CHAPTER 08
Isang linggo. Isang linggo na simula nang maging malamig ang pakikitungo sa akin ni Eros magbuhat nang makabalik kami mula sa Cebu. Ilang beses ko na rin siyang tinangkang kausapin pero lagi niya akong iniiwasan. Ang pinagtataka ko lang ay bakit parang sa akin pa ito galit, samantalang wala naman akong kasalanan.
I was still working on the law firm. Akala ko nga sasabihin ni Eros na mag-resign ako matapos ang nangyaring insidente sa Cebu. Sa trabaho ko naman ay ilang araw ko na rin napapansin na iniiwasan ako ng mga katrabaho ko. Buti na lang nandiyan si Sheryl na nakakasama ko man lang kahit sa oras ng pagkain.
And about Attorney David, bigla itong nag-resign sa law firm. Hindi ko alam kung ang dahilan ba ay ang nangyari sa Cebu. At nagulat pa nga ako na ang mismong may-ari ng pinapasukan kong law firm na isa ring abogado ay personal na humingi ng paumanhin sa akin at kay Eros. Hinabol pa nga kami nito bago makasakay ng helicopter pauwi ng Burgos. Kasama rin kasi ang may-ari noong magbakasyon kami sa Cebu. Katakot-takot na paumanhin ang ginawa nito lalo na sa aking asawa.
Pero isa lang ang sinabi ni Eros, kakasuhan niya ang kung sino mang nag-video o mag-upload ng nangyari no'ng gabing 'yon sa Cebu. At gano'n nga ang nangyari. Walang napabalita sa mga nangyari no'ng gabing 'yon. At alam kong dahil 'yon sa banta ni Eros.
Jacinto Mansion.
"Magandang umaga po, Nanay Imelda," magalang na bati ko. Araw ngayon ng Sabado at wala akong pasok sa opisina.
"Halika na at mag-almusal ka na. Teka nga, matanong ko nga, Sienna. Kayo bang mag-asawa ay may hindi pagkakaunawaan? Bakit hindi kayo nag-papansinan na dalawa?"
Napahinto ako sa paghigop ng mainit na tsokolate sa tanong ng matanda. Maging ito pala ay napapansin 'yon.
"May kaunting tampuhan lang po, saka siya naman ang hindi ho namamansin." 'Yon naman kasi talaga ang totoo.
"Naku, lambingin mo ang asawa mo. Naikuwento niya sa akin ang nangyari sa Cebu. Tingin ko ay nagselos 'yang batang 'yan."
Nagselos? "Wala naman po siyang dapat ipagselos."
"Pero ganoon ang tingin ko. 'Pag nagkatampuhan kayo o 'di kaya may hindi pagkakaintindihan, ayusin niyo agad at 'wag niyo nang patagalin. Hala, sige, dalhan mo kaya ng tanghalian ang asawa mo sa kapitolyo?" sabi pa ng mayordoma.
Tama nga si Nanay Imelda. Dapat naming ayusin ang tampuhan naming mag-asawa. Ilang buwan pa nga lang kaming kasal pero ganito na agad. Tama! Lulutuan ko ito ng tanghalian.
"Sige po, Nanay Imelda. Magluluto ako ng ulam at dadalhin ko sa kapitolyo."
"O siya, sige. Madami namang stock diyan sa ref. Kung gusto mo ay tutulungan kitang maghanda."
"'Wag na po. Ako na po ang bahala." Matapos kong mag-agahan, naghanda na ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko. Magluluto ako ng kaldereta. Agad kong pinakuluan ang karne ng baka. Isa sa napansin ko ay pareho kami ni Eros na hindi mahilig kumain ng karneng baboy. Mas masustansya kasi nang 'di hamak ang baka kumpara sa karneng baboy.
Pasado alas diyes y medya na ng umaga ako natapos sa pagluluto. Agad akong naligo at nagbihis para magpahatid kay Mang Ricky sa kapitolyo. Sana magkausap na kami ni Eros. Gano'n naman talaga yata. May isang dapat magbababa ng pride at hindi kami puwedeng magpataasan ng ere. Kasi kung hindi ko siya kakausapin, baka abutin pa ng ilang araw ang hindi namin pagpapansinan.
"Ma'am S-Sienna?" bati sa akin ng isang babae na sumalubong sa labas ng opisina ni Eros. Nandito na ako ngayon sa kapitolyo, sa opisina ng aking asawa. Mukhang kilala ako nitong babae, ah.
"Hi! Nandiyan ba si Eros? Dinalhan ko kasi siya ng tanghalian," tanong ko.
"Nandiyan po Ma'am, pero mainit po ang ulo ni Boss. Kayo po pala ang asawa ni Gov. Magandang araw ho. Pero ayaw pong magpapasok sa loob ng asawa niyo, eh," sabi naman nito sa akin.
"Gano'n ba? Pagpasensyahan mo na lang siya. Puwede bang samahan mo ako sa kaniya?"
"Sige po, Ma'am. Walang pong problema."
Sinundan ko lang ito sa paglalakad. Luisa pala ang pangalan nito at ito pala ang sekretarya ni Eros. Ito ang unang beses na nakapunta ako rito sa kapitolyo mula nang magkakilala kami at makasal. Pero hindi ko tuloy maiwasang kabahan ngayon. What if Eros would get mad at me? Baka mamaya ay sigawan niya rin ako kapag nakita niya ako.
Kumatok muna si Luisa sa isang pintuan. Nasa pinakadulo pala ng isang pasilyo ang opisina ni Eros.
"Gov, nandito po pala si..."
"'Di ba sinabihan na kita kanina Luisa na ayaw ko ng istorbo? Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?" masungit na sabi ng gobernador.
"Pero kasi, Gov..." Hinila ko na lang ang kamay ni Luisa at sinenyasan ito na hayaan na lang. Bad mood nga ang asawa ko base sa boses nito. Baka si Luisa pa ang mapagbuntungan kapag nagpilit pa kami.
"Sige po, Gov. Pasensya na po." Maingat na sinara ni Luisa ang pintuang gawa sa narra at saka tiningnan si Sienna.
"Naku, Ma'am, sorry po talaga. Narinig niyo naman po ang sinabi ni Gov. Ayaw po talagang paistorbo."
"Oo, narinig ko nga. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa nangyari. Kakausapin ko na lang siya mamaya pagdating sa bahay."
"Sorry po talaga, Ma'am, pero sayang naman po ang niluto niyo. Tanghalian po ba 'yan ni Gov? Kung gusto niyo po, ako na lang ang magbibigay niyan mamaya sa kaniya 'pag lumabas siya," suhestiyon ni Luisa, para na rin hindi masayang ang pagpunta nito rito ngayon sa kapitolyo.
"'Wag na. Ikaw na lang ang kumain nito. May pera naman 'yang pambili si Eros ng pagkain niya." Nagdadalawang-isip pa si Luisa kung tanggapin ang inaabot kong pagkain. Pero bandang huli ay napilit ko rin ito.
"Sige po, Ma'am Sienna. Maraming salamat po. Nice meeting you din po pala, Ma'am!" sabi pa ni Luisa kay Sienna.
Masama ang loob ko na umuwi ng mansyon. Tinanong pa ako ni Nanay Imelda kung nagustuhan ba ni Eros ang luto ko pero binigyan ko lang ang matanda ng isang pilit na ngiti. Wala na rin akong ganang kumain kahit pa nagugutom na ako kanina. Dumeretso na lang ako sa kuwarto para matulog. Hindi ako natutuwa sa nararamdaman ko ngayon. Ako ang babae pero bakit ako pa yata ang manunuyo?
Eros felt hungry. Hindi nga pala siya nag-almusal kanina sa mansyon. It's almost twelve thirty in the afternoon. Siguradong nagtatanghalian na ang ibang empleyado niya. Lunch break mula alas dose ng tanghali hanggang ala una ng hapon. Pumasok pa rin siya kahit araw ng Sabado dahil may tinatapos siyang ilang file na kakailanganin ngayong katapusan ng buwan. Kung tutuusin, dapat nasa bahay lang talaga siya ngayon.
He's been acting like this for a few days. Iritable siya, and this was because of what happened in Cebu. Alam niyang mali na hindi niya pansinin ang asawa dahil kung tutuusin, wala naman talaga itong kasalanan. But jealousy ate him. Hindi niya maiwasang maisip na baka iwan siya ni Sienna at ipagpalit siya sa iba. His wife was young, innocent, sweet, and beautiful inside and out kaya tanga na lang ang hindi magkakagusto rito. O advance lang talaga siyang mag-isip? He shouldn't have treated her like that.
He went outside of his office. Kakain na lang muna siya sa restaurant sa harap ng kapitolyo. He's craving for some chicken inasal.
"G-gov, kain po." It's Luisa, his secretary. Yumuko pa ito matapos siyang ayaing kumain. He felt pity for her. Ilang beses niya nang nabulyawan ito mula kanina, hindi pa kasama ang mga nakaraang araw.
"What's that?" Ngayon niya lang yata ito nakitang nagbaon. Lagi kasi itong kumakain sa canteen sa loob ng kapitolyo.
"Kaldereta po, Gov. Dala po ito ng asawa niyo kanina," sagot naman ni Luisa na nilunok muna rin ang pagkain na nasa bibig.
Asawa? Did Sienna come here?
"Galing dito ang asawa ko?" puno ng pagtataka na tanong ng gobernador.
"Yes, Gov. 'Di ba po pumunta ako kanina sa office niyo? Kasama ko po si Ma'am Sienna kanina. Narinig niya po ang sinabi niyo na huwag kayong abalahin kaya umalis na rin po siya agad."
Damn. I'm doomed now!
"Mabait po pala si Ma'am Sienna. Maganda na, masarap pang magluto."
Dumako tuloy ang tingin ni Eros sa kinakain ng kaniyang sekretarya. So Sienna prepared lunch for me? Shit! At hindi niya man lang alam na pumunta pala ito rito. Ngayon, siguradong lagot na siya rito at baka nagsumbong na naman ito sa mayordoma nila!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co