CHAPTER 07
"Buti pinayagan ka ni Gov na sumama sa outing natin?" tanong ng katrabaho kong si Sheryl. We're now in Cebu for our company outing. Kanina kaming umaga bumiyahe papunta rito at ngayon nga ay nandito na kami sa isang beach resort. Bakasyon grande is real!
"Oo naman. Medyo nagkapilitan lang kaming dalawa," natatawa kong sagot. Ayaw talaga akong pasamahin ni Eros sa company outing namin ngayong lalo pa at sinabi ko na ako lang mag-isa at walang bodyguard na pasasamahin. My husband was worried about my safety at naiintindihan ko 'yon, pero ipinaliwanag ko sa kaniya na kaya ko naman ang sarili ko at wala siyang dapat ipag-alala. Tatlong araw kasi kaming mananatili rito sa beach resort sa Cebu. Tatlumpu kaming empleyado na bumiyahe papunta rito kasama na rin ang ibang abogado. May big time kasi na nahawakang kaso ang law firm na pinapasukan ko at naipanalo ng mga abogado sa opisina kaya bilang treat ng may-ari ng kompanya ay pinag-outing niya nga kami.
"So kumusta naman kayo ni Gov? Kailan lang kayo kinasal, 'di ba? Daks ba siya? Magkuwento ka naman, dali!"
Muntik na akong mabulunan ng iniinom kong milk tea sa tanong ng kasamahan ko sa trabaho. Alam ko ang ibig sabihin ng daks. Sheryl asked me if Eros has a big manhood! Ano ba'ng isasagot ko? E hanggang ngayon wala pa naman nangyayari sa aming dalawa. Hanggang halik lang naman kasi ang ginagawa namin. Kaya nga bilib din ako sa pagpipigil ng asawa ko sa akin hanggang ngayon. Kaya tuloy kung minsan, napapaisip ako kung hindi ba ako kaakit-akit sa paningin ni Eros.
"Sheryl!" saway ko sa katrabaho ko. Nandito kami ngayon sa loob ng hotel room namin at siya ang kasama ko rito. Mag-aayos dapat kami ng mga dala naming gamit pero nagpahinga muna kami.
"What? Dali na. Magkuwento ka na. Daks nga si Gov? Aba, Sienna, ang daming nagkakagusto diyan sa asawa mo, ha. Kahit ba may pagkamasungit ang dating ni Gov, mukhang yummy naman. Kaya ang suwerte-suwerte mo sa kaniya!"
Parang naeeskandalo si Sienna sa pinagsasabi ni Sheryl. Oo, alam niyang madaming nagkakagusto sa asawa niya pero malas na lang nila dahil siya ang pinakasalan nito.
"Tumigil ka nga diyan," saway ko sa kaniya, pero mukhang hindi ako titigilan nito kakatanong. Bakit ba kasi ito pa ang makakasama ko sa kuwarto, e ubod pa naman ito ng daldal.
"Nakita ko sa isang magazine na feature si Gov doon. Jusko... ang eight packs abs nagmumura! Ang sarap pisil-pisilin tapos may v-line pa! Parang hindi siya mukhang 35 years old," sabi pa ni Sheryl na parang kinikilig.
Dapat ba akong magalit dito dahil mukhang pinagnanasahan nito ang asawa ko? Ni hindi ko pa nga nahahawakan ang sinasabi nitong abs, eh!
"Ewan ko sa 'yo. Ayusin na natin ang mga gamit natin para makababa na tay. Sayang ang panahon, magandang mag-swimming." Tumayo na ako para mag-ayos ng gamit. Gusto ko na kanina pa na pumunta sa dagat. Langoy na langoy na talaga kasi ako.
"Sige na nga. Basta magkuwento ka mamaya, Sienna," sabi pa ni Sheryl at tumayo na rin para kunin ang maliit na maleta para makapag-ayos na ng gamit.
Hindi talaga ako komportable makipag-usap ng ganoon kahit kanino. Mula kasi grade school hanggang college ay sa all girls school ako nag-aral kaya siguro napakahirap kong makisabay sa mga ganitong usapan tungkol sa sex. Hindi rin naman ako pala-alis ng bahay namin at mas gugustuhin kong magbasa na lang ng libro. At saka parang hindi tama kung ikukuwento ko sa iba ang tungkol sa aming mag-asawa dahil hindi lang isang simpleng tao si Eros. May pangalan din itong iniingatan.
Samantala, Eros felt pissed after seeing a picture of his wife in a tagged post on his social media account. Sienna was wearing a revealing yellow two-piece! Nasa tabing dagat ang kuha sa larawan kasama ang mga katrabaho nito. Ayaw pa man din niyang pinagpipyestahan ang katawan ng asawa kahit na nasa beach resort pa ito. Tulad ngayon, siguradong nandoon din ang mga abogadong nagtatrabaho sa law firm. Tiyak na tingin ang mga ito nang tingin sa katawan ng kaniyang asawa. Kung bakit ba kasi pinayagan niya itong mag-isa umalis? Hindi tuloy siya mapakali ngayon.
After having a boodle fight for dinner, Sienna and her co-workers were now inside a bar along the beachfront of the resort. Nirentahan ito ng kompanya para sa kanilang mga empleyado ngayong gabi. Sila lang ang nandoon at halos lahat ay nagkakasiyahan na. Sienna was having some me time when one of the attorneys from the law firm approached her.
"Hi, Sienna." It was Attorney David.
"Hi, Attorney," masayang bati ko rito matapos inumin ang hawak kong tequila. Kung hindi ako nagkakamali, nasa late twenties na itong si Attorney David at mas nauna itong magtrabaho sa law firm kaysa sa akin. I was with Sheryl a while ago with two of my other co-employees, but they left me and went to the dance floor.
"How are you? Enjoying the night? Buti hindi sumama si Gov dito."
"Busy siya sa trabaho sa kapitolyo," sagot ko at kahit ayain ko pa si Eros ay siguradong hindi rn ito sasama.
"Gano'n ba? So how's the feeling being the first lady of our province?"
Medyo nagulat ako kung bakit ganito ang tanong nito sa akin. Oo, nakikita ko si Attorney David sa opisina pero ito ang unang beses na in-approach niya ako tapos ganito pa ang tanong niya.
"Okay naman. Mabuting tao si Eros hindi lang sa mga nasasakupan niya kung hindi bilang asawa na din," may pagmamalaking sagot ko. Kahit na maiksing panahon pa lang kaming nagkakasama na mag-asawa ay alam kong mabuting tao ang pinakasalan ko. Halos araw-araw nga ay may nagbibigay ng mga gulay at prutas sa mansyon at galing ito sa mga magsasakang natulungan ni Eros, at ang mga ito pa nga ang personal na naghahatid ng mga 'yon sa kanila. Maliit lang daw na pasasalamat sa pinagawang irigasyon ng aking asawa dahil sobrang laki raw ang naitulong nito sa mga magsasaka sa aming lugar. Ang sabi naman ni Eros sa mga ito ay 'wag nang mag-abalang magbigay pa ng mga gulay o prutas sa kanila at sa halip ay ibenta na lang daw ng mga ito 'yon para may dagdag kita.
"But you're too young for Gov. Very young for him," sabi na naman ni Attorney David.
Teka. Bakit ganito siya magsalita sa akin? Akmang hahawakan ako nito sa pisngi nang bigla na lang ito tumumba sa sahig. Ano'ng nangyari? Agad kong tiningnan kung sino ang gumawa n'on. At nang mapag-sino ko ang sumuntok kay Attorney ay kinabahan na ako. Walang iba kung hindi ang asawa ko! Si Eros ay nandito!
Eros felt mad. Kanina pa siya nakikinig sa sinasabi ng abogadong nasa tabi ng kaniyang asawa. Namumukhaan niya ito. Isa ito sa abogadong nakakuwentuhan niya nang dalhan niya ang asawa ng napkin isang buwan na ang nakalipas sa pinapasukan ni Sienna. Pero sino ba ito para magsalita at magtanong ng ganoon sa asawa niya? Was he hitting on my wife? Abogado pa naman itong naturingan pero hindi alam kung saan dapat lumugar!
"Oh my God, Eros. Tama na!" I didn't know how I was going to stop my husband who was now beating Attorney David. Nobody was trying to intervene with my husband. Even Eros's bodyguards were just standing by. I knew someone was recording the incident, and I didn't want my husband's reputation to be ruined because of me.
"No one has the right to talk like that to my wife!" Muling sinipa sa tiyan ni Eros ang abogadong nakahandusay na sa sahig. Duguan na ito. He's drunk for sure pero hindi uubrang dahilan 'yon sa kaniya. Natigil lang siya sa ginagawa sa abogado nang hawakan na ni Sienna ang kaniyang kamay.
"I will make sure pagsisisihan mo itong gago ka," sabi pa ni Eros sa abogado na nilapitan na ng ilang tao na naroon. Then he held his wife's hand and went out of the bar. Buti na lang pala sinundan niya ang asawa rito sa Cebu. His wife was too innocent to be surrounded by an asshole like this guy!
"E-Eros, pakinggan mo muna ako. Wala akong kasalanan." Halos kaladkarin na ako nito kanina palabas ng bar. Nandoon pa din ang mga bodyguard niya na kasunod na namin. Baka kung ano na ang iniisip nito, baka isipin nito nagtataksil ako sa kaniya! Nagulat na lang ako nang mapunta kami sa tinutuluyan kong kuwarto sa hotel at kung paano niya nalaman ito ay hindi ko alam. Sinenyasan pa niya ang mga bodyguard na 'wag nang sumunod at dalawa na lang kaming pumasok sa loob ng kuwarto.
"I'm mad, Sienna. I'm mad! Sisiguraduhin kong pagsisisihan ng abogadong 'yon ang mga pinagsasabi niya sa 'yo," sabi ni Eros. Ano'ng pakialam ng abogadong 'yon kung malaki ang agwat ng edad nilang mag-asawa? Nanggagalaiti pa rin talaga siya hanggang ngayon sa galit at para tuloy gusto niya itong balikan at pagsusuntukin ulit.
"B-bakit ka sumunod dito sa C-Cebu?" tanong ko sa kaniya. Wala man lang akong na-receive na tawag o text na susunod pala siya rito. Natatakot ako. I could feel that my husband was really mad right now. Kung sa akin ba o kay Attorney David ay hindi ko alam.
"Bakit? Bawal ko ba sundan dito ang asawa ko? O baka naman gusto mo ang abogadong 'yon, ha, Sienna?"
"What? Hindi ko siya gusto, 'no! Kanina ko nga lang siya nakausap saka siya ang lumapit sa akin," sagot ko sa kaniya. Malay ko ba na kakausapin ako ni Attorney David kanina.
"Good. Dahil hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. You're mine, Sienna! Mine!" madiing sabi ni Eros. "Now fix your things and we will go back to Caspir."
Masama ang loob ko habang nag-eempake. Bakit parang ako pa ang masama? At wala bang tiwala sa akin si Eros para sabihin na may gusto ako sa abogadong 'yon? Pinahid ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata at mabilis na binitbit ang mga gamit ko palabas ng silid.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co