CHAPTER 37
I thought we will going to loose Nicollo during his operation, at 'yon na nga yata ang isa sa pinakatatakot ko at pati ng pamilya niya na mangyari. Tita Sienna almost lost his consciousness and Tito Eros felt so furious but he made it, he came back for us and I was so very thankful about it.
"You can have rest now iha, ako na muna ang magbabantay kay Nicollo." Nakangiti na sabi ni Sienna ng pumasok siya sa kuwarto ng anak niya. May dala siyang pagkain na pinadala sa kanya ni Angela, pinauwi na din niya muna si Miracle at Aidan dahil baka hanapin ang mga ito ng mga anak nila. Umalis din si Eros kasama ang mga kaibigan nila para magpunta sa presinto pero nagpaiwan din naman ito ng anim na body guards na nasa labas ng kuwarto ng anak.
"Ayos lang po ako Tita, guato ko po sanang nandito din ako kapag nagising si Nicollo."
Hinila ni Sienna ang upuan na nasa kabilang bahagi ng kama ni Nicollo at naupo doon, inabot din niya ang kape na pinabili niya sa canteen ng ospital. Alas tres na ng madaling araw at pare-pareho pa din silang walang tulog. "Thank you Thalia, thank you for loving my son." Sabi niya dito, she can see the sincerity and love of her on her son and she really do appreciate that.
"Wala po kayo dapat ipagsalamat sa akin Tita, mabait po si Nicollo at kahit may kakulitan 'yang taglay ay wala naman pong problema sa akin." Hindi lang pala kakulitan dahil grabe ang pagka-pilyo ng lalakeng ito. But this incidents of him made me really really worried.
"Tama ka makulit talaga ang anak ko pero alam mo ba ayoko sanang pasukin niya ang pulitika katulad ng Daddy niya? Dahil ito ang kinakatakot ko na mangyari. His Dad was more tough than him but he really pursued to enter on politics. Akala nga namin hindi siya mananalo bilang mayor dahil wala naman siyang background sa pagiging pulitiko, but he did he made it by his self." Kuwento ni Sienna habang nakatingin sa anak niya na wala pa din malay hanggang ngayon. Nicollo came on their lives unplanned, dahil wala pang isang taon ang anak nilang si Miracle noong magbuntis siya dito. But Eros was so happy after she told him about her pregnancy on their second baby, Eros promised her to be on her side that time. Na lahat ng hindi nila nagawang magkasama noong nagbubuntis siya kay Miracle ay gagawin nilang mag-asawa, mula sa pagpapa-check up, paglilihi at mood swings noong nagbubuntis siya kay Nicollo ay kasama niya si Eros. Their son was a life changer for them, mas gumanda ang pagsasama nila ng asawa ng magbuntis siya sa pangalawang anak nila dahil siguro bumawi talaga sa kanya si Eros noon.
"Si Nicollo ang kamukha ko diba? Pero kaugali niya ang Daddy niya, hindi 'yan mabilis sumunod sa sinasabi namin at magde-decide 'yan mag-isa kapag alam niyang tama siya. Pero kapag ako na ang nagsabi sa kanya susunod 'yan kahit ayaw niya." Siguro isa sa pinaka-pinagtampo ni Sienna kay Nicollo ay noong nagpa-tattoo ito dahil nagalit talaga siya ng umuwi ito ng bahay nila na puro tattoo ang magkabilaang braso. Pero ang asawa niya ay tuwang-tuwa pa dahil astig daw at maangas ang dating ng anak nila pero siya ay hindi talaga natuwa dahil doon. And after that Nicollo became open to her, mas naging malambing din ito sa kanya lalo na ng umalis na sa poder nila si Miracle.
"And he love you so much Tita kayo ni Tito Eros, about the death treat he recieved maski sa akin po ay hindi siya nagsasabi tungkol doon. At lagi ko din siya sinasabihan na huwag pupunta o aalis mag-isa ng siya lang kahit saan dahil nga sa mga nababalita na pinapatay at inaambush na pulitiko dito sa San Juaquin. Noon hindi siya nakikinig sa akin pero nitong mga huli lagi na niyang kasama si Kuya Raul kapag pumupunta sa akin sa rancho." Nakakalungkot lang at nadamay pa ang isang bodyguard niya at driver niya sa ambush at namatay nga ang mga ito pero si Kuya Raul na matagal na palang nagtatrabaho sa pamilya Jacinto ay nakaligtas din gaya ni Nicollo.
"At pareho lang pala sila ng Daddy niya na nakakatanggap ng death treat pero hindi naman sila nagsasabi na dalawa." Sienna shook her head, napagtagpi-tagpi nila ang lahat kanina at mero'n na din idea ang mga pulis kung sino ba ang may gawa sa anak nila. And knowing her husband alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nahuhuli ang suspect.
"Nicollo will be fine Tita, makukurot ko po siya kapag gumaling na siya." Pabiro kong sabi, alam ko kase na pareho kami ng naramdaman ni Tita Sienna kanina ng malaman namin ang nangyari kay Nicollo at nakakainis talaga 'yong wala kang magawa kung hindi hintayin ang mga susunod na nangyari.
"Yan din ang naiisip ko Thalia at talagang lagot sa akin ang batang 'yan." Pagsang-ayon din ni Sienna pero sabay silang nagulat ng nobya ng anak ng biglang dumilat ang mga mata ng anak niya.
"Nicollo!" Magkasabay na sabi nina Thalia at Sienna.
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co