Truyen3h.Co

The governor's son

CHAPTER 08

Maribelatenta



Hi! Nakalaya na po ako sa fb prison after 2 days😅😍 4 updates for Arken and 2 updates for Sultry Seductive. Basahin niyo si Arken ang ganda😍

On going pa din po ang pre order ng book ni Kulog at Bullet, open po for installment!

And happy valentines! Tumatanggap po ako ng pa-kape😆 thank you to Ms. Cathy na nagpadala ng cake kanina, labyu!

Shit! Mahinang mura ni Nicollo matapos bumagsak na naman mula sa kabayo ni Thalia na si Amox, short for amoxicillin buti na lang at sa damuhan siya bumagsak dahil siguradong masakit sa puwetan kung sa sementado siya nalaglag. Syempre gusto niyang ipakita dito na kaya din niyang sumakay sa kabayo pero hindi naman niya alam na mahirap pala ito at kailangan talaga ng ibayong ensayo. And take note ni hindi pa nga niya napapalayo ang kabayo dahil sumasakay pa lang siya dito at pangatlong beses na 'to na pagkalaglag niya. Pakiramdam tuloy niya ay ayaw sa kanya ng kabayong ito dahil ang hirap amuhin o hindi niya lang talaga alam kung paano ba talaga ang tamang pagsakay kahit pa tinuturo na sa kanya ni Thalia. 

"You really need time to learn how to ride a horse." Sabi ko sa kanya at ako na ang sumakay sa kabayo kong si Amox. This is a thoroughbred horse, a breed of stamina and speed kaya naman saktong-sakto ang kabayo na 'to dito sa rancho ko dahil malawak ang lupang puwede niyang pagtakbuhan. I named him Amox because he have a white marks on his neck like the amoxicillin our company have that are also color white too, na siyang nagpa-iba sa kulay brown na brown nitong kulay.

"I guess so." Parang nahihiyang sagot ng binata, dapat lang talagang mahiya siya kay Thalia dahil siya ang nag-aya ditong mangabayo pero siya naman ang hindi marunong, at ang lakas pa talaga niyang mag-aya. He can drive cars and motorbike but horse? Tangina ito yata ang magpapahiya talaga sa kanya. 

Ewan ko pero sa lahat ng nang-ligaw sa akin ay siya lang talaga ang nakita ko na gustong subukan na sakyan ang kabayo ko kahit na alam kong hindi naman talaga siya marunong sumakay at wala naman talaga siyang alam. But he's really consistent and I know he's also willing to learn na hindi lang dahil nangliligaw siya kaya niya ginagawa ito pero dahil gusto niyang matuto. Pero parang kinikilig pa din ako kase kahit naka-ilang laglag na siya simula kanina ay sobrang persistent pa din niya talaga at sige pa siya ng sige. 

"Wag ka ng malungkot diyan, halika na isasakay kita." I smiled to him, tamang-tama ang punta niya ngayon dahil maganda manood ng sunset dito dahil kitang-kita mo talaga ang paglubog ng araw lalo na kung nasa may bandang itaas ka pa ng rancho.

Nicollo saw her small hands, inabot nito 'yon sa kanya habang ang dalaga ay nakasakay sa kabayo nito. "Are you sure? I mean hindi ba mapapano 'yang kabayo mo kapag dalawa tayong sumakay?" Syempre nagkaroon man sila noon ng kabayo pero hanggang himas lang naman ang nagawa niya doon at pa-picture. And even his Daddy Eros didn't try to ride that. At ginawa nga lang yatang pang-display 'yon ng ama niya sa farm nila pero hindi bale dahil magpapaturo siya sa Tito Gael niya at sasadyain niya 'yon sa Paraiso dahil di hamak na mas may alam 'yon sa kabayo kumpara sa Daddy niya.

"I told you, malakas 'tong si Amox." Nasakay ko na nga sa kabayong ito ang mga kapatid ko at tatlo pa kami no'n pero wala namang nangyari. This is what I like the most on all of the animals I have here. Hindi lang kase basta alaga ang turing ko sa kanila, I treated them as my my own family too, or maybe like Tito Gael said I have special connection with them. Mostly of the animals here is tame, I mean 'yong bang nahahawakan talaga lalo na 'yong mga ahas ko. Maski nga 'yong mga baka at tupa na mero'n ako ay gano'n din. 

Wala naman nagawa si Nicollo kung hindi sumunod kay Thalia, parang nabawasan ang pagkalalaki niya dahil siya pa ang sasakay at ito pa ang mangangabayo para sa kanilang dalawa at pinapangako niya mag-aaral talaga siya kung paano sumakay ng kabayo at paano mangabayo para sa susunod  tig isa na sila ng sasakyan habang naglilibot sa rancho nito.

   Jacinto mansion..

Inis na inakyat ni Eros ang anak na si Nicollo sa kuwarto nito na nasa ikalawang palapag ng bahay nila, tinawagan na niya ito at lahat pero hindi naman sinasagot ang tawag niya. Sabay-sabay kaseng pinag-off ng asawa niyang si Sienna ang mga kasambahay nila kaya silang tatlo lang ang narito sa mansyon nila at ito talaga ang pinaka ayaw niya 'yong nauutusan siya ng asawa na tawagin ang anak nila. Kung siya lang hahayaan niya itong magutom, tutal malaki naman na ito eh. 

"Nicollo.." Agad na tawag ni Eros sa pangalan ng anak pagbukas niya ng pinto ng kuwarto nito. 

"Nicollo.." Tawag niya ulit dito, sabi nito sa kanila kanina pagdating mula sa Munisipyo ay magbibihis lang daw pero mag-aalas syete na ng gabi ay hindi pa din ito bumaba, and take note hawak naman pala nito ang cellphone. 

"Nicollo!" Nilapitan na ito ni Eros at sa inis niya nga ay dinampot pa niya ang unan na nasa kama nito at hinampas sa anak. Hmmnn, makulit ka ha..

"Dad!" Muntik ng mabitawan ng binata ang cellphone na hawak nito pero buti na lang at nahawakan niya 'yon. "Ano po ba 'yon?"

"Anong ano po ba 'yon? Eh kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yo mula kanina. I even called you on your phone, kakaen na." Nakapameywang na sabi niya sa anak. 

"Tsk, susunod na ko Dad, wait lang." Sabi naman ni Nicollo, nagtitingin-tingin kase siya ng mga kabayo dahil balak niyang bumili pero dahil nga wala naman siyang alam kung ano ba ang magandang bilhin ay nahihirapan siyang pumili. 

"Anong wait lang? Naghihintay na ang Mommy mo sa ibaba at hindi 'yon kakaen ng wala ka dahil nandito ka naman." At sa inis ni Eros ay inagaw niya ang cellphone ng anak para makita kung ano bang tinitingnan nito. "K-Kabayo? bibili ka ng kabayo?" Tanong niya ng makita ang tinitingnan nito. 

"Yes Dad, bibili ako ng kabayo, or 'yong kay Tito Gael na lang ang bilhin ko?" Tanong niya pa sa Daddy niya na isa din namang walang alam. Balak niya talagang bumili para matuto talaga siya kung paano ba mangabayo. Nahihiya kase siya noong sinakay siya ni Thalia sa kabayo nito. 

"Aanhin mo naman 'to ha? tsaka alam mo ba kung magkano ang isang kabayo ha? Milyon ang halaga nito Nicollo!"

"Alam ko Dad tsaka may pera naman ako eh." Pagdadahilan pa ng binata sa ama. 

"Pero bakit mo nga kailangan nito ha? Hindi ka naman marunong sumakay sa ganyan." Tanong ulit ni Eros, dadalawa nga lang anak nila ni Sienna pero ito talagang si Nicollo ang uubos ng pasensya niya.

"Kaya nga ako Dad bibili para matuto eh. Tsaka alam mo kase Dad marunong si Thalia mangabayo tapos nakakahiya naman kung ako pa ang isasakay niya." Kakamot-kamot pa sa ulo na sabi ni Nicollo. 

"Eh ano kung hindi ka marunong? tsaka hindi mo naman kailangan matuto niyan, tama na na marunong ka mag-drive ng sasakyan."

"Pero Daddy dagdag pogi points talaga 'to kapag natuto ako diba? Para naman sa susunod si Thalia na ang sasakay sa kabayo ko."

"Tumigil ka na nga sa kalokohan mo Nicollo at bumaba na tayo, nililigawan mo pa lang ang anak ni Dawson diba? Tapos bibili ka na agad ng kabayo?" Hindi naman sa ayaw niya pero alam niya kaseng walang interes ang anak niya sa hayop tapos ngayon biglang biibli ito?

"Sussss ganito naman talaga Daddy kapag mang-liligaw diba? Need mo hulihin 'yong loob ng nililigawan mo? Tsaka ikaw din naman kay Mommy noon ganito eh." Pang-bobola pa ng binata sa ama, dapat yata bumili na lang siya agad eh para wala ng magagawa ang Daddy niya dahil nabili niya na.

"Iba kami ng Mommy mo sa 'yo. Isa pa sigurado ka ba na sasagutin ka niyang nililigawan mo ha?" 

"Of course Dad ano ba tingin niyo sa Jacinto na katulad ko? Mahinang nilalang?" Tumayo na si Nicoolo mula sa kama, kay sarap talaga inisin ni Daddy nalulukot 'yong mukha eh.

"Siraulo ka talaga at pati apilido natin ay dinamay mo, oh siya sige na ako na bahala sa kabayo, bibilhan kitang lintek na bata ka." Aba kailangan niya nga pa lang ipakita kay Samuel at patunayan dito na seryoso ang anak niya sa pang-liligaw ng anak nito dahil wala na talagang bawian 'to lalo pa at apilido ang nakasalalay dito!

#maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co