Kabanata 8
Kabanata 8
"Bakit ka naman napatawag, anak?" narinig ko ang lambing sa boses ni Nanay.
"Wala lang po, na-miss ko lang kayo ni Tatay." Sagot ko, humuhugot ng hininga.
"Hmm..." bumuntonghininga siya, "may problema ka, ano?"
"Po? Wala, Nay. Ikaw talaga." Mahina pa akong tumawa pero tila ayaw maniwala ni Nanay, nanahimik siyang saglit bago muling nagsalita.
"Inaalagaan mo ba ang sarili mo riyan?" tanong niya, "alam kong nagtatrabaho ka riyan para makatulong sa amin ng Tatay mo pero h'wag pabayaan ang sarili mo, Philomena."
"Hindi ko naman po pinapabayaan, Nay—"
"Asus, ikaw na bata ka. Eh, bakit malungkot 'yang boses mo?" tanong niya at mukhang nahuli na ako kaya humugot ako ng hininga at sumandal sa may pader, ipinipikit ang mata.
"Nami-miss ko nga kasi kayo, Nay. Kumusta na ang San Isidro no'ng nawala ang kagandahan ko?" tanong ko pa, pinapagaan ang atmosphere.
"Ayon, nagliwanag ang San Isidro..." sagot niya at nang suminghap ako ay tumawa na siya.
"Nanay nga! Inaaway mo ako palagi!" reklamo ko.
"Oo nga, anak. Noong nandito ka, madalas maulan." Aniya at mas humaba ang nguso ko.
"Nanay!" tawag ko pero mas natawa pa siya at habang pinapakinggan ang boses niya ay wala sa sariling napangiti na ako at nakagat ang labi. "Ayos lang talaga ako, Nanay. H'wag ka mag-alala."
"Anong bilin ko sa 'yo noon? Noong umalis ka rito para magtrabaho sa Maynila?" tanong niya pagkaraan.
"Na alagaan ang sarili?" sagot ko.
"Atsaka?"
"'Tsaka...h'wag papahirapan ang sarili, kapag pagod na ay magpahinga." Sagot ko.
"Tama," aniya, "atsaka ang sabi ko sa 'yo, noon pa kahit bata ka pa. H'wag mong ibabase ang kasiyahan mo sa ibang tao."
"Opo..." I nodded.
"Hindi ko alam anong mayro'n at bakit ka malungkot at napatawag ngayon, anak. Sabi mo ay ayos naman ang mga ka-trabaho mo at masaya ka riyan kaya kahit ano mang bumabagabag sa 'yo, magiging maayos din 'yan." She muttered. "Basta magtiwala ka."
"Tomorrow will be better?" I asked.
"Oo, tomorrow will be better." I heard how she smiled, "hindi man bukas, anak, pero darating ang isang bukas na magiging ayos din ang lahat. Cheer up ka na! Hindi ako sanay na ganyan ang boses mo."
"Sorry, Nay." I chuckled, "napapa-English ka tuloy sa akin."
"Oo nga..." mas tumawa siya, "hala ka, Philomena at dumudugo na ang ilong ko!"
"Naks naman, Nanay ko Englisher na! Foreigner ka, gurl?!" I exclaimed.
"Pesteng bata 'to!" she hissed at sa dulo ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko, lalo na nang nagkatawanan kaming dalawa.
Lumabas ako ng cubicle ng banyo nang mahimasmasan na, pumunta sa may sink para sana maghugas ng kamay pero bumukas ang pintuan at pumasok ang pamilyar na babae.
She's pretty, unang tingin pa lang ay halata mong anak-mayaman. Mahaba ang kulot na buhok, halatado ang make-up pero 'di mapagkakailang maganda kahit wala ito at sopistikada.
"Oh, are you the lady..." umpisa niya nang makatabi sa pwesto ko, sumusulyap sa akin sa salamin.
"Ah, oo, Miss." I answered, tahimik na kumukuha ng hand soap, kinakalma ang sarili sa kabila ng kalabog sa puso.
"Hmm, I see...who are you, anyway?" she asked, kumuha rin ng hand soap.
"Doctor ako rito," sagot ko, tahimik na binuksan ang faucet. "Pasensya na sa abala, naistorbo ko ata kayo ni Doc."
"Ah, it's okay..." she giggled. "We just missed each other so much, we haven't seen each other for months! Kaya ayon..."
Parang piniraso ang puso ko, naramdaman ko ang bigat no'n kaya lumunok ako at mas binilisan ang paghugas.
"Nakakahiya nga at nakita mo," she chuckled, I can feel her staring at me. "Hayaan mo next time, magla-lock kami ng pinto."
Shit...
I bit my lower lip, pinatuyo ko ang kamay at sumulyap sa kanya, she's a bit taller than me, lalo na at naka-heels siya pero sinalubong ko ang mata niya.
"Yes, Miss. It's better if you locked the door, para walang istorbo." Sagot ko at maliit na ngumiti. "Excuse me."
Sinundan niya ako ng tingin habang papalabas ako at tahimik akong umalis doon, taas-noo pa noong una pero kaagad na kumuyom ang kamay pagkalabas.
You're always stupid, Philomena. Attracted ka talaga sa mga sakit ng loob. Peste.
Bumalik ako sa clinic ko para sana kumain na lang mag-isa pero kaagad kong nakasalubong si Doc Jonathan.
"Oh, Dra.!" he greeted and smiled.
"Doc," tawag ko at tumango sa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap," aniya kaya nagtaka ako.
"Bakit, Doc? May emergency ba? Or may ipapagawa ka?" tanong ko pero umiling siya sa akin at ngumiti.
"Hindi, nakasalubong ko kasi si Dr. Samaniego, may emergency siya sa isang pasyente at sabi mo'y sabay kayo kakain...ayon, naisip ko na baka 'di ka na makasabay sa kanya kaya..."
"Ah, sure!" itinaas ko ang paper bag at ngumiti sa kanya. "Sayang naman, Doc, kung 'di mauubos. Tayo na lang ang kumain?"
"That's good!" he said in glee, "'tsaka kapag break or hindi office hours, Jon na lang itawag mo sa akin o kaya Jonathan."
"Bakit naman, Doc?" ngiti pero umiling siya, mukhang nahihiya, napapahawak pa sa batok.
"Wala lang...nakakahiya." I saw him reached for his nape, "uh, what I mean is, we'll be close soon, lalo na kapag Pediatrician ka na."
Napangiti ako roon at tumango, "okay, Doc, I'll call you by your name kapag hindi office hours. Philie na lang din itawag mo sa 'kin."
Sabay kami ni Doc na naglakad, nakasalubong ko pa si Phoebe at Dr. Castiel na magkahawak ang kamay kaya natigilan ako.
They both froze too, nang makita ako ay dali-dali silang nagbitaw kaya napakurap-kurap ako. Kaagad na nahanap ng mata ko si Phoebe na namimilog ang mata.
"Angelo said we'll join you for lunch," Doc Castiel said kaya sumulyap ako sa kanya.
"Ah, oo!" Phoebe muttered, "may emergency patient kasi siya kaya kami na lang muna."
"Ayos lang," ngiti ko kaya natigilan sila. "Kasama ko muna kakain si Doc Jon."
"Doc, Nurse, it's okay." He said, "ako na sasama kumain kay Philie."
Nakita kong sumeryoso ang dalawa roon.
"Pero sabi kasi ni Doc—"
"Okay lang, I have no plans of dining with Dr. Samaniego today." I answered at nakita kong natigalgal sila, "what I mean is, busy kasi siya..."
Hindi sila nakapagsalita at bago pa man may masabi ay sumama na ako kay Doc para kumain sa cafeteria.
Luckily, the foods I cooked today is still edible. Masarap naman at nanlibre pa si Doc na mango shake kaya masarap ang pagkain naming dalawa.
He's fun to be with, medyo maingay at palakwento kaya nakakatuwa. I never got bored while talking to him na kahit nakabalik na kami sa clinic after lunch ay patuloy pa rin.
He taught me things about Pedia ward and what I should do in situations if given, muli naming binisita ang mga bata roon na tuwang-tuwa, nakipaglaro habang chine-check sila.
Pumunta ako sa Nurse station pagkatapos para i-check ang ibang records ng kids at si Phoebe ay kaagad na naupo sa tabi ko at sumilip.
"Uy, bestfriend..." she said.
Inangat ko ang tingin, nabakas ko kaagad ang pag-aalala sa mata niya kaya nginitian ko na.
"Bakit?" tanong ko, "chine-check ko lang records ng mga bata." Marahang sabi ko.
"Ayos ka lang? Ayos lang kayo?" aniya kaya napakurap ako at muling sumulyap.
"Ako? Ayos lang naman, bakit?" sagot ko habang nakangiti.
"Weh?" nguso niya, "eh, bakit ganyan 'yang ngiti mo?"
"Huh?" I chuckled. "Bakit paano ba ngiti ko? Ito naman, 'di ka pa ba sanay—"
"Ja-fake 'yan, eh." Tinusok niya ang pisngi ko. "Kapag ngumingiti ka medyo nawawala mata mot apos halatang happy ka tapos ngayon—don't tell me nag-away na naman kayo ni Angelo?"
"Huh?" nag-iwas ako, "hindi, 'no, ayos lang kami—"
"I saw Samantha earlier," she noticed, "I saw her went out of Angelo's clinic. Naunang palabas si Doc tapos kasunod siya, nakita mo sila?"
Hindi ako kaagad sumagot, nagsulat ako ng note sa records ng mga bata at narinig ko ang marahas niyang buntonghininga.
"I knew it...muntik ko nang maging crush 'yan si Doc Yelo pero ngayon thankful akong kay my loves lang ako kekendeng." She sighed kaya medyo ngumisi ako at sinulyapan siya.
"Bakit naman?"
"Kasi p'wede ko siyang batukan!" she sighed, "iritadong-iritado ako riyan no'ng pagkatapos no'ng convention! I don't know what exactly happened pero no'ng lumayo ka sa amin tapos 'di ka man lang nagba-bye no'ng pauwi ka na sa San Isidro, na-sad ako."
My heart fell when I heard that, kaagad kong inabot ang kamay ng kaibigan at pinisil.
"Phoebe, sorry..." I sighed, inabot ko ang kamay niya at pinisil. "Ang sama ng ugali ko, ni hindi ako nakapagba-bye sa 'yo noon. Ano kasi—may hindi lang kami pagkakaintindihan ni Gelo."
"I tried reaching you, alam mo ba?" mahinang sabi niya kaya napakurap-kurap ako.
"Huh?" I asked.
"Sa FB! In-add kita as friend pero 'di ako accepted!" ngiwi niya kaya namilog ang mata ko.
"Talaga?!" dali-dali kong inabot ang phone ko, "hala, hindi ko napansin! Kaunti lang kasi friends ko 'tsaka madalang ako mag-Facebook, madalas pa nag-a-add sa akin mga arabo kaya 'di ko na-check."
Ngumuso siya, sinearch ko ang pangalan niya at natantong ilang months na pala niya ako simula no'ng in-add pero 'di ko napansin.
When I accepted it, I immediately saw a photo posted and it was her and Dr. Castiel. I think they're dining here by the beach.
"Oh..." napaisip ako at tinuro 'yon. "Kayo na?!"
She gasped, nawala ang boses ko nang takpan niya ang bibig ko.
"Shh, secret lang!" reklamo niya. "H'wag ka maingay, Philie. Yari tayo kay Castiel!"
"Eh, bakit..."
"Basta, secret lang muna." She whispered, "baka ma-chismis ako ng ibang Nurses dito pero ano nga, ikaw, anong mayro'n? Nagmamadali si Doc kanina para sa pasyente pero halata sa kanyang bothered or may problema, anyare ba?"
"I...I actually saw Samantha kissed him. I heard...ex niya 'yon?"
"Pesteng yawa—" hinampas ko ang hita niya kaya suminghap siya at napatakip sa kanyang bibig. "Seryoso ba?!"
Sadly, I nodded.
"I understand, he once told me they broke up but I guess they got back together—"
"Hindi!" halos magwala na siya at pinagtitinginan na kami kaya hinila ko siyang patayo.
"Shh, secret lang." I whispered, "h'wag kang maingay, Phoebe."
"Pero paanong magkakabalikan?" she asked, "that's beyond impossible! Alam naman nating both na taong yelo 'yang si Samaniego pero 'di 'yan as in super marupok!"
"Hmm..." napaisip ako, "baka marupok siya sa ex niya—"
"Come on, he likes you so much, Philie!" she exclaimed, stopping me.
My heart jumped, inayos ko ang white coat ko at umiling.
"Hindi natin sure—"
"He talks about Philie, Philomena, babe...whatever it is always!" my mouth slightly parted when I heard her. "I swear, he likes you! Alam mo bang palagi 'yang nakabantay sa may bulletin board para malaman kung sino 'yong malilipat dito galing San Isidro and you know what, nakakahiyang aminin pero napasigaw 'yan no'ng nakita pangalan mo? Sinakal pa nga 'yong my loves ko sa tuwa niya!"
"Really?"
"Oo, ayaw mo maniwala sa 'kin..." she shook her head, "hindi naman sa botong-boto ako kay Angelo kaya ko sinasabi 'to pero this is what I know. Samantha is an ex, dati pa, past, past participle. Nakaraan!" she highlighted kaya natawa ako.
"Dami naman no'n?"
"Oo, marami kasi totoo." She pouted, "he was excited seeing you here, chika ko lang sa 'yo. Pero I'm curious, ano ba kasing nangyari sa convention? Bakit kayo gano'n?"
It made me stop, kaagad ko siyang sinulyapan at suminghap.
"Secret lang natin?" I asked and she nodded, smiling.
"Oo, secret lang. Promise, Philie!" she exclaimed, showing me her pinky finger kaya inabot ko rin iyon.
I told her everything that has happened to us. From the pool scene, sa kiss tapos 'yong sa nangyari sa amin ni Gelo but of course I didn't highlight the scene dahil masyadong public na kung nagkataon at nakita ko ang pagbusangot sa akin ni Phoebe.
"Joke lang pala, h'wag mo ng batiin si Angelo. Awayin mo lang." She muttered, annoyed kaya natawa na ako.
Of course, despite that talk with Phoebe, I was somehow relieved but that doesn't change much about what I feel.
Who knows? Baka nagkabalikan na talaga sila and I saw them getting back together and what am I? Umaasang totoong bet ako ng crush ko lang noon.
And that's on hashtag pighati.
Assuming hurts, parang mali atang sa larangan ng medisina ako pumasok. Hindi dapat ako Pediatrician, assumera lang na crush ako ng crush ko.
But anyway, I believe everything will be better in time, I just have to patiently wait for it. Maybe, this love isn't for me.
"Dra., hanap po kayo ni Dr. Samaniego?" I felt like I stopped from breathing when the nurse outside my clinic knocked and looked for me.
"Huh? Bakit daw?" I asked.
"Hindi ko po alam bakit, Dra." Sagot niya, "nagtanong po kasi if tapos na ang shift mo."
"Tell him...tell him mamaya pa!" I exclaimed and I saw her eyes widening.
"Hala, Dra.! Nasabi kong uwian mo na rin." Aniya at napatakip sa bibig kaya napasinghap na ako, "sorry po! Sabihin ko bang mamaya pa pala—"
"H'wag na, h'wag na." Iling ko at inabot ang bag, "ayos lang, sige, salamat. Kikitain ko na lang."
Nagpaalam akong paalis na, si Phoebe ay nine pa ang out kaya hindi kami magkakasabay.
"Nasa labas si Angelo," she told me and smiled, "mukhang malungkot, eh. Ewan, I heard hindi raw nakaligtas 'yong baby?"
My eyes widened, "huh? Paano?"
"Premature birth," she said sadly, "I heard lang tapos 'di raw nakaligtas 'yong baby. Kung sakaling sabay kayong umuwi, h'wag mo muna awayin, bukas na lang. Mas seryoso kasi 'yan kapag gano'n ang kaso ng pasyente niya. He's easily attached with babies kaya..."
My heart fell upon hearing that, tinanguan ko si Phoebe bago yumakap at lumabas na.
Hindi ako nagulat nang makita si Angelo na nakasandal sa may exit ng ospital pagkalabas ko, he looks lost, malayo ang tingin at seryoso ang mukha.
His brows are furrowed, his jet black eyes darkened more with the night sky. Nakapamulsa siya roon.
Muli kong naalala ang nangyari kanina, I could've leave instead but I feel heavy seeing him like that. He looks so down, nakapamulsa pa. I saw how he brush his hair with fingers frustratedly at pagkalapit ko'y dinig ko kaagad ang hugot niya ng hininga.
"Tinatawag mo raw ako?" tawag ko sa atensyon niya at nakita ko ang paglambot ng malamig niyang mata.
"Philie..." he called. "About earlier, Samantha's an ex—"
"Let's not talk about it now," marahang sabi ko at nagitla nang basta na lang niyang hawakan ang kamay ko.
"Philie, please..." his voice's begging. "I didn't know she'll kiss me, I was talking to her—telling her we're done but she suddenly kissed me. I admit I was caught off guard but I pushed her!"
I remained staring at him and saw the desperation on his eyes, "babe, I swear..."
"It's not like I'm mad, Doc." I sighed and tried pulling my hand from him, "we have no relationship in the first place so y-you..." my voice broke kaya suminghap ako.
"—you...kissing her, I have no say on that."
"Ikaw ang gusto ko, Philomena!" he exclaimed and when I lifted my eyes and saw his, I was baffled. "I know you won't believe me but it's you I like, okay? Samantha...she's trying to get back to me but I said no."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya pero iniangat niya ang isang kamay na hawak ang kamay ko para abutin ang pisngi ko.
"Hey, babe..." lambing niya. "Come on, please?"
"Gelo," I sighed and slowly looked at him. "Let's not talk about this now."
"Why not?" I saw something on his eyes, "I want to fix this first before I sleep, ayaw kong magkagalit tayo—"
"I was informed your patient's baby died?" I asked and I saw him closed his eyes and lowered his head.
"I...I think I didn't do enough." He whispered, grasping my palm. "I'm such an asshole."
"You did your best, hmm?" I hummed but he shook his head at me.
"No, I could've done something more so I could save the baby." He whispered and when I noticed the sadness on his voice, I found myself pulling him for a hug.
Sighing, he hugged me back. He buried his face on my shoulder, his arms wrapped on the small of my back and we stayed like that for a few moments.
"Shh, you did your best, okay?" marahang sabi ko. "Maybe...maybe the baby's not for us para sa ngayon, maybe the baby's not for his mother for now."
"Why does it have to be like that?" he muttered, "I don't understand why does the mother have to lose the child..."
"It's sad but sometimes, may mga bagay na nagdaraan lang pero hindi naman pala talaga para sa atin." Bulong ko.
When he asked if he could take me home, I wanted to refuse but didn't do so, gustong damayan siya ngayong gabi.
We were side by side, walking towards his car, not talking but it felt comfortable.
Natigil ako sa paglalakad nang may natapakan, I lowered my eyes and saw my untied shoelace. Umayos ako, akmang tutungo pero hindi pa man ako nakakadukwang ay may humawak na sa braso ko.
I saw Angelo stopping me and to my shock, he slowly knelt his one knee in front, gently tying my shoelace for me.
"Angelo..." I called.
It was a serene feeling seeing him tying my shoelace like that. The cold wind blew on my face, lumipad ang buhok ko at halos marinig na ang kalabog sa puso sa nakikita.
"Be careful, baka madapa ka." He said, lifting his gaze at me and underneath the moon above, I saw his blazing eyes looking...at me.
"S-salamat, tara na." I said, nag-aalangang umalis at nauna na paalis, maitago lang ang panginginig ng tuhod.
I noticed him glancing at me from time to time during our ride but I remained quiet, he respected it nonetheless, hindi siya nagsalita buong biyahe at tahimik akong inihatid sa tapat ng kwarto ko.
"Good night," he said, alanganin pa, tila pinagmamasdan ang ekspresyon ko kaya tumango ako at sumagot.
"Good night." Sagot ko at tahimik na isinara ang pintuan.
Kinabukasan ay maaga akong umalis, siniguradong wala siya sa labas at para 'di rin kami magkasabay papasok.
I was expecting I'll reach the hospital first but to my shock, he was already here. He's talking to a woman, smiling, I've never seen him looking so friendly like not but to me kaya kaagad na kumunot ang noo ko.
The lady has small dimples too, she looks kinda young...maybe in her early twenties? She extended a paper bag for him and he took it, looking pleased.
"Sino 'yan?" I whispered to myself.
Angelo chuckled when the woman told him something, nakita ko kung paano niya yakapin ito at hagkan sa noo.
So not Samantha, huh? Iba naman?
Wow, Angelo! Ano ako? Display?
Umagang-umaga ay wala ako sa mood, ang assigned secretary ko ay mukhang nagulat din sa biglaan kong entrada.
"Doc, good morning!" she exclaimed in shock and I flashed a small smile.
"Good morning, nice to finally meet you." I said.
Umagang-umaga ay busy na kaagad ako sa papeles, well, of course I chose to drown myself in patient charts instead of thinking of Angelo. That brute! Ang lamig daw kunwari pero babaero?!
"Good morning, Philie!" ngiti ang isinalubong ko kay Doc Jonathan nang pumasok siya, "ang fresh natin, ah?"
"Good morning too, Doc." Ngiti ko pabalik. "Fresh ka rin, ah?"
"Gano'n talaga at nakita ka sa umaga," he teased.
Bigla akong natawa roon, natawa rin siya at lumapit sa akin, ginulo ng bahagya ang buhok ko.
"I like your bangs, Philie. You're cute, para kang Korean."
"Ikaw talaga, Jonathan. Sino ka, si Jun Pyo?" I asked and when he showed me his kunwaring singkit eyes ay napahagalpak ako ng tawa.
"Oo, Jan Di." He answered.
"Ay santisima, Doc!" halos mapatalon kami sa gulat nang sumigaw ang secretary ko, she looks horrified glancing at something kaya sinundan ko at halos mahulog ako sa swivel sa nakita.
Si Dean Angelo Samaniego ay masama ang tingin sa amin habang nakasilip ang mukha sa siwang ng pintuan.
"Angelo!" I exclaimed in shock.
He didn't say anything, his cold eyes glanced at Jonathan and back to me. I saw how his jaw clenched kaya suminghap ako at tumayo.
"Uh, Doc, Ji...p'wedeng sa labas muna kayo? Usap lang kami ni Dr. Samaniego." Sabat ko.
I saw how Angelo entered the clinic, suot pa ang itim niyang collared shirt at white coat, may ballpen ang bulsa at parang wala lang na nakasandal, nag-aantay ng biyaya.
"Is it important?" Jonathan asked, "if you want, I can stay her—"
"Mas importante pa sa mukha mo." Angelo answered blanky and I gasped, halos batuhin na siya ng ballpen na hawak.
"Dean Angelo!" I hissed and he smirked.
"Yes, Philomena?" he asked, tila nang-aasar pa kaya napapikit na ako ng mariin at umiling, bumabaling kay Jonathan.
"Sige na, Jon. Labas muna kayo."
"Will you be okay?" he asked, touching my forearm at halos mag-transform na si Angelo sat alim ng titig niya sa kamay ni Jonathan kaya suminghap na ako at halos itulak na ang huli.
"Sige na, ayos lang ako." Ngiti ko pa and he sighed, nodding, nang daanan niya si Angelo ay umiigting ang panga ng huli at kunot na ang noo.
"You're a shareholder her, Dr. Samaniego but if you did something to Philie, I'll kill you." Jonathan said, "ayusin mo."
"Mukha mo ayusin mo," yabang ni Angelo pabalik sa kanya.
"Ano?" dumiin ang boses ni Jonathan at nagtagisan sila ng tingin.
"Ano? Ano?" hamon din ni Angelo, halos magkasingtangkad lang ang dalawa kaya nag-martsa na ako, mabilis na inabot ang tainga ni Angelo at hinila.
"Philomena!" he hissed and I smiled at Doc Jon, nodding.
"Sige na, Doc." Lambing ko pa at pagkaalis niya lang ay 'tsaka ko binalingan si Angelo at tinanggal ang hawak ko sa tainga niya.
"Problema mo?!" I hissed immediately.
"You're serious, huh? What is that man? He likes you?" entrada niya pa.
"And so? Bawal ba?" I smirked, folding my arms on my chest. "Masama bang may ibang lalaking bet ako—"
"Oo, kasi sa akin ka!" he hissed and I laughed, flipping my hair at his face.
"Oh? Gago ka." I hissed when he closed his eyes, tinamaan ng buhok ko ang mata niya. "Sasabihin mo 'yan tapos may babae ka rin? Lelang mo, Dean Angelo! Wala kang betlog! I like you, Philie, ka pa kagabing scammer ka—"
"The hell are you saying?" he asked, "I told you last night, Samantha's an ex! I swear—"
"Oh, it's not Samantha. You have another girl! Maang-maangan ka pa, eh, huling-huli ka sa akto!" sigaw ko.
"What?!" he looks confused, "ikaw lang ang babae ko, Philomena—"
"Ikaw lang babae ko, Philomena!" I mimicked with a mocking voice, "h'wag ako, Samaniego! May pa-cold-cold ka pa riyan tapos playboy ka pala!"
"Playboy, my ass..." he looked pissed. "Baka ikaw? You have me and you have boys around, you're the playgirl! Not me!"
"Liar! You're the playboy here! Ako lang babae mo, huh? Kwento mo sa pagong! If I know, I was just your side chick—"
"You're not a fucking chicken, Philomena! You're a piglet!" he exclaimed and my jaw dropped.
"Gago ka, ah?!" I hissed, "nang-iinsulto ka ba?!"
"No!" his eyes widened, "I mean, you're a little piglet, my babe—"
"Stop calling me, babe!" iritado kong sabi, "doon ka sa babae mo, 'yon tawagin mong babe! May pa-kiss ka pa sa noo tapos payakap—"
"What?!" his forehead creased, "Philomena, have you seen—"
"Oo!" I exclaimed, "I saw you, you womanizing stone man!"
He sighed, he frustratedly ran his fingers on his hair and sighed, glancing at me.
"Babe, it's not what you think it is—"
"Sus, galawang manloloko 'yan!" I spatted, "h'wag ako, Samaniego!" galit kong sigaw.
"Listen, okay?!" halos mapigtas na ang litid sa leeg niya. "Let me explain—"
"You don't have too! Paki ko ba sa 'yo, akala mo ba ikaw lang lalaki ko? Sorry, Doc, pero side chick lang din kita." I said and when I saw him stunned, "gulat ka 'no?"
"What the hell are you saying?" his jaw clenched.
"Na marami akong boys. Hindi sa pagmamayabang pero Reyna ako ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro kaya habulin ako ng lalaki! Malungkot nga tao sa barangay namin kasi wala ang kagandahan ko—"
"Stop messing around—"
"I am not messing around!" I exclaimed, "I have boys around, you see. Hindi lang ang Hari ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro! Mayro'n din akong Juan, Pedro at Matteo—oww, I also have Manny, milyonaryo 'yon sa amin."
"I'm fucking billionaire, Philomena!" he exclaimed and I gasped.
"Weh?" gulat kong sabi pero tumikhim bigla, "p-paki ko? I'm not after your money, ano. Sila kasi ang tinitibok ng puso ko tapos side chick lang kita."
"Damn it, Philomena." He heaved a deep sigh and I raised my brow at him.
"Damn it ka rin!" laban ko.
He glared at me, I glared back at him at nagtagisan kami ng tingin hanggang siya na ang tumalikod.
"I'm done here." He said in finality.
"I'm done with you too! Maging violet sana 'yang betlog mo!"
He walked out on me, I walked out too, halos sipain na ang swivel ko at suminghap, mas lalong na-bad trip.
"So, kailan ang sequel ng LQ niyong dalawa na walang label?" Phoebe whispered while we're walking,
"Walang LQ kasi walang kami." Malamig kong sagot, inaayos ang chart habang kasunod siya.
"Ano ba kasing nangyari? Bigla na lang kayong nagsigawan ata sa loob? Walang nakarinig kasi naka-soundproof ang clinic mo pero kita sa labas 'yong bangayan niyo, kulang na lang daw magsabunutan kayo."
"Wala 'yon." Sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay kaya umiling ako. "Kwento ko next time."
While I was doing my rounds, I stopped when I saw Angelo walking with Castiel. His hands on his pocket, natulala kaming dalawa nang magkatitigan kaya dali-dali akong umiwas ng tingin.
I heard him scoffed too at nauna na ako kay Phoebe paalis, iritado na naman.
Kasabay ko si Jon sa lunch, sa kabilang lamesa ay naroon sina Phoebe, Dr. Castiel at Angelo, nahuli kong nakatitig sa akin si Angelo sa kabila kaya umirap ako at biglang tumawa.
"H-huh?" biglang nagulat at natakot sa akin si Jonathan kaya ngumisi ako.
"Ikaw talaga, Jon! Super joker ka!" I exclaimed and smacked him and he was weirded out at first pero tumawa rin at nakisabay sa akin.
Sa paglingon ko ng pasimple sa kabila ay nakita ko kung paano galit na tinusok ni Angelo ang manok sa plato niya, halos baligtarin na ang lamesa nila.
Wala kaming pansinan buong shift kahit palaging nagkakasalubong. Niyaya pa ako ni Phoebe na mag-party saglit at kaunting inuman dahil off namin bukas at ayaw ko sana pero sabi niya'y wala si Angelo kaya sumama ako pero...of course, I was scammed.
Nagkagulatan kami ni Angelo sa sasakyan ni Castiel.
"Anong...Phoebe?!" baling ko sa harapan at nag-peace sign lang ang bruha.
"Tss...I said no piglet." Angelo muttered but I heard it.
"Anong sabi mo?!" I exclaimed and he just raised his brow at me, umirap at supladong bumaling sa bintana kaya suminghap ako at bumaling sa bintana rin.
Nasa magkabilang gilid kami, kita ko ang pasulyap-sulyap ni Castiel at Phoebe sa amin kaya sinamaan ko ng tingin ang kaibigan na nag-iwas ng tingin sa akin.
Biglang lumiko si Castiel, sa sobrang biglaan no'ng ay nahulog ako ng bahagya papunta sa pwesto ni Angelo at napatili.
"Oppss...naliko!" ani Castiel.
"Cruz!" Angelo hissed when he caught me. "Careful, you fucker!"
"Sorry, boss!" aniya at tumawa at napasulyap ako sa kamay ni Angelo sa baywang ko, ang isa'y nasa kamay ko at unti-unti ay nagkatinginan kami at biglang nag-irapan.
Halos ihagis niya ako pabalik sa pwesto ko kaya pasimple ko siyang sinipa at iritadong bumalik.
Halos takasan ko sila pagkarating sa hang-out place raw. It was a barbeque type of resto. May mga iniihaw habang nag-iinuman at nagugutom na rin ako kaya hindi na ako kumawala sa kanila.
Magkatabi si Castiel at Phoebe sa kabila, kami naman ni Angelo'y nasa magkabilang dulo ng mahabang upuan doon, walang-imik.
"Luh, 'di pa rin kayo bati?" Castiel asked and I scoffed.
"Tss..." I heard Angelo kaya umirap ako, dali-daling binuksan ang canned beer at diretsong ininom.
"Philie, 'di ka pa kumakain!" Phoebe exclaimed, I saw Angelo glared my way pero wala akong pakialam na tumungga kahit hindi sanay sa inuman.
Si Phoebe at Castiel lang ang nag-uusap, pinapak ko ang barbeque habang tuloy-tuloy na umiinom doon, hindi pinapasin si Angelo na sulyap nang sulyap.
"Ano ba kasing problema niyong dalawa?" Castiel asked us.
"Tss, tanong niyo 'yang Angelo na playboy. Kunwari cold pero babaero!"
"I said I am not, Philomena." He sighed, annoyed. "That's Amber for pete's sake! She's my youngest sister!"
"Lelang mo, youngest..." I hissed, a bit drunk, medyo nahihilo na.
"What? You don't believe me? Ask them!" he hissed, pointing the two kaya natawa ako at bumaling sa dalawa.
"Maniwala ba ako? Babae niya 'yong Amber eh, 'di ba?" I asked, confident pa pero nakita kong nakatulala sila sa akin kaya natahimik ako. "What?"
"That's...that's his sister." Ani Phoebe kaya suminghap na ako.
"Weh? Nagjo-joke kayo, eh! Pinangtatanggol niyo ang babaerong 'to—"
"It's his sister," ani Castiel kaya natigilan ako, mabilis na sumulyap kay Angelo na kumunot lang noo sa akin, supladong nag-iwas.
"True ba?"
"Tss, you weren't even listening." Aniya kaya suminghap na ako, biglang nahiya at diretsong napainom ng panibagong can ng beer.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko roon, suminghap ako, tuloy-tuloy ang inom ko dahil sa hiya at hindi na alam ang sunod na mga ginawa.
"S-sorry na, Gel..." I whispered, clinging on his arms, pouting.
"You're drunk, Philomena." He sighed, touching my arm. "Stop drinking—"
"'Di ako lalasing kaya!" I smiled widely at him, "'di ako lasing...hindi..."
"Oh, sure, you weren't..." he sighed, touching my waist. "But you should stop drinking."
"Sowi muna..." nguso ko at inilapit ang mukha sa kanya.
"Philomena—"
"Galit ka pa rin?" I whined and he sighed, shaking his head.
"No, you're just drunk and—"
"Attention everyone!" I exclaimed, standing and I heard the three cursed.
"Philomena!" mariing tawag ni Gelo, inaabot ang kamay ko pero tinulak ko lang ang kamay niya at nilaklak ang alak.
"Everyone! Tignan niyo ang kagandahan ko!" I exclaimed.
"Shit..." I heard curses beside me, "Philie—"
"A-alam niyo ba? Itong...itong gwapong 'to sa tabi ko!" I exclaimed when I got everyone's attention. "Love na love ko 'to!"
"Philie..." Phoebe called, "girl, pagsisisihan mo 'yan bukas—"
"Ito si Angelo!" I exclaimed and pulled Angelo up but he was cursing, embarrassed. "G'wapo 'no? Wala kaming label pero nag-kiss kami!"
"Fucking shit, Philomena!" he exclaimed and I heard laughter from the people around.
"Kaso gagalit siya sa akin..." malungkot kong sabi.
I heard the awws from people around, I saw Castiel taking a video kaya ngumisi ako sa camera at kumaway doon.
"Ako...ako si Philomena." I pointed myself. "Ang Reyna ng dinibdibang Lupa ng San Isidro!"
"Babe..." Gelo sighed and tried pulling me, "tara na—"
"At si Angelo ay akin lang!" I exclaimed, lifted Angelo's hand na kaagad na nasapo ang mukha sa hiya kaya napatawa na ako.
"Hihiya ang Mr. yelo ko, shy ka?" lambing ko and he shook his head, blushing, as expected kaya mas natuwa ako.
"Philie—"
"Yes, babe?" I gave him a soft smile and he I saw how he froze on the spot. "G-ganda ko, ano?"
He didn't answer me kaya inabot ko ang can ng beer niya, lumagok ng alak bago siya balikan ng tingin.
"Uy, tatlo na eyes mo! Illuminati ka?"
"Shit..." Angelo cursed and I heard people chuckling kaya ngumisi ako.
"Joke lang! Galit kasi sa akin si babe Angelo ko!" I said, "pero Gelo, seselos lang talaga ako..." I touched my chest.
"Sasakit 'yong heart ko kasi akala ko may iba kang girls. Alam mo kung bakit seselos si Philie?" I asked, sounding weird and he stared at my eyes.
"Why, then?" he asked.
"Kasi..." ngumuso ako. "Kasi love na ata kita...tapos...tapos...ikaw, dapat akin ka lang."
"I'm only yours, tho." He answered, his jet black eyes staring intently and my cheeks flushed when I heard giggles around.
"Si Angelo...si Angelo ay kay Philie lang." I said in finality, walang pasabing naupo sa kandungan niya.
I almost lost my balance but he caught my waist to assist me, kaagad ko rin siyang niyakap sa leeg at tumitig sa mata niya.
"You're mine, Gelo. Mine. Mine." I muttered in finality before pressing my lips against his.
It was just quick, I felt how he bit my lower lip, licking it sensually before whispering.
"Let's talk, Philomena...privately." He whispered and damn, that talk is a scam. A freaking scam.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co