Truyen3h.Co

The Governor

CHAPTER 09

Maribelatenta

It's almost 8 in the evening when Eros came home. Dumating kasi ang dalawa niyang kaibigan na sina Oscar at Micheal sa kapitolyo. Nahihiya naman siyang iwan na lang ang mga ito dahil galing pa ang dalawa sa Maynila. Hindi na nga siya sumama nang mag-aya ang mga ito na uminom sa bahay ni Gerald. He's so eager to go home. He couldn't wait to see his wife. Bumili pa nga siya ng bouquet of roses para peace offering sa asawa.


Jacinto Mansion.

Ang umaalingawngaw na boses ni Eros sa buong mansyon ang narinig. Nasaan ang asawa niya? Wala ito nang pumasok siya silid nila. He even checked the bathroom and the balcony but Sienna was not there! Iniwan na ba siya nito?

"Bakit ka ba sumisigaw na bata ka?" Ang humahangos na si Nanay Imelda ang biglang pumasok sa loob ng kuwarto.

"Nasaan po ang asawa ko? Nasaan si Sienna?" natatarantang tanong ni Eros.

"O ngayon hahanap-hanapin mo? Aba, ikaw na nga ang susuyuin kanina, ikaw pa ang galit. Alam mo bang nilutuan ka ng asawa mo kanina ng pang-tanghalian para dalhin sa 'yo? Pero ano'ng ginawa mong bata ka ha?" sermon ng mayordoma.

Nagkuwento siguro ang asawa niya rito. Eros felt guilty all of a sudden. Hindi naman niya puwedeng isisi sa kaniyang sekretarya ang nangyari. He interrupted her while talking. Pero nasaan na si Sienna?

"Nasaan na nga ho? Wala naman siya dito sa kuwarto namin maging sa ibaba."

"Iniwan ka na. Ang dami mo daw kasing arte. Siya ang babae, siya pa ang nanunuyo sa 'yo," balewalang sagot ni Nanay Imelda.

Iniwan? "What? Umalis ang asawa ko?" Tama ba ang narinig niya?

"Umuwi muna sa farm nila, nagpahatid kanina kay Ricky. Sunduin mo ang asawa mo doon at iuwi mo dito," sabi ng mayordoma sa huli.

Parang nabunutan ng tinik si Eros nang marinig ang sinabi nito. Talagang ipapahalughog niya ang buong probinsya kung sakaling iniwan nga siya ni Sienna. Siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan kung nilayasan siya ng asawa.

"Salamat, Nanay Imelda. Pupuntahan ko muna ang asawa ko. Susunduin ko muna siya," paalam ni Eros dito.

"O hala, sige. Ayusin niyo kung ano ang problema niyo, ha? Ipapahila talaga kita sa mga magulang mo kapag hindi mo naiuwi si Sienna dito," paalala pa ulit ng mayordoma.

"Sige po," magalang pa rin na sabi ni Eros. For real? Ipapahila? But his parents passed away already a few years ago.


Velasquez Farm.

Sienna was in the middle of her bed right now. Nakaligo na siya. Buti na lang madami pa siyang naiwan na damit dito sa bahay nila kaya hindi na rin siya nagdala galing sa mansyon ni Eros. She's reading a book now. Dito siya sa kanilang bahay nagpahatid kanina. Wala pa man din ang daddy niya ngayong gabi. Nagpunta pala ito sa bahay ng tita niya sa kasunod na baranggay. Dalawa na lang kasi ang mga ito na magkapatid at sobrang close pa. Kaya every weekend kung hindi ang daddy niya ang pupunta sa bahay ng kapatid nito, ang tita naman niya ang pupunta rito sa farm. And they would spend time together. Sa kaniya ay okay 'yon para hindi rin naiinip ang daddy niya.

She felt relaxed right now. She missed her room. Humupa na rin ang inis niya sa kaniyang asawa. Siguro nga kailangan pa nilang kilalanin nang husto ang isa't isa para mas maintindihan nila ang kani-kanilang ugali. Pero paano? They were not even talking until now. At siguro nga nakauwi na ito ngayon sa mansyon. Hahanapin kaya siya nito 'pag naabutang wala ako roon? Nasa pag-iisip siya ng mga bagay-bagay nang makarinig ng katok mula sa pinto.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko nang makita ko si Eros. Ito ang napagbuksan ko ng pinto. Parang kanina lang, iniisip ko kung hahanapin niya ba ako o hindi tapos heto na, nandito na siya. Dere-deretso itong pumasok sa loob ng kuwarto ko nang wala man lang pahintulot galing sa akin. Tingnan mo nga naman, oo.

"Let's talk. Bakit ka umalis ng bahay? You made me nervous knowing you're not there when I got home." Eros sat down on the wooden chair inside of the room. Siya na mismo ang nagmaneho patungo rito. Buti na lang gising pa ang mga kasambahay sa bahay ng kaniyang asawa kaya napagbuksan pa siya ng gate. Kung nagkataon, aakyatin talaga niya ang bakod ng mga Velasquez para lang magkausap sila ni Sienna. Wala rin pala rito ang kaniyang biyenan sabi ng kasambahay kanina. So his wife was hiding here from him then.

"Let's talk?" ulit ko sa sinabi niya. "Ayaw mo akong kausapin, 'di ba?" Nilapitan ko si Eros at pinamaywangan. Aba, ako naman ngayon ang magagalit dito!

"I-I'm sorry. I'm sorry for not talking to you these past few days. It was really my fault, I know," seryosong sabi ni Eros na medyo lumambot pa ang boses.

"Bakit ba kasi gano'n ang ginawa mo? Mas okay sana kung kakausapin mo ako at pag-uusapan natin kung ano ang problema, hindi 'yong bigla ka na lang ganiyan." Lumapit pa ako rito nang kaunti, ngaling-ngaling batukan ko sana, eh. Gusto kong malaman mula sa kaniya kung bakit hindi niya ako kinakausap. "Ano nga? Bakit hindi mo nga ako pinapansin? Tungkol pa din ba ito kay Attorney? Sinabi ko na sa 'yo na wala naman akong kasalanan, 'di ba?"

"I have my reasons." Tangina. Para itong imbestigador na nakapamaywang pa sa harap ko. Imbestigador na sexy! Sabi ni Eros sa sarili.

"E ano nga kasi 'yang reason reason na sinasabi mo?" Naiinis pa naman ako 'pag ganitong madaming pasikot-sikot na usapan. Mas gusto ko 'yong kinokompronta agad, eh.

Damn. Should I say I'm jealous? Na advance lang akong mag isip ng kung ano-ano? Hinila ni Eros ang kamay ni Sienna hanggang mapaupo ang asawa sa hita niya. He felt good suddenly. Na-miss niya na ganito ito kalapit sa kaniya.

"E-Eros..." Bakit ba ito nanghihila bigla? I was now sitting on his lap. Nasaan na ang pasigaw-sigaw effect mo, Sienna?

"Stay..." sabi ni Eros. Gusto kasi ng asawa niya na umalis sa pagkakakalong nito sa kaniya.

Hindi niya na talaga hahayaang makawala sa kaniya ito ngayon dahil kailangan talaga nilang mag-usap na mag-asawa. "I'm jealous, baby. So fucking jealous and scared at the same time. Natatakot ako na baka magkagusto ka sa iba. Seeing you with that bastard makes me feel mad," tukoy niya sa abogado. "They are right. You're too young for me. Ang daming nagsasabi sa akin ng ganoon na baka dumating 'yong araw na iwan mo ako at ayokong mangyari 'yon. I like you, Sienna. Baby... I like you. Tangina!"

He likes me... Tama ba ang pagkakarinig ko? And he's scared to loose me because I might replace him with some other guy? Was the governor admitting his feelings towards me now? Oh my God!

"You l-like me?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"Of course, I do like you. Sa tingin mo bakit ako mag papakasal sa 'yo kung wala naman pala akong gusto sa 'yo?"

"Talaga? Gusto mo ako? Hindi ba dahil gusto mo lang tulungan si Daddy? P-pero bakit a-ako?" Maisip ko lang ang mga nagkakagusto kay Eros ay parang nanliliit ako. Kaya bakit ako ang pinili nito kung madami naman itong pagpipilian na iba?

"I don't know. Noon pa man ay gusto na kita. I was mesmerized by your beauty. But you were young back then. So when your dad told me about his problem, I grabbed the opportunity. I will help him to pay his debts but in return, you will marry me," kuwento ni Eros kay Sienna. Gusto niyang malaman nito ang totoong saloobin niya. Pero hindi niya sasabihin dito na noon pa man ay pinagnanasaan niya na ito. She has a beautiful face, maamo at talaga namang kahalina-halina. Kaya nga hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nakipagkasundo sa ama nito nang hingian nga siya ng tulong. He's willing to get her in any way. By hook or by crook!

"And I don't really care if you like me too or what. As long as you're married to me and you're staying with me, that will be fine." Was this really me? My friends would tease me if ever they heard what I was saying right now.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Akala ko dahil lang gusto niyang tulungan si Daddy dahil nga magkaibigan ang mga magulang namin pero 'yon pala ay gusto niya ako!

"You can't escape from me, wife. I swear to God, you're mine... Mine alone..." sabi ni Eros na hindi na talaga papakawalan pa ang asawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co