CHAPTER 21
Good evening. Bukas po ako magpapadala ng books para doon sa mga umorder. May excess copies pa po ako.
Maria 2 pcs
Marcus 1 pcs
My daks 2 pcs
Bullet 2 pcs
Maximum 1 pcs
Wala na pong book ni Thunder. On going pa din po ang The courtesan at El padrino sa vip and patreon apps.
"Bakit nga kayo magkasama na dalawa? Ikaw Thalia akala ko ba busy ka sa rancho mo?"
Samuel is now curious why the two are together now, oo ang alam niya ay nang-liligaw pa lang itong anak ni Eros sa anak niya kaya nagtataka siya kung bakit ang dalawa na 'to ay magkasama ngayon nagpunta dito. At kung lagi ba ang mga ito na ganito.
"Hayaan mo na ang mga bata Samuel tsaka ano naman kung kasama ng anak ko ang anak mo?" Singit ni Eros.
Sinamaan ng tingin ni Samuel si Eros na nakaupo sa gilid niya katabi si Gael. Isa pa 'tong Jacinto na 'to eh, wala din 'tong ginawa kung hindi sigaw-sigawan siya eh.
"Nagpasama po ako kay Nicollo Dad para puntahan namin kayo dito, ano din ba kase ang ginagawa nito dito tsaka ang dungis niyo Daddy." I don't know what he up too at bakit bigla siyang nagpunta dito ngayon samantalang may pasok naman siya. "Tsaka tumawag din sa akin si Mommy kanina para sabihin nagpunta nga kayo dito." Sagot ko naman habang magkatabi kami ni Nicollo, alas kuwatro kami umalis sa munisipyo para nga magpunta dito sa plantasyon ng mga Jacinto at nandito nga talaga si Daddy kasama pa si Ninong Gael.
"Tinulungan ko lang si Eros mag-ani ng mga saging, diba pare?" Ani ni Samuel sabay baling ulit kay Eros na hindi naman ma-drawing ang mukha.
"Fyi Samuel hindi ka tumulong no? Nang-inis ka lang dito." Parang napipikon pa na sabi ni Eros, daig niya pa ang baby-sitter ng mga apo niya sa stress na inabot niya sa Dawson na 'to simula kaninang umaga eh.
"Sussss anong hindi? Eh ang galing ko nga." Sabi pa ni Samuel na tiningnan naman ang kaibigan na si Gael na nandoon din. "Diba Gael?"
"Ewan ko sa inyong dalawa ni Eros, daig niyo pa ang ang mga bata kung magtalo." Gael shook his head, nanawa na nga lang siya sa kakasaway sa dalawa dahil parang aso't-pusa ang mga ito kaya hinayaan na lang din niya.
Tumayo naman si Nicollo para magpaalam, mukha namang hindi pa aaalis ang Daddy ni Thalia dito dahil nakita niya ang isang tauhan nila na may bitbit kaninang dalawang kahon ng beer.
"Uuwi na kami Dad sa rancho, mukhang dito muna kayo kila Tito Eros eh." Siguradong lagot 'to si Daddy kapag nakita siya ni Mommy, ang dumi-dumi pa naman na ng t-shirt niya.
Agad naman hinila ni Samuel si Thalia at tiningnan ang anak ni Eros. "Sandali nga may relasyon na ba kayong dalawa?" Seryoso niyang tanong sa binata, oo alam niyang nang-liligaw ito sa anak niya pero malay ba niya kung sinagot na ba ito ng anak niya.
I bit my lower lip. "Dad.."
"Yes po girlfriend ko na po si Thalia at sasabihin na nga po namin sa inyo talaga ngayon." Nakatingin at kinakabahan na pag-amin ni Nicollo, sasabihin naman na talaga nila dahil pinag-usapan na nila kanina ng nobya ang tungkol doon kaso ang gusto sana nila ay 'yong tatlo lang sila at wala ang Daddy niya o maski itong Tito Gael niya pero dahil nandito na no choice na lang kung hindi umamin.
"Thalia!" Tumaas ang boses ni Samuel, he stared on his daughter. Nakayuko ito sa harap niya pero maya-maya lang ay tumingin na din sa kanya.
"I-I like him Dad tsaka kung hahayaan ko lang na mang-ligaw sa akin si Nicollo syempre lahat ng ipapakita niya sa akin ay puro maganda kaya s-sinagot ko na siya para atleast alam ko at malaman ko kung totoo ba 'yong pinapakita niya sa akin." Geeeezzz parang gusto ko na lang lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan. Nandito pa naman ang Daddy ni Nicollo at si Ninong Gael, at tama talaga si Nicollo na hindi na kami dapat nagpunta dito.
"At hindi mo man lang sa amin ipinaalam ng Mommy mo?" Samuel felt betrayed, oo natutuwa siya na asarin si Eros na balae kanina pero kase ang alam niya ay nang-liligaw pa lang ang anak nito kay Thalia. Pero hindi pala dahil may relasyon na pala ang mga ito.
"Napaka-oa mo naman Dawson, tsaka remembered? Balae?" Nakangisi ng sabi ni Eros na inulit pa ang tinatawag nito sa kanya kanina.
"Gago!" Asik ni Samuel na hinila na ang anak papunta sa nakaparada niyang sasakyan.
"Thalia.." Tawag ni Nicollo.
"Samuel!" Magkasabay na sabi naman ni Gael at Eros.
"D-Dad.." I look back on Nicollo, nakatingin ito sa Amin pero hawak-hawak naman ako ni Daddy. My God hindi na talaga ako dapat nagpunta dito!
"Si Daddy naman kase eh." Reklamo ni Nicollo ng tuluyang umalis sina Thalia at Daddy nito.
"What? Wala naman akong ginawa ah."
"Anong wala? Eh inasar mo nga si Tito Samuel." Napaka galing pa naman nitong Daddy niya mang-asar. Kuhang-kuha ang inis ng Daddy ng nobya eh.
"Hayaan mo muna silang mag-ama, kung hindi ka din ba naman kase engot dapat sinabi niyo na sa Dawson na 'yon na may relasyon kayong dalawa." He saw his self on Samuel, dahil ganitong-ganito din ang reaksyon niya noon sa anak na si Miracle at Aidan. Tapos pareho pa na nag-iisa na anak na babae kaya..
"Kahit na Dad so paano na 'yan ngayon? Mukhang bad shot na ako sa Daddy ni Thalia." Kinuha pa ni Nicollo ang telepono at tinext ang nobya baka mamaya paglayuin silang dalawa ng Daddy nito.
"Bad shot, bad shot susss hindi 'yon mangyayari. Hayaan mo muna sila tsaka ito tandaan mo Nicollo walang tumatanggi sa isang Jacinto." Mayabang na sabi ni Eros, now he can really imagine that Samuel maybe will be his balae for real.
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co