Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 7

heartlessnostalgia

Kabanata 7

"Paano mo nalamang gusto ko ng baby's breath na flowers?" tanong ko habang inilalagay ang ibinigay niyang bulaklak sa vase ko, hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niyang binigyan ako nito ngayong linggo na 'to.

"Secret," he answered, fixing our foods on the table.

"Wow, ang lakas!" nguso ko at inamoy ang bulaklak.

"Dati lang, ikaw 'yong taong literal na may isang salita tapos ngayon may pa-secret ka ng nalalaman?" sabat ko, naglakad palapit sa kanya at nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya at sumulyap.

"Well, I've learned from the expert." He smirked. "You."

Pinanliitan ko siya ng mata, pairap akong humawak sa upuan para umupo at makakain pero pinigilan niya ang kamay ko kaya nagtataka ko siyang sinulyapan.

"Let me lift a chair for you, babe." He said, nagulat ako at biglang nag-init ang pisngi, nagugulantang pang tinitigan siya.

"Plastik nitong taong yelo na 'to," I commented. "Parang dati lang halos ihambalos mo sa akin ang upuan, ah?"

"Tss, you have ways to ruin the mood, hmm?" he spatted, halos pwersahin na niya ako paupo kaya natatawang naupo na ako.

"Hindi nga kasi ako makapaniwala, Gelo! Parang no'ng nakaraan kailangan ko pa guhitan ng smiley face 'yang mukha mo para ngumiti ka ta's ngayon..."

"I am not the person I am yesterday," he insisted. "And don't pretend as if you don't like it."

"Excuse me?" tinaasan ko siya ng kilay. "Aba't sinong nagsabi sa 'yong gusto ko nga?"

"You're blushing, babe." He smirked when he saw how stunned I am, binasa pa niya ang ibabang labi habang nauupo sa harapan ko. "Like that, you're blushing again."

"H-hoy..." napahawak ako sa pisngi ko, "h-hindi, ah! Excuse me—"

"Don't worry, you're still beautiful." He said seriously, tilting his head a bit, his hooded jet black eyes are saring intently kaya ngumuso ako at biglang impit na napatili.

"M-malandi ka!" I hissed, sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa at biglang umangat ang sulok ng labi niya at mahinang tumawa.

"My adorable babe's blushing," he commented. "Can I hear an oink-oink?" he chuckled handsomely and I took the table napkin ang threw it on his direction but he caught it mid-air.

"Shh! H'wag mo akong landiin at hindi pa stable ang mental capacity ko sa kalandian ng isang taong yelo!" I hissed, earning a chuckle again from him.

"What? You're the weak one now, huh? I thought you'll melt the ice with your warmth and charm, Philomena?" he asked, tumatayo habang hawak ang table napkin, pumupunta sa pwesto ko.

"Oo nga, kaso 'di ba, changed person na nga ang magandang Philie na 'to kasi wala kang bayag?" I asked and he chuckled, marahang inilalapag ang table napkin sa gilid ng lamesa ko at ipinatong ang kamay sa may likod ng upuan ko, nakatayo pa rin sa tabi ko.

"Who says I don't have that?" he asked kaya mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ano?"

"I have one, a very big one." He smirked at namilog ang mata ko nang dumukwang siya ng bahagya, hawak pa rin ang likod ng upuan ko at ipinantay ang mukha sa akin. "You've seen it too, babe. Want a recap?"

"Ikaw, napakabastos mo—" he gave me a quick peck on the lips, namilog ang mata ko sa gulat.

"Angelo!" I hissed, "bakit ka—" he gave me another kiss, a chaste one. Medyo nagtagal ang damping iyon pero naramdaman ko ang senswal niyang pagdila sa ibabang labi ko, pasimple pang kumakagat kaya nakuyom ko lang ang kamay ko sa gulat at nanatiling nakatulala sa kanya.

"You're talkative," he commented, moistening his lips, still staring at my eyes. "But I'm more talkative now, don't you think I deserve another kiss?"

"Angelo!" matinis ko ng tili at napahagalpak na siya, mabilis na umayos ng tayo at namulsa pa.

"What? You like another kiss?" he asked, amazed. "Oink-oink muna—"

I kicked his foot, napangiwi rin siya pero nang samaan ko na ng tingin ay tatawa-tawa siyang namulsa at bumalik sa upuan niya, parang wala lang na iniunat pa ang kamay at sumipol, kinukuha ang wine.

"I think I'm full, nakakabusog pala 'yong halik ng maliit na piglet—" nahuli niya akong may nakakamatay na titig kaya nakagat niya ang labi at tumikhim.

"Okay, I'm shutting up now." He said, tila sumusuko pero natatawa pa rin at nilagyan ang baso ko ng wine na dinala pa niya rito sa kwarto ko galing sa unit niya sa itaas.

We started eating, he's just silently watching me habang eksaherada akong humihiwa ng beef na niluto raw niya. Sosyal pa nga ito at may gamit pa ata siyang wine at dahoon-dahon no'ng niluluto na akala mo'y sa restaurant kami.

"Ikaw nagluto?" I asked and he nodded, bahagyang tumayo at inangat ang plato niya.

"Yes, here..." he answered at nagitla ako nang ang naka-slice na beef sa plato niya ay inilagay niya sa pinggan ko.

"Gelo..." I called and he didn't say anything, kinuha niya ang minumurder kong karne sa plato at 'yon ang inilagay niya sa kanya.

"What?" he asked he saw me stunned. "It's okay, you eat that one. I'll take this." He said and my lips protruded.

"Huh?" I asked, nangingilid na ang luha kunwari and he nodded, glancing at me boastfully.

"Yeah, I'm a thoughtful man, Philomena." He said proudly, "you don't have to thank me, a kiss would do."

But I remained looking at him and he stared back, "why...I know I'm thoughtful and a gentleman but you don't have the cry—"

"Akin na 'yan," I said in a small voice.

"Hmm? No, mahihirapan kang mag-slice, it's okay, you don't have to cry and thank me—"

"Paano ako magti-thank you eh, mas malaki 'yang karne na 'yan?" I asked and he stopped, nag-freeze ang ngiti niya at napakurap-kurap sa akin.

"What?" he asked, "I thought you'll thank me—"

"Tss, mas gusto ko nga 'yong karne ko kasi mas malaki kaysa sa 'yo tapos kukunin mo. You're heartless." I hissed and his mouth parted, looking lost at doon na ako napatawa ng malakas.

"Akala mo fall na fall na naman ako sa 'yo?" ngisi ko at nakatulala lang siya sa akin kaya napatawa ako at winagayway ang tinidor sa itaas.

"Iiyak na si Gelo, iiyak na si Gelo! Si Philie ay may one point! Ding! Ding! Ding!" I even wiggled my body and he stared at me intently then, I saw how a small smile escaped his lips as he shook his head.

"Alright, you got me there." He smirked, "you won. Hands down, babe." He even lowered his spoon and fork and lowered his head as if he respects me kaya napatawa na ako ng malakas at inabot ang buhok niya para guluhin ng bahagya.

"Good boy, gusto ko 'yan, tinatanggap mo ang pagkapanalo ng kagandahan ko." I said and he chuckled, nakita kong naghiwa siya ng karne at muling inilapit sa akin para ilagay kaya nagtaka ako.

"Hoy, joke lang." Tawa ko, "masyadong serious—"

"Nah, eat this." He said, inilalagay ang nahiwa niyang halos kalahati sa plato ko. "I have to feed my babe so she could maintain being a little piglet."

"Alam mo, Angelo, pangit mo ka-bonding." I hissed at nang tinawanan na niya ako ay umirap na pero napatawa rin sa huli.

Nalaman kong nalaman niya na favorite ko ang baby's breath dahil 'yon ang cover photo ko sa facebook account ko. Nagulat pa nga akong nalaman niya tapos no'ng pag-check ko sa facebook ko'y naka-add pala ang loko.

Halatadong kagagawa dahil walang lamang kahit ano, walang profile picture, cover photo ni isang shared post, wala ring friends kaya mukhang profile ng scammer kaya in-accept ko na at kawawa naman.

But...I'm his first facebook friend!

I believe in ubod ng kagandahan ni Philomena supremacy!

"I'll...go now." Pabitin pang sabi ni Angelo nang nakalabas na sa pintuan ng kwarto ko.

"Kdot." I answered and he frowned at me.

"You're so cold," he spatted kaya ngumisi ako.

"Sarreh, babaeng yelo na ako." I said and gave him a poker face at nakita kong bigla siyang natawa at umiling.

"Alright then, ice woman." He said, "good night. I'll see you at the hospital."

I nodded, humahalukipkip pa habang nakatitig sa kanya.

"Can't I get a good night too?" he asked, tinataasan pa ako ng kilay kaya ngumuso ako.

"Wala, bakit, reklamo ka?" siga ko pang tanong, "demanding na manliligaw 'to."

Nagliwanag ang mata niya, tumikhim siya at namulsa, tumititig sa mga mata ko.

"So...I can court you now?" tanong niya kaya natahimik na ako, nakagat ko ang labi, naalala bigla ang nasabi kaya tumikhim ako at umiling.

"Wala kong sinasabi, ah." Nguso ko at umatras para pumasok sa pinto. "Tss, balik na sa lungga, Gel! Shoo!"

"Good night, Philomena." He smiled, nagwala na naman ang puso ko sa biglaang ngiting iyon mula sa kanya kaya tumikhim na ako at umayos ng tayo, tumango lang at ngumisi, unti-unting isinara ang pintuan pero wala pang ilang saglit ay dali-dali akong nagbukas at naabutan siyang naglalakad na palayo.

"Good night din! Pogi mo, Doc!" tila nag-ra-rap kong sigaw at nang nilingon niya ako at natawa ay umirap lang ako at parang wala lang na pumasok pabalik sa kwarto, tahimik na tumitili at tinakbo ang vase ng bulaklak, niyayakap iyon at bahagyang kumembot.

The next morning, masaya akong pumasok sa trabaho. Kinausap ko muna sina Nanay bago pumasok kaya energetic na energetic ako.

"Good morning, Dra.! May schedule po kayo ngayon ng visitation sa pedia ward with Doc." Kaagad akong lumabas ng banyo at sumilip.

"Hello, thank you!" I smiled, "ngayon na ba?"

"Opo, siya po magiging senior niyo for the residency." She smiled kaya napatango na ako at inayos ang suot na labcoat at ang simpleng itim na dress sa loob nito.

Naglagay ako ng kaunting tint sa pisngi at labi, inayos pa ang bangs bago naglakad palabas ng banyo.

Kaagad kong nakita ang nurses na nagkukumpol-kumpol, may kausap sa parte roon. Naglakad naman ako para bumati.

"Hello, good morning!" masayang bati ko at ngumiti.

Medyo nagsilayuan ang nurses, lumingon sa akin ang isang babae at namilog ang mata ko nang makita kung sino iyon.

"Phoebe?!" halos lumabas na ang ngala-ngala ko sa sigaw.

"Philie!" she gasped in shock and we're like kids, kaagad kaming nagyakap at tumili-tili, patalon-talon pa.

"Hala, Phoebe! Dito ka rin pala!" masaya kong sabi.

"Oo! Nakakaloka ka, nag-quick vacation lang ako tapos pagbalik ko narinig ko kay my loves ko na dito ka raw nagtatrabaho ngayon kaya dumiretso ako rito!" she exclaimed.

"Oh, the girls are energetic today, I see." Naghiwalay lang kami mula sa pagkakayakap ni Phoebe nang makarinig ng nagsalita.

Sabay kaming naglingunan at napangiti at napangiti nang makita si Doc Castiel na nakangiti.

"Doc!" I smiled.

"Welcome, Philie. It's nice seeing you here." He greeted me.

"Ngayon ko lang kayo nakita rito, ah?" I asked, "ilang linggo na rin akong pumapasok."

"I just had a quick vacation," he answered me kaya napaisip ako, bahagyang suminghap at sumulyap kay Phoebe na nangingisi sa akin.

"Nag-honeymoon kami, Philie—"

"Phoebe..." Doc Castiel warned at nagulat ako nang tumawa si Phoebe at umiling-iling doon sa amin.

"Joke!" she exclaimed, "inaakit ko pa si my loves ko pero malapit ko ng mabingwit—" she didn't get to finish her words when Doc Castiel covered her mouth, napangisi ako nang hilahin niya ang huli at sumulyap sa akin.

"Your pedia senior is looking for you, Dra." Ani Castiel at maliit na ngumisi, "please don't mind this woman's mouth."

Phoebe is still trying to say something pero wala ng lumalabas na maayos na salita sa bibig niya dahil sa pagtakip ni Doc Castiel sa bibig niya pero bago pa siya mabuhat ng huli ay pinakitaan pa niya ako ng okay sign kaya natawa ako.

Nagtungo ako sa Pedia ward at first time na makita ang Pediatrician na senior ko, he's a good man, kind and handsome.

"Dra. Philomena Suarez?" he smiled.

"Yes po, Doc. Philie na lang po for short." Ngiti ko at tumango siya, inilalahad sa akin ang kamay.

"Nice meeting you, Dra. Philie. I'm Jonathan." Aniya at bigla akong napatawa. Naiwan sa ere ang kamay niya at nagtaka sa akin kaya napasinghap ako bigla at napalo ang bibig ko.

"Sorry, Doc Jonathan. Nice meeting you!" Dali-dali akong nakipagkamay sa kanya, "sorry po at natawa ako, namangha lang ako kasi kapangalan mo 'yong kakilala ko taga sa amin."

Of course, I lied just to save my face.

"Oh, I see..." he smiled, "you're beautiful, Dra. I know the kids would love to meet you, nabisita mo na ba sila?"

"Yes, Doc." I smiled, "sorry po kahit wala pang guide bumisita na ako." I chuckled.

"Oh, no worries about that, Dra." Aniya, "mas maganda nga iyon at hindi mabibigla ang mga bata kapag may bago na silang doctor."

Dr. Jonathan is a good man, Jon for short daw, I found out he's just the same age as Angelo at siya talaga ang head ng residency dito sa ospital sa Pedia ward at single pa! Nasama lang bigla sa usapan namin no'ng naglalakad at talagang palabiro siya.

Noong makapasok ako sa pamilyar na simpleng playground sa Pedia ward ay kaagad kong naamoy ang mabangong pabango na nasa kwarto, relaxing pa sa pakiramdam.

"Hello, kids! I'm back, do you miss me?" Dr. Jonathan started off at kaagad na natigilan ang mga bata sa paglalaro.

"Doc Jonathan! Dra. Philie!" they screamed and a laugh left my lips when they ran towards us.

"Hello, kids! Na-miss niyo ba si Doktora?" lambing ko habang ibinababa ang katawan para pantayan sila.

"Opo, na-miss po namin si Doktora ganda!" they cheered and my heart felt lighter and at peace while watching the kids' lovely faces.

"Na-miss din kayo ni Dra.! 'Di ko kayo nabisita, kids." I said.

"Dahil po diyan, ponytail niyo po ang hair namin!" one of the girls said and a small laugh left my lips when they pulled me towards the colorful floor at nakipag-bonding ako sa kanila habang tumutulong kay Dra. Jonathan na mag-check sa mga bata.

I was glad and honored when he praised me, sabi niya'y ngayon lang daw siya nakakilala ng aspiring Pediatrician na ganoon sa mga bata kahit una pa lang.

"Okay, next. Sinong lalagyan ni Dra. ng ipit sa buhok?" I asked and the girls raised their hands.

"Okay, Stacy. Ikaw muna since ikaw ang unang nagtaas." I called before smiling sweetly and I saw her giggled while hugging her teddy bear.

Stacy is a leukemia patient, she doesn't have hair anymore but she's wearing a wig at para hindi siya malungkot kapag tinatalian ko ang mga kasama niya ay tinatawag ko siya para suklayan ang wig niya at iparamdam sa kanyang hindi siya naiiba sa mga kasama niya.

I memorized the kids' faces and names noong pagkarating ko pa lang, nakakastress din kasi medyo marami pero worth it ang stress after makita ang ngiti ng mga bata nang malamang kilala ko sila.

Oh, I love kids so much. I can't wait to officially be a Pediatrician. Tatapusin ko lang talaga itong residency ko sa pedia department at maaabot ko rin iyon.

Dr. Jonathan and I decided to stay with the kids for hours, si Doc ay sobrang lapit din sa mga bata kaya napapangiti akong lalo.

What a healthy work environment!

"May binili akong mga pantali sa buhok, nasa opisina ko." Dr. Jon told me, naupo sa tabi ko habang inaayusan ko si Stacy.

"Papa Dean! Papa Dean!" I was startled when Stacy on my legs stood abruptly and ran somewhere, kasunod niya pa ang ibang mga bata at namangha ako sa gulat nang makita si Angelo na papasok saw ward.

He's wearing a navy blue polo shirt and trousers, may suot din siyang white coat at ang seryosong mukha ay nawala nang makita ang mga bata.

"Hey, kids. Did you miss Papa Dean?" He said with a smile and my heart pounded when our eyes met.

"Opo! Opo! Miss po namin Papa Dean!" the kids answered at nagulat ako roon.

"Karga po, karga!" Stacy said and my heart pounded when I saw how Gelo carried the little girl on his arms, inabot pa ang isang bata sa kamay niya para hawakan habang naglalakad papunta sa akin kaya napatayo ako at napalunok.

"Dr. Samaniego," Doc Jonathan called when he stood beside me, sinasalubong si Angelo na malamig na bumaling sa kanya.

"Dr. Ramos." He greeted back and Dr. Jon nodded and smiled.

"Ngayon ka lang ulit napabisita sa pedia ward, ah?" he asked and Gelo nodded, hindi na siya nilingon at bumaling sa akin.

"Have you eaten, babe?" he asked when our eyes met kaya namilog ang mata ko sa gulat.

"H-huh?"

"Oh, she's a resident." Dr. Jon chuckled lowly, "this is Philomena, Angelo."

Angelo just glanced at him briefly and nodded, walang salitang bumaling na naman sa akin.

"I waited for you but I found out you went here early," parang wala lang na sabi niya kaya tumikhim ako at pasimple siyang pinalo sa likod.

Stacy and the little kid glanced at me when I did that kaya bahagya akong natawa at inayos ang coat ni Angelo na nagusot sa palo ko.

"A-ah, may inasikaso lang kanina." I answered awkwardly and glanced at Dr. Jon. "Ah, Doc, kakilala ko na po itong Doc Angelo, nakasama ko siya sa convention abroad."

"Oh..." he nodded and smiled, glancing at Angelo, "I see..."

"Friend ko po." I emphasized and not a moment later, the ice man is glaring at me.

"I'm not—I'm courting you, Philomena—" bigla akong humalakhak at sinuntok ang balikat niya.

"Close friend ko 'to, eh. Super funny mo talaga!" napatawa pa ako ng malakas at pumalakpak kaya awkward ding napatawa si Dr. Jon doon.

"Funny? Oh, I didn't know Dr. Samaniego is funny!" he stated, sinasabayan pa ang awkward na tawa ko at palakpak.

"Papa Dean, funny!" Stacy exclaimed and laughed, clapping her hands too kaya nakisabay ang ilang bata at nabawasan ang awkwardness.

"Comedian talaga 'to," I smiled cutely, pinching the glaring Angelo's cheeks, mukhang bubugahan na ako ng apoy.

"I'm not your friend, I'm courting—"

"Ah, Doc!" baling ko ng biglaan kay Dr. Jon na biglang napatalon at napahawak sa kanyang dibdib.

"O-oh? Why, Dra.?"

"Ah, 'di ba, hanap ka po sa Nurse station?" I asked and his forehead creased.

"I'm not—"

"Hanap ka, Doc!" I exclaimed, stopping him.

"Really?"

"Opo," hilaw akong ngumisi. "Tawag ka po kanina, hindi mo po ata narinig." Palusot ko sa kahihiyan sa bibig ni Angelo.

"Oh, I see..." napahawak siya sa batok, "I'll be right back, Dra. Philie. Let's eat lunch together."

"Po?"

"Let's eat lunch, so we could learn more about each other." He smiled and waved, walking away and I caught Angelo following him with his dark, serious eyes, parang dragon na.

"What the f—"

"Shhh, Dean Angelo!" I hissed and he cleared his throat, realizing the kids are there.

"What the f—fish!" he said and glanced at the kids, "do you want to see the new fishes in our pond, kids?" bawi niya sa mga bata.

"Opo! Opo!" they cheered at nang magkatinginan kami ni Angelo ay inilingan ko siya at bumusangot lang ang huli at tinaasan pa ako ng kilay.

Ayan na, nagsusungit na naman po siya, mga kababayan.

The kids are happy and excited upon going outside to check on the new fishes sa pond sa may garden. May mga Nurse ding nandito para tumingin sa mga bata at naupo kami ni Angelo sa may sementong upuan habang nagmamasid sa mga ito na naglalaro.

Nagsalubong ang mata namin, I smiled and he just raised his brow at me.

"Hala, good morning din sa 'yo, Dr. Samaniego."

"Tss..."

Napatawa ako bigla at lumapit sa kanya, "ano 'yan, Dr. Dean Angelo woke up and chose violence. Namimili ka ba ng mood everyday tapos ang napili mo 'yong bad mood?"

Kumunot ang noo niya, I saw his lips pursed before going into a firm line.

"Sungit...uy..." I called and elbowed him playfully. "Selos ka?"

"Jealous my ass..." he scoffed.

"Weh?" ngisi ko, natatawang mas dumikit sa kanya, "nakabusangot ka kay Doc, eh. H'wag ka na selos, mabait naman 'yon si Doc, gwapo pa ng pangalan. Jonathan."

He froze, mabilis niya akong nilingon.

"What? Isn't he Jon Ramos?" salubong ang kilay niya nang tanungin iyon.

"Ano?" natawa ako, "Jon ang nickname pero Jonathan ang full! Gwapo ng name, ano? Naalala mo 'yong Papa ng baby ko—"

"Philomena..." he warned kaya napatawa na ako.

"'Yong Hari ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro!"

"One more word and I'll kiss you." He threatened pero tumaas lang ang kilay ko at humalukipkip.

"Siya ang Daddy ng baby ko—" of course, he wasn't kidding. He pressed his lips against mine, I even felt him bit my lower lip—sensually licking it and when he moved away from me, I am positive I am beet red.

"I'll be the father of your children, you understand me?" he asked me seriously, staring intently at my eyes and I gulped miserably before answering.

"Luh, asa ka..." I said and gave him a foolish grin.

"Philomena!" he hissed and I ended up laughing when he sighed, walang pakialam na tumungo para yakapin ang tagiliran ko.

"Oh, ano 'yan? Lambing-lambing na? Pagkatapos mong magnakaw ng halik?"

"Damn Jonathan, 'di kayo bagay." He hissed, burying his face on my neck.

"Anong hindi bagay?" tawa ko, "paanong bagay, eh, tao kami?"

"Tss, Jonathan and Philomena is JonNa. What is that, a singer's name? Fucking corny." He whispered at napahagalpak na ako ng tawa.

"Seryoso ka ba?!" tawa ko at pinalo siya pero nagsumiksik lang ang loko sa leeg ko.

"Meanwhile, Philie and Angelo is PhiLo." He whispered. "Philo means love, now, that's destiny. It's fucking meant-to-be."

Mas lumakas ang tawa ko, pinalo-palo ko pa ang hita niya at narinig ko rin ang tawa niya pero hinawi niya lang ang buhok ko at humalik-halik sa leeg ko.

"Hoy," tawa ko. "Stop it, may mga bata, oh!" I hissed and smacked him.

"Tss..." he hissed, "damot, hahalik lang, eh."

Halos sumisipa na siya sa lapag nang alisin ang yakap niya sa baywang ko at ang ulo sa leeg ko. He was frowning, humalukipkip siya at iritadong sumandal sa upuan.

"PhiLo means love, huh! Philomena ang pangalan pero madamot." He muttered out of nowhere kaya nakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngisi.

"Attitude ang Gelo ko na 'yan, ah?" tawag ko pero mas lumalim lang ang gatla sa kanyang noo roon. "Gelo..." I called in a sing-song.

"May nagsasalita ba? I can't hear anything." He said, still staring at the kids kaya mas kinilig ako.

"Angelo," I called. "Hoy, babe."

He froze, I knew it affected him right away at nakita ko ang pasimple niyang sulyap sa akin pero nang mahuli akong nakatingin ay bumusangot at parang walang narinig.

"Babe," I called. "Angelo-babe. Gelo ko. Babe, babe, babe! Oink-oink!"

"What?" he asked me boredly, sumusulyap na, nagtatago pa ng emosyon pero halatado kaya ngumisi ako.

"Ikaw, ha...babe pala?"

His brows furrowed, "it's not what you think it is..." ngumisi ako.

"I'm not!" he exclaimed at mas ngumisi ako kaya suminghap na siya. "Hindi ako marupok sa 'yo, Philomena—"

"Babe?" lambing ko at nag-beautiful eyes at napatitig siya sa akin ng ilang segundo bago napasinghap.

"Fuck..." he cursed, giving up kaya malakas akong napatawa at ninakawan siya ng halik sa pisngi sa sobrang tuwa.

"Cute mo, kaloka!" I hissed and when our eyes met, sabay kaming nagkatawanan doon.

"You're fucking corny, Philie." He scoffed.

"You're freaking cheesy, Dean Angelo." I said with a smile at naiiling niyang inabot ang buhok ko para ayusin.

"Kumain ka na?" he asked in a low voice, brushing my bangs gently with his fingers.

"Opo, kaninang umaga." I said with a smile and he nodded. His reddish lips are slightly parted while he's busy fixing my hair, hindi naman ako makalma at pasimpleng kinikilig.

Akalain mo 'yon, crush ko lang noon, kalandian ko na ngayon?

Naku, Nanay will be proud! Hindi na lang diploma ang kayakap ko sa magdamag!

"Papa Dean!" sabay kaming napalingon at napangiti nang makita si Stacy na may hawak na isang pirasong bulaklak at naglalakad sa amin.

"Hello, Stacy." I flashed a small smile.

"Hello po, Dra. pretty!" she smiled widely and I saw how Gelo softly carried her, pinaupo niya si Stacy sa hita niya habang nakaharap silang dalawa sa akin.

"What did you bring, Stacy?" Angelo's voice is gentle when he asked the kid.

"Flower po! Para po kay Dra. Pretty, Papa Dean!" she smiled widely.

"You can call her Mama Philie, Stacy." He said and glanced at me, "right, Dra. Pretty?"

"Can I po?" she asked me, her eyes were wide and gentle and my heart softened more while staring at her.

I know Stacy has no parents anymore and she's being treated here in the hospital dahil kasama siya sa foundation kaya habang sinasabi niya iyon ay nangingiti ako.

"Of course, Stacy-pretty." I touched her cheek, "you can call me Mama Philie and...he's your Papa Dean." Baling ko kay Angelo at may tagong ngiti sa labi.

"Yehey! I have a family na! Papa Dean and Mama Philie!" she cheered happily and gave the flower to Angelo. "Papa, give mo po ang flower kay Mama Philie!"

I saw Angelo smirked, kinuha niya ang bulaklak na inilalahad ni Stacy at ipinakita sa akin.

"For Mama Philie?" he asked me in a low baritone kaya mas nangiti ako, lalo nan ang marahang iniangat niya ang tangkay nito, inayos ang buhok ko bago ipitin iyon sa may itaas ng tainga ko.

"Beautiful," he muttered when our eyes met kaya napalunok ako.

"Dr. Samaniego?" nawala ang tinginan naming dalawa at napabaling, nakita namin ang secretary ni Angelo na nakatayo roon na may alanganing ngiti.

"Hello po, Doc, Dra., pasensya na po sa abala." She smiled.

"What is it, Belle?" Angelo asked.

"Uh, may bisita po kayo sa opisina, Doc." She answered.

"What? I have no visitor schedule for today." Prenteng sagot ni Angelo at tumango si Belle at tumikhim.

"Opo, Doc, pero si Ma'am Samantha po kasi nando'n. Surprise visit daw po." She answered and I saw how Angelo stopped and sighed.

"Tell her to go home," aniya at sumulyap sa akin, "busy kami ni Philie—"

"Hoy, ikaw talaga..." I shook my head at him, "may bisita ka, oh. Puntahan mo na, baka importante."

"Tss, that's nonsense, Philomena. Nothing's more important than you—"

"Isa..." I warned, "come on, ayos lang ako, kami ng mga bata. Puntahan mo na ang bisita mo at mag-hello. Sabihin nila attitude ka kasi 'di mo sinisipot."

He stared at me, nginitian ko siya at tumango.

"Come on, sige na..." I encouraged, "ayos lang."

He looked hesitant at first but then, he glanced at his secretary and nodded kaya umalis na ito.

"Kiss muna," he even requested kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy, may bata!" I hissed and he just smirked, whispering something to Stacy at mayamaya pa'y nagtakip ng mata ang bata.

"There, where's my kiss now?" he asked me playfully kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi ako pupunta ro'n. Belle—"

"O-oo na, oo na!" I exclaimed and sighed, looked around I saw him pointing his cheek on me.

When I saw no one is looking, I moved my head to kiss his cheek pero mabilis siyang pumaling kaya ang labi niya ang nahalikan ko.

"Samaniego!" iritang sabi ko pero natatawa siyang kumindat, humalik pa sa ulo ni Stacy bago i-abot sa akin ang bata.

"You two stay here first," he said and glanced at me. "Mamaya ka sa akin, Philomena."

Natatawang pinagmasdan ko siyang papaalis, seryoso na naman kaya napailing ako.

He's quiet but he's talkative and acting like a kid when he's with me...I'm overwhelmed.

Noong lunch ay kinailangan ng pakainin ng mga bata kaya pinapunta ko sila sa kwarto nila para kumain. Dr. Jon asked me about our lunch pero naisip ko ang tantrums ni Angelo kaya nag-sorry ako at sinabing may sasamahan muna kumain at next time na lang at mabait naman si Doc kaya hindi ako nahirapan.

May baon akong pagkain na niluto ko kaninang umaga, kanina pa ako nagplanong sabay kami ni Angelo sa lunch kaya dalawang serving ang ginawa ko.

Pagkarating ko sa clinic ni Gelo ay wala si Belle sa labas, naisip kong lunch ng apala kaya kumain marahil kaya naglakad ako patungo sa pintuan.

I was about to knock when I realized na medyo nakaawang ang pinto kaya marahang tinulak ko na lang iyon para makapasok.

Bitbit ko ang paper bag ng pagkain namin ni Gel, baon pa ang ngiti habang papasok at natulala sa nakita.

Angelo was standing, nakapamulsa at seryosong nakatingin sa babae. I saw how the woman hugged Angelo's nape, tiptoeing and pressed her lips against his.

Sa gulat ay nabitawan ko ang paper bag sa lapag kaya nag-ingay, huli na para makaalis ako dahil natulak ni Angelo ang babae at napalingon sa akin, nagulat din.

"Philie!" he called and I gulped, mabilis na inabot ang paper bag sa lapag at sumulyap sa dalawa.

"U-uh, sorry sa abala..." I said, flashed a small smile at walang pasabing tumalikod, halos tumakbo na palabas sa opisina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co