

"Immune na sa gwapo 'to." Turo ko sa mata kaya nagkatawanan kami.

"For our next candidate!" the host announced and checked his notes.

Inabot ko naman ang iced tea ko roon bago sumimsim habang nakikinig at nanunuod.

"Naniniwala siya sa kasabihang Ang estudyanteng 'di makapag-aral, multiple choice ang inaabangan! Please welcome Ang Hari ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro candidate number 6...Dean Angelo Samaniego!" saktong lumabas doon sa stage ang nakabusangot na si Angelo at sa gulat ay nabuga ko ang iniinom.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co