CHAPTER 22
"Daddy naman nakakahiya kila Nicollo at umalis tayo agad." Sabi ko pagdating sa rancho, hindi ko man lang nagawang makapag-paalam ng maayos lalo na sa Daddy ni Nicollo na si Tito Eros at Ninong Gael dahil basta na lang din ako hinila ni Daddy kanina. Siya kase ang salita ng salita kanina habang nasa biyahe kami kaya hindi na lang ako umimik. "Tsaka 'yong kotse ko nandoon pa."
"Wag mong intindihin 'yong kotse Thalia dahil puwede ko 'yon ipakuha sa driver ko tsaka may kasalanan ka sa akin. Bakit hindi mo sinabing may relasyon na kayong dalawa ng Nicollo na 'yon." Ani ni Samuel matapos pabagsak na naupo sa upuan. He felt tired, parang nangangatog ang mga binti niya at dahil yata 'yon sa maghapong pagtayo-tayo niya kanina sa plantasyon kanina. Harvesting a banana was so tiring, at bilib na bilib tuloy siya sa mga tauhan ni Eros na parang wala na lang sa mga ito ang pag-aani kanina.
"Sinabi naman na namin kanina ah, sinabi na kanina ni Nicollo." Tsk, parang alam ko na kung saan nagmana ng katigasan ng ulo ang mga kapatid ko. Kay Daddy. Hindi naman siya naiinis kay Nicollo kung hindi kay Tito Eros.
"Sinabi kase nagtanong ako, pero kung hindi ako nagtanong ay wala kayong balak sabihin diba? tsaka alam ba 'to ng Mommy mo ha? Baka sa kanya mo lang ikinuwento tapos sa akin hindi."
"Wala din po siyang alam tsaka diba kayo na din nagsabi sa akin noon kapag ang lalake mas matagal nang-liligaw mas matagal 'din na bobolahin ka? Kaya sinagot ko na din agad si Nicollo, beside he was nice to me and I know he's serious too."
"Kahit na Thalia, dapat sinabi mo agad sa amin ng Mommy mo, tsaka paano ka nakakasigurado na nice naman ang Nicollo na 'yon? Anak pa din 'yon ni Eros no."
"Daddy naman friend niyo naman si Tito Eros diba? Tsaka hindi naman siguro gagawa ng hindi maganda si Nicollo dahil iniingatan no'n ang pangalan niya."
At talagang nangangatwiran pa, manang-mana talaga 'tong bata na 'to kay Brielle. "Kaibigan ko nga pero hindi ibig sabihin no'n pasado na agad ang anak niya sa akin. Tsaka walang mayor mayor sa akin no? Your my only daughter Thalia and ayoko lang may mangyaring hindi maganda."
"Your over acting Dad, sinagot ko lang po si Nicollo at boyfriend ko na siya pero kayo kung anu-ano na ang iniisip niyo." Tumabi ako sa kanya, my father didn't knew that I existed since I was 7 years old. Umalis kase si Mommy noon dito sa San Juaquin at napadpad nga sa Pangasinan, may pagka-chick boy din kase talaga 'tong Daddy ko kaya iniwan. So he was really shocked after he found out that he have a daughter, na may pitong taong gulang na pala siyang anak at ako nga 'yon. Pero kahit seven years old na ako ng makilala ko siya ay talaga namang bumawi sa akin si Daddy ng husto, hindi lang sa akin kung hindi pati na kay Mommy din at hanggang ngayon pinapakita niya pa din at alam kong nanghihinayang siya sa pitong taon na wala siya sa buhay ko.
"Hindi 'to over acting Thalia, dapat lang sinabi mo sa amin ng Mommy mo para atleast mas nabuwisit ko pa si Eros kanina."
"Daddy!"
Natatawang nginitian ni Samuel ang anak, he don't want to stress out his self. Alam naman niyang matino ang anak ni Eros pero syempre dapat pa din sinabi agad ng anak niya sa kanila na nobyo na pala nito si Nicollo. "That's true anak, kung nandoon ka lang makikita mo kung paano ako gusto sakalin ni Eros kanina." Kuwento pa niya, Eros got pissed everytime he called him balae, Lalo pa at alam na yata nito na pinag-nanasahan niya ang plantasyon nito. At talaga pa lang malaki ang plantasyon ng mga Jacinto dahil sunod-sunod na truck ang kumukuha ng mga inaaning saging kanina.
"Ewan ko sa 'yo Dad, akala ko naman galit ka talaga. Isusumbong kita kay Mommy kita mo." Kinuha ko ang cellphone ko na nasa loob ng bag na dala ko kanina.
"At bakit mo naman ako isusumbong ha? Baka nga malagot ka din sa Mommy mo eh, tsaka Thalia ano bang tingin mo sa akin? I'm not scared on your Mom okay?" Ani ni Samuel, akala yata ng anak niya takot siya sa asawa niya, puwes doon nagkakamali si Thalia dahil hindi 'yon totoo.
"Really Samuel? Hindi ba?"
Sabay napatingin sina Thalia at Samuel sa pinang-galingan ng boses, only to found out na si Brielle pala 'yon kasama pa ang dalawa nilang anak.
"Mommy!"
"B-baby.." Parang nanghina si Samuel na makita ang asawa, naka-pameywang ito na nakatingin sa kanya. Dali-dali siyang umayos ng upo at tiningnan ito. "Wala ka naman siguro narinig diba?"
"Narinig ko ang dapat kong marinig." Lumapit na si Brielle sa asawa at hinampas ito sa balikat. "Ikaw kung anu-ano sinasabi mo sa anak natin."
"Baby naman nagbibiro lang naman ako, tsaka bakit ka ba nandito? Namiss mo ko no?" Shit bakit ba ang sexy pa din ng asawa ko? Napakaganda pa din talaga nito hanggang ngayon, paano kaya kung mag-pamasahe ako sa kanya? Tutal naman masakit ang katawan ko eh. Tama! Hindi muna kami uuwi ng Manila doon muna kami sa bahay ko na nandito din sa Burgos!
"Anong nagbibiro? At hindi kita namimiss no, and look at yourself ang dungis-dungis mo Samuel tsaka ano bang naisip mo at nakitulong ka kay Eros sa plantasyon niya?" Ani ni Brielle, akala yata nitong asawa niya hindi niya malalaman kung anong ginawa nito dito San Juaquin. Her bestfriend Abigail called her, naikuwento daw kay Abby ni Sienna na asawa ni Eros na nandoon nga daw itong asawa niya sa banana plantation ng mga Jacinto. Tapos hindi din naman nito sinasagot ang tawag niya kaya naman nagpahatid na lang sila ng mga anak dito.
"Kanino mo naman nakuha 'yan ha? Nandito lang ako sa rancho no, tinulungan ko 'yong anak natin." Nagpapalusot na sagot ni Samuel.
Thalia look on her father, idedeny pa talaga ng Daddy niya eh. Kaso mukhang alam naman na ng Mommy niya kung saan ba talaga ito nagpunta. "May kasalanan 'yan Mommy kaya bugbugin mo na." I smiled to my Mom, ang loyalty ko ay kay Mommy pa din talaga kahit pa pareho ko namang silang dalawa.
"Anong kasalanan? Wala kong kasalanan baby." Sabi ni Samuel sa asawa na nakataas pa din ang tingin sa kanya. "Thalia!" Tawag niya sa anak pero umalis na ito at sinama ang dalawang kapatid sa kusina. Shit I'm doom!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co