Truyen3h.Co

The governor's son

CHAPTER 02

Maribelatenta



"Tangina!" Halos mapasubsob si Nicollo ng banggain siya ng sasakyan sa kanyang harapan. Pero hindi niya inalintana 'yon dahil hinabol niya pa ang tingin ang tatlong mga naka-motor na walang helmet at alam niyang menor de edad. Malapit na eh, muntik na sana niyang maabutan eh kaso dumating lang 'tong sasakyan na 'to. Kinalas niya ang suot na seatbelt at dali-daling lumabas ng sasakyan. Wala pa naman siyang kasama ngayon na driver at maski bodyguard pero kung sino man ang driver ng sasakyan na 'to ay lagot talaga sa kanya.

Thalia hurriedly removed her seatbelt after she saw the driver infront of them came out from the car. Lokong 'to ah, siya na nga nakabangga tapos siya pa ang mukhang matapang.

"Are you fuck--" hindi na natuloy ni Nicollo ang sasabihin ng makita ang babaeng bumaba mula sa driver side ng kulay puting Toyota hilux na bumangon sa kanya. She's wearing a maong shorts and checkered polo and black boots too. Pero hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari dahil bigla siyang sinikmuraan nito.

"Siraulo ka, ang lawak-lawak ng kalsada kung magpa-pakamatay ka huwag kang mang-damay!" Bulyaw ko sa lalakeng nasa harapan ko, ayaw na ayaw ko pa naman ay 'yong feeling siga sa daan at kung makaasta ay akala mo kung sino.

"My God Thalia! Bakit mo-- Nicollo?" Sabi ni Abigail pagkababa ng sasakyan at makilala ang nagmamay-ari ng binangga ng pamangkin niya.

Agad naman tiningnan ni Thalia ang Tita niya. "Do you know her Tita?"

"I know him iha, anak 'yan ni Eros." Nag-aalalang nilapitan ni Abby ang binata lalo pa at hawak nito ang tiyan. She saw what Thalia did to him.

"Tita Abby.." tawag ni Nicollo ng makita ang kaibigan ng mga magulang niya.

Pero bumuwelo lang pala si Abby dahil.. "Siraulong bata ka, bakit ka nang-cut ng sasakyan ha?" Sabi niya sabay kurot sa tagiliran nito.

"Aray ko Tita! May hinahabol kase ako." Ilag naman ni Nicollo sa mga kurot at hampas ng Tita Abby niya, nabigla siya sa ginawa ng babae sa harapan niya kanina ng sikmuraan siya nito lalo pa at babae nga ito! At masakit talaga 'yon!

"Isusumbong kita kay Mommy mo Nicollo, lagot ka talaga sa kanya. Nakuuuu!" Sabi pa ni Abby na naka-pameywang pa.

"Tita Abby naman may hinahabol nga po kase ako tsaka sino po ba 'yang kasama niyo? Tanong ng binata na ang tingin ay na kay Thalia. Maganda, maganda sana kung hindi siya nito sinuntok.

"Pamangkin ko 'yan Nicollo, hala sige umuwi ka ng bata ka." Tinulak pa ni Abigail si Nicollo papunta sa sasakyan nito.

"Pero Tita 'yong kotse ko." Reklamo ng binata ng makitang yupi ang unahan ng sasakyan niya, siguradong lagot siya sa Daddy niya dahil regalo pa naman nito 'yon sa kanya.

"Kasalanan mo naman 'yan, ang bilis-bilis mo kase magpatakbo ng sasakyan. Sige na umuwi ka na at 'yong tatay mo na ang bahala diyan."

"Tita Abby!" Napapadyak na lang ang binata ng akayin na ng Tita niya ang sinasabi nitong pamangkin at sumakay ang mga ito sa sasakyan ng mga ito. Damn! Paano na 'yo ngayon?

Jacinto mansion..

Isang pingot sa tenga ang nagpabitaw ng hawak na kutsara at tinidor ni Nicollo habang nag-aalmusal siya sa mahaba nilang lamesa.

"Mommy!"

"Diba pinagsabihan na kita kagabi? Hindi ka pala nakinig tapos umalis ka pa pala." Sabi ni Sienna matapos maupo sa harap ng anak, gabi na kagabi ng makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang si Abigail at sinabi nga nito ang nangyari sa anak niya at sa mga ito kagabi sa Estrella.

"Pupunta nga po kase sana ako kila Ate Miracle kagabi, tsaka nagpaalam naman ako kay Daddy ah." Sabi na eh, magsusumbong talaga si Tita Abby.

Tumaas ang isang kilay ni Eros at tsaka sinipa sa ilalim ng lamesa ang anak. Hindi na nga siya nakatulog ng maayos kagabi dahil tinotoo talaga ng asawa niya ang sinabi nito na papatulugin siya sa guest room tapos heto at idadamay na naman siya. Laya simula ngayon hinding-hindi niya na talaga kakampihan ang anak niya. "Sinabihan ko 'yan baby, sabi ko wag ng umalis pero ayaw talaga papigil." Sagot niya kay Sienna, hayyy ang ganda talaga ng asawa ko basta huwag lang mabwibwisit.

"Kaya nakabangga? Tumawag sa akin si Abigail Nicollo kinuwento niya sa akin ang nangyari kagabi." Sabi pa ni Sienna na umupo na sa upuan. "Tandaan mo hindi ka simpleng mamamayan na lang dito dahil ikaw ang Mayor kaya mag-ingat ka naman sana."

Si Tita Abby talaga oh, at kay Mommy pa talaga nagsumbong! "Nag-iingat naman po ako, may nakita kase akong nagkakarera kagabi na mga teenagers so natural hinintuan ko at sinaway ko pero ang mga loko nagtawanan pa kaya hinabol ko at hanggang doon nga kami sa Estrella nag-pang abot kaso sakto naman na nandoon din pala si Tita Abby tsaka 'yong pamangkin niya kaya ayon nagkabanggaan kami."

"So I'm sure may tama ang kotse na binigay ko sa 'yo? Sinong magpapagawa no'n? Ako na naman ba?" Sabi ni Eros, sinabi na sa kanya 'yon kanina ng driver nila kaya nga gustong-gusto niya ng batukan itong anak niya kung wala lang talaga dito ang si Sienna. Regalo pa naman niya 'yon dito tapos hindi man lang magawang ingatan. "Don't be a reckless driver Nicollo iwasan mo ang aksidente, tsaka bakit ba sige ka ng sige sa pagpapasaway sa amin ng Mommy mo? Naging Mayor din naman ako pero hindi ganyan."

"Ako na lang Dad magpapagawa this weekend, may pasok ako diba?"

Pinagsandukan ni Sienna ang asawang si Eros ng pagkain bago ulit nagsalita. "Puntahan mo mamaya pag-uwi mo si Thalia at humingi ka ng pasensya, nakakahiya kay Brielle kapag nalaman niya ang tungkol diyan." Kilala niya ang sinasabi ni Abby kagabi na pamangkin at 'yon nga ang ang anak ng kaibigan niya din na si Brielle Dawson, pero hindi naman sila madalas ng magkita dahil sa Manila ito nakatira.

"Pero Mommy bakit ako magso-sorry? Eh sinuntok nga ako no'n eh!"

Tiningnan ni Sienna ang anak, ito ang kamukha niya sa dalawa nilang anak ni Eros pero kuhang-kuha naman nito ang ugali ng asawa niya. "Dahil 'yon ang tama, kung gusto mo magpasama ka diyan sa Daddy mo tutal wala naman 'yan ginagawa at diyan ka naman nagmana."

"Baby naman ang laki-laki na niyan kaya bakit ko pa 'yan sasamahan? Tsaka hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi sa guest room dahil hindi kita katabi eh." Mabilis na reklamo ni Eros, hihilahin niya talaga mamaya ang asawa sa kuwarto nila pag-alis ni Nicollo at paparusahan niya ito! Masarap na parusa!

"Tigilan mo ako Eros at hindi na bagay sa 'yo ang mag-inarte pa ng ganyan. 'Yang si Nicollo ang kausapin mo at baka mas maging malala pa sa 'yo 'yan."

"Pero baby mabait naman ako ah!"

Nicolo just smiled while looking on his parents, kung dati sinasaway niya pa ang Daddy niya kapag tinatawag ang Mommy niya ng baby ay ngayon naman natatawa na lang siya. Even if his Dad get old hinding-hindi talaga mababago ang eanderment nito sa Mommy niya and at the age of 62 malakas pa ang ama niya.

"Mayor diretso uwi na ba tayo?" Tanong ng driver ni Nicollo matapos niyang makasakay sa kanyang kotse, saktong alas singko ng hapon siya lumabas ng Munisipyo at isang nakakapagod na naman na araw ang nangyari.

"Hindi muna Manong pumunta muna tayo sa Estrella." Sagot ng binata, hindi lang text ang natanggap niya mula sa Mommy Sienna niya kung hindi makailang beses din itong tumawag mula kanina hanggang ngayong bago siya umuwi para ipaalala sa kanya na pumunta siya sa pamangkin ng Tita Abby niya sa Estrella at humingi ng paumanhin dahil sa nangyari kagabi. Kung siya lang nunca na puntahan niya 'yon, aba unang beses 'yon na masuntok siya tapos babae pa.

Rough road ang daan papasok sa sinasabing rancho ng Mommy niya pero dahil land cruiser naman ang dala niyang sasakyan ngayon ay ayos lang. Nicollo was also with his two bodyguard, isa na nasa tabi niya at ang isa na nakaupo sa unahan katabi ng driver. At matapos nga ang halos kalahating oras na biyahe mula sa Burgos ay narating na nila ang rancho. Sa bukana ng rancho ay may malaki at gawa sa kahoy na gate, at ang nakita niya pala na nadaanan nila kanina na pader ay sakop pala ito.

So malawak ang lupain niya kung gano'n? Pinahinto niya ang driver bago bumaba ng sasakyan, nakita naman na niya ang bahay na ilang metro lang ang layo mula sa gate kaya lalakarin niya na lang siguro. And he was happy that the gate was opened so hindi na siya naghintay pa na may makitang tao at pumasok na lang basta. Pero halos malaglag ang panga niya ng makita ang isang babae na naka-puting bestida at nakasakay sa kulay itim na itim na kabayo papunta sa kanya.

#maribelatentastories

Hi! M.A series 13 Arken Dela Luna and Sultry Seductive is now on going on patreon and VIP.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co