CHAPTER 46
Hello again thank you po sa mga nagpakape sa akin kagabi, hehe salamat! Labyu!
May excess copies po ako ng book ni Samuel and Rios, open for installment.
Magkakasunod na suntok ang pinakawalan ni Eros kay Danilo Rodriguez ng makita niya na ito sa wakas. He's been waiting this to happen, and he will do his best to revenge on what happened to his son. Oo buhay ang anak niya pero hindi pa din niya mapapatawad ang ginawa ng lalakeng ito sa kanyang anak. At walang sino man ang may karapatan na manakit ni dulo ng daliri ng pamilya niya. And he will protect his family to someone like Rodriguez, hinding-hindi talaga siya papayag na may mangyaring masama ni isa sa pamilya niya.
"Hayop ka Jacinto, ilegal ang ginawa niyong paglabas sa akin at sa mga tauhan ko sa presinto." Sabay dura ni Danilo sa sahig ng malasahan ang dugo sa kanyang bibig. Siya at ang tatlo niyang tauhan na katulong sa pag-ambush sa anak ni Eros ang narito, pare-pareho silang nakaupo sa kahoy na upuan at mga nakatali. Akala niya ay ililipat lang sila ng kulungan pero hindi dahil inilabas sila sa presinto at dinala nga dito.
"Ilegal?" Pagak na natawa ang dating gobernador sa kaharap, abot langit ang gigil niya sa taong ito dahil ito din ang bumaril sa kanya sa ospital. At kung hindi nga lang siya noon nakasuot ng bulletproof vest ay baka pinaglalamayan na siya ngayon. "Walang ilegal dito gago, dahil alam ko na alam mo ang mangyayari sa 'yo oras na mahuli kang hayop ka." At mabilis niyang sinikmuraan ang lalake. "Hindi mo kailangang makulong Rodriguez dahil ang dapat sa 'yo ay mamatay."
At tsaka niya ito sinapak ulit.
"Easihan mo muna Eros, bugbugin mo muna bago mo patayin." Sabi ni Rios Sandoval na nandoon din. He was the one behind of this, inilabas niya sa kulungan ang nang-ambush kay Nicollo pati na mga tauhan nito sa pakiusap na din ni Eros sa kanya. This is illegal but who cares? Hindi na dapat pinapatagal ang mga ganito sa kulungan at pinapatay na dapat.
"You'll be a threat to my family dahil alam kong gagawa ka ng paraan para makalaya kang hayop ka. At hindi ko papayagang mangyari 'yon at lalong hindi mo magagalaw pa ang pamilya ko." Ani ni Eros sabay bunot ng baril sa kanyang tagiliran, tiningnan niya muna ang mga kaibigan na naroon. Sina Samuel, June, Rios, Gael, Oscar, Micheal at Gerald bago niya itinutok ito kay Danilo.
"W-wag, wag mo 'kong patayin! Jacintoooo!!!!" Nataranta si Rodriguez ng tutukan siya ng baril ni Eros pati na ang mga tauhan niya ay pilit nagpupumiglas mula sa pagkakatali ng mga ito.
"Mali ka ng binangga Rodriguez, kilala mo na ako noon pa at alam mong hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masama sa pamilya ko. I'm still the one and only famous Governor here in San Juaquin and I'll be the one who will kill you now." 'Yon lang at tsaka pinaputukan ni Eros si Danilo, dalawang putok ang umalingawngaw sa loob ng bakanteng bodega na pinagdalhan sa mga ito. And this is the end, his son will have a peaceful political career now.
Jacinto mansion..
"I thought your mom was upset to me." Nicollo held again her hand after they sat on the chair. They went here on the pool area after they had a brunch with their mom. Dumating din kase ang Tita Abigail niya na kaibigan ng Mommy niya at bestfriend ng Mommy ni Thalia. His Tita Abigail will always have a high energy dahil ng dumating ito kanina at papasok pa lang ng mansyon ay talaga namang napakalakas na ng boses nito.
"Bakit naman maa-upset si Mommy sa 'yo sige nga?"
"Dahil wala siya kagabi ng mag-propose ako sa 'yo." Hindi din naman niya akalain na magpo-propose siya dito ng wala sa oras. The engagement ring he gave to her was from his mom. And that was the ring his dad gave to his Mommy Sienna. Kaya napaka-importante no'n sa kanya dahil parang family heirloom na din.
"Pero vinideohan naman pala tayo ni Ate Miracle diba? At 'yon ang pinanood ni Mommy kanina." His sister sent the video to him and to his mom. At 'yon ang pinapanood ni Tita Sienna kay Mommy, and now hindi ko na lang pala basta maaalala ang pag-propose sa akin ni Nicollo dahil mapapanood ko na din. I should message his sister later so I can say thank you to her.
"Yes and I guess they are more excited on our wedding." Sabi ni Nicollo, he was happy. After his ambush incident he realized a lot of things in life. And if feels like this was a second chance to him, at susulitin niya talaga ang pagkakaroon ng pangalawang beses na mabuhay. Hindi na din siya aangal na may kasamang bodyguards palagi gaya ng bilin sa kanya ng mga magulang, bukas pa magbabalik sa trabaho ang tauhan ng Daddy niya na si Raul at bukas pasasalamatan niya din talaga ito. At mamaya din pala ay kakausapin niya at pupuntahan ng personal ang pamilya ng driver at bodyguard niya na namatay. Bukas na kase ang libing ng mga ito at dapat niya din pasalamatan ng husto ang mga ito dahil nadamay ang dalawa sa ambush sa kanya.
"And from now on you need to take care of yourself more. Ang usapan natin hindi ka aalis at pupunta kung saan kung wala kang bodyguards. Intiendes?" That the thing he must do after what happened to him, he need a security like his father said to him. "Hindi na puwedeng matigas ang ulo mo Nicollo dahil lagot ka talaga sa akin kapag nalaman kong aalis ka at magpupunta sa kung saan na mag-isa." Pati nga ako ay magkakaroon na din ng bodyguard na gusto ni Daddy, hindi lang daw kase dapat si Nicollo at pamilya nila ang dapat mag-ingat kung hindi pati na din ako dahil girlfriend nga ako ng mayor na 'to.
"Don't worry isang ulo lang naman ang matigas sa akin palagi eh, ito oh." Pilyong ipinatong pa ng binata ang hawak-hawak na kamay ng nobya sa suot niyang shorts.
Nanglaki naman ang mga mata ni Thalia dahil sa ginawa ng nobyo at nakurot niya na talaga ito sa tagiliran.
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co