CHAPTER 01
Thank you sa mga nagfa-follow at nagvovote every chapter. Bawal magsabi ng bitin at next chapter matic block agad.
"Are you listening to me Nicollo? Anong sasabihin ng mga tao sa ginawa mo? Mayor ka pa naman tapos manunutok ka ng baril." Ang galit na sabi ng 47 years old na si Sienna sa bunso at nag-iisang anak nilang lalake ni Eros na si Nicollo. Kanina niya pa ito tinatawagan pero dahil alam din siguro ng anak na sesermunan niya ito ay hindi nito sinasagot ang tawag niya kaya hinintay niya na lang din umuwi.
"Mommy nasa tama naman ako, kung hindi pa ako mismo nag-ikot ikot malamang hindi ko mahuhuli 'yong mga enforcer dito sa Burgos na nangongotong pala sa mga driver." Pag-rarason ng binata sa kanyang ina, sobrang napikon lang talaga siya lalo pa at siya mismo ang natyempuhan ng dalawang traffic enforcer sa bayan nila ng Burgos. Nakasanayan na kase niyang mag-ikot-ikot lalo na kapag gabi sa bayan nila at nag-disguise nga siya noong nakaraan gamit ang kotse ng bayaw niyang si Aidan na asawa ng Ate Miracle niya. Hindi siya nakilala ng enforcers dahil maliban sa naka sumbrero siya ay nag face mask din siya.
"Pero nakita nga sa CCTV diba? Nanutok ka ng baril! Paano kung nabaril mo 'yon ha? At napatay mo? Sige nga." Dagdag pa ni Sienna, buti na nga lang at naagapan ang cctv video at hindi na kumalat pa sa social media dahil kung nagkataon siguradong makakasuhan ang anak nila kahit pa sabihing Mayor ito.
"Tapos na 'yan baby, tsaka dapat nga pinatamaan man lang nitong anak natin 'yong mga enforcer na 'yon para magtanda at hindi tularan ng iba." Sabat naman ni Eros habang kumakain ng pinadalang chicharon ng kaibigang si Oscar Weizman na isang restaurant owner, sa sobrang inip na yata ng kaibigan sa buhay ay pati ang pagluluto ng chicharon ay pinagkaka-abalahan na din nito.
Agad nag-isang linya ang kilay ni Sienna, habang tumatanda ang asawa niyang si Eros ay parang mas lumalala pa ang bibig nito at sa harap pa talaga ng anak nila kaya tumitigas ang ulo nitong si Nicollo eh. "Imbes na pagsabihan mo 'yang anak mo Eros, eh kinakampihan mo pa talaga."
"Hindi ko siya kinakampihan baby tsaka hindi naman ako nanunutok ng baril kagaya ng batang 'yan, iba ang tinututok ko sa 'yo diba?" Sabi ni Eros na ginalaw-galaw pa talaga ang mga kilay, kahit nagka-edad na sila pareho ng asawang si Sienna ay hindi pa din talaga nawawala ang mainit na pagtingin niya dito hanggang ngayon at sa paglipas ng panahon ay mas lalo niya lang itong minamahal.
Aba't bastos talaga ang Jacinto na 'to! "Wag mo ng kampihan 'yang si Nicollo Eros at dahil sa kakaganyan mo sa akin at imbes na pagalitan mo 'yang anak mo sa guest room ka matutulog ngayong gabi." Ani ni Sienna na iniwan na ang kanyang mag-ama sa sala. Ang pag team up pa naman ng dalawang ito ang pinaka-ayaw niya dahil talagang mauubusan siya ng pasensiya.
Anong sa guest room? "B-baby! Bakit pati ako nadamay?" Tatayo sana si Eros mula sa kinakaupuan pero narinig niya ang mahinang pagtawa ni Nicollo kaya agad niya itong binalingan.
"Wala ka pala Dad eh, wala ka pala binatbat kay Mommy eh." Pang-aasar ng binata sa ama, lagi naman ganito ang mga magulang niya. Ang Mommy niya na mabilis mapikon sa Daddy niya at ang Daddy niya na magaling mang-asar.
Akmang babatukan ni Eros ang anak pero nakatayo naman na ito agad. "Shut up Nicollo at baka mapalayas na kita dito sa bahay." Inis na sabi ni Eros, kapag nagsabi pa naman ng gano'n si Sienna ay tinototoo talaga nito at subok na subok niya na 'yon.
"Hindi mo 'yon magagawa Dad lalo kang malalagot kay Mommy." Kumuha din si Nicollo ng kinakain nitong chicharon galing sa Ninong Oscar niya, kakauwi niya lang galing munisipyo at nasaktuhan siya ng Mommy Sienna niya na alam niyang hinihintay din talaga siya.
Eros took a deep breathe, bakit ba kuhang-kuha ng batang 'to ang inis ko?
"Alis muna ko Dad, ikaw na bahala kay Mommy ha? Uuwi din ako mamaya." Paalam ni Nicollo, alas otso pa lang naman ng gabi at alam niyang gising pa panigurado ang Kuya Aidan at Ate Miracle niya pupuntahan niya muna ang mga ito at baka ayain na din ang bayaw na uminom.
"Gabi na, saan ka pa pupunta? Kakasermon lang sa 'yo ng Mommy mo tapos aalis ka na naman? Sinasabi ko sa 'yo Nicollo wag ng matigas ang ulo at dumito ka na lang sa bahay. Pati ako nadadamay sa mga kalokohan mo." Ani ni Eros, hindi nga siya makapaniwala na papasukin ng anak ang mundo ng pulitika lalo pa at sa dalawa nilang anak ay ito talaga ang sakit sa ulo.
"Pupunta lang ako kila Ate Miracle tsaka mag-iikot ikot lang din ako sa bayan." Sabi pa ni Nicollo, he's the Mayor of Burgos and one of the youngest Mayor all over in the Philippines. At siya din ang nakakuha ng mataas na boto sa bayan nila, at siguro nga isa sa naging dahilan no'n ay dahil dala-dala niya ang apilidong Jacinto. Hindi naman lihim sa probinsya ng San Joaquin na anak siya ng dating Gobernador na si Eros na minahal talaga ng mga tao. Sayang nga lang at hindi na ito ulit pumasok sa pulitika at nag-focus na lang sa negosyo nila. But still his father is guiding him on politics at may mga time na hinihingi niya ang suggestion ng ama tungkol sa kanyang trabaho.
"Wag mo ng puntahan ang kapatid mo, gabi na at baka ayain mo na naman si Aidan mag-inom." Sabi naman ni Eros, hindi pa naman na umiinom ng alak ang manugang niyang si Aidan pagkatapos maoperahan nito sa puso at kung uminom man ay tama na ang isa o hanggang sa dalawang bote.
"Kaunti lang naman Dad, tsaka sige na aalis na ko." Tinapik pa ng binata ang ama bago umalis, kung ang Ate Miracle niya noon ay todo ang higpit ang Daddy niya at bantay sarado dito ibang-iba naman pagdating sa kanya. At pinagpapasalamat niya na naging lalake siya.
Estrella..
"Thank you Tita Abby sinamahan mo ako ah." Nakangiting sabi ni Thalia ang 23 years old na anak nila Brielle at Samuel Dawson. Kasama niya ngayon ang Tita Abby niya pauwi sa kanyang rancho sa bayan ng Estrella. Bumili sila ng kabayo sa Caspir at dahil mapapagalitan na naman siya ng Daddy niya kapag nalaman nito ang tungkol doon ay ipinangalan niya muna 'yon sa Tita Abigail niya.
"Ikaw pa ba Thalia syempre malakas ka sa akin." Biro ni Abby sa pamangkin, Thalia is the daughter of her cousin Samuel Dawson the owner of one of the biggest pharmaceuticals company not only here in the Philippines but here on Asia as well the Dawson pharmaceutical company. Sa Estrella nakatira ang dalaga samantalang ang mga magulang naman nito ay sa Maynila, and what she like the most about her niece was she really preferred a simple life here on San Juaquin. Mas gugustuhin nitong magtanim ng magtanim ng kung anu-ano sa rancho o kaya naman ay manghuli ng isda sa fish pond.
"Basta Tita wag mong sasabihin kila Mommy at Daddy na bumili ako ulit ng kabayo ha?" I asked her again for the fourth times, alam ko naman hindi ako ilalaglag ni Tita Abby pero mabuti na din syempre ang sigurado. Kung minsan pa naman ay hindi makontrol ang bibig ng Tita kong ito.
"Don't worry iha kahit malaman pa 'yan ng Daddy mo wala naman na siyang magagawa dahil nabili na naman natin." Natatawang sabi ni Abigail.
Natawa ako sa sinabi ni Tita Abby, siya talaga 'yong klase ng Tita na gugustuhin mong maging Tita. Tita Abigail is so fun to be with at kahit sabihin na nagka-edad na ito ay nandoon pa din talaga ang pagka-pilya. Kaya nga lagi akong nanonood o nakikinig kapag nag-uusap sila ni Mommy noon dahil ang sarap-sarap niya magkuwento dahil talagang with matching action pa. College bestie kase silang dalawa ng Mommy ko at siya din ang naging dahilan kung bakit nagkakilala si Mommy at Daddy noon.
"Basta Thalia tama na muna ang pagbili-bili ng kabayo ha. At baka makawala 'yang mga 'yan sa rancho mo." Bilin ni Abigail, ewan ba niya at sa dinami-dami ng puwedeng alagaan ay kabayo pa talaga ang kinahiligan ng batang ito. At hindi lang kabayo dahil meroon din itong baka, tupa, kambing at kalabaw. At ito 'yong babaeng wala talagang arte sa katawan at gumagawa din talaga sa rancho nito kahit pa sabihing may mga tauhan naman.
"Secured naman ang mga kabayo ko doon Tita, tsaka anim pa lang naman sila." Nag-umpisa lang naman ang hilig ko ng ganito noong makasakay ako sa kabayo ng kaibigan ni Daddy na si Ninong Tito Gael na taga Paraiso. Ang ganda-ganda ng kabayo niya at puro high-end talaga, So when I turned eighteen hindi ako pumayag ng magarbong debu party gaya ng gusto ng magulang ko instead I asked them to buy me a land here in Estrella at doon na nga nagsimula ang lahat.
"Secured secured mabuti na ang huwag madaming alaga masyado Thalia tama na muna ang mga 'yan."
Pero paliko na sana sila sa intersection ng may biglang nag-cut na kotse sa kanila kaya agad napa-preno ng malakas si Thalia at muntik na silang magkabanggaan.
"My god Thalia! A-are you okay iha?" Abigail got worried not for herself but for her niece.
"I'm okay Tita, sorry po." I look on the color black car infront of me, sino ba ang walang modo na driver ng kotseng ito? Buti na lang at naka seatbelt kami pareho ni Tita Abigail kung hindi baka pareho na kaming sumubsob na dalawa sa dashboard ng sasakyan.
"W-wait, wait wait My god Thalia!" Malakas na hiyaw ni Abigail ng walang habas na binangga ng pamangkin niya ang sasakyan sa harap nila.
#maribelatentastories
Hi! May on hand copies pa po ako ng book ni Maximum, Hugo at Marcus. Open for installment!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co