CHAPTER 38
Agad nagpunta sina Eros, Miracle at Aidan sa ospital kahit pa madaling araw na ng tawagan sila ni Sienna at sabihin na nagising na nga si Nicollo. Eros felt happy seeing his son awake, tatlong bala ng baril ang natamo ng anak nila kaya kailangan pa din nito manatili sa ospital ng ilang araw. But still their son is finally okay and that's more important.
"Hey, wag ka ng umiyak. I'm fine, look at me buhay na buhay ako oh." Sabi ni Nicollo na nakaupo sa tabi ng girlfriend na si Thalia, naka dextrose pa siya kaya hindi niya masyado magalaw ang kanang kamay niya. Samantalang 'yong isa naman ay parang namamanhid dahil 'yong kaliwa niyang balikat ay nabaril at 'yon ang may benda. His body aching too but over all he was okay and alive.
"You don't know how much I got worried Nicollo kaya wag mo ako mabiro-biro." Nakasimangot na sabi ko sa kanya, ako grabe ang kaba tapos siya nakakapagsalita pa ng ganito. Kanina tuloy muntik na siyang makurot ng Mommy niya dahil ganyan din ang sinabi niya. Pero alam ko naman na inaalis lang niya ang kaba namin at sinasabing ayos na siya.
"Dahil okay na nga ako, malayo naman kase ito sa bituka." Ginagap ni Nicollo ang kamay ng nobya at kahit nahihirapan siya ay pinisil niya 'yon. He need to act tough for Thalia, for his mom and for his sister dahil ang tatlo na 'to ang ayaw na ayaw niyang makitang umiiyak at nag-aalala para sa kanya. Kanina nga ay pinipigilan niyang huwag umiyak sa harap ng Mommy niya lalo na ng umiyak na ito pagkakita sa kanya na may malay na siya tapos heto ngayon si Thalia na nasolo na din niya. Hindi pa sila nakakapag-usap ng Daddy Eros niya kaya hindi din niya alam kung ano na ba ang nangyari sa umambush sa kanya.
"You made us all worried, lalo na ang Mommy mo. A-akala ko hindi na kita makikita." I wiped my tears, hinayaan ko muna sila ng pamilya niya na makapag-usap kanina at lumabas muna ako. Dad was here too in the hospital, magkasama sila ni Tito Eros dumating at ng matapos na silang makapag-usap ay ako naman ang pumasok dito sa kuwarto niya.
"I know, at pinapangako ko na ito ang magiging una at huling beses na mangyayari sa akin ang ganito." Nicollo assuring her, and he knew his father are making his way to find who are behind of this. At sinisigurado niya na mahahanap nila ito. "Take a rest Thalia, sabi ni Ate Miracle hindi ka pa daw nakakapag-pahinga at kumakain simila ng dumating ka dito sa ospital, you can go home with your Dad."
Umiling ako, "I'm fine, hindi pa ako inaantok at lalong hindi pa ako nagugutom at pagod. I want to stay with you here and si Daddy na lang siguro ang pauuwiin ko sa rancho." Sabi ko sa kanya, umalis na din kase ang pamilya niya kanina pero babalik naman daw dito si Tito Eros mamaya. Isa pa 'yon sa pinag-papasalamat ko my Dad helped me, and I know may nangyari at may balita na sila sa may gawa nito kay Nicollo ng umalis sila kanina ni Tito Eros. At kahit madalas pang nag-aasaran ang mga tatay namin ay alam ko naman na tumulong si Daddy kay Tito Eros.
"Come here.." Sabi ng binata.
Tumayo naman ako at lumapit kay Nicollo, bakas pa sa katawan niya ang natamong pamamaril pero atleast nakaligtas siya. Bullet proof naman daw ang sasakyan na gamit ni Nicollo pero sa lakas ng mga baril na ginamit ay nagawa pa din na matamaan ang mga sakay nito. Alam na din ni Nicollo na namatay ang driver niya at isang bodyguards pero si Kuya Raul ay nasa ibang kuwarto naman at nagpapagaling din matapos matanggal ang apat na bala na natamo nito.
Nicollo kissed her lips and smile at her afterwards. Hinding-hindi talaga siya papayag na mamatay ng gano'n lang, mahirap na at baka sa kung sino lang na lalake mapunta ang girlfriend niya pag nagkataon. "I love you.."
"I love you too, and please after this wag na wag ka ng aalis na walang bodyguards." Hinalikan ko siya sa noo, parang nakahinga na ako ng maluwag kahit papaano dahil sa nagka-malay na siya. Pero hindi naman ako puwede magpa-kampante dahil hindi pa namin alam kung nahuli na ba ang may gawa nito sa kanya.
Kinaumagahan pa nagawang makausap ni Eros ang anak na si Nicollo ng sila lang na dalawa. Umuwi pa siya ng bahay para personal na ihatid ang asawa niyang si Sienna na wala pa din tulog at pahinga pero babalik naman daw ito abgo mag-tanghali para dalhan ng pagkain ang anak nila at magbantay dito sa ospital. Di bale siya dahil siya naman ang padre de pamilya.
"Danilo Rodriguez, he was behind of all the death treat that we recieved and the ambush happened to you." Kuwento ni Eros sa anak, malaki ang pasasalamat niya kay Rios dahil mabilis nitong naaksyunan ang kaso ng anak niya. At ngayon nga na kilala nila ay pinapahanap niya na ito, he was thankful too on Samuel dahil katulad niya ay nag-hire din ito ng bagong tao para mapabilis ang paghahanap sa Rodriguez na 'yon.
"I-I know him Dad, natalo ko siya ng tumakbo siyang mayor." Sagot ni Nicollo, ito ang sumunod sa kanya na nakakuha ng pinakamalaking boto ng tumakbo siya bilang mayor dito sa bayan ng Caspir. Still siya ang nanalo dahil mas lamang siya dito.
"Siya nga at siya din ang may gawa ng lahat ng ito. I know him Nicollo dahil ako din ang tumalo sa ama niya ng tumakbo ako noon bilang gobernador. Tsaka ilang beses ka na pa lang nakatanggap ng death treat pero hindi mo sa akin sinasabi." May tono ng inis ang boses na sabi ni Eros. Kung nagsabi sana agad ito sa kanya ay baka hindi na ito nangyari.
"A-ayoko lang kase mag-alala kayo, lalo na si Mommy."
"But your mom even passed out when she recieved the treat, at kung nasabi mo sana sa akin agad ang tungkol dito ay baka hindi ka umabot sa ganito."
"Pero kayo din naman Dad hindi niyo din sinabi ang tungkol sa mga natanggap niyo diba? Lalo na kay Mommy." Pagsagot pa ni Nicollo kaya nagalit ang Mommy Sienna niya kanina sa Daddy niya eh.
"Because I can handle it, dahil akala ko ako lang pero ikaw din pala, but don't worry anak hindi matatapos ang araw na ito na hindi nahuhuli ang Danilo na 'yon." Siguradong sabi ni Eros.
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co