CHAPTER 25
Hi! Puwede magpa-lambing? Pa follow naman po ng bago kong page maribelatenta updates. Na shadow banned po ang isa kong page at hindi ko alam kung bakit, kaya hindi niyo na nakikita mga post ko sa fb. Thank you!
"What are you doing here? Bakit nandito 'tong Dawson na 'to?" 'Yon agad ang sinabi ni Eros ng makita si Samuel, nagpunta siya sa Paraiso para pasyalan ang pinsan niyang si Gael pero hindi niya alam na nandito din pala ito ngayon.
"Namamasyal ano pa ba? Kumusta balae?" Nakangisi agad na bungad ni Samuel, tinaas-taas niya pa ang mga kilay habang nakatingin kay Eros.
"Tsk, shut up at wag mo nga kong matawag-tawag na balae no." Hinila ni Eros ang isang upuan at naupo doon. Nasa labas sila ng glass house ng Kuya Gael niya at maganda ang panahon ngayon kahit umaga pa lang.
"Kumusta pala ang anak mo ha? Minsan nga papapuntahin ko 'yang si Nicollo sa bahay ko sa Manila Manila naman maka-kuwentuhan ko ang future son in-law ko."
Future son in-law my ass.. "At bakit naman aber? Busy 'yon sa munisipyo." Kontra agad ni Eros, parang umaga pa lang sira na agad ang araw niya dahil sa Samuel na ito. Kung alam niya lang na nandito ito ay hindi na sana siya nagpunta pa.
"Busy? Susss pero laging kasama ang anak ko? Ako nga tigil-tigilan mo Jacinto."
"May relasyon 'yong mga bata so natural magkikita at magkikita talaga ang mga 'yon." Napaismid pa si Eros habang nagsasalita. "Tsaka parang hindi mo naman pinagdaanan ang ganyan."
"Pinagdaanan ko nga pero lalake ako Eros at babae ang anak ko." Ani ni Samuel, hindi naman siya kontra sa relasyon ng mga anak nila dahil nakikita naman niyang masaya si Thalia. Doon sila mag-asawa nagpalipas ng gabi para tumakas sa magulo at nakakapagod na Maynila. At nagpaiwan nga doon si Brielle kahit pa inaya niya na ito dito magpunta ay ayaw naman sumama. At mamayang hapon ay babalik na din naman sila sa Manila.
"Kung sa bagay mas matanda ka pala talaga sa akin no? So syempre mas marami kang karanasan sa pang-chichiks." Si Eros naman ngayon ang naka-ngisi habang nakatingin kay Samuel.
"Tsk, limang taon lang tanda ko sa 'yo no, kaya tumigil ka." Napasimangot doon si Samuel, sila kase ni Gael ang magkaedad at limang taon nga ang tanda nila dito kay Eros. Pero limang taon LANG 'yon at hindi gano'n kalaki ang agwat.
"Kahit na, 5 years is 5 years so meaning gurang ka na." Eros was smiling widely now, gustong-gusto pa naman niya ang ganito 'yong makapang-asar.
Aba't gagong Jacinto talaga 'to! Tatayo sana si Samuel para batukan man lang si Eros pero inawat naman na sila ni Gael.
"Tumigil na nga kayong dalawa daig niyo pa ang mga bata mag-asaran." Sabi ni Gael sa dalawa, parang nagiging referee na siya kapag magkakasama silang tatlo. He dialed the number of his nephew at ilang sandali pa nga ay sinagot na nito 'yon.
"Tito Gael? Bakit po kayo napatawag?" Si Nicollo pagsagot ng tawag ng Tito niya.
Ni-loud speaker ni Gael ang telepono at inilapag sa lamesa, sinenyasan niya si Samuel para kumausap dito.
"Hi Nicollo, Daddy 'to ni Thalia nandito ako ngayon sa Paraiso kasama ang Tito Gael mo at Daddy mo na panget."
"Hoy Dawson anong panget pinagsasabi mo diyan?" Eros can't believed that someone called him panget at sa Dawson pa nga na ito nagmula. "Nicollo wag mong kausapin ang Samuel na 'to at kung anu-ano ang sinasabi hayaan mo 'yan kahit pa siya ang ama ni Thalia."
"Dad.." sabi naman ni Nicollo.
"Naikuwento kase sa akin ni Gael Nicollo na nagtatanong ka daw sa kanya noong nakaraan ng kabayo, ano ba 'yon ireregalo mo kay Thalia?"
"Ay Opo, Yes po Tito Samuel gusto ko po talagang bilhan si Thalia ng kabayo. Your daughter actually teaching me how to ride her horse on her ranch." Sagot ni Nicollo, hindi niya alam na magkakasama ang Daddy niya Tito Gael niya at ang Daddy ng girlfriend niya. Hindi pa kase nagrereply ang nobya simula kanina. And this is the first time Mr. Dawson approached him kaya hindi din niya maiwasang matuwa.
"Okay that's good iho, sabi kase ng Tito Gael mo may kaibigan daw siyang nagbebenta ng kabayo at magandang breed daw 'yon kaya naman tinawagan kita para tanungin kung gusto mo ba." Samuel explained to him.
"Gano'n po ba? Magkano po ba 'yon?"
"3 million Nicollo." Si Gael ang sumagot.
"Oh narinig mo 'yon Nicollo? 5 million daw."
"Oy gago ka ba? Paanong naging 5 million? Eh 3 million lang ang sinabi ni Gael." Napatayo na si Eros dahil sa narinig na sinabi ni Dawson sa anak niya.
"Baka nabingi ka lang Eros, 5 million 'yon, diba Gael." Pagpapakampi pa ni Samuel sa kaibigan.
Gael shook his head, ito na yata 'yong galawang Dawson at mukhang it's pay back time na nga.
"So paano ba 'to Nicollo ikaw na lang ba magbabayad? Tamang-tama puwede na bukas ng umaga makuha 'yong kabayo na binebenta tutal malapit lang naman 'yon dito sa Paraiso tapos puwede na 'yon dalhin sa rancho." Pagkausap uli ni Samuel sa binata na nasa kabilang linya.
"Tumigil-tumigil ka Samuel 3 million lang ang pagkakarinig ko, tsaka Nicollo anak, ako na mismo maghahanap ng kabayo na ibibigay mo kay Thalia at huwag na huwag dito sa Samuel na 'to." Ani ni Eros na nilakasan pa talaga ang boses para marinig ng anak niya.
"Ano ka ba Eros syempre mahihiya 'yang anak mo na tumanggi sa akin dahil ako ang Daddy ng girlfriend niya." Pangisi-ngisi pa na sabi ni Samuel. "Diba Nicollo 'yon na lang ang bibilhin mo? 5 million 'yon."
"Sige po Tito Samuel kukunin ko po 'yang kabayo na sinasabi niyo. Alam ko naman pong maganda klase kapag si Tito Gael na ang nagsabi."
"Good good, basta 5 million ha? Tapos secret lang natin 'to syempre at hindi ko sasabihin sa anak ko." Ngiting panalo na sabi ni Samuel na nakatingin pa din kay Eros na parang umuusok na ang ilong ngayon.
"Sige po Tito, si Daddy po muna magbayad diyan then ako na lang po magbabayad sa kanya." Sabi ni Nicollo sa kabilang linya.
"Hoyyy Nicollo anong ako ang magbabayad? Bakit pati ako nasali diyan ha?" Reklamo ni Eros.
"Bayaran niyo muna Dad kay Tito Samuel para okay na po tapos mamaya ko na lang po babayaran pagdating ko sa bahay." Nicollo can't imagined how his Dad look like now. Malalagot siya panigurado sa Daddy niya pero nakakahiya tanggihan ang Daddy ng nobya dahil ito pa talaga ang nag-approach sa kanya.
"Tangina 'yan, pati ako nadamay." Pailing-iling na sabi ni Eros, gusto niya lang makipag-kuwentuhan sa Kuya Gael niya tapos mapapagastos pa pala siya.
"Oh basta narinig mo 'yon Eros ha? Ikaw daw muna magbayad." Ulit pa ni Samuel.
"Sige na Nicollo mag-uusap muna kami nitong Daddy mo at baka busy ka din diyan sa munisipyo."
"Sige po Tito Samuel, Dad bayaran mo muna ha." Sagot ulit ng binata sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.
"What?" Samuel was grinning while looking on Eros.
"Siraulo ka 3 million lang ang ibabayad ko sa 'yo no."
"5 million nga." Inilahad pa ni Samuel ang kamay. "Cheke na lang balae para madali lang or puwede namang bank transfer."
"Wag mo ko matawag-tawag na balae Dawson dahil naiirita ako." Kinuha ni Eros ang check book niya sa maliit na bag na laging bitbit niya.
"Ay wait lang pala balae, tawagan mo nga pala ulit muna si Nicollo. Tapos 'yong cellphone mo na lang ang gamitin natin."
"At bakit na naman? May trabaho 'yon Samuel kaya tumigil ka na. Tsaka ako na nga magbabayad muna diba?" Napipikon ng sabi ni Eros matapos kunin ang sign pen sa bag niya para pamirma sa tseke..
"May iaalok din pala ako na lupa sa anak mo, 50 million naman 'yon."
50 million? "Aba't pang-durugas na 'yan Dawson!" Eros felt exasperated, napatayo na nga siya at binatukan na talaga si Samuel.
#maribelatentastories
El padrino and the courtesan is still on going on patreon and vip group. To join dm me on my fb page!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co