CHAPTER 07
Hi! Makakapag update na po ako kay Arken at Samira bukas dahil hanggang bukas lang naman ang pagkaka-restricted ng fb account ko 🤦♀️😅
Pre order pa din po ng story ni Thunder at Bullet. Open for installment!
Nicollo can't feel anything now but he can describe it very well, he felt so agitated. After visiting Thalia this morning she said to him that her family will go on her ranch and she invited him to come for a dinner with them so he can meet her parents. And of course he said yes, pero iba pala talaga kapag kaharap mo ang magulang ng nililigawan mo dahil kahit pa isa siya sa tinitingalang pulitiko sa lugar nila ay nawawala 'yon dahil sa kabang nararamdaman niya ngayon.
"Kilala ko ang Mommy mo Iho, I met her a lot of times. Kumusta na ba si Sienna?" Sabi ni Brielle ng magkakaharap na sila sa dining table, she prepared dinner for tonight and cooked three delicious meal.
"Okay naman po si Mommy, busy din minsan sa farm at pag-aalaga ng mga apo niya. At ganyan din po ang sinabi niya, bestfriend nga daw po kayo ni Tita Abby." Magalang na sagot ni Nicollo, katabi niya si Thalia habang nasa harapan naman nila ang dalawang kapatid nito na sina Jasper at Noah. Jasper is 15 years old and Noah is 13 years old and they look like their father Samuel Dawson. Hindi nga niya maiwasang matawa kanina lalo pa at takot pala ang mga dalawang binatilyo sa ate nila, at literal na napapaatras ang mga ito sa dalaga.
"And your father is Eros Jacinto?" Si Samuel naman ang nagsalita, kahit alam naman niya ang magiging sagot nito ay tinanong pa din talaga niya. Magkakasama pa nga sila kanina sa Paraiso at halos kakauwi lang niya din, his daughter texted him. Sinabi ng anak na papapuntahin nga daw nito itong anak ni Eros sa rancho para makilala nila ni Brielle.
"See? Ganyan dapat. Tingnan mo seryoso talaga 'yang anak ko sa anak mo kase gusto ka makilala." Pagmamayabang ni Eros ng sabihin ni Samuel na pupunta nga daw ang anak niyang si Nicollo sa Rancho ng mga ito para makilala ang mag-asawa. Hindi din naman kase nagtext o tumawag sa kanya ang anak pero natutuwa siya at makikipagkita ito sa mag-asawang Dawson. Ito ang kabilin-bilinan niya sa anak na lalake, laging magpapakilala sa magulang ng liligawan dahil iba pa din ang respeto kapag gano'n. And he knew that they raised them very well.
"Wag mo na 'kong yabangan Jacinto dahil pag nagkamali 'yang anak mo ng sagot sa akin ay hindi talaga ako papayag na ligawan ang prinsesa ko." Masungit na sabi ni Samuel, darating at darating nga talaga ang isang bagay na kinatatakutan ng lahat ng ama. At ito na nga 'yon, ang may mang-ligaw sa anak niya na nag-iisang babae at prinsesa ng kanilang pamilya. Thalia is their only daughter, and he just knew that he have a child when their daughter was only 7 years old. Kaya naman pinangako niya sa sarili noon pa man na lahat ng magpapasaya sa anak ay ibibigay niya kahit pa medyo nai-ispoiled niya na ito. Oo hindi ito ang unang beses na may mang-liligaw kay Thalia pero ito ang unang beses na kilala niya talaga pati ang pamilya ng nang-liligaw dito.
"I told you, my son is a good man. At pinalaki namin siya ni Sienna ng maayos." Kampante pang sabi ni Eros na ininom ang hawak na alak. He understand why Samuel was like this, because he experienced this on his daughter Miracle. At natural lang talaga na ganito ang reaksyon ng isang ama kung may mang-liligaw sa nag-iisa niyang anak na babae.
"Wag lang sana siyang kaugali mo Eros dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na hindi ko siya magugustuhan para sa anak ko kapag magka-ugali kayo."
"At paano naman kayo nagkakilala nitong anak namin?" Tanong pa ni Samuel, hindi pa kase talaga sila nagkakausap ni Thalia pero dahil siguro alam ng anak na hanggang bukas lang naman sila dito sa Estrella ay pinapunta na din nito ang binata para makilala nila.
Nagkatinginan naman sina Thalia at Nicollo sa tanong ni Samuel. Pero ang dalaga na ang sumagot.
"B-binangga ko po Dad ang kotse niya." Kuwento ko kay Daddy.
Napakunot noo naman si Samuel at maski si Brielle sa narinig.
"C-come again? B-binangga mo ang sasakyan niya?" Parang hindi makapaniwala na tanong ni Samuel sa anak niya.
"It's not what you think Dad okay, pauwi na kami ni Tita Abigail no'n then itong si Nicollo may hinahabol naman na nagkakarera ng motor kaso nagkasalubong kami sa intersection dito sa Estrella. At dahil muntik kaming magka-banggaan m-medyo nag-init ang ulo ko. Like he shouldn't drive like that so sa inis ko binangga ko ang sasakyan niya." I want to tell them the truth beside my Dad can make his own way how me and Nicollo knew each other. And I'm always honest to my parents, maski noon pang maliit pa ako ay ganito na nila ako pinalaki. And this is one they asked for me when they gave me a permission to live here on my ranch, I need to be honest with them as always.
"That's good anak dahil kung ako din 'yon ay ganyan na ganyan din ang gagawin ko at talagang babanggain ko. O baka pa nga bunutan ko ng baril eh." Sabi ni Samuel na parang natuwa pa sa kuwento ng anak.
Pero agad naman siyang kinurot ni Brielle sa tagiliran. "Anong that's good Samuel? Tsaka tutukan kamo ng baril? Really?" Parang hindi makapaniwala na sabi niya lalo pa at kaharap nila ang tatlong anak. "At talagang sinasabi mo 'yan sa harapan ng mga bata?" Naka isang linya ang kilay na sabi pa niya.
"Masakit 'yon baby." Reklamo ni Samuel tsaka hinimas ang kinurot ng asawa niya. "Tama naman sinabi ko ah, kapag driver ka at gano'n ang nangyari puwedeng-puwede 'yon."
"Ah gano'n ba Samuel? Parang ngayon ko lang narinig 'yang ganyan." Nakataas pa din ang kilay na sabi ni Brielle. "Pero hindi tama 'yang tinuturo mo sa anak natin!"
Nagtawanan naman ang magkatabing sina Noah at Jasper dahil alam nila pareho na hindi nakakapalag ang Daddy nila sa Mommy nila. Pero ng tingnan naman sila ng Ate Thalia nila ay agad din silang tumahimik.
"Mom, Dad.." tawag ko sa atensyon nilang dalawa.
Samuel took a deep breathe and got his composure again. "Anyway sabi ni Thalia sa amin ikaw daw ang mayor ng Burgos?"
"Yes po, ako nga po ang mayor and this is actually my first term." Kuwento ni Nicollo, noong una pa nga ay hindi makapaniwala ang mga magulang niya na gusto niyang pumasok sa pulitika dahil alam naman ng mga ito na easy go lucky siya pero naiba ang pananaw niya sa buhay ng isama siya ng Daddy Eros niya at Tito Gerald niya sa isang community sa bayan ng Caspir kung saan nakilala niya ang mga katutubong nakatira sa bundok. Na hindi na nabigyan ng pansin ng gobyerno ng hindi na ang dalawa ang Governor at Vice Governor sa kanilang probinsya pero patuloy pa din pala tinulungan ng mga ito kahit ilang taon na ang lumipas. And he was happy knowing na may mga napagtapos na ng kolehiyo na katutubo ang Daddy niya at Tito Gerald niya and they are having a better life. So he promised to his self that he will run as a mayor and win the election so that he can help them, and he did.
"Pero anong tinapos mong course? Syempre hindi naman pang-habang buhay ang pagiging pulitiko." Pag-uusisa pa ni Samuel.
"Business course po, and ako na din po ang nagma-manage ng banana farm ni Daddy." Sagot ni Nicollo, although his sister Miracle helped him about their banana farm ay siya pa din ang mas nagiging hands on dito dahil nga pamilyado na ang kapatid niya.
"M-may farm si Eros?" Na-curious na tanong ni Samuel, parang ngayon niya lang narinig ang tungkol doon dahil ang pagkakakilala niya kay Eros Jacinto ay mang-durugas lang talaga.
"Yes po, mero'n po kaming 50 hectares banana farm sa Burgos."
Samuel smiled wickedly, as pagkakaalam niya sa narinig na presyo ng isang ektarya na lupa mula sa abogadong kaibigan na si Bullet Fierro ay nasa apat na milyon kada ektarya kaya kung 50 hectares mero'n ang mga Jacinto ay milyon-milyon nga ang presyo talaga no'n! "Good, good. Dahil diyan pinapayagan na kitang ligawan ang anak ko." Nakangisi niyang sabi sa binata.
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co