CHAPTER 12
2 days na walang update, di ako tinatamad magsulat pero tinatamad akong ipost yung sinulat ko dahil sa mga nag-sosoft copy na naman na hindi maubos-ubos.
Sienna prepared a dinner not only for her family but for Thalia as well. Gaya ng sabi niya sa anak na si Nicollo ay inimbitahan talaga nito ang dalaga sa bahay nila at tuwang-tuwa naman siya dahil bukod sa napaka-gandang bata ay magalang din ito. .
"Mukhang ang sasarap ng mga dinala mo iha, lulutuin ko 'yon bukas." Sienna said while smiling widely, paanong hindi siya matutuwa, eh ang daming dala ni Thalia na mga tanim nito mismo na galing sa rancho nito. At hindi lang 'yon dahil mero'n din hito na dala ang dalaga na nakalagay pa sa styrofoam at naiisip na niyang ihawin 'yon at gataan bukas.
"A-akala ko po madi-dissapoint kayo sa mga dala ko pero gusto ko lang po kase talaga mabigyan kayo ng mero'n sa rancho ko." Nahihiya kong sabi, akala ko pa nga noong una madi-dissapoint ang Mommy ni Nicollo sa bitbit ko dahil hindi naman 'yon tipikal na dinadala ng isang girlfriend sa bahay ng boyfriend niya pero gusto ko kase talagang maiba. And I was glad that she liked it.
"At bakit naman ako madi-dissapoint? Ang dami-dami mo kayang dala." Sabi pa ni Sienna, hindi kase mahilig sa kusina ang panganay nilang si Miracle kaya tingin niya ay marunong sa kusina ang anak nila Brielle at Samuel kaya natutuwa siya. "Wait, marunong ka bang magluto Thalia?" Hindi na niya tuloy naiwasang itanong.
Tumango ako. "Opo, 'yon po talaga ang hilig ko lalo pa at ako lang naman po ang nasa rancho at mga ilang tauhan ko, at isa pa tinuruan po ako ni Mommy kase ako nga lang ang nag-iisang anak nila na babae."
"Wahhh really iha? Naku magkakasundo tayo." Masayang sabi ni Sienna, tama nga siya sa hinala mahilig nga itong magluto! Para tuloy nagsisisi siya na hindi nahilig si Miracle sa kusina.
"Mommy.." tawag ni ni Nicollo sa ina, he can felt that his mom like his girlfriend and she's excited too. Pero kase baka mabigla naman ang nobya niya.
"I'm just happy anak, wala naman kaseng naka-mana sa akin ng hilig sa kusina dahil sa Daddy niyo." Sienna even look on her husband who are sitting on her side. Totoo naman 'yon dahil masyadong na-spoiled ni Eros ang kanilang mga anak at hindi talaga ang mga ito pinapatulong sa ano mang gawaing bahay simula pa ng maliliit ang mga ito. Dahil ang katwiran mg magaling niyang asawa ay kaya naman daw nitong mag-hire ng katulong o kaya ng kusinero para sa dalawang anak nila.
"Baby.." Ani ni Eros sa asawa.
"Totoo naman 'yon Eros ikaw talaga ang may kasalanan." At inirapan pa tuloy ni Sienna ang asawa bago siya humarap kila Nicollo at Thalia. "Sige na iha kumain ka lang ng kumain."
"S-sige po Tita." Para tuloy na-miss ko si Mommy dahil ang sarap pala magluto ng Mommy ni Nicollo. And my mom love to cook too, at napaka-maasikaso pa niya sa amin.
"Kumusta na pala ang Daddy mo iha? Kailan daw ulit pupunta sa Estrella?" Si Eros naman ang nagtanong, akala nila ni Sienna ay nililigawan palang anak nila si Thalia pero hindi pala dahil nagsabi na ito kanina pagdating na may relasyon na pala ang mga ito. Anak ko nga 'to, ang bilis eh!
"Hindi ko pa po sure kung kailan sila babalik dito." Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Daddy sa akin na may pagka-salbahe nga daw itong Daddy ni Nicollo na dating gobernador ng San Joaquin. Pero feeling ko naman ay hindi dahil para ngang takot ito kay Tita Sienna dahil mabilis itong makuha sa tingin.
"Ibigay mo nga sa akin ang number ng Daddy mo mamaya para matawagan ko."
"Sige po." Magalang kong sagot, I smiled to Nicollo too at hopefully maisama ko siya ulit sa dinner kasama ang pamilya ko at masabi ko kila Mommy at Daddy na may relasyon na kami.
Matapos ang isang masayang hapunan ay inaya ni Niccolo ang nobya maglakad-lakad sa malawak na garden ng kanilang mansyon. They are really full dahil ang dami naman talagang niluto ng Mommy niya na pinadalhan pa nga ang Ate Miracle niya.
"Ang sarap magluto ng Mommy mo."
"Yes, and she's really the queen of our mansion." Sabi ni Nicollo. "And my parents like you."
"Well I guess so, nahihiya pa naman ako sa mga bitbit ko kanina pero kase sabi ni Mommy matutuwa daw ang Mommy mo kung gano'n ang dadalhin ko." My Mom knew that I'm going to have a dinner with Jacinto family but I didn't told her that Nicollo is already my boyfriend. Dahil kapag sinabi ko ang tungkol sa amin ni Nicollo ay sigurado ako na ikukuwento agad niya 'yon kay Daddy. And my knowing my Dad I know he will over act as always and will freak out for sure.
Niyaya mg binata si Thalia na maupo sa mga upuan na naroon sa may swimming pool area nila. Nakabukas lahat ng ilaw sa likod ng mansyon at gaya ng dati gustong-gusto niya tumambay dito dahil napakasarap ng hangin lalo na kapag gabi.
"Hindi mahirap pasayahin ang Mommy ko kita mo naman tuwang-tuwa kanina." He held her hand and kissed it. Hindi na ito nagpasundo kanina dahil nagdala ito ng mismong sasakyan nito papunta dito sa bahay nila pero mamaya ay hindi siya papayag na hindi ito ihatid.
"At akala ko masungit ang Daddy mo pero hindi pala." Napakalakas pa naman ng awra ng Daddy niya. 'yong bang napaka seryoso kapag tiningnan mo at hindi nagsasalita. He have a very authoritarian, vigorous and dominant look but if he talked to Tita Sienna he became sweet.
"Everyone thought that, but he's not at isa lang talaga ang katapat niyan si Mommy." Kaya nga tuwang-tuwa si Nicollo kapag inaasar ang ama at mas natutuwa pa siya kapag napipikon ito dahil laging to the rescue ang Mommy Sienna niya sa kanya.
Halos kalahating oras pa sila nagkuwentuhan at inaya pa nga ni Nicollo si Thalia na sa susunod ay sa Ate Miracle naman sila pupunta.
"Let's go ihahatid na kita at baka hindi ka na makauwi sa rancho mo eh."
"Anong hindi makauwi may dala akong sasakyan no." Sabi ko naman sa kanya.
"Eh ano? Wala ka naman magagawa kapag pinasok na kita sa kuwarto ko."
"Nicollo!" Pero hindi ko man lang siya nakurot dahil tinakbuhan na ako.
Manila..
Mukhang matagal-tagal pa nga talaga ako makakapag-pahinga sa negosyo.. Sabi ni Samuel matapos pumasok sa kanyang opisina, he was so tired on the meeting he attended. Pero ilang taon na lang naman ang hihintayin at puwede na niyang turuan ang dalawang anak na si Jasper at Noah sa kanilang pharmaceutical company. Wala na kase talaga siyang maaasahan mula kay Thalia dahil kahit anong pilit niya sa anak na babae ay wala talaga itong hilig sa kompanya niya. Siguro noong buhay pa ang Daddy niya ay napapa-oo ng ama ang anak niya na ito nga ang hahawak ng kanilang negosyo pero hindi na habang lumalaki ang anak.
At ayaw naman nilang pilitin ito ng asawang si Brielle dahil baka hindi din maging maayos ang kalabasan kapag hinawakan ni Thalia ang kompanya nila kaya wala talaga siyang ibang maaasahan ngayon kung hindi ang sarili at hintayin ang dalawa pa niyang anak na lalake na humusto ng edad.
Samuel was about to called his wife when unregistered number pop in on the screen of his phone. Sino naman kaya 'to? He answered the call and..
"Hello who's this?" Naka isang linya ang kilay na tanong ni Samuel, wala naman kase siyang matandaan na binigyan ng personal number niya dahil iba din naman ang ginagamit niyang cellphone sa trabaho.
"Si Eros Jacinto 'to, kumusta ka na balae?" Abot ang ngiti sa tenga na sabi ni Eros sa kabilang linya.
"B-Balae? what the hell?"
Pre order of Thunder and bullet is still on going. Open for installment!
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co